46 // Some Unspoken Truths
"Everybody is identical in their secret unspoken belief that way deep down they are different from everyone else."
— David Foster Wallace
~ ~ ~
♪ ♫ Anghel sa lupa, mananatili ka
Nagising ang diwa ni Ces nang maramdaman niyang lumulutang ang kanyang katawan. Natauhan siya ng kaunti nang marinig niya ang boses ng kumakanta--si Lyric. Rinig na rinig niya ang kanta nito na para bang sobrang lapit niya sa binata.
♪ ♫ Di na hahayaang lumipad at iwan ako.
Dumilat ng kaunti si Ces at nakita ang mukha ni Lyric na nakatingin sa harap, naglalakad—doon lang niya naramdaman ang hawak ng dalawang kamay sa kanyang katawan. Hindi siya lumulutang—binubuhat siya ng binata. Pagtingin sa kisame ay napansin niyang paakyat sila ng hagdan.
♪ ♫ Anghel sa lupa, nahuhumaling ka
Hindi makapagsalita si Ces. Ramdam niya ang pagod sa kanyang katawan kaya kahit ayaw niyang buhatin siya ng binata ay hindi siya makakilos. Hindi rin siya makapagsalita as sobrang pagod.
Pinakiramdaman ng dalaga ang kanyang kamay. Gumaan ito—wala na ang posas na nakakabit sa kanya.
♪ ♫ Langit nadarama 'pag kapiling kita.
Dinilat muli ni Ces ang kanyang mata at nagulat siya nang makita ang isang pamilyar na mga pulang matang nakatingin sa kanya sa kaliwa. Si Ash—lumulutang si Ash na nakatingin sa kanya habang buhat siya ni Lyric. May tingin itong kakaiba—hindi na siya nakakaramdam ng kaba ngunit may gusto itong sabihin pero hindi nagsasalita. Pinikit muli ni Ces ang kanyang mata ngunit pagdilat ay wala na ulit ang kamatayan.
“Kailan mo balak sabihin sa kanya?”
Napapikit si Ces nang marinig ang boses ni Melo. Nararamdaman niyang nasa second floor na sila at parating na si Lyric sa kwarto ng dalaga.
“Ang alin?” mahinang bulong ni Lyric. Naramdaman ni Ces ang pagnginig ng katawan ni Lyric nang magsalita ito. Bumilis ang tibok ng puso ni Ces nang mapansin niyang sobrang lapit ng katawan ng binata sa kanya.
Nakarinig si Ces ng isang buntong hininga. “Ewan. Kung anong dapat sabihin?” Narinig niya ang pagbukas ng isang pintuan at pag-iiba ng direksyon ni Lyric habang buhat-buhat siya.
Ilang segundo lang ay naramdaman na niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kama. May ilang ingay siyang narinig at naramdaman na rin niya ang kumot na bumalot sa kanyang kamay. Akala niya ay matatapos na ito ngunit napadiin ang kanyang pagpikit nang maramdaman ang pagdampi ng labi sa kanyang noo.
“Hindi ko alam,” sagot ni Lyric kay Melo.
Pagkalabas nila Lyric at Melo sa kwarto ng dalaga ay nanumbalik ang antok sa dalaga at tuluyang nakatulog muli.
* * *
Pagkagising ay agad bumangon si Ces. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng saya—siguro dahil ito ang unang pasko niya na may pamilya siyangm maituturing. Pagkababa, natigilan siya nang si Pitch lang ang nakita niya sa sala na nagbabasa. Tahimik ang buong paligid. Kahit ang pag-iingay ni Mela ay wala.
“Hindi ba. . .”
Napatingin si Pitch kay Ces at ngumiti. “Morning.”
“Pitch sila. . .” hindi maituloy ni Ces ang kanyang mga tanong at sasabihin dahil naguguluhan siya. Bakit walang masayang pakiramdam? Nasaan ang dapat siglang dapat na mayroon?
“Hindi kami nagsecelebrate ng pasko,” sabi ni Pitch without looking at Ces.
Lumapit si Ces kay Pitch at tumingin sa binata. “Ha?” It’s not she’s actually celebrating Christmas herself pero bakit? Hindi ba nagpapasko ang MyuSick? Hindi ba sila nagsasaya?
“Birthday ni Lyric.”
“A-Ano?” Nanlaki ang mga mata ni Ces at napanganga sa narinig. Walang nagsabi sa kanya na December 25 pala ang birthday ng binata. Ngunit kung kaarawan ni Lyric ngayon, dapat ay doble selebrasyon ito ngunit bakit—ang lungkot? “Nasaan siya?”
“Sementeryo.”
Nagtaasan ang balahibo sa katawan ng dalaga nang sumagot si Pitch. Umupo si Ces sa tabi ng drummer. “Bakit?”
Tumayo si Pitch. Naramdaman ni Ces na naiinis na si Pitch sa mga tanong niya. Napayuko siya at handa nang humingi ng tawad nang magsalita muli si Pitch bago tuluyang umalis.
“Death anniversary ng kaibigan niya.”
Napasandal si Ces at tumingin sa kisame. Today is Christmas. Today is Lyric birthday. And today. . . is his friend’s death anniversary.
Ilang oras ang nakalipas. Tahimik pa rin ang buong bahay nila. Wala sila Melo at Note. Si Pitch ay nasa kwarto nito at si Manager Lily ay nilock ang sarili sa haven. Hinahayaan na lamang ni Ces na maglibang sa pamamagitan ng panonood ng tv. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Hindi siya sigurado kung ngingiti ba siya pagkauwi ni Lyric o magsasabi ng condolence. Iniisip niya na sana masaya ngayong araw—pero naramdaman niyang sobrang selfish niya.
But then, kung ganito kagloomy ang bahay—walang mangyayari. And so, Ces decided to give a simple light in the MyuSick residence.
Nag internet siya at nag aral ng ilang oras sa pagbake ng cake at pagluto ng pangmaliit na salu-salo. Hindi niya sigurado kung uuwi ang mga kasamahan o kung ano man pero gusto niyang at least ay maramdaman ng MyuSick na sila ang pinaka magandang regalong nakuha niya sa buhay niya.
Pagkatapos ng ilang kalat, sunog at sira ng pagkain—natapos na niya ang kanyang mga niluto at binake without causing the kitchen on fire. Padilim na at nararamdaman na niya ang pagkalam ng kanyang tiyan ngunit nanatili siyang nakaupo sa kanyang upuan habang hinihintay ang pagdating ng MyuSick.
Pagsapit ng alas syete, napangiti si Ces nang marinig ang pagpatay ng makina ng kotse. Ilang minuto lang, napangiti siya lalo nang makita si Melo na nakatingin sa kanya. Gulat na gulat.
“A-Ano to?” nanlalaki ang mga mata ni Melo nang tingnan niya ang nakahandaang pagkain sa lamesa.
Ngumiti si Ces, “Merry Christmas, Melo.”
Lumawak ang ngiti ni Melo at agad itong lumapit kay Ces upang halikan ang pisngi. “Ang sweet mo, Ces!” natutuwang sabi nito nang kumuha ito ng chicken at kumagat.
Ilang minuto lang ay dumating si Pitch at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. Pagkainom ay palabas na sana ito nang napatigil ang binata nang makita si Melo nilalantakan ang chicken at si Ces na nakatingin sa kany. Nakangiti lamang si Ces habang nakatingin sa kanya.
“Merry Christmas, Pitch.”
“Kain tayo! Ang sarap magluto ni Ces!” pag-aaya ni Melo.
Napangiti si Pitch at inilapag muna ang librong hawak. Naupo ang binata kasama sila Ces sa dining area. Hindi naman nalalayo nang dumating si Manager Lily nang nakakunot noong nagsalita, “ano na na—”
“Merry Christmas, Manager.”
Taas kilay na lumapit si Manager Lily sa table at inobserbahan ang mga nakahaing pagkain. Umupo ito sa upuan at tiningnan muli ang mga pagkain.
“Saan niyo binili?”
“Luto ni Ces 'yan, Manager!” sagot ni Melo habang nilalantakan ang chicken.
Tiningnan ni Manager Lily si Ces, “marunong ka magluto?”
Nawala ang ngiti ni Ces habang pinagmamasdan ang Manager habang kumukuha ito ng soup at humigop. Kinakabahan si Ces—hindi pa siya kumakain kaya hindi niya sigurado kung masasarap ba ang mga pagkaing niluto niya. Base sa itsura ni Melo at Pitch, okay naman—pero iba si Manager Lily. Iba ang taste nito.
Ilang segundo ang nakaraan matapos tikman ni Manager ang soup, tumingin ito kay Ces. . . at ngumiti. “Masarap.”
Nawala ang kaba ni Ces at napangiti. Natutuwa siya dahil nakikita niyang natutuwa ang mga taong pinapahalagahan niya. It was a Merry Christmas indeed lalo na nang matigilan siya at napatingin sa may labasan ng kitchen—doon, nakatayo si Lyric habang nakangiti at nakatingin sa kanya.
Ngumiti si Ces at tumayo, “Merry Christmas, Lyric.”
Tumingin ang lahat sa dining area kay Lyric na papalapit sa kanila. Nakatingin ang binata sa lamesa nang huminto ang paningin nito sa cake na nandoon. “P-Para saan. . .”
“Happy Birthday,” bati ni Ces sa binata.
Natigilan si Lyric at tumingin kay Ces nang nanlalaki ang mga mata. Kahit ang sina Manager at Pitch ay napatigil sa pagkain. Si Melo ay tumigil sandali ngunit bumalik ulit sa kanyang ginagawa.
No one dared to greet Lyric dahil sa mga nangyari noon—tanging si Ces lang ang gumawa nito. Pinipilit ni Ces ang sarili na ngumiti, hoping na hindi magalit si Lyric. Nawala ang ngiti nang dalaga nang mapansin niyang nawala ang ngiti ng binata habang nakatingin sa cake.
Halos sumabog ang puso ni Ces nang diretsong tumingin si Lyric sa kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan kung ano ang gusto nito sabihin o kung ano ang nararamdaman ng binata. But she felt scared—lalo na nang lumapit ang binata sa kanya. She was expecting a slap or something that hurts ngunit nagulat siya sa ginawa nito.
Niyakap siya ni Lyric.
“L-Lyric. . .”
“Salamat,” mariin nitong bulong. “Salamat, Ces.”
Ibinalik ni Ces ang yakap ng binata at napangiti. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso ngunit hindi niya ito ininda lalo na't nararamdaman din niya ang bilis ng tibok ng puso ng binata.
“Ano to?!” Napakas sila Ces at Lyric nang marinig ang boses ni Note. Nakatayo ito sa labasan ng kusina. “Nawala lang ako, nagyayakapan na kayo?!”
“Gago,” natatawang sabi ni Lyric.
Nagtawanan ang MyuSick—ang buong MyuSick nang gabing iyon. For the first time, naramdaman ulit ni Ces ang saya ng MyuSick. Sama-sama. Nagtatawanan. Kwentuhan. Ang mga ingay na kanyang namiss. Lahat bumalik.
Masaya siyang masaya sila muli.
* * *
Lumipas ang araw ng napaka bilis. Sa isang iglap ay panibagong taon na muli at naging busy na ang lahat. Lalo na si Lyric na kasama sa indie film. Laging wala si Lyric sa bahay at madalas, madaling araw umuuwi at umaga umaalis o kaya naman ay hindi umuuwi ng ilang araw. Isasabak daw kasi ito sa cinemalaya—kasama ang babaeng iyon. Si Erich.
Hearing Erich’s name makes her cringe. Hindi lang para sa sarili ngunit para rin kay Marky. Wala na sa kanya ang lahat ngunit naiinis siya dahil sa mga nangyari noon. Pero hindi rin naman maikakaili na naging daan din si Erich para makasama ni Ces ang MyuSick.
Ngunit hindi alam ni Ces na ganoon din ang gusto ni Erich—ang makasama ang MyuSick. All for her.
Sa mga oras na wala silang ginagawa, naubusan na nang jokes si Melo. Nawalan na rin ng ulirat si Note dahil sobrang lamig ng panahon. Si Pitch ay madalas na umalis ng bahay o kaya naman ay nananatili sa bahay para magbasa ng libro. Si Manager Lily ay nagpupunta sa ibang bansa para sa mga negotiations.
Bored na sila Note, Melo at Ces. Isang nakakainip na araw para sa MyuSick na hindi umaarte para sa independent film, nagdesisyon si Melo na puntahan si Lyric sa shooting.
“Pwede ba 'yun?” tanong ng Note.
Ngumuti si Melo, “gate crash!”
Nakaramdaman ng excitement si Ces sa sinabi ng kabanda. Ilang linggo na rin niyang hindi nakikita si Lyric. Gusto niya makita kung magaling ba umarte si Lyric—gusto niya makitawa kanila Melo once na nagkamali si Lyric. Gusto niya makita ang pagngiti ng binata sa camera—ang pagsasalita nito, ang pag arte—ang kabuuan ng binata.
Gusto niya makausap ito muli—o makita man lang.
Nag-aayos na sila para makapunta sa set nila Lyric. Nasa sala sila habang inaayos ang bag na dadalhin. Mula sa kusina ay lumabas si Pitch at paakyat na nang. Kaagad siyang tinawag ni Melo bago pa makapasok sa kwarto ang binata. Hindi na dapat lilingon si Pitch kung hindi lang parang sirang plaka si Melo sa pagtawag sa kanya.
“Ano?” naiiritang tanong ni Pitch.
“Tara, punta tay—”
Napahinto si Melo nang magsalita kaagad si Pitch. “Magkakasakit ako. Ingat kayo.” Pumasok sa loob ng kwarto si Pitch, not waiting for Melo’s come back.
Ngumuso si Melo at kumunot ang noo.
“KJ talaga.”
Si Melo ang nagmamaneho habang si Note ang nagsasabi ng direksyon. Isang buong araw daw kasi sila Lyric na magshushoot sa amusement park. Naaalala tuloy ni Ces si Mela—kinikilabutan siya at the same time, napapangiti sa mga nangyari nang araw na 'yun.
“Paano mo nalaman kung saan sila?” tanong ng dalaga sa kaibigan.
Ngumiti si Note, “sources. Alam mo Ces, uso ang twitter. Maraming nagtutweet tungkol kay Lyric. Hashtag fangirls."
Napapangiti si Ces habang palapit sila nang palapit sa Amusement Park. Four hours drive pero nang dumating sila ay hindi siya napagod lalo na't nakita niya ang dami ng tao sa paligid na nakapalibot. May mga nakita rin siyang cameras, crews at mga pag-uusap ng ilang tao.
Marami silang naririnig na sigawan ng mga babae sa entrance pa lang. May mga babaeng may hawak na camera at cellphone na para bang hindi mapakali.
Naglalakad sila Note, Melo at Ces. Napapalingon si Ces sa paligid dahil ang daming tent na nakatayo at mga tao sa paligid. Ang ilan ay nakatingin sa kanila at nanlalaki ang mga mata.
“SHIT! SILA NOTE, MELO AT CES!”
Napatingin ang tatlong MyuSick members sa babaeng sumigaw na nasa tabi nila. Ngumiti sila sa babaeng 'yon at halos mangisay na ang kababaehan. Napahinto rin sa paglalakas si Note nang may humawak sa kanyang shirt.
“Katabi ko ang MyuSick! Omaygahd, ang MyuSick!”
Nagkagulo ang mga tao sa entrance pa lang ng park dahil sa kanila. Ang daming lumibot kanila Ces at halos mabulag siya sa mga flash na natatamo galing sa mga camera nito.
“Aahhh! MyuSick!!!”
“Ate Ces, pa-hug!”
"Nasaan si Pitch?!"
People were shouting. Wala nang naiintindihan ang MyuSick nang makarinig sila ng napakalakas na sigaw mula sa isang microphone. Mula sa malayo ay napalingon sila sa sumigaw.
“Anong nangyayari?!”
Humawi ang mga babaeng nagkakagulo sa MyuSick nang dumaan ang dalawang babae na may malaking ID. Kita sa mga ID's na 'yun na assistant director ang isa at ang isa naman ay director. Hawak ng assistant ang megaphone habang nakasalamin na tahimik ang itsura ng direktor.
“MyuSick? Anong ginagawa niyo rito?” tanong ng director.
Nakatingala ito ng kaunti dahil matatangkad ang MyuSick—dahil na rin sa maliit ito. Maliit ngunit puno ng kapangyarihan ang dating—parang Manager Lily ang tindig.
“Hi?” natatakot na bati ni Melo habang nakangiwi. “Bibisita lang sana kami kay Lyric?”
Kumunot ang noo ng babaeng may hawak na microphone. Kahit magkakalapit na ay nakamicrophone pa rin ang assistant. “Alam niyo po bang busy kami?”
“Opo pero—”
“Yun naman po pala eh. Kung maaari lang, huwag po sana kayo gumawa ng kumo—”
Tinigil ng direktor ang kanyang assistant. "Hayaan mo na Daph."
"Pero Direk J—”
“We’ll make good use of them,” sagot ng direktor. Puno ito kapangyarihan sa boses. Ngumiti ang direktor sa MyuSick na siyang kinatakot ng tatlong pinagkakaguluhan kanina. “Tara sa tent, masyadong maraming tao rito.”
Sumunod ang tatlo sa direktor. Nagkakagulo pa rin ang mga babaeng dinadaanan nila. May ilan pang sumisigaw ng pangalan nila upang matandaan ng MyuSick. Paglingon ni Ces sa paligid, hindi niya nakita si Lyric—hanggang sa makapasok sila sa loob ng tent.
Sa loob ng tent ay may mga aparato: tatlong tv na may mga nakasulat na camera 1, camera 2 at camera 3. May headphones at mic. Mga speakers na nagkalat. May mga tao ring nakatayo na tumingin sa kanila. May isang babae ring nakaupo sa upuan habang nagkakape at minamasahe ang likuran.
“Guys, dumating ang MyuSick,” pag-announce ng Direktor. Nagpakilala ang direktor sa MyuSick. “Ako nga pala si J. Marie, direktor ng film na 'to. Ito si Daph, assistant director.”
Nagpakilala ang tatlo sa dalawang direktor. Mukhang mababait naman ang crews ngunit kitang kita na ang stress sa mukha ng mga ito. Mukha rin silang mga bata—mukhang kaedaran lang din ni Manager Lily. Mas bata pa nga ata.
“Siya si Ciello, producer ng film,” itinuro ni J. Marie ang babaeng umiinom ng kape. Mukha rin itong bata.
“Ciello?” takang tanong ni Note. “Ciello as in C-I-E-L-L-O?”
Tumaas ang kilay ng babaeng tinawag na Ciello, “oo, bakit?”
Lumapit si Note at ngumiti. “Bagay ka sa MyuSick! Related ka ba sa amin?” Nakipag-apir si Note ngunit natigilan siya nang tinitigan lamang siya ng babaeng nagkakape. Nawala ang ngiti ni Note at nakasimangot na lumapit sa kabanda. “Sungit.” Natawa sila Melo.
Pinakilala rin ng direktor ang ilang staff na nasa loob—ang writer na si Deth, ang mga editors, at mga ibang crews. Nandoon din ang cinemtographer na nag-uutos sa mga grippers at camera man sa mga angle at perspective. Sa totoo lang, humahanga si Ces dahil puro babae ang main crew—may man power pero karamihan ng gumawa ay puro babae.
“Direk J, naghihintay na raw sila doon.”
Bumalik sa trabaho ang mga kasali sa film. Nakaupo lang sila Ces, Note at Melo habang nanonood sa tatlong TV na dalawang babae ang focus. Napansin naman ni Ces ang isang quote sa taas na nagpangiti sa kanya.
Work hard in silence. Let sucess make the noise.
“Nasaan kaya si Lyric?” tanong ni Note, bagot na bagot na.
Sumimangot si Melo, “oo nga. Akala ko ba nandito sila?”
“Wala pa po sila rito.” Napatingin ang tatlo sa babaeng lumapit sa kanila at nagbigay ng inumin. “Nagbebreak pa sila.”
“Ah, ganon?” tanong ni Note. "Salamat, Aira," tawag nito nang mabasa ang pangalan sa ID nito.
“Welcome po.”
Nagbigay din ng inumin si Aira sa iba pang crew sa loob. Hindi na rin pinansin ng direktor ang MyuSick dahil naging busy ito habang kausap ang assistant direktor na nasa set mismo. Natutuwa si Ces sa nakikita dahil parang diyos ang direktor sa isang film; siya ang nakakakita ng lahat kaya siya rin ang nagdidikta.
Binigay ni Ciello, o ng producer ang isang papel sa MyuSick. Nagtaka sila Note pero nagsalita ito kaagad.
"Kaysa mag-ingay kayo r'yan, basahin niyo na lang ang script."
Tumango ang tatlo at binasa ang script. Habang naririnig nila ang mga sinasabi ng dalawang artista sa TV, binabasa nila ang script ng kwento.
SEQ 1 – EXT. PARK – ARAW
Sa isang park na maraming tao ngunit ipaparamdam na dalawa lang sila sa parkeng iyon.
YARA, isang dalagang estudyante ng medisina. Dalawampung tong gulang. Makinis ang kanyang balat at may mahaba at itim na buhok. Maayos ang pananamit. May lungkot sa mga mata ang dalaga ngunit palaging nakangiti.
Umupo si Yara sa bench sa tabi ng kaibigan. Nagkita sila dahil sa malungkot na nangyari kay Yara na nais ibalita ng dalaga.
GAIL, kaibigan ng bidang si Yara. Maikli ang buhok nito at may angas sa itsura. Boyish type ng dalaga.
Tahimik lang ang magkaibigan na pinagmamasdan ang mga taong naglalakad.
YARA (Pangiti)
Hindi mo ba itatanong kung okay lang ako?
GAIL (Lumingon)
Alam kong hindi ka okay kaya bakit ko itatanong? Makikinig na lang ako sa mga hinaing mo.
YARA (Mangingintab ang mga mata)
Gail, may tanong ako.
Nag-abang si Gail sa susunod na sasabihin ng kaibigan.
YARA (Hindi makatingin sa kaibigan)
Anong mas gusto mo, magmahal o minamahal?
GAIL (Ngumiti)
Mas gusto kong magmahal. Mas gusto ko maramdaman first hand ang saya, lungkot at sakit kaysa iba makaramdam ng mga iyon dahil sa akin. Katangahan pero worth it magpakatanga minsan. Tandaan mo. Minsan lang dapat.
YARA (Natawa)
Oo na, madam. Minsan lang.
Nanatiling tahimik ang dalawang kaibigan hanggang sa tumulo na ang luha ni Yara.
YARA (Nakatingin sa kaibigan)
Alam mo bang may nakapagsabi sa akin na 'Love doesn’t exist until you acknowledge it to others'.
GAIL (Ngiti)
Really? Sa tingin ko totoo naman iyon.
YARA
Gail.
GAIL.
Hm?
Hinawakan ni Yara ang kamay ni Gail. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito hanggang sa nakaramdam ng kaba si Gail sa kinikilos ni Yara. Tumingin si Yara kay Gail na tulo nang tulo ang luha habang nakangiti.
YARA.
How can acknowledging this kind of love be so painful? Too painful for me to bear.
GAIL.
Anong sinasabi mo?
Magugulat si Gail nang ilapit ni Yara ang kamay nilang magkahawak sa dibdib ng dalaga. Nanlaki ang mata ni Gail nang halikan ni Yara ang kamay niya.
YARA.
I wish to exist outside the boundaries of your needs, Gail. I wish you acknowledge this love to exist.
Pagkatapos nilang mabasa ang isang sequence, napatingin si Ces sa tatlong TV. Ang isang TV ay nakafocus sa gulat na mukha ng babaeng maikli ang buhok. Ang isang TV ay focus sa naiiyak na mukha ng babaeng mahaba ang buhok. At ang pangatlong TV ay nakafocus sa kamay ng dalawa habang magkahawak kamay.
Kinabahan si Ces habang nakatingin sa kamay. She felt hot on her cheeks when she remembered something. . .something near that holding hands. Lyric. Huminga nang malalim ang dalaga at inialis sa isip ang binata.
"Babae sa babae?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Note.
"Nagtapat ng walang kasiguraduhan. Greatest risk," mahinang sabi ni Melo na narinig nila Note at Ces. Napatingin sila sa kaibigan ngunit nakatingin lang ito sa script. They both wanted to ask what's wrong ngunit mas pinili na lamang nilang manahimik. Baka nagpapakadeep lang ang kamasahan.
Narinig nila ang sigaw ni Daph, ang assistant director, ng 'cut'. Nag disperse ang mga tao sa scene at nagkanya-kanya ng ayos. Napalingon ang tatlong myembro ng MyuSick nang tawagin sila ni Direk J. Marie at tanungin.
“You want to be part of the film?”
* * *
Kinagabihan, nasa labas silang lahat para mashoot ang isang scene nila Lyric. Vocalist kasi ang character ni Lyric sa film. Ang scene na ito ay isang charity event na inayos ni Erich. . . na kaibigan nila Yara at Gail sa film. Napansin nila Note na puno ng artista ang nasa set kaya nagpapicture sila kung kani-kaninong artista.
Kay Ysa na isang sikat na teenage star at kay Emerald na model ng isang beauty product. Tuwang-tuwa si Note at Melo dahil minsan lang sila makapagpapicture sa mga celebrities. Hindi rin nagpatawad si Note at Melo nang makita nila ang isa sa mga highest paid model na brit-nay (british - pinay) na si Yuli at ang kaibigan nitong sobrang ganda rin na si Kristina. Nanosebleed lang sila dahil english spokening ang dalawa.
Excited sila Note at Melo nang maupo sila sa second row. May mga katabi silang tumitili sa kanila kaya nagpicture at autograph signing din ang dalawa.
Inaayusan si Ces sa isang tent nang pumasok si Erich na nakatingin sa kanya. “Bakit ka nandito, Ces?”
Nakatingin si Ces kay Erich gamit ang salamin sa kanilang harap. “Wala lang.”
"Ah, okay." Tumango si Erich na nakataas ang kilay saka ito ngumiti nang ayusan siya ng isa pang stylist. Nauna nang umalis si Ces at naupo sa tabi ng dalawang kaibigan. Tahimik lang siya kahit na nag-iingay ang fans ng MyuSick sa kanilang paligid.
Nang dumating si Erich, all eyes were on here. Lahat napatingin. Lahat binati si Erich na ang ganda ng ayos nito kahit simple lang. Naupo si Erich sa harap mismo ni Ces. Tapat ng stage.
Kinaukausap ng staff na ang pangalan ay Mariss si Erich upang mabrief ng mga gagawin. "Ngingiti lang po kayo. Basta ngiti lang na para pong daydreaming. Mukhang mahihiya pero titingin din kay kuya mamaya."
Tumango si Erich.
Nag-aayos na ang mga crew at staff. Ang mga speakers. Ang stage na may mga camerang nakatutok. Ang camerang nakatutok kay Erich. Mga lights. Maraming extra ang nandoon na nakaupo at nagfafangirl sa MyuSick. Nakaupo rin at may sari-sariling spot ang mga artista ng film na tinututukan din ng mga camera. Mukhang cameo ito ng ibang artista.
“Hi po,” napalingon si Ces nang kalabitin siya ng isang babae. “Ako po pala si Shane.”
Ngumiti si Ces. “Hi Shane.”
“Omaygahd!” Nagulat si Ces sa nireact ng babae. Nagpaypay ito ng kamay at nagtititili nang yakapin ang dalaga. “Ang sarap marinig ng pangalan ko sa boses niyo. Isa pa po, please!”
“Shane,” natatawang sabi ni Ces. Lalong lumakas ang tili ng babae at nagpapicture pa bago huminahon. Natatawa lamang si Ces nang mapatingin siya sa stage at nakita niya ang lalaking kanina pa niya hinahanap.
Si Lyric.
“Kuya,” lumapit si Mariss kay Lyric. “Habang kumakanta po, titingin lang po kayo sa kanya,” turo ni Mariss kay Erich na nasa harapan ni Ces. “Sa kanya lang po.”
“Sige.”
Napangiti siya nang marinig niya ang boses ng binata. Napangiti siya dahil nakita niyang muli ang kapwa bokalista—mukhang pinagtuunan ng pansin ang pagstyle ng buhok nito dahil rakistang Lyric ang nakikita niya ngayon. Nakaeyeliner ito at naka black choker. All black ang get up at medyo fitted, sobrang fit sa katawan nito. *
Ang gwapo niya sa ayos niya ngayon.
Tumingin si Lyric kay Erich—ngunit tila ba tumagos ang tingin ng binata at napatingin kay Ces. Bumilis ang tibok ng puso ni Ces sa mga titig ni Lyric lalo na nang ngumiti ito sa kanya.
Sumigaw muli ang assistant direktor at nagsimula nang tumugtog ang bandang kasama ni Lyric. Hindi na napansin ni Ces ang mga ito. Nakatingin ang binata sa kanya—alam niyang siya ang nakikita ng mga mata nito nang magsalita si Lyric.
“Masaya akong nandito ka ngayon.”
Napalunok si Ces at napayuko. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Nadurog siya sandali nang maramdaman na naman niya ang pilat sa kanyang dibdib.
Hindi pwede.
♪ ♫ And don’t go to bed yet love, I think it’s too early
And we just need a little time to ourselves
If my wall clock tells me that it's 4 in the morning I'll give it hell
Nagsimulang mag gitara ang mga gitarista at nagsimulang kumanta si Lyric. Hindi pa rin makatingin si Ces dahil pinipilit niya ang sarili na huwag ibalik ang tingin ngunit. . .
♪ ♫ Cause I’ve been trying way too long
To try and be the perfect song
When our hearts are heavy burdens
We shouldn’t have to bear alone
Hindi niya kaya. Hindi niya kayang hindi tumingin. He was seducing her with his voice. Hindi makatiis si Ces. When she looked back at Lyric, napasandal siya nang mapansing nakatingin sa kanya si Lyric—nakatitig sa kanya ang binata.
♪ ♫ So goodnight moon and goodnight you
When you’re all that I think about
All that I dream about
Sinabihan sila ni Mariss na pumalakpak. She tried clapping pero hindi niya magawa. Nanghihina siya sa mga titig ni Lyric. Hindi na niya maialis ang tingin sa binata. She missed those eyes. Ang mga matang sa kanya lang nakatingin.
Huwag Lyric.
♪ ♫ How’d I ever breathe without
A goodnight kiss from goodnight you
“Okay ka lang?” Napalingon si Ces nang magsalita si Melo na nasa tabi niya. “Mukhang tulala ka d'yan?”
“Ayos lang,” she assured.
Ayos nga lang ba siya? Ayos nga lang ba kung grabe ang kaba na nararamdaman niya? Ayos nga lang ba kung hindi na siya makaiwas ng tingin sa nangungusap na mga mata ni Lyric?
Huwag, Ces.
♪ ♫ The kind of hope they all talk about
The kind of feeling we sing about
Sit in our bedroom and read aloud
Huwag, ano?
She figuritively feels heaven with his eyes looking at hers but she felt something. . . near death. Literally.
“Boo! Lyle, huwag ka na! MyuSick for life!”
♪♫ Like a passage from goodnight moon
Mula sa keyboards ay nagsimulang tumugtog ang drummer na hindi napansin ni Ces. Natauhan ang dalaga sa sigaw. Nawala ang titigan ng dalawa at napatigil sa pagkanta si Lyric. Tumigil din sa pagtugtog ang banda. Tumingin ang lahat sa babaeng sumigaw sa likuran. Tumayo ang babaeng nakasalamin at nakabackpack. Maliit ito at maputi. Lagpas balikat ang itim na buhok at nakatali ang bangs.
“Leah, wag kang maingay!”
"Wapakels! Dapat malaman ng Lyle na 'yan na hater niya ako!”
Nagulantang ang mga tao sa sigaw ng isang dalaga. Biglang sumigaw ang assistant director sa megaphone na nagpatigil sa mga tao. “Anong nangyayari?! CUT!”
Nagkagulo ang mga tao. Binato pa ng dalaga ang tsinelas na suot sa stage. Nag-aapoy ito dahil sa pulang kulay na may hello kitty design; kamuntikan nang matamaan si Lyric. Pinipigilan ng mga lalaki ang pagwawala ni Leah bago pa makalapit sa stage. Paglingon muli ni Ces kung saan nakatayo si Lyric, nanlaki ang mata niya nang makita ang lalaking nasa likuran ng bokalista.
She blinked twice. Ngunit hindi siya niloloko ng kanyang mata. The drummer. . . was Lyle Yuzon.
~ ~ ~
Author's Note:
Thank you sa 850k reads, 11k votes at 3k comments. Thank you guys! Really. Sa mga sumali sa Theory Shmeory, 'yung iba nalagay ko na. Yung iba tapos na ang cameo pero yung iba, hindi pa tapos (next update pa) at yung iba, hindi pa nababanggit ang pangalan. HANGGANG CHAPTER 47 lang po ang cameo kaya huwag na po tayo mag expect pa sa susunod. Mahirap ang maraming pangalan <//3
Dedicated to Patricia. Sobrang nagustuhan ko kasi ang gawa niyang fanvid ng Lyric Ces. Sobrang kinilig ako lalo na nung nabasa ko 'yung mga quotes. Ahihihi kilig kilig. Thank you po rito Patricia! Nagustuhan ko rin 'yung song na Goodnight Moon kaya kinuha ko rin para sa chapter na ito.
Like pilosopotasya page! (click external link, yay!) :D
MyuSick: Manager Lily. Ces. Lyric. Note. Melo. Pitch. (See Multimedia picture)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top