47 // Denying the Undenied

"The thing about denial is that it doesn't feel like denial when it's going on."
— Georgina Kleege

~ ~ ~

Looking at Lyle, Ces got nervous. Hindi dahil mahal pa rin niya ito. Wala na siyang nararamdaman sa binata. Lahat ng emosyon. . .galit, sakit, lungkot at saya na binigay sa kanya ni Lyle ay iniwan na niya sa suntok na binigay niya sa binata.

Ngayon, kinakabahan siya. Bakit? Hindi rin niya alam pero nang makita niya ang mukha ni Lyle, nag-iba ito. Nagmature ng kaunti ang mukha ni Lyle sa matagal na pananahimik. Seryoso ang mukha. Hindi niya alam kung bakit nandito ang taong ito ngunit hindi na siya nakakaramdam ng kahit na anong inis. . .well, pwera na lang sa dalawang katabi niyang gitarista na mukhang nanggagalaiti sa galit.

Nagwawala pa rin si Leah. Nagkakagulo ang ibang babae pero ang ilan ay pasimpleng dumidikit sa MyuSick.

“Ohmygash Sam, katabi ko si Note!” mahinang sigaw ng isang babae na nasa likuran nila Note, Melo at Ces. Nakaupo ngunit patayo-tayo dahil sa excitement.

Natawa si Sam at hinila ang kaibigan palayo kay Note. “Ano ka ba Rya, may dramatic scene na nangyayari. Huwag muna si Note! Tara kay Melo!”

Binatukan ni Rya ang kaibigan. Natawa silang dalawa at tinuon na lamang ang tingin sa eksenang nagaganap.

Muling bumalik ang atensyon ni Ces kay Lyle. Kinuha ng binata pulang tsinelas na may hello kitty design. Nagulat ang lahat nang patigilin ni Lyle ang mga lalaki para ilabas si Leah. Seryoso ito. Hindi rin nagmamadali ang kilos niya. He was like taking his time. . . wala ring nakikitang kahit na anong emosyon si Ces sa mukha ng dating kasintahan.

Hindi mapigilan ni Ces ang sarili na mamangha nang lumuhod si Lyle sa tapat nni Leah. Nanlaki ang mata ni Leah. Hindi makapaniwala na nasa harapan nito ang lalaking kinamumuhian. Sinira kasi ni Lyle ang mundo ng paborito niyang banda at hindi niya ito mapapatawad. Kahit kailan.

“Huwag! Huwag mong hawakan paa ko! Ipapaputol ko 'yan!” Natawa sila Melo at Note. Nagpapapadyak si Leah at kumakawala sa hawak ng dalawang naglalakihang lalaki sa kanyang braso. Nagulat siya nang pagsipa niya ay natamaan ang kabuuan ng mukha ni Lyle.

“Fuck!”

Napaatras si Leah pati na ang mga lalaking nakahawak sa kanya. Napahawak sa bibig si Ces. Hinawakan ni Lyle ang mukha nito. . . no! Not his precious face. Hindi pupwedeng sipain na lang ng isang kutong lupa ang kanyang pagmumukha. People die because of his face. People kneel before him just to see his face and yet. . . isang Leah lang ang makakasipa sa mukha niya?!

“H-Hala!” Hindi na mapakali si Leah. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin dahil nagtatalo ang pagkainis niya kay Lyle at ang moral niyang hindi siya dapat manakit ng tao—except kay Lyle. Dahil sa totoo lang, gustong gusto niyang sagasaan ng pison si Lyle ngunit tumitiklop ito ngayong nasa harapan na niya ang pinaka kinaiinisan. “Kasi! Lumayo ka nga sa akin!”

“Shut up.”

Natigilan ang lahat ng tao. Nawala ang ingay ng paligid. Hinawakan ni Lyle ang paa ni Leah at sinuot ang tsinelas ng dalaga. Bagay na bagay sa paa ni Leah ang kanyang tsinelas. Red yet very playful ang dating dahil sa design nitong hello kitty. Kumalabog ang dibdib ni Ces sa nadatnan. Tila ba tumigil ang lahat ng bagay at natuon ang atensyon niya sa dalawa.

The two sparked in front of Ces na tila ba nagkaroon pa ng liwanag, paru-paro at mga bulaklak sa paligid. Ngiting ngiti siya habang nakatingin sa dalawa—one doesn’t like the other and one who doesn’t know the other. And yet, they're together. They're making a scene. A prince and princess scene. Just like in fairy tales.

Hindi maialis ni Ces ang tingin sa dalawa. Nakanganga si Leah nang tumayo si Lyle. Magkatitigan ang dalawa sandali at napangiti si Ces dahil dito.  Naaalala niya kung gaano kagentleman noon si Lyle sa kanya. Naaalala niya kung paano siya tinulungan nito nang madapa siya sa cafeteria.

And seeing Leah and Lyle in front of her, she believed that maybe—maybe Lyle Yuzon is a real prince charming after all. A twisted prince, maybe?

Natigil sa pag-iisip si Ces nang magsalita si Note. “Bumait ang gago?”

“Okay, scene’s over! Pwedeng pakiayos na ulit ang mga sarili?!” pagsigaw ng assistant director sa buong set.

* * *

Ilang linggo nang nagshushoot si Lyric at mukhang nakikiepal na rin ang MyuSick dahil madalas na silang contact-in ng production upang makasama kahit extra lang. Hindi na rin muling nagpakita si Lyle—kahit si Leah ay hindi na rin nakikita as extra. Hindi rin nag-usap sila Lyle at Ces. Walang nangyaring kakaiba. It's like everything's normal. Walang past. Wala na ring nag ungkat pa ng pangyayari noong araw na iyon.

Being in a production is hard. Nakikita ni Ces kung gaano naiistress si Direk J. Marie dahil ito ang halos nagsasabi ng dapat gawin. May ilang artista na nagpapainit ng ulo nito. May mga staff din na nagpapaasar ng sobra kay Direk J. Kung last time ay napaka kalmado nito, unti-unting nawala ang poise ng direktor. She's like Manager Lily but scarier.

Pero may mga kalmado pa rin namang crew na nandoon. Natutuwa si Ces dahil marami siyang natututunan sa production. Lalo na sa writer na si Deth.

Tulad na lamang sa isang part kung saan magpapakamatay ang isang character nila. She was fascinated on how Deth made it so real—parang nararamdaman din ni Ces ang nararamdaman ng character. Nang basahin rin niya ang script, lalo siyang napahanga on how the writer issued life and death in the film.

“Cause life is important, Ces.” Sabi ng writer habang nakangiting nagsusulat sa isang notebook. “Lahat may dahilan. Binuhay ko siya dahil kailangan siya sa kwento. Dahil kailangan niyang kumunekta sa ibang bagay. Lahat ng tao, may misyon sa mundo.”

Talking to Deth is like talking to someone who’s knowledgeable about life. Someone who’s old enough to experience the hardship on life. Na nakakapagtaka rin dahil hindi ganoon katanda ang writer. It was amazing for Ces—dahil ngayon lang siya nakakausap ng taong ganito ka positibo sa buhay.

“Pero, paano ang mga batang namamatay? Ibig sabihin, tapos na ang mission nila? Ganoon kadali?” Hindi palatanong si Ces ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Gusto niya kasi maliwanagan. Gusto niya malaman kung ano pa ba ang nalalaman ng isang writer.

 “Hindi. Ibig sabihin, nagsimula na ang misyon ng baby.”

“Nagsimula na? Anong mission?”

“Mas patatagin ang pamilya niya.”

Natigilan si Ces sandali sa sinabi ng writer. It was a weird answer and yet, made so much sense. She's like talking to. . . Death. “Paano mo nalaman ang mga ito?”

Hindi kaya isang Death Angel din ang kausap niya? Come to think of it, parehas na parehas din ang pronunciation ng Death at Deth. Inalis lang ang "a."

“Imagination.”

“Naisip mo ang lahat ng ito?”

“I'm fascinated with life and death. Sobrang magical. I want to tackle it. I want people to see what's beyond their life by using these stories in the movie. Yung hindi na dapat sabihin. Yung sila na lang mismo makadiskubre ng sariling dahilan. Ganito ang ginawa kong kwento not to dictate but to tick people's mind.” 

For some odd reason, nang makausap niya ang writer ay tila ba lalong lumaki ang respeto niya rito. Life is indeed questionable. Ang daming tanong na walang kasagutan. Maraming kakaibang pagbabago. Hindi lahat ng bagay, nasasagot ng sensya o ng logic. Sa dami ng sinabi ni Deth, isa lang ang naintindihan ni Ces that made so much sense. Sa imahinasyon man ng isang tao o ginamitan ng sensya nanggaling. . . for now, isa lang muna ang paniniwalaan niya.

Lahat ng tao, may purpose.

* * *

Unang nag-extra ay si Melo. Nasa likuran siya ng dalawang artista na mukhang foreigner. Matatangkad ang mga ito at maputi. Blonde ang buhok ng isa at ang isa ay strawberry blonde. May mga freckles din na lalong nagpaganda sa mga ito.

Nag-uusap ang dalawa sa may bench. Tahimik ang mga tao sa paligid—nandoon din sila Note at Ces sa set. For the past few weeks, sila na ang laging magkakasama dahil ibang lugar at araw ang pinagshushooting-an nila Lyric.

“Quiet on the set,” sigaw ng assistant director. “Action!”

Hindi mapakali si Melo sa likuran ng dalawang artista. Takbo ito nang takbo, nagpapacute sa likod.

“I’m so tired of life.”

Hinawakan ni Yuli, ang artistang blonde ang buhok ang balikat ni Kristina, ang strawberry blonde ang buhok. Finocus ng camera ang mukha ng dalawa.

“You won’t get tired if you live your life to the fullest.”

Tinignan ni Kristina ang kaibigan. “But I am living my life to the fullest. It’s just unfair! They’re happy while I’m—”

“Unfair.” Natahimik ang dalawa. “You know what? Don’t compare yourself to others cause you will always think you’re the inferior.” Tumayo si Yuli at ngumiti sa kapwa artista. “In life, always compare yourself from yesterday’s self. If better, good. If not, do better.”

Tumigil si Melo sa may likuran at tumingin sa camera. Nakangiti ito ngunit hindi rin masyadong nakikita dahil blurred ang background. Gusto sanang magcut ng assistant director dahil nakikita niya ang kalokohan ni Melo ngunit in character na ng lubusan ang dalawang artista.

“I’m not sure if I’m better. I mean, they—”

Itinayo ni Yuli ang kaibigan sa scene. “Stop it.” Tinitigan ng artista ang kapwa artista. “You envy them but have you thought that maybe, others envy you?”

“What?” Nanlaki ang mata ni Kristina. Finocus ng camera ang emosyon ng dalaga.

“Maybe you can’t see your own greatness because you keep looking on somebody’s back. I mean, I en—”

“A-Aahhchoo!”

“CUT!”

Natawa sila Note at Ces nang biglang bumahing si Melo ng napaka lakas. Natawa rin ang dalawang foreigner na artista. Sumimangot si Melo, tumingin sa paligid at kitang kita ang sama ng tingin sa kanya ng assistant director.

* * *

Sumunod na nag-extra ay si Note. Hindi nga lang ito extra dahil may linya rin si Note na siyang kinainisan ni Melo.

“Ang daya, bakit may lines ka?” pagsisimangot ni Melo.

“Ano ka ba, agaw eksena ka nga doon sa isa eh!” Natatawang sabi ni Note habang inaayusan siya ng make up artist.  “Ako, dadaan lang saglit.”

Inirapan ni Melo ang kapwa kaibigan. Nabadtrip siya dahil ilang araw na ang nakalipas pero pinagtitripan pa rin siya ni Note. Eh sa nabahing siya dahil malamig eh! Anong magagawa niya?!

Matapos ng ilang sandaling prep nagsimula na ulit ang shoot. Nasa isang condominium sila at tungkol naman ang kwentong ito sa heartbreak. Si Note ay nakabihis bilang pizza delivery guy. Nasa labas si Note, naghihintay ng signal para pumasok. Nasa kabilang kwarto sila J.Marie, ang ibang crew at sile Ces at Melo.

“Action!”

“Ang tanga ko!” pagsisimula ng artistang si Iya. Umiiyak ito habang nakahiga sa kama. Yakap ang malaking unan. “Bakit ba ako nakinig sa puso ko?!”

Lumapit ang isang babae at naupo sa gilid ng kama. Umiinom ng tubig. “Nakinig sa puso. . .” Binuksan ni Emerald ang TV at naglipat lipat ng channel. Tila ba hindi ito nakikinig sa kaibigang kanina pa umiiyak.

“Oo!  Sabi ng utak ko, huwag na dahil niloloko niya ako. Sabi ng puso ko, okay lang! Ako naman, sumunod sa puso ko. Nasaktan. Ang tanga ko.”

“Sabi ng utak at puso mo? Bakit, nagsalita?” natatawang sabi ni Emerald. “Those things are your freaking internal organs. Bakit mo sinisisi sila sa katangahan mo? Ang puso, taga pump lang ng blood. Nagmumukha lang siyang simbolo ng pag ibig dahil ito ang tumitibok. Nararamdaman. Pero ang totoo nyan, ang utak ang nag uutos sa atin para "sundan" ang puso natin. Either way, tanga ka pa rin.”

“Kaya nga. Ano ba sabi ko? Tanga nga ako.”

“Wala lang. Gusto ko lang pagdiinan.”

Sabay na bumuntong hininga ang dalawa.

“Sabi niya, true love na raw 'to. True love na kami,” pagsisimula muli ng dalagang umiiyak. Mas humigpit ang hawak sa unan. “Bullshit na true love 'yan. Walang katotohanan.”

Natawa si Emerald sa kaibigan. “Hindi totoo? Sigurado ka ba d'yan? Eh ano yang sakit na nararamdaman mo, peke? Porke't nasaktan ka ng isa o napaka raming beses, hindi ibig sabihin hindi na totoo ng true love. Totoo ang true love. Nagkamali ka lang ng pinagbigyan pero totoo 'yun.”

“Ginagawa mo ba lahat ng paniniwala mo? Ang dami mong alam eh."

Naghampasan ng unan ang dalawang artista. Natigil sila nang may nagdoorbell. Pagkabukas ng babaeng umiiyak sa pintuan, tumambad si Note na may hawak na pizza. May note din sa taas ng box na may nakasulat na “I’m sorry, babe.”

“Cut!”

Natigil ang shoot. Nagpunas ng luha si Iya habang nakatingin sa assistant Director na tinigil ang senaryo.

“Bakit po?” takang tanong ng dalaga.

“M-May ano, pinabago.” Lumapit si Daph sa dalawa. Pinausog na muna niya ang dalaga at nagpunta sa posisyon ng artista. “Pagkabukas ng pinto, manlalaki ang mata mo sa note, di ba? Tapos papasok si Daniel para magsorry pagkatapos ni kuya Note.”

“Opo.”

“Ngayon, titingin ka sa mata ni Note.” Ginagawa ng assistant director ang mga bagay na sinasabi niya. Ngumiti si Note—halos tumambling ang puso ng dalawang babae sa ngiti ng binata. “T-Tapos ano, yayakapin mo siya.”

“Yayakapin?”

“Oo, parang ganito.” Nagulat ang lahat nang yakapin ni Daph si Note—kahit si Direk J. Marie na nanonood sa kabilang kwarto ay nagtaka. Nakatingin sila sa screen, nakikita kasi doon ang buong senaryo. Napansin ni Ces ang kakaibang tingin si Melo sa screen. Kumunot ang noo nito at tumayo. Hindi pa nakakapagtanong si Ces, umalis na nang kwarto ang binata.

"Saan pupunta 'yun?" takang tanong ng isang crew habang nakatingin sa pintuang kakasara lang ni Melo.

Nagkibit balikat si Ces. Tinitigan sandali ang pintuan at napabuntong hininga. Ano naman kayang nangyari sa kaibigan?

“Yayakapin mo siya sa sobrang saya, okay?”

Tumango ang dalagang artista sa paliwanag ng assistant director pero natigilan dahil napatagal ang yakap ni Daph sa binata. Biglang kumalas ang assistant director—ngunit napansin ni Ces ang isang bagay na nagpangiti rin sa kanya. Kitang kita sa screen kahit napaka bilis na pangyayari.

Ang pagkagat ni Daph sa labi habang nagpipigil ng pagngiti.

  

* * *

Nasa isang bar sila at may mga extras pa rin. Nag-aayos ang mga crew ng mga lightings at camera. Inaayos na rin nila ang mga props at lamesa. Nawala na ang mga fangirls extra dahil mukhang halos lahat ng tao ay nasa lagpas teenage years na.

Nakaupo sa dulo si Manager Lily, nanonood at the same time ay nasa scene. Ngunit pinili niyang umupo sa dulo kahit pinapalipat siya sa gitna. Gusto lang kasi magmasid ni Manager Lily sa paligid, first hand. Napapangiti rin dahil nakikita niyang umaarte ang kanyang mga alaga—yet hindi pa rin nalilimutan ang musika.

Sa stage ng bar, nakaupo si Ces sa gitna. Nasa tabi niya si Pitch na may hawak na gitara. Nandoon din si Zyrah, ang nag-aayos ng buhok ni Ces.

“Alam mo ate, fan mo ako,” sabi ng dalaga kay Ces.

“S-Salamat,” ngiting sagot ni Ces.

“Pero.” Tumingin si Zyrah sa likuran kung saan nandoon ang mga audience. Nakaupo habang nag-aayos ang mga ito. Sa gitna ay si Lyric at Erich na magkatabi habang inaayusan ng iba pang crew. “Mas fan ako ng loveteam niyo.”

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces. “H-Ha?”

Ngumiti nang malawak si Zyrah at nag final touch na sa buhok ni Ces. Lumayo ito ng kaunti at kumindat kay Ces, “sa inyo po ni Lyric.”

Hindi na makapagsalita pa si Ces. Loveteam nila? Ni Lyric? Pinipigilan ni Ces ang puso sa pagwawala. Paglingon niya kay Pitch, nakatingin ang binata sa kanya.

“Love team.” Ngumisi si Pitch. Napanganga ng kaunti si Ces.

“H-Hindi!”

“Sige, sabi mo.”

Hindi na siya muling tiningnan ni Pitch at nawala rin ang mapanuksong ngiti ng binata. Ang weird talaga ni Pitch. Pero nawiweirduhan din si Ces sa sarili. Nanlamig ang kanyang kamay at nagpapawis. Napahawak siya ng mahigpit sa mic at hindi sinasadyang tumingin kay Lyric at Erich. 

Agad niyang tiningnan ang dalawang kaibigan na nasa likuran nila Lyric at Erich. Doon niya tinuon ang pansin dahil hindi niya matagalan ang makitang pakikipag usap ni Erich kay Lyric. Tumawa nang malakas sila Note at Melo kaya nakuha nito ang atensyon ng Direktor.

 “Why are you two laughing?” tanong ni Direk J. Marie sa dalawang adik na sila Melo at Note.

Tinuro ni Melo ang kaibigan. “Natatawa ako sa pagmumukha ni Note.”

“Direk, pwede bang takpan mukha ni Melo? Ang sagwa, parang nagdedate kami!”

Napailing na lamang si Direk J at may binulong kay Mariss. Wala kasi ang assistant director niya. Mukhang nahiya kay Note. Tumango si Mariss at lumapit kay Manager Lily. May binulong ito sa Manager at tiningnan ng masama ni Manager Lily ang dalawang kumag.

“Kayong dalawa, tumigil kayo kung ayaw niyong ipalinis ko buong bahay sa inyo.”

Natigilan ang dalawa sa pagtawa at nanahimik. Napangiting tagumpay si Manager Lily. Alam niya ang pananakot sa dalawa. Alam niyang tamad ang dalawang ito kaya aayaw sila sa paglilinis.

Natawa si Erich—doon natuon ang pansin ni Ces. “Ang funny niyo naman,” sabi ni Erich sabay hampas sa braso ni Melo.

Nagkatinginan sila Note at Melo sa isa't isa. Sabay silang ngumiti sa dalaga at nag usap na lamang ng tahimik. Hindi na pinansin si Erich.

Last scene for Lyric and Erich—dito magtatapat ang character ni Lyric kay Erich. Ilang segundo lang, nag-umpisa na ang countdown ni Direk J. Marie.

“And, action!”

Nagsimulang mag gitara si Pitch. Hindi lang siya basta sa drums, marunong siya sa halos lahat ng klase ng instrumento—he’s not a music lover for nothing, right?

♪ ♫ When I was younger
I saw my daddy cry
And curse at the wind

This is just like an ordinary gig she had before—pero bakit, bakit kapag nakatingin siya sa audience ay bumibigat ang kanyang paghinga?

♪ ♫ He broke his own heart
And I watched
As he tried to reassemble it

  

Huminga nang malalim si Ces nang mapatingin siya kay Lyric at Erich. Hinuhugot ang lahat ng hangin na kaya niyang kunin dahil pakiramdam niya ay nawawalan siya ng hininga. Nag-uusap ang dalawa habang may nakatutok na camera sa mga ito. Hindi makagalaw si Ces dahil may nakatutok din na camera sa kanya at kay Pitch.

♪ ♫ And my momma swore that
She would never let herself forget

Pinipilit ni Ces na huwag tumingin sa dalawa. She focused on Melo and Note who’s talking silently at the background. Nang mapansin ng dalawa na nakatingin si Ces sa kanila, ngumiti ang dalawang gitarista. Tinaas ang hinlalaki at nag okay sign.

♪ ♫ And that was the day that I promised
I'd never sing of love
If it does not exist

Sumenyas si Direk J. Marie at pinatigil ang buong pangyayari. Nagtayuan ang mga crews at camera man. Nagbalik ang mga make up artist para ayusin sila Lyric.

Natigil si Ces sa pagkanta.

“I can't feel the intensity. Wala akong maramdaman na love.”

“S-sorry.” Mahinang bulong ni Lyric sabay yuko.

“Pero nung kumanta ka sa stage, kitang kita ko ang pagmamahal. Anong nangyari, Lyric?” takang tanong ni Direk J. Marie. Hindi makasagot si Lyric.

“Maybe they should kiss at the end.”

Nabitawan ni Ces ang mic na hawak. Malakas ang pagkakalaglag nito at gumawa pa ng ingay kaya lahat ng tao ay napantingin sa kanya.

“S-Sorry.” Lumakas ang kabog ng dibdib ni Ces nang tumayo siya mula sa pagkakaupo at kinuha ang mic. Focusing on her hands just to divert her attention.

“Are you okay there, Ces?” tanong ni Direk J. Tumango si Ces nang hindi nagsasalita. Hindi na nila pinansin ang bokalista at nagkatinginan si Direk J at ang producer na si Ciello. “Kiss? Will that intensify it?”

“Are you a director or not?” Taas kilay na tanong ni Ciello. “Dapat alam mong sa halik nananalaytay ang pag-ibig ng dalawang nag-iibigan!”

“Whatever Ciels, ang hopeless romantic mo.” Pang-iirap ni Direk J sa producer ngunit natatawa. “You have a point there but I have a plan.” Tumingin si Direk J kay Lyric at Erich. May binulong ang direktor sa dalawa. Nanigas si Lyric ngunit ngiting ngiti si Erich. “Understood?”

Nakayuko lamang si Ces nang muling magpatuloy ang senaryo. Hindi na niya maatim ang nakikita. She looked at Pitch na nakatingin sa kanya na may diretsong mukha.

“And, action!”

♪ ♫ But darlin'

You are the only exception
You are the only exception

  

Nanginginig ang boses ni Ces. . . hindi niya ito maiayos dahil kahit siya ay naguguluhan sa sarili. She’s trying her best to sound good pero ayaw talaga. Hindi nakikicooperate ang kanyang boses, utak at puso sa isa't isa.

♪ ♫ You are the only exception
You are the only exception

“Cut!”

Kinausap siya ni Direk J. Marie. Kinakabahan siya at kaunti na lang ay sasabog na ang kanyang puso. She could feel her hands and feet freeze.

“Are you okay? Bakit hindi ka makakanta ng maayos?” tanong ng direktor. Humingi ng paumanhin si Ces at sinabing susubukan niya ulit. Napatingin siya sa pwesto nila Lyric at Erich at muntikan nang malaglag sa upuan nang makitang nakatingin sa kanya si Lyric. “Are you sure you’re okay? You look sick.”

“O-Okay lang po ako.”

Nagsimula muli ang shoot. Napabilis din dahil ibabagay na lang ang kanta sa scene pero patuloy siyang kinukuhanan ng isang camera.

♪ ♫ Maybe I know, somewhere
Deep in my soul
That love never lasts

Napatitig si Ces sa dalawang nasa harap. Sinusundan ang bawat pag galaw ng dalawa nang magtawanan ito at mag-usap. Hindi niya naririnig ang mga sinasabi nito dahil malakas ang kabog ng dibdib niya na kahit ang sarili ay hindi na naririnig. 

♪ ♫ And we've got to find other ways
To make it alone
Or keep a straight face

Hindi niya dapat ito maramdaman. Hindi dapat. . . pero hindi niya mapigilan. Nanikip ang kanyang dibdib nang makita ang kamay ni Erich na hinawakan ang kamay ni Lyric. Hinahawakan ni Ces ng mabuti ang mic.

♪ ♫ And I've always lived like this
Keeping a comfortable, distance

Napaupo ng matuwid si Lyric ngunit lumapit kay Erich. Habang palapit nang palapit ang mukha ng dalawa, palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ni Ces. Dumarami rin ang mga aspiling tumutusok sa kanyang puso. Maliliit—ngunit napaka rami.

♪ ♫ And up until now
I had sworn to myself that I'm content
With loneliness

Nangininig ang paghawak niya sa kanyang mic. Nag iinit ang kanyang pisngi nang hinawakan ni Lyric ang pisngi ni Erich. It was terrifying to see the look on the two—nakatitig sa isa't isa. Na para bang walang tao sa ibang paligid kung hindi sila lang.

Acting lang ito, Ces. Independent film. Pagkumbinsi sa sarili. . . and yet, she asked. Why convince herself?

♪ ♫ Because none of it was ever worth the risk, well

She tried looking away pero hindi niya magawa. Pilit niyang binibigay ang atensyon sa pagkanta ngunit hindi na gumagana ng maayos ang kanyang utak.

♪ ♫ You are the only exception

Two inches apart. Kaunting kaunti na lang ay mahahalikan na ng dalawang nasa harap niya ang isa't isa. This is acting ngunit bakit ganito ang nararamdaman niya? She should act professional. Isa siyang singer sa isang bar. Dapat hindi siya nakatingin sa iisang tao. She should look at everybody. Let her voice move the audience. Dapat wala siyang nararamdamang ganito. Dapat wala siyang pakielam sa ginagawa ng mga audience and yet. . . she kept on staring at the two.

♪ ♫You are the only exception

Halos mawalan siya ng hininga nang kaunti na lang ay maglalapat na ang labi ng dalawa. Nagwawala na ang puso at utak niya. She's trying to shut herself down ngunit hindi na talaga siya pinapakinggan ng sarili. Isa lang ang nagawa niya.

 Ang pumikit.

♪ ♫ You are the only exception

She's trying to breath pero mukhang ayaw kumuha ng hangin ang kanyang sistema. Halos pabulong na lang ang nakanta niya sa huling linya as she felt an ache inside her chest. 

♪ ♫ You are the only exception

Tumigil na sa pagkanta si Ces ngunit patuloy lang ang pag gitara ni Pitch. Getting ready to end the music.

Hindi nakikita ni Ces ang senaryo ngunit pakiramdam niya ay tumigil ang kanyang puso. She imagined Lyric and Erich. . . and a kiss that slowly crushing her heart. Hindi tuloy niya alam kung tama ba ang desisyong pumikit kung pati ang utak niya ay pinapakita ang ayaw niyang makita.

"Aaannd, cut!"

Naramdaman ni Ces ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Sumasakit ang kanyang dibdib ngunit hindi ito dahil sa kanyang pilat. It's beyond the scar. Beyond the deal she had with Death. Beyond the death Lyle had given her.

  

"Hindi nagdampi ang mga labi nila."

Napadilat si Ces sa bulong na narinig. Nakita ni Ces si Ash na lumulutang sa kanyang harap. Hindi na naramdaman ni Ces ang panganib sa paligid. Nanumbalik ang maamong mukha ng kamatayan. Hindi na rin kulay dugo ang mga mata nito. Hindi pa nakakapagsalita si Ces ay unti-unting naglaho ang kamatayan sa kanyang harap na may ngiti sa mga labi.

Napansin niyang wala na si Pitch sa kanyang tabi at nakikipag usap na sa cellphone. May kanya-kanya na ring buhay ang mga crew dahil nagliligpit. Kinakausap ng direktor si Erich at Lyric habang may mga crew na nagpapapicture kanila Melo at Note.

Nagtaka si Ces nang makarinig ng kakaibang ingay. Pababa na siya ng stage nang. . .

"Miss Ces, 'yung mga ilaw!"

Napatingin si Ces sa tumawag sa kanya. Tinuro ng isang crew ang taas. Pag-angat niya ng tingin, nasilaw siya sa mga naglalakihang light equipments na babagsak na sa kanya. Halos mawalan siya nang hininga nang may makita siya sa taas kung saan galing ang mga equipments. Isang pares ng pulang mata. Maliit. Mukhang bata.

"Ces!"

Si Boss.

~ ~ ~
Author's Note:
Emergehd. Bitin na naman! Please don't kill me. Masaya lang akong nabibitin kayo para kyot :">

Salamat ng marami sa pagbabasa! Salamat sa mga walang sawang nagkocomment at sa paghihintay! Tapos na rin ang Theory Shmeory~ Nalagay ko na lahat ng umabot. Yay!

This chapter is dedicated to Mariss. Bakit? Dahil ang kulit kulit kulit kulit niya~ ankyut kyut! Tapos sobrang natouch din ako sa message niya sa akin (click external link) Hi Mariss, pasensya na kung napatagal ang dedication. Andami kasing nakaline up at mahirap mag usog nang mag-usog. Anyway, maraming salamat sa suporta, Mariss. Sana makita kita soon tapos babatukan kita! Muhahaha >:D joke. De seryusli, salamat :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top