48 // Synesthesia Sensation

"Maybe there's something you're afraid to say, or someone you're afraid to love, or somewhere you're afraid to go. It's gonna hurt. It's gonna hurt because it matters."
— John Green

~ ~ ~

Ces versus death.

Hindi na mahalaga kung anong klaseng ‘death’ ang kinakalaban ni Ces. One way or another, it’s still death. Kamatayan. Maging maliit na bata man ang itsura nito, may mapula mang mga mata, lumulutang man o nakasayad sa lupa ang paa—it’s still death. Kahit saan siya magpunta, kahit saan siya magtago—kahit gaano niya itanggi ang lahat. . . nilalapitan pa rin siya nito.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa set noon. Nakakabingi ang mga sigawan ng mga tao. Hindi magkandaugaga ang lahat. Ces was expecting to be crashed. . . kahit ayaw niya, tanggap niya. Nagkamali siya. Hindi niya sinasadya. Siguro tama nga na walang emosyon ang mga kamatayan—ang gusto lang naman nila ay kaluluwa—they won’t be a nice guy for her. No. Never. After all, hindi naman nagpakitang mababait nga ang Kamatayan sa kanya. They’re just fair. . . ata? Fair nga bang maitatawag ito kung gusto na kaagad kuhanin ng kamatayan ang buhay niya?

But then, bago pa maramdaman ni Ces ang napaka init na ilaw para pumaso at malaglag sa kanya ay nakarinig siya ng napaka lakas na ingay mula sa kanan. Hindi pa rin siya dumidilat ngunit napaupo siya sa stage, nanginginig, natatakot. Maraming nagsigawan—rinig na rinig niya ang mga boses ng mga kabanda hanggang sa lumapit ang mga ito sa kanya at niyakap siya.

“Ces, okay ka lang?!”

Pagdilat ni Ces, una niyang nakita ang mata ni Note na sobrang nag-aalala sa kanya. Doon lang niya naramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi siya sumagot bagkus, tumingin siya sa taas—wala na si Boss. Pagtingin niya sa kanan, doon niya nakita ang pagbagsak ng lightings—wasak na wasak. Imagining herself under those lightings scared her to death.

Nabaling ang tingin ni Ces sa lalaking nakatayo hindi man sobrang lapit ngunit may distansya sa kanya—halatang natigilan at nagulat sa lahat. Kita rin niya ang bilis ng paghinga ng binata. Nag-alala si Lyric ngunit hindi niya nagampanan ang pagiging 'life saver'. Napuno ng tao sa paligid ni Ces habang pinapaupo siya. . . nakatulala. Hindi masyadong nagsisink in ang lahat sa kanya habang salita nang salita ang mga tao sa paligid. Sa mga pangaral ni Manager Lily sa kanya, ang mga sinasabi ni Erich na nahimatay pa sandali sa braso ni Lyric.

Second time. It’s the second time na muntikan na siyang bawian ng buhay. Ano bang trip ng kamatayan? Warning ba ito? But for what?! She’s not inlove, for pete’s sake. She’s just. . . scared. Oo tama. Takot siyang may gawing kagagahan si Erich sa kabanda niya. . . sa kaibigan niya. . . kay Lyric.

Nagpasalamat si Ces sa crew na humila ng isang tali para mabago ang direksyon ng lightings. Nagpasalamat ang buong banda kay Direk J. Humingi ng paumanhin ang buong produksyon. All was well. Hindi na rin inungkat ang lahat. It’s an accident. Hindi naman nila inaakalang masisira ang cord kaya bumagsak ang lightings. It’s no one’s fault. Well, except for Ces dahil binabagabag siya ng pangyayaring iyon.

Pagkauwi ay hindi mawala ang tingin ni Ces sa kisame. Hindi niya mapatigil ang bilis ng tibok ng puso dahil sa nangyari. It’s terrifying. Kung dati-rati, handang handa na siya. Ngayon, kahit masugatan ay hindi niya maisip mangyari sa kanya. Not now that she’s happy. Not now na kasama na niya ang pamilya niyang hindi niya kadugo. Ayaw niyang mawala sa piling ng MyuSick. Kahit makukulit, magugulo at masusungit ang mga ito paminsan-minsan—kahit nakakatakot si Manager Lily, hindi niya kayang mawalay sa mga iyon.

Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Ces nang tumunog ang kanyang cellphone. Halos magwala ang puso niya nang makita kung sinong tumatawag. Mystery Texter.

Matagal na simula nang magparamdam si ‘Mystery Texter’. . . ni hindi nga ito bumati noong Christmas. Hindi naman sa nag hihintay siya ng text nito—ang weird lang dahil hindi naman alam ni Mystery Texter na kilala na ito ng dalaga kaya nagtataka rin siya kung bakit ito biglang tumigil.

Agad sinagot ni Ces ang tawag. Hindi siya nagsalita—kinakabahan siya. Wala ring nagsasalita sa kabilang linya ngunit naririnig niya ang pag gigitara nito. Isang mahinang pag-iistrum. Tumingin siya sa pintuan ng kanyang kwarto kahit hindi niya nakikita si Lyric ay alam niyang nasa kabilang kwarto lang ang binata. Nag gigitara.

Pumikit siya habang nakikinig. Napapakunot ng kaunti ang noo niya. Alam niya ang tonong ito—alam niyang narinig na niya iyon ngunit saan? Nilibot ni Ces ang kanyang utak—hinanap kung saan niya narinig ang musikang iyon. . . but she failed. Hindi siya mapakali. . . alam niya ang tonong 'yun! Alam na alam niya. . .pero saan niya narinig ito? Is it a new song? An old one? Hindi niya talaga maalala.

Napatigil si Ces sa pag-iisip nang tumigil sa pag gigitara ang nasa kabilang linya. Tumahimik sandali ang dalawa. Akala nga niya ay ibababa na ni Mystery Texter ang tawag ngunit nagsalita ito. His voice made Ces' heart pound harder.

“Prinsesa.”

Ayan na naman ang term na 'yan. Napapikit si Ces at huminga nang malalim. Isang salita lang ay grabe na ang epekto sa kanya—lalo na at alam niya kung kanino ito nanggaling.

“Kamusta?”

Hindi alam ni Ces kung sasagot siya. Sinubukan niyang magsalita ngunit hindi niya magawa. Wala siyang lakas. . . tila ba kinukuha ng tawag na iyon ang lahat ng kanyang lakas.

“Huwag ka na sumagot,” mahinang sabi ng lalaking nasa kabilang linya. Habang patagal nang patagal, doon lang narealize ni Ces na boses nga iyon ni Lyric. It’s 100 percent Lyric. Doon lang niya narealize na ganito pala talaga ang boses ni Lyric sa phone—napaka gwapo. Ang tahimik. Nakakarelax. “Pasensya na kung ngayon lang ako nagparamdam. Ang tagal na rin, hindi ba?” Natawa ng kaunti si Lyric—este si Mystery Texter kaya napangiti si Ces. Doon lang niya narealize kung gaano kasaya pakinggan ng tawa ng binata. “Tumawag ako dahil. . .”

Hinihintay ni Ces ang susunod na sasabihin ng lalaki sa kabilang linya. Hindi na siya mapakali. Gustong gusto niyang magsalita. Gusto niyang sabihin na kilala na niya siya ngunit may pumipigil sa kanya—baka kasi lumayo si Lyric. At hindi niya kaya 'yun.

“Gusto ko magpaalam.”

“Ha?” automatic na sagot ni Ces without thinking. Nakarinig siya ng buntong hininga sa kabilang linya. Nanlalaki ang mga mata ni Ces habang nakatingin sa kawalan. Waiting for an answer. Waiting for some explanation.

“Paalam, Prinsesa.”

Bago pa makapagsalita si Ces, agad na binaba ng binata ang tawag. She tried calling him pero out of reach ito kaagad. Nakarinig siya ng pagbukas at pagsara ng pintuan—sa kwarto ni Lyric.

Bumuntong hininga siya. Hindi niya akalain na ganito na ang epekto sa kanya ni Mystery Texter.

* * *

Matagal-tagal na rin ang lumipas simula nung huling pag-uusap nila Ces at Lyric—as them. A week after Mystery Texter called, hindi na talaga ito nagparamdam.  Hindi rin sila nagkikita dahil laging wala si Lyric for recording para sa independent film. Kakatapos lang din ng dalaga mag record ng boses para roon. Normal na ulit ang lahat—but what does normal means? Melo. . . always joking around. For example, noong time na bagot na bagot sila at walang magawa ay bigla itong nagsalita.

“May dalawang donut,” panimula ng binata habang nakatingin lang sa kanya si Note at Ces. “Si Mama donut at Baby donut. Isang araw, umakyat si baby donut sa puno. Anong sabi ni mama donut?”

Nagtataka man sila Note at Ces, they tried answering. Nawiweirduhan na rin sila kay Melo dahil tawa ito nang tawa kahit wala namang nakakatawa. Ilang minutong sagutan at tawanan ang nangyari bago magsiret ang dalawa.

“Anak! Bavarian!”

Natahimik sandali ang tatlo sabay tawa ni Melo. Agad naman siyang binatukan ni Note. “Takte. Ang korni mo!”

No comment naman si Ces. After all, she has no humor. Hindi niya nagets ang joke.

Hindi nagpapigil si Melo dahil nagbigay pa siya ng isa pang joke.

“Eh 'yung chinito, alam niyo?”

Sumagot muna si Note, “yung mga hayop na katulad mo. Singkit na maputi.”

“Gago ka," diretsong sabi ni Melo. Natawa ng kaunti si Note. "Hindi.”

Si Ces ang sumunod, “kanta ni Yeng?”

Lumawak ang ngiti ni Melo. “Hindi! Ito 'yung kapag may tumawag sa phone, sinagot mo. ‘Hello, chinito?’”

Natahimik muli ang lahat—normal nang lalong maasar si Note ngunit hindi normal na biglang natawa si Ces. Laking tuwa ni Melo nang tumawa si Ces sa kanyang joke ngunit napasimangot nang biglang tumigil si Ces at nakapoker face na nagsalita.

“Huwag mo na uulitin 'yan.”

It was the first time. . . the very first time that Ces broke Melo’s heart into tiny little pieces.

Napatigil lang ang kanilang kwentuhan at tawanan nang magring ang telepono ng bahay. Agad nagseryoso si Note at siya ang sumagot. Pagkasagot sa phone ay nawala ang pagkaseryoso nito at nakita ni Ces ang pagtataka sa mukha ni Note.

"He's not here," sabi ng binata sa kausap sa phone. Mataman itong nakatingin kay Ces habang kausap ang taong nasa phone. Sa hindi malamang kadahilanan, nakaramdam ng kakaibang takot ang dalaga sa mga tingin na iyon. "Yeah, sure."

* * *

Second normal ay si Manager Lily. For some odd reason, mas naging mahigpit ito (normal lang 'yun) at pinaalis ang mga maids nila. Bakit? Manager Lily forced MyuSick to clean their house. Hindi na kasi natututo. Puro na lang daw kalat (again, it’s normal). Todo reklamo sila Melo at Note habang si Pitch ay walang imik.

Speaking of Pitch. . . abala ito sa mga lakad. Kung hindi ito nakikitang magbasa habang hindi nagpapractice ng songs, wala ito sa bahay. Ganoon din si Note—well, si Note ang isa sa mga hindi normal sa lahat. Bumabalik na kasi ulit ang misteryosong Note. . . ang lalaking umaga aalis ngunit gabi babalik na may mga matang nakakatakot.

Normal ang lahat sa MyuSick. . . pero nawala ang pagkanormal nang mag-announce si Manager Lily. Ngiting ngiti pa ito (hindi ito normal).

“TV Guesting?!” nanlalaking mga mata nila Note at Melo.

Kasalukuyan silang nasa Haven. Wala si Lyric dahil busy pa rin ito sa recording. Apat na myembro lang ng MyuSick ang nandoon plus Manager. Nakaupo ang apat sa sofa na katapat ng table ni Lily. Si Manager Lily ay nakatayo sa harap ng mga ito.

“Yes, kasama si Lyric.”

“Pero Manager.” Nagkamot ng noo si Note. “Hindi ba banned si Lyric sa TV? Wala pang six months ah?”

Ngumiti ng malawak si Manager Lily na siyang dahilan upang kilabutan sina Melo at Note.

“Sabi ko sa inyo. . . that independent film will do good.”

May napansin si Ces na kakaiba sa reaksyon ni Note. Parang nagtataka ang mukha ng binata. Nagtatanong. May gustong alamin. Nabaling ang kanyang atensyon nang magsalita si Melo.

“Pero Manager, may tanong ako!” Nagtaas ng kamay si Melo as if he’s in a school waiting for his teacher to call him. Hindi na sana siya papansinin ni Manager Lily kung hindi lang ito tumayo at lumapit sa Manager. Nagpapapansin.

“Ano?! Sabihin mo na at nasasayang ang oras ko!” iritang iritang sabi ni Manager Lily.

Sumimangot ng kaunti si Melo ngunit ngumiti rin ng malawak. “Anong past tense ng Mcdo?”

Tinitigan ni Manager Lily si Melo—not willing to answer his question. Tumalikod na si Manager at inaayos na ang mga papeles sa kanyang desk nang nagsalita muli si Melo.

“Eh di, Mcdid.”

Kumunot ang noo ni Manager Lily, “get out! Now!”

* * *

Kung mothers know best, Manager Lily knows everything. Alam na ni Manager Lily ang lahat simula umpisa. Tama ang idea niyang paartehin si Lyric. Tama ang idea niyang mapasama ang buong MyuSick sa independent film. Kung dati ay aayaw pa ang media sa kanila—ngayon, nag-uunahan na ang media para mainterview ang buong MyuSick. Alam niya—lalo na at si J. Marie ang direktor—ay maaayos ang lahat ng gusot. She’s damned smart. Hindi siya isang Manager for nothing, right?

And so, nasa isang sofang mahaba ngayon ang MyuSick—nakaupo habang nakangiti sa camera. Nasa sariling upuan sa kanan ang host—sa mahabang sofa ay sila Lyric na malapit sa host, Note, Melo, Ces at Pitch. Iniinterview ng isa sa mga batikang tv host sa isang batikang istasyon. Sobrang proud ni Manager Lily na nakaupo sa front row ng audience. Napapangiti rin siya dahil MyuSick never fails to entertain the viewers. . . hindi sila peke. Pinapakita ng MyuSick kung sino talaga sila—well, that’s what Manager Lily said. Be yourself—not just too much para walang intriga. Nakakabobo rin kasi minsan ang issues.

“So ang next question.” Tumingin ang host sa kanyang cue card at medyo natawa pa ito bago magsalita. “Kung nasa elevator kayo ng crush niyo. Kayong dalawa lang at lumobo ang sipon mo, anong gagawin mo?”

Unang tinanong ng sagot ay si Pitch. “Bababa sa next floor.”

Natatawa si Lyric nang siya ang sumagot. “Magpapakamatay ako sa harap niya mismo!”

Si Ces ay natatawa lang kaya hindi na siya nakasagot. But Melo’s and Note’s answers are the most epic ones.

Marami ang natawa nang sumagot si Melo nang, “sasabihin ko sa kanya, ‘bakit? Hindi ba uso babols ngayon?’”

Lalong natawa ang lahat nang si Note na ang nagsalita. “No words. Just tears. Manly tears, pare.”

Marami pa ang tawanan. Enjoy na enjoy ang lahat pati na ang studio audience. Hindi na rin kinailangan magpatawa ng host dahil MyuSick na ang gumagawa noon. Pagkatapos ng commercial, inanyayahan si Lyric upang kumanta. He easily obliged. Accompanied with Melo as the back up guitarist, pumunta sila sa maliit na stage ng studio at nagsimulang kumanta.

♪♫ Save your smile,
Everything fades through time
I'm lost for words,
Endlessly waiting for you

Napatitig si Ces sa isang monitor na katapat ng inuupuan niya. Hindi siya makatingin kay Lyric ngunit nakatitig siya sa monitor na nakatapat sa mukha ni Lyric.

♪♫ Stay with me
Yes I know, this cannot be
As morning comes,
I'll say goodbye to you when I'm done
Through the sun...

Nagpipigil siya ng hininga. Kung bakit ay hindi niya alam. Sobrang ganda talaga ng boses ng binata. Sobrang nakakagaan sa loob. Nakakawala ng problema. Ganoon ang epekto ng boses ni Lyric sa kanya. It’s as if he’s lullaby-ing her to safeness.

♪♫ Because I've waiting for you, Waiting for this
Dream to come true, just to be with you.

Tumigil panandalian ang tibok ng puso ni Ces nang tumingin sa kanya si Lyric. Wait, no. Hindi nakatingin sa kanya ang binata. Sa camera ito nakatingin. Hindi sa kanya. But his eyes takes her away. Makapigil hininga ang titig ng binata sa kanya—sa screen. Sa mga taong nanonood sa kanila ngayon.

♪♫ And if die, remember this line,
I'm always here, guarding your life...
Guarding your life...

Wala nang naiisip si Ces. Nablangko na siya. Lahat ng nasa utak niya ay lumipad na't iniwan siya. Ang alam lang niya ay nakikinig siya sa boses ng kanyang kabanda. Oo tama, kabanda. Kabanda lang.

♪ ♫ I am yours
I'm completely trapped in your soul
Dazed and confused
Swept away with your own world.

Yumuko si Ces at tinigil ang pakikipagtitigan sa mata ni Lyric habang nakatingin sa monitor. Hindi na niya alam kung normal pa ba itong nararamdaman niya—thinking na sana siya lang ang tinitingnan ng binata. Hoping na sana, hindi ito magpaalam sa kanya. Hindi tulad ng ginawang pagpapaalam ni Mystery Texter. And by that goodbye. . . para saan iyon?

♪♫ You're my star
Invincible, haunting and far
Grace under fire
Someone is building my heart, in my heart...

“Bakit ka nakayuko?” Napatingin si Ces kay Pitch na nakatingin sa kanya. Kaagad siyang umayos ng upo ngunit napansin ni Pitch na iniiwasan ng dalaga ang pagtingin sa monitor. “Ayaw mo siyang tingnan?”

“P-Pitch. . .” bulong ni Ces. Pinipigilan ang mga susunod pang sasabihin ng katabi. Natatakot siyang baka marinig sila ng lahat. Alam niyang hindi naka ON ang mic nila but still—wait, ano ang kinakatakot niya?

Nginisian lamang siya ni Pitch.

♪♫ Because I've waiting for you, Waiting for this
Dream to come true, just to be with you.
And if die, remember this lines,
I'm always here, guarding you

Unti-unting tumingin sa monitor ang dalaga. Napahinga siya nang malalim nang mapansin ang nakapikit na mata ni Lyric. Good. That’s good. Hindi na ata niya kayang makipagtitigan sa mata ng kabanda sa monitor. Ikamamatay na talaga niya ito.

Ngunit nagulat si Ces nang dumilat ang mata ni Lyric—at tila ba nakikipagtitigan sa kanya ang binata. It’s as if walang monitor. Walang camera. Walang audience. Parang silang dalawa lang ang nakikita ng isa't isa.

♪♫ Slowly falling into you

Bumibigat ang bawat paghinga ni Ces sa bawat lirikong kinakanta ni Lyric.

♪♫ I'm obsessed with the fact that I'm with you.

Sumasabay pa ang napaka gandang melodiya na ibinibigay ni Melo gamit ang pag gigitara.

♪♫ I can't breathe without you...

It was perfect. The song. The voice. The music. It’s too damned perfect na kinakatakot na ito ni Ces. Kinakatakot niyang mahulog siya sa pagkaperpekto ng musika.

Nagpalakpakan ang lahat nang matapos ang performance nila Melo at Lyric. Tuwang tuwa ang host at ilang ulit sinabing napaka ganda sa pandinig ng boses ni Lyric.

“Really, sobrang ganda ng performance niyo.”

“Salamat.”

“Pero tell me, 'yung kanta kasi. . .” ngiting ngiti ang host. “Para kanino 'yun?”

Nagulat si Lyric sa tanong. Natatawa lamang si Melo. Tulala si Note, mukhang malalim ang iniisip. Si Pitch ay nakikinig lang ngunit si Ces. . . ang puso ni Ces ay tumalon palayo sa kanya. Mukhang mas nagulat pa kaysa kay Lyric.

“P-Po?” hindi makapaniwalang reaksyon ni Lyric.

“Para kanino ang kanta? I mean, it’s like—you’re falling for someone, hindi ba?” tanong ng host sa audience. Tumango-tango ang lahat. May mga sumigaw din na fangirls ng MyuSick. Napahawak ng mahigpit si Ces sa kanyang panyo nang magtanong muli ang host. “Who’s the lucky girl?”

Naghiyawan ang mga kababaihan sa loob ng studio. May mga nagchachant din na sabihin na ni Lyric kung sino. Hiyang tawa ang pinalabas ni Lyric dahil hindi siya makapagsalita. Sobrang bilis naman ng tibok ng puso ni Ces—lalo na't nakikita niya ang sarili na nakaupo kasama ang MyuSick sa monitor na nasa harapan.

For some odd reason, napatingin si Lyric sa gawi nila—then their eyes met. Wala pang ilang segundo ay umiwas ng tingin si Ces, busied herself. Piniling bigyang atensyon ang kanyang panyo kaysa kay Lyric. Huminga siya nang malalim at pumikit.

“Siya ba 'yung partner mo sa independent film niyong “Life” directed by J.Marie?” Natawa ng kaunti ang host. “Oh, napalibreng endorse pa.”

Napadilat si Ces at tumingin sa host. Ngiting ngiti ang host habang nagulat naman si Lyric.

“Partner?”

Lalong lumawak ang ngiti ng host. “Yes! Si Erich Gaile!” Natahimik ang lahat. “Hala, nagblush si Lyric, ang cute!”

Kinulit pa siya ng host. Nagtanong pa nga ito kung bagay ba si Erich at Lyric sa MyuSick—no comment si Pitch, tawa naman ang sinagot ni Note habang sinasabing “alam na niya 'yun”, si Melo naman ay may “pwidi. Piru dipindi” habang si Ces. . . kahit nagsusumigaw ang sarili niyang hindi, napasabi na lamang siya ng “kung gusto nila isa't isa, babagay sila.” Kaplastican. Well, totoo naman talaga. Kahit sa mga love stories na nababasa niya, kahit against all odds ang lahat, kung gusto nila isa't isa. Why not? Eh kung iyon ang tinitibok ng puso nila. . . bakit hindi?

Natigilan si Ces. . . hindi kaya ito ang dahilan kaya nagpapaalam si Mystery Texter?

Natapos ang lahat interview after another thirty minutes. Kumanta rin si Ces with Note as back up guitarist at Pitch for beat box. Kulitan lang din ang nangyari—gustong ungkatin ang mga buhay nila ngunit hindi sila masyadong nagsalita. Pagkatapos na pagkatapos ng interview ay kaagad umalis si Note—nagpaalam na siya na lang ang uuwi mag-isa. Hindi napalampas sa mata ni Ces ang lalaking hinablot ni Note bago ito tuluyang umalis. May kung ano pang sinabi si Note, tila bumulong. Pupuntahan niya sana ang kabanda nang dumami ang mga staff, crews at audience ang lumapit sa kanya at nagpapicture. 

Pagkauwi ng gabi, nagkanya-kanya ang MyuSick sa pag-aayos ng sarili para magpahinga. Pasado alas dose na nang madaling araw ay wala pa rin si Note. Nang mag-ala una, narinig nila ang napaka lakas na kalampag sa gate ng kanilang bahay. Kaagad silang bumaba at tiningnan kung anong nangyari—and they were all shock to see Note. Bloody as hell.

Nagmadali ang lahat upang isugod sa ospital si Note. Kitang kita ni Ces ang pagkataranta ng lahat—ang pagmamadali ni Melo sa pagdadrive, ang pagtawag ni Manager Lily sa kung sino man upang makatulong sa kanila. Kahit si Pitch ay kitang kita ang pag-aalala sa kaibigan habang pasulyap-sulyap. Tahimik lamang si Lyric, binabantayan ng tingin si Note habang nakasandal ang ulo ni Note sa hita ni Ces.

“Bilisan mo, Melo!”

“Oo putek, eto na nga!”

Halos lumipad na ang van nila sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Melo. Mabuti na lang ay madaling araw na kaya wala nang masyadong sasakyang sasagabal. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa ospital.

Naiwan sila sa waiting room habang nagmamadali ang mga nars at doktor para gamutin si Note. Bugbog sarado ang mukha nito—nangingitim ang paligid ng dalawang mata ni Note. May mga sugat din ito sa mukha na mukhang sinugutan gamit ang matatalim na bagay: bubog o kutsilyo. Sa braso ay puno rin ito ng pasa at sugat. Ang damit ng binata ay pinaghalong dugo, pawis at lupa.

“Nakipag-away ba si Note?!” Halos pasigaw na tanong ni Manager Lily ngunit walang sumasagot.

Nakaupo ang lahat. Ang pinaka kalmado ay si Pitch. Si Lyric ay nag-aalala. Hindi mawala sa isip ni Ces ang lalaking kasama ni Note sa studio. She's feeling guilty. Gusto niyang sabihin ngunit alam niyang dapat si Note ang magsabi sa kanila. Wala siyang karapatan panghimasukan kung ano man ang nangyayari sa kaibigan. She sighed in defeat habang pinipigilan ang sarili sa pagluha. Tulala si Melo. . . hindi nagsasalita, hindi kumikibo. . . tila hindi na rin ito humihinga. Hindi makapaniwala na nangyari ito sa matuturing niyang matalik na kaibigan. Sinong gago ang gagawa ng ganito kay Note? Sinong walanghiya ang bubugbog at halos patayin ang kabanda nila?

Hindi nawala ang pangamba ng MyuSick hanggang sa lumabas ang doktor upang ibalita na wala na si Note—este wala na ang mga dugong bumalot sa katawan ng binata at okay na ito. Nakatamo lang ito ng napaka raming physical injury kaya nanghihina. Kaunting pahinga lang ay okay na ang binata.

Ilang araw lang ay nakauwi na si Note sa kanilang bahay. Hindi ito nagsasalita kahit gaano pa siya sinigawan ni Manager Lily. Wala itong sinabing kahit ano tungkol sa nangyari sa kanya kaya wala na ring nagawa ang Manager. Masaya na rin sila dahil okay na si Note—after two weeks, nakakalakad na rin ng maayos si Note. Magaling na ang ilang sugat niya at nawawala na rin ang pangingitim ng kanyang mga mata nang magulat si Ces isang gabi sa sigaw na narinig mula sa kwarto nila Note at Melo. Malakas ang loob nilang magsigawan dahil wala si Manager Lily for a meeting in Hongkong.

Napatingala si Ces upang tingnan ang second floor dahil nakaupo siya sa sofa. Binuksan ni Note ang pintuan ng kwarto nila at kitang kita ang galit nito sa mukha.

“Kung makaasta ka parang mas malala ka pa sa babae!” Napatayo si Ces dahil akala niya ay nagbibiruan lang ang dalawa. Ngunit sa nakikita niya ngayon—malayo sa biruan ang nangyayari. “Pare, magkaibigan tayo! Hindi tayo magboyfriend!”

“Gago ka!”

“Melo!” Nagmadaling umakyat si Ces. Nagulat siya nang suntukin ni Melo si Note sa mukha. Papalapit pa lang siya ay dumating na si Lyric at Pitch upang harangan ang dalawang kabanda.

“Paksyet  ka talaga! Hayop ka.” Pilit kumakawala ni Melo sa hawak ni Pitch sa kanya. Ganoon din si Note sa hawak ni Lyric.  “Dadagdagan ko pa 'yang mga sugat mo!”

Hindi makakilos si Ces dahil naguguluhan na siya sa mga nangyayari—kung ano man ang nangyayari sa kanila. Wala na siyang maintindihan. Nagsimulang magsagutan sila Note at Lyric.

“Huwag kang makielam sa akin!”

“Umayos ka,” mahinang tugon ni Lyric.

"Ikaw ang umayos Lyric, may—" Naputol ang sasabihin ni Note nang sumigaw muli si Melo.

“Kung gusto mong mamatay! Ako pa papatay sa'yo!” Muling nagsagutan sila Melo at Note—kitang kita na rin ang pagkairita sa itsura ni Lyric lalo na't sumusobra na rin ang pagkagago ni Note. Kita rin ang hirap sa mukha ni Pitch upang hadlangan si Melo sa pagsugod kay Note.

“Tama na. . .” mahinang bulong ni Ces. Nararamdaman niya ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi. Hindi siya makapaniwalang nag-aaway ngayon sila Melo at Note. Si Note at Melo na madalas magkasama—madalas niyang nakakausap at nakakakulitan. Ang dalawang lalaking nagpapatawa sa kanya ay magkaaway. Hindi siya napapansin ng mga kasama ngunit huminahon na si Melo.

“Tangina.” Tinulak ni Melo si Pitch upang kumawala. Bago bumaba ay tinulak din ng binata si Note kaya natumba ito.

“Takte ka ah!”

"Tama na, Note!" Pagpigil ni Lyric sa kaibigan. Nagpupumiglas pa ang gitarista sa hawak ng bokalista.

Tiningnan ni Melo si Note. Tiningnan niya ang kaibigan na para bang nandidiri itong nakikita niya ang lalaki. Ngunit may dalawang emosyon na kitang kita sa mukha ni Melo—lungkot at sakit. Bumaba si Melo ng hagdan at diretsong lumabas ng bahay. Hindi nila narinig ang kotse ngunit narinig nila ang malakas na pagkalampag ng gate. Susundan na sana ni Ces si Melo ngunit hinawakan sa balikat ni Note para pigilan. Gamit ang malalim at seryosong boses, nagsalita ito.

“Teka, Ces.”

Paglingon ni Ces kay Note ay kaagad siyang kinabahan sa tingin ng kabanda. Naging seryoso ang aura ni Note—halos hindi siya makahinga sa tingin nito. Nanlaki ang mga mata niya nang ibinuka ng binata ang bibig at nagsalita. Napatingin si Ces kay Lyric sandali, waiting for a reaction, ngunit pag-iwas lang ng tingin ang nakuha niya rito. Nagkuyom din ito ng kamao.

Bumalik ang atensyon ni Ces kay Note nang hawakan ng binata ang kanyang mukha upang iharap. Akala niya ay nabingi siya ngunit hindi—walang problema ang kanyang tainga. Walang diperensya ang kanyang pandinig. Totoo ang naririnig niya lalo na't inulit ito ni Note—ngunit bakit?

“Okay lang bang magdate tayo?”

Bakit Note?

~ ~ ~
Author's Note:
Namiss ko magsulat kaya sinulat ko itong chapter na ito. Guys, HAPPY 1 MILLION READS SA ATIN! Kinikilig ako sa suporta niyo kahit ang daming silent readers hahahaha. Thank yooouu for supporting and reading TTLS. Sana hindi pa kayo magsawa sa dami ng twist (kung twist pa rin bang matatawag ang mga ito o lokohan na lang) at pasensya na kung maraming typos at mali. 6am na natapos eh :(

This chapter is dedicated to majikath!! Bakit sa kanya? Kasi sobrang cute niya! Sobrang cute ng pagmamahal niya kay Melo Dy! Please, basahin niyo ang poem na ginawa niya for Melo! (Click External Link) at tingnan niyo ang photo sa kanan --> Yan ang "ilan" (meaning marami pa) sa mga tweets niya tungkol kay Melo, Note, at sa MyuSick in general. Sobrang cute lang na nakukyutan siya kay Melo. Hi Kath! Salamaaaatttt sa epic reactions! Sana macute-an ka pa rin kay Melo kahit nangyari ito sa kanila ni Note ♥ ♥ ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top