43 // Beneath Those Eyes

"I have noticed that if you look carefully at people's eyes the first five seconds they look at you, the truth of their feelings will shine through for just an instant before it flickers away." 
— Sue Monk Kidd

~ ~ ~

“Ash?”

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces. Nagkatitigan sila ni Ash. Maraming gumugulo sa isipan ni Ces. Maraming tanong. Maraming impormasyon.

Malamig na hangin ang bumalot sa paligid. Ash's eyes were as red as fresh blood. Naglaho ito at napalingon si Ces sa paligid, hinahanap kung saan napunta ang kamatayan. Kahit ramdam na ramdam ng dalaga ang kaba ay hindi niya ito masyadong ininda.

“Nasaan ka? Ash?”

“Prinsesa. . .” isang mahinang bulong ang narinig ni Ces mula sa kanyang leeg. Kinilabutan siya sa bulong.

Paglingon niya ay nakita niya ang mapupulang mata ng kamatayan. Nakakabulag na liwanag. There was something in his eyes and voice. Something in his presence that gives Ces uneasiness. Hindi maipaliwanag ni Ces kung bakit imbis na matuwa ay natatakot siya sa presensya ni Ash. Imbis na ligtas ang maramdaman ni Ces, nakakaramdam siya ng panganib.

Naglaho muli si Ash at maglalakad na sana siya pabalik nang matigilan si Ces sa naramdaman sa kanyang leeg. Isang matalim na bagay na tumutusok sa kanyang leeg. Isang kutsilyo. Hinawakan din ang kanyang mga kamay upang hindi makagalaw. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marealize niyang hindi pamilyar ang lalaking nasa likuran niya.

“Ibigay mo sa akin lahat ng pera mo. Kung ayaw mong masaktan.”

Nanginig ang buong katawan ni Ces nang marinig ang boses nito. Hindi siya makagalaw nang lumitaw muli si Ash sa kanyang harap. Nagliliwanag pa rin ang mga mata. Nakangisi. Isang ngiting. . .demonyo.

“Ash. . . a-ano 'to?”

Hindi siya sinagot ni Ash ngunit nagsalita ang lalaking nasa likuran.

“Ash? Baliw ka ba? Ibigay mo na pera mo kung ayaw mong mamatay!” pagkaasar ng lalaki.

Wala nang maintindihan si Ces. Ang tanging naririnig niya ay ang pagbilis at pagbagal ng pagtibok ng kanyang puso. She was staring at Ash. . . she was asking for anything. A help? A hand? An explanation?

Anong nangyayari?

Hindi na nagulat si Ces nang itulak siya ng lalaki sa kanyang likuran nang makuha na nito ang gusto. Pera at cellphone. Napaupo siya sa sahig at tumakbo na ang holdaper. Hindi pa rin maalis ang tingin ni Ces kay Ash. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Ash. Mga ngiting mapanlinlang. . . mga ngiting nagsasabi kay Ces na hindi siya ligtas.

Will she die? Ito na ba ang oras niya?

Nawala na sa kanyang isip ang Mystery Texter. Nawala na sa isip niya ang saya na makikilala na niya ang matagal nang palaisipan sa kanyang utak. Nawala ang lahat nang may isang palaisipan nabumalot sa kanyang isip.

Si Ash.

“S-Sino ka ba talaga?” isang mahinang tanong ni Ces sa kamatayan.

May mga ingay malapit kay Ces ngunit hindi niya ito pinansin. Ang tanging gumugulo sa isip ni Ces ay ang kaharap. Ang mga mata nito. Ang ngiti nito. Ang presensya nito. Ito ba ang totoo?

“Ash. . .” pagsusumamo ni Ces.

Hindi rin alam ni Ces kung bakit siya nagkakaganito. Kaya niyang kumilos. Kaya niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa. Kaya niyang lusubin si Ash ngunit ngayon ay para siyang nadikit sa sahig.

“Ces!”

Nakita ni Ces si Lyric na patakbong palapit sa kanya. Nakajacket na may hood si Lyric. Wala rin itong make up mula sa isang kalokohang pageant. Kaagad siyang inalalayan ni Lyric patayo.

“Anong nangyari? May masakit ba sa'yo? Ces?” sunod-sunod na tanong ni Lyric. Mabilis ang paghinga ng binata.

“Lyric. . .” mahinang bulong ni Ces.

Nagulat na lamang ang dalaga nang makarinig siyang muli ng isang bulong. Gamit ang malamig at nakakakilabot na boses, ibinulong ni Ash ang mga katagang. . . “Isa akong kamatayan.”

Paglingon ni Ces ay wala na si Ash. Nawala ang panganib sa paligid. Narinig na ni Ces ang malalakas na sigaw at daing ng isang lalaki. Paglingon ay nakita ni Ces sila Note na sinusuntok ang isang lalaki—ang holdaper.

“Walangya ka, nagsasaya kami tapos mangnanakaw ka sa pinapasaya naming babae?!” iritableng kumento ni Melo.

Hindi pa rin makapagsalita si Ces hanggang sa makabalik na sila kanila Manager Lily sa loob ng bar. Ibinalik sa kanya ni Melo ang cellphone at pera. Maraming-nag alala—natigil ang pageant dahil sa nangyari.

“Ces, okay ka lang?” pag-aalala ni Marky sa kaibigan.

“Sino ba kasing tanga ang lalabas ng ganito kagabi? At mag-isa pa.” kunot noong pagpaparinig ni Keng.

“S-Sorry,” ang tanging nasambit ni Ces.

The fun ended just like that.

Napagdesisyunan nilang umuwi na lamang. Pinauna nang pauwiin sila Matt at Marky. Hinatid naman ni Pitch si Keng pauwi. Nasa kotse lang si Ces habang hinihintay ang mga kabanda na nag aayos sa loob ng bar. She stayed there looking at nowhere. Sa tuwing pipikit siya ay nakikita niya ang mapanganib na mata ni Ash.

She felt scared. Natakot siya sa kamatayan. . . hindi ito weird. Ang totoo, dapat talagang matakot ang mga tao sa kamatayan ngunit iba si Ash. Iba ang relasyon ni Ash at Ces. Magkaibigan sila—for Ces, Ash is one of the reason she’s happy now.

Ngunit ang mga tingin ng kamatayan kanina ay nagsasabi ng kabaliktaran.

Napalingon si Ces nang bumukas ang pintuan ng kotse. Umupo si Lyric sa kanyang tabi. Tahimik lang silang dalawa ng ilang minuto hanggang sa unang nagsalita ay si Lyric.

“Sorry.”

Nagtaka si Ces sa sinabi ng kabanda. Magtatanong pa sana siya nang kinabig ni Lyric ang katawan niya at niyakap ng mahigpit.

“L-Lyric. . .”

“Sorry, Ces. Sorry. . .”

Naguluhan si Ces sa ikinilos ni Lyric. Ganoon lamang sila ng ilang minuto hanggang sa tumunog ang cellphone ng dalaga. Doon natauhan si Lyric. Kumalas si Lyric sa yakap at kaagad bumaba ng kotse.

Pagtingin ni Ces sa kanyang cellphone, bumilis ang tibok ng puso niya sa nakitang text message. Isang text message na nagbigay sa kanya ng isang sagot.

Ang katauhan sa likod ni Mystery Texter.

* * *

Ilang araw na ang nakakaraan simula ng insidente sa bar.

Hindi pa rin mawala sa isip ni Ces ang mga mata ni Ash. Ang kakaibang titig nito. Ang boses nito at ang pagpapakilala nito sa sarili. Isa siyang kamatayan. Hindi naman ito nawawala sa isip ni Ces ngunit bakit nakaramdam siya ng takot sa pagpapaalala sa kanya ni Ash ng impormasyon na iyon?

Masyado ba siyang nagtiwala kay Ash? Masyado ba siyang naging panatag na kaibigan na niya ang kamatayan? Totoo ba ang mga pinapakita ng kamatayan sa kanya noon? Ang ngiti? Ang mga paalala? Ang pang unawa at pagligtas? Ang mga kalokohan? Mga kumentong ng kamatayan na nagpapawala kahit papaano sa tensyon? Ano nga ba ang katotohanan?

Does Ash cares for her o ang tanging kailangan lang ni Ash ay ang kaluluwa niya?

Kaya ba siya inaalagaan ng kamatayan dahil kaluluwa niya talaga ang iniingatan nito? Kaya ba siya kinakaibigan ng kamatayan ay dahil kailangan nito mapalapit sa kaluluwa nito? Everything became senseless. Ngayon lang niya narealize na wala pala talaga siyang alam tungkol kay Ash, kay Boss o kahit sa Death. Wala siyang alam kung manloloko ba sila o malakas ang trip o kung ano pa man. Hindi niya sigurado kung totoo ba ang lahat ng sinasabi ng mga Death Angels o kahit ng Death Gods.

And it’s breaking Ces’ heart; knowing that Ash is Death. Nothing more, nothing less.

* * *

Hating gabi na nang mapagdesisyunan ni Ces na magpahangin sa third floor to rest her brain. Bago pa siya makaakyat ay napatigil siya sa narinig. Akala niya ay siya na lang ang gising ngunit may narinig siyang nagsasalita sa ibaba, sa hallway ng haven ni Manager Lily. Isang mahinang usapan na tila ba may tinatago.

Naglikha ng ingay ang paghakbang ni Ces kaya natigil ang usapan sa ibaba. Nakarinig siya ng isang shh. Nakaramdam ng kaba si Ces nang marinig niya mula sa dilim ang mga hakbang sa ibaba. Kaagad siyang tumakbo papasok muli sa kanyang kwarto. Pabalik na sana siya sa kanyang kama ng marinig ang boses ni Manager Lily.

“Pag-isipan mong mabuti,” palakas nang palakas ang boses ni Manager. Iisipin ni Ces na nasa tapat lang ng pintuan niya nakatayo si Manager.

Nakarinig siya ng pagbubukas ng pintuan—malapit lang ang pintuan kaya naisip niyang si Lyric iyon. Hindi nga siya nagkamali dahil boses ni Lyric ang sunod niyang narinig.

“Pero Manager—”

Idinikit ni Ces ang kanyang tainga sa pintuan ng kanyang kwarto. Pinipilit niyang pakinggan ang bulong ngunit hindi niya marinig.

May tinatagong sikreto ang dalawa—at natatakot siya sa pupwedeng mangyari.

Isang pagsara ng pintuan ang muling narinig ni Ces. Mga yabag ng paa, pagbukas at pagsara ng isa pang pintuan. Napasandal si Ces sa pader—kinakabahan sa hindi malamang kadahilanan.

After ilang minutes, napatingin siya sa kanyang cellphone sa pagtunog nito.

Kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone at napangiti nang malaman kung sino ang nagtext. Siya. Si Mystery Texter.

Goodnight, Ces. :)

 

Huminga ng malalim si Ces sa nabasa. Binuksan niyang muli ang pintuan ng kanyang kwarto at napatingin sa pintuan sa kanyang katapat. Ang pintuan ni Lyric. . . matapos ng insidente sa bar, hindi na sila muling nagkausap ng matagal. Matapos magsorry ng binata ay hindi na sila muling nagkadapuan ng palad.

Hindi rin alam ni Ces kung bakit pakiramdam niya ay lumalayo sa kanya ang kapwa bokalista. At hindi rin niya alam kung bakit bumibigat ang kanyang paghinga sa tuwing narirealize niyang lumalayo sa kanya si Lyric. Mabigat sa pakiramdam. Nakakatakot na pakiramdam.

Inialis muna ni Ces ang pag-iisip ng kung anu-ano at nagpunta sa rooftop. Lumapit siya sa railing at tumingala para tumitig sa langit. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang kita niya ang mga bituwing kumikislap sa madilim na langit. Kahit pa sabihing polluted na ang Metro Manila, hindi pa rin maiaalis na maganda pa rin ang mundo.

“Bakit hindi ka pa tulog?”

Agad napalingon si Ces sa nagsalita. She smiled nang makitang papalapit sa kanya si Lyric.

“Gusto ko lang pagmasdan 'yung langit,” sagot ni Ces habang nakatingin sa kalangitan.

Naalala niya noong nagbakasyon sila si Rizal. Naalala niya muli ang pagtitig niya sa napaka gandang kalangitan. Kasama niya rin si Lyric noon. Well, kasama niya ang buong banda pero silang dalawa lang ni Lyric ang magkausap nang gabing iyon. Isang tahimik na gabi. Hindi man kasing ganda ng langit na ito ang nakita ni Ces sa Rizal, parehas pa rin ang naramdaman kapayaapan ni Ces.

Naramdaman ni Ces ang paghinga nang malalim ng lalaking ngayon ay nasa tabi na niya. Ininangat ni Lyric ang ulo upang tingnan ang langit. Hindi sinasadya ni Ces ang pagtitig sa kaibigan. Bumilis ang tibok ng puso ni Ces nang tumingin si Lyric sa kanya at ngumiti.

“Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” natatawang sabi ni Lyric.

Ngumiti si Ces at umiling. Ibinalik niyang muli ang atensyon sa langit.

Mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung dahil ba ngayon na lang ulit sila nakapag usap ng ganito o may iba pang dahilan. Hindi na rin kasi nagegets ni Ces ang sarili. Sa dami ng nangyayari sa kanya, hindi na rin niya alam kung ano ang iisipin niya.

So she decided not to think anymore.

And just relax. . . enjoy what life has to offer.

“Gusto mong mahiga?” nilingon ni Ces si Lyric na nakaupo na pala sa malamig na lapag ng rooftop. Tinapik ng binata ang tabi.

Ngumiti si Ces at naupo rin sa tabi ni Lyric. Sabay silang humiga at naramdaman ni Ces ang lamig ng lapag sa kanyang likod. Ngunit kahit malamig, nakaramdam si Ces ng kakaibang relaxation. Pakiramdam niya ay ang lamig ng lapag ang nagbibigay sa kanya ng pampakalma—siguro isama na rin ang presensya ng lalaking nasa tabi niya.

Walang iniinda. Tahimik. Maaliwalas. Walang kahit na ano.

“Ikaw, bakit gising ka pa?” nilingon ni Ces si Lyric.

“Hindi ko rin alam. May nagsasabi sa aking huwag muna matulog at pumunta rito,” mahina ang boses na sagot ni Lyric.

Natahimik muli ang dalawa. Pumikit si Ces dahil nararamdaman na rin niya ng pagod at antok nang magsalita ang katabi.

“Anong mas pipiliin mo? Pangarap o saya?”

Napadilat si Ces at tumingin muli kay Lyric na nakatingin na sa kanya ngayon. Ang mga mata ng binata ay kumikinang dahil sa pagtama ng sinag ng buwan rito. Napaka ganda ng mga mata ng binata—ngayon lang napansin ni Ces.

“Bakit? Hindi ka ba masaya sa pangarap mo?”

Ngumiti ng kaunti si Lyric at tumingin sa kalangitan. “Mas masaya ako kapag hindi pangarap ang pinili ko.”

Natawa ng kaunti si Ces.

“Mukhang mahirap mamili d'yan.”

“Sobra,” pagbubuntong hininga ni Lyric. “Siguro mag aantay na lang ako ng sign.”

“Sign?”

“Sign mula kay God.”

Pinagmasdan muli ni Ces sa langit. Thinking about God. . .thinking about what happened to her life. Thinking about the signs God gave her. Marami siyang napagdaanan bago pa mapunta siya sa buhay niya ngayon. And she’s thanking God for giving her this life.

“Kung ano mang sign 'yun,” panimula ni Ces. “Siguradong para sa ikakaganda 'yun.”

Muling natahimik ang paligid. Wala na namang nagsalita sa kanila. Pero kahit na walang nagsasalita, hindi rin naman nagkakaroon ng awkwardness. Katahimikan lang. Parang sa tahimik na paligid, narerelax sila. Sa tahimik na paligid, sumasaya na sila.

“Alam mo ba dati,” pagsisimula ni Lyric. Natatawa ito ng kaunti na para bang may naalalang nakakatawa. “Nung bata ako, pangarap kong maging model.”

“Model?”

Ngumisi si Lyric. “Oo, model ng damit.”

“Anong nangyari?”

“Tinigil ko na kalokohan na 'yun. Ang gugwapo ng mga model eh, wala silang panama sa akin!” pagmamayabang ni Lyric habang nakangiti.

Napakunot ang noo ni Ces at natawa. “Ano? Walang panama kagwapuhan nila sa'yo?”

Kumunot din ang noo ni Lyric nang tumingin kay Ces. “Um-oo ka na lang kasi.”

“Oo na lang,” natatawa pa ring sagot ni Ces.

Ngayon na lang ulit sila nakapag-usap ng ganito. Walang problemang iniintindi. Walang kahit na anong pressure. May problema man pero sa pag-uusap nila ay nawala ito. Naglaho. Parang isang magic na nagpapawala sa lahat ng pangyayaring masama.

“Ikaw, anong pangarap mo?” tanong ni Lyric sa dalaga. “Noong bata ka pa? Ngayon?”

Napaisip si Ces sa tanong ng kaibigan. Pangarap? Ano nga ba ang pangarap niya? When she was little. . . she wanted to be a doctor—a nurse, mga trabahong tutulong sa mga tao. Then she wanted to be a teacher—para kahit papaano ay magkaroon ng saysay ang existence niya sa mundo. Na maibigay niya ang mga kaalaman niya sa ibang tao—but she decided to change her dream when she started drawing animes. . . and reading romance stories.

Doon, nasabi niya ang long time dream niya.

“Gusto ko maging mangaka.” Nakangiti si Ces. Siguro dahil sa tanong ni Lyric, nalaman niya sa sarili kung ano nga ba ang pangarap niya para sa sarili.

“Mangaka?” takang tanong ni Lyric.

“Gumagawa ng comics. Nahilig kasi ako sa pagbabasa noon—mga romantic stories,” pagkukwento ni Ces. Now if she think about it, ngayon na lang siya nagkwento ng tungkol sa kanya. “Sa tuwing nagbabasa ako ng mga romance, kinikilig ako,” natatawang sabi ni Ces. “Ang korni man pero totoo.”

“Nagdodrawing ka?” pagtataka ni Lyric na para bang hindi kapani-paniwala ang sinabi ni Ces. “Kailan pa?”

“Nung college ako nagsimulang magdrawing,” nakita ni Ces ang pagtango ni Lyric na para bang nasagot ang tanong nito. “Medyo late bloomer pero natigil ako sa pagpapractice nung. . .”

“Nung?”

“Nalipat ako sa school natin.”

Hindi na inungkat ni Lyric ang bagay na ito ngunit nagtanong pa rin siya. Nagtanong na siya na parang interesado siya sa bawat sagot ni Ces. Na for the first time, nagkukwento na si Ces ng tungkol sa sarili. Nagkukwento ang dalaga na walang alinlangan. Which only means she’s comfortable.

“Ano bang nakakatuwa sa romance stories? Hopeless romantic ka?”

Ngumiti si Ces at muling bumaling sa itaas.

“Siguro. Ganun nga. Kasi naniniwala akong may magic ang love. Kaya. . .” Ces voice faded when she remembered what happened to her last time.

“Kaya?”

“Kaya siguro naniwala akong magbabago si Lyle para sa akin,” diretsong sabi ni Ces.

Huminga ng malalim ang dalawa. Napatingin si Lyric kay Ces, nag aantay ng susunod nitong sasabihin.

Natawa si Ces—ngunit hindi ito tawa ng kaba o ilang. Isa itong tawa na para bang isang kalokohan ang naisip ni Ces noon. Isang kahangalan.

“Ganoon ako kahopeless romantic. Naniwala ako sa mga gasgas plot sa mga stories. . .” ngumiti si Ces without the bitterness. Ngumiti si Ces as if remembering the days. Hindi na rin siya nagsisisi dahil sa mga nangyari. “naniwala ako na ang isang playboy, maiinlove sa isang nerd.”

“Gasgas plot ba 'yung ganun?”

Natawa si Ces sa tanong ni Lyric. Siguro nga ay walang alam masyado si Lyric dito. Siguro dahil busy din ito at wala nang time para magbasa—hindi tulad ni Ces na napaka raming oras dati. Hindi tulad niya na everyday ay nakakatapos siya ng isang libro dahil wala siyang ginagawa sa buhay niya.

“Hindi mo lang alam kung gaano karaming kwento ang nabasa kong ganun,” natatawang sagot ni Ces.

Ngumisi si Lyric at tumingin sa langit.

“Siguro isa lang ang pinaniniwalaan ko sa mga hopeless romantic na 'yan . . .”

“Ano?”

Tumingin si Lyric kay Ces. Ilang segundo rin silang nagkatitigan hanggang sa ngumiti si Lyric at nagsalita.

“Ang tao, kayang isakripisyo ang lahat para sa mahal niya.”

As if on cue, out of nowhere, may narinig silang kanta.

♪♫ You tell all the boys "No"
Makes you feel good, yeah.

Napaupo sila kaagad at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Pagkatayo ay doon lang nila nakita na may party yata sa kalapit na bahay.

♪♫ I know you're out of my league
But that won't scare me away, oh, no

Ang lakas ng tugtog para marinig nila ang kanta ngunit tamang tama sa pandinig nila ang kanta. Para bang pinatugtog ito ng kabilang bahay upang marinig nila.

♪♫ You've carried on so long,
You couldn't stop if you tried it.
You've built your wall so high

Huminga ng malalim si Ces nang maramdaman niyang bumibigat ang kanyang dibdib. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Nanginginig din ang kanyang katawan sa kaba. Pinapamasdo rin siya at parang bumabaliktad ang chan.

♪♫ That no one could climb it,
But I'm gonna try.

“Lyric. . .” she started. Not knowing what will happen.

Hindi nakatingin si Ces sa binata ngunit nakita niya paglingon nito mula sa peripheral vision. Kinakabahan si Ces.

“Noong nasa Keng's Night Out tayo last time, makikipagkita sana ako.”

♪♫ Would you let me see beneath your beautiful?
Would you let me see beneath your perfect?

“M-Makikipagkita?”

Ngumiti si Ces at tumingin kay Lyric.

“Kay Mystery Texter.”

Napansin ni Ces ang panlalaki ng mata ni Lyric sa narinig. Nakita rin niya ang pag galaw ng adams apple ng binata.

♪♫ Take it off now, girl, take it off now, girl
I wanna see inside
Would you let me see beneath your beautiful tonight?

“Nandoon siya nung gabing 'yun,” patuloy ni Ces.

Napalunok si Lyric sa narinig ngunit nag aabang pa rin sa susunod na sasabihin ni Ces.

“Pero imbis na siya ang makita ko, holdap-er pa,” napapangiting kwento ni Ces. “Hindi siya nagpakita sa akin.”

“Ces. . .”

♪♫ You let all the girls go
Makes you feel good, don't it?

Ngumiti si Ces at humarap kay Lyric. She felt awkward with Lyric’s gaze. There’s something with his eyes telling her something. Telling her the things that needs to be told. There is tension between them ngunit hindi ito pinapansin ni Ces pero mukhang ramdam ito ni Lyric.

“Hindi ko alam kung bakit niya ako ginugulo.”

Lyric stiffened. Natigilan sa narinig mula kay Ces.

“Hindi ko alam kung bakit siya nagtatago.”

♪♫ Behind your Broadway show
I heard a boy say, "Please, don't hurt me"

Muli, natahimik ang dalawa pero nakaramdam na ng awkwardness sa paligid. Siguro dahil patuloy pa rin ang pagtugtog sa kabilang bagay, hindi rin nila alam. But it seems like everything around them becomes uneasy. Everything about them got awkward or something.

“Siguro. . .Siguro dahil natatakot siya,” simpleng sagot ni Lyric.

♪♫ You've carried on so long
You couldn't stop if you tried it.
You've built your wall so high

Napatingin si Ces kay Lyric na nakatingin lang sa kalawan sa harap. Mukhang nawalan na rin ng sense si Lyric. Mukhang nawala na rin ang atensyon at focus nito. Napansin ni Ces ang kamay ni Lyric na nakahawak ng mahigpit sa railing as his hands whitens.

“Natatakot?”

Narinig ni Ces ang mabigat na paghinga ni Lyric. “Sa isang pangyayari. Sa isang pangako.”

Hindi mapigilan ni Ces ang pagwawala ng kanyang puso. Pinagpapawisan ang kanyang mga kamay. Hindi na rin niya alam kung ano ang dapat isipin o kung ano ang dapat sabihin. Nawawala ang paligid sa kanyang paningin. Tanging si Lyric at siya lang ang nakikita niya.

Nakatayo. Magkatabi. Nag-uusap.

♪♫ That no one could climb it.
But I'm gonna try

“Natatakot siya?” pagtataka ni Ces. “Pero bakit pa siya nagparamdam kung natatakot siya?”

She wants answers and she wants to know the truth. Gusto niyang malaman ang lahat dahil pinapatay na siya ng mga pangyayari. Hindi man siya ginugulo ng Mystery Texter na 'yun, still—everything’s a mystery.

Nakakatawa lang na si Lyric ang kausap niya tungkol dito.

♪♫ Would you let me see beneath your beautiful?
Would you let me see beneath your perfect?

“B-Baka hindi niya mapigilan.” Mabigat ang paghugot ng paghinga ni Lyric.  “Baka gusto niyang ipaalam sa'yo na kahit ayawan ka ng mundo.” Binaling ni Lyric ang mga matang nagsusumamo sa dalaga. “May isang tao pa ring nagmamahal sa'yo.”

Napalunok si Ces. She felt nervous. Blood rushing inside. Nagkakagulo ang internal organs niya sa loob. Kahit ang utak niya ay halos gusto na tumalon sa narinig.

“L-Lyric. . .”

♪♫ Take it off now, boy, take it off now, boy
I wanna see inside
Would you let me see beneath your beautiful tonight, oh, tonight?

Ito na lang ang huling nabanggit ni Ces. Sasabog na ang puso ni Ces. Hindi na niya mapigilan. May pumipigil sa kanyang paghinga. Nagkakagulo na ang utak at puso niya. Isama pa ang ilan pang internal organs na halos kumawala na sa kanyang katawan.

Ngumisi si Lyric, “pero hindi ko rin alam. Wala akong idea. Hindi naman ako 'yun.”

Nagkatitigan muli sina Lyric at Ces. Nagulat na lamang si Ces nang hawakan ni Lyric ang magkabilang balikat niya at niyakap ng mahigpit.

“Goodnight,” mula sa yakap ni Lyric ay naramdaman ni Ces ang mabilis na pagtibok ng puso ni Lyric kasabay ng sa kanya. “Ces.”

♪♫ See beneath, see beneath,
I...

Bago kumalas ay nag-iwan ng isang maliit na halik si Lyric sa ulo ni Ces. Natulala lang si Ces sa ginawa ni Lyric. Nag init ang kanyang pisngi pati na ang parte ng ulo niyang hinalikan ni Lyric.

♪♫ Tonight
I...

Naglakad na palayo ang binata. Iniwan si Ces na nakatulala lang sa kawalan. Bago pa makaalis si Lyric ng tuluyan ay tumigil ito at lumingon sa dalaga.

“Ah, Ces. . .”

Unti-unting napatingin si Ces kay Lyric. Napansin niya ang pagpikit ng binata at paghinga ng malalim bago magsalita muli.

“W-Wala. Sige.”

Pagkaalis ni Lyric ay agad na napaupo si Ces sa sahig. Nanghihina na siya at nakakaramdam ng hilo.

♪♫ I'm gonna climb on top your ivory tower
I'll hold your hand and then we'll jump right out

Kinuha ni Ces ang cellphone sa bulsa. She searched for that text that made her sure kung sino nga ba si Mystery Texter. She stared at the text message. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bakit ganito ang reaksyon ng kanyang katawan.

♪♫ We'll be falling, falling but that's OK
'Cause I'll be right here
I just wanna know

“Lyric. . . bakit?”

Isang text ni Mystery Texter. Isang text na hindi alam ni Mystery Texter. Isang text na wala mang kinalaman sa kahit ano ay nagbigay linaw pa rin sa lahat.

Ces! Si Melo 2—matatagalan kmi sa pg-ayos ng bar. Pkisbi nga kay Lyric bumalik xa d2. Natuwa ata xang 2makas sa gawain. Tnx.

PS: wg ka mgreply, bka mgalit sakin c Lyric pg nlaman nya gamit ko fone nya mehehehe :D

~ ~ ~
Author's Note:
Aaahhh, it's about time na malaman niyo na ang katotohanan. Para naman matapos na 'tong story na 'to jusko. Magsawa naman tayo rito~ hahahaha! Salamat sa mga sumagot about sa hula nila kung sino nakita ni Ces at kung sino si Mystery Texter. Sana hindi niyo ako sapakin, please. :( Nawindang nga ako sa dami ng  nagcomment sa tanong ko. 130+ comments?! Pero bakit konti lang nagkocomment sa pinaka chapter? BAD :( Anyway, SALAMAT SA PAGBABASA!!!

This chapter is dedicated to ate Yish. Una dahil sa suporta na natatanggap ng TTLS galing sa kanya at pangalawa, sa effort sa pag gawa ng video ng LyriCes. Omaygahd lang. First time lang ata na may gumawa ng video tungkol sa loveteam ng isa kong story at si ate Yish ang gumawa ng history!!! Pakiplay na lang po ang youtube video sa gilid ---> mapapakinggan niyo rin ang featured song sa chapter na ito. "Beneath Your Beautiful" salamat ate Yish! Salamat sa effort. Salamat sa support. THANK YOU!

Pilosopotasya page (click external link)

MERRY CHRISTMAS GUYS! Sobrang thankful ako na naging parte kayo ng buhay ko at masaya akong maging parte ng Christmas niyo ang pagbabasa ng chapter na ito (kung babasahin niyo man ng Christmas day mehehe) THANK YOU PO TALAGA SA SUPORTA! *hugs*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top