39 // Doomed Death Destruction
"To love is to destroy, and that to be loved is to be the one destroyed."
— Cassandra Clare
~ ~ ~
Ngiting ngiti si Ash--isang nakakalokong ngiti. Malawak. Abot hanggang tenga. Nakangiti lang ang kamatayan sa kanyang harap. Ngiting malapit nang matawa.
Nanlalaki ang mga mata ni Ces sa narinig at sa ngiti ni Ash. Nag sink in nasa kanya ang sinabi ng kamatayan. As it was sinking in, it was hurting her. The fact that Ash said is burning her life.
Hindi pwede. . . hindi pwede. Paulit ulit na sabi ng dalaga sa sarili.
Nagkatitigan sila Ash at Ces at unti-unting nawala ang mga masayang ngiti ni Ash sa labi. Walang kumikibo. Nakaupo. Magkatapat. Walang nagsasalita. Walang nararamdamang kakaiba si Ces ngunit paulit ulit sinisigaw ng kanyang utak na ayaw pa niya. . . hindi pa siya handang mamamatay.
Not now. Not yet.
Sa pagtitig ni Ces kay Ash, unti-unting lumapit ang mukha ng kamatayan sa kanya. There’s something with Ash’s eyes. Something familiar, something close to her heart. To her soul. Those eyes. . . na ngayon lang niya natitigan nang malapitan. Hindi siya makaiwas lalo na't mula sa magaganda at maitim nitong mga mata ay nagliliwanag ito at nagiging pula.
Hinihigop siya ng tingin nito.
“A-Auie,” when Ash said that unfamiliar yet very close to her word, bumilis ang tibok ng puso ni Ces.
Ito na ba ang katapusan niya? Ito na ba ang katapusan nang lahat? She was ready before but now, she’s far from ready.
Gusto pa niyang maexperience kung paano mabuhay. Kung paano mabuhay ng totoo.
Hindi siya makagalaw. She tried but failed. It’s as if someone’s hindering her to move. Tulad nang nangyari sa kanya noong una niyang nakita ang kamatayang nasa harapan niya. Is Ash. . . stopping her from moving? Is death stopping her to escape?
Hindi na ba siya makakaligtas sa kamatayan?
She couldn’t blink. She couldn’t open her mouth. She couldn’t move.
“Hindi ko n. . .,” she heard death whispered.
Papalapit lang nang papalapit ang mukha ni Ash sa kanya. Gusto niyang lumayo pero may something sa kanya na ayaw din niya. Not sure if it’s because Ash is controlling her body o dahil gusto rin ito ng kanyang katawan.
When their lips was about to almost touch, Ash froze. His eyes widen with shock. Hindi pa rin makagalaw si Ces kaya kitang kita niya ang maliliit na kuryenteng tumutusok sa mukha ng kamatayang nasa harapan niya.
A-Anong nangyayari? She asked herself, hoping to get an answer ngunit hindi siya makapagsalita. Hindi siya naririnig. Walang kasagutan sa kanyang tanong.
Ash winced. Nagulat si Ces nang biglang tumalsik si Ash palayo sa kanya. In the middle of the air, Ash’s face facing upward, looking hurt. His skin is turning gray. Diretso ang buong katawan nito pati ang kamay na halos mamilipit na. Kitang kita sa mukha ng kamatayan ang paghihirap, ang sakit, ang hinagpis ng kung ano mang nangyayari rito. Nagsilitawan na ang ugat sa leeg at kamay nito. Mga mga maliliit at malalaking kuryenteng bumabalot sa katawan nito.
“N-Nag. . . Nagjo-joke. . .” Ash whispered. “L-Lang. . .” he’s in pain. Someone or something is making him suffer. “A-Ako. . .B-Bo. . .ss.”
Joke? This is a joke? Pero anong nakakatawa kung joke ito? Ganito ba magjoke ang mga kamatayan? Death Jokes? Nakakamatay na joke?
Tumingin si Ash kay Ces, isang mata lang ang nakabukas. Kitang kita sa mata nito ang sakit na nararamdaman. Lumiliwanag ito ng kulay pula, sobrang pula. . .
Kinilabutan si Ces sa itsura ni Ash. Hindi pa rin siya makapagsalita at makalagaw. Gusto niyang tumulong, gusto niyang puntahan si Ash ngunit wala siyang magawa.
“H-Hindi. . .ka. . . hindi mo. . p-pa oras. N-Nagb-biro . . . lang a-ako, ma-maging masaya k-ka” hingal na sabi ni Ash. “A-Auie,” he continued as he vanished.
Pagkawala ni Ash, naramdaman ni Ces na nasa kanya na ang command sa katawan niya. She looked at where Ash left off. Nanlalaki ang mga mata. . . nagtataka hanggang sa mapahawak siya sa kanyang dibdib upang pahupain ang nagwawala niyang puso.
“A-Anong nangyari. . . Ash.”
* * *
Hindi na muling nagpakita si Ash kay Ces after that incident. It’s been a week of hard practice and a lot of photoshoots pero wala pa rin si Ash. Tanging nagtatanggal lang sa isip ni Ces ang tungkol sa nangyari sa kamatayan ay ang banda.
Mystery texter continued to text the usual good mornings and good nights. Pitch is still quiet with some Hello’s and Good Mornings. Note and Melo are the same goofy guys and Lyric is somewhat. . .uh, shy.
Everything’s perfectly fine and It was . . . scary.
Lunes, after practice, binungad ng ngiti ni Manager Lily ang buong banda na nagpapractice for recording nila ng fifth song para sa kanilang album na ilalaunch before their concert. She was smiley. And it was scary. MyuSick were scared. So scared.
“B-Bakit siya nakangiti ng ganyan?” natatarantang bulong ni Melo kay Pitch. Kumapit pa ito sa braso ng drummer kaya nabatukan siya ng wala sa oras.
“Huwag po Manager!” Biglang sigaw ni Note. Nakaharang ang kanyang dalawang braso paekis sa kanyang mukha na parang kumakanta ng Di Ko Kayang Tanggapin by April Boy Regino. “Bata pa ako—Aray!” napahawak si Note sa kanyang noo nang ibato ni Manager ang hawak na ballpen sa binata.
“Anong pinagsasasabi mo?” nakakunot noong tanong ni Manager Lily.
Nagulat naman ang lahat nang magsalita si Pitch, for the first time, this day.
“Ang creepy daw ng mukha mo,” diretso nitong sabi.
Napatingin ang buong banda kay Pitch na nakatayo lang at nakatingin ng diretso kay Lily. Ramdam na ramdam ang tension sa tingin ng MyuSick. Napabuntong hininga si Lily at inialis ang ngiti sa labi.
“Okay then, this coming Saturday, at your school.” Sabi ni Manager Lily with a straight face. “Ces at Lyric, kayo lang ang pupunta.”
“Yes!” kaagad na pagsasaya nila Note at Melo.
“Ha? Bakit kami lang?” pagtataka ni Lyric. Nagkatinginan pa ang dalawang bokalista, as if the answer is right infront of their eyes. . . pero wala naman.
Tiningnan ng masama ni Manager Lily ang dalawang maingay na gitarista. “Huwag kayong magsaya, lilinisin niyo 'tong buong bahay.”
“ANO?!”
Ibinaling ni Manager Lily ang tingin sa dalawang bokalista habang nagwawala ang dalawang gitarista. Nagmamakaawa. Halos lumuhod na sa harap ng Manager para lang huwag silang paglinisin.
“Bakit kayo?” taas kilay nitong sabi. “Tandaan niyong hindi kayo sumipot sa isang gig natin.”
Napabuntong hininga ang dalawa. Wala na rin naman silang magagawa. After all, kasalanan din nila na nagpunta silang 7eleven. Well, atleast they made someone happy for that night.
* * *
Lyric started strumming. . . then he started singing, which made Ces stare at Lyric’s face. Kung paano ito tumipa, kung paano magstrum ang mga kamay nito. Ang ulo nitong sumasabay sa tempo ng musika. . . ang lahat. Pansin na pansin niya ang lahat.
♪ ♫ Waiting for your call, I'm sick, call I'm angry
call I'm desperate for your voice
Listening to the song we used to sing
In the car, do you remember
It was Manager Lily’s choice. . .the music, that is. Gusto niya raw kasi ang mellow approach, maiba lang.
♪ ♫ Butterfly, Early Summer
It's playing on repeat, Just like when we would meet
Like when we would meet
Nang malapit na magchorus, nagkatinginan sila Lyric at Ces pero kaagad inalis ng dalaga ang tingin.
♪ ♫ Cause I was born to tell you
Their voices were the perfect blend but Ces stopped. She couldn’t say it. No. . . no freaking way. Not now. Never. Masaya na siya sa buhay niya ngayon. . . hindi niya pwedeng sabihin ito. Kahit sa kanta pa.
“I love you. . .” Lyric stopped from singing and strumming.
Natigilan si Lyric sa biglang pagtigil ni Ces sa pagkanta.
Napahawak nang mahigpit si Ces sa kanyang damit. Not knowing how to answer Lyric kung magtatanong man ito. Hindi naman niya pwedeng sabihin na bawal siyang magsabi ng I love you sa isang taong mahal niya kung hindi, kukunin na ang kaluluwa niya ng Death God, hindi ba?
Sureball na tatawa lang si Lyric doon or worse, ipadala na siya sa mental.
Hindi niya sigurado kung kasama ang kanta, ang lyrics or what sa kasunduan nila ni Boss pero better be safe than be dead, right?
Hinawakan ni Lyric si Ces sa balikat. Pagbaling niya sa binata, nakaramdam siya ng calmness sa tingin nito.
“Kinakabahan ka?”
Kinakabahan nga ba? Hindi rin niya alam. . . Bumuntong hininga si Ces. “M-Medyo.”
Ngumiti si Lyric na nagpabilis sa tibok ng puso ng dalaga. There’s something in Lyric’s smile na nagpapabilis ng pagtakbo ng kanyang puso. Nangangarera. Nagpapalpitate. Hindi mapakali. Siguro dahil ang sweet ng ngiti nito? Siguro. Oo, 'yun nga. Yun lang.
“Bakit ka naman kakabahan?” pagtataka ng binata. Nakakunot ang noo. Medyo nakasimangot na nagpapacute.
Umiling si Ces. “Hindi ko rin alam.” Dahil sa buhay ko?
Pinisil ni Lyric ang balikat ng dalaga, “huwag ka mag alala. Kasama mo lang ako.”
Napatitig si Ces sa mukha ni Lyric. Ngayon lang niya natitigan muli ang mukha ni Lyric. Kalmado. Childish yet matured. Strong yet charming. Sobrang contradicting. . .siguro dumedepende rin kung ano ang ugali ng binata sa kung paano ang magiging itsura at aura nito.
Instead of being calm, Lyric’s presence beside her made her heart pump severely. Halos ikamatay na niya ang bawat bilis ng pintig ng kanyang puso. She tried to calm down pero hindi niya magawa. It was his hug. . . doon nagsimula ito.
Sa yakap ni Lyric noong may sasabihin dapat ito sa Rizal noon.
Siguro ay hindi pa rin masyadong nagsisink in sa kanya ang ginawa ng binata. They were not that close. Not that close to the point na yayakap sa kanya ito pero they were close enough for that hug moment to happen. Magulo. Ewan.
Basta magulo. . .parang puso ni Ces ngayon. Ang gulo. . . nagwawala. Natatakot. Dahil lang sa isang ngiti, tingin at encouragement ng kapwa bokalista.
Second day of practice, nauna si Ces sa band room. She tried continuing the song. . . nag sabi rin siya na hindi niya kakantahin ang parteng chorus na iyon. . .made her own reason na kinagat naman ni Lyric.
Ces imagined the strumming of guitar beside her with Lyric singing. Inaalam niya ang kanyang timing, kung saan siya papasok, saan mas mataas ang boses niya at saan mas mahina.
Tintatry niya rin mag gitara when all of a sudden, nagulat siya nang hawakan siya ni Lyric sa balikat. Hindi niya nahalata ang pagpasok ng binata. Siguro ay napa-into the music siya kani-kanina.
“M-May. . . para sa'yo ata 'to?” hindi siguradong sabi ni Lyric. Nagtaka si Ces at nang tingnan niya kung ano ang ibinibigay sa kanya ni Lyric, nanlaki ang mga mata ng dalaga.
Kinuha kaagad ni Ces ang pink na papel sa “Saan mo nakuha 'to?”
Napakunot panandalian ang noo ni Lyric. Nagtataka sa biglang tanong ng dalaga.
“Ah, ano. . .” Nagkamot ng batok si Lyric at naupo. Tumingin ito sa paligid bago pinagpatuloy ang sasabihin, “sa may gate. May nagdoorbell e—”
“Sinong nagdoorbell?” kaagad na tanong ni Ces.
“H-Hindi ko al—”
“Wala akong narinig na doorbell kanina,” diretso nitong sabi, cutting Lyric off. Hindi mapakali si Ces. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagulat siya nang may nareceive siyang isang text. Galing kay Mystery Texter.
I want you to know something.
Read my letter.
Napatingin si Ces kay Lyric. Diretso lang ang mukha ni Lyric, walang emosyon.
“Sinong nagbigay nito, Lyric?” halos may pagmamakaawa na sa boses ng dalaga.
Tumingin sa gilid si Lyric at yumuko, “s-sorry. Hindi ko alam. . .” mahina nitong sabi.
Excited na binuksan ni Ces ang pink paper na kanyang hawak.
It has been 6 years
since the day I fell in love with you
Pauline Flores,
and up to this point.
I’m still crazy in love with you.
Napaupo si Ces sa nabasa. Nanginig ang kanyang mga kamay at pakiramdam niya ay nanghina ang kanyang katawan. It was scary. . . the letter was scary. Hindi niya akalain na ang mga linyang nagpapakilig sa kanya noon ang tatakot sa kanya ngayon.
She looked at Lyric. Nakatingin sa kanya ang binata. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya nang maigi. She felt awkward. . . and scared. . . and clueless. Who the hell is Mystery Guy? She wants to know. She wants to talk to him. . .
And make him stop.
Before that guy break the wall in Ces’ heart.
Sobrang delikado.
“A-Anong sabi?” tanong ng binata.
Ces smiled faintly. “W-Wala, hindi naman importante.”
Napansin ni Ces ang pagbagsak ng balikat ni Lyric. Tumayo ito at ngumiti sa dalaga.
“May kukunin lang ako,” sabi nito sabay alis, hindi na inantay ang pagtango ni Ces.
Napatingin lang si Ces kay Lyric hanggang sa tuluyan na itong umalis. Muling napatingin si Ces sa hawak na papel. Hindi pa rin mapakali ang kanyang puso.
“Hindi pwede. . .” hinawakan ni Ces ang pilat sa kanyang dibdib. Ramdam na ramdam niya ang simbolong nakaukit sa kanyang balat. Ang simbolo ng ugnayan niya sa Death God. “Hindi ito pwede,” she told herself . . . as she whisper it to her heart.
* * *
Ang swerte nga naman ni Ces. . . not.
When the fated day arrived, pagkapasok ni Ces sa loob ng school ground kasama ang kapwa bokalista na si Lyric, ang ilang staff ng media na magkocover sa kanilang pagkanta—unang tumambad sa kanya ay ang taong nagpapahirap sa kanya. Nakatingin sa kanila. Nakangisi.
Kung hindi dahil sa lalaking iyon, hindi siya matatakot ng ganito. . . pero bakit nga ba siya matatakot? Is she in love?
Of course not.
Hindi na lang nila pinansin ang pagngisi ng nakakalokong mukha ni Lyle at nagpunta ang buong set sa backstage ng activity area. Nag aayos ang lahat at pati ang stage ay inaayos na rin para sa dalawang bokalista ng MyuSick. Namangha nga sila Ces at Lyric dahil pagdating din nila ay may tarpaulin sa labas ng school na may mukha nila.
Ang proud ng school nila sa kanila ah, infairness.
Mag isa si Ces sa backstage habang nag aayos ng mga gamit dahil ang media ay nagseset up somewhere habang si Lyric naman ay may inaasikaso rin. Sila lang ang nasa school dahil naglilinis ng bahay sila Melo at Note samantalang MIA naman si Pitch. Si Manager Lily ay maraming inaasikaso para sa concert nila soon.
Nakaupo lang siya habang nag papractice ng vocals nang magulat siya sa biglang pagtakip ng kanyang mata ng isang pares ng kamay. Napahawak siya sa kamay na ito at nakaramdam siya ng kaba dahil alam na alam niya ang mga kamay na iyon.
Pinalakad siya ng tao sa kanyang likod. . . wala siyang magawa kung hindi sumunod. Naglakad lang siya habang ginaguide siya ng taong nasa likuran niya hanggang sa magsalita ito. . .na nagbigay ng kasiguraduhan sa utak niyang nagugulo na naman.
“Princess. . . “
Si Lyle. . . ang boses ni Lyle. Na naman.
Inialis ni Lyle ang kamay nito na nakatakip sa paningin ng dalaga. Napatingin siya sa paligid at nakita niyang nasa gitna sila ng ground. Hinawakan ni Lyle ang dalawang balikat ni Ces at iniharap sa sarili. Ces stiffened. Everything came back. . .
Ang lahat nang pinaghihirapan niyang kalimutan, walang paghihirap na bumalik kaagad. Hindi man lahat. . . kalahati nito ay bumabalik. Naaamoy na naman niya ang pabango nito na naghahalo sa amoy ng sigarilyo which made this guy in front of her manlier. Napansin ulit niya ang dalawang nunal ng binata sa may baba nito. Ang mga mata nitong nang aakit. . .lahat. Lahat-lahat.
Lyle smiled when he noticed that Ces was dumbfounded.
“Missed me?” he asked.
Napapikit si Ces at tila ba binuhusan siya ng malamig na tubig nang marealize niyang hindi ito tama. Ang mapalapit physically sa taong kinakalimutan ay hindi dapat mangyari dahil siguradong magkakaroon na naman ng attraction. . . ng longing. . . ng love?
“L-Lyle. . . Tama na.”
Itinulak ni Ces si Lyle para lumayo ang binata sa kanya. Natawa si Lyle dahil hindi naman siya natulak, parang hangin lang.
“Don’t push me away. I know you want me near you,” mahinang bulong ni Lyle sa tenga ng dalaga na nagpakilabot sa buong katawan ng dalaga.
Hinawakan ni Lyle ang magkabilang kamay niya na nagpahina sa katawan ni Ces. Lyle intertwined his fingers with hers. Ces felt the tingling feeling inside of her. Namiss niya ito. . . sobra.
Lalong napangiti si Lyle sa nakikita nitong reaksyon ng dalaga. He looked somewhere at lalong lumawak ang ngisi sa labi nito. Inilapit ni Lyle ang kanyang mukha sa dalaga, only inches apart which each other.
“You love me, right? Say it. . .you love me, yes?” Lyle asked. He looked at Ces lovingly with longing in his eyes. “I love you,” he said. Provoking her.
“I. . .” bago pa siya makapagsalita, nanlaki kaagad ang kanyang mata nang maramdaman niya ang matamis na halik ng kanyang prinsipe. Nagbalik ang lahat sa kanyang katawan. Nawala ang galit na nararamdaman niya. Ganoon kadali. Ganoon kagago. Ganoon siya kahina.
Nang kumalas si Lyle sa halik, he smiled at her lips. “Hanggang ngayon, tanga ka pa rin.”
Natigilan si Ces sa narinig. Nabuhusan siya nang malamig na tubig sa kanyang kokote. Napatitig siya sa mga mata ni Lyle at nagulat siya nang nakatingin ito sa kanya ng may pandidiri. Panggalaiti. Pagkaasar.
“A-Anon. . .”
“Masabihan ka lang na mahal ka ng tao, naniniwala ka kaagad? Kahinaan 'yan ng mga babaeng katulad mo. . .” sabi ni Lyle nang lumayo ito kay Ces. “Nagbago nga itsura mo, tanga ka pa rin,” natatawa nitong sabi. “Sino sa atin ngayon ang walang kwenta, Pauline “Ces” Flores?”
“Tangina mo Lyle!” kaagad na sumugod si Lyric at inilapat ang nag iinit na kamao sa pagmumukha ng pinaka paksyet na lalaki sa buong mundo.
Napaupo si Lyle sa lupa. “Shit!”
“Lyric!”
Nanlaki ang mga mata ni Ces sa nakitang pagsuntok ni Lyric kay Lyle. Hindi pa nakakatayong muli si Lyle ay inambagan ulit ng bokalista ang kawawa ngunit gwapong mukha ni Lyle.
Hinawakan ni Lyric ang colar ng damit ng nakahiga na Lyle sa lupa. Nanlilisik ang mga mata ng bokalista. Kung nakakamatay lang ang tingin ay siguradong nakabaon na sa lupa si Lyle.
“Ano ba talagang problema mo, ha?!” nanggalaiti nitong sabi.
Natawa si Lyle kahit na mukhang nasaktan ito sa pagtawa. His face was damaged dahil sa suntok na ibinigay sa kanya ni Lyric. “Ikaw. . . “ mahinahon nitong sabi. “Kayo. Mga putangina, kayo problema ko.”
Hinawakan ni Ces si Lyric, pinipigilan ang pagsuntok nito dahil marami nang nakakakita nang pangyayari. She looked around. May mga taong nakatingin, nanonood, mga hawak ang cellphone at nakatutok sa kanila ang camera nito.
“Tama na Lyric. . .”
Lalong hinigpitan ni Lyric ang pagkwelyo sa dating kaibigan. Gusto niyang suntukin ulit si Lyle ngunit nakangiti lang ito na para bang nanggagago. . . nakangiti lang ito na para bang okay lang sa kanya na masuntok siya nang masuntok.
“Bakit ba, Lyle?” mahinahon na tanong ni Lyric. "Bakit ka ba ganito?"
“Ayaw kong maging masaya kayo. . .” nakangisi nitong sabi. “At para malaman mong ako ang mahal ng iniingatan mong prinsesa.”
Sa huling sinabi ni Lyle ay nakatanggap ito muli ng hagupit ng kamao ni Lyric. Hindi tumigil si Lyric at hindi rin tumigil sa pagngiti si Lyle. Hindi iniinda ni Lyle ang mga sakit ng suntok ni Lyric.
It was all Lyle getting hurt and Lyric hitting Lyle hanggang sa maging headline na sa lahat ng dyaryo, online news websites at chismis blogs kinabukasan ang. . .
LYRIC YUE OF MYUSICK, WILL HE BE FOREVER DOOMED?
Like a mad man (maybe on drugs), Lyric Yue (22) will be suspended in National TV for the next six months due to hitting the helpless Lyle Yuzon (22) in the prestigious (school) last (date). See pg7.
~ ~ ~
Author's Note:
Please, pakitama ang aking grammar. Medyo sabog. Antok. Tulog na ang utak ko (2am na) kaya baka may mga mali akong grammar or mga typos. Pakisabi lang, thanks. THANK YOU RIN SA WALANG SAWANG PAGBABASA NG TTLS. Grabe, 400k reads na! Tinalo niya ang AFGITMOLFM (kung ikukumpara sa On-going period thingy hahaha!) :">
This chapter is dedicated to sheynefff dahil sobrang natuwa ako sa comment niyang sobrang malaman. Binola rin niya ako in the process kaya natuwa ako lalo! Hahahaha! De kasi kahit na parang ngayon ko lang siya nakita sa comment (yung UN at profile pic niya hindi po pamilyar sa akin, parang last chap lang ata siya nagcomment) eh natuwa pa rin ako sa comment niya. Hi, salamat sa iyong mga observations ;) External link to read her comment ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top