40 // Prince Charming in Disguise

"Women do not need a knight in shining armor or a Prince Charming to come to their rescue."
— Bryant McGill

 

~ ~ ~

Philippines Trends 

Lyric and Lyle
#G2BRayneAndDJPadilla4everAndEver
#KeepCalmAndIgnoreLyle
LyCitizen
#TTLS
MyuSick
#BooMyuSick
#RespectLyle
#MentionSomeoneKyot
wattpad

 

Lyle Forever @LyCitizen
la tlgang mgwa sa lyf yng lryics na yn bka ingit dhil sikat c Lyle! Eh sya? Sino ba sya? #BooMyuSick #RespectLyle #HaterAkoNiLyrics 

1,864 Retweets 10,283 Favorites

MyuSickIS♥ @Myu_Sick_Fans
Dear @LyCitizen please get your facts straight. Bago niyo awayin si Lyric, alamin niyo muna spelling ng name niya! #Eww #DiMarunongMagspell 

2,003 Retweets 10,138 Favorites

Lyle Forever @LyCitizen
Dear @Myu_Sick_Fans, y ang hba ng UN niyo? Sayang kau sa spce pls shut up di nman gwapo ang Myusick kumpara kay Lyle pic.twitter.com/8TLGun2R7O 

3,084 Retweets 18,520 Favorites

MyuSickIS♥ @Myu_Sick_Fans
Excuse us, @LyCitizen prng wala naman ata sa usapan ang UN namin at ang “kagwapuhan” kuno ng Lyle niyo. Kagwapuhan ni Lyle? #NonExistent 

956 Retweets 1,274 Favorites

Lyle Forever @LyCitizen
Well, excuse you @Myu_Sick_Fans! Drugaddict lng yng iniidolo niyo eh #Eww #BooMyuSick #RespectLyle 

2,844 Retweets 5,082 Favorites

MyuSickIS♥ @Myu_Sick_Fans
@LyCitizen waw! Alam niyo ba ung kwento? La kayong kwenta. #DontRespectLyle #KeepCalmAndIgnoreLyle #MyuSickForever #SupportLyric 

3,777 Retweets 9,934 Favorites

  

Lyle Forever @LyCitizen
Mas kau  wlang kwenta @Myu_Sick_Fans! look niyo bilang ng followers niyo. Kami 500k nlang 2M na kayo gagapang plang pa 1m! #Eww #HindiSikat  

8,088 Retweets 15,283 Favorites

  

MyuSickIS♥ @Myu_Sick_Fans
Wag tanga @LyCitizen hindi kami official twitter. Try looking at @MyuSick_PHOfficial para maiyak kayo sa inggit. 

9,364 Retweets 20,263 Favorites

Lyle Forever @LyCitizen
@Myu_Sick_Fans @MyuSick_PHOfficial La kming pake sa 7m mga paksyet kayo!! Atleast smen effortless ang pagkasikat. Tse! 

7,187 Retweets 9,260 Favorites

@MyuSick_PHOfficial
@LyCitizen @Myu_Sick_Fans Guys, okay lang kung tumigil kayo? Medyo ipakita naman nating edukado tayo. Huwag niyo palakihin ang gulo. Salamat. –Love 

43,463 Retweets 79,553 Favorites

MAKEPEACENOTWAR @Myusick_is_Love
@MyuSick_PHOfficial @LyCitizen @Myu_Sick_Fans oo nga! Let’s stop this. #MakePeaceNotWar 

13,202 Retweets 27,022 Favorites

LYLE FOH LAYF @Lylers
@Myusick_is_Love @MyuSick_PHOfficial @LyCitizen @Myu_Sick_Fans stop na po. Medyo baha na newsfeed eh TT ^ TT 

13,202 Retweets 24,079 Favorites

Follow me! ♥ @akosirayne
@Lylers @Myusick_is_Love @MyuSick_PHOfficial @LyCitizen @Myu_Sick_Fans Hi po! Pafollow naman po ako, thanks! :)

Asawa ni DJ Padilla @Rayne_P
@akosirayne, nice. Medyo panira ka moment. Hahahaha! #EpicPeopleAreEpic #Fail #G2BRayneAndDJPadilla4everAndEver 

Follow me! ♥ @akosirayne
@Rayne_P ha? Bakit po? Newbie lang po kasi ako sa twitter. Please follow me po. tnx :)

View more in conversation 

 

* * *

Twitter. Facebook. Yahoo. Local and International news.

Kahit saan tumingin. . .magbasa. . . laging ito ang topic.

Lyle and Lyric. Lyric and Lyle.

“What were you thinking?!” Bulalas ni Lily nang umuwi ito kaagad from Macau dahil sa nabalitaan niyang “insidente”. Naiinis. Naaasar. Naiirita. Nagtataka. Ito ang mga nararamdamang aura ng MyuSick sa secret haven ni Lily. MyuSick meeting ang tawag dito. . .or Lily and Lyric confrontation sa gabing ito.

Ikinuyom ni Lyric ang kanyang kamao. “Sumusobra na siya.”

Tiningnan ni Lily si Lyric nang matalim na para bang kaunti na lang ay hihiwain na niya ang bokalista sa gitna. “Sumosobra na siya?” natawang sabi ni Lily. "So you decided to just beat the fuck out of him in front of other people? I thought you’re mature enough para hindi patulan ang pagkaimmature ni Lyle.”

Talakamak sa internet ang nangyari kanila Lyric and Lyle. Nandoon ang mga youtube videos na nagvideo sa pagsuntok ni Lyric kay Lyle. Ang mga pictures na kitang kita ang mga mukha nila na wala na sa katinuan—maraming comments—maraming likes and dislikes—maraming shares. Sobrang kalat.

Lyric clenched his jaw. Pabalik balik ang tingin ng buong banda kanila Lyric at Manager Lily na nagpapalitan ng mga salita.

Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nagkaganito. Siya ang dahilan kung bakit naagrabyado si Lyric. Siya ang dahilan kung bakit galit na galit si Manager Lily. Siya ang dahilan ng lahat. . .dahil sa katangahan niya. Sa kahinaan. Sa kalokohan.

Tumayo si Lyric at huminga ng malalim. Paalis na sana siya sa haven nang hawakan siya ng mahigpit ni Lily. Halos mapangiwi na dahil bumabaon na ang mga kuko nito sa binata.

“And where do you think you’re going?” iritableng sabi ni Lily.

Huminga ulit si Lyric nang malalim. “Matutulog,” mahinang sabi ng binata.

Nagpintig ang tainga ni Manager Lily sa narinig. This is not the right time to sleep. This is an important matter. “You will not sleep until I say so!” pasigaw na utos ni Lily.

Nilingon ni Lyric ang kanilang Manager at nang magtama ang kanilang tingin, Melo and Note felt scared. Nagsusukatan ng tingin ang dalawa. Para bang may kuryenteng naglalaban sa pagitan ng kanilang mga tingin.

“Alam mo Manager Lily,” mahina ngunit pagalit na sabi ni Lyric. “Hindi naman magiging immature 'yang kapatid mo kung sinabi mo na lang sa kanya ang lahat! Eh di sana hindi siya nagpapapansi—”

“Gago ka!”

Nagulat ang lahat nang biglang tumama ang kamao ni Manager Lily sa mukha ni Lyric. Kahit si Lyric ay nagulat sa pagsuntok sa kanya ng Manager nila. Hinawakan niya ang kanyang pisngi at napangisi.

“Totoo naman, di ba?” mahinang tanong ng binata.

Nang aakmain ulit ni Manager Lily na suntukin si Lyric, hinawakan siya kaagad ni Note. Kahit si Melo ay hinarangan si Lyric upang makalayo kay Manager.

Nagulat ang lahat nang tumulo ang mga luha ni Manager Lily. It was the first time they saw her tears. Walang alam ang lahat tungkol sa pinagdadaanan ni Manager. Kahit si Lyric ay kaunti lang ang alam samantalang ang iba ay clueless talaga.

“Don’t you dare!”

It was the last thing that Lyric heard from Lily nang gabing 'yun dahil kaagad itong umakyat at nagkulong sa kwarto. Pinaalis ni Manager Lily sila Pitch, Note, Ces at Melo sa haven nito. Tahimik ang apat na naupo sa living area. Hindi man halata kay Pitch, nag aalala rin siya sa nangyayari. Hindi rin mapakali si Melo at si Note naman ay parang may iniisip na malalim habang nakatitig sa cellphone nito.

Ilang sandali lang ay may nagdoorbell. Gabing gabi na ngunit may taong natripan mag doorbell para cool. Patayo na sana si Ces nang hawakan siya ni Note sa braso at matalim na tumingin sa dalaga.

“Ako na.”

Napatitig si Ces kay Note dahil for a split second, nakaramdam ng takot ang dalaga sa tingin ni Note. Sobrang seryoso. Is Note waiting for that doorbell to happen? Kaagad tumakbos si Note palabas.

Nagkatinginan sila Ces at Melo sa inakto ng kabanda ngunit mas natutulala sila sa nangyari at pwedeng mangyari. What will happen now? Parehas na stressed ang Manager at vocalist. Parehas na galit ang dalawa at mukhang malayong magkabati.

Hindi mapakali si Ces sa nangyari. Nagbalik na silang lahat sa kwarto at tahimik ang lahat. Walang nagsasalita. Walang kumikibo. Wala siyang naririnig na kwentuhan nila Melo at Note sa kabilang kwarto. Wala siyang naririnig na pagtugtog sa gitara. Wala lahat.

And this is all her fault.

Bumangon siya sa kanyang kama, lumabas ng kwarto at nanlalamig ang dalawang palad na kumatok sa kwarto ni Lyric. Walang nagsasalita sa loob ngunit hindi siya tumigil sa pagkatok. Alam niyang gising si Lyric. . . alam niyang marami itong iniisip. Marahil ay sinisisi siya nito sa nangyayari or sinisisi ni Lyric ang sarili sa nangyayari.

“Lyric. . .” bulong ni Ces. “P-Pwede ba kitan—”

Hindi pa natatapos ang kanyang sasabihin nang magbukas ang pintuan ng kwarto ni Lyric at bumungad sa kanya ang binata. Gustong maiyak ni Ces dahil ilang oras lang ang nakalipas ay mukha nang stressed si Lyric. Malaki na ang eyebags nito—hindi sigurado ng dalaga kung dahil ba ito sa pag iyak o kung ano man. Mukhang lutang din si Lyric at nawala ang kintab sa mga mata ng binata.

He looks. . .nothing like Lyric. Far from the guy who always save her. Far from her savior. . .from her knight in shining armor.

“L-Lyric. . .” Nakita ni Ces na may isang luhang kumawala sa mata ni Lyric. Kaagad itong pinunasan ng binata ngunit kitang kita ni Ces ang lungkot sa binata. Walang magawa si Ces kung hindi ang yakapin si Lyric.

Maybe to ease his pain. May to be a shoulder to cry on. Basta, sa ngayon—nNasasaktan si Ces na makita ng ganito ka fragile si Lyric nang dahil sa kagagawan niya at ito lang sa ngayon ang magagawa niya para paagaanin ang loob ni Lyric. Sana. . . Sana.

“Ce—”

Ibinaon ni Ces ang kanyang mukha sa dibdib ng binata kaya rinig na rinig niya ang mabilis na pagkabog ng puso ni Lyric.

“Sorry,” mahinang sabi niya. “Sorry. . . Sorry Lyric,” pag ulit ng dalaga. “Sorry,” mahigpit na niyakap ni Ces ang binata. Hindi niya naramdaman ang pagbalik ng yakap ni Lyric. Napangiti siya sa realization na galit sa kanya si Lyric ngunit nagulat siya nang maramdaman niyang nag iinit na ang kanyang mga mata at nagsimula nang umiyak.

Nakakatawa lang dahil hindi naman siya ang naagrabyado ngunit siya ang umiiyak. Napaka hina niya—kahit pala ilang buwan na ang nakaraan, mahina pa rin siya. Kahit gaano pa niya pilitin ang sarili para magbago, hindi pa rin pala pwede.

All she wanted to have is happiness—kung kailan malapit na niyang makuha magsaya, kinukuha naman niya ang kasiyahan ng ibang taong malapit sa kanya. Ngayon, dalawa sa tumulong sa kanya ang magkagalit, ang nasasaktan. . . ang kumukuha ng pasakit.

“Mahal mo pa rin ba si Lyle?”

Natigilan si Ces nang marinig niya ang tanong ni Lyric. Ramdam pa rin niya ang bilis ng tibok ng puso ni Lyric na sinasabayan ng mabilis na tibok ng kanyang puso.

“H-Hindi ko alam. . .”

Nagulat si Ces nang hawakan ni Lyric ang dalawang balikat niya at inilayo sa katawan nito. Nagkatitigan ang dalawa—namumula ang mga mata ni Lyric na para bang nagbabadya na namang maluha habang patuloy lang ang pagtulo ng luha ni Ces.

“Wala na siya sa tama,” mariing sabi ni Lyric. Gustong iiwas ni Ces ang tingin sa binata ngunit hindi niya magawa. May kung anong bagay ang pumipilit sa kanya upang tumitig sa mga mata nito. Sa mga mata nitong nagsusumamo sa kanyang pagtingin. “Huwag ka nang magpakatanga sa kanya,” niyakap ni Lyric si Ces nang mahigpit. “Pakiusap. Ma—agh, t-tama na Ces.”

Nag unahan na naman ang mga luha ni Ces sa pagbagsak. “S-Sorry. . .”

* * *

Isang linggo na ang nakalipas. Wala pa ring kibuan sila Manager Lily at Lyric. Pinipilit maging masaya nila Note at Melo ngunit ramdam na ramdam sa buong bahay nila ang aura ng bawat isa. Galit? Ilang? Takot? Puro negatibo. Nakakalungkot lang na dati ay enjoy ang buong bahay pero ngayon ay nag iiwasan ang iba samantalang walang magawa ang karamihan sa iwasang nagaganap.

“Mukhang may nangyaring masama, ah?”

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang marinig ang boses ni Ash. Paglingon niya sa veranda, nakita ni si Ash na nakangiting lumulutang papalapit sa kanya.

“Ash!”

“Kamusta?” nakangiti nitong tanong.

Hindi magawang ngumiti ni Ces. Hindi niya alam kung saan ba siya magsisimula—sa pagtatanong kung anong nangyari sa kamatayan nung nakaraan o ikwento ang mga nangyayari ngayon. She was about to talk to Ash nang may malakas na kumatok sa kanyang pintuan.

Malakas na katok ni Melo, “Ces!  Lyric!”

“Pitch! Manager!” rinig na sigaw ni Note.

“Si Lyle! Nasa TV si Lyle!” sabay na sigaw ng dalawa.

Nagkatinginan sila Ash at Ces sa narinig pagsigaw nila Melo at Note. Kaagad siyang bumaba at nanood, hindi na siya naupo. Sumandal na lamang siya sa pader at katabi niya si Ash na nakalutang. Dumating na din sila Pitch, Lyric at nahuli si Manager Lily. Halatang halata sa mukha nina Lyric at Manager ang stress at pagod kahit isang linggo na rin silang hindi umaalis ng bahay.

Masyado pa kasing maingay ang kanilang pangalan kaya pinagbawalan na muna ni Manager Lily ang paglabas ng banda. Makaiwas man lang sa mga umaaligid sa palibot ng kanilang subdivision. Lahat gagawin ng isang reporter para unang makaalam at mukhang nagawa ng isang channel mapapayag si Lyle para magsalita.

“Anong nangyari? Bakit nandyan siya sa TV?” pagtatanong ni Ash. Walang sumagot—dahil delikadong sumagot si Ces at si Ces lang din ang nakakarinig sa kamatayan.

“Nagbabalik po tayo at kasama po namin ngayon si Lyle Yuzon, Hi, Lyle,” pagbati ng reporter kay Lyle.

Napansin ni Ces na parang hindi pa rin nawawala ang mga pasa sa mukha ni Lyle ngunit hindi naman ito namamaga. Malungkot ang mukha ni Lyle, ni hindi ito ngumiti nang batiin ng reporter.

“Make-up,” mariin na sabi ni Manager Lily kaya napatingin sa Manager ang lahat ng tao (at ang isang kamatayan) rito. “Bullshit talaga.”

Ibinaling muli ng lahat ang atensyon sa tv. May mga tinanong ang reporter kay Lyle patungkol sa pag aartista nito na tinanggihan dati, ang strong fanbase ng LyCitizen, ang website na most viewed sa Pilipinas (pwera social networking sites) at kung anu-ano pa hanggang sa tanong na. . .

“So what really happened last week? Would you mind if you share the truth with us?”

Nagkaroon ng background music habang nagkukwento si Lyle. How dramatic.

“I just greeted Ces, ganun lang. I mean, is it bad to greet my ex-girlfriend? Hindi naman, di ba?”

Kumunot ang noo ni Lyric sa naririnig. Napatingin sila Note at Melo kay Ces dahil hindi rin alam ng lahat ang totoong nangyari. Walang nagkwento dahil naunahan ang lahat ng galit at takot. Hindi makapaniwala si Ces, halos mapanganga siya sa naririnig.

“Nagkita ulit kayo ni Lyle?” takang tanong ni Ash. Hindi nakasagot si Ces.

“So Ces is your ex-girlfriend?” tanong ng reporter.

Ngumiti ng maliit si Lyle, “yes. Dati—for 1 year.”

“1 year?” pagtataka ni Note. Nilingon ni Note si Ces na nakasandal sa pader. “Nag 1 year kayo?”

Hindi makapagsalita si Ces. Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Sa National TV, Lyle dared to tell a lie! How dare he?! Nag iinit ang buong katawan ni Ces sa galit at pagkainis sa naririnig.

“What happened? Bakit nagbreak kayo?”

Sumandal si Lyle sa sofa na inuupuan nila ng reporter, looking devastated. “She broke up with me.”

“Hindi totoo 'yan. . .” kaagad na sabi ni Ces.

“It was our anniversary when she broke up with me. Then ayun. . .” huminga nang malalim si Lyle at ngumiti sa reporter. “Pwedeng huwag ko na lang ikwento? Respeto na rin sa kanya.”

“What the fuck, anong pinagsasasabi nitong Lyle na 'to?” iritableng komento ni Melo.

“Okay then, continue the story na lang?”

Lyle sighed and nodded.

“Hindi ko sigurado kung maibabalik pa namin ni Lyric pagkakaibigan namin. I mean, we were best friends back then pero yung pagsuntok niya sa akin ng walang dahilan? Hindi ko rin alam kung ano na nangyayari sa kanya,” patuloy na pagkwento ni Lyle.

“Is he on drugs?” asked the reporter.

Ngumiti si Lyle ngunit may lungkot sa mga ngiti nito. Bagay na bagay ang artista sa kanya. Nakakapagtakang tinanggihan niya ang offers. “I hope not.”

Natulala na si Ces sa naririnig. Wala na sa katinuan ang kanyang pag iisip. Hindi na rin niya naririnig ang mga sinasabi ni Lyle sa tv. Everything’s a blur. Nakakagago. Nakakaloko. Napaka walanghiya.

“TANGINA?!” sabay na sigaw nila Melo at Note.

Tahimik lang si Manager Lily. Tahimik lang din si Lyric ngunit malapit na niyang masira ang remote control na hawak. React nang react sila Melo at Note. Puro sila mura at sigaw sa sobrang panggagalaiti kay Lyle.

“Tangina! Tara Melo, ipagdrive mo ako nang mapatay ko 'yang Lyle na 'yan!” tumayo si Note at hinila si Melo. Nabubuhay ang katawang warfreak ni Note nang dahil sa walanghiyang si Lyle. Lalabas na sana sila ng bahay nang magsalita si Manager Lily.

“Don’t go outside,” utos ni Manager.

“Pero Manager! Hindi mo ba naririnig kwento nung gagong 'yun?” parang bata na nagsusumbong si Note. “Napaka twisted na ng kwento niya! Sinisira niya tayo!”

“Shh. . .”

Napatingin ang lahat nang mag shh si Pitch. Tumayo ito at tiningnan ang dalawang gitaristang uhaw na uhaw gulpihin si Lyle. “Hayaan niyo si Manager.” Tumingin si Pitch kay Manager Lily na nakatingin din dito. “Alam niya gagawin niya.”

Bumuntong hininga si Note ngunit hindi nagpapigil si Melo, “pero sinisira niya si Lyric!” pagmamaktol nito. Ibinaling ni Melo ang tingin kay Lyric. “Lyric, explain mo sarili mo sa tv!”

Kaagad naman nagsalita ang bokalista, “suspended ako.”

“Ang intense ng nangyayari rito,” nanlalaki ang mga matang kumento ni Ash.

“Pero hindi nila alam totoong nangyari! Nagkalokohan na. Baka sabihin--'yung ano. . .tapos. . . agh!” ramdam na ramdan ni Melo ang pagkairita na para bang siya ang agrabyado. Well, buong MyuSick ang agrabyado. All for one, one for all ang kanilang banda. “Maraming magagalit sa ating makikitid ang utak n'yan!”

“Hindi natin kontrolado kung ano paniniwalaan nila,” muling pagsasalita ni Pitch. “Hindi nila alam totoong kwento kaya kung ano unang nakita ng camera, yun kaagad ang paniniwalaan.” Pag-eexplain nito which was weird dahil hindi naman ito mahilig mag explain o mag salita ng mahahabang sentences. “Si Lyric ang nakitang nanuntok at si Lyle ang unang nagsalita.”

“Pero Pitch—”

“Kapag nag explain, defensive. Kapag hindi nag explain, guilty.” Diretsong sabi nito. “Gawin man o hindi ni Lyric ang pag-explain, balewala rin. May negatibo pa rin.”

“Pero. . .” hindi na alam ni Melo ang sasabihin dahil totoo nga ang sinabi ni Pitch. Minsan lang ito magsalita at wala na rin itong nagawa dahil totoo ang lahat ng sinabi ng drummer.

TITIK TITIK!

Nagkatinginan sila Ash at Ces.

“Trabaho pa. . .” pagpapaalam ng kamatayan sa dalaga.

Nang maglaho si Ash ay nagulat si Ces nang hatakin siya ni Manager Lily palabas ng bahay.

“Uy Manager!” pagtawag nila Melo ngunit hindi na sila nilingon ni Lily.

Nakahawak lang si Manager Lily sa braso ni Ces hanggang sa pinasakay nito ang dalaga sa shotgun seat habang nasa driver’s seat naman ito. Hindi nagsasalita si Manager noong interview ni Lyle sa TV ngunit kitang kita ni Ces ang galit nito. Halos mamuti na ang kamao nito sa sobrang hipit ng pagkakahawak sa manibela.

“Manager. . .”

Hindi nagsalita si Manager Lily habang nagdadrive. Nakakunot lang ang noo nito at panay ang mura kapag natatraffic. Mabilis ang pagpapatakbo ng Manager sa kotse hanggang sa makarating sila sa isang condominium na napaka pamilyar kay Ces.

Tirahan ni Lyle.

Hatak lang ni Manager Lily si Ces hanggang sa makarating sila sa tapat ng pintuan ng condo ni Lyle. Nagdoorbell lang si Manager Lily. . .hindi ito nagsasalita. Panay lang ang pindot nito ng doorbell hanggang sa narinig ni Ces ang boses ni Lyle sa kabilang parte ng pintuan.

“Sino ba 'yan?! Teka nga!”

Pagkarinig ni Ces ng boses na iyon, nag init ang kanyang mukha—hindi sa kilig. . .no. More on, sa pagkairita. Pagkaasar. Bumalik sa kanya lahat ng panggagago ni Lyle sa kanya lalo na nang idamay nito ang mga taong nagpapasaya sa kanya ngayon. How dare that douchebag.

Pagkabukas ni Lyle ng pintuan, bumungad sa kanila ang nakaboxers na Lyle at pinagpapawisan. Nanlaki ang mga mata ni Lyle nang makita si Manager Lily at Ces. Isasara na sana ni Lyle ang pintuan nang sunggabanan ni Manager Lily ang binata.

“Aaghh!”

Napahiga si Lyle sa lapag ng kanyang condo at napatitig si Ces nang may makita siyang babae sa may CR na nakatingin sa kanila. Nakahawak ito sa isang kumot—marahil ay may ginagawa ang dalawang ito na kahibangan bago sila dumating ni Manager Lily.

Sinuntok ni Manager Lily si Lyle, nakadagan sa katawan ng binata. “Matagal ko na dapat ginawa 'to sayo, walang hiya ka!”

“Fuck, tama na!” pilit tinatakpan ni Lyle ang kanyang mukha ngunit sobrang lakas ni Manager Lily ngayong gabi kaya hindi ito naaawat.

“Hindi ako titigil hangga't hindi ka tumitino! Sino bang nagpalaki sa'yo at naging ganyan ka kagago?!” patuloy na pagsuntok ni Manager Lily kay Lyle. Nakatayo lang si Ces. Nakatingin. Nanonood. Nanlalamig ang kanyang buong katawan. Kitang kita rin niya na natatakot na ang babaeng nasa kwarto ni Lyle.

“Ano ba ate!”

Parang isang magic word ang salitang ate kaya napatigil si Lily sa kanyang pagsuntok. Napatingin ang manager kay Lyle na takot na takot habang nakatakip pa rin ang mga braso sa mukha. Malalim ang bawat paghinga ni Lily, sobrang lalim. Pagod na pagod. Napansin din ni Ces na nanlalata ang manager nang tumayo ito.

“Huwag mong dinadamay ang MyuSick sa galit mo sa akin,” mahinahon na ang boses ni Lily. Mula sa warfreak na babae ay naging composed ulit ito. Nakahiga pa rin si Lyle, takot na baka mamaya ay sunggaban siyang muli ng kanyang ate. “Dahil kung ikukumpara ang MyuSick sa'yo? Hindi ako nagsisisi na sila ang pinili ko.”

“Boom!”

Nagulat si Ces nang makita niya si Ash na ngiting ngiti sa kanyang tabi.

“Ash . . .”

Tumingin si Ash sa kanya at nagpeace sign.

“Ayos nangyayari rito ah, maaksyon!” natatawa nitong sabi.

Nagkatitigan ang dalawang magkapatid. Walang nagsasalita, walang kumikibo. Hindi maipinta ang mukha ni Lyle. Tiningnan ni Manager Lily ang babaeng nanonood sa kanila kanina pa.

“Ikaw naman,” pagturo ni Lily sa babae. The girl stiffened. Nanlalaki ang mga mata nito dahil sa takot. “Makikipag sex ka sa gagong 'to? Huwag magpakatanga.”

Lumabas na si Manager Lily at paalis na nang makita ni Ces ang pagngisi ni Lyle habang tumatayo. Nakaramdam lalo ng pagkaasar si Ces—kailan ba matututo si Lyle? Kailan ba?!

“Teka Manager,” pagpipigil ni Ces kay Lily. Hindi na nito hinintay ang pagsang ayon ng Manager at kaagad na pinigilan ang pagsasara ni Lyle ng pintuan ng condo.

“Ano kailangan mo?”

Tinulak ni Ces ang pintuan para magbukas. Nakita niya ang babae ng mas malapit dahil nasa likuran na ni Lyle ang babaeng nakatapis ng kumot. She felt sorry for the girl pero wala na siyang magawa. Kahit papaano, choice pa rin naman ng babaeng ito na magpagamit kay Lyle—na nangyari rin sa kanya noong nakaraan.

Looking back—she felt disgusted with herself na nagpagamit siya sa taong walang ibang ginawa kung hindi manloko at manira ng buhay nang may buhay. Nadoble pa ang sakit dahil affiliated siya sa MyuSick.

Dapat magtanda ng lalaking ito. . . dapat malaman ni Lyle kung anong kagaguhan ang ginagawa niya.

“Gusto ko lang magpasalamat,” Ces started.

“Bakit ka nagpapasalamat sa kanya?” Pagrereact ni Ash ngunit hindi pinansin ni Ces ang kamatayan.

Nagtaka si Lyle sa narinig. Tinaasan niya ng kilay si Ces at natawa, “wow, this is new.”

Ngumiti si Ces as if it’s the first time na nakita niya si Lyle at wala pang kahit na anong bahid ng negatibo ang kanyang nakaraan. She smiled sweetly na nanggulat kay Lyle.

“Salamat kasi ginago mo ako. Salamat kasi niloko mo ako. Salamat kasi ginamit mo ako. Salamat dahil kinuha mo ang lahat sa akin. Salamat kasi hinayaan pa kitang mabuhay,” sunod sunod na sabi ni Ces. May kung ano pang sinabi si Ash ngunit hindi niya ito naintindihan.

“Anong hinayaan mabuhay? Still a crazy bitch?” natatawang sabi ni Lyle.

Nakangiti lang si Ces, mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi iniinda ang pang aasar sa kanya ni Lyle. Ngayon lang niya narealize—kung ano ang ikinagwapo at kina prince charming ni Lyle ay 'yun ang ikinaimmature nito.

Nararamdaman din niyang nag iinit ang kanyang pilat sa dibdib. “Salamat dahil kamuntikan na akong mabaliw. Salamat dahil ginusto kong bawian ang buhay ko dahil sa'yo. Salamat dahil kung hindi dahil sa'yo, hindi ko makikilala ng husto ang MyuSick.”

Naiirita na ang mukha ni Lyle sa naririnig. Anong pinagsasasabi ni Ces? Hindi pupwede ito. Dapat ay magalit si Ces, not the other way around! Anong naisip ng dalaga para magpasalamat sa mga kalokohan ni Lyle? Nababaliw na nga ata si Ces.

“Kung hindi dahil sa'yo,” kinuha ni Ces ang kanang kamay ni Lyle at hinawakan ng dalawang kamay. Nanlalaki ang mga mata ni Lyle, iniaalis ang paghawak sa kanya ni Ces ngunit malakas ang kapit ng dalaga sa kamay nito. O nanghihina na ang binata dahil sa mga suntok na natamo galing kay Manager Lily. “Hindi ako makakaramdam ng totoong saya at mabuhay ng totoo.”

“Bakit mo sinasabi sa kanya 'yan?” pagtataka ni Ash ngunit hindi pa rin siya pinapansin ni Ces.

“Kaya Lyle, sobrang salamat.”

Hinalikan ni Ces ang kamay ni Lyle na siyang nagpakilabot sa buong katawan ng binata. Nagulat si Lyle sa inakto ni Ces. Umatras ito nang umatras dahil natatakot na si Lyle sa dalaga. Natatamaan na nga ni Lyle ang babaeng nasa likuran niya pero atras lang ito nang atras.

“W-What the—you freak, bitch. Crazy! Umalis ka rito!”

Inialis ni Lyle ang hawak ni Ces sa kanyang kamay at isasara na sana ang pintuan nang magsalitang muli si Ces.

“Teka. . .”

Hindi pa nakakapagreact si Lyle nang suntukin ni Ces ang binata sa mukha. Napaatras si Lyle at natamaan ang babae kaya sabay silang bumagsak sa lapag. Nagdudugo na rin ang ilong ni Lyle at namamaga na rin ang mukha ng binata.

“Nice!” natatawang sabi ni Ash.

Tiningnan ng masama ni Ces ang lalaking tinuring niyang prinsipe. She felt like a superior—nag iinit ang kanyang kamao na sumapak sa pagmumukha ni Lyle. Gusto pa niyang makaisa ngunit pinigpilan niya ang sarili. Pakiramdam niya, lahat na ng naramdaman niya ay nailabas niya. Pakiramdam niya, lahat negatibong emosyon niya sa katawan ay nailabas niya sa kanyang suntok. . . papunta sa walanghiyang Lyle na ito.

“Sirain mo na ako huwag lang ang mga taong importante sa akin.”

* * *

Ngiting ngiti si Manager Lily habang nagdadrive. Kahit si Ces ay nakangiti rin—the two girls had their own victory. Pakiramdam nila ay lumutang sila sa saya. Sa cloud nine. Ang sarap talaga sa pakiramdam.

“That was a nice punch.” Tumingin si Manager Lily sandali kay Ces then back to the road. Nakaramdam ng hiya at the same time ng kilig si Ces sa narinig. Sumandal siya sa upuan at lalong ngumiti.

Ramdam pa rin niya ang giddy feeling nang makasuntok siya kay Lyle—ang mukha nitong nagulat, nanlaki ang mga mata nang tumama ang kamao niya sa makapal na mukha nito. Hindi maalis ni Ces ang kanyang ngiti habang iniimagine ang itsura ni Lyle

That face was priceless. Most unforgettable moment.

“Natuto ata ako sa'yo, Manager.”

Nagtawanan sila Ces at Manager Lily pauwi. Masyado kasi silang natakot. Masyado silang nagcare. Masyado silang mahina pagdating kay Lyle but then, kung may iba nang nadadamay na importante sa kanila—papalag na sila.Wala nang pagsasanto o pagtitimpi. Wala nang rason kung tama ba o mali.

Basta alam nila, deserve iyon ng "Prinsipeng" si Lyle.

~ ~ ~

Author's Note:
Nako po, imbis na gumawa ng project, ito ang tinapos ko ngayong araw. Dahek lang <///3 Hahaha wala po akong self control. Baka bumagsak ako nito :( Pero salamat sa pagbabasa ahuhuhu nakakatouch mga comments niyo, maygahd :">

This chapter is dedicated to Alliah o AnythingBlue. Hindi ko sure kung ngayon lang siya nagcomment or what pero napangiti ako sa comment niya last chapter. Bakit? Kasi nagets niya kung anong pinapahiwatig ko tungkol kay Lyle. Natuwa lang ako na may nakagets. Ibig sabihin, effective 'yung sinusulat ko >:D

Hi Alliah, ang galing ng observation mo. Pramis ahihihi ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top