49 // Complex Emotion
"You can only be jealous of someone who has something you think you ought to have yourself."
— Margaret Atwood
~ ~ ~
“What the hell’s happening?!”
Code red na ang nangyayari sa MyuSick. Nagkakagulo. Nagkandaloko-loko. Walang nang patutunguhan. Para bang nasa isang digmaan ang lahat—nagpapatayan gamit ang mamatalim na titig. Nagpapatayan gamit ang mga emosyong kinikimkim.
Hindi umuwi si Melo at isang linggo na ang nakakaraan nang magkaaway sila ni Note. Pagkarating ni Manager Lily mula sa meeting sa ibang bansa ay ito ang bumungad sa kanya. Buong akala ni Lily ay hindi na madadagdagan ang problema niya tungkol kay Note pero mukhang nagkamali siya. Maling mali. They tried calling tito Nel at tito Mel pero nagwala lang si Mela dahil nawawala ang kuya niya at baka nakidnap na ito.
“Kung ano man 'yang away niyo.” Isa-isang tiningnan ni Manager Lily ang bandang nasa harap. Kinikilatis ang bawat reaksyon ng mga ito. Tahimik lahat pero ninenerbyos. Tanging si Pitch lang ang walang pakielam dahil hindi naman siya kasali sa nangyayari. Kahit si Ces ay may kakaibang guilt na nararamdaman kahit dapat ay wala. “Tapusin niyo na.”
Manager Lily sighed. Stressful. It's hell. She planned on having a gig for MyuSick sa ibang bansa pero ito pa ang nangyari. All the meeting she had the past few days were wasted dahil sa mga personal na bagay na wala namang sumasagot kung ano o bakit.
Natapos na ang "meeting" turned "sermon" ni Manager Lily. Naunang umalis si Pitch. Palabas na rin sana si Lyric nang pigilan siya ni Manager Lily.
"We need to talk."
Nagtataka man si Ces ay lumabas na rin siya. Kakaiba ang mga tingin ni Manager Lily, tipong may gustong sabihin ngunit hindi sinasabi. May tinatago. . . pero kasama rin ba si Lyric sa sikretong iyon? Anong klaseng sikreto? Ganoon ba talaga ito katago at hindi nila pupwedeng malaman bilang banda?
And then there's Note. Ang lalaking isang linggo na ring nangungulit kay Ces tungkol sa "date." Paakyat na si Ces sa hagdan nang harangan siya ni Note. Ngiting ngiti ang binata sa kanya.
“Isang araw lang,” mahinang sabi nito.
Napatingin si Ces sa may Haven nang nakarinig siya ng pagbukas at sara ng pintuan. Ilang segundo lang ay naglakad si Lyric. Naguguluhan man ang dalaga sa sarili kung bakit pero pinapanalangin niyang sana pigilan ni Lyric si Note—na sana humadlang si Lyric. Na patigilin si Note sa kalokohan ng binata pero walang nangyari. Ni hindi nga tumingin si Lyric sa gawi nila at pumasok sa kusina.
Bumibigat ang loob ni Ces sa bawat segundong lumilipas. Ibinalik niya ang tingin kay Note na nagsalita muli. “Isang araw lang Ces, game?”
“Note. . .”
“Ayaw mo ba?” tanong ni Note.
"Excuse."
Sa isang salita, tila riot ang nangyari sa loob ni Ces. Nagwala ang puso niya nang dumaan si Lyric sa kanan nila ni Note. Umakyat ito. . . at tumungo sa rooftop. Pagbalik ng tingin ni Ces sa kausap, nakatitig sa kanya si Note na para siyang inaalisa.
Lumungkot ang seryosong mukha ni Note. "Kaya ba ayaw mo?" Natigilan si Ces. Kaagad siyang nakaramdam ng pangangalabit ng kunsensya nang magsimulang umakyat si Note nang dahan-dahan. Lugmok ito. Bagsak ang mga balikat. Tila may isang tolenadang dala-dala ang binata sa sobrang pagkadismaya. Nagulat na lamang si Ces sa sarili nang hinawakan niya ang t-shirt ni Note. Napatigil si Note ngunit hindi ito lumingon.
"Hmm?"
"Note. . . kasi. . ." Napapikit si Ces. Bakit ba kasi kailangan may mangyaring ganito? Bakit kailangan niyang mag-isip? Bakit kailangan niyang maguluhan? Bakit ba kailangan may ganito pang senaryo? Bakit ba siya pa?
"Okay lang." Hinawakan ni Note ang braso ni Ces. Nakatalikod pa rin ito sa dalaga. Inialis ni Note ang hawak sa kanya ni Ces. "Naiintindihan ko."
"H-Hindi!"
Humarap si Note sa kanya. Kitang kita ang pagtataka sa mukha ni Note. Hindi na naiintindihan ni Ces ang nangyayari. Ayaw niya. . . pero ayaw din niyang magalit sa kanya ang kaibigan. She's torn between everything. . . hirap na hirap siya. Ngunit sa isang iglap, sa isang paghakbang ng lalaki pababa mula sa rooftop ay kaagad nakapagsalita si Ces nang alam niyang pagsisisihan niya.
"Sige."
"Sige?" Lumawak ang ngiti ni Note sa sagot ng dalaga. Napangiti na lamang si Ces at napayuko hanggang sa marinig niya ang pagpasok ni Lyric sa loob ng kwarto nito.
* * *
Bakit nga ba siya pumayag? Gulong-gulo si Ces lalo na nang sabihin ni Note na sa sabado na mangyayari ang "date" na iyon. She panicked. Nakita niya ang sapatos ni Lyric. Hindi niya sinasadyang mapa"sige". . . Biglaan lang talaga. Hindi naman niya aakalain na hindi titingin si Lyric sa kanila. . . wait, what? Is she expecting Lyric to do something about her and Note? Sino ba siya para pigilan ni Lyric? May sarili siyang buhay. May sarili siyang utak. At kailangan niyang alalahanin ang pagpapaalam sa kanya nito. Pero buong akala niya ay nagpaalam si Lyric bilang "Mystery Texter", hindi lang siya handa nang magpapaalam din si "Lyric Yue" sa kanya.
Wala siyang magagawa roon. . . siguro she's hoping. Hoping na sana apektado si Lyric kay Note. Na sana may something na nararamdaman si Lyric for her. . . na magiging rason para huwag pumayag ito sa nangyayari. Sa halos isang linggong pangungulit ni Note sa dalaga, mukhang wala namang pakielam si Lyric. Siguro nga, nagpaalam na talaga ito sa kanya. For real.
May mali bang nagawa ang isang Pauline Flores? It's a good thing. . . pero bakit masakit?
Tulala si Ces sa tv. Nakahawak siya sa remote control at nakatingin sa television ngunit lutang na lutang ang kanyang isip. Noong umaga kasi ay nagkasabay sila ni Lyric sa pagbukas ng pintuan ng kwarto. They both stared at each other's eyes pero wala pang ilang segundo ay umiwas kaagad si Lyric. Nagmadali itong bumaba at mukhang may lalakarin. Kasama pa si Manager Lily. Wala rin si Note kaya naman sobrang tahimik ng bahay. Hindi na rin naman bago dahil isang linggo na ring tahimik ang bahay nila. May tao man o wala. Magkakasama man sila o hindi.
Ang dating masayang tahanan ng MyuSick, gumuho na lang bigla.
"Sayang kuryente." Napalingon si Ces nang marinig ang boses ni Pitch. Nagkakamot ito ng mata, mukhang kakagising lang kahit hapon na.
"Sorry," mahinang tugon ni Ces.
Umupo si Pitch sa kanyang tabi at kinuha ang remote control. Ito ang naglipat ng channel. "Itulog mo na lang 'yan."
Parehas na nakatingin ang dalawa sa screen ng TV. Si Pitch ay nanonood habang si Ces ay tahimik na nakatingin sa kawalan. Muling bumalik ang mga tanong sa kanyang utak. Tungkol kay Note. Tungkol kay Manager Lily. Tungkol kay Melo. Tungkol kay Lyric. Everything's too messed up. She wanted to help pero paano siya makakatulong kung wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari? At kailan pa siya natutong makielam sa ibang tao?
Since the day MyuSick arrived. . . since that day, doon lang niya naramdamang kailangan niyang makielam. MyuSick ang nagbigay sa kanya ng dahilan para mabuhay. And this is the reason why she needs to fix everything.
"Pitch—" Hindi pa naitutuloy ni Ces ang sasabihin nang tumayo ang binata at hinagis sa sofa ang remote. Bago pa umalis ay tumingin muna si Pitch sa kanya. Nagulat siya nang ngumiti ito.
"Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo itatanong."
That was it. Kahit kakaunti lang ang sinasabi ni Pitch ay punong puno ito ng sense. That made Ces clear her mind at gawin ang nararapat. Iisa-isahin niya ang mga taong malapit sa kanya para matapos na ito. Dahil takot siya kay Manager Lily, hindi niya kakayaning makausap si Lyric, at wala si Melo ay kahit naiilang, naghanap siya ng tyempo para makausap ng masinsinan si Note.
It was thursday afternoon nang humarap sa kanya si Note na nanliliit ang mata. Pinagmasdan ng binata si Ces. Hindi kasi mapakali si Ces. Kung nasaan si Note, nandoon din si Ces. It's like a never ending cycle at nawiweirduhan na si Note. Niyugyog ng binata ang balikat ni Ces. "Sino ka at nasaan ang kaibigan ko?!"
Ngumiti si Ces.
"Creepy," kumento ng binata. "Iniistalk mo ba ako? Anong trip mo?"
Ikaw, anong trip mo? Gusto sana ibalik ni Ces ang tanong sa kanya ng kaibigan ngunit natawa siya ng kaunti. Kahit papaano, naramdaman niya ang gaan ng atmosphere nila ni Note. Siguro dahil dalawa lang sila. Siguro dahil wala si Lyric. . .teka, Lyric na naman ba? Bumuntong hininga si Ces at pinagmasdan si Note. Nawawala na ang mga sugat at pasa ng binata sa mukha.
"Anong tinatawa-tawa mo d'yan? Nababaliw ka na?"
Hindi na pinatagal ni Ces ang gustong itanong. She knew people around her needs someone to talk to. Alam niya ang pakiramdam na may kinikimkim sa loob. Alam niya kung gaano kahirap ang may tinatago. It's like a bomb. A time bomb that'll explode once it's time is up. Walang kasiguraduhan. Walang nakakaalam lalo na kung nakatago ang oras. Sasabog ito at unti-unting papatay sa pagkatao. Siguradong maraming madadamay sa pagsabog na iyon. She knew that feeling very well. . . at ayaw niyang mangyari iyon sa mga taong mahahalaga sa kanya kaya diniretso na niya si Note. "Anong nangyari sa'yo?"
Note's body stiffened. Napatigil din ito sa pag-inom ng juice sa narinig. Note stared at Ces. Nawala ang ngiti ni Ces at ganoon din kay Note. Muling bumalik ang mabigat na aura ng pag-uusap nila.
"Anong anong nangyari sa akin?" kunot noong tanong ni Note.
Yumuko si Ces at tinitigan ang dalawa niyang kamay na nilalaro. "Mga sugat. Pasa. Yung dugo. . ." Iniangat ni Ces ang tingin at tinitigan sa mata si Note. Searching for an answer in his eyes. Nadismaya ang dalaga dahil hindi niya mabasa kung ano ang mayroon kay Note. Tila pinipigilan ng binata ang kahit na sinoo upang pasukin ang kanyang pagkatao. But that won't change Ces' mind. She want to do this. She needs to be a friend. "Sino 'yung lalaki?"
Ibinaba ni Note ang baso ng juice na hawak. "Anong lalaki?"
"Sa studio."
Kitang kita ni Ces ang pagkagulat ni Note. That hit something. Base sa reaksyon ni Note ay mayroong something sa lalaking kinwelyuhan ng binata. Malaki rin ang tsansya na kaya lutang si Note sa studio ay dahil may sumasagabal sa pag-iisip ng binata.
"Hindi lahat ng bagay, dapat malaman." Palabas na sana si Note ng kusina nang tumayo kaagad si Ces at hinawakan sa braso ang kaibigan. Nagkatinginan muli silang dalawa ngunit iniwas ni Note ang tingin sa dalaga. Pinipilit niyang alisin ang hawak sa kanya ngunit natigilan ito sa pagsasalita ni Ces.
"Muntikan ka nang bawian. . ."
Napapikit si Note. Humugot ito ng malalim na paghinga saka ito tumingin sa dalaga habang nakangiti. "Hindi naman ako namatay, hindi ba?"
"Bakit?"
"Kasalanan ko," bulong nito.
"Kasalanan?"
Inialis ni Note ang kamay ni Ces na nakahawak sa braso nito. Ipinatong nito ang kamay sa ulo ni Ces at lalong nilawakan ang ngiti sa labi. "Basta, sa sabado ah? Date." Nagpaalam ito at nagmadaling umakyat papuntang kwarto.
Mission failed.
Gabi na at nahiga si Ces sa kanyang kama. Nagpapapalo siya sa kanyang kama dahil naiistress at nafufrustrate siya. Lalong nagulo ang utak niya sa mga sinabi ni Note. So there's something wrong. Mayroon talaga. Hindi na ito maikakaila pero walang siyang magawa. Gustong niyang manuntok. Gustong niyang sumigaw. Naiinis siya sa sarili dahil ngayon lang niya naramdaman kung gaano siya kawalang kwenta sa buhay ng mga taong kinikilala niyang pamilya. And then she sighed. Ito ata ang unang pagkakataong nafrustrate siya sa mga nangyayari. Walang siyang magawa. . . at naiinis siyang wala siyang magawa.
The day before the so-called ‘date’ na pinilit ni Note, nagulat si Ces nang bumukas ang gate ng residence nila. Lyric came across her mind dahil umalis ang binata ngunit nadismaya ito ng kaunti nang hindi si Lyric ang nakita. Nawala rin naman kaagad ang dismayang naramdaman nang makita niya ang kabandang matagal na nawala. Kaagad siyang lumabas ng bahay at niyakap ng sobrang hipit ang kaibigan.
“Aw Ces, grabe. Namiss mo ako kaagad?”
“Ikaw kasi. . .” Ibinaon ni Ces ang mukha sa dibdib ni Melo. “Huwag ka na umalis.”
Hinawakan ni Melo ang ulo ni Ces at ngumiti. “Oo na, hindi na ako aalis.”
Dumiretso ang dalawa sa sofa upang magrelax. Masayang masaya si Ces dahil nakita niyang muli si Melo. Pinagmasdan ng dalaga ang kaibigan. Walang nagbago rito. . . except one thing: ang ngiti ni Melo.
“Saan ka nagpunta?”
Ngumiti si Melo. . . nasasaktan si Ces dahil sa ngiti na nakikita niya sa kaibigan “Sa malayo.”
“Dahil ba sa. . ." She almost whispered the last word. "away?”
“Hindi." Huminga nang malalim si Melo. Tumingin ito sa paligid. Pinagmamasdanan ang bawat sulok ng bahay na matagal niyang hindi inuwian. Ibinalik ni Melo ang tingin kay Ces. "Dahil sa sarili ko rin.”
Napakunot ang noo ni Ces. Ito na naman. . . ang misteryo ng kanyang mga kaibigan. “B-Bakit?”
Huminga nang malalim si Melo. Ngumiti siya kay Ces—lalong nalungkot si Ces dahil hindi umaabot ang ngiti ni Melo sa puso. Hanggang labi lang. Hanggang pakitang tao lang.
“Kailangan ko itigil eh.”
Natigil ang pag-uusap nila nang magring ang telepono ng kanilang bahay. Tumayo si Ces at sasagutin na sana ang telepono nang magulat siya sa kamay na biglang kumuha ng receiver. Pagtingin ay nagulat siya kay Manager Lily. . . ni hindi niya ito napansin na malapit sa kanya.
Nakatingin si Manager Lily kay Ces habang kausap ang tumawag.
"Yes speaking," sagot ni Manager Lily. Pause. "Okay, I'll call you back as soon as he gets back." Binaba ni Manager Lily ang telepono at pinagsabihan si Ces. "Huwag mong sasagutin ang kahit na anong phone call, okay?"
Nagtaka si Ces sa utos ng Manager. Sabay naman silang napatingin ni Manager Lily nang tumikhim si Melo sa may sofa. Mula sa bored look ni Manager Lily ay nagulat ito. Matapos magulat ng ilang segundo ay kumunot ang noo nito, nagtagpo ang dalawang kilay at tiningnan ng masama si Melo.
"Oh, babalik ka pala?" sarkastikong sabi ni Manager Lily. "Pinalitan na kita."
Nagulat si Ces sa narinig. "Manager?"
"OA nito," kumento ni Manager Lily. Medyo nasaktan ng kaunti si Ces. Medyo lang dahil siguro nga napasobra ang gulat niya. It's just that, hindi siya handang iwan o maiwan ang kahit isa sa MyuSick. "Ikaw Melo." Tiningnan ni Lily ang gitaristang halos dalawang linggong nawala. "Linisin mo ang bahay."
"Ano?!" Pagrereklamo ni Melo.
Napangiti si Ces dahil unti-unting gumagaan ang kanyang pakiramdam. Nakikita na niya ang pagngiti ng mga mata ni Melo. Ramdam din niya na natutuwa rin si Manager Lily sa presensya ng gitarista. Unti-unting nakikita ni Ces ang maliit na liwanag mula sa sobrang dilim na usok noong nakaraan.
"Rereklamo ka pa?" Napaangat ng tingin ang tatlong nasa sala nang marinig ang boses ni Note. Sa second floor, nakangising nakatingin si Note sa kanila. Specifically kay Melo. "Parusa 'yan sa pagsuntok mo sa akin. Gago ka."
Lumawak ang ngiti ni Melo nang bumaba si Note at ginawa nila ang "secret" handshake nilang dalawa. Nagtawanan ang dalawa. Walang isang salita. Tawanan lang. . . at napapatawa na rin si Ces sa nakikitang senaryo. Ang gaan sa pakiramdam. Naluluha si Ces sa sobrang saya na nararamdaman niya. Ang napaka laki at bigat na bato na nakapatong sa kanyang puso ay tila iniangat kaya't nakakahinga na siya nang maluwag.
"Tapos na ba kayo sa reuniting party niyo?" Sabay-sabay napatingin sila Ces, Note at Melo kay Manager Lily. "MAGLINIS NA KAYO!" Sigaw ni Manager Lily.
Kaagad kumilos ang dalawang gitarista. Reklamo pa nang reklamo si Note dahil hindi naman siya dapat kasali sa paglilinis pero dahil bros forever ang dalawa, kahit papaano. . . masaya si Note kahit nakakatamad maglinis.
Masaya si Note dahil nandyan na ulit si Melo. Masaya si Melo dahil okay na sila ni Note. Masaya si Ces dahil masaya na ang dalawa niyang kaibigan. Masaya si Manager Lily dahil nakaganti na rin siya sa wakas sa dalawang kumag na nagpaistress sa kanya ng sobra. Kahit si Pitch na nanonood mula sa second floor ay napapangiti sa senaryo. Sayang lang at wala si Lyric upang masaksihan ang lahat.
* * *
Natuloy ang "date" ni Note at Ces. Suportado pa nga si Melo. Cheer nang cheer at magpicture pa sila para raw remembrace. Napapangiwi na lamang si Ces. Kung ano man ang kalokohan na naiisip ni Note, alam niyang hindi ito makakatulong. Lalo na at joined force na ang Melo at Note tandem.
Well, atleast everyone's happy again. . . right?
Maangas ang porma ni Note sa kanyang black fitted pants at white simple shirt. Nakastuds bracelet din with matching necklace. Nagwax din ito ng buhok. Mukhang mabango tingnan. . . at natawa si Ces dahil nagpapakagentleman din si Note. Medyo hindi bagay.
Pagkarating sa mall, nagjacket na ang dalawa upang hindi makilala ng mga tao. Sa hindi malamang kadahilanan, bumilis ang tibok ng puso ni Ces. Why would her heart beat fast? May mangyayari ba? May makikita ba siyang hindi dapat? It's as if her heart is warning her.
"Enjoy mo lang." Napatingin si Ces kay Note. Tumingala pa ang dalaga dahil sa tangkad ng binata. "Kunwari hindi ako 'to."
Ngumiti si Ces. Nagulat na lamang ang dalaga nang makita niya sandali sa utak ang ngiting matagal na niyang gusto makita muli. Unti-unting nabubuo ang mukha ng lalaking iyon sa kanyang isip. Natigil lamang si Ces nang ipatong ni Note ang kamay sa ulo niya. Nagkunwari pa itong nasasaktan.
"Ouch, mukhang inimagine ngang hindi ako ang kadate!"
Napatakip ng mukha si Ces gamit ang dalawang kamay. She mentally slapped herself. Ano bang problema niya?! She tried to relax. Tiningnan ni Ces ang kasama na diretso lang ang tingin. Nagseryoso ang mukha ng binata. Nawala ang ngiti sa mga labi nito. Napapansin din niya na mukhang may hinahanap si Note.
Kahit alam niyang walang matinong sagot na makukuha, out of curiosity, she asked. “Bakit?”
Mukhang nabalik sa sarili si Note. Mukhang malalim ang iniisip ng binata. Lalong napatunayan ni Ces na hindi dapat mangyari ang date na ito dahil sa inaakto ni Note. Tiningnan ng binata si Ces. Nagtataka. “Anong bakit?”
“Bakit may ganito?”
Napansin ni Ces na parami nang parami ang mga tao sa nilalakaran nila. Nagulat siya nang akbayan siya ni Note at inilapit siya sa katawan ng binata. Hindi siya makahinga dahil ito ang unang pagkakataon na maging ganito kaaggresive si Note. Nagwawala ang puso at utak niya. Pakiramdam niya ay maling mali itong ginagawa nila—pero bakit mali?
Nagulat at natigilan si Ces nang halikan siya ni Note sa ulo at bumulong, “kailangan mo nang malaman.”
Magtatanong pa sana si Ces nang makarinig siya ng isang pamilyar na boses ng babae. Pagtingin sa kanan, nakita niya si Erich na kasama si Lyric. Pinagkakaguluhan ng mga tao. Nngiting ngiti si Erich habang nagpapasalamat. . . ang daming kumukuha ng kanilang picture. Nakita rin niya ang manager ni Erich na nasa isang tabi at nakangiti. Pero nang tingnan niya si Lyric, kinabahan siya nang makita ang mga mata ng binata na nakatingin sa kanya—sa kanila—sa kanilang dalawa ni Note—at ganoon pa ang pwesto.
♪♫ Selos, ang bigat ng 'yong dala
Napatingin si Ces kay Note nang kumanta ito. Nagpupumilit lumayo si Ces sa akbay ni Note ngunit humigpit ang hawak sa kanya ng binata. Nagtataka siya sa kung anong ginagawa ni Note o kung ano ang iniisip nito. Nginitian lamang siya ng kaibigan.
Inaya siya ni Note para umalis—lumayo. Pumayag siya kaagad dahil hindi ata kakayanin ng sarili niyang makita sila Erich at Lyric na magkasama—nang wala namang shooting. Tapos na ang independent film. Editing na lang—so bakit magkasama ang mga iyon? For publicity’s sake? Pero wala namang nakaschedule na advertising sa malls. Ano 'yun, nagdedate sila?
Hindi pwede. Kaagad na sagot ni Ces sa sariling iniisip.Wait. Anong pinagsasasabi niya? Ano bang iniisip niya? Mali 'yun! Ikaw ang hindi pwede, Ces. Pagpilit ng dalaga sa sariling kokote. Mas mabuting sila na lang. Kakailanganin na ata niyang iuntog ang sariling ulo sa pader upang matauhan na hindi dapat siya mag-isip o makaramdam ng kahit na anong malapit doon. Sa pakiramdam na iyon.
“Grabe! Ang gwapo ni Lyric!”
Pinilit ni Ces na huwag lumingon sa mga nagkakagulo.
“Ang ganda mo po ate Erich!”
Pinilit niyang huwag makinig. Pinilit niyang huwag pansinin ang lahat.
“Emerghed bagay kayo!”
Halos tumigil ang pagtibok ng puso ni Ces sa narinig. Kaagad siyang kumapit kay Note na ikinabigla ng binata. Ngumisi lamang si Note sa reaksyon ni Ces. Kitang kita sa mukha ni Ces ang dismaya. Note tried to joke pero walang epekto.
Wala sa katinuan at lutang si Ces nang kumain sila ni Note. Umiling-iling na lamang ang binata habang tumitingin sa cellphone na para bang may inaantay. Ilang minuto lang ay napangiti si Note nang tumunog ang phone. Kaagad niyang inaya si Ces palabas ng restaurant, palabas ng mall at papasok sa isang bar malapit sa mall. Pagkapasok, napaka dilim ng paligid ngunit natigilan ang dalaga nang makita ang lalaking nasa stage, may hawak na gitara at pakanta na. . . si Lyric.
“Ano ba tong. . .”
Ngumiti si Note at tinanggal ang jacket na suot. “Soundtrip tayo.”
Naghihilahan ang dalawa dahil gusto umupo ni Note sa harap, malapit sa stage habang si Ces ay gusto sa pinaka likuran. Ayaw niyang magkita sila ni Lyric—teka, ayaw niyang makita siya ni Lyric! Ayaw niyang makita siyang kasama niya si Note—but why? Hindi na siya tinigilan ng tanong na bakit. Hindi rin niya alam kung gusto ba niyang makita si Lyric na kumakanta o hindi. Gulong gulo na talaga siya. Nag-hatakan lang sila hanggang napatigil si Ces nang magsimulang kumanta si Lyric.
♪♫ The drugs begin to peak, a smile of joy arrives in me
Napaupo si Ces sa isang bakanteng upuan ng wala oras. Nang marinig ang boses ng binata ay para siyang natense. Parang may kumukuryente sa kanyang pagkatao—a good one? No. It’s more like. . . nasasaktan siya. Nasasaktan siya lalo na't wrong move ang pag-upo sa inuupuan niya ngayon dahil nasa harap niya ang likuran ni Erich. Isang metro lang ang layo.
♪♫ But sedation changes to panic and nausea
And breath starts to shorten, and heartbeats pound softer
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Ces. Hindi ito nakakatulong dahil sumasakit ang kanyang dibdib. Sumasakit ang kanyang pagkatao. Sumasakit dahil unti unti na niyang nararamdaman ang dapat hindi maramdaman. Sa tuwing naririnig niya ang boses ni Lyric ang nararamdaman niya ang sakit. Sa tuwing kumakanta ang binata ay nahihirapan siya sa paghinga.
Patayo na sana si Ces nang pigilan siya ni Note, hawak ang kanyang braso. It's a torture. Pinipira-piraso ang pagkatao ni Ces sa bawat segundong nilalagi niya sa bar. Nagkatinginan sila ni Note—seryoso lang ang tingin sa kanya ng binata. She tried to communicate with her eyes. She tried talking to Note, telling him na nahihirapan na siya pero Note just smiled at her.
♪♫ You won't try to save me
You just want to hurt me
And leave me desperate
Ces heaved a sigh. Pinipilit niya ang sarili na makinig. Mag-enjoy man lang habang nakayuko pero hindi niya kinakaya. She needs to stop listening. It’s like every lyric, every line, itinutusok ni Lyric ang lahat ng dapat na sakit. Na ipinapaalala ng bawat liriko ang katangahan niya.
“Umalis na tayo.”
Hindi siya pinansin ni Note at nag order pa ito ng drinks. Kahit ayaw niya ay naririnig niya ang napaka gandang boses ni Lyric. Ang napaka gandang boses ni Lyric na hinihiling niya na sanay ay tumigil na sa pagkanta. . . dahil kinukuha ng boses ni Lyric ang kanyang puso. Binibihag na nang binata ang kanyang pagkatao. Ikakamatay niya ito.
♪♫ You taught my heart a sense I never knew I had
I can't forget the times that I was
Nilakasan ni Ces ang kanyang loob at tumingin sa likuran ni Erich. She need to fight back. She can control herself. Napasimangot si Ces nang makita ang obvious na kilig ni Erich kay Lyric. Pagtingin niya sa stage, diretso lang ang tingin ng binata. Nakatingin ito sa kawalan.
Bumigat ang kanyang loob. Bakit ba siya nakakaramdam ng sakit? Bakit kailangan niyang masaktan? Para saan?! No way, hindi siya nasasaktan. It’s just that. . . the lyrics of the song is too painful to bear. Oo, ganoon lamang. The lyrics are just too painful. That's it.
♪♫ Lost and depressed from the awful truth
Nakita ni Ces ang pagtingin ni Lyric sa parte ni Erich. Napapikit siya at nagbilang ng ilang segundo para lang iwasan kung ano man ang dapat na iwasan makita. Pagkadilat, muntikan nang mabitawan ni Ces ang basong hawak hawak.
♪♫ How do you do it?
Nagtama ang mga mata nila ni Lyric. Natigil sa pagkanta ang binata, tila nagulat sa presensya ni Ces. Nagtaka ang mga taong nakikinig sa pagtigil ng vocalist. Lumunok si Lyric at tinitigan nang maigi si Ces bago sabihin ang linya ng kanta. Isang pabulong na pagkanta without any guitar or strumming to accompany the lyrics.
♪♫ You're my heroine
It’s like he whispered those words in Ces’ ears. A lullaby that kills Ces from the inside. Kinilabutan si Ces sa kung gaano kaganda ang pagkakabigkas ni Lyric sa liriko. Nagsimula ulit magstrum si Lyric at kumanta ngunit hindi na naiintindihan ng dalaga. Nawala na siya sa katinuan. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi pwede. Hindi talaga pwede ngunit alam niyang malapit na malapit na.
Nagulat siya nang hawakan siya ni Note sa pisngi. Hindi niya masyadong maaninag ang mata ni Note dahil sa dilim ng bar. Kinabahan siya nang mapansing papalapit nang papalapit ang mukha ng binata sa kanya.
“Pumikit ka. . .”
Nagtaka si Ces. Natigilan. Hindi siya makapagsalita o makapagreact. Hindi niya maitulak si Note dahil nakakaramdam siya ng panghihina. Ramdam na ramdam niya ang paghinga ni Note. Kaunting kaunti na lamang ay magdadampi na ang labi nila sa isa't isa. She tried protesting pero may tiwala siya kay Note. . . pero anong kalokohan ito?!
“Ayaw kong makita mo 'to.”
Nagulat si Ces nang may sumuntok sa mukha ni Note. Nagsigawan ang mga tao sa loob ng bar nang bumagsak ang table nila. Nabasag ang mga baso na sumabay sa pwersa ng pagkabagsak ni Note. Napatayo si Ces ngunit ramdam na ramdam niya ang panginginig ng kanyang tuhod. Napahawak siya sa kanyang bibig. Kitang kita ni Ces ang pagkabigla ni Note. Kitang kita rin niya ang galit sa mukha ni Lyric.
“OMG Lyric!” Kumapit si Erich kay Lyric upang pigilan ang binata. Napatingin si Erich kay Ces. Nagkatinginan ang dalawang dalaga. . . at para bang pinapatay si Ces nang makita ang kamay ni Erich na nakahawak sa braso ni Lyric. “Ces. . ahh! Teka." Bago pa matuloy ni Erich ang sasabihin ay hinawakan na ni Lyric ang kamay ni Erich at umalis ng bar.
Hinawakan ni Lyric ang kamay ni Erich.
May mga taong tumulong kay Note. Tumayo si Note at tila ba hindi nakaramdam ng sakit. Para bang nakatulog siya sandali at kakagising lang mula sa napaka gandang panaginip. Lumapit si Note kay Ces na nakatayo at walang imik. Seryoso ang mukha ni Note nang ipatong ang kamay sa ulo ni Ces.
“Bakit mo tiningnan?” Tinakpan ng mainit na palad ni Note ang kanyang mga mata. “Pasensya na, namiscalculate ko 'yung layo.”
Pumikit si Ces at hinayaang takpan ni Note ang kanyang mga mata. Humugot ang dalaga ng malalim na hininga nang mapagtantong nagpipigil siya ng hininga. Kahit ilang segundo lang nagtagal ay hindi nawala sa isip ni Ces ang kamay ni Lyric at Erich na magkahawak na lumabas ng bar. She could still feel a small sharp-pointed that injected her heart with pain when Erich smiled.
Hindi na niya namalayan. . . tumulo na ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ito maaari.
~ ~ ~
Author's Note:
Malapit naaaa! Sorry kung nagiging boring na siya hahaha <////3 Pwede naman na kayo mag give up sa pagbabasa, pramis. . . boring din sa mga susunod hanggang ending :( !!!! Anyway, salamat sa mga nagbabasa ng TTLS!
Chapter dedicated to chubbyzea_19! May nakapagsabi kasi sa akin (ehem sielle_24 ehem) na birthday daw ni zea na kaibigan niya. So kailangan lang natin bigyan credit itong si sielle dahil nag effort pa siyang mag PM para raw mapasaya si Zea. Jusko po. Ako? Magpapasaya dahil sa pag greet lang?! NAKOOOO mukhang malabo! But anyway, kaya siguro napasulat ako kaagad ng chapter ay para may magamit ako bilang regalo. . . lahat talaga ng bagay may purpose. Hahahahappy birthday (belated) chubbyzeaaa! Thank you for reading and supporting and liking and commenting :D
PS: LIKE NIYO PILOSOPOTASYA PAGE! (click external link) or visit: fb.com/plsptsya yaaay salamat :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top