36 // Help a Hand

"Love is not patronizing and charity isn't about pity, it is about love. Charity and love are the same -- with charity you give love, so don't just give money but reach out your hand instead."
— Mother Teresa

~ ~ ~

Nanginig ang buong katawan ni Ces. . .hindi sa takot, hindi rin sa ginaw. Hindi niya sigurado kung bakit nanginginig ang mga ito. . .,parang may nararamdaman siyang init. Parang pakiramdam niya, hindi niya ito dapat makita.

O ayaw niyang makita ito.

Kumalas sa yakapan ang dalawang nasa harap ni Ces at nagkabatian pang muli bago ibinaling ang pansin kay Ces.

“Oo nga pala, Ces. . .si Love nga pala, Love, si Ces,” pagpapakilala ni Lyric sa dalawang babae.

Nagulat naman si Ces nang biglang lumapit sa kanya ang dalaga at niyakap siya. Isang mahigpit na yakap. Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin kay Lyric, tumango lang ang binata sa kanya.

“Hindi ako makapaniwalang nakikita na kita ngayon sa personal!” kumalas sa pagkakayakap ang babae kay Ces. Kumabog ang didbib ni Ces dahil kitang kita niya ang masayang mukha ng babaeng kaharapan niya.

Love. . . marahil ang babaeng. . . para kay Lyric.

Pero teka, bakit parang kilala siya ng babaeng ito?

Nagkatinginan muli sila Lyric at Ces habang nakangiti lang si Lyric sa kanya. Nagtataka si Ces. Akala ba niya ay matagal nang hindi nakikita ni Lyric ang babaeng inspirasyon nito? O baka sila Melo ang nagkwento sa babaeng ito tungkol sa existence niya sa MyuSick? O baka naman nakikita lang nito ang mukha niya kasama ang MyuSick sa mga posters, pictures na nagkalat sa internet.

Hindi na nakakapagtaka lalo na't mukhang girlfriend siya ng kapwa vocalist. Marahil ay alam ng babaeng nasa harapan niya ang lahat ng tungkol sa ‘love’ nito.

“Ang ganda mo, Ces!” muling niyakap ng babae si Ces habang ngiting ngiti.

“S-Salamat uh . . .” napatingin sa gilid si Ces upang alamin ang pangalan ng babaeng nasa harapan niya kay Lyric ngunit nagtataka rin si Lyric sa tingin ng dalaga. Napataas ng kilay si Lyric. “Sorry, 'yung pangalan mo sana. . .”

Nagkatinginan ang tatlo sa sinabi ni Ces hanggang sa. . . tumawa ang babae sa harapan niya.

“OMG!” natatawang sabi ng babae. “Love! Love itawag mo sa akin, Lovely-lyn ang totoong pangalan ko!”

Nag init ang pisngi ni Ces sa narinig. Napatingin siya kay Lyric na para bang nagtataka rin sa mga nangyayari. Nagulat si Ces nang hawakan siya ni Love sa magkabilang braso.

“Kaya pala nakaramdam ako ng something nung pinakilala ako ni Lyric sa'yo,” natatawa nitong sabi. “Akala mo siguro, magjowa kami no?”

“Love?!” halos pasigaw na pagbabanta ni Lyric kay Love.

Natawa lang si Love at dumila pa kay Lyric bago ituon muli ang paningin kay Ces. “Don't worry, president lang ako ng fanbase ng MyuSick! Sa'yong sa'yo lang si Lyric!”

Nanigas si Ces sa kinatatayuan niya nang biglang sunggaban ni Lyric si Love.  “Love!” Tinakpan ni Lyric ang bibig ng babae habang may pilit itong sinasabi na hindi maintindihan ni Ces. Ang naririnig lang niya ay more on “dati” sabay tawa at may kaunti pa siyang narinig na “ikaw”.

Mula sa kaba na naramdaman, hindi nalamayan ni Ces na unti-unti siyang ngumingiti habang tinitingnan ang harutan ng dalawang nasa harapan niya. An idol and a fan girl na kung magharutan ay parang magkapatid. Parang harutan ng buong MyuSick.

Nagkulitan lang ang tatlo habang hinahatid pauwi si Lovely ng dalawang bokalista. Ang totoo, si Love lang talaga ang nangungulit. . .tahimik lang si Lyric dahil ang lakas mang alaska ni Love. Pinagtuunan lang ng pansin ni Love si Ces na nakangiti dahil sobrang friendly ng ‘president’ ng MyuSick fanbase.

“Noong una talaga, hindi nila ako pinapansin! Mga snob eh!” natatawa si Love habang inaalala ang nakaraan. “Siguro mga one year nila akong siniseenzone.”

“Mga one year ba 'yon?” pagtatanong ni Lyric.

“Oo kaya! Bastos kayo, halos ibigay ko na ang lahat sa inyo pero. . .” suminghot singhot si Lovely habang nagpupunas ng pisngi. Kunwari may luha.

Natawa naman si Lyric pati si Ces sa inaakto ni Love.

“Pero alam mo ba, Ces? Nung nag concert sila for a charity?” ngiting ngiti si Lovely. Tinuon naman ni Ces ang atensyon niya kay Lovely. “Halos mamatay ako para lang mapansin nila ako!”

“Mamatay?” pagtataka ni Ces.

Natawa naman si Lyric. “Oo, naalala ko 'yun! Kasi nung paalis na kami, nasa kotse na. Bigla ba namang humarang sa kalsada. Nakailang mura si Melo nun!”

Mula kay Lyric, tumingin muli si Ces kay Love na natatawa rin. “Seryoso?”

Ngumiti ng malawak si Love at ipinatong ang kamay sa braso ni Ces bago tumigil sa paglalakad. “Alam mo Ces, kung gusto mo talaga mapansin ng taong gusto ka pansinin, gagawa ka ng paraan. Buwis buhay!” natatawa nitong sabi. Tumingin si Love sa likuran niya na entrance ng mataas na building. “Dito na lang ako, salamat sa paghatid.”

Ngumisi si Lyric, “hindi mo ba hahanapin si Melo?” pang aasar nito.

“Heychu! Alis na ako!” ngumuso si Love kay Lyric at tumingin kay Ces sabay yakap dito. “Masaya akong nakilala kita sa personal!”

It was refreshing to see how Lyric and Love become friends kahit na idol-fan relationship lang ang mayroon sa kanila noon. Walang barrier, walang harang. Pantay lang sila at walang humigit sa relasyong idol-fan.

And for some odd reasons, nakahinga ng maluwag si Ces.

Nagpaalam na sila sa isa't isa habang napupuno naman ng tanong si Ces sa kanyang isip. . . lalo na tungkol kay Melo.

“Anong meron kay Melo?” tanong ng dalaga habang nasa taxi na sila, pauwi sa kanilang bahay.

Natawa ng kaunti si Lyric, “hindi ko rin alam pero. . .” ngumisi si Lyric na nakatingin kay Ces. Napakunot naman ang noo ni Ces ngunit napapangiti rin dahil sa itsura ng katabi. “Mukhang may something.”

“Something?”

Tumango si Lyric hanggang sa magkwentuhan sila sa mga bagay bagay. More on pinagkwentuhan nila sin Melo at Love na parang naging awkward si Melo at Love nung isang gig nila at may mga tinginan na kakaiba. Na kung minsan itatanong ni Melo sa banda kung dumating na ba si Love sa Pilipinas dahil apparently, nag aaral pala si Love ng Music Conservatory sa England.

Ah love, very cute in its own simple ways.

Pagkapasok nila sa bahay, biglang bumukas ang ilaw. Akala nga nila ay automatic na nagbukas ang ilaw kung hindi lang nila nakita si Manager Lily na nakatingin sa kanila nang nanlilisik ang mga mata. Mas nakakatakot sa pamumula ng mata minsan ni Ash. Nandoon din sila Melo at Note na ngiting ngiti na nakatingn sa dalawa habang si Pitch ay nakahandusay sa isang sofa, knock out na.

“AT SAAN KAYO NANGGALING?!” pagsigaw ni Manager Lily na halos ikabingi ng dalawang bokalista. Kaagad natawa sila Melo at Note. “Alam niyo bang kayo ang vocalist ng banda? Alam niyo bang hindi good idea na si Melo ang kumanta?!”

“Manager?!” nakanganga si Melo. Pinagtawanan naman siya ni Note, halos gumulong gulong na ang bass guitarist sa sobrang pagtawa dahil kay Melo. “Pakyu ka Note,” matalas ang tingin ni Melo kay Note. Hindi naman nagpaawat si Note, tawa pa rin siya nang tawa kaya nagising si Pitch.

"Ingay," Pitch mumbled at ibinato ang unan na malapit sa hinihigaan nito kay Note bago matulog ulit.

“Aw!” halos muntikan nang mahulog si Note sa sofa na kinauupuan.

Ngumisi si Melo, “buti nga sa'yo!”

“Care to explain?” taas kilay na tanong ni Manager Lily.

Nagkatinginan sila Lyric at Ces. Walang nagsasalita. Kita sa mga mata nila ang takot sa ‘wrath’ ng manager. Sabay silang nagbuntong hininga at sabay na nagsorry.

Naalala nila, meron nga pala silang gig. Fail.

“Next time, don't do this again. Ayaw din macontact mga cellphone niyo!” padabog na paglalakad ni Lily paakyat. “Kung hindi niyo gagamitin yang cellphone niyo, itapon niyo na!” malakas na sinara ni Manager Lily ang pintuan ng kwarto nito.

“Anong ginawa niyo?” pagtatanong ni Note kanila Lyric at Ces.

SI Melo naman ang nagsalita, “nagdate kayo no?” natatawa nitong tanong.

Nag init ang mukha ni Ces sa narinig. Kahit si Lyric ay mukhang nahiya kaya pinagbabatukan nito ang mga kabanda.

Walang nagsalita kanila Lyric at Ces hanggang sa makarating na sila sa mga kwarto nila

"Ang damot! Porke't close na kayo ayaw na magshare!" rinig na sigaw ni Note sa kanila. Natatawa na lamang si Ces at nagsorry si Lyric sa kanya sa kalokohan ng dalawang kabanda saka nagpaalam sa isa't isa para pumasok sa kanya-kanyang kwarto.

Pagtingin ng dalaga sa kanyang kamay, napangiti siya nang makita ang Crunch na binigay sa kanya ni Lyric. Gusto man niya kainin ito ngunit nanghihinayang siya. What if  wala nang chocolate pagkatapos nito? Teka, may pera naman siya. . .binibigyan naman siya ng allowance ni Manager Lily kaya bakit siya natatakot na walang chocolate sa susunod?

Napabuntong hininga si Ces at inilagay ang chocolate sa mini fridge ng kanyang kwarto at humiga. Napatingin naman siya sa kanyang cellphone nang tumunog ito.

Kahit na tamad na tamad, kinuha niya ang kanyang cellphone at napakunot ang noo sa nabasang mensahe.

From: +63922111213

Goodnight, Ces. :)

Napaupo siya ng tuwid at tumitig sa kanyang cellphone.

Sino 'to?

* * *

Araw-araw, sa bawat pagmulat tuwing umaga at pag pikit tuwing gabi ni Ces, she’ll receive a text message from that mystery texter. Sa tuwing itetext niya naman ito, hindi nagrereply. Kapag tumatawag naman siya, can’t be reach.

Napabuntong hininga siya nang magtext na naman si mystery texter sa kanya.

Good morning, Ces. :)

“Good Morning din,” pagbati ni Ces sa screen ng kanyang cellphone. Not bothering to reply dahil nga hindi naman din ito magrereply.

Napatingin siya sa maaliwas na kwarto niya. Maliwanag. Puno ng pag-asa.

It’s been what? Almost another month passed since the night she got acquainted with Love, the president of MyuSick fanbase.

Nalaman din niya na si Love pala ang nag hahandle ng facebook page ng MyuSick. Ito rin ang pinaka naghahandle ng website ng MyuSick kasama ang ilang website developer. Love is like the assistant manager of the band. She’s the one who keeps on updating the fans of what MyuSick is about to do, when they will be seen and such.

Sab nila, mabilis ang araw kapag masaya. And for Ces, ang bilis ng mga pangyayari. Everyday, hindi mawawala ang lokohan nila Note at Melo na laging sinasama si Ces. Every morning, laging tulog sa table si Pitch kahit na ang iingay nila dahil sa breakfast. Every week, they would practice a new song para sa bagong album na ilalabas nila next year with Ces in it. Every night, hindi nawawala ang kaunting kwentuhan nila. . . kahit si Pitch na tahimik ay nakikisali rin paminsan minsan.

It was a blast. . .'yung ilang months na kasama niya ang MyuSick, ito ang hindi niya pinagsisisihan.

Kahit sobrang busy, sobrang daming pinupuntahan, mga gigs, photoshoots, hindi sila nauubusan ng mga gagawin at kahit galit sa kanila madalas si Manager Lily, hindi maikakaila na Ces is having fun. Alam niya na bawat isang tao na kasama niya sa banda ay may mga malalalim na pinaghuhugutan ng sakit. Alam niya na ang lahat ay may pinagdadaanan but seeing them smiling, laughing at each other’s jokes. . . worth it ang sakit na 'yun.

Everytime na may lalapit sa kaniya o sa kanila na nagtatatalon sa tuwa, mga taong halos maiyak na at gumulong sa sahig sa tuwing nakikita sila ay isa sa mga dahilan kung bakit minamahal ni Ces ang musika bawat minutong lumilipas.

Sa bawat ngiting nakukuha niya sa mga tao, naiinspire siya lalo.

Ces could remember the last time she thought that everyday was a nightmare . . . na bawat pagkakataon na gigising siya, iiyak siya at itatanong kung bakit buhay pa rin siya. Naaalala niya ang bawat paghinga niya ng malalim dahil sa bigat na dinaranas niya noon. Everytime na titingin siya sa salamin, napapatingin siya sa pilat ng kanyang nakaraan na nasa tapat ng kanyang puso. Nakatago rito ang lahat ng sakit niya. .

Hindi niya sigurado kung nagsisisi ba siya sa pakikipag usap kay Boss o nagsisisi siya sa nangyari sa kanya noon. What if that didn’t happen? Will this happiness happen? Will MyuSick happen? Ang daming tanong. . .pero wala na rin siyang makukuhang sagot.

All she has to do is to make every single day in her life worth it.

Which is not that hard lalo na't MyuSick ang kasama niya araw-araw.

* * *

When Pitch, Melo and Note started playing their instruments, people got wild. Shouting every band member’s name lalo na ang mga babae, puro marry me at tatay ang banda ng mga anak nila.

“This song is for the people from the sky. . . Let's pray for them.”

But when Lyric started to sing. . .

♪ ♫ People from the sky
Ease me from the coldest night
Wake me in the morning light
Heal the warrior's wounded eyes
A kiss can bring me back to life

“WE LOVE YOU MYUSICK!”

Sobra pa sa sobra ang appreciation ng mga tao sa MyuSick. Hindi nila inaakala na ang maliit na charity event na ginawa nila ay magiging success.

♪ ♫ The sky shed tears for the broken
There is heart in every dungeon
Father told me there are dragons
All the stories that never happened

They’ve done a lot of events like this but this one is special. Siguro dahil nandito na rin si Ces pero dahil ito ang unang pagkakataon na gumawa sila ng event para sa mga nasalanta ng bagyo na kakaalis lang sa Pilipinas. It was devastating to watch in television about the news in other part of the Philippines. Hindi mapakali ang banda. . .

So they made this event. To help. . .kahit hindi man ganoon kalaki ang maitutulong nila, atleast, they know they somewhat helped.

♪ ♫ So I take flight
From your eyes
So bid your goodbyes
Cause I'll be with the people from the sky

People from the sky. Ash. . . Napaisip si Ces, nasaan na kaya si Ash? Nandoon kaya ang kamatayan sa mga nasalanta? Nandoon kaya ang mga Death Angels para kunin ang mga kaluluwa ng mga taong iniwan na ang kanilang mga pamilya? Thinking that Ash gets the soul of the people who die, nanlulumo ang pakiramdam ni Ces.

Kasa-kasama niya paminsan-minsan ang kamatayan. . . na kumukuha ng mga kaluluwang namatay.

♪ ♫ See me off if I die
All I want is see you smile
Feel the scars in my arms
Take the sword out my heart!

It’s weird. . . very weird. Not knowing if she should be thankful or what. Wala naman siyang magagawa. . .Ash is made to be Death. Pero minsan napapaisip si Ces, may nararamdaman kayang awa si Ash sa tuwing kukuha siya ng kaluluwa? Ano ang naiisip niya sa tuwing may umiiyak na tao kapag kinukuha na niya ang kaluluwa ng ibang tao?

Mahirap kaya maging kamatayan?

♪ ♫ And I take flight
From your eyes
Bid your goodbyes
Cause I'll be with the people from the sky

She breathed heavily and sang her heart out. Ito ang kauna-unahang beses na makakatulong ang boses niya para sa ibang tao. She’s thankful na nakasama siya sa MyuSick lalo na't binibigyan siya ng pagkakataon ng banda upang makatulong sa ibang tao.

♪ ♫ Anywhere you go I will be there
Even if you can't feel me

Singing in this event made her realize na kahit gaano pa kaliit, kung gusto makatulong, pwede. Ito ang goal nila. Help each other. Wala nang sisihan sa mga nangyari at magtulong tulong na lang upang makabangon ulit.

That was Manager Lily said. Tulungan. Huwag magsisihan. Makakabangon tayo.

♪ ♫ Open your eyes look up and say hi
I'll be with the people from the sky

When the event ended, ang dami pa ring naghihiyawan. May ilan na bumili ng merchandise at ang ilan ay nag donate na lang ng mga pagkain para ipadala sa nasalanta. Seeing everybody giving a little help to people they don't know made Ces smile. . .ang ginhawa sa pakiramdam, nakakaproud na ang kapwa Pinoy niya, tumutulong na bukal sa loob.

Filipino spirits. Nothing can ruin it.

“Ces!” Pagtawag ni Melo.

Kakatapos lang ng gig nila at nasa backstage na sila habang nag aayos ang ilang banda, ibang crews ng mga instruments.

Ngiting ngiti sila Melo at Note na lumapit sa dalaga.

“Kunin mo 'to!” Idinikit ni Melo ang dalawang gilid ng palad sa isa't isa na para bang may hawak itong bola. Napatingin si Ces dito, wala naman siyang nakikitang hawak ni Melo kaya tiningnan niya si Melo nang nagtataka.

Tumingin din sila Pitch at Lyric sa pinag uusapan nila habang si Manager Lily ay may kausap sa phone.

“Saan d'yan?” gusto sana makisakay ni Ces ngunit hindi talaga niya nagegets.

“Ito! Kunin mo!” natatawa si Note sa pagpipilit ni Ces kay Melo. “Pagdikitin mo rin gilid ng palad mo!” pag uutos ni Melo.

Kahit hindi alam ni Ces kung saan patungo ang usapan nila, sumunod si Ces. Pinagdikit niya ang dalawang gilid ng palad niya.

“Ito ang mundo ng tropahan natin. Hawakan mo,” umakto si Melo na may nilagay sa dalawang kamay ni Ces. Ngiting ngiti naman si Melo habang si Ces ay napatingin sa kanyang palad. . .hawak na niya tropahan nila? “Ngayon, alugin mo.”

“Alugin?” pagtataka ng dalaga.

Kita rin kanila Lyric at Pitch ang pagtataka dahil hindi rin nila nagegets ang pinag sasasabi ni Melo. Tumango si Melo at kahit nagtataka, inalog ni Ces ang ‘mundo ng tropahan’ nila na ‘hawak’ niya nang. . .

“WOAH! Lumilindol!” Biglang sigaw ni Melo sabay ginalaw nito ang buong katawan na para bang inaalog siya. Ganoon din si Note, ginagalaw din ang katawan habang sila Ces naman ay nakatingin sa dalawang gitarista. Nagtataka.

Diretso lang ang mukha nila Lyric at Pitch habang tawa nang tawa sila Note at Melo. Hindi naman nagets ni Ces ang nangyayari.

“Hindi ko alam kung saan ako nagkamali at napili ko kayong gitarista ng banda,” napahawak ng noo si Manager Lily nang mapatigil siya sa tabi nila Melo at naglakad muli.

Napanganga sila Melo at Note, looking heart broken in the process nang matawa si Ces sa reaksyon ng dalawang gitarista. Basag na basag ang joke nila. Kawawa naman.

Melo and Note are the cutest. . . very far from the two guitarist of the band na “composed” and very “manly”. Isama mo pa ang “astig”. . . very far from that. Mabuti pa sila Pitch at Lyric, medyo consistent sa character.

Napapangiti na lang si Ces. . . habang napapatingin siya sa mga kabanda niya. Pitch texting. . . Lyric helping with fixing the instruments, Note and Melo consoling each other dahil pinagtulungan sila ng lahat. . . they were perfectly united with their imperfections. Ang saya lang.

Nang pauwi na sila, may iba silang dinaanan. Medyo tagong lugar dahil nagsara raw ang main road sa hindi malamang kadahilanan. Habang nagdadrive si Melo, knocked out kaagad si Pitch, well, lagi naman, pati si Note na nakasandal kay Ces. Si Lyric naman ay nakahiga at nakatitig sa taas, mukhang may iiisip.

“Ang ganda talaga ng mga graffiti rito,” biglang pagsasalita ni Melo.

Napatingin si Ces sa labas ng bintana at nakita niya ang iba't ibang painting sa pader. . .isang helera ng mga nag gagandahang paintings. She knows graffiti art pero hindi pa siya nakakakita ng isang pader na may mga street art. . .ngayon lang.

“Pero pinagbabawalan 'yan,” napatingin si Ces kay Manager Lily nang bumuntong hininga ito. “I’ve always love street arts. Napaka free ng mga art nila, may hangarin. May vinovoice-out. Hindi lang basta basta, laging may purpose.”

Tumango si Melo, “sana nga pabayaan na nila mga graffiti artists, public walls naman ang pinipintahan nila. Hindi rin naman sila nakakasira sa kalsada. Mas gusto kong magdrive na may nakikitang magagandang art kesa magdrive na sobrang dull ng mga pader.”

“Sad reality, hindi lahat ng tao nakakaappreciate ng art. Para sa kanila, art is useless. Kahit anong klaseng art, inaayawan nila but the truth is, everything we see is made because of art or because of the love of art.”

Nakikinig lang si Ces sa usapan nila Melo at Manager Lily. Naaamaze kasi siya sa usapan ng dalawa dahil ngayon lang niya narinig na mag usap ang dalawang ito na seryoso.

Nang malapit na sila sa kanilang subdivision, biglang umulan. Nagmamadali na si Melo para makapagparada na dahil madaling araw na. Mag aalasingco na rin kasi ng umaga. They need to rest.

May nakita naman si Ces na batang babae na may hawak na mga bulaklak, kumakatok sa bawat kotse para magbenta. Basang basa na ang bata pero ang mga bulaklak ay nakabalot sa plastic, keeping it safe and dry.

“Bababa ako,” napalingon sila Ces at Manager Lily nang magsalita si Lyric sa likod. “Melo, pakitigil. Bababa ako, mauna na kayo.”

“Teka, Lyric—”

Hindi pa nakakahinto talaga si Melo ay kaagad na lumabas si Lyric ng kotse kahit umuulan. Tiningnan nila si Lyric na naglakad sa ilalim ng ulan. Hihinto na sana si Melo nang nag ingay ang kotse sa likuran nila.

“Ah, shit. Walang parking, aalis na ba tayo?”

Tiningnan ni Manager si Lyric na nasa labas, “hayaan mo na siya. Malaki na 'yan, makakauwi siya mag isa.”

Napabuntong hininga si Melo and continued to drive habang si Ces, sinusundan ng tingin si Lyric. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang hawak ni Lyric ang kamay ng batang babae na nagbebenta ng bulaklak at tumakbo para makasilong dahil lumakas lalo ang ulan. Susundan pa sana niya ito ng tingin nang lumiko na ang kotse at nawala na sa paningin ni Ces sila Lyric at ang bata.

Nagkanya-kanya silang balik sa kwarto, walang pansinan dahil pagod ang lahat. Wala na ngang sinanto si Melo dahil kaagad na siyang humiga sa sofa at wala pang ilang minuto ay humilik na ito.

Pagdating ni Ces sa kanyang kwarto, nagulat siya nang makita niya si Ash na nakahiga sa kanyang kama. Hindi ito natutulog, nakatingin lang ito sa kisame.

“Nagbalik ka ulit. . .” nakangiting sabi ni Ces.

Tumingin si Ash kay Ces at tumayo sabay ngiti, “syempr—”

TITIK TITIK!

Bumuntong hininga si Ash habang kinukuha ang D-Get. Tiningnan niya muna ito at napangiwi. “Paano ba 'yan, busy ulit.”

Tumango lang si Ces at umalis na naman si Ash.

Well, kailangan na niyang masanay. Hindi lang siya ang kaluluwang binabantayan ng kamatayan.

Inayos na muna ni Ces ang sarili para makatulog na. Nakakarinig na siya ng mga tumitilaok na mga manok dahil mag aalasais na ng umaga nang may marinig siyang parang kaluskos sa may pintuan ng kanyang kwarto.

Pagbukas niya ng pintuan, natigilan siya sa nakita niya. Napahinto rin ang isang Lyric na basang basa sa kanyang ginagawa. Kaagad na tumayo ng maayos ang binata na nanlalaki ang mga mata.

“Ah eh. . .” napatingin si Ces sa hawak ni Lyric. Sa kanang kamay ay ilang dosenang red roses at sa kaliwa ay isang rose na hawak—na mukhang balak nito iwan sa labas ng kwarto ni Ces. “Ano. . .”

“Binili mo lahat sa bata 'yung bulaklak?” mabilis na tanong ni Ces.

Napanganga ng kaunti si Lyric sa narinig, para bang hindi makapaniwala sa sinabi ng dalaga. Napangiwi siya. “Oo eh.”

Napangiti si Ces. . .hindi niya alam pero naramdaman niyang sobrang sumaya siya. So 'yun pala ang dahilan kung bakit biglang bumaba ng kotse si Lyric. Para tulungan ang batang babae. . .para kahit papaano ay matulungan ito at makauwi na ang bata.

Kahit na mabasa, hindi ito ininda ni Lyric para tumulong.

“A-Ano, sige. . .aalis na ako, uhm, bye,” nagmamadaling tumalikod si Lyric at dumiretso sa kanyang kwarto. Sinara kaagad nito ang pintuan, naiwan si Ces sa tapat nito na nakangiti.

Ang bait bait ni Lyric. She thought.

Pagkasara niya ng pintuan ng kanyang kwarto. Nahiga na siya at papunta na sa dreamland nang may kumatok sa kanyang kwarto. Hindi na sana niya ito papansinin dahil sobrang pagod na rin siya pero hindi siya mapakali kaya kaagad siyang tumayo at binuksan ang pintuan

Akala niya ay makikita niya si Lyric ngunit wala ito. Nagtaka siya at nakaramadam ng pagkilabot sa buong katawan.

“Ash?” Paglingon lingon na tawag ni Ces. “Pinagtitripan mo ba ako?”

Huminga ng malalim si Ces. Hindi ako natatakot. Nakakasama ko ang kamatayan. Pagkukumbinsi sa sarili. Isasara na sana niya ang pintuan nang may maramdaman siyang naapakan niya.

Pagyuko niya, kaagad niyang kinuha ang rosas dito. Napatingin siya sa pintuan ni Lyric. . .alam niyang si Lyric ang nagbigay nito. Napangiti siya sa maliit na act ng kabanda pero lalo siyang napangiti nang may makita siyang isang piraso ng yellow paper na parang mabilisang pinunit at medyo basa-basa pa.

Mukhang kakasulat lang ito ni Lyric kani-kanina lang.

Hoping that this rose will paint a smile in your face.

Hindi na nawala ang ngiti sa kanyang labi habang hawak hawak ang rosas. Isinara na niya ang pintuan ng kanyang kwarto dahil alam niyang hindi naman siya lalabasin ni Lyric kung sakaling kumatok siya. Inipit niya ang rose sa kanyang libro, admiring its beauty.

Nagtext na lang siya kay Lyric, thanking him for the rose. Pagkatapos ng ilang minuto, tumunog ang kanyang cellphone kaya naman nagmadali siyang kunin ito expecting a reply from Lyric pero iba ang nagtext. Si mystery texter.

Isang text na nagpakabog sa kanyang dibdib.

Hinanap kita nung nawala ka sa school at masaya akong makitang nakangiti ka na ngayon. Nagulat ka ba? Namiss mo ba ako? Hindi mo ba inaakalang ako ito?

Ako ito. Secret admirer. Pink paper. Sa locker mo.

Seeing you smile gives me peace.
Thank you for smiling.

Napahinga nang malalim si Ces at naalala ang mga pink paper na ibinibigay sa kanya ni secret admirer. So hindi si Note ang nagbigay after all? Hindi si Manager Lily ang may pakana nang lahat? Sino ito? Sino ba itong secret admirer na ito? It’s been a month noong nagtext itong si mystery texter at bakit ngayon lang ito nagpakilala bilang si secret admirer?

Totoo bang may secret admirer siya?

Kaagad na tinawagan ni Ces si mystery texter slash secret admirer and was shocked nang mag ring ito. Hindi na babae ang sumasagot sa kanya para sabihing out of reach ang number, nag ring ito! NAG RIN—

Halos tumigil ang paghinga ni Ces nang marinig niyang tumigil ang pagring at tumahimik sa kabilang linya. Walang nagsasalita ngunit alam ni Ces na may tao sa kabila. Humihinga ito. . .malalim na paghinga.

“H-Hello?”

Ang bilis ng kabog ng dibdib ni Ces. Napapikit siya habang nakahiga, hinihintay ang pagsalita o pagbaba ng tao sa kabilang linya ngunit halos mapatalon siya sa kanyang kama nang marinig ang boses nito.

“Good Morning,” Isang boses ng lalaki, malalim na boses at husky voice. Inaanalyze niya ang boses, inaalam niya kung sino ito pero she failed. Her memory failed. Hindi niya mabosesan ito. . . kahit boses ni Patrick na nagpanggap bilang secret admirer niya ay malayo sa boses ng lalaking nasa kabilang linya. “Ces.”

Busy. She tried calling again pero can’t be reach na kaagad ang number.

Napatitig si Ces sa kisame ng kanyang kwarto. Ang daming gumugulo sa kanyang isip na hindi na niya alam kung ano ba ang dapat unang isipin.

“Sino ka ba talaga?”

~ ~ ~

Author's Note:
Medyo filler chapter. I know. Walang masyadong nangyari at sense dito, it's just that. . . kailangan ko lang ibuild up ang mga bagay bagay at gusto ko isali rito ang pagtulong ng MyuSick sa mga nasalanta. Huhuhuhu wala akong masyadong magawa. Pero baka magdonate kami or bumili ako ng shirt sa ABS-CBN, isasama raw nila 'yun sa donation. Pray din tayo, please. Anyway, salamat sa pagbabasa and say yes to Graffiti arts too!

The song in this chapter is entitled "People from the sky". An original compo of Firetree, an indieband. Magaling po sila! Let's support our own bands! Click external link para mapunta sa facebook account nila at pakinggan niyo ang song sa gilid, youtube video.

More from Firetree, soon! LIKE THEIR PAGE: https://www.facebook.com/firetree.ph yay!

This chapter is dedicated to Ann. Opo, sa'yo khyciemonique! Sorry mukhang ang laki ng utang ko kasi dapat matagal na kitang binigyan (akala ko nga nabigyan na kita eh ahuhu) kaya eto, babawi ako. Salamat sa pagbabasa ng TTLS tapos sobrang tuwang tuwa ako sa mga mahahaba mong comments, sobrang consistent! Tapos pag nababasa ko 'yung mga hula mo tungkol sa TTLS, natutuwa ako. Nakakatuwang pinag iisipan mo talaga ang story. Yieee, salamat! Happy 1 year din! (Nakita ko binati mo sarili mo sa fb mehehehe) salamat ulit!!!!!

PS: Baka sumobra sa 50 chapters itong TTLS. More than 50 pero SANA less than 60.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top