45 // Plan of Little Devils

"We must be willing to let go of the life we planned so as to have the life that is waiting for us."
— Joseph Campbell

 

~ ~ ~

It was not a good decision.

Nang marinig ni Ces ang matinis na boses na iyon, alam niyang maling mali siya. Wala siyang karapatang humindi—lalo na't si Manager Lily na ang sumang-ayon. Hindi nga niya alam kung paano nakuha ng taong 'yun ang number niya. Hearing that squeaky familiar voice made her shiver. . . no, she's not angry because of what happened. Hindi rin siya takot. It's just that. . . she loath that girl.

"Ayaw kong magbida, Manager!" pagmamaktol ni Lyric.

Kasalukuyang nasa Haven ang MyuSick for their meeting about the 'favor' that girl brought. Paulit ulit sa isip ni Ces na kung hindi lang sana niya sinagot ang phone, hindi siya mapipilitan kausapin si Manager Lily. Well, ang totoo ay hindi naman talaga niya sinabi kay Manager Lily ang tungkol dito but that girl has her own ways to talk with their Manager. Ang kapal ng mukha. That devil bitch.

Tiningnan nang masama ni Manager Lily ang bokalista. Natakot ang buong MyuSick sa reaksyon ni Lily. Lily was serious. "Ilabas mo na lang kaartehan mo sa film."

"Pero—"

"Oo lang ang sagot," marahang sabi ni Manager Lily. Kinuha nito ang cellphone at nagdial. She looked at Lyric with authority. "Lilinisin ng indie film na 'to ang pangalan mo."

"Pero musician ako. Hindi artista."

"Enough."

That was what Manager Lily said. . . and it was final. Lyric was devastated. Pagkalabas ay inihilamos ng binata ang kamay sa mukha. He brushed his hair upward in frustration.

"Hindi ako marunong umarte!" pagrereklamo nito.

Ngumisi si Melo, "isa kang kahihiyan sa MyuSick kapag hindi mo ginalingan, pre."

"Huwag kang maging tuod sa shoot ah?" Nakisali pa si Note sa pang-aasar.

Dumiretso si Pitch sa kanyang kwarto dahil busy itong nagbabasa habang nakatayo lang si Ces. Nakatingin kay Lyric. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat. Nakakapangsisi.

"Sorry." Napatingin ang tatlong binata kay Ces.  "Hindi ko alam na. . ."

Ngumiti si Lyric ngunit kitang kita na hindi ito masaya. "Okay lang."

Narinig nila ang malakas na boses ni Manager Lily mula sa Haven. Tila ba pinaparinig talaga ni Lily ang mga salita sa tainga ni Lyric. "Hello? MyuSick's Manager. Lily. Yes. Lyric's in."

* * *

"Hoy!"

Mula sa pagkakahiga ay napatingin si Ces sa pintuan ng kanyang kwarto. May boses ng batang babae ang sumisigaw sa labas. Isang pamilyar na boses. Nang buksan ni Ces ang pintuan, nagulat siya sa takot nang makita ang batang iyon. Si Mela, ang kapatid ni Melo. Nakangiti.

"B-Bakit?"

"Aalis tayo!"

Napangiwi si Ces nang pagsarhan siya ni Mela ng pintuan. Pintuan ng mismong kwarto niya! Kahit hindi alam ni Ces ang nangyayari, sumunod na siya sa bata at nag-ayos.

Ilang minuto ang nakaraan, lumabas si Ces ng kwarto. Hindi na niya hinanap kung nasaan si Mela dahil naririnig niya ang maliit na boses ng bata sa ibaba. Pagkababa ay nakita niyang nakaayos ang buong MyuSick.

Nagtataka siyang tumingin sa mga kabanda. Bakit sila nakaayos? Sa album launch ba nila ito? Sa meeting with the production of Direk J? Ngunit walang sinabi si Manager. . . kahit text ay wala siyang natanggap. Nagpaalam sandali ang magkapatid na Melo at Mela para umakyat. Naiwan sila Lyric, Note, Ces na nakatayo habang tulog sa sofa si Pitch.

Napansin ni Ces ang pagkakamot ng ulo ni Lyric. Nang magkatinginan ang dalawa ay nginitian niya ang lalaki ngunit nag iwas ng tingin. She felt weird. Hindi alam ng dalaga kung nasaktan ba siya sa pag iwas na iyon. Nagulat si Ces nang may lumitaw na kamay sa harapan niya na may hawak na chocolate. Paglingon ay nakita niyang nakangiti sa kanya si Lyric.

"Gusto mo?"

Hindi kaagad nakakibo si Ces. Nag init ang buong pisngi niya. Napatingin siya kay Lyric na nakangiti sa kanya. Kukunin na sana niya ang chocolate nang umentrada  si Note.

"Uy, pahingi!" kukunin sana ni Note ang chocolate ngunit iniwas ni Lyric.

"Pang babae lang."

Sumimangot si Note. Para siyang batang hindi pinagbigyan ng tatay kargahin. Mula sa haven ay lumabas si Manager Lily na nakapambahay, nakatali ang buhok at may hawak na mug. Nagtaka si Ces dahil hindi nakaayos ang Manager nila. Magsasalita pa lang sana ang dalaga nang naunahan na naman siya ni Note.

"Manager!" pagtawag ni Note kay Lily. "May chocolate bang binigay si Lyric sa'yo?"

Kumunot ang noo ni Manager Lily. "Wala, bakit?"

Ibinalik ni Note ang tingin kay Lyric ngunit may ngisi na ito sa labi. "Pang babae lang daw oh. . ." natatawang sabi ni Note. Kamuntikan nang maout-of-balance si Note nang hawiin siya ni Manager Lily. "Aray ko naman." 

Hindi pinansin ni Manager si Note. Tumaas ang kilay niya nang makitang may hawak na chocolate si Lyric. "Bakit may chocolate ka? Hindi ba sinabi kong bawal ang dairy products sa inyo."

Nagkatinginan sina Lyric at Ces. Ngiting tagumpay ang nakabalandra sa mukha ni Note nang ibigay sa kanya ni Lyric ang chocolate. "Oh ito na, sa'yong sa'yo na 'tong chocolate."

Tuwang tuwa si Note nang buksan niya ang chocolate at kumagat. Asar na asar naman si Lyric habang nakapasok na ng kwarto si Manager Lily. Nakatayo lang si Ces habang nakatingin kay Note. Humupa na rin ang kabang naramdaman niya mula kanina.

Nagkatinginan sila ni Note at inalok siya ng gitarista. "Gusto mo?"

Ngumiwi si Ces, "sige, okay lang. Huwag na."

"Buti naman," natatawang sabi ni Note.

Pinalo ni Ces si Note sa braso dahil sa pang-aasar nito. Tawa nang tawa si Note habang obvious na badtrip si Lyric. Umupo sa pangalawang sofa si Lyric at nagulat na lang ang lahat nang may unan na tumama sa ulo ni Note.

"Aray!" hinimas ni Note ang ulo. "Ano ba?!"

Pagtingin ay nakita nila ang kamay ni Pitch na hinagis ang unan. Tumayo si Pitch at tiningnan si Note nang mataman. Sumimangot si Note ngunit hindi nagpatinag si Pitch. Sa mga tingin ng drummer ay pwede nang magyelo on the spot si Note. . . pinapaalam na gambalahin na ang lahat huwag lang ang natutulog na Pio Alberto.

"Ang ingay mo."

Paakyat si Pitch nang mapansin ni Ces na pababa si Mela ng nakangiti. Walang Melo-ng nagpakita. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin siya kung bakit nasa MyuSick residence si Mela. Dahil ba malapit na magpasko at wala ang mga magulang nito kaya kay Melo muna nakikisama? Either way, ano man ang sagot. . . natatakot pa rin siya sa presensya ng bata. . . lalo na nang tumigil ito sa harap ni Lyric. Nakangiti pa rin.

"Ikaw, ipasyal mo ako," utos ng bata.

Napangiwi si Lyric at tiningnan nang mataimtim si Mela. Dahil nakaupo ang binata, kasing taas niya ang bata. Face to face.

 "Anong ipasyal?"

Umirap si Mela. "Duh, pasyal. Hindi mo alam 'yon?"

"Pero maraming tao. Magpapasko na." Nagkamot si Lyric ng noo. Humindi siya kay Mela ngunit nagulat siya nang kulit-kulitin siya ng bata. Hindi nagpapaawat. When Ces was about to ask for Note's help, nagtaka siya nang wala na ang gitarista sa tabi. Saan nagpunta 'yun?

"Aray!"

"Lyric!" Paglapit ni Ces ay nakita niyang kinagat ni Mela ang kamay ni Lyric.

"Ang sakit!"

"Ipasyal mo na kasi ako!" pagmamaktol ni Mela. Nagpapapadyak ito. Nang pigilan ni Ces ang pagwawala ni Mela, kinagat ni Mela ang braso ni Ces.

"A-aw." Ces winced.

"Oy!" Agad na tumayo si Lyric at hinawakan sa braso si Mela. Binuhat nito ang bata upang ilayo kay Ces. Nagwawala pa rin si Mela at nagsisisigaw na ipasyal siya ni Lyric. "Ano ba, huwag kang maingay." Nakakunot ang noo ni Lyric. Hindi na rin niya malaman kung dapat ba niyang pitikin ang bata sa noo para tumigil pero baka machild abuse siya. He was torn between dahil sumusobra na ang pagkabrat ni Mela.

"IPASYAL MO AKO!"

"Bakit ba kasi ako?!" Ibinaba ni Lyric si Mela. Nakakunot noo pa rin si Lyric ngunit nagulat siya nang kumunot din ang noo ni Mela. "Pwede bang kuya mo na lang magpasyal sa'yo?"

"Ayaw ko! Baka mamaya ipasagasa niya ako, eh!"

Sumimangot si Lyric at naupo ulit sa sofa. "Hindi na ako nagtaka."

"Lyric." Pagbabanta ni Ces.

Nagkatinginan sila Ces at Lyric sandali at parang natigil ang oras ng dalaga nang ngumiti ang binata sa kanya. It's as if that smile says he won't do it. Never. Kahit nakakaasar na talaga si Mela.

"Gusto ko ipasyal ako ng daddy figure." Sagot ni Mela. Ngiting-ngiti.

Huminga nang malalim si Lyric. "Anong pinapahiwatig mo? Na mukha akong tatay?"

Lumawak ang ngiti ni Mela at pinat ang ulo ni Lyric. "Ang pogi mo."

"Ikaw!" Tinuro ni Mela si Ces. "Sama ka."

* * *

Little Cute Devil.

Hindi maikakaila na isang minion ni Manager Lily si Mela. She was a brat. Really. Nagmamaktol kapag hindi nasusunod ang gusto. Pala-utos at kung umasta ay parang boss. Sa edad nitong siyam, ang dami na nitong alam—mas marami pang alam kay Ryzza Mae ng Eat Bulaga.

"Ang tagal naman!" pagrereklamo nito.

Napangiwi si Lyric habang nagdadrive. Kanina pa talaga siya nagtitimpi sa mga reklamo at sigaw ng bata. Kahit nga ilang minuto na ang nakaraan at nasa kotse na sila, nararamdaman pa rin niya ang kagat ng bata. It stings. And it hurts. A lot.

Ganoon din ang nararamdaman ni Ces.

Her heart was pounding. Hindi siya mapakali dahil nasa tabi siya ng driver's seat. . . which is Lyric. Ngayon lang sila nagkatabi sa kotse. Ngayon lang din niya nalamang nagdadrive ang binata. At ngayon lang din niya napagtantong hindi ito ang kotse na dinadrive lagi ni Melo. Gusto niyang itanong kay Lyric ang mga ito ngunit may isang pumipigil sa kanya: Ang kaingayan ni Mela. Tanong nang tanong kung nand'yan na ba sila o wala pa. Sinasabing ang tagal at kupad mag drive ni Lyric.

"Mela, Amusement Park ang gusto mong puntuhan. Magpapasko na. Traffic. Four hours ang byahe. Huwag ka namang demanding." Ilang ulit na sinabi ni Lyric ito ngunit nagrereklamo pa rin si Mela.

"Wala akong paki! Paliparin mo 'tong kotse!"

Ngumiwi si Lyric at tiningnan ang batang nasa back seat mula sa rear-view mirror. "Gusto mong ikaw ang lumipad?" Tiningnan nang masama ni Mela si Lyric. Ngumiwi si Lyric, "experience lang."

Inirapan ni Mela ang bokalista. "Korni."

Humugot ng malalim na hininga si Lyric. This is pathetic.

Hindi natapos ang kaingayan ni Mela. Kung anu-ano ang napapansin nito at napagdesisyunan na lamang nila Ces na huwag na lang pansinin ang bata dahil mapapagod din ito. Nilibot ni Ces ang paningin sa loob ng kotse. Maganda ang kotseng ito dahil maliit lang hindi tulad ng sa Van. Maayos ang kotse at walang kahit na anong sira o kalat. Pagtingin ng dalaga sa dashboard, may napansin siyang isang maliit na glass bottle na may takip.

Ilang minuto lang, knock out na si Mela. . . kaya nagkaroon ng tsansang makapag-usap ang dalawang bokalista.

"Kaninong kotse 'to?" unang tanong ni Ces.

Tumingin sa kanya si Lyric at ngumiti. Napangiti si Ces dahil doon ngunit nagwawala naman ang puso niya sa loob.

"Akin."

"Hindi mo sinabing may kotse ka pala. . ."  Tiningnan ni Ces si Lyric at pinagmasdan kung gaano kagwapo ang binata habang nagdadrive at nakatingin sa daanan. "at nagdadrive."

Nakita ni Ces ang pagkamot ni Lyric sa batok habang nakangiti. She finds him cute while doing it. Sobrang boyish ng dating at ang teenager ng feel. "Hindi ka naman nagtatanong eh," nakangisi nitong sabi.

Nagtawanan ang dalawa nang magkwentuhan pa sila tungkol sa ilang bagay. Tuwang tuwa rin sila dahil natahimik si Mela kahit paaano. . . mukhang napagod sa pagmamaldita. Ang dami nilang topic: Ang MyuSick. Ang Music in general. Ang mga bagay-bagay. . . ngunit hindi mapakali si Ces. She was itching to ask a simple question since he went home a few days ago.

"Saan ka nagpunta?"

Napatingin si Lyric kay Ces ng ilang segundo. Nagtataka. .  at ibinalik ang tingin sa harap. "Saan nagpunta?"

"Noong dalawang linggo."

Natahimik ang dalawa panandalian. Hindi nagsalita si Lyric kaya't napatingin sa kanya ang dalaga. Waiting for answer. Yearning for the truth.

"Bakit?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces sa pagsagot ni Lyric ng isang tanong. Bakit? Bakit nga ba? Bakit siya interesado malaman kung saan galing ang kapwa bokalista? Hindi ba dapat hayaan na lang niya ito? Si Manager Lily nga ay hindi na tinanong kung saan galing si Lyric. . . siya pa kaya?

"W-Wala lang."

"Sa ibang bansa."

"Ibang bansa?" Muling binaling ni Ces ang tingin kay Lyric.

Ngumiti si Lyric at tumingin kay Ces. "Bakasyon lang."

Hindi na nagtanong pa si Ces. It was good enough. Ngunit hindi rin niya alam kung anong nangyayari sa kanya. Sa tuwing natatahimik sila ni Lyric ay hindi siya mapakali. Kapag nawawala ang mga salita ay pakiramdam niya namimiss niya ang boses ng binata. . . kahit katabi lang niya ito. It was so weird. Tila ba hinahanap-hanap niya ang pag-uusap nila ng binata.

"Ano 'to?" Kinuha ni Ces ang maliit na bote sa dashboard.  Tiningnan niya ang loob nito at napansing puno ng tuyot na rosas ang nandoon. May nakita rin siyang papel. . . at bigla siyang kinabahan nang mapansin niy ang kulay nito. Pink.

Mystery texter.

"Ah ano. . ." natigilan si Lyric. Kinuha niya sa hawak ng dalaga ang bote at inilaglag. Hindi ito makuha ni Ces dahil sinadyang bitawan ni Lyric ang bote sa ilalim ng driver's seat. "Wala lang 'yun. B-Basura."

Hindi na nagsalita pa si Ces. Hindi na rin niya kakayanin magsalita dahil ang bigat ng kanyang paghinga. Kaunti na lang ay tatalon na palabas ng katawan niya ang kanyang puso.

When Mela woke up, nagsimula na naman itong magreklamo. . . at hindi inaakala ni Ces na magpapasalamat siyang nagising ulit si Little Devil.

Bago pa sila makapunta mismo sa Amusement Park, gumuho ang mundo ni Lyric nang magsalita si Mela.

"Ayaw ko na sa park, playground na lang."

* * *

Pagod na pagod si Lyric nang maupo siya sa bench ng playground. Mula sa Amusement Park ay bumalik sila sa center of Manila para mapuntahan ang playground na gusto ni Mela. That spoiled little devil.

Nanggigil si Lyric pero hindi niya magawang gumalaw dahil sa sobrang kapaguran. Ngayon na lang kasi ito nagdrive ulit ng halos abutin ng five hours. Kahit si Ces ay naramdaman ang pagod kaya naman nakaupo lang sila. Magkatabi. Habang nakatingin kay Mela na binubully ang ibang bata sa playground.

"Kakaiba talaga 'yang Mela na 'yan, torture!" Iniistretch ni Lyric ang kanyang katawan. Naninigas kasi ito dahil sa sobrang tagal nitong pagkakaupo. Nangangalay rin ang kanyang mga braso at binti.

Napangiti si Ces ngunit tahimik lang. Ilang minuto silang tahimik. Tanging ang ingay ng mga bata, sigawan, tawanan at sigaw ni Mela ang naririnig sa playground. Hindi rin maaraw kaya masarap magpalipas ng oras sa labas.

Walang nagsasalita sa dalawang bokalista. Nakadikwatro lamang si Lyric habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid. Si Ces ay nakaupo, tensed at nakayuko.

"Kwento ka naman."

Napatingin si Ces kay Lyric ngunit hindi ito nakatingin sa kanya. "Ako?"

Nakita ni Ces ang pagngiti ni Lyric. Bumilis ang tibok ng puso niya nang tumingin ito sa kanya. "Oo, ikaw nga. . .Prinsesa."

Natigilan si Ces sa narinig. Prinsesa. . . Napapikit siya at sumandal. She should felt the pain with that word pero wala siyang naramdamang sakit. Wala siyang naalalang prinsipe na sumira sa kanya noon. It's as if she finally, as in finally, moved on from her past.

Tumingin ng diretso sa harap. "Pero wala naman—"

"Mula sa pagkabata." Napatingin si Ces kay Lyric na nakatingin sa kanya. Huminga ng malalim ang bata nang maramdaman niyang hinihigop na siya ng mga mata ng binata. "Ikwento mo sa akin lahat ng naaalala mo mula pagkabata hanggang ngayon."

Magkukwento. . . ano bang dapat ikwento? Hindi naman siya pala kwentong tao. Madalas, si Marky ang kausap niya pero hindi naman nagpapakwento si Marky tungkol sa pagkabata niya.

Yes, Marky's like her best friend since first year college sa dati niyang school pero hindi sila nagkwentuhan na ang topic ang simula pagkabata.

"Pero—"

"Boring? Wala akong pakielam," malumanay na sabi ni Lyric. Ngumisi ang binata at naramdaman ni Ces ang pagtalon ng kanyang puso nang tinuloy ni Lyric ang sasabihin. "Interesado ako."

That was when Ces gave up and started telling her own tale. Nagsimula ang kwento niya noong kindergarten siya at nagkabulutong. Umiyak siya noon dahil hindi siya nakapunta sa Christmas Party.

"Dahil lang doon?!" hindi makapaniwalang tanong ni Lyric. Natatawa.

Sumimangot si Ces nang tumingin kay Lyric. Natatawa rin siya. "Kinder lang ako noon!"

"Excuses. . . tapos?"

Accelerated siya kaya siya ang pinaka bata sa batch. Pagdating ng grade one, naaalala niyang siya ang first honor ng kanilang batch. Hanggang pag graduate ng grade school ay consistent ang kanyang grades. Kulang na lang ay pakpak para lumipad ito sa sobrang tataas. Sa buong grade school days niya, walang masyadong nangyari. She had some friends na nagstay at mayroon ding nawala. Ang pinaka naaalala lang niya ay nung time na binully siya ng kaklase niya.

Tinulak siya ng babaeng kaklase niya papasok ng CR ng boys at nilock siya doon. Nagkakakatok siya para palabasin nang makarinig siya ng 'sss' sound. Paglingon ay napasigaw siya at napatalikod dahil may lalaking umiihi, hindi kalayuan sa kanya.

"Kaya pala!" Natigilan si Ces nang lumapit sa kanya si Lyric. She felt uneasy hanggang sa pinindot ni Lyric ang gilid ng kanyang mata. "May kuliti ka oh! Naninilip ka pala."

"Hala, hindi ko—"

Natawa si Lyric. Nag-init ang pisngi ni Ces sa pang-aasar sa kanya ng bokalista. "Ikaw ah."

Napanganga si Ces, "wala akong nakita!" Napahawak si Ces sa magkabilang pisngi at tumayo. "Ayaw ko na nga magkwento." Palakad na sana si Ces nang hawakan siya ni Lyric sa braso. Napalunok si Ces nang maramdaman ang mainit na palad ng binata sa kanyang braso. Huminga siya nang malalim bago nilingon ang kaibigan. She acted normal. . .kahit abnormal na ang puso niya.

"Huwag. Magkwento ka pa."

Para makaiwas sa titigan session, naupo ulit si Ces. Tumingin siya kung saan-saan pwera kay Lyric. Naiilang siya dahil nakikita niya sa gilid ng kanyang mata ang mukha ni Lyric na nakaharap sa kanya. Ang mga mata nitong sa kanya lang nakatingin.

"Nung ano, highschool. . ." pinilit ni Ces halukayin ang mga nangyari sa kanya nung highschool. Ang naaalala lang niya ay ang mga malulungkot na bagay—tulad na lang nang maaksidente siya. Isang mabilis na kotse ang nakikita niya sa kanyang mata. Pag gising ay wala ang mga magulang niya sa ospital—hindi niya alam na nagsisimula na pala noong mga panahong iyon ang problema sa kaniyang mga magulang.

Nag-iinit ang pisngi ni Ces at hindi maituloy ang kwento.

"Okay lang kahit laktawan na natin 'yun." Nagkatinginan sila Ces at Lyric. Ngumiti si Ces ngunit pinagpatuloy niya ang kwento. Pagdating ng fourth year, nalaman na lang niyang may iba nang kinakasama ang kanyang tatay.

"Teka, fourth year?"

"Oo, bakit?"

Ces felt something weird nang umiwas nang tingin si Lyric. Doon lang niya naalala. . . si Mystery Texter. It was six years ago. Iniwas din niya ang tingin kay Lyric at tumitig sa kawalan. Six years ago. Siguradong highschool years 'yun. Twenty na siya this year so she's about fourteen when that 'six years ago' happened.

Pero. . . kailan?

Ces was in deep thoughts nang magsalita muli si Lyric, which made her taken aback. Her heart leaped. Nakakunot ang noo ng binata habang nakatingin sa kanya.

"Walang nanligaw sa'yo noon?"

Unti-unti siyang tumingin kay Lyric. "Nanligaw?" Lyric nodded. Nakatingin ito sa kanya na tila ba siya lang ang tao sa paligid. Nakaramdam ng kaba si Ces. Six years ago. . . sino si Lyric six years ago? Nagkadapuang palad ba sila noon o hindi niya kilala si Lyric?

Or that mystery texter, six years ago and all other stuff are all craps?

"W-Wala."

Napayuko ng kaunti si Ces nang pinatong ni Lyric ang kanyang kamay sa ulo ng dalaga. "Kawawa ka naman. Hindi ka maganda noon?" Nakangisi nitong tanong. Hindi pa nakakapagsalita si Ces ay nagulat siya nang guluhin ni Lyric ang kanyang buhok. "Okay lang, maganda ka na ngayon." Napatitig si Ces sa sinabi ni Lyric. Nagkatitigan sila sa mga mata. Seryoso ang binata ngunit ngumiti itong muli ng nakakaloko. "Konti. Konting konti lang."

Pinalo ni Ces si Lyric at nagkatawanan ang dalawa. Tila ba silang dalawa lang ang nandoon—kahit si Mela ay nawala na sa isipan ng dalawa sa sobrang engross nila sa usapan.

"Uhm, ikaw?" nag-aalinlangan tanong ni Ces. "M-May niligawan ka na ba?"

"Wala."

Wala pang segundo nang sagutin ito ni Lyric. Napatingin sa kalangitan si Ces na papunta na sa pinaghalo-halong pula, orange, yellow, pink, violet at blue. Sunset. Sobrang payapa. . . ngunit lalong naguluhan ang dalaga sa sagot ni Lyric.

"Wala?" pagtataka niya. Tumingin siya kay Lyric na nakatingin ng diretso.

"Wala." Simple nitong sabi. "Pero. . ."

"Pero?"

"Nagmahal na ako." Nakailang kisap mata si Ces sa narinig mula sa boses ni Lyric. Hindi na siya mapakali sa kanyang inuupuan at gusto na lamang niyang tumakbo palayo sa sobrang kabang nararamdaman."Pero natural lang 'yun. Lahat naman ata tayo naramdaman na 'yun."

Huminga nang malalim si Ces.  Napahawak siya sa kanyang mga braso dahil nararamdaman na niya ang palamig na gabi.

"Anong nangyari?"

"Wala. Kumplikado."

Napangisi si Ces, "kumplikado? Parang facebook lang," natatawa nitong kumento kahit kinakabahan. Just to make the atmosphere at ease.

"Hindi," seryosong sabi ni Lyric. Tumingin si Lyric kay Ces. "Mas kumplikado pa doon."

"H-Ha?"

"Naniniwala ka sa destiny?"

Napapikit si Ces at bumuntong hininga. Sa totoo lang, hindi na niya naiintindihan ang usapan nila. Lyric's so mysterious. He's so hard to figure out. Hindi naman sa mind reader si Ces pero hindi niya alam kung ano bang umiikot sa utak ng katabi. Hindi nagsalita si Ces ngunit dumiretso si Lyric sa pagsasalita.

"Alam mo bang naniniwala ako na lahat tayo, may destiny?" Tumingin sa paligid si Lyric at ngumiti. "Tipong kahit anong mangyari, doon at doon tayo patungo."

"Lyric. . ."

"Pero sinisira ng tadhana ang karapatan natin pumili ng para sa sarili natin. . . nakakagago, no?" Tiningnan ni Ces si Lyric. Nakatingin lang ang binata kay Mela, nagbabantay gamit ang mga mata. "Naniniwala ako na kung ano man pinili natin, walang lusot. Yung mga 'paano kung'? Malakas ang kutob kong pakulo lang 'yan ng nasa taas. Pinagtitripan tayo. Kasi ang totoo, kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, kung ano pinili mo. . .yun na talaga 'yun. Nakatadhana. Isang dulo na patungo sa panibagong pagpipilian."

Pinagmasdan ni Ces ang itsura ng katabi. Mapayapa ang itsura nito ngunit halatang pagod. Mga misteryo na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naiintindihan. Sa tuwing nakikita niya si Lyric ay napupuno siya ng tanong sa isip. Napupuno siya ng pagdududa kung totoo ba ang lahat o hindi.

Ano o sino ang nagsasabi ng totoo?

"Pinili kong manahimik." Tumingin si Lyric kay Ces. "Sobrang kumplikado." Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakaramdam ng kakaibang init sa katawan si Ces. Sumakit ng kaunti ang kanyang ulo at nakarinig siya ng isang sigaw ng lalaki sa kanyang utak. Tinatawag siya. Mga tawanan. "Pero nah—"

"Ang korni ng pinag-uusapan niyo." Nagulat ang dalawa nang nasa harapan na nila si Mela. Tila sumulpot bigla. "Gutom na ako," pagrereklamo nito. Hinihimas ang t'yan.

Pagkatayo nila Lyric at Ces upang umalis ay pinatigil ni Mela ang dalawa. Lyric and Ces looked at each other mirroring each others emotion: confused.

"Akbayan mo siya." Utos ni Mela.

"A-Ano?!" Nanlalaki ang mga mata ni Lyric. Hindi siya makatingin kay Ces sa sobrang kahihiyan. Ganoon din si Ces dahil nag init ang kanyang pisngi sa inutos ng bata.

"Bingi! Akbayan mo siya," pag-uulit nito.

Hinawakan ni Lyric ang kamay ni Mela. "Oy, tumigil ka na. Tara n—"

"RAPE!"

Napanganga si Lyric sa biglang pagsigaw ni Mela. Inialis niya ang hawak sa bata. Nagkatinginan sila ni Ces. Nanlalaki ang mga mata sa narinig.

"Kung hindi mo siya aakbayan, sisigaw ulit ako."

Napakamot ng mukha si Lyric sa sobrang pagkaasar kay Mela. Kulang na lang ay maalis ang balat ng mukha ng binata sa sobrang pagkayamot. Hindi niya alam kung paano naging ganito kabossy ang batang ito kung sobrang playful ng ugali ni Melo.

"Tumigil ka ah, tara na."

"RAP—hmm!" tinakpan ni Lyric ng kamay ang bibig ni Mela. Nakakakuha na sila ng atensyon ng mga taong dumadaan sa gilid nila. Hindi na rin alam ni Ces ang gagawin. Nakatayo lang siya. Hindi mapakali.

"Ano ba, Mela?"

Muling kinagat ni Mela ang kamay ni Lyric at nagsimula na namang sumigaw ang bata.

"Rape!" tinuro ni Mela si Lyric at umiyak. "Rape!"

Napatingin si Lyric sa paligid. People were staring at them. Ang kalahati ay inaakusahan na agad siya gamit ang mga mata. Napansin din niyang mukhang nakikilala na siya ng ibang tao.

"Oo na! Oo na eto na!" Nagulat na si Ces nang umakbay sa kanya si Lyric. Naramdaman niya ang kamay ng binata sa kanyang balikat ngunit sandali lang dahil gumaan ulit ito. It felt weightless. Tinitigan ni Lyric ng masama si Mela. "Masaya ka na?" naiiritang tanong nito sa bata.

Ngiting malawak ang ibinalik ni Mela. Himala rin dahil nawala ang mga luha nito sa mata. Hinawakan ni Little Devil ang kamay ni Lyric saka sila nagsimulang maglakad papuntang kotse. "Yehey, mommy and daddy!"

Nanlaki ang mga mata ng dalawang bokalista ngunit hindi sila makatingin sa isa't isa. It felt hell. Hindi naman dahil sa ayaw nila sa isa't isa ngunit grabeng blackmailing na ang ginagawa ni Mela. It's as if the kid planned this. . . evil scheme.

Ilang minuto silang naglakad na ganoon. Parang isang munting pamilya na kakabuo lamang. . . they were happy—wait no, the little devil was happy, alright. But the two vocalist? Malapit nang sumabog ang puso.

"Pasensya na. . ." Narinig ni Ces ang bulong ng lalaking naakbay sa kanya ngayon. Alam niyang nakaakbay sa kanya si Lyric ngunit hindi niya ito nararamdaman. Nagdadampi lang ang balat ng binata sa kanyang balikat ngunit walang bigat.

Hindi makatingin si Ces kay Lyric ngunit hinawakan niya ang braso ni Lyric at idiniin sa kanyang balikat. Nagulat si Lyric sa ginawa ni Ces. Without looking at Lyric, she said,"okay lang . . . at para hindi ka mangalay."

Napalunok si Lyric at natahimik muli ang dalawa hanggang makasakay sa kotse.

Si Mela ang namili ng kakainan. Hindi naligaw si Lyric dahil alam niya ang restaurant na ito—kahit si Ces ay nagulat sa pinuntahan nilang kainan.

"Favorite namin 'to ni kuya Melo!" tuwang tuwang sabi ni Mela habang pababa ng kotse. "Dito kami lagi pag birthday namin."

"Oo, alam ko. Nandito tayo noo—"

Nagkatinginan sila Ces at Lyric. Nakita ni Ces ang paglunok ni Lyric ngunit hindi na niya ito masyadong pinagtuunan nang pansin dahil sa restaurant na pinapasukan nila. Ito ang restaurant kung saan sila kumain ni . . . Mr. Quiano. Ito rin ang favorite restaurant ng propesor at ex nito.

Kaya ba nandito ang MyuSick noon dahil kay Melo? Kaya ba nag'waiter' si Melo dahil dito? But it doesn't make sense. Why save her? Coincidence ba ito or what? Knowing who Mystery Texter is frustrating Ces a lot. . . lalo na't si Lyric na halos abot lang niya ang Mystery Texter na iyon.

Pumagitna si Mela sa dalawang bokalista nang pumasok sila sa restaurant. Table for three. Hinawakan ni Mela ang kamay ng dalawa habang naglalakad papuntang table. Ngiting ngiti si Mela. They actually looked cute. . . para talagang pamilya.

Ngunit nagulat  ang dalawa nang ipaglapit ni Mela ang kanilang kamay. They heard chains at sa isang click, nakaposas na sila.

"Mela, ano 'to?!" nanlalaki ang mga matang tanong ni Lyric. Pilit niyang kinakalas, sinisira ang posas na nakakabit sa kaliwang wrist niya.

"Posas?" hindi makapaniwang sabi ni Ces habang nakatingin sa kanang kamay.

Tumakbo palayo si Mela at naupo sa assigned table nila. Ngiting ngiti ito. Creepy na ngiti. "Tara po, kain tayo."

Napanganga ang dalawang bokalista. Napansin nilang nakatingin na ang lahat ng tao sa kanila kaya naupo na rin sila. They sat beside each other because of the chains. Ngiting ngiti pa rin si Mela na nasa tapat nakaupo ni Ces.

Kumunot ang noo ni Lyric at tinitigan ng masama si Mela. "Ano 'tong ginagawa mo, bata?"

"Nakangiti po ako, kuya Lyric," pang-aasar nito.

Hindi na makapagpigil si Lyric. Gustong gusto na niyang ibato si Mela simula pa kaninang umaga sa sobrang pagkaasar. Natigilan lang siya nang masaktan si Ces sa bigla nitong pag-angat ng braso at nang dumating ang mga pagkain sa lamesa nila.

"Teka, hindi pa kami nag-oorder," nagtatakang sabi ni Lyric. Tiningnan ng binata si Mela at nakangiti pa rin ito. Huminga nang malalim si Lyric dahil nagpipigil na talaga siya sa sobrang pagkainis.

"Mela," pagbabanta nito.

"Ano po 'yun?" nakangiti nitong tanong. Flashing her sweet smile. . . her sweet evil smile.

"Kinausap ka ba ni Melo tungkol dito?" naiiritang tanong ni Lyric.

Nawala ang ngiti ni Mela at sumimangot. "Bakit?"

"Inuuto ka ng kuya mo."

Binagsak ni Mela ang kamay sa lamesa which caused the neighbor tables to look at them. "Hindi niya ako inuuto!" sigaw nito.

"T-tumahimik ka. Volume nga, pakihinaan."

Tiningnan ni Mela si Lyric at Ces sabay sabi, "Gusto ko kayo na lang magkatuluyan para hindi niya," tinuro ni Mela si Ces. "lapitan si kuya. Akin lang si kuya!"

Face palm. Ito ang naging reaksyon ni Lyric sa narinig. Napatingin siya sa kisame sa sobrang frustration sa naririnig. Hindi makaimik si Ces dahil sumasabog na ang puso niya. Ilang kuryente na ang dumadaloy sa kanyang katawan sa paulit-ulit na pagdampi ng kanilang balat sa isa't isa.

Pagtingin ni Lyric sa likuran ni Mela, may napansin siyang isang pamilyar na likod ng dalawang lalaki. Napakuyom ang kanyang kamao at nanggigigil ang kanyang panga. "Hoy kayong dalawa," tawag nito sa dalawang lalaki sa kabilang table. Hindi siya pinansin ng dalawa. Sa sobrang inis, kinuha niya ang kutsara at binato sa alam niyang mastermind.

"Uy Lyric," pagpipigil ni Ces ngunit huli na.

Bull's eye!

"Aray!" paglingon ay lalong nainis si Lyric nang makita ang pagmumukha ni Melo. Sunod na lumingon si Note na may laman pang hipon ang bibig. "Putek ka, anong problema mo?" Hinimas ni Melo ang parte ng ulo na natamaan ng kutsara.

"Anong ginagawa niyo rito?" malalim ang boses na tanong ni Lyric. Paglingon ni Ces sa katabi, nakaramdam siya ng takot sa pagkaseryoso nito. Pagtingin naman niya kay Mela sa tapat, masaya lang itong kumakain na tila walang nangyayaring kakaiba.

Sumimangot si Melo. "Nagpapasalon."Tinalikuran nila Melo at Note sila Lyric. Pinagpatuloy ng mga ito ang pagkain.

Hinawakan ni Lyric ang tinidor at binantaan ang dalawa. "Gusto niyo bang tinidor naman ibato ko?"

Lumingon si Note at kumunot ang noo. "Lyric, ano ba. Common sense. Restaurant ito. Malamang kumakain kami."

Nanlilisik na ang mga mata ni Lyric. Binitawan niya ang tinidor na hawak dahil ayaw niyang mabato ito biglaan sa sobrang pagkainis sa mga nangyayari. Huminga siya nang malalim lalo na't nararamdaman niya ang pagdampi ng kamay ni Ces sa kamay niya.

"Ano bang trip niyo?"

"Wala. Kumain ka na lang."

But it was hard to eat. . . lalo na't nakakaposas ang kaliwa niyang kamay sa kanan na kamay ni Ces. It was more harder for Ces dahil kanan ang nakaposas sa kanya. But Lyric is such a gentleman na hinayaan niyang huwag na lang gamitin ang kaliwang kamay para magamit ni Ces ang kanan.

Eating a single dish took the two vocalists an hour to finish. Mabuti na lang at may pakinabang ang presensya nila Note at Melo dahil si Melo na ang nagdrive ng kotse ni Lyric pabalik ng bahay. Asar na asar si Lyric ngunit hindi siya makapagconcentrate sa ingay nila Mela, Note at Melo—lalo na't sa buong byahe ay milyon milyong boltahe na nang kuryente ang kanyang naramdaman sa dampi ng balat.

Pagkauwi, dinatnan nila si Manager Lily na natutulog sa sofa. Paakyat na sana ang lima nang matigilan sila sa narinig na boses. Scarier than a ghost.

"Ano 'yan?" Paglingon ay nakita nila si Manager Lily na nakahiga ngunit nakatingin sa kanila—specifically kanila Ces at Lyric na nakaposas. "Bakit may posas kayo?"

"Si Me—" Tinakpan ni Melo ang bibig ni Lyric. Kinagat ni Lyric ang kamay ni Melo.

"Putspa! Kailan ka pa natutong mangagat?!"

Sinamaan ni Lyric ang tingin kay Melo at tumingin kay Mela. "Simula nang makasama ko ng isang araw yang kapatid mo."

"Goodnight po!" Natatawang sabi ni Mela at nagskip paakyat papuntang kwarto nila Melo.

"Lumayas na nga kayo," kunot noong sabi ni Manager. "Ang sakit sa ulo ng ingay niyo."

Pag-akyat ay natigilan sila Ces at Lyric. Tumingin sila kanila Melo at Note. Nakangisi ang dalawang mokong at naiinis na talaga si Lyric sa mga pinag gagagawa ng mga kaibigan.

"Yung susi." Nakaabang ang palad ni Lyric para makuha ang susi ngunit nagulat siya nang hawakan ni Melo ang doorknob ng kwarto nila ni Note.

"Ibibigay ko sana sa'yo kaya lang. . ."Nanlaki ang mga mata ni Lyric. No! This can't be. Bago pa makareact si Lyric at Ces ay sumigaw si Melo, "kinagat mo ako eh!" sabay takbo ng dalawang binata papasok ng kwarto nila. Malakas ang pagbasak ng pintuan nito. Pinipilit buksan ni Lyric ngunit hindi niya mabuksan.

"Lagot kayo sa akin!" Pagbabanta ni Lyric.

Napabuntong hininga sila Ces at Lyric. Sabay silang tumingin sa kanilang mga kamay na nakaposas at sa mga mata ng bawat isa. Sabay din ang kanilang pag-iwas ng tingin. Nagkamot ng batok si Lyric.

"P-Paano 'yan?"

Bumungong hininga si Lyric. "Sa sofa muna tayo?"

Nagtooth brush na muna ang dalawa and it's so awkward to be in a bathroom na magkasama sila. They're fully clothed dahil hindi rin naman sila makakapagbihis kung connected silang dalawa pero sobrang awkward. Matapos ng mga seremonyas ay nahiga si Ces sa sofa habang nasa lapag si Lyric. Pinipilit ni Ces na mahiga ito somewhere na may foam ngunit okay na raw si Lyric sa carpet.

Tahimik sila sa ilang minuto. Ang dilim ng paligid at tanging ilaw lang sa labas ang nagbibigay ng liwanag sa living area. Nakadikit sa lapag ang kamay ni Ces upang hindi mangalay at mahirapan si Lyric. Ganoon lang ang set-up hanggang magsalita si Lyric.

"Anong oras na?"

Nagtataka man ay tiningnan ni Ces ang digital clock.

"Mag aala una na." Mahinang sabi ni Ces hanggang sa naalala niya ang okasyon ngayon. "Merry Christmas." Nakangiting sabi ni Ces habang nakatingin sa kisame.

"Christmas," mahinang bati ni Lyric.

Natahimik muli ang dalawa. Pinipilit ni Ces na pumikit at matulog ngunit hindi pa rin mapakali ang puso niya.

"Ces. . ."

Pinapakiramdaman ni Ces ang binata. "Hmm?"

"P-Pwedeng kumanta ka?"

"Ng?" Napadilat ang kanang mata niya. Nagtataka.

"Kahit ano. O-kay lang?"

Huminga nang malalim si Ces at hindi na nagtanong pa. She started humming that particular song she felt singing to lullaby Lyric. To make him sleep. At peace.

♪ ♫ Whenever sang my songs
On the stage, on my own
Whenever said my words
Wishing they would be heard

She let her soft voice whisper her words to his ears kahit na nasa sofa siya at nasa lapag si Lyric. Silang dalawa lang ang nasa sala kaya sana ay rinig na rinig ni Lyric ang boses niya.

♪ ♫ I saw you smiling at me
Was it real or
Just my fantasy

Mabilis ang tibok ng puso ni Ces sa bawat pagkanta niya sa liriko ng kanta. Pumikit siyang muli at pinakinggan ang sarili habang kumakanta. Wishing na sana ay maparelax ng boses niya ang kanina pang naiinis na Lyric.

♪ ♫ You'd always be there in the corner
Of this tiny little bar

Naramdam niya ang ilang paggalaw ng binata. Medyo nahihirapan na rin siya sa posisyon ng kanyang kamay.

♪ ♫ My last night here for you
Same old songs, just once more
My last night here with you
Maybe yes, maybe no

Pahina nang pahina ang kanyang boses dahil nararamdaman na niya ang antok. Mabuti nga't hindi siya nagkakamali sa Lyrics.

♪ ♫ I kind of liked it your way
How you shyly placed your eyes on me

She felt someone held her right hand, the one with the chain. She's not quite sure kung totoo ba ang nararamdaman niya o panaginip lang lalo na nang maramdaman niyang may kamay na unti-unting finifill-up-an ang space between her fingers. It was their hands, intertwined.

♪ ♫ Did you ever know
That I had mine on you?

Tumigil na sa pagkanta si Ces sa sobrang antok. Naramdaman niyang may dumamping labi sa kanyang kamay. Napangiti ang dalaga nang makarinig at maramdaman sa kanyang kamay ang mainit na paghinga ng bumulong, "Salamat, Prinsesa."

~ ~ ~
Author's Note:

So far, ito ang pinaka mahabang chapter ng TTLS. Wew. 5am na jusko po. Salamat sa mga naghintay at nagbabasa nitong TTLS <3 Bottle at the car. Boss, Ash, Lyle, Keng, Erich and Marky at the multimedia box. :)

This chapter is dedicated to prismm. Una, dahil siya lang nakahula kung sino yung tumawag. (Hindi ko pa nireveal dito pero medyo obvious na) pangalawa, dahil sa pagmamarathon niya with comments at pangatlo, sobrang natouch ako sa isa niyang comment na: "Naparamdam sa akin ng story na 'to yung ibang emotion na minamaliit at sinasabihan kong 'pang-OA' dati."

Isa pa, gustong gusto ko 'yung hindi niya ako finofollow pero effort siyang basahin ang story ko. Sweet. Thank you *u*


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top