38 // FAQS About Death *
"To the well-organized mind, death is but the next great adventure."
— J.K. Rowling
~ ~ ~
That Mystery texter, also known as Secret Admirer is killing Ces—not literaly, pero gets? Hindi siya pinapatulog nito. It’s as if there’s something with that guy na gustong gusto malaman ni Ces . . . gustong gusto niya malaman ang pagkatao nito. Ang dami niyang tanong. . . lalo na ang “bakit?”
After their mini vacation, sobrang naging busy ulit sila. Mall shows, photoshoot, recording, practice at mga mini concerts. May dahilan pala ang pagpilit ni Manager sa pagbabakasyon nila—una, para mag unwind at pangalawa. . .
“We’re going to have a concert at the big dome!”
Ito ang pinaka na, the best pa news para sa MyuSick. Their big break. Concert? At the Big Dome? Grabe! Nalaman pa nilang nandoon din ang MTV Asia na magkocover sa buong concert para ipalabas din sa ibang bansa. Kaya naman todo practice sila, halos hindi na magkandaugaga dahil sa practice. This is a good thing. Dahil mas sikat sila sa ibang bansa, magandang idea na mabigyan din sila ng pagkakataon na ipakita sa sariling bansa na may ibubuga sila.
Ces was so exhausted. Kailangan niya ng break from hard work. Kaya hindi rin siya masisisi kung nagpapasalamat siya at napaos siya for a week. Nagmamaktol nga sila Melo at Note dahil gusto rin nilang magpahinga. Pero anong ieexcuse nila? Namaos ang kanilang mga daliri sa pag gigitara? Manager won't allow that.
Nakaupo si Ces sa kanyang kama at nagbasa. Matagal na rin simula nung huli siyang nagbasa. Masaya rin siya na maraming books si Pitch na pwede niyang hiramin. There's a whole library at the living room. Sobrang sarap. nagpapakasarap siya habang naririnig niya ang faint sound ng pagpapractice ng kabanda sa loob ng recording studio.
Feeling very comfortable, dumating si Ash at naupo sa kanyang tabi.
“Okay ka na?” tanong ng kamatayan.
Half-tango, half iling ang ginawa ni Ces. Natawa si Ash sa ginawa ng dalaga.
“Ah, wala pa ring boses?”
“Medyo,” garalgal na sabi ni Ces.
Natawa ng malakas si Ash sa narinig. “Wow, ang manly ng boses mo!”
Kumunot ang noo ni Ces. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Ash. Inaasar ba siya ng kamatayan?! Papaluin sana niya si Ash nang tumagos ang kanyang kamay sa balikat ng kamatayan. Tumingin lang siya sa usok na binuo ng balikat ni Ash.
Pagtingin niya kay Ash, nakatingin din ito sa kamay niyang tumagos sa balikat nito. Sabay silang nag angat ng tingin at napatitig sa mga mata ng isa't isa.
Ngumiti si Ces, feeling awkward. “Akala ko mahahawakan na ulit kita.”
"Hindi pwedeng hawakan ng isang tao ang isang kamatayan. . ."
"Pero nahawakan mo ako noon. . ."
"Circumstances, depende sa dahilan."
Ngumiti si Ash. Panandalian silang nabalot sa katahimikan. Awkward. Pilit binabasa ni Ces ang librong binabasa ngunit hindi niya makalimutan ang kamay niyang tumagos sa kamatayan. Dati naman, nahahawakan niya ito. . . bakit kaya ngayon ay hindi na?
Wala siyang naririnig na kahit na anong ingay galing sa katabi. Siya lang ang humihinga. Siya lang ang nakaupo sa kama dahil nakalutang na nakaupo si Ash, siya lang ang kumukurap, siya lang. . .ang tao.
Hindi napigilan ang sarili, Ces asked, “anong pakiramdam maging kamatayan?” hindi pa rin inaalis ni Ces ang tingin sa kanyang libro. She can see words, sentences. . .pero wala roon ang utak niya. Ang utak niya ay nasa mga tanong niya patungkol sa kamatayang nasa tabi niya.
Nakita niyang tumingin si Ash sa kanya gamit ang peripheral vision. Ganoon lang sila. Tahimik. Nakatingin lang si Ash kay Ces. Nakatingin lang si Ces sa kanyang libro.
“Wala akong pakiramdam,” simpleng sagot nito.
Tumingin si Ces kay Ash. “Pero ngumingiti ka.”
“Hindi 'yun pakiramdam. Pwedeng peke-in ang ngiti.”
Kumunot ang noo ni Ces. Looking at Ash, wala siyang alam dito. Matangkad ito, mukhang kasing age niya o mas matanda sa kanya. Siguro ay nasa twenty na ang edad pataas? Pero ang edad ba ng kamatayan ay parang tulad sa mga tao? At bakit nagtatagalog sila?
“Ang dami mong tanong tungkol sa amin,” nakangising sabi ni Ash sa dalaga.
“Paano ka naging kamatayan?” diretsong tanong ng dalaga.
Nanlaki panandalian ang tingin ni Ash. Kitang kita sa mga mata ni Ces ang kagustuhan para malaman ang tungkol sa kamatayan. Bumuntong hininga si Ash at lumutang. Akala ni Ces ay maglalaho ito ngunit nahiga ito sa kama niya.
“Lahat kami, naging tao rati,” marahang pagkukwento nito.
Tumingin si Ces sa nakahigang Ash. Hindi niya alam pero ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nagwawala. Nagsusumamo. Siguro ay excited siyang malaman kung sino nga ba talaga si Ash.
“Pero hindi ko na maalala kung kailan ako naging ganito. Ilang taon, ilang dekada rin nakaraan,” pagpapatuloy ni Ash. “Basta nagising na lang ako, kamatayan na ako.”
“Paano mo nalama—”
Tumingala si Ash para tingnan si Ces at ngumiti. “Minsan magigising ka na lang, malalaman mo na kung ano ka. Ganoon nangyari sa akin. Pag gising ko, alam ko sa sarili ko, kamatayan ako. Tagakuha ako ng mga kaluluwa ng mga taong namatay.”
"May pamilya ka?”
“Wala. Wala sa bokabularyo ng mga kamatayan ang pamilya, kaibigan o kahit ano pa. Wala kaming emosyon kaya walang emotional attachment,” pagpapaliwanag nito.
"Eh dati?"
Ngumiti si Ash ngunit yumuko rin, "hindi ko alam. Tinanggal sa memorya namin ang lahat."
Gusto sanang hawakan ni Ces ang ulo ni Ash, feeling the pain he's into (if ever he's in pain) pero hahawakan pa lang niya ang ulo nito ay naging usok na ito. She gave up. Wala na siyang magawa. Mukhang hindi na talaga niya mahahawakan si Ash. Not that she's complaining, alam naman niyang hindi talaga niya mahahawakan ang mga kamatayan pero. . .the fact that one time she and Ash had a physical contact, may something. May dahilan kung bakit nahawakan siya noon ni Ash.
Pero ano? Bakit? Paano? Is it a spell? A chant? Magic?
It pained her. Seeing Ash like this. Hindi niya alam kung saan niya nahuhugot ang lungkot na nararamdaman para sa kamatayan. Basta ang alam niya, ang bigat sa pakiramdam. Anong feeling makalimutan ang lahat? Paano kaya kung kapamilya ni Ash ang kinukuha nito mismo? Will he feel something or wala talaga? Magkakaroon ba ng lukso ng dugo?
Will Ash feel something for his beloved? Naaalala kaya ng puso niya noong tao pa lang siya ang hindi maalala ng utak niya ngayon bilang kamatayan? Or wait. . . walang puso ang mga kamatayan. So. . .wala talaga? Para sa kanila, balewala talaga ang lahat? Ang daming tanong. . . ang daming kailangan na sagot ngunit walang kasagutan.
Nahiga si Ces sa tabi ni Ash at sabay silang nakatingin sa kisame. Looking in her mind to ask things. Things she wants answers. “Tanong ko lang. . .”
Binaling ni Ash ang tingin sa dalaga, “ano?”
“May iba pa bang tao ang nagsakripisyo ng kaluluwa nila para sa isang tao?”
Bahagyang nagulat si Ash sa tanong ni Ces. Tumingin si Ces sa kamatayan, asking for an answer. Kung totoong tao lang si Ash, siguro ay kinakabahan ito. Itsura pa lang na para bang nakakita ng multo.
“H-Hindi ko alam. . .” mahinang sagot nito. “Pero sa kaso ko, ikaw pa lang. Ewan ko kay Boss. . .”
“Speaking of Boss,” ibinalik ni Ces ang tingin sa kisame. “Bakit siya naging boss? Ganoon ba talaga siya kabata?”
Tumawa ng kaunti si Ash na para bang nakarinig siya ng joke mula sa dalaga.
“Kasi siya ang pinaka makapangyarihan. . .at hindi niya totoong itsura 'yun. Walang nakakaalam ng totoo niyang itsura dahil hindi niya pinapakita sa amin. Nasa kamatayan na ang desisyon kung ipapakita nila—”
“So hindi mo talaga itsura 'yan?” pagtataka ni Ces habang nakatingin kay Ash. Lumutang si Ash patayo at tiningnan ng maigi si Ces. Puno ng mga tanong ang mata ng dalaga. Puno ng mga tanong na walang sagot. Puno ng mga tanong na kahit kailan, hindi pupwedeng masagot.
Mga bakit. Mga paano. Mga what if.
“Sik-re-to,” nakangiting sabi ni Ash.
Napanganga ng kaunti si Ces at bumangon mula sa pagkakahiga. “Ang sama!” natatawa nitong pag aakusa sa kamatayan. Nagkwentuhan pa sila. Paiba-iba. . .pero more on sa buhay. Sa kamatayan. Sa pagkamatay.
"Hindi ba ang mga kamatayan, kalansay? Ibang iba kayo sa alam naming itsura niyo."
"Kasi, maraming make believe kayong mga tao. Marami kayong pinaniniwalaan na half truth but almost all lie."
Napatitig lang si Ces panandalian kay Ash bago siya muling nagtanong.
“Nagtatagalog ba talaga kayo?” Ces asked out of curiosity.
Mabilis sumagot si Ash, “hindi.”
“Pero. . .”
“Nagsasalita kami sa sarili naming lengwahe. Ang totoo n'yan, iba ang sinasabi ko sa naririnig mo. Death Tongue. . . iba ang sinasabi namin, pero lengwahe niyo ang naririnig niyo sa boses namin.”
“K-Kaya pala. . . ano talagang ginagawa mo? Kayo ba ang pumapatay sa mga tao o kaluluwa lang?”
“Alam ko kung kailan ang oras ng mga tao, kung kailan kayo mawawala sa mundo,” pag-eexplain ni Ash. “Pero hindi ko alam ang dahilan ng pagkamatay.”
“Paanong hindi mo alam paano pero alam mo kung kailan?”
Umupo ng maayos si Ash. Napatingin siya sa D-Get niyang hindi tumutunog. Isang himalang wala siyang sinusundong kaluluwa ngayon.
“Kasi taga sundo lang ang mga tulad kong Death Angel. Kabuuang kaluluwa lang ang kinukuha ko. Sa'yo ang pinaka unang parsoul na kinuha ko. May iba-iba kasing parte ng kaluluwa," sabi ni Ash. Ces looked at him. Naghihintay ng susunod na explanation. "Pero masyadong kumplikado 'yung soul kaya huwag na. Doon tayo sa ibang Death angel na ang trabaho ay ang gumawa ng paraan sa pagkamatay ng tao. Sila madalas ang gumamit ng Death Tongue para bumulong sa mga taong mamamatay na.”
Hindi napigilan ni Ces ang pagtaas ng balahibo sa katawan. Knowing that a Death Angel will do everything to kill someone? That’s weird. Mabuti na lang at medyo tamer ang tulad ni Ash na Death Angel.
“May iba namang Death Angel na nagbabantay sa mga kaluluwa ng tao. Parang guardian angel. Sila ang kasama ng kaluluwa kapag binigyan ng pagkakataon ang mga kaluluwa para magpaalam sa mga naiwan,” pagpapaliwanag ni Ash. “May iba ring Death Angel na nagtatali ng kaluluwa ng tao sa ibang katawan. Cycle. Dahil ang buhay, paulit-ulit lang. . . Pag may namamatay, may nabubuhay.”
Tumango tango si Ces. Knowing this makes her feel. . . better? Heavy in the inside? Is knowing about the real thing is a good thing or not?
“Lahat ng oras, paraan, tao. . . nasa listahan ni Boss. Siya ang nag uutos sa amin. Kaya nga nagulat ako sa pakikipag usap mo sa kanya eh,” natatawang sabi ni Ash. “Ang fierce.”
Ngumiti si Ces ng kaunti. Ngayon lang din niya narealize ang pakikipag usap niya kay Boss ay parang pakikipag usap kay Manager Lily. Mabuti na lang at hindi siya sinampal ni Boss.
“Sa kanya. . . kahit hindi mo pa oras pero gusto niyang kunin kaluluwa mo, magagawa niya,” patuloy na pagkwento ng kamatayan. “Walang sabi-sabi. Walang announcement. Pero sa ngayon, wala pa akong nababalitaang nilabag niya ang schedule.”
Tumango-tango si Ces hanggang sa matigilan siya sa sinabi ni Ash.
“Mukhang sa'yo lang ang lalabagin niya,” matalim ang tingin ng kamatayan sa dalaga.
Napalunok si Ces at napahawak sa kanyang pilat sa may dibdib. Pinakiramdaman niyang muli ito—wala nang sakit. . . pero nandoon pa rin ito. Ngumiti si Ces at tiningnan si Ash.
“Depende. . .pero siguro, hindi,” tiwala sa sariling sagot ng dalaga. “Pwede mo naman akong pigilan, hindi ba?”
Ngumiti si Ash, “hindi,” diretsong sagot nito.
Nanlaki ang mga mata ni Ces. Kumabog panandalian ang puso niya sa narinig. Ang dami na namang tanong ang bumuo sa utak niya. Ang daming akala—akala niya ay okay na sila ni Ash. Akala niya ay parang magkaibigan na sila. Magtutulungan. Magkakapitan.
“A-Ash. . .”
“Hindi kami pwedeng makielam sa mga tao. Paparusahan kami,” diretsong sabi ni Ash. Tumingin ang kamatayan kay Ces, “sa totoo lang, hindi dapat mangyari itong pag-uusap natin.”
“B-Bakit?”
“Dahil ang dapat, hindi nag uusap ang isang kamatayan at ang isang tao.”
TITIK! TITIK!
Sabay na napatingin ang dalawa sa D-Get na hawak ni Ash. Nakasilip ng kaunti si Ces sa D-Get ngunit wala siyang naintindihan. Parang mga linya lang ito na pinagsama-sama.
“Anong nakalagay?” Ces asked.
Nagkatinginan si Ash at Ces. Ash smiled.
“Romero, Jus Alejandro G. Makati. 1991. Life ID: #RJA22M0CKA27PH”
“Details tungkol sa kukunin mong kaluluwa?” pagtataka ni Ces.
Tumango si Ash. “Pagkareceive ko nito, nakikita ko na rin sa mga mata ko kung nasaan siya,” sagot ni Ash. “At doon ako lilitaw pagkaalis ko rito sa kwarto mo.”
“So. . .” Finoformulate ni Ces ang tanong sa kanyang isipan. “Para lumitaw ka sa isang lugar, kailangan mo munang makita sa mata mo 'yung lugar na 'yon?”
“Automatic. Basta bigyan lang ako ng detalye. Minsan ibigay lang sa akin ang life ID, alam ko na kaagad kung nasaan ang isang tao. Ganoon kaming mga kamatayan, itong Life ID niyang #RJA22M0CKA27PH. May ibig sabihin,” pagturo ni Ash sa isang parte sa kanyang D-Get na hindi rin naintindihan ni Ces. “RJA – initials ng may-ari ng kaluluwa. 22, araw kung kailan siya pinanganak. M0, male at pure. Kapag naging 1 'yung 0, ibig sabihin pusong babae. Kapag naging 2, bisexual, kapag 3, transgender at kung anu-ano pa.”
Tumango tango si Ces. Kahit papaano, nagegets niya ang Life ID na sinasabi ni Ash.
“CKA – initial ng taong mabibigyan ng kaluluwa niya. 27, araw kung kailan malilipat ang kaluluwa niya. PH – Philippines.”
All of a sudden, Ces wanted to ask her own. “A-Anong Life ID ko?”
TITIK! TITIK!
Napatingin muli si Ash sa kanyang D-Get at nanlaki ang mga mata nito. Unti-unting tumingin si Ash kay Ces. May gustong sabihin ang kamatayan ngunit hindi ito nagsasalita. Nanlalaki lang ang mga mata na siyang nagpakaba ng todo kay Ces hanggang sa magsalita ito na nagpawala sa dugo ng dalaga.
“L-Life ID mo.”
Pinakita ni Ash ang D-Get kay Ces ngunit walang naintindihan si Ces dito. Kumabog ang kanyang dibdib, nanlalaki ang mga mata at tumataas ang balahibo sa katawan.
This can't be. Nakaupo lang siya kasama ang kamatayan. . . nanlalamig. Hindi pa siya ready. . .hindi pa siya handa. Ni hindi siya nagsabi na mahal niya ang isang tao kaya bakit? Wala rin siyang nararamdamang kakaiba. Paano mangyayari ito?
Pero ang sumunod na sabi ng kamatayan ang nagbigay ng hudyat sa lahat.
“Oras mo na.”
~ ~ ~
Author's Note:
Ending na ata sa next chapter?
Walang katotohanan pinagsasasabi ni Ash. Baka bigla kayong maniwala. Imagination ko lang po 'yan.
Dedicated to ExNiCrisostomoIbarra. Sobrang cute ng comment niya last chapter. Ramdam niya 'yung pinapakita ko tungkol sa turing ng MyuSick kay Ces. Ahihihihi, kyot. Thank you sa pagbabasa ng TTLS! :"> For her comment, click external link.
Joke lang na ending na next chapter. Malayo pa :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top