35 // Inside Feelings
"Falling in love should be the easiest thing in the world, but it's not."
— Rachel Hawthorne
~ ~ ~
Hindi mawala ang mga ngiting nakapinta sa labi ni Ces habang inaaalala ang nangyari kanina. She felt alive. . . She felt like a real person for the first time.
Para bang naramdaman niyang ang swerte niya at binigyan siya ng buhay.
And it was all thanks to Myusick. . .lalo na kay Lyric. Hindi niya inaakala na ang awkward guy from before ang tutulong sa kanya para isigaw ang sakit ng nakaraan. Ang lalaking tumulong sa kanya noong dapat ay mahuhulog na siya sa kadiliman ay siyang tumulong din sa kaya para mailabas ang sariling kadiliman sa puso.
It was so refreshing. . . nabunutan siya ng tinik sa kanyang puso. Nawala ang espadang tumutusok at nagpapahirap sa kanyang pagkatao. Kahit papaano ay nawala ang bara sa kanyang paghinga. Nawala ang sakit, nawala ang hinagpis, nawala ang nakaraan. . . she felt renewed. She felt like she's the new Ces not just physically but mentally and emotionally as well.
Ngayon na lang niya muli naisip na ang sarap pa lang tumawa. . ngumiti at maging masaya. Simula nang iwan siya ng kanyang nanay at ng tatay na nangibang lalaki, pakiramdam niya ay nag iisa lang siya. Walang kakampi, walang taingang nakikinig sa kanya at walang kahit sinong makakaintindi sa kanya.
Kailan nga ba ang huling pagkakataon na naramdaman niyang masaya siya? When she and Lyle were together? Did she really felt happiness before? Naging masaya ba talaga siya noong nararamdaman niya ang kilig kay Lyle? Masaya ba siya?
Alam niya na masaya siyang kasama niya si Marky. Pero alam din niya na minsan ay hindi ito sapat. . . She felt happy being with her friend but not like this kind of happiness kung saan masasabi niya na ligtas na siya mula sa nakaraan.
She felt free.
Kung hindi siguro sa MyuSick. . . malamang ay naka lagpas forty days na siyang wala sa mundo. Kung hindi siguro kay Lyric, malamang binabalot pa rin siya ng sariling kadiliman.
And she's happy that everything is falling into pieces.
Tumingin si Ces sa kanyang kaliwang kamay at pinakiramdaman ito. Nag init ang kanyang pisngi nang maramdaman niya ang naiwang presensya ng kamay ni Lyric na nakahawak sa kanya.
Hindi man sobrang lambot ng kamay ni Lyric hindi tulad ng kay Lyle, kahit basa pa ito ng pawis noong oras na iyon at may mga kalyo dahil sa pag gigitara, hindi maiwasang mapangiti ni Ces. Ang bilis ng pagtibok ng puso niya. She felt safe as Lyric held her hand . . para bang hindi siya sasaktan ng mga kamay na iyon. Kahit kailan.
Napangiting muli si Ces nang maalala niya ang tingin sa kanya ni Lyric. Ang mga tinging iyon na madalas tahimik na nagbibigay ng lakas sa kanya. Ang mga itim na mata na sa kanya lang nakatingin.
"Ngiting ngiti ah?"
Lumingon si Ces sa may pintuan ng kanyang kwarto. Lumapit sa kanya si Ash. Napangiti siya lalo nang iparallel ni Ash ang sarili sa kanya. Nakahiga kasi siya sa kanyang kama at ngayon ay magkatapat na sila ni Ash, lumulutang nga lang ang kamatayan.
Kahit papaano pala, hindi dinedefy ni Ash ang gravity dahil bumabagsak din ang buhok ng kamatayan.
"Masaya lang. . ." kinuyom ni Ces ang kamay. . . nakakaramdam siya ng "tingling sensation" dito. Namamanhid na hindi. . tipong kailangan pa galaw-galawin para lang mawala ung kilig.
Dahil sa natatakpan ng buhok ni Ash ang mukha nito, itinaas nito ang buhok. Napatingin si Ces sa kanang tenga ni Ash. . . isang itim na cross na hikaw.
Pamilyar.
Papansinin na sana ni Ces ang hikaw ng kamatayan nang magsalita ito.
"Pansin ko nga." Lumayo si Ash sa dalaga at bumulong. . . "masaya akong masaya ka na."
"Nakakaramdam ka ng saya?" pagtataka ni Ces.
Napatingin si Ash kay Ces. Hindi ito makapaniwala na narinig pa ng dalaga ang sinabi. It was a whisper. Sobrang mahina. May lahing paniki ba si Ces?
"Uh. . hindi," iniwas ni Ash ang tingin kay Ces. "Masaya lang ako."
Mula sa pagkakahiga, umupo si Ces at tiningnan ng mataman si Ash na tumitingin sa paligid pwera sa kanya.
"Ash. . ." pagtawag ng dalaga sa kamatayan.
Hindi naman siya pinansin ni Ash. Marahil ay hindi narinig. Uulitin na sana niya ang pagtawag kay Ash nang. . .
"Ces?"
Napatingin si Ces sa pintuan ng kanyang kwarto nang may kumatok dito. Isang pamilyar na boses. . . kay Lyric. Agad siyang tumayo at binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto pero nagtaka siya nang nakatalikod si Lyric sa kanya, parang may kinakausap sa likuran.
“Lyric?”
Napalingon si Lyric kay Ces at para bang nagulat siya na makita ang dalaga sa harap. . . kahit siya naman ang kumatok sa kwarto ng dalaga.
“Ah, ano,” nagkamot ng batok si Lyric at yumuko, parang nahihiya. “Yung kanina kasi. . .”
Kaagad naalala ni Ces ang nangyari kanina—ang kanta, ang hawak, ang sigaw, ang takbo, ang tawa at ang saya. Tumingin muli si Lyric kay Ces.
“Pas—”
“Thank you,” mahinang sabi ni Ces sabay ngiti.
Napatitig sa kanya si Lyric, hindi makapaniwala sa narinig mula sa dalaga. Huminga ng malalim ang binata at ngumiti—ibinalik naman ni Ces ang ngiting iyon. For a moment, nakangiti lang silang dalawa sa harap ng isa't isa hanggang sa may narinig silang tumikhim.
Paglingon nila sa kaliwa, nakatingin sa kanila si Pitch na papasok na sa kwarto nito. Unti-unti, ngumiti si Pitch sa kanila at pumasok na sa loob ng sariling kwarto.
Awkwardly, nagkatinginan ulit sila Ces at Lyric saka tumawa.
“Ang awkward. . .” kumento ni Lyric.
Natatawa namang sumang ayon si Ces.
Huminga ng malalim si Lyric. Pumikit ito saka tumayo ng diretso.
“Hi,” idinilat ni Lyric ang mga mata niya na nakatingin kay Ces. Nagtaka si Ces sa ginawa ng binata. Inilahad ni Lyric ang kanyang kamay sa harap nilang dalawa. “Ako nga pala si Lyric,” nakangiti nitong pagpapakilala sa sarili. “Lyric Yue.” (Yu-we)
Yue. . .
Nakaramdam ng kaunting kirot sa ulo si Ces ngunit napangiti siya nang marealize niya kung ano ang gustong gawin ni Lyric. He wanted to make a new start. Magsimula ulit sa umpisa. Restart.
Ces shook Lyric’s hand habang nakangiti. Hindi niya alam kung bakit pero may something sa lalaking nasa harapan niya para mapangiti siya ng ganito—para mabigyan siya ng kakaibang saya. “Pauline Flores,” pagpapakilala ni Ces sa sarili. “Ces na lang.”
Magkahawak pa rin ng kamay ang dalawa habang nakangiti sa isa't isa.
“Masaya akong makilala kita,” natatawang sabi ni Lyric.
“Ako rin.”
“KORNI NAMAN!”
Inalis ng dalawa ang hawak sa kamay ng isa't isa at lumingon muli sa kaliwa. Ngiting ngiti na nakatingin sa kanila si Melo at Note, tumatawa tawa pa ang mga ito. Si Note ay may dalang gitara habang si Melo naman ay may hawak na twalya.
“Gabing gabi na oh,” pailing iling na sabi ni Note habang papasok na sila ng kanilang kwarto
Ngumuwi si Lyric sa dalawang kaibigan. Kahit kailan talaga, medyo epal ang dalawang iyon.
“Uh, ano. . .Ces,” mahinang sabi ng binata. Nakatingin lang sa si Ces kay Lyric, naghihintay ng sasabihin ng binata habang ang puso niya ay sobrang lakas ng kabog. Tumingin ng diretso si Lyric sa kanyang mga mata pero iniwas nito kaagad ang tingin. “Goodnight.”
Yumuko si Lyric at kaagad na pumasok sa kwarto na katapat nang kay Ces. Nakatayo naman si Ces na nakatingin sa pintuan ng kwarto ni Lyric. . . at unti-unti, nabubuo ang ngiti sa kanyang labi.
Paglingon niya sa loob ng kwarto niya para tawagin si Ash, napatigil siya.
Nawala si Ash.
* * *
This. Can’t. Be. Happening.
“Iniwan nila tayo?!”
Halos magkabungguan na sila Ces at Lyric nang malaman nilang iniwan sila nila Manager Lily, Melo, Note at Pitch kung kailan mayroon silang gig. Sobrang nagmadali ang dalawa, kung saan-saan nagpupunta para mag ayos nga gamit habang hawak ni Lyric ang phone malapit sa kanyang tenga, tinatawagan si Manager Lily.
Habang si Ash ay parang wala lang. . . palutang lutang lang.
Hindi sinasagot ni Manager Lily ang tawag. Asar na asar na si Lyric.
Paano makakalimutan ng Manager ang dalawang vocalist ng banda? PAANO?! Sinasadya ba ito ng banda? Na iwan sila? Para saan? Hindi niya magets! Bakit hindi sila ginising? It’s freaking 6pm at pagod silang lahat mula sa isang event kaninang umaga at kaunting pahinga para sa gig ngayong gabi and yet, walang gumising sa kanila!
“Ah shit, nasa kanila 'yung kotse!” asar na asar na si Lyric pagkalabas nila, realizing na wala 'yung kotse na lagi nilang gamit at wala naman sa kanila ang susi ng van.
“Chill dude,” natatawang sabi ni Ash. Nagkatinginan si Ces at Ash habang pailing iling ang dalaga. Kahit kailan talaga, ang adik nitong si Ash—buti na lang hindi naririnig ng iba ang mga kumento ng kamatayan.
“Paano tayo makakapunta n'yan!”
“Tara lipad!” pagsagot ni Ash kay Lyric. Lumipad pataas si Ash habang tinitingnan ang tanawin mula sa itaas. “Nandun sila oh!” pagtuturo ni Ash sa hindi naman malaman ni Ces kung saan. Umiling ulit si Ces.
“Hindi ba malapit lang sa school 'yung venue?” tanong ng dalaga.
Tumango si Lyric. Nagpapanic pa rin habang pilit na tinatawagan ang Manager. Matapos ang tatlong ring, biglang nacut 'yung tawag. . . “In-off?!” halos ibato na ni Lyric ang cellphone niya. Mabuti na lang at pinigilan siya ni Ces. Tinawagan pa ni Lyric ang iba pang kabanda pero wala ring sagot.
“Mag MRT na lang tayo?”
Nagkatinginan sila Lyric at Ces. . . “MRT?” para bang hindi makapaniwala si Lyric sa narinig.
“Huwag dun!” Lumapit si Ash kay Ces. Nakikita naman ni Ces sa peripheral vision niya ang paghindi ni Ash. Nanlalaki ang mga mata at sumesenyas pa gamit ang kamay para humindi. “Masikip dun eh!”
Tiningnan ni Ces si Ash at pinanlakihan ng mga mata. Nagtaka naman si Lyric sa inakto ni Ces kaya napangiti na lamang ang dalaga. Napabuntong hininga si Ces nang tumawa si Ash sa tabi.
Ang hirap magkaroon ng Ash sa tabi.
Ibinaling ni Ces ang tingin kay Lyric at nginitian ang binata. Hinatak niya ito pasakay ng tricycle, “tara! Namiss ko rin mag MRT.”
Wala nang nagawa si Lyric kung hindi sumang ayon kay Ces. . . it's been two weeks since they ‘met’ for the first time. Yung nag restart sila, back to basic. So far, sa two weeks na 'yun—hindi nabigo ang pagbuo ng isang ship para sa dalawa—friendship.
Hindi lang dahil sobrang ganda ng blending ng boses nila, marami ring pagkaparehas sila Lyric at Ces. Isang paborito ng dalawa? Chocolates. Mga sobrang adik sa chocolates. Hindi rin masama ang restart nila. . . siguro dahil naunahan ng hiya nung umpisa kaya nagkaroon ng rocky roads. . . siguro dahil na rin sa nangyari the past few months.
Pero ngayon? They’re friends. . . FINALLY. It’s about time.
And finally din, nakasakay na sila ng MRT. Nakahawak si Ces sa railing sa may pintuan habang si Lyric naman ay nasa harapan niya, medyo nakasandal sa pintuan.
“Ces?”
Lumingon si Ces sa tumawag sa kanya at nakita niya ang isang babaeng nagtititili nang makita siya. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga, para bang nakakita ng multo ang itsura.
“Omaygahd, SI CES! OMAYGAHD!” pagtili pa rin ng babae, siguro ay nasa edad sixteen.
Sumilip si Lyric sa kaguluhan na nangyayari. Nang makita ng babae si Lyric, lalo itong nagwala.
“OHMAYGAHD, SI LYRIC NANDITO RIN!”
“Waaah, nasaan sila Pitch?!”
“Si Melo ko!”
“Yung anak ng tatay kong si Note, asan?!”
People were staring at Ces and Lyric. Ang iba ay iniisip kung saan sila nakita at ang iba naman ay manghang mangha dahil nakita nila ang dalawang vocalist ng MyuSick. Most of all the people, nakangiti sa kanila.
“Wow, sikat na talaga,” ngiting ngiti na sabi ni Ash. Napangiti si Ces sa sinabi ng kamatayan. Hindi siya makapagsalita dahil ang daming tao at may mga nagpapapicture nang sumenyas si Ash na aalis na muna siya para sa trabaho. Tumango ang dalaga at naglaho na si Ash.
“Ayala station, ayala.”
Pagkabukas ng pintuan, nagulat ang dalawa nang biglang dagsain ng tao ang loob ng tren.
“ARAY ANO BA!”
“HUY BABABA AKO!”
“Tangina naman oh.”
Halos magwala ang mga tao dahil sa biglaang sikip sa tren. Nawalay na ang mga fangirls kanila Ces at Lyric habang padami nang padami ang taong tumutulak sa kanila papasok sa gitna. Napahinga ng malalim si Ces. Narealize niyang kahit saan pa lang parte siya ng MRT, mapababae man o lalaki, ganoon pa rin ang senaryo.
Nang magsara ang pintuan, napatigil si Ces nang may isa siyang marealize. . . sobrang lapit na niya kay Lyric. As in sobrang lapit na nararamdaman na niya ang mainit na paghinga ng binata sa kanyang pisngi. They were inches apart—no, isang inch na lang ang halos agwat nilang dalawa. Magkadikit na ang kanilang mga katawan, kulang na lang ay maghalo ang pawis nilang dalawa.
Nagkatinginan sila ni Lyric. . . and Ces felt her heart skipped a bit. Siya ang unang umiwas at tumingin na lang ng diretso. . .which is katawan ni Lyric ang kaharap niya.
Sa bawat pagbukas ng pintuan ng MRT, dagsa ang mga taong pumapasok. Walang lumalabas pero ang daming pumapasok. That made Lyric and Ces’ situation more awkward. Halos magkayakap na silang dalawa—hirap na rin makahawak si Lyric sa railing dahil sa dami ng harang.
Halos tumalon sa gulat si Ces (kung pwede pa bang gumalaw sa sobrang sikip) nang maramdaman niyang may humawak sa balikat niya. Pagtingin niya sa humawak sa kanya, napatingin siya kay Lyric na nakatingala. Nag init ang kanyang pisngi nang marealize niyang nasa balikat niya ang kamay ng binata.
“Uh, sorry. . .ang sikip kasi,” sabi ng binata, nakatingala pa rin. Not meeting Ces’ eyes or even looking down at her.
Hindi na nagsalita pang muli si Ces dahil nahihirapan na siya sa nararamdaman niyang bilis ng tibok ng puso. Nag iinit din ang kanyang pisngi pati na rin ang balikat na hawak ni Lyric. Dahil na rin sa sobrang lapit ni Ces at Lyric sa isa't isa. . . naririnig din ng dalaga ang tibok ng puso ng kapwa bokalista. Sobrang bilis, parang may hinahabol.
Nararamdaman din ni Ces ang bawat paghinga ni Lyric. . .minsan ay mabilis na paghinga na tila ba may hinahabol. Maya maya ay lumalalim na ang paghugot ng paghinga nito.
Pero narealize niya. . . tila ba sabay sila ng pag-ihip at pagbuga ng hangin.
* * *
“Ang sakit ng katawan ko!” nag inat si Lyric dahil pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan niya dahil sa MRT trip nila. Halos ilang minuto rin silang magkalapit, halos hindi na gumagalaw sa loob. “Nauuhaw din ako, punta muna tayong 7 Eleven?”
Tumango si Ces dahil kahit siya, medyo nanlalata na rin. Hindi niya alam kung dahil ba sa sobrang sikip sa MRT, halo-halo ang amoy ng mga tao doon o dahil sa puso niyang ayaw pa rin kumalma hanggang ngayon.
Pagpasok nila ng 7 Eleven kasama si Ash na lumulutang, kaagad silang bumili ng chocolate flavoured ice cream. Oo, sinabi ni Lyric na nauuhaw siya pero sino bang aayaw sa ice cream? Na chocolate?
Napansin naman ni Ces na dumiretso lang si Ash papasok, not minding the people passing through him.
Pagkabili ay naupo sila Ces at Lyric sa bakantang upuan habang kumakain ng ice cream. Ilang minuto lang silang tahimik hanggang sa mapatingin si Ces sa mukha ni Lyric. . .at naalala niya ang pwesto nila kanina sa MRT. Pumikit siya at huminga ng malalim.
Huwag mong isipin 'yan. . .
She mentally nodded and promised na hindi na niya iyon iisipin pa. Nope. She won't think of that situation anymore. Dumilat siyang muli at ibinaling ulit ang tingin sa kamasa.
“Pwede magtanong?” Hindi rin alam ni Ces kung bakit niya ito natanong sa kaibigan. Siguro dahil curious siya, sino nga ba si Lyric? Kilala na niya si Note, alam na rin niya ang saan nanggaling ang isang Melo, pati si Pitch na sobrang tahimik ay nakilala na niya kahit papaano. . .pero kay Lyric?
Anong alam niya kay Lyric?
Napangiti si Lyric nang marinig ang boses ni Ces, “nagtatanong ka na!” natatawa nitong sabi. Pinanlakihan ni Ces ng mata ang binata, hindi makapaniwala na binabara na nito siya.
"Ang adik mo!" natatawang sabi ni Ces. . . kahit papaano, nawala na rin ang bawat kaba sa tuwing mag kausap sila. Nawala ang napaka laking bato na nakaharang sa kanilang dalawa. Nawala kahit papaano ang awkwardness.
Nag peace sign si Lyric saka itinuloy ni Ces ang tanong, “paano ka nagsimulang. . . kumanta?”
Napatigil si Lyric sa pagkain ng kanyang ice cream at nagtatakang nakatingin kay Ces. Nakataas ang kilay.
“Bakit mo natanong?”
“Curious lang.”
Bumuntong hininga si Lyric at ngumiti sabay ipinagpatuloy ang pag kain sa ice cream. Natigalan ng kaunti si Ces. . . okay, tanggap niya. Ayaw sabihin sa kanya ni Lyric. Siguro nga ay hindi pa sila kasing close ng iniisip niya na mag oopen up na sa kanya 'yung tao. Siguro siya lang talaga ang nagfifeeling na magka—
“Music. . . passion, kahit takot.”
Napatingin si Ces kay Lyric, nakatingin lang ito sa labas. . .sa mga batang naglalaro sa dilim. Naghahabulan at nagkakatawanan.
“Takot ako kasi ayaw ng tatay ko, medyo battered son eh,” natatawa nitong sabi. Napakunot ang noo ni Ces, hindi magets ang gustong sabihin ni Lyric. “Binubugbog ako ng tatay ko noon bago sila maghiwalay ni mama.”
Natigilan si Ces sa narinig. Halos muntikan na nga malaglag ang ice cream na hawak niya sa narinig.
Lyric? This guy beside her eating ice cream. . . ay isang battered son? Isang lalaki, isang binata na binubugbog ng kanyang tatay? Ng sariling ama? Well. . .hindi rin naman ito nakakagulat lalo na kung aalamin ang buhay ni Note.
“Binubugbog ka?”
Ngumiti si Lyric. . . hindi mapait na ngiti, isang purong ngiti nang tumingin ito kay Ces. “Matagal na 'yun, humingi na rin siya ng sorry.”
Hindi alam ni Ces kung saan patungo ang kwento ngunit nakinig lang siya.
“Anong. . . bakit, ano. . .?"
Napangiti lalo si Lyric at tiningnan si Ces. Kitang kita ang pagtataka ni Ces sa mukha, nakakunot ang noo nito, hindi maipinta ang ekspresyon.
“Hindi ko rin alam, nagkaamensia na ata ako!” natatawang pagpapaliwanag ni Lyric.
Napapangiti si Ces nang ibalik niya ang tingin sa labas mula sa salamin habang pinagpapatuloy ang pagkain sa ice cream. Hindi niya rin minsan inaakala na ang isang Lyric na awkward guy dati ay mapagbiro rin pala.
“Pero dahil sa tatay ko, nawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Takot akong may makaalam na mahilig ako sa music,” tumigil si Lyric sa pagsasalita. Pagtingin ni Ces sa katabi, wala na itong ice cream. Tumayo ito at nakangiting tumingin sa kanya. “Teka, bili ulit ako ice cream.”
Tumango lang si Ces hanggang sa makabalik na si Lyric sa katabi niyang upuan na may hawak na ice cream. “Sa'yo 'to oh,” ibinigay ni Lyric ang Crunch chocolate kay Ces.
“Salamat,” nakangiting sabi ni Ces. “Tapos, ano na nangyari?”
“Ay grabe,” natatawa si Lyric. “Akala ko makakaligtas na ako kapag binigyan kita ng chocolate!”
Natawa ng kaunti si Ces. . . tama nga sila Note at Melo. Hindi naman pala talaga tahimik si Lyric. Siguro si Pitch talaga ang pinaka tahimik tapos si Lyric, 50-50. Fifty percent tahimik, fifty percent makulit.
“May isang tao na nagsabi sa akin ng isang linyang hinding hindi ko malilimutan,” napansin ni Ces ang pagrerelax ng buong katawan ni Lyric habang nakaupo. Para bang narerelax ito habang inaalala ang nakaraan. “Sabi niya, ‘alam mo, ang ganda ng boses mo,’” ngumiti si Lyric nang tumingin siya kay Ces. “Sabi niya, ‘iparinig mo 'yan sa maraming tao. Marami kang maiinspire gamit boses mo,’ pero hindi niya alam, siya ang nakainspire sa akin.”
Hindi alam ni Ces kung bakit bigla siyang kinilabutan sa last few lines. . . at kumabog ang dibdib niya. Nagtataka rin siya kung bakit ganito ang reaksyon ng katawan niya rito.
"B-Babae ba 'yan?" Hindi niya alam kung bakit inaantay niya ang sagot ng binata.
Lyric smiled a little, "oo."
“S-Sinabi niya 'yun?” hindi alam ni Ces kung bakit nauutal siya pagkatapos. Pinipilit niyang ngumiti pero parang may something sa kanya na pumipigil para maging masaya. Huminga siya nang malalim at inubos na ang kanyang ice cream. “Kung titingnan ngayon, totoo 'yung sinabi niya. . ." Nanghihina si Ces. . .at pahina nang pahina rin ang kanyang boses. Halos ibulong na niya ang linyang, "ang galing.”
Ngumiti si Lyric at inubos ang pangalawang ice cream niya. Tumingin ito muli sa labas. Napansin ni Ces ang pangingintab ng mga mata ni Lyric. . .na para bang isang importanteng tao ang nasa likod ng kwento ng binata. “Ang galing niya.”
Napansin ni Ces ang pagkalumbay sa boses ng binata. Will she ask more or not? Will she dig deeper in Lyric's past? Pero dahil nandoon na rin naman sila. . .why not ask? Curious din siya. . . anong nangyari? Nasaan 'yung babaeng 'yun? Ano na ang sunod na nangyari? Naging. . .sila ba?
Nahihiya man, she build all the courage inside her and asked, “n-nasaan na siya?”
Napatingin si Lyric kay Ces na para bang nagulat sa tanong nito. May kung ano sa mga mata nito na gustong sabihin. . .itanong. “Siya? Nasaan?”
Tumango si Ces. Kinakabahan siya. Hindi niya alam. . .parang natatakot siya sa pwedeng isagot ni Lyric. Ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso at nararamdaman niya ang pagpapawis ng kanyang mga kamay. Bakit siya kinakabahan? Why does she felt uneasy?
Ngumiti ng maliit si Lyric at yumuko, “hindi ko alam eh. Hindi ko na siya mahanap.”
Hindi na siya mahanap?
Bumilis ang tibok ng puso niya. . . at the same time parang nabawasan ng tinik ang lalamunan niya sa narinig. Pero. . . paanong hindi mahanap? Hindi niya ito naintindihan.
“Paano—“
“SABI KO NA NGA BA!”
Napalingon sila Ces at Lyric nang biglang may sumulpot sa kanilang likuran. Tinapik pa ng taong iyon ang dalawa para kuhanin ang atensyon nila. Nanlalaki ang mga mata ng babaeng nasa harapan nila ngayon, ngiting ngiti na abot hanggang kisame.
Nagkatinginan sila Ces at Lyric, nagpapakiramdaman kung kilala ba ng isa sa kanila kung sino ang babaeng nasa harapan nila.
“LYRIC AT CES NG MYUSICK!”
Sabay na napangiti ang dalawa nang nagtatalon talon sa harap nila ang babae. Still thinking kung kilala ba nila ang babaeng ito o hindi.
“Ang swerte ko!" Nagtatalon ito sa harap ng dalawang bokalista. Napapangiti naman sila Lyric dahil dito. "Tamang tama, idol kayo ng kaibigan ko! Please, please~ favor!" Hinawakan ng babae ang braso ng dalawa. "Sing for her, please, sing for her!"
Natawa si Lyric sa pagiging demanding ng babae. Hindi naman makapagsalita si Ces, siguro ay hindi pa nagsisink in sa kanya ang lahat—o siguro dahil sa puso niya na nagwawala pa rin.
"Anong kanta?" Lyric asked with a smile.
Nanlaki ang mga mata ng babae kasama ang panlalaki ng ngiti nito sa labi. "Omaygahd, thank you!" yumakap ito kay Ces at kay Lyric habang nagtititili. "Kahit happy birthday lang, please?"
"Ayan na siya!"
Napalingon sila Ces sa sumigaw na nagtago pa. Natawa naman siya dahil nagtago pa sila eh salamin ang dingding ng buong store kaya kitang kita ng mga taong nasa labas ang mga taong nasa loob.
"OMG, ayan na si Ellaine! Please, matutuwa siya sa kanta niyo!" nagtatalon na sabi ng babae.
Pagkapasok ng babaeng Ellaine ang pangalan, kaagad siyang dumiretso sa kinauupuan nila Ces at Lyric. May bangs ang babaeng ito, hindi katangkaran pero hindi rin naman maliit. Nakauniform ito na pang college at medyo malakas maka Dora the Explorer ang datingan. Nakanganga ito, nanlalaki ang mga mata na hindi naniniwala sa nakikita.
Ngiting ngiti naman ang babaeng nagrequest kanila Ces at Lyric. Umalis muna ito sa pwesto nila at may kinuha sa kung saan man. Hindi naman ito napansin ng babaeng si Ellaine dahil nastarstruck ata sa nakikita.
"Oh my. . ." unti-unting inilapit ni Ellaine ang kanyang kamay sa mukha ni Ces upang pakiramdaman kung totoo ba ito o isang aparisyon o baka mamaya ay hallucination lang ng dalaga. Nakatingin si Ellaine kay Ces nang ngumiti si Ces at ibinaling naman ng dalaga ang tingin kay Lyric. Tutusukin sana ni Ellaine ang mga mata ni Lyric nang pigilan ito ng binata, hawak hawak ang kamay niya. Napatingin si Ellaine sa kamay niyang hawak ni Lyric, ilang segundo itong natulala at matapos ng pagkatulala nito. . . "PAKSYET LANG OMAYGAHD!"
Nagtatatalon si Ellaine. Umuupo upo pa ito na hindi makapaniwala sa nakikita. Napatakip ito ng bibig nang marealize niyang nasa harapan niya ang dalawang bokalista ng paborito niyang banda na MyuSick.
Nakita naman nila Ces na sumenyas ang babaeng nagfavor sa kanila kaya nagsimula silang kumanta.
♪ ♫ Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthdaaayy
happy birthdaaay
happpy birthday to you!
"SHEEETT!" Hindi pa rin natatapos ang pagwawala ni Ellaine. Tuwang tuwa siya, halos maiyak na siya dahil nakita niya sila Ces at Lyric, sa 7 Eleven! Sa isang gabi, sa birthday niya mismo!
Hindi naman mawala ang ngiti ni Ces at Lyric. Lalo na ang dalaga dahil ito ang unang pagkakataon na may taong halos maiyak na dahil lang sa nakita siya sa personal. That was a first. . . and it was a pleasing feeling.
"Happy birthday, Eri!"
Lumingon si Eri at tuluyan nang naiyak nang makita ang kaibigan niya na may hawak na cake at may 21 candles na nakasindi. Papalapit sa kanya ang kaibigan, hindi pa rin makakilos ng maayos si Ellaine sa gulat. Nagsimula namang kumanta ang mga tao sa loob ng 7 Eleven.
"Lorraine, ginawa mo lahat ng 'to?!" naiiyak na tanong ni Eri sa kaibigan. Natawa naman ng kaunti si Lorraine.
"Uh. . ." Tumingin si Lorraine kanila Lyric at Ces. Nag okay sign si Lyric kaya napangiti si Lorraine. "Nagkataon lang na blessed ka kaya umayon ang lahat sa plano, may freebies pa!" natatawa nitong sabi. "Kaya dapat maging thankful ka, kaibigan mo ako!" pagmamayabang nito.
Hindi alam nila Ces at Lyric na inoccupy pala nila Lorraine ang 7 Eleven na iyon para isurprise ang kaibigan nilang si Ellaine. Nagkataon pang sobrang idol ni Ellaine ang MyuSick. It was the perfect surprise. Lorraine is thanking Ces and Lyric and all the angels and saints that sent the two vocalist in the venue.
Nagblow ng candles si Ellaine matapos niyang mag wish. Nagyakapan ang magkaibigan, nagpasalamat sa isa't isa na naging magkaibigan sila and more years to come for their friendship kahit magkaiba sila ng ugali. Nakangiti lang si Ces, kahit si Ash na nagmamasid ay nakangiti sa nangyayari.
Ibinaling naman ni Ellaine ang tingin kanila Lyric at Ces. Obvious ang sobrang pagkasaya nito pero may hint din ng disappointment nang may maisip si Lyric.
“Ano pa bang kanta gusto mo?” nakangiting tanong ni Lyric. Nagkatinginan sila Lyric at Lorraine, nanlalaki ang mga mata ni Lorraine sa gulat. Tumango lang si Lyric, indicating na okay lang namang kumanta sila for Ellaine.
Hindi makapaniwala si Ellaine sa narinig. Nagtatalon pa siya, kinikilig, tawa nang tawa hanggang sa nagsabi siya ng isang kanta, "My Guardian Angel!"
Napatingin si Ces kay Ellaine pero nakuha ng atensyon niya ang kamatayan sa likurang parte ng babae na para bang nagulat sa title ng kanta. Nakatingin sa mata sila Ash at Ces kahit malayo ang mga ito sa isa't isa.
"My Guardian Angel?" nakangiting tanong ni Lyric ngunit nawala rin ang ngiti nito sa mukha. "Paborito niya. . ."
"Po?" pagtataka ni Ellaine. Umiling si Lyric at ngumiti.
Nagkatitigan si Ces at Ash. . . walang kumikibo, nagpapakiramdaman ang dalawa hanggang sa nagsimula nang kumanta si Lyric.
♪ ♫ When I see your smile,
Tears run down my face
I can't replace.
Biglang nagtatatalon ang dalawang magkaibigan sa harapan nila Ces at Lyric. Kinikilig na hindi malaman. Nakikisabay din ang dalawa sa pagkanta ng binata.
♪ ♫ And now that I'm strong I have figured out,
How this world turns cold and it breaks through my soul.
And I know I'll find deep inside me,
I can be the one.
Tumingin si Lyric kay Ces at sinenyasan ito para ituloy ang kanta. . .na siyang ikinatuwa lalo nila Ellaine at Lorraine. When Ces opened her mouth to sing, napatingin siya kay Ash. Nakatitig sa kanya ang kamatayan at. . . nakangiti.
♪ ♫ I will never let you fall.
I'll stand up for you forever.
I'll be there for you through it all.
Even if saving you sends me to Heaven.
There's something with Ash's smile na gustong yakapin ng dalaga ang kamatayan. . . if given the chance. Kung pupwede. . .yung hindi siya tatagos dito. Ang mga ngiti kasing iyon. . . may something. Hindi niya mawari.
Nang magblend ang boses nila Ces at Lyric. . .
♪ ♫ It's okay. It's okay. It's okay.
And seasons are changing,
And waves are crashing,
Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng store. Halos himatayin na ang magkaibigan sa sobrang kilig.
Lahat ng tao sa loob ng store ay napatigil at pinakinggan sila Ces at Lyric. Ang ilan ay kumuha pa ng picture at nagvideo habang ang magkaibigan ay ngiting ngiti na abot langit.
Tumingin si Ces at Lyric sa mga mata ng isa't isa at napangiti. Alam nila sa kanilang sarili na job well done ang pagkanta nila ngayon kahit nasa 7 Eleven sila. Na isang magandang pagkakataon na kumanta sila sa birthday ng kanilang tagahanga. . .ng biglaan.
At bakit ba parang may nakakalimutan silang puntahan? Hindi niya maalala.
♪ ♫ And stars are falling all for us.
Days grow longer and nights grow shorter,
I can show you I'll be the one.
“Shet, ELLAINE LASAM. Tandaan niyo kuya Lyric at ate Ces, number 1 fan niyo ako! Ellaine Lasam!” pagsigaw ni Ellaine. Napangiti naman sila Lyric at Ces. Halos lahat sila ay kumakanta na nakangiti.
Pagbalik ni Ces ng tingin sa kinalalagyan ni Ash, nagtaka siya nang mawala ito roon. Instead,ang nakita niya ay mga taong nanonood sa kanya. Nasaan si Ash?
♪ ♫ I will never let you fall.
Nanlaki ang mga mata ni Ces nang marinig niya ang boses ni Ash sa kanyang likuran. Hindi siya makalingon dahil siguradong magtataka ang mga ito pero naririnig niya ang sinasabi ni Ash. . .
♪ ♫ I'll stand up for you forever.
I'll be there for you through it all.
Even if saving you sends me to Heaven.
The lyrics. . . instead of singing, Ash whispered and recited the lyrics. Alam ni Ash tong kanta? Pagtatanong ni Ces sa sarili. Tuloy lang sila sa pagkanta.
♪ ♫ 'Cause you're my, you're my, my
My true love, my whole heart.
Please don't throw that away.
Para hindi mahalata, unti-unting lumingon sa likuran si Ces. Nagkunwari siyang tinitingnan at nginingitian ang mga taong nanonood sa kanila para makita si Ash ngunit wala ito sa likuran niya. Nawala rin ang boses ng kamatayan.
Nasaan siya?
♪ ♫ 'Cause I'm here for you.
Please don't walk away and,
Please tell me you'll stay.
Ibinalik ni Ces ang tingin kay Lyric na nakatingin sa kanya at nakangiti pero may pagtataka sa mukha. Ibinaling ni Ces ang atensyon kay Ellaine na ngiting ngiti sa panonood sa kanila.
Tumaas naman ang balahibo ni Ces nang may marinig siyang bulong sa kanyang tainga.
“Stay.”
Pagkatapos ng kanta, lumingon lingon siya sa buong store habang nagpapalakpakan ang mga tao. Nawala si Ash. . . naglaho na naman ito. Napabuntong hininga siya.
Nasaan ka, Ash?
Hindi niya minsan mawari kung nag aalala ba sa kanya si Ash o hindi. Nasa tabi ba niya si Ash lagi dahil sa kailangan nito ang kaluluwa niya? Dahil sa deal na nagaganap sa kanila ni Boss? Binabantayan ba ni Ash ang kaluluwa niya para walang ibang makakuha? May iba bang kukuha ng kaluluwa niya?
Maraming tanong ang bumabagabag sa utak ni Ces patungkol kay Ash. . .lalo na sa mga tingin nito na minsan ay may gustong sabihin, may gustong ipaalam. Alam niyang kamatayan lang si Ash pero tinuturing niya itong kaibigan. After all, naging sandalan din niya si Ash paminsan minsan--at ito rin ang sumampal sa pagkatao niya para huwag bawiin ang buhay.
Okay lang naman sa kanya na umaalis si Ash pero minsan kasi. . . nawawala ito ng biglaan. Natatakot si Ces. Bakit siya natatakot? Hindi rin niya alam. . . basta natatakot siya sa pagwala nito minsan.
Tulad ngayon.
“OMG!! I’m gonna die! Thank you!!” Yumakap ng mahigpit si Ellaine kanila Lyric at Ces. Sa sobrang saya nito ay halos mabuhat na nito ang dalawang vocalist—ng sabay! Nagpicture pa siya kasama sila Lyric, nagselfie at para bang kaunti na lang ay iuuwi na nito ang dalawang bokalista. Ganun din ang ilang kaibigan nito, halos kumapal na ang mukha ng iba at nanghingi pa ng kiss.
Napangiti si Lyric at Ces kay Ellaine. Sabay nilang binati ang dalaga. “Happy Birthday!”
Tuwang tuwa pa rin si Ellaine hanggang sa paglabas nito ng store kasama ang iba pang kaibigan nito. Pinagmamayabang na mayroon siyang picture kasama ang vocalist ng MyuSick pati pinapatugtog ang nirecord niyang pagkanta ng dalawa.
"Uh, hi. . ." lumapit si Lorraine kanila Lyric at Ces. "Sobrang thank you po!" Niyakap ni Lorraine ang dalawa. . .bumilis ang tibok ng puso ni Ces, may saya sa bawat pagtibok nito. Fulfillment. "Thank you po talaga dahil nag eexist kayo sa mundo!"
Napangiti si Ces sa narinig. Nag-eexist sa mundo. Niyakap niya pabalik si Lorraine. "Thank you, Lorraine. Salamat din kay Ellaine. . .salamat."
Binigyan ni Lorraine ang dalawa ng tig isang slice ng cake. Nagbigay din ito ng tatlo pa para sa mga kabanda at kay Manager Lily. Masayang masaya itong umalis, ngiting ngiti. Hindi naman nawala ang ngiti nila Ces at Lyric pagkatapos ng sobrang ingay na pangyayari sa 7 Eleven hanggang sa. . .
“Wala pa ring kupas!”
Sabay na napalingon sila Ces at Lyric sa babaeng nagsalita na pumapalakpak papalapit sa kanila. Hindi pa nakakareact si Ces dahil hindi niya kilala ang babaeng nasa harapan nila ay nagulat siya sa biglang pagtayo ni Lyric na nanlalaki ang mga mata.
“Love!”
Kaagad na lumapit si Lyric sa babae at niyakap ito ng mahigpit. Kitang kita ni Ces ang pagngiti ng dalawa, ang pagyakap sa isa't isa na para bang matagal na silang hindi nagkikita. For some odd reason, bigla niyang naisip ang babaeng inspirasyon ni Lyric.
Nakita niyang nakatingin sa kanya ang babae mula sa balikat ni Lyric habang yakap ang binata. Ces smiled faintly as the girl smiled at her too. Nang lumayo ang dalawa mula sa pagkakayakap, may kumirot sa puso ni Ces nang makita niya ang tinginan ng dalawa. Longing to see each other.
Mukhang ikaw na ang hinanap niya, Lyric.
~ ~ ~
Author's Note:
November 11. HAPPY BIRTHDAY TO ME!
Opo, birthday ko kaya dapat reguluhan niyo ako ng nakakatouch na comment! Hahahaha! Joke, syempre free will niyo na 'yan. Salamat sa 300k reads! :)
This chapter is dedicated to someone. Gets niyo naman na siguro kung sino? EHEM EHEM, Maria Ellaine Lasam, hi! Happy Birthday sa atin! Sorry hindi ko masuklian si L kaya ito lang naisip kong kapalit, ahuhuh pasensya na! <///3 Will make a virtual letter dahil susuklian ko naman ang yellow paper letter mo sa akin. Pramis, gagawin kong worth it 'yung virtual letter na yun tipong maiiyak ka! Hahaha chos. Sesend ko na lang sa'yo 'yung link hahahahappy birthday ulit! Salamat sa pagiging reader ko, syaks. THANK YOU HAPPY BIRTHDAY SA ATIN!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top