41 // More Than That

"It gives me strength to have somebody to fight for; I can never fight for myself, but, for others, I can kill."
— Emilie Autumn

~ ~ ~

Hindi lahat ng bagay, nagtatagal—kaya hangga’t maaari. YOLO.

You only live your life once. . . so make the best out of it. At hindi lahat ng pagkakataon, laging masaya. Dahil ang saya, may katumbas na lungkot sa susunod.

For a day, nakaramdam ng gaan ng loob si Ces. Pinagsabihan siya ni Manager Lily na huwag na itong sabihin sa MyuSick at maging secret of the girls na lang ang nangyari kay Lyle.  Pagkauwi nga nila galing byahe ay kaagad na dumiretso si Manager Lily sa loob ng kwarto nito. Ganoon din ang ginawa ni Ces kahit na gustong gusto niyang ikwento ang lahat. . . kung paano niya nagawang suntukin si Lyle, kung ano ang feeling before and after the punch. Gusto niyang sabihin na nagawa niyang ipaglaban ang MyuSick pero tumahimik na lang siya.

Siguro ay ayaw malaman ni Manager Lily na pinaglaban ng Manager ang MyuSick sa sarili nitong kapatid. Siguro gustong itago ni Manager ang pagiging mabait nito sa banda. . . siguro ang gusto lang ni Manager ay ipagtanggol ang kanyang MyuSick without even letting MyuSick know. . . ganoon niya kamahal ang MyuSick. Ganoon magmahal si Manager Lily—napupuno ng sakripisyo.

Obviously, kahit na sobrang pasaway ng MyuSick, pamilya pa rin ang turing ni Manager sa mga ito. Kahit ang kukulit, madudungis at makalat sa bahay, mahal pa rin nito ang mga lalaking ito.

Pero nagdaan na ang ilang araw, hindi pa rin nag-uusap sina Manager Lily at Lyric. It must have been for them to ignore each other. To take their pride down.

* * *

Pagkababa ni Ces mula sa kanyang kwarto ay nakita niya si Lyric na nakatayo malapit sa haven at nagsasalitang mag isa.

“—hindi ko talaga sinasadya. . . sorry Ma—” napatingin si Lyric kay Ces nang maramdaman nito ang presensya ng dalaga. Nagkangitian sila ng kaunti at napahawak si Lyric sa kanyang batok.

“Magsosorry ka?” tanong ni Ces sa binata.

Ngumiwi si Lyric at tumingin sa pintuan ng secret haven ni Manager Lily.

“Uhm, medyo,” nagkakamot pa rin ng batok si Lyric. Hindi mapigilan ni Ces ang pagngiti dahil kitang kita niya ang kaba sa mukha ng kapwa bokalista. “Kaya lang natatakot akong kumatok eh.”

Lumapit si Ces sa pintuan ng haven ni Manager Lily. “Gusto mo ako kumatok?” Ngiting ngiting sabi nito.

Napanganga si Lyric. Nanlalaki ang kanyang mga mata at pipigilan sana si Ces sa pagkatok. It was a funny moment, really. Ang lakas ng trip ni Ces dahil lang sa nakasuntok siya kay Lyle noong nakaraang araw at ngayon ay pinagtitripan niya ang awkward na si Lyric. Very good.

“T-Teka Ce—”

Natigilan ang dalawa nang biglang bumukas ang pintuan ng haven ni Lily at tumambad ang mukha ng Manager na magkadikit ang dalawang kilay. Na naman.

“Anong ginagawa niyo rito?”

Nagkatinginan sina Lyric at Ces. Sabay silang napalunok—obviously, badtrip si Manager Lily at mukhang hindi ito ang tamang oras para gambalahin ito.

Huminga ng malalim si Lyric. Magsasalita na sana siya nang pigilan siya ni Manager Lily.

“Don’t talk. Tawagin mo 'yung tatlo, I need to say something.”

Ito ang huling sinabi ni Manager Lily bago pumasok muli sa haven. Nagkatinginan muli ang dalawang bokalista. Wala silang magawa kung hindi ang sumunod. Nagreklamo pa sila Note at Melo ngunit wala rin naman silang nagawa.

Manager’s order eh. Rule number 1, huwag badtrip-in si Manager Lily kapag badtrip—which is everyday.

But what has Lily announced shocked the whole MyuSick. They couldn’t believe that a four word sentence can tear MyuSick’s heart apart. Those simple words na kapag pinagsama-sama, nakakagago. Nakakaloko. Nakakawarak ng puso. It gave them the reason to involuntarily shed (secretly) manly tears. Every single word crushed inside their heart. . .and it hurts. A lot.

“They cancelled our concert.”

And it’s all because of that fucking issue of Lyle with MyuSick.

Natulala si Ces pagkalabas nila ng haven.

“Alis muna ako,” seryosong sabi ni Melo nang kunin nito ang car keys at dumiretso sa labas. Wala pang ilang segundo ay narinig na nila ang pagharurot ng kotse.

Nakita ni Ces ang paglabas ni Pitch ng sigarilyo mula sa bulsa nito at inilagay sa bibig. Tahimik lang ito ngunit nakakunot ang mga noo. . . tinitigilan ni Pitch ang paninigarilyo ngunit ngayon ay parang ito na lamang ang kakapitan ng binata.

Umakyat si Note sa kwarto nito. Sinipa nito ang pintuan ng kwarto upang magbukas—nakita pa ni Ces ang pagsabunot ni Note sa sarili sabay sigaw ng “tangina!” bago pumasok sa loob ng kwarto.

Nanatili si Manager Lily sa haven at natira na lamang si Ces at Lyric sa sala. Tahimik lang ang dalawa. Parang kanina lang ay medyo nagbibiruan pa sila ngunit ngayon. . . nawala ang lahat ng saya.

Katahimikan.

Tumingin si Ces kay Lyric at pinagmasdan ang mukha ng binata na nakatayo lang. Wala itong emosyon—nakatulala ito sa kawalan. Dalawa sila sa sala ngunit para bang hindi siya nakikita ng binata.

“G-Gusto mo umakyat sa rooftop?”

Unti-unting tumingin si Lyric kay Ces, “ikaw ba tutulak sa akin?”

“H-Ha?”

Ngumiti si Lyric. Ngunit ang ngiting ito ay hindi man lang umabot sa mata ng binata. Para bang ngumiti ito for the sake of smiling and trying to be okay. But he's not. Obviously not.

Dumiretso si Lyric sa rooftop. Sinundan ni Ces ang binata. Naupo si Lyric at sumandal sa may pader saka pumikit. Nahihiya man si Ces, tumabi siya kay Lyric. Walang nagsasalita. Tahimik lang. Pinapakiramdaman ang hangin.

Ilang minuto ang nakalipas. . .

“Kasalan ko lahat.”

Tumingin si Ces kay Lyric. Halos mawasak ang puso ni Ces nang makita ang mukha ng bokalista na para bang unti-unting nawawala sa ulirat.

“Hinayaan kong gaguhin ka ni Lyle. Gumawa ako ng eskandalo. Nagkagalit kami ni Manager. At dahil sa akin, 'yung concert natin. . .” Sumandal si Lyric sa pader at tumingala. Kumunot ang noo nito. Kitang kita ni Ces ang adams apple nito na panay ang galaw. . . na para bang nagpipigil. “Tangina, kasalanan ko lahat,” halos pabulong na patuloy ng binata.

Nakakuyom ang kamao ni Lyric. Nakapikit. Pinapakiramdam ang paligid. Galit sa sarili. Galit sa mundo. Ngunit nawala ang matigas na pagkakakuyom ng kamao ng binata nang hawakan ni Ces ang kamay ni Lyric to open his hands. To maybe ease the pain. The anger. Everything.

Natigilan si Lyric at napatingin sa kamay niyang binukas ni Ces. “Ano—”

“Hindi mo kasalanan lahat,” mahinang sabi ni Ces ngunit malakas na rin para marinig ng kapwa bokalista. Nakatingin si Ces sa kamay ni Lyric na ngayon ay nakabukas na. . . nawala ang nginig sa pagkagalit nito kaya napangiti siya lalo.

“Ces. . .”

Nagkatinginan ang dalawa. “Tandaan mong kung hindi dahil sa'yo, matagal na akong wala. Kung hindi dahil sa kamay na 'to,” hinawakan ni Ces ang braso ni Lyric upang itaas ang kamay ng binata. Enough to give Lyric’s hand the attention it needs. “Hindi ako maliligtas.”

“Anong. . .”

Tumayo na si Ces at ngumiti kay Lyric na para bang bata ang kinakausap. It was a genuine smile. Nakakagulat. Kahit si Lyric ay nagulat sa positive vibes na ibinibigay ni Ces. “Dahil niligtas mo na ako, ako naman magliligtas sa inyo.”

“Ano?”

“Gagawin ko to bilang pasasalamat.”

“Ang alin?” pagtataka ng binata.

“Sik-re-to.” Iniwan ni Ces ang nagtatakang Lyric sa rooftop. Iniisip niya kung ano ang dapat gawin dahil kahit siya—hindi rin niya alam. Pagbaba niya mula sa rooftop, nakita niya si Pitch na naglakad papuntang kusina.

Doon lang niya naisip ang kanyang gagawin.

Agad agad, tinawagan niya ang taong alam niyang makakatulong sa kanya. Pagkasagot ng kanyang tawag, isang marahas na boses ng babae kaagad ang bumungad.

“Ano?! Istorbo ka ah?!”

“Keng. . . may hihin—”

"Ayoko."

* * *

Ces made this a secret from everyone.

“Live na tayo in five,” pag aannounce ng isang crew habang nagkacountdown.

“Are you ready?”nakangiting tanong sa kanya ng katabi.

Tumango si Ces. Nanlalamig ang kanyang kamay at kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na gagawin niya ito. Pagtingin niya sa gilid, nandoon si Keng na nakaupo habang katabi si Marky na hawak ang baby nito.

Napangiti si Ces dahil kahit na ayaw ‘daw’ sa kanya ni Keng, tinulungan pa rin siya nito upang matulungan ang MyuSick. Kahit na "ayaw" ni Keng ang pagtulong at kahit "napipilitan" lang daw ito ay sinamahan pa rin siya ng kasamahan sa kanyang balak. Keng is much like Manager Lily—may malasakit sa ibang tao ng patago—mas galit nga lang sa mundo si Keng kaysa kay Manager.

Now, she's still asking herself kung paano naging si Keng at Pitch noon. I mean, okay, hindi ganito kalala si Keng at Pitch pero. . . anong ugali nila before everything happened? Paano sila nagclick?

But anyway, hanggang ngayon, hindi pa rin sure si Ces kung friends na ba sila o hindi. It's very complicated. Lalo na ang sitwasyon ng MyuSick ngayon.

“Remember Ces, keep it honest," nakangiting paalala ng reporter.

“Live!” sigaw ng isang crew.

Kaagad nagsalita ang katabi ni Ces na si Sandreeya, isa sa mga batikang reporter sa Pilipinas na ngayon ay makakapanayam niya. This is exactly where Lyle is sitting noong si Lyle ang ininterview a few weeks ago. Ngayon, siya naman ang nakaupo. . ang kausap si Sandreeya at ang magsasabi ng katotohanan.

“Good evening everyone, nandito po ako ngayon kasama ang bokalista ng isang banda na mainit ngayon sa showbiz. Ces from MyuSick!”

Nakita ni Ces ang pagcue sa kanya ng isang crew na tumingin sa camera at batiin ang viewers. Nagkaroon din ng cue ang mga audience upang pumalakpak. Hindi niya masyadong makita ang mga tao dahil tutok na tutok sa kanya ang mga ilaw.

May mga basic na tinanong si Sandreeya sa dalaga hanggang sa pinagkwento na nga ng reporter si Ces, for the first time—lahat nakinig sa kung anong sasabihin ng dalaga.

“Walang alam si Manager Lily at ang MyuSick na haharap ako sa mga tao para magkwento. . .at,” tumingin si Ces ng diretso sa camera. “Manager Lily, alam kong pinagbawalan mo kami pero. . . ito lang ang alam kong paraan para bumalik sa dati ang lahat.”

“Hmm, mukhang sumuway ka sa Manager mo, Ces. Paanong bumalik sa dati ang lahat?”

“N-Na masaya kami.” Huminga ng malalim si Ces. “Dahil nasasaktan akong nakikita ang MyuSick na nasasaktan. Nahihirapan akong makita ang mga taong nagbigay sa akin ng saya na ganito kaapektado. Gusto kong. . . maramdaman nila na kahit anong mangyari, hindi ko sila iiwan. Gusto ko malaman ng lahat ng taong nanonood ngayon na ang MyuSick—hindi isang banda—isa kaming pamilya at ipagtatanggol ko sila.”

“That was. . . touching.”

“Hindi totoong nagdadrugs si Lyric. Hindi totoo ang mga sinasabi niyo patungkol sa kanya. Tao lang kami at may emosyon. Hindi kami perpekto at malayong malayo kami sa pagiging perpekto. So sana. . .sana matuto tayong pakinggan ang mga panig at. . .huwag na lang manghusga.”

“So hindi totoo ang kwento ni Lyle noon? Ang video?”

“Totoong sinuntok ni Lyric si Lyle. . . totoong nagalit si Lyric noon,” napahawak ng mahigpit si Ces sa panyong hawak habang inaalala ang katangahan niya nung araw na iyon. Katangahan na kung hindi dahil sa kanya, walang ganito. “Hindi ko alam kung paniniwalaan ako ng mga nanonood ngayon pero ginawa 'yun ni Lyric para iligtas ako.”

Kumunot ang noo ni Sandreeya, “paanong iligtas?”

Ngumiti si Ces at tumingin sa reporter, “iligtas sa sarili ko.”

Natahimik ang lahat—kahit si Sandreeya ay natigilan sa sinagot ni Ces. She just looked at the vocalist na para bang nagkalokohan na ang lahat hanggang sa magsalita ang isang crew, stage manager ata.

“Hey, Sandreeya—dead air! Dead air!”

Parang natauhan si Sandreeya sa narinig at tumingin sa camera upang ngumiti.

“Ang deep pala ni Ces, ano po?” natatawang sabi ni Sandreeya. Natawa naman ng kaunti ang mga tao sa audience. Nagcue ng break ang crew kaya tumigil din ang lahat. Nang mawala ang mga lights, nagkatinginan sila Sandreeya at Ces.

Walang ibang sinabi si Ces patungkol kay Lyle. Hindi rin kasi niya nature ang magsabi ng bagay na ikasisira ng pagkatao ng ibang tao. No. She doesn't want a revenge. Ang gusto niya ay maipadama sa MyuSick, kung nanonood man ang mga ito sa tv, na mahala ang MyuSick sa kanya. Ginagawa niya ito ngayon upang iparamdam sa mga tao na hindi mabubuwag ang samahan ng bandang kinabibilangan niya.

“You’re too honest, Ces.” Kumento ni Sandreeya.

Masama bang sabihin ang totoo? Hindi ba't sinabi ng reporter na ito na sabihin ang katotohanan?

“And I can feel that you really love MyuSick.” Nakangiti si Sandreeya habang nireretouch ang make up nito. Muling tiningnan ng reporter ang dalaga. “Sana maramdaman din ng mga taong nanonood sa atin pagmamahal mo sa kanila.”

Napangiti si Ces sa narinig lalo na nang may ibalita ang isang crew sa kanila.

“Trending worldwide? MyuSickForever? Seriously?”

Nang maglive ang show, ngiting ngiti si Sandreeya nang ibalita nito na trending ang MyuSickForever worldwide at number one spot pa ito. Ito ang unang pagkakataon na magtrend ang fineature nila at nagworldwide pa!

“Siguro dapat iguest natin lagi ang MyuSick para magworld wide trend tayo lagi, ano?” Natatawang sabi ni Sandreeya. Ipinapakita sa screen ang feedbacks from twitter.

@WaMaisipNaUN_ I really love MyuSick! Sobrang totoo sa sarili! Nakakaproud! Happy that Ces is in @TVSomething #MyuSickForever

@meh I hope matuto ang mga tao sa sinabi ni Ces sa @TVSomething na pakinggan ang mga panig ng tao at wag na lang manghusga. Peace. #MyuSickForever

@MyuSick_is_Love Sana hindi nila kinancel ang concert ng MyuSick, sobrang eksayted pa naman ako! TT ^ TT @TVSomething @MyuSick_PHOfficial #MyuSickForever

@akosirayne Uy, may bagong trend! Makikitrend nga ako para IN ako! #MyuSickForever

Nang matapos ang proper interview, it’s time for Ces to sing her heart out. . . at ito na ata ang pinaka masayang pagkanta niya—for a long time, ngayon lang niya naramdaman na masaya siya. . . na totoo ang saya na nararamdaman niya.

♪♫ You shout it out,
But I can't hear a word you say
I'm talking loud not saying much
I'm criticized but all your bullets ricochet
You shoot me down, but I get up

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Ces habang kumakanta dahil nakikita niya ang mga tweets ng mga tao patungkol sa MyuSick. Ang hinihiling lang naman niya ay mapakinggan siya and yet—people gave her more than just ears—people gave her their understanding.

  

♪♫ I'm bulletproof, nothing to lose
Fire away, fire away
Ricochet, you take your aim
Fire away, fire away
You shoot me down but I won't fall
I am titanium

Nang matapos ang kanyang pagkanta, nagpalakpakan ang mga tao. People were requesting for more ngunit kapos na sa oras. Ces thanked everybody for the night. Masayang masaya siya sa naging feedback ng kanyang pagpunta sa show na ito ngunit may nakalimutan siya.

Si Manager Lily.

Nagulat siya nang makita si Manager na nakaabang sa kanya sa dressing room na nakataas ang kilay.

“Bakit mo sinuway ang utos ko?” kunot noong tanong ni Manager Lily.

Napalunok si Ces at tumingin sa paligid. Nakangisi lang si Keng na nanonood sa kanila at wala si Marky, baka nagpunta kung saan saan para magfangirl sa mga artista. She eyed Keng, trying to get some help pero mukhang nag eenjoy si Keng na makitang nagagalit si Manager Lily sa kanya.

“M-Manager. . .”

“How dare you disobey me Ces. . .”

Iiwas sana si Ces nang makita niyang itinaas ni Manager Lily ang kamay nito. She was expecting a slap or a punch ngunit nagulat siya nang bigla siyang yakapin ng Manager. She felt Manager’s warm hug.

“But thank you, thank you for being here.”

Malakas ang kabog ng dibdib ni Ces—she was stunned. Parang nananaginip siya. Parang kinidnap ang totoong Manager Lily at pinalitan ng medyo mabait na Manager.

“Seriously, thank you.”

“Kyaaah! Yung MyuSick!” rinig na sigawan sa labas ng dressing room.

“Ano ba 'yan, ang ingay!” reklamo ni Keng. “Mga fangirl amputek.”

Bago pa makakalas si Manager Lily kay Ces, nagulat na lang sila nang magsalita ang isang pamilyar na boses.

“A vert touching scene~” natatawang kumento ni Note sa nakita.

Kaagad sumama ang tingin ni Manager Lily kay Note at tumingin kay Ces na nastun pa rin sa pagkakayakap nito sa dalaga. “But next time Ces, NEVER disobey me. Understand?”

Tango na lang ang nasagot ni Ces lalo na nang lumapit si Melo at Note kay Ces upang yakapin ang dalaga.

“Grabe Ces! Saludo ako sa interview mo!” tuwang tuwa na sabi ni Melo habang yakap si Ces. Sa totoo lang, medyo nahihirapan na nga makahinga si Ces sa higpit ng yakap ng dalawa. “Mahal na mahal mo talaga kami!”

“Nasaan si Pio?”

Kumalas sila Melo at Note sa pagkakayakap kay Ces  at tumingin kay Keng na nakakunot ang noo. Lumawak ang ngiti ng dalawang gitarista.

“Uyy, bakit hinahanap mo si Pitch?” pang aasar ni Melo. “Ikaw aaah!”

Hinawakan ni Ces sa braso si Melo para pigilan ang binata sa balak nitong panunukso kay Keng. No. Not Keng. Never Keng. Asarin na ang lahat huwag lang si Keng. “Huwag.”

“Ha? Anong huwag?” takang tanong ni Melo.

“M-Melo. . .” pagtawag ni Note sa kasama.

Napatingin si Melo sa tinuro ni Note. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang nanlilisik ang mga mata ni Keng. Hindi maipaliwanag ang mukha ni Keng at ang tanging paraan na lamang ay tumakbo palayo at huwag magpahabol kay Keng—kung hindi. . . maraming mangyayari.

Maraming mangyayari—na nakakatakot.

“Aaahh~ help meehh!” tumakbo palabas si Melo habang tawa nang tawa si Note. Hinabol ni Keng si Melo ngunit natatawa rin sa inaakto ng gitarista.

Nang pumasok si Lyric sa dressing room, hindi malaman ni Ces kung bakit bigla siyang kinabahan lalo na nang ngumiti si Lyric sa kanya. Isang ngiti na matagal na niyang hindi nakikita—ngayon na lang ulit—at dahil ba ito sa kanya? Isang ngiti dahil sa kanya?

Lumapit sa kanya si Lyric at nagulat siya nang ipatong ni Lyric ang kamay sa kanyang ulo. Yumuko ng kaunti si Lyric upang maging magkatapat na ang mukha nila saka ngumiti lalo.

“Salamat sa pagligtas sa amin.”

Tila ba nahawa si Ces at napangiti rin sa sinabi ni Lyric. It was a refreshing scene. Kahit papaano, naramdaman ni Ces na may worth pa ang kanyang buhay—na hindi lang siya basta palamuti o pampagulo sa mundo. Dahil ngayon, ang importansya niya ay nasa MyuSick.

Ganoon lang ang set up ng dalawang bokalista nang bigla siyang umiwas kay Lyric nang makita si Ash na nasa likuran ng binata. Kinabahan si Ces sa presensya ni Ash. . . na para bang natakot siya rito. Na para bang dahil kay Ash. . .may naalala siyang. . .bawal.

“Bakit?” pagtataka ni Lyric nang mapansin na may tinitingnan si Ces sa likuran. Paglingon ay wala naman siyang nakitang kahit na ano.

Ibinalik ni Ces ang tingin kay Lyric. Nginitian niya ang bokalista, “w-wala. Teka, CR lang ako.”

Kaagad umalis si Ces sa dressing room. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Tumigil siya sa paglalakad nang mapansin niyang wala nang masyadong tao at napapikit habang pinapakiramdaman ang pilat na simbolo ng kasunduan nila ni Boss.

Nanghihina siya sa sobrang kaba na nararamdaman. Ni hindi nga niya alam kung bakit siya kinabahan. . . nakakaramdam siya ng takot. Na para bang may mangyayaring masama. Nang hindi kanais-nais. Na taliwas sa kagustuhan niya.

“Masakit ba?”

Napadilat si Ces at nakita si Ash na nakatingin sa kanyang kamay na hawak ang pilat.

“H-Hindi. . .”

Ngumiti si Ash. . . isang maliit na ngiti. It’s not even a smile actually. Half smile? Yes, it was like a half half smile.

“Huwag m—”

Naputol ang sasabihin ni Ash nang magring ang cellphone ni Ces. Sabay silang napatingin sa cellphone ng dalaga sa bulsa niya. Nang makita ng dalaga ang screen, nanlaki ang mga mata niya at nagsimulang kumarera ang kanyang puso sa bilis ng takbo.

Mystery Texter Calling. . .

Nanginginig ang kamay ni Ces nang idikit niya ang cellphone sa kanyang tainga nang iaaccept niya ang call.

Magkatinginan lamang si Ash at Ces. May halong pagtataka ang itsura ni Ash habang si Ces naman ay hindi makapaniwala na nasa kabilang linya si Mystery Texter. Hindi siya nagsalita. . .hinihintay niya kung magsasalita ba ito ngunit wala. . .ilang segundo na ang lumipas, wala pa ring nagsasalita.

Ces felt defeated at ibaba na sana niya ang tawag nang makarinig siya ng paghinga mula sa kabilang linya at napatigil sa sinabi ng boses ng lalaki mula rito.

“See you soon, Ces.”

~ ~ ~

Author's Note:
I don't know if this makes sense or is shitty pero sana hindi ko kayo masyadong nabadtrip? Ang tagal kong hindi nag update, halos mag 1 month na tapos ito lang?! ITO LANG?! <//3 Pasensya na rin kung limitado lang ang aking vocabulary at minsan walang sense. . .sabog po kasi ako. #Iyak. Pero thank you po sa pagbabasa! Pasensya na kung walang masyadong nangyari, may pinapakita lang ako sa chapter na 'to mehehehe.

SALAMAT PO PALA SA HALF A MILLION READS! Omaygahd. *u* :"> ♥

Dedicated to kimjaestyles dahil kinilig ako sa comment niya sa Chapter 40.

Pinaka gusto ko sa comment niya is, ". . . Grabe, may mga times na ang lakas ng tibok ng puso ko dahil dito! Natutuwa talaga ako Miss Rayne. Gifted ka po talaga sa pagsusulat. Kahit na cliché to, mali parin ang mga hula ko <//3 . . ."

Pinaka gusto ko 'yung nakabold. Bakit? Kasi as a reader, may mga story na nagpapalakas ng kabog ng dibdib ko at gusto ko maachieve 'yun sa story ko. Yung tipong nakakaiyak sa sobrang inis. Nagwawala sa sobrang bitin o sa mga pangyayari. Yung kumakabog ang dibdib sa mga linyahan. Yung mga kilig na nararamdaman sa kamay, basta ganun! Hindi ko maexplain eh pero basta, achievement ko na napapalakas ko ang tibok ng puso ng isang reader at nagpapasalamat ako kay kimjaestyles dahil siya ang tumupad ng pangarap kong 'yun. (Ang korni ko maygahd) 

Anyway, thank yoouu sa pagbabasa ng TTLS! Thank yoouuuuuu~ > :D < (external link for ze whole comment) :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top