34 // Pursuit of Happiness

"When one door of happiness closes, another opens; but often we look so long at the closed door that we do not see the one which has been opened for us."
— Helen Keller

~ ~ ~

“Hi,” nakangiting bati ni Ash.

Nanlaki ang mga mata ni Ces, halos mapanganga na sa nakikita hanggang sa tumakbo ang dalaga papalapit sa kamatayang nasa harapan niya. . .ngunit tumagos siya rito. Nakaramdam lang siya ng malamig na hangin na dumapi sa kanyang balat.

Nagkatinginan sila Ash at Ces. Napangiti lang ng kaunti si Ash, isang ngiting tila may tinatago.

“Hindi na kita mahawakan?” Lumapit muli si Ces kay Ash at inilapit ang palad sa mukha ng kamatayan ngunit nagiging distorted air lang ang parteng hinawakan ng dalaga. “Bakit?”

Nagkatitigan sila Ash at Ces hanggang sa lumayo si Ash rito.

“Hindi mo naman talaga ako dapat nahahawakan,” nakangiti pa rin nitong sabi.

“Pero. . .dati. . .”

Ngumiti si Ash ng labas ngipin—very different from the Ash last time Ces saw him. “May mga circumstances lang. . .”

Hindi pa rin naniniwala si Ces ngunit nakaramdam siya ng saya sa pakiramdam. Ngunit ilang minuto lang, naramdaman na lang niya na bumagal ang pagtibok ng kanyang puso. . . nakaramdam siya ng takot sa muling pagbabalik ni Ash sa tabi niya.

“Kamusta?” Inilibot ni Ash ang kanyang paningin sa kwarto ni Ces. “Nawala lang ako, ang ganda na ng bahay mo?”

Nagtama muli ang paningin ng dalawa. Umupo si Ces sa dulo ng kanyang higaan at tumabi sa kanya si Ash, lumulutang nga lang.

“Niligtas nila ako, Ash,” nakangiting sabi ni Ces.

Ngumiti rin si Ash sa harapan ng dalaga at ipinatong ang kamay sa ulo ni Ces. Walang naramdamang kahit na anong palad si Ces ngunit nakaramdam siya ng malamig na hingin sa kanyang bunbunan. “Sabi ko naman sa'yo, hindi mo pa oras.”

Nagkangitian ang dalawa. Walang nagsalita sa kanila for about a minute. Magkatabi lang sila na nakaupo. Nakatingin sa pintuan na katapat nila hanggang binagsak na ni Ces ang katahimikan.

“Bakit ang tagal mong nawala?”

Tumingin si Ash kay Ces, “hindi mo naman ako kailangan eh.”

Kumunot ang noo ni Ces. Hindi magets ang sinasabi ni Ash hanggang sa ngumiti ang kamatayan sa kanya.

“Joke lang,” nag peace sign si Ash. Napangiti si Ces nang maalala niya ang unang beses na nagkita sila ni Ash. Nakakatakot pero ang lakas magjoke. Ngayon, bumabalik na si Ash sa dating aura. Light. Masaya. Nakangiti. “Naging busy ako sa trabaho ko, alam mo bang every 2 minutes, may isang taong namamatay?”

“Seryoso?” nanlalaki ang mga mata ni Ces nang tumingin siya kay Ash. Lalong napangiti si Ash.

“Oo, seryoso. Tska nakikita ko namang masaya ka na,” tumayo si Ash—well, not literally pero ganun na nga, hindi lang nakaapak ang paa sa sahig. “Pero Ces. . .”

Lumayo si Ash. Tumingala si Ces nang sundan niya ng tingin ang kamatayan na lumutang papunta sa may veranda. Tumingin si Ash kay Ces. . . may kung ano sa mga tingin ng binata na nagpataas ng balahibo ng dalaga. Unti-unti, mula sa itim na mga mata ay nag ilaw ito at nagmukhang pula.

“Mahirap maging sobrang saya. . .”

The last thing Ces remembered, ang mukha ni Ash na malapit na sa kanya. Hindi niya alam kung paano o anong nangyari pero napapikit siya nang maramdaman niyang kinumutan siya ng anghel ng kamatayan hanggang sa makatulog siya.

* * *

ON AIR.

“Isang napaka, napaka, napaka, napaka gandang babae ko—este, gandang gabi, Pilipinas! Nandito na naman ako para pagandahin ang mga gabi niyo! Ano 'yun? Sino ako?”

May pinindot na buton ang babae sa malaking machine na nasa harap nito habang nakangiti at agad narinig ng buong station ang kanta. . .

♪ ♫ What does the fox say?
Jhing-jhing-jhing-jhing-jhingeringejhing!

“Yes you're right, Jhing! Ang pinaka magandang DJ na nakakasama niyo tuwing gabi!”

Nagpindot muli si DJ Jhing ng isang buton at narinig naman nila ang tagline ng radio station.

“Ay ankyooooot!”

Kasalukuyang nasa isang radio station ang bandang MyuSick. Nakaupo silang lahat sa tapat ni DJ Jhing, all eyes on the DJ. Ngiting ngiti naman sila Melo at Note dahil manghang mangha sila sa nakikitang mga buton, recording equipments at kung anu-ano pa. It was their first time in a radio station.

Ganoon din si Ces. . . pati na si Ash na naglilibot sa istasyon.

Si Lyric naman ay diretso lang ang upo pero si Pitch? Parang natutulala. . . at nahihiyang nakangiti habang si Manager Lily ay nakaupo hindi kalayuan sa kanila.

“Ngayong gabi, may mga bisita tayo,” natawa ng kaunti si Jhing dahil sa kilig. . . “Mga gwapo!” nagpindot si Jhing ng buton at nakarinig sila ng mga kinikilig na babae na sound effects. “Ay, may maganda rin pala,” napangiti si Ces kay Jhing. “Ang MyuSick!”

Pinindot ni Jhing ang palakpak na sound effects.

“Say hello to our listeners, MyuSick!”

Tinanguan ni Jhing ang MyuSick saka naman isa-isang nagsalita ang banda pero ang pinaka awkward. . . which is weird dahil alam nilang cool lang ito, ay si Pitch—na hindi nakaligtas sa tingin ni DJ Jhing.

“Oh, bakit ang awkward ni Pitch?”

Sabay-sabay na tinuon ng pansin si Pitch ng lahat ng tao sa loob ng station. Nakangiti lang si Jhing ngunit halatang nagtataka.

“Ay, baka nastarstuck sa'yo, DJ Jhing!” Natatawang sabi ni Melo. Nagtataka pa rin ang DJ pero natatawa na. “Idol ka kasi ni Pitch, binabasa niya mga libro mo—ARAY!”

Natawa na ng tuluyan si Jhing sa sinabi ni Melo habang hinihimas naman ni Melo ang braso na sinuntok ni Pitch. Nakayuko lang si Pitch sa sobrang kahihiyan at napapangiti si Ces.

That made sense. . . naaalala niya na mayroon nga pa lang “Jhing Bautista” label sa book shelves nila.

Pinindot naman ni Jhing ang buton ng tagline ng station.

“Ay ankyooooot!”

“Anyway, enough of that. Let’s talk about you, MyuSick. . . dahil alam kong marami nang naghihintay nito,” halata kay Jhing na naeexcite na rin siya. She’s a fan of the band and their music kaya naman masaya rin si Jhing na siya ang nag iinterview sa bandang ito. “Ano ang kwento sa likod ng MyuSick?”

“Likod ng MyuSick?” Note asked habang pilit tinitingnan ang likuran niya.

“Hindi literal na likod!” natatawang sabi ni Jhing sa pagkapilosopo ni Note. “I mean, paano kayo nabuo? Bakit may MyuSick kaming naririnig ngayon?”

Nagkatinginan ang magkakabanda. Alam ni Ces na hindi siya pupwedeng magsalita dahil wala rin siyang alam kaya hindi na siya nagulat na si Lyric ang nagsalita.

“Passion. Fun. Music. . . at friendship.”

Napangiti si Jhing, “wow. Few words pero it tells a story. Very deep, Lyric!” nagpindot si Jhing ng sound effects.

“Huwag niyo na ideny na hindi kayo successful dahil kitang kita naman namin na umaariba kayo internationally, paano kayo naging successful? BAWAL IDENY!”

Nagkatinginan ang magkakabanda.

“Ikaw na sumagot!”

“Hindi, ikaw na!”

Natatawa naman si Jhing dahil ang kukulit ng buong banda. Malayong malayo sa mga iniisip ng karamihan na maangas ang MyuSick.

Huminga ng malalim si Melo at sumagot, “hindi kami tumigil.”

“Paanong hindi kayo tumigil?”

“Nagtuloy lang kami sa music! Matalo, manalo, hindi pa rin kami tumigil at mas pinagbutihan pa namin,” seryosong sabi ni Note. Napatingin si Ces sa binata na manghang mangha dahil may seryoso pala itong sinasabi paminsan minsan.

Narinig naman nila muli ang tagline ng station.

“Ay ankyooooot!”

“You really are something MyuSick. . .” patango-tangong sabi ni Jhing. “Pero the last Battle of the Bands, anong nangyari?”

Lahat sila tumingin kay Manager Lily. Kumunot ang noo ni Lily dahil napansin niyang sa kanya na nakatingin ang lahat ng tao sa station. Bumuntong hininga siya.

“Isa sa mga gusto ko ang. . .” napatigil ang lahat nang magsalita si Ces. “paninindigan ni Manager Lily.”

Nagkatinginan si Ces at Manager. Ces smiled at Lily at parang nagulat naman si Manager dito.

“Nice,” nakangiting sabi ni Ash habang palutang lutang lang sa station.

Manager Lily. . .is officialy Ces’ inspiration. The one she idolizes. The first person she looks up to.

Hindi man alam ni Ces ang puno't dulo ng hinagpis at sakit ng nakaraan ng Manager, hindi naman ito pumapalya para pahangain siya sa paninindigan nito. Sa mga sinasabi nito para pagaanin at the same time pabigatin ang kanyang loob.

Hindi maikakaila na ang bagong Ces ay isang produkto ni Manager Lily.

* * *

Ces heard a knock from her door. Binuksan ni Manager Lily ang pintuan at natigil sila ni Ash sa pag-uusap.

 

“Ces,” pumasok sa loob ng pintuan si Manager Lily, papers in her hand. Sinara nito ang pintuan at nilock. “We need to talk.”

 

Nagtataka ang dalaga dahil sa sinabi ng Manager. It’s almost 12am pero gustong makipag-usap ng Manager sa kanya? May nangyari bang iba? May nagawa ba si Ces na kinaasar ng manager? Nakaramdam ng kaunting takot si Ces.

 

“About the contract. . .”

 

Nagkatinginan si Ash at Ces. “Contract?” Pagtataka ni Ash. Nagkibit balikat si Ces at tumingin muli kay Lily na parang nagtataka sa pagtingin ni Ces sa kanan na para bang may tinitingnan.

 

“Nahihiya ako sa'yo dahil kinuha ko ang oras mo instead of you studying,” kinuha ni Manager Lily ang upuan ng study table ni Ces at inilapit kay Ces na nakaupo sa may gilid ng kama. “At ang contract ay para sa The Battle of the Bands pero hindi naman tayo nakasali. . .”

 

Ibinigay ni Manager kay Ces ang kontrata nila. “Inaalis ko na ang kontrata natin, Ces. You’re free from MyuSick.”

 

Halos mahulog ang puso ni Ces sa sinabi ng Manager. Nagkatitigan sila Lily at Ces. Hindi malaman ng dalaga kung ano ang gustong ipahiwatig ng Manager. . . para bang lumutang bigla ang kanyang isip.

 

Is Manager Lily letting her go? Pinapaalis na siya sa MyuSick? Pinapaalis na siya sa buhay ng mga ito?

 

“Don't worry dahil ako pa rin ang magpapaaral sa'yo and you can still stay here,” sunod na sabi ni Manager.

 

Mababagsak na ang buong katawan ni Ces sa narinig. Biglang naghalo-halo ang lahat sa kanyang utak. Nawala siya panandalian sa kanyang ulirat.

 

“But if you want, I can give you your own house. . .”

 

“A-Ayaw ko. ..”

 

Nanginginig ang buong katawan ni Ces sa naririnig. Ang lakas din ng kabog ng kanyang dibdib na pakiramdam niya ay kaunti na lang, iiwan na siya ng puso niya.

 

Napatigil si Manager Lily sa biglang sagot ng dalaga.

 

“Ayaw mo ang alin?”

 

“Manager,” hinawakan ni Ces ang kamay ng Manager. “Ayaw kong umalis.”

 

Napasandal si Manager Lily sa kanyang upuan at napangiti sa narinig.

 

“Ayaw kong umalis sa MyuSick. . .” mahinang bulong ni Ces. Pinipilit niyang pigilan ang panginginig ng mga labi. Nagpipigil ng luha. “Gusto ko pang kumanta. Gusto ko pang makasama kayo.”

 

“Good.” Nanlaki ang mga mata ni Ces ng kunin ni Manager Lily ang mga papeles at pinunit. “I'll give you another contract to sign.”

 

“Woah. . .” mahinang react ni Ash sa gilid. “Manipulative, parang si Boss!” manghang mangha nitong sabi. “Ang galing.”

 

Nagtaasan ang balahibo ni Ces. Napangiti siya habang tuluyan nang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Kaagad niyang niyakap si Manager Lily. “Salamat,” mahigpit niyang yakap dito.

 

Nakangiti lang si Manager, “I'’m glad you’re learning to have confidence.”

 

Kumalas sa pagkakayakap si Ces. Nakakunot ang noo, nagtatakang nakatingin sa manager. “A-Ano po?”

 

“Confidence: stand up. Look straight. Don't look down.”

 

Hindi pa rin magets ni Ces ang gustong ipahiwatig ng Manager.

 

“Nagkakaroon ka na ng confidence para sabihin ang gusto mo para sa sarili mo, Ces.”

* * *

And after some months, here she is, in front of DJ Jhing with the MyuSick. . . as the official vocalist of the band. Dahil ito ang gusto niya. . . dahil ito ang sinabi niya na gusto niya.

Kaya nandito siya ngayon. Kaya masaya siya ngayon. . .dahil pinili niya ito.

“Well, that’s cool that you have a great Manager,” kumento ni Jhing. “I'm sure kung ano man ang paninindigan na 'yun, mas malayo pa ang mararating niyo.”

MyuSick smiled. May mga pinag-usapan pa ang mga ito, question and answers. Aliw na aliw naman si DJ Jhing sa banda, lalo na kay Pitch na parang tuod na nakakita ng santo. Nastarstruck pa rin ata sa isa sa mga favorite author niyang si DJ Jhing.

"Uh. . .”  napatingin ang lahat kay Pitch, waiting for him to talk. “Pwedeng pa-autograph?”

Natawa naman si DJ Jhing at pinindot ang station tagline.

“Ay ankyooooot!”

“Nakakahiya naman, ang isang Pitch? Magpapaautograph sa akin?” natatawang sabi ni Jhing.

Inasar naman ng buong banda si Pitch at kitang kita ang pamumula ng pisngi ng binata. Kahit ipakita nito ang coldness sa ibang tao, hindi pa rin mawawala na si Pitch, ay isang normal na tao, na humahanga rin sa iba. . . at nagiging awkward guy din paminsan minsan.

“So Ces,” nakangiting pagkuha ng atensyon ni DJ Jhing sa dalaga. “Anong feeling na nakasali ka sa MyuSick? Mabilis ka bang nakapag adjust from your normal life to a rockstar?”

Napantigi si Ces at tiningnan ang buong kabanda. Ngiting ngiti naman sila Melo at Note sa kanya.

“Pinaka masayang pangyayari sa buhay kong napasali ako sa MyuSick.”

Nagkatinginan ang magkakabanda. . . shocked was written all over their faces. Hindi nila akalain na manggagaling kay Ces ito. Pinindot naman ni DJ Jhing ang station tagline.

“Ay ankyooooot!”

“You guys are so cute, siguradong maraming nainggit sa akin ngayon dahil nasa harapan ko kayo!” natutuwang sabi ni Jhing. Full of energy itong si DJ Jhing kahit gabing gabi na. “Anyway Ces, dahil na sa'yo na ako. Mahirap ba?”

“Ang alin po?”

“To be surrounded by handsome, very adorable and cute guys?”

“Ehem, ehem!” pagpapansin ni Note.

Tinulak naman ni Melo si Note sa mukha. “Dun ka nga, huwag mo kaming hawaan ng ubo mong peke!”

Natawa naman si Jhing sa dalawang gitarista.

“Ay, ito ang gusto ko malaman!” Tuwang tuwa na sabi ni Jhing. Tumingin si Jhing kay Ces at biglang kinabahan ang dalaga sa mapanuksong tingin ng DJ. “May crush ka ba sa mga kabanda mo?”

Pinindot ni DJ Jhing ang isang buton at narinig nila ang panunuksong sound effects.

“Aiyiieee, kilig! Kilig!”

“EHEM EHEM!” malakas na pagpapansin ni Note.

Kumunot ang noo ni Melo, “ang ingay mo pre!”

“Syempre!” pagmamayabang ni Note, taas noong nagsalita. “Ako na crush ni Ces.” Nakangiting sabi ni Note kay Ces. Napangiti naman ang dalaga kay Note. Hindi alam kung anong sasabihin.

“Hala,” biglang inakbayan ni Melo si Ces. “Ako ang crush mo, di ba?!”

“Wag ka na! Panget!”

“Uy tae ka ah! Mas panget ka!”

Natawa na naman si DJ Jhing. Umiling iling naman si Manager Lily, face palming dahil sa kahihiyan. Keeping in her mind na next time na may interview sila, hindi na niya isasama si Note at Melo dahil baka ang mga ito pa ang makasira sa pangalan ng MyuSick.

“This is the most entertaining interview I encountered so far,” aliw na aliw si Jhing nang magbangayan sila Note at Melo. Forgetting the question and the their current topic. Umusog naman kaunti palayo si Ces sa dalawang lalaking nagbabangayan para mag give way sa dalawang katabi nang mapatingin siya sa kanan.

And there, she saw a glimpse of Lyric’s eyes looking at her before Lyric looked away.

Sa hindi malamang kadahilanan. . . para bang tumalon sandali ang puso ni Ces mula sa kanyang dibdib.

“Tsk, tsk,” paglingon ni Ces sa kinalulutangan ni Ash, nakangiti ito sa kanya. . .not reaching his eyes.

* * *

After ilang months, unti-unti na siyang bumabangon. Mahirap man pero tinutulungan siya ng MyuSick to build a wall inside her. Hindi para maging matigas siya pero para magkaroon siya ng lakas. . . para hindi siya bumagsak kaagad.

But Ces, kahit anong man mangyari, is still the fragile figurine that can be broken, anytime.

Lalo na ngayon na bumalik sila sa kanilang school to perform.

“Are you ready?” nakangiting tanong sa kanya ng Manager, holding her hand. Nanginginig man—hindi malaman kung sa takot, kaba o galit ay tumango si Ces at ngumiti. “Good.”

Lumapit naman si Ash kay Ces, umupo sa tabi nito.

“Kaya mo 'yan,” nakangiting sabi ng kamatayan. Minsan ay nawawala ito pero napapadalas na ang pagstay ni Ash sa tabi ni Ces. Minsan palutang-lutang lang dahil hindi rin sila nakakapag usap kapag nand'yan ang MyuSick. “Ma—”

TITIK TITIK!

Napatayo si Ash at tiningnan ang D-Get na tumunog. Bumuntong hininga siya at tumingin kay Ces, nawala ang ngiti sa labi.

“Sige ah, may trabaho pa,” at naglaho na lang si Ash.

Humugot ng malalim na hininga si Ces hanggang sa narinig na lang niya, ang pagtawag sa kanila ng MC.

“Let’s all welcome our favorite band, MYUSICK!”

* * *

Nakatatlong kanta na ang banda nang lumapit si Lyric sa kanya. Hindi niya masyadong narinig ang sinabi ng binata dahil sobrang lakas ng sigawan ng mga tao. May mga naririnig din siyang mga sigaw na ‘I love you Ces’ ang sinasabi.

Nang tumugtog ang banda, acoustic. . . beat box ang gamit ni Pitch, keyboards naman ang kay Note at acoustic guitar kay Melo.

Napatingin si Ces kay Lyric, “a-ano 'to.”

“Revenge,” nakangiting sabi ni Lyric. Itinutok ni Lyric ang mic sa bibig habang nakatingin pa rin kay Ces, “Lyle T. Yuzon,” mahinang bigkas ni Lyric ngunit dinig na dinig sa buong lugar dahil nakamic. “Pakinggan mo 'to.”

“L-Lyric,” nakaramdan ng kaba si Ces lalo na nang magsimulang kumanta si Lyric.

♪ ♫ Hey girl, you know, you drive me crazy
One look puts the rhythm in my hand
Still I'll never understand why you hang around
I see what's goin' down

 

Lumapit sa kanya si Lyric at hinawakan ang kanyang pisngi. Nanlaki ang mga mata ni Ces sa kinilos ng binata. Kasabay ng malakas na pagkabog ng kanyang puso ay ang malakas na hiyawan ng mga nanonood.

♪ ♫ Cover up with make up in the mirror
Tell yourself it's never gonna happen again
You cry alone and then he swears he loves you

Natulala lang si Ces, nakatayo lamang siya at walang masabing iba. Hinawakan ni Lyric ang kanyang kamay at halos sumabog si Ces nang maramdaman niya ang mainit na palad ng binata sa kanyang kamay.

♪ ♫ Do you feel like a man, when you push her around?
Do you feel better now as she falls to the ground?

Hinatak siya ng binata at iniharap sa mga nanonood. Tumingin si Lyric sa isang lugar. . .kung saan nakaupo si Lyle, na ramdam na ang pag iinit ng ulo mula sa kinauupuan.

♪ ♫ Well, I'll tell you my friend, one day this world's going to end
As your lies crumble down, a new life she has found

Itinaas ni Lyric ang kamay na hawak ang kamay ni Ces na para bang sumusuntok sa ere. Napatingin si Ces kay Lyle na nakatingin sa kanila. Kunot ang noo nito, nakakuyom ang mga kamay.

♪ ♫ A pebble in the water makes a ripple effect
Every action in this world will bear a consequence
If you wade around forever you will surely drown
I see what's going down

Nakangiti lang si Lyric habang kumakanta at habang hawak ang kamay ni Ces. Never letting her go. Nakikisabay din sa pagkanta ang mga kabanda.

♪ ♫ I see the way you go and say you're right again
Say you're right again, heed my lecture

Nang mapunta sa chorus, ipinakanta ni Lyric sa audience and the audience sang their heart out. Nagkaroon ng pagkakataon para makapag usap sandali sila Lyric at Ces.

“Ikanta mo.”

“A-Ano?”

“Ikanta mo lahat sa kanya,” as in on cue, napakanta muli si Lyric at nakangiting tumingin kay Ces bago tumingin sa audience.

♪ ♫ Face down in the dirt she said,

Sinenyasan ni Lyric si Ces ngunit hindi nakakanta si Ces kaya ang rinig ang audience nang tumigil si Lyric sa pagkanta.

♪ ♫ This doesn't hurt
She said, I finally had enough

“Ikaw naman,”

♪ ♫ Face down in the dirt she said,

Sinenyasan muli ni Lyric si Ces. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Lyric sa kanyang kamay. Huminga siya ng malalim at inilapit ang mic sa bibig saka ikinanta ang mga bagay na dapat niyang kantahin mula sa umpisa.

♪ ♫ This doesn't hurt

Nang ikanta ni Ces ang tatlong salitang ito, para bang nabunutan siya ng tinik mula sa kanyang puso.

♪ ♫ She said,

Huminga muli ng malalim si Ces at tumingin sa pwesto ni Lyle.

♪ ♫ I finally had enough!!

Napangiti si Lyric sa pagsigaw ni Ces. Ngumiti rin si Ces kahit ang lakas pa rin ng kabog ng kanyang dibdib.

 

♪ ♫ One day she will tell you that she has had enough
It's coming round again

Tumango si Lyric kay Ces and they both sang together. Unified. Blended well. Sobrang ganda.

♪ ♫ Do you feel like a man, when you push her around?

Isang linya pa lang ng kanta na sabay sila, nagsigawan at hiyawan ang mga tao. May mga tao ring nakisabay sa pagkanta nilang dalawa. It’s as if people around them is singing with them. . . para ipamukha kay Lyle ang lahat.

♪ ♫ Do you feel better now as she falls to the ground?
Well, I'll tell you my friend, one day this world's going to end
As your lies crumble down, a new life she has found

Tumayo si Lyle mula sa pagkakaupo at kaagad na umalis ng activity area. Lalong napangiti si Lyric sa nangyari at kahit si Ces, nakaramdam ng kaunting ginhawa.

♪ ♫ Face down in the dirt she says, This doesn't hurt
She says, I finally had enough

“THAT WAS A VERY HOT PERFORMANCE!”

Ang lakas ng hiyawan ng audience nang sumigaw ang MC. Naghihiyaw din sila Note at Melo. Kahit si Pitch ay nakangiti, ramdam na masaya sa nangyari.

“Ehem,” nakangiti si Melo na nakatingin kay Lyric at Ces. Ibinaba nito ang tingin sa kamay ng dalawa na magkahawak. “Isang kanta lang tapos. . .”

Agad-agad inilayo ng dalawa ang kamay sa isa't isa. Binatukan naman ni Lyric si Melo, “ewan ko sa'yo.”

Hindi naman tumigil si Melo sa panunukso ng dalawa habang nag-aayos ng gamit ang banda sa backstage. Nagulat naman si Ces nang marinig ang isang pamilyar na boses.

“Ang ganda ng performance niyo,” paglingon ng dalaga, nakita niya si Ash na papalapit sa kanya. “Oh wag ka na magsalita, baka mapagkamalan kang baliw.” Natawa naman ng kaunti si Ces. “Sige, may trabaho pa ako ulit. Balik ako mamaya.”

Wala pang ilang segundo, umalis muli si Ash.

* * *

Papunta sana si Ces sa CR nang madatnan niya si Lyle na nakatayo at naninigarilyo. Cool na cool itong nakasandal sa pader, parang nagmomodel lang ng damit. An epitome of perfection for a guy.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces. Alam niyang hindi pa siya totally moved on pero alam niyang papalapit na siya roon. Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal pero alam niyang kakayanin niyang mapigilan ito at mawawala rin kalaunan.

Pero once na marinig niya ang boses nito. . . nalulusaw siya muli.

“Princess,” mahinang pagtawag sa kanya ni Lyle. Hindi tumigil sa paglalakad si Ces. Tuloy-tuloy lang siya hanggang sa makaramdam siya ng hawak sa kanyang balikat. Tumaas ang lahat ng balahibo ng buhok ni Ces at napatigil sa paglalakad. “Alam mo bang nagsisisi ako?”

Naramdaman ni Ces ang paglapit ng mukha ni Lyric sa kanyang leeg. Nararamdaman niya ang paghinga ng binata, ang mainit na hangin na nanggaling dito. Hindi makatingin o makalingon si Ces sa likuran dahil natatakot siya kung gaano kalapit sa kanyang likuran ang binata ngunit hindi rin siya makalakad palayo.

“Nagsisisi akong hindi ko kaagad nasabi sa'yo 'yung gusto kong sabihin nung naaksidente ako,” napapikit si Ces. Naaamoy niya ang pabango ni Lyle at the same time ang sigarilyo na galing sa bibig nito. Oh that smell, how she missed it.

Anong gustong ipahiwatig ni Lyle? Ano ang gusto nitong sabihin? Nanghihina ang buong katawan ni Ces, hindi siya mapakali lalo na ang puso niya na halos maghingalo na.

“Sayang, dapat nakipagbreak ako kaagad sa'yo nun.”

Ces stiffened. Hindi na siya mapakali kaya inikot niya ang buong katawan para tingnan si Lyle. Nakangisi ito sa kanya.

“A-Ano?”

Ngumisi si Lyle. “Naging rockstar ka lang, nabingi ka na?” natatawa nitong sabi, emphasing the rockstar part.

Ces’ jaw clenched. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. Nung naaksidente si Lyle? Napakuyom ang mga kamay ni Ces. Hindi siya makapaniwala. . . all those time, the mystery of why Lyle wanted to meet her is because he wanted to break up with her. Take note that it's also her birthday that evening.

“I’d love to see your tears, 'yung magmamakaawa ka. Yung hahalikan mo mga paa ko,” nakangiting sabi ni Lyle. Nawala ang korona ng binata sa paningin ni Ces bilang isang prinsipe at napalitan ito ng sungay. Mapupula, matatayog at umuusok na sungay. “Ang sarap sanang makita 'yung iyak mo, 'yung pagsusumamo mo. Saya—”

“LYLE!”

Napaatras at lumayo si Lyle nang marinig nila ang sigaw ni Lyric. Lumapit kaagad si Lyric kay Ces at hinawakan ito sa braso para ilapit sa kanya at ilayo kay Lyle.

“Oh, knight in shining armor, wow. . .” nakangising sabi ni Lyle. “Ang gandang love story naman 'yan.”

Lumayo na si Lyle sa dalawa. Tinitigan lang ni Lyric ang papalayong si Lyle habang hindi mawala sa isip ni Ces ang mga sinabi sa kanya ng malademonyong lalaking iyon.

“Ces?” pagtatakang tanong ni Lyric sa kabanda.

“Naiirita ako. . .” mahinang sabi ni Ces.

Nanlaki ang mga mata ni Lyric nang marinig ang sinabi ni Ces. Hindi niya inaakala na mayroon pa lang parte sa buhay ni Ces para mairita. Ang akala kasi niya ay puro lungkot at ngiti lang ang kayang ibigay ng dalaga.

“Naaasar ako. . .” tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Ces. Nagulat si Lyric sa pag luha ng dalaga. Hindi na naman siya mapakali dahil hindi niya alam kung paano o anong gagawin kapag may umiiyak na babae. “Ang sakit, nakakainis. . .”

Huminga ng malalim si Lyric at hinawakan ang kamay ni Ces saka ito hinila. Napatingin si Ces sa kanyang kamay na hawak ni Lyric habang naglalakad. Hindi na naman mapakali ang kanyang puso. Nag iinit din ang kanyang pisngi na para bang may kung ano siyang nararamdaman.

“S-Saan tayo pupunta?”

“Basta.”

Pumasok sila sa activity area at umakyat sa isang maliit na kwarto na nasa may hagdanan. Pagpasok nila, namangha si Ces dahil ngayon lang niya nalaman na may ganito ang school nila. Mula sa kinatatayuan ay nakikita ni Ces mula sa bintana ang loob ng buong activity area. May mga buttons at machine rito, pati isang dalawang mic.

“A-Ano to?”

“Radio station ng school.” Lumapit si Lyric sa machine at may kung anu-anong pinindot hanggang sa mag-ilaw ang ON AIR.

“Bakit?”

“Sabihin mo gusto mong sabihin.”

Napakunot ang noo ni Ces, “hindi ba tayo papagalitan dito?”

Ngumiti si Lyric, “luluwag pakiramdam mo kapag inilabas mo lahat ng 'yan.”

“Kailangan naka on air? Pweden—” napatigil si Ces nang kumunot ang noo ni Lyric. Pinindot ni Lyric ang pulong buton at itipat ang bibig sa mic.

“Sound check, 1, 2, 3, check.” Napangiti si Lyric nang mapansin niyang napatingin ang mga tao na nasa activity area sa lugar nila. “Naririnig nila tayo. Ready ka na ba?” paglingon ni Lyric kay Ces, parang aatakihin na sa puso ang dalaga.

“A-Anong. . .”

“Sigaw.”

“Ha?”

“Sigaw,” pagpipilit ni Lyric kay Ces.

“P-Pero. . .”

“Walang kwenta si Lyle, hindi ba?”

Napatigil si Ces sa sinabi ni Lyric. They looked at each other’s eyes. Naghahamunan ngunit umiwas din ng tingin si Lyric. Huminga ito ng malalim at tumingin muli kay Ces, hindi nga lang concentrated sa mga mata nito.

“Paano niya malalaman na wala siyang kwenta kung walang magsasabi?”

“Kailangan bang naka air?”

Ngumiti ng malawak si Lyric, “revenge.”

Hindi alam ni Ces kung anong nangyari. Hindi niya alam kung paano siya napa-oo ni Lyric sa balak nito. Basta ang alam lang niya. . . nasigaw na niya ang lahat ng galit niya.

“WALA KANG KWENTA LYLE YUZON!”

* * *

Tumigil ang mga taong nakarinig sa malakas na pagsigaw ng isang babae mula sa radio station. Almost everybody, ang mga naglalakad sa ground, sa hallway, sa fast food at mga nakatambay kung saan-saan ay narinig ang announcement na ito. Ilang segundo lang ay ang iba, nabalik sa dating ginagawa pero karamihan ay nagtatanong kung sino ang sumigaw at bakit ito sinigaw.

Napatigil si Lyle sa pagtawa nang marinig niya ang pangalan niya sa radio announcement. Nagkatitigan ang mga populars pero natatawa naman si Kervin.

“Fuck off dude, gusto mong tanggalan kita ng bibig?!” iritableng sabi ni Lyle. Clenching his jaw habang nakakuyom ang mga kamao.

“Chillax. . .” marahan na sabi ni Kervin na lalong nagpaasar kay Lyric.

Kumunot ang noo ni Lyle. Chillax? How could he fucking chillax kung nakikita niya ang mga taong nakatingin sa kanya—eyeing him as if he’s a fucking asshole?!

* * *

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces habang ngiting ngiti naman si Lyric sa dalaga. “Ano, okay ba?”

Malalim ang paghugot ng paghinga ni Ces. Nanghihina rin ang kanyang mga tuhod. Ang bilis ng pagdaloy ng dugo sa kanyang mga ugat. She felt excited, very giddy. Ang sarap sa feeling.

Mabilis na tumango si Ces ngunit napatigil sila nang may sumigaw mula sa ibaba. Isang matandang lalaki.

“Hoy, anong ginagawa niyo d'yan? Trespassing kayo!”

Nagkatinginan sila Lyric at Ces. Nanlalaki ang mga mata ng dalawa habang nakangiti pa rin. Hinawakan kaagad ni Lyric ang kamay ng dalaga, “takbo!”

Kaagad na tumakbo ang dalawa palabas ng radio station at palabas ng activity area. Hindi na sila hinabol ng matanda nang makalabas sila sa area ngunit hindi sila tumigil sa pagtakbo. Tumakbo lang sila, natatawa, nakangiti na parang mga bata hanggang sa makarating sila sa parking lot ng school.

Pagkatigil nilang dalawa, nagkatinginan silang muli, hinihingal dahil sa tagal ng kanilang pagtakbo hanggang sa. . . sabay silang napangiti at tumawa.

“Oh, bakit tumatawa 'tong dalawa?” pagtataka ni Melo habang hawak hawak ang gitara papasok sa kotse. Nagkibit balikat lang si Note habang diretso lang si Pitch papasok ng kotse, not minding all of them dahil nagbabasa ito ng libro.

Tawa pa rin nang tawa si Lyric at Ces. Hindi sila makapaniwala—lalo na si Ces na magagawa niyang isigaw ang gusto niya sa tulong ng kapwa bokalista. It was so refreshing shouting it all. Parang sa pagsigaw na iyon, nawala ang lahat ng sakit na naramdaman niya. Kahit pagod sa kakatakbo at sobrang hinihingal, ang luwag pa rin sa pakiramdam. 

Sobrang sarap sa feeling. . . ang saya niya.

Sobrang saya ni Ces.

~ ~ ~

Author's Note:
Sorry for ze typos and stuff. Hindi madalas mag edit eh. :))

Sa sobrang deep (lels) at bigat ng story feeling ko hindi ko nabigyan ng justice 'yung pagkasaya ni Ces. Sakto na ba 'to? Huhuhu (nawawalan na ako ng tiwala sa happy thoughts ko) anywaaay, 2k reads, 200 votes at 91 comments in 6 days? COOL! Sobrang cool talaga, nakakakilig! Thanks guys!

This chapter is dedicated to J/ Jhe / JH or penatic dahil sobraaang natouch ako sa comment niya last chapter. As in nung nabasa ko 'yun, nakangiti lang ako. Last chapter kasi feeling ko parang wala lang na chapter pero akalain mong may napasaya ako dahil doon? Pinaka tumatak sa akin 'yung sinabi niyang. . .

"The reason I didn't cry in times of her pain and sadness is because pain and sadness is everywhere. Lahat ng tao nakakaramdam ng matinding lungkot at sakit. Pero hindi lahat ng tao nakakaramdam ng genuine happiness. And seeing Ces this contented and happy, is I think enough reason for a person to cry. "

Saraaaap sa feeling! Hahahah thank you penatic sa pagbabasa ng story ko at pahug nga! Ankyot kasi eh ahihihi salamat dahil masaya kang masaya na si Ces ♥ Read her comment, external link.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top