37 // Obvious Mysteries
"The world is full of obvious things which nobody by any chance ever observes."
— Arthur Conan Doyle
~ ~ ~
It's been a week since they had a concert for a cause and since the last time Ces heard Mystery Texter's voice. Simula kasi ng umagang iyon, hindi na ito nagtext o tumawag pa sa dalaga.
♪ ♫ Making my way downtown
Walking fast
Faces pass
And I'm home bound
Napagdesisyunan ng banda. . .or ni Manager Lily na kailangan mag unwind ng MyuSick sa polluted na mundo ng musika at Manila. They need a break. Everyone needs a break kaya ito ang naisip ni Manager Lily na medyo labag sa loob ng isang myembro ng MyuSick: Pio Alberto Gabiasa.
“Tumahimik nga kayo,” iritableng reklamo ng binata. Matalim na tiningnan ni Pitch ang magkatabing Melo at Note na kumakanta ng sobrang lakas. Sinasabayan ang pinapatugtog sa buong mobile house bus na sinasakyan nila.
♪ ♫ Staring blankly ahead
Just making my way
Making a way
Through the crowd
Hindi pinansin ng dalawa ang pagkaasar ni Pitch at nagpatuloy lang sa pagkanta. Pitch hates adventure kaya hindi niya trip ang gagawin nila sa one week na bakasyon. Nagpunta siya sa nakalaan na kama para sa kanya at nahiga, pinipilit matulog.
Tahimik lang si Manager Lily na nakaupo at nagbabasa. Naka earphones ito at nakikinig ng sariling music, mas gusto niya ito kaysa pakinggan ang pagkanta ng dalawa. Si Lyric naman ay nagpapahinga sa kama nito. Kakagaling lang kasi nito sa trangkaso. May ubo at sipon pa nga ito pero pinilit ni Manager na sumama ang bokalista.
“Tara Ces, kanta!”
♪ ♫ And I need you
And I miss you
And now I wonder....
Pilit na pinapakanta nila Melo at Note si Ces na nasa tabi nila sa mini sofa. Nag iingay lang sila, mabuti na lang pala ay gitarista sila at hindi sa vocals kung hindi, marami na silang haters ngayon.
♪ ♫ If I could fall
Into the sky
Do you think time
Would pass me by
Natatawa naman si Ces sa pinag gagagawa nila Melo at Note. Sa buong byahe, ang dalawang ito lang ay may energy. Sila lang ang maingay, ang nagbibigay buhay sa buong bus.
Pagtingin ni Ces sa may driver’s seat kung saan nakaupo si manong driver, napangiti siya nang makita si Ash na nasa tabi ni manong, nagmamasid sa dinadaanan.
♪ ♫ 'Cause you know I'd walk
A thousand miles
If I could
Just see you
Tonight
* * *
Isang linggo ang banda sa Tanay Rizal. Tanay Rizal? Anong meron doon? Wala namang white sand o pink sad o brown sand o kahit na black sand sa Tanay. Wala naman itong bulkan na maipagmamalaki, walang lamig na mararamdaman at malayo sa mga “relaxation” o tourist spot ng bansa. Bakit sa Tanay Rizal kung pwede naman sa mga beach?
“Ayaw ko, maraming tao. Polluted.”
Relaxation. Sabi nila, mas nakakarelax daw kapag nasa beach but instead, sa second day ng pagpunta nila ng Tanay Rizal (rest day ang first day), Calinawan cave ang destinasyon nila. . . na kakailanganin umakyat sa sobrang taas na hagdan para makababa sa kweba. Aakyat para makababa. How ironic.
Pagod na pagod na ang lahat lalo na si Pitch na hindi naman madalas o mahilig maglakad. Si Manager Lily ay obvious na hirap na rin pero hindi niya ito ininda. Nararamdaman na rin ni Ces ang pagod at tagaktak ng pawis sa kanyang katawan. Tahimik lang naman si Lyric, sumisinghot paminsan minsan dahil nga sa sipon, nasa likuran si Ces at inaalalayan ang dalaga. Nasa tuktok naman si Ash, nauna na roon.
“Jusko, hirap. . na. . .hirap. . .na ako!” pagrereklamo ni Note nang hawakan nito ang balikat ni Melo para sa suporta. Tumingin siya sa ibaba, malayo na rin ang nararating nila ngunit pag tingin niya sa taas, malayo pa ang pinaka dulo.
“Ano. . ba. . . kasi. . . to. . .” isang salita, isang hingal na sabi ni Melo. Pinapaypay na rin nito ang beanie na dapat ay nasa ulo niya. “Stairway. . .to . . . heaven? Manager. . . “ ibinaling ni Melo ang tingin sa Manager. “Uwi. . .na. . .tayo!”
Hindi sila pinansin ni Manager Lily. Matapos ang halos thirty minutes nilang pag akyat, nakarating na sila sa tuktok ngunit wala silang makitang kweba.
“Nasaan 'yung kweba?” nanlalaking mata na sabi ni Melo habang patingin tingin sa paligid. “Nawala 'yung kweba?! Pinaghirapan natin umakyat dito tapos walang kweba?!” pagrereklamo ni Melo. Nagpapapadyak pa siya ng paa habang tinitingnan ang hagdanan na dapat nilang babaan. “Pramis, may galit na ako sa mga hagdan.”
Umiling iling si Manager Lily. “Wala pa rito, maglalakad pa tayo papunta roon.”
Pagkaturo ni Manager Lily sa lugar na hindi naman natatanaw ng banda, lalong nag amok sila Melo at Note.
“Pagod na ako,” sabi ni Pitch.
Tiningnan ni Manager Lily si Pitch nang ilang segundo hanggang sa ngumiti ito at, “let’s go!” nagsimulang maglakad papunta sa tinuro nito.
Napabuntong hininga ang buong banda at sumunod sa Manager. Tagaktak na ang pawis nilang lahat. Ang mga buhok nilang lahat ay nakapony tail na, nakataas at basta, hindi sagabal sa kanilang ulo.
“Pakipaalala nga sa akin na magpapakalbo na ako pagkauwi natin,” hingal na hingal na sabi ni Note kay Melo.
Ngumiwi si Melo, “langya? Ano ka shaolin soccer? Hiyaah!” natatawang sabi nito.
Napapangiti na lamang si Ces dahil kahit pagod, pawis na pawis at hinihingal na ay nagagawa pang magbiruan ng dalawa. Inggit talaga siya sa energy ng dalawang ito.
Naglakad lang sila. Umiiwas sa mga sanga ng puno, tumitingin sa mga bato-batong daan at tinitingnan ang tanawin. Kitang-kita ang aura ng probinsya mula sa nilalakaran nila. May nadaanan nga rin silang parang bahay kubo, ang cool lang.
“Tatawid tayo r'yan?” takang tanong ni Lyric habang nakatingin ang lahat sa sapa na nasa harap nila.
Ngumiti si Manager Lily at tinanggal ang sandals na suot at lumusong sa sapa. Pagkarating ni Manager Lily sa kabilang parte, nakataas na ang kilay nito at nakapameywang.
“Oh, anong tinatanga-tanga niyo r'yan? Tara na!” Nagsimula na ulit maglakad si Manager Lily, leaving the band behind.
Nagkatinginan ang magkakabanda at napatingin sa mga sapatos na suot. Halos lahat sila, nakachucks pwera kay Note na nakatsinelas lang. Ilang argument din ang nangyari bago nila tinanggal ang mga sapatos at lumusong sa sapa. Kamuntikan pang madapa si Melo, sayang.
“Pagod ka na ba?” tanong ni Ash kay Ces.
Ngumiwi si Ces, “medyo.”
“Anong medyo?”
Paglingon ni Ces ay nakita niya si Note, nagtataka.
“Ah ano, medyo. . . medyo pagod.”
Tumango si Note at ngumiti ng malapad sa dalaga, “gusto mo buhatin kit—aah!” napalingon si Ces nang hilahin ni Lyric si Note. “Ano ba, Lyric?!”
“Ano?!” pasigaw na tanong ni Lyric ngunit nakangiti. “Kailangan ko ng kakapitan, napapagod ako.”
Nagkatinginan sila Lyric at Ces ng mga sandaling iyon. Ngumiti si Lyric kaya napangiti rin si Ces at iniwas kaagad ang tingin sa binata. Diretso lang si Ces habang nasa likuran niya si Note at Lyric at nasa harapan si Pitch at Melo pati si Manager Lily.
“Muntikan ka nang pagkamalang baliw,” natatawang sabi ni Ash. Napairap naman si Ces sa kamatayan. Naglakad lang si Ces habang lumulutang sa tabi si Ash nang magsalita ito muli. “Close na kayo ni Lyric, ano?”
Napatingin si Ces kay Ash. Nakangiti ang kamatayan at napapaisip si Ces kung ano ba ang nasa isip ng kamatayan ngayon. May iniisip nga ba talaga ito? Ano ang nagtutulak para ngumiti ang kamatayan?
“HOY DALIAN NIYO!”
Napatingin si Ces kay Manager Lily na nasa tabi ang isang signage na nakadikit sa malalaking bato na magkakadikit dikit.
CALINAWAN CAVE.
* * *
They were ecstatic. Excited. Sobrang saya. Pero naglaho ang lahat nang pumasok sila sa kweba kasama ang tourist guide. . .at wala silang flashlight na dala.
“Shit ang dilim!” sigaw ni Melo.
“Pansin ko nga, pansin mo rin?” natatawang sabi ni Note.
Bumuntong hininga naman si Pitch at kinuha ang cellphone na may flashlight. Kahit paaano, nakatulong ito para maibsan ang kadiliman sa loob ng kweba.
May kung anu-anong sinasabi ang tourist guide ngunit wala namang nakikinig dahil kanya-kanya sila nang way para makalakad sa madilim na lugar.
“Puta, aray!”
Napahinto ang lahat nang marinig nilang sumigaw si Note. Tinutukan ni Pitch ng flashlight si Note at nakita nilang hinihimas nito ang noo.
“Hindi niyo man lang sinabing mababa pala 'tong batong 'to!” tinuro ni Note ang isang bato na nakausli. Natawa naman si Melo at pinatong ang kamay sa balikat ng kaibigan.
“Ang higante mo kasi. Magpaliit ka rin minsan,” natatawang sabi ni Melo.
Binatukan naman ni Note ang kaibigan at bumalik na ulit sila sa paglalakad sa kung saan man patungo ang dilim.
“Shit!”
Napatingin ang lahat sa likuran nang marinig ang mahinang sigaw ni Pitch. Natawa si Melo nang mapansin niyang nadulas pala si Pitch kaya nakakuha ito ng batok mula rito. Tumawa si Note at siya naman ang binatukan ni Pitch.
Umiling iling na lang si Manager Lily sa mga ito.
Nagpatuloy ang lakad nila. Tumalon. Naglakad. Umiwas. Yumuko. Pawis at pagod. Palibot libot din ang ilaw na dala ng cellphone ni Pitch hanggang sa tumutok ang ilaw ng flashlight sa tabi ni Ces. Nang masinagan ang tabi ni Ces, nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
“Aahh!”
“Ces!”
Kamuntikan nang malaglag si Ces kung hindi lang siya kaagad nahawakan sa braso ni Lyric. Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Ces at ang bilis ng tibok ng kanyang puso.
“A-Ayos ka lang?” mahinang tanong ni Ash.
Malalim ang paghinga ni Ces habang nakatingin kay Ash na ikinagulat niya ang presensya sa kanyang tabi. Napahawak siya sa kanyang dibdib at pilit na pinapabagal ang pagtibok ng puso.
“Anong nangyari sa'yo?” tanong ng kabanda sa dalaga.
Pilit ngumiti si Ces ngunit nakita ni Ash ang pagngiwi ng dalaga. “W-Wala, may ano. . .” umiwas ng tingin si Ces at tumayo ng maayos. Nakaalalay pa rin sa kanya si Lyric. “May nakita lang ako, s-sorry.”
Nanginginig ang mga tuhod ni Ces nang maglakad ito muli. Nakaalalay na sa kanya ang buong banda at hindi na rin siya binibitawan ni Lyric. All eyes on her dahil siya ang prinsesa ng banda.
“Sorry, hindi ko alam na matatakot ka, sorry. . .” paulit-ulit na sabi ni Ash kay Ces.
Napangiwi ulit si Ces. Alam niyang hindi sinasadya ni Ash ang lahat. Hindi sinasadya ni Ash na mabigla siya sa presensya nito. Wala namang dapat isisi sa nangyari ngunit hindi rin naman maikakaila na natakot ang dalaga nang makita si Ash sa kaunting ilaw na nakatutok dito kanina.
“Okay lang. . “
“Ano 'yun, Ces?” takang tanong ni Melo na nasa likuran ng dalaga.
“Okay lang ako, okay na. . .”
Tumango lang si Melo at nagets na rin naman ni Ash ang gusto ipahiwatig ni Ces.
“S-Sorry talag—”
TITIK! TITIK!
Nagkatinginan sila Ces at Ash nang tumunog na naman ang D-Get ng kamatayan.
“Aalis muna ako, trabaho pa.”
Napabuntong hininga si Ces nang makaalis na si Ash. . . ngunit napatingin sa kanyang braso, hawak pa rin ni Lyric. Hindi siya binibitawan. . . hanggang sa makalabas sila ng kweba.
"Takte akala ko mahuhulog ako kanina, nakakatakot mahulog!" halos mamatay matay na si Melo habang nagpapaypay sa labasan ng kweba. Nakaupo ito sa isang bato habang hawak hawak ang dibdib.
Ipinatong ni Note ang kamay sa balikat ng kaibigan, "alam mo pre, hindi ka takot mahulog," sabi nito. Kumunot ang noo ni Melo ngunit pinagpatuloy ni Note ang sinasabi, "takot ka lang masaktan kapag nahulog ka na."
Natahimik ang lahat.
Naramdaman ni Ces ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso na para bang may hinahabol.
Si Melo naman ang nagsalita, "eh kung ikaw kaya itulak ko para mahulog ka sa dilim na 'yun, hindi ka matakot?!"
Nagharutan na naman sila Melo at Note. Napapangiti si Ces sa nakikita kahit medyo nahihirapan siya sa kanyang puso. Masaktan? Just like what Boss said last time. Nang mapatingin siya kay Lyric, nakatingin ito sa kanya at ngumiti. Lumapit siya sa binata at napansin niyang natense ang katawan ng lalaki.
"S-Salamat pala kanina," nakangiting sabi ni Ces, not looking at Lyric pero nakikita niya ang binata sa peripheral version niya. "Sa pag-alalay sa akin."
Nagkamot ng batok si Lyric at napapangiti, "basta ikaw, huwag kang sisigaw bigla ah? Natakot ako sa sigaw mo eh."
Sabay silang natawa sa sinabi ni Lyric kaya napatigil sa harutan sila Melo at Note. Tiningnan sila ng lahat na may pagtataka.
"Nagkaroon na naman sila ng sariling mundo," kumento ni Melo habang pailing-iling. Umiling iling din si Note habang naglalakad hanggang sa makarating na sila muli sa pinanggalingan kanina para makabalik.
"Hagdan na naman?!" pagrereklamo ni Melo nang makita nito kung saan sila dadaan para makababa.
* * *
“Tent?”
Hindi magets ng buong banda kung ano ba talaga ang trip ni Manager Lily. Mayroon naman silang mobile house pero kinandado ito ni Manager Lily at pinaalis na muna ang driver para lahat sila ay matulog lang sa camp.
Malamig ang simoy ng hangin. Rinig na rinig ang pag agos ng tubig sa kung saan man. May ilan din silang naririnig na huni ng ibon.
Kung saan-saan sila nagpunta for the week. Sa grotto, sa simbahan, namalengke, nagpunta sa kung saan-saan. Halos hindi na nga nila magamit ang bus dahil panay sila lakad kung saan-saan.
Sa susunod na araw, uuwi na silang Manila para sa susunod na mangyayari sa career nila. Nagulat naman ang MyuSick nang bumalik sila galing falls ay nakatayo na ang anim na tent, naghihintay sa kanilang pagbabalik.
“Yung totoo Manager, anong trip mo?” pagtataka ni Note habang pinagmamasdan ang mga tent.
Ngumisi si Manager Lily, “relaxation.”
Napailing na lamang sila. Naupo ang anim sa may mga kahoy at gumawa ng apoy. Mabuti na lang at may lighter si Pitch kung hindi, wala silang pang luto. Walang may alam kung paano gumawa ng apoy gamit ang dalawang kahoy.
Nagluto sila roon gamit ang kawayan para sa kanin, ang paso para sa ulam. Tila ba nagbalik sila sa buhay nung nakaraan kung saan simple lang ang lahat. Walang electronics. Walang pollution. Walang kahit na ano kung hindi sila lang at ang kalikasan.
Nagkwentuhan lang ang mga ito, nagtawanan at nagkantahan hanggang sa lumabas na ang mga bituwin sa langit.
“Ang ganda ng langit ngayon,” nakatingalang sabi ni Lyric.
Tumingin ang MyuSick sa langit, pinagmamasdan ang langit na napuno ng nagniningning na mga bituwin. Iba ibang klase, iba ibang lakas ng ningning at iba ibang laki. Asul na asul ang kalangitan, walang kahit na anong halong itim na usok.
Napagdesisyunan ng banda na imbis na sa tent ay sa labas na lang sila mahiga at matulog para pagmasdan ang ganda ng kalangitan. Tabi tabi ang mga ito na nakatingin sa kalangitan ngunit ilang minuto lang nakaraan ay kaagad naghilikan ang MyuSick pwera kay Ces na nakaupo at kay Lyric na nakahiga, nakatingala sa langit.
Ganoon din ang pwesto ni Ash, nakahiga, nakatingala. . .pinagmamasdan ang kapayapaan ng gabi.
Tahimik lang silang tatlo na nakatingin sa langit. Pinapakiramdaman ang paghampas ng hangin sa kanilang mga katawan—except kay Ash. No awkward silence. Just silence. . .hanggang basagin ito ni Lyric gamit ang isang kanta.
♪ ♫ And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now
Napatingin si Ces kay Lyric na nakatingin sa langit habang kumakanta at nakahiga. Nakapatong ang ulo nito sa dalawang kamay, not minding everything o kahit ang buhok nitong halos nakasabog na sa mukha.
♪ ♫ And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
Ngayon lang ulit napakinggan ni Ces ng mabuti ang boses ni Lyric. Ang malamig nitong boses na nagbibigay ng relaxation sa kanyang katawan. Nawala na rin kasi ang sipon at ubo nito kaya nagbalik ang ganda ng boses nito.
♪ ♫ And sooner or later it's over
I just don't wanna miss you tonight
Tumingin si Ces kay Lyric at nagulat siya nang makita niyang nakatingin sa kanya si Lyric at nakangiti. Kaagad iniwas ni Ces ang tingin sa kabanda at tumingala. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa tingin ni Lyric. Napapikit siya sa takot.
Hindi 'to pwede.
Pagdilat niya, nakatingin sa kanya si Ash.
♪ ♫ And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am
Magkatinginan lang sila ni Ash. Walang nagsasalita hanggang sa ngumiti si Ash. Isang ngiting walang kahit na anong bahid. Ngiti lang.
♪ ♫ And you can't fight the tears that ain't coming
Or the moment of truth in your lies
When everything feels like the movies
Yeah you bleed just to know you're alive
Humiga si Ces at pumikit. Pinakiramdaman ang hangin. Rinig ang kaunting hilik ng ibang lalaki ngunit mas rinig niya ang pagkanta ni Lyric lalo na ang pagtibok ng kanyang puso.
♪ ♫ And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am
Pahina nang pahina ang pagkanta ni Lyric hanggang sa hindi na ito kumanta. Pagtingin muli ni Ces sa katabing bokalista, lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makita niyang nakatingin sa kanya si Lyric, seryoso ang mukha. Titig na titig sa kanyang mata na para bang hindi na nito gustong pakawalan ang tingin.
“B-Bakit?” kinakabahang tanong ng dalaga.
Seryoso pa rin ang mukha ni Lyric nang magsalita ito.
“Nung highschool ka, anong nangyari sa'yo noon?”
Napakunot ang noo ni Ces sa tanong ng binata. Nagtaka siya sa biglaang tanong nito.
“Highschool?”
Tumango si Lyric.
“Hindi ko alam. . .” pagtatakang sagot ni Ces. “Paanong anong nangyari?”
Tutok na tutok si Lyric kay Ces kaya hindi malaman ng dalaga kung ano ba ang dapat gawin o sabihin. Naiilang din siya sa tingin nito. Hindi ito umiiwas, sa kanya lang nakatuon ang tingin.
“Kakaiba? Sobra? Experience?” tuloy tuloy na sabi ni Lyric.
Hinanap ni Ces ang sagot sa kanyang magulong utak at napangiti nang makita niya ang hinahanap niya. “Valedictorian nung highschool,” nakangiti nitong sagot.
“Iba pa?”
“Paanong iba?”
“E-Ewan ko. . .” pumikit si Lyric at tumingin sa langit. “Ikaw, 'yung kakaibang experience. Yung hindi mo malilimutan.”
Napatingin si Ces sa langit. Natahimik ang dalawa samantalang si Ash ay palutang lutang lang kung saan-saan. Pinagmasdan ni Ces ang mga nagniningning na mga bituwin.
“Sa tahi ko sa ulo. . .” sagot ng dalaga sa tanong ni Lyric. “Hindi ko na masyadong maalala 'yung mga nangyari talaga pero hindi ko 'to makakalimutan,” natatawang sabi ni Ces at hinawakan ang maliit na tahi sa kanyang ulo.
“Ces. . .”
Napangisi si Ces sa naalala, “tapos 'yung papa ko na sumama sa ibang lalaki,” napangiti si Ces. Hindi ito ngiti ng saya, napangiti lang siya dahil kahit anong mangyari—isa pa rin ito sa pinaka masakit na pangyayari sa buhay niya. Kumikirot pa rin ang sakit kahit matagal na ang nakaraan. Ngayon lang niya sinabi ang tungkol dito sa ibang tao.
Kahit sila Marky ay hindi ito alam—ang alam lang ni Marky ay iniwan na si Ces ng mga magulang nito at sumakabilang buhay na pero not like this. Not like this kind of truth kung saan sinabi niya ang totoo talagang nangyari. Unbiased version. Unedited version. Uncut version.
Nagsimula nang mag init ang mga mata ni Ces hanggang sa nararamdaman na lang niya na tumutulo na ang kanyang mga luha. “At nagsuicide si mama dahil doon.”
Nanlalaki ang mga matang tumingin si Lyric kay Ces. Napanganga ito ng kaunti nang mapansing lumuluha na ang dalaga.
“S-Sorry,” hindi na mapakali si Lyric at napaupo na ito. “Tubig? Pagkain? Ano kailangan mo? P-Pase—”
Anong kailangan ko?
“Kausap.”
Natigil si Lyric sa pagpapanic at napatitig kay Ces na nakangiti sa kanya. Pilit na pinupunas ng dalaga ang kamay sa kanyang pisngi upang mawala ang pagtulo ng luha nito ngunit hindi kinakaya. Nagkakasipon na rin si Ces kaya naman naupo na rin ito.
“Kailangan ko ng kausap, kaibigan. . . ng taong makikinig, magtatanong,” patuloy ng dalaga.
Lyric’s body relaxed as he smiled at Ces. Now he get it. Ngayon alam na niya kung ano at saan ba ang pinaghuhugutan ni Ces ng problema.
“S-Si Lyle ba. . .”
Nagpintig ang tainga ni Ces sa pangalan na narinig ngunit hindi na siya nakaramdam ng panghihinayang o kahit na anong pagkagusto para makabalik sa binata. Ang dating pagmamahal kasi niya sa prinsipe-kuno na iyon ay napalitan ng inis at galit.
“. . . minahal mo talaga?”
Huminahon na si Ces mula sa mga luhang tumutulo sa kanyang pisngi. Napansin naman niyang napatingin sa kanila si Ash, nakikinig sa bawat salitang binibitawan nilang dalawa.
“Sobra,” wala pang ilang segundong sagot ni Ces.
Napakunot ng noo si Lyric sa narinig, “sobra?”
“Mas minahal ko siya kaysa sa buhay ko,” diretsong pahayag ni Ces.
Nagkatinginan sila Ces at Lyric nang umihip ang hangin para tanangayin ng kaunti ang kanilang mga buhok. May mga tanong sa mata ni Lyric. Mga tinatagong tanong na matagal na nitong gustong malaman ang sagot. Ganoon din naman ang kay Ces. . . ngunit iba ang mga titig ni Lyric.
“B-Bakit?” pagtataka ni Lyric.
Napangiti si Ces. Gusto man niyang kalimutan ang mga nangyari ay hindi niya magawa dahil nasa harapan niya mismo ang kamatayan na kumuha ng kanyang kaluluwa. Na nagpapaalala na ang lahat ng nangyari nung nakaraan ay totoo. Ang lahat ng sakit, ang lahat ng sakripisyo, ang lahat ng lokohan, lahat ng pekeng katotohanan ay totoo.
“Kasi tanga ako.” Napakagat ng labi si Ces at pumikit. Pinakiramdaman niya muli ang kanyang pilat sa may dibdib upang ipaalala sa sarili na minsan na siyang naging tanga. . . oo, tanga pa rin siya pero natututo naman siya. Sana. “Sobra.”
Nanlaki ang mga mata ni Ces nang bigla siyang hawakan ni Lyric sa braso, hinatak at niyakap nang mahigpit. Nabigla siya sa biglaang pagkayap sa kanya ng binata. Isang mahigpit na yakap. Longing. Sincerity. Friendship?
Naramdaman ni Ces ang mabilis na tibok ng puso ng binata na sumasabay sa mabilis na tibok ng kanyang puso. Halos hindi na siya makahinga na para bang kinukuha ni Lyric ang lakas niya sa yakap na iyon.
“H-Hindi ko alam kung saan 'to mapupunta pero Ce—”
“Keng. . .”
Kaagad napakalas si Lyric sa pagkakayakap kay Ces nang biglang magsalita si Pitch. Napatingin sila Lyric at Ces sa binata ngunit gumalaw lang ito, nagpalit ng pwesto pero tulog pa rin.
Nang ibalik ni Lyric ang tingin kay Ces ay kaagad nag iwas ang binata ng tingin.
“T-Tulog na ako.”
Tumalikod si Lyric sa dalaga nang humiga ito. Napatitig naman sa kawalan ang dalaga nang lumutang papalapit si Ash sa harapan niya. Nagkatinginan ang dalawa, ilang minuto lang silang ganoon hanggang sa ngumiti muli si Ash.
Napahawak si Ces sa kanyang bulsa nang tumunog ang kanyang cellphone. Pagtingin niya sa screen, lumakas ang kabog ng kanyang dibdib sa nakita.
Mystery Texter
Goodnight, Ces. :)
Napatingin muli si Ces kay Ash na ngayon ay may pagtataka sa mukha.
“Bakit? Sinong nagtext?”
Umiling lang si Ces at tumingin sa parte ni Lyric. Nakapatong sa half body ni Lyric ang malaking unan. Natatakpan ang ulo nito, ang kamay at ang halos kalahating parte ng katawan ng binata. Mukhang mahimbing na ang pagtulog.
Nagulantang naman siya nang tumunog muli ang kanyang cellphone at isang text na naman ito galing kay Mystery Texter. Napalunok si Ces sa nabasa at napatingin kay Ash na nakataas ang kilay. Sinilip ni Ash ang cellphone ni Ces at binasa ang nakasulat doon.
“Gusto mo ba akong. . . makilala? Tawag. . . ka?” Nagkatinginan muli sila Ash at Ces. “Sino 'yan?” tanong ng kamatayan sa dalaga.
Umiling si Ces at napakagat ng labi. Kinakabahan siya. Para bang sinusuntok ang kanyang dibdib sa bawat segundong lumilipas. With shaking hands, she called him but then, may narinig siyang boses.
Boses ng babae. Isang napaka pamilyar na boses.
Sorry. The number you dialed can not be reached. Please try again later.
“Seryoso ba 'to?”
Napapikit siya out of frustration. Niloloko ba siya ni Mystery Texter? Ginagago ba siya ng “secret admirer” na ito? Ano ba. . .at bakit ba parang affected siya sa nagtetext sa kanya o sa taong sinasabing admirer niya?
Kung totoong may gusto sa kanya ang taong 'yon, hindi na dapat ito nagtatago sa anino ng cellphone o ng isang pink na papel. Kung gusto nito si Ces, dapat ay gumawa ito ng paraan. Para saan pa ang mga lokohang ito kung by the end of the day, hindi rin naman sila magkakakilala.
Pero bakit nga ba interesado ang dalaga para malaman kung sino ang nasa likuran ng bawat letrang nababasa niya?
Will that make a change? Mababawi ba nito ang pakikipagdeal ni Ces kay Boss? Will everything be alright kung magkakilala man sila? Kung magkita sila. . . o kung malaman lang niya kung sino nga ba ang lalaking ito, ano na ang sunod? Ano na ang mangyayari?
Maraming tanong si Ces ngunit nanaig ang isang tanong na bumabagabag sa kanya. Muli ay tinext niya ang lalaking iyon.
Sino ka ba talaga?
Wala pang ilang segundo, nakatanggap kaagad siya ng reply.
:)
~ ~ ~
Author's Note:
Salamat sa pagbabasa at sa mga comments!
For the mean time, I'll be semi-inactive for a while. Medyo busy na kasi talaga ako. Projects sa school ang dapat kong atupagin at medyo nawawala ako sa focus kapag nasa wattpad ako. Iniisip ko kasi lagi ang next update at hindi dapat maging ganun!
So I can't update regularly. Huwag niyo ako pilitin please dahil kapag bumagsak ako, siguradong magagalit sa akin ang mga magulang ko tapos madedepress ako tapos hindi ko na matatapos 'tong story! Nako, ayaw natin mangyari 'yun, di ba? So wait lang tayo :>
This chapter is dedicated to Yace o kay LucidDreamer_ na nag iemail sa akin tapos nagmemessage sa akin, yieeeee. Gusto ako kausap kahit ang boring kong tao ahihih kilig. Natuwa rin ako sa observation niya sa story, mehehehe. Hi Yace, sobrang thank you sa pagtatyaga sa pakikipag-usap sa akin at sa pagbabasa nitong TTLS. Thank you beri mats!
Like niyo fb page ni plsptsya! www.facebook.com/plsptsya (or click external link)
Twitter: @ulaaaann (apat na "a", dalawang "n") HASHTAG. #TTLS
Songs used in this chapter: A Thousand Miles by Vanessa Carlton and Iris by Goo Goo Dolls (multimedia part)
Picture at the side: Status ng #TTLS as of November 17, 2013. 1:56am (before posting this chapter)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top