32 // Yuzon's Wound

"Some wounds run too deep for the healing." 
— J.K. Rowling


~ ~ ~

Nanginginig ang buong katawan ni Ces hanggang sa magtama ang tingin nila ng lalaking pumatay sa dati niyang pagkatao. The smile on Lyle’s face vanished—his body stiffened as he look at the stage and saw. . . them.

All of them.

Ces tried to sing, ignoring Lyle pero hindi niya magawa. It’s as if nagpapapansin ang binata sa kanya lalo na nang lumapit ito sa stage with a smirk plastered in his face. Napansin ni Ces na napatigil din ng kaunti si Lyric, nakatingin kay Lyle at sa mga populars na nakasunod sa binata.

Nanlalamig ang buong kamay ni Ces, ang bilis ng tibok ng puso niya at para bang nagwawala na ito—parang gusto na kumawala. Hindi siya ready para makita si Lyle ngayon, hindi siya ready—hindi pa. Nang tumingin si Ces kanila Marla—her so-called friends last time, hindi maipinta ang mga mukha nito, lalo na ni Kervin. Nanlalaki ang mga mata nila, halos ngumanga na nang makita ang pagbabago ni Ces.

But then, Lyle’s smirk didn't changed.

Titig na titig siya kay Ces—hindi malaman ni Ces kung nang aasar ba ito o may gustong sabihin. Lumapit si Lyric sa kanya at hinawakan siya sa likuran niya. She looked at Lyric while they sing, mayroong something sa mga mata ng binata na parang nakikiusap.

Huwag.

Pero anong huwag?

♪♫ You re-wre-eck me. . .

That was the last line of the song and right there and then, naintindihan niya ang pakiusap ng kapwa bokalista

Naramdaman niya ang mga luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Kaagad siyang hinawakan ni Lyric sa braso at inaya papunta sa backstage kung saan natutulog doon si Melo, humihilik pa. Pinapahid ni Ces ang kamay sa mga luha sa pisngi.

“Bakit, anong nangyari?” Note asked as he entered the backstage. Tumingin ito kay Ces at lumapit, “Hala Lyric, pinaiyak mo na naman si Ces?!”

“S-Sorry. . . mag CR lang ako.”

But that was a mistake for Ces—pagkapasok niya sa CR, she saw Marla and the girls fixing their faces—este fixing their make ups. Aalis na sana si Ces pero narinig na niya ang boses ng mga ito.

“Oh look, Ces is here,” nakangiting sabi ni Marla. Sabay sabay silang tumingin kay Ces as she stiffened.

Naramdaman ni Ces ang paglapit sa kanya ng mga babaeng ito. Pinalibutan siya.

“So pagkatapos sa amin, MyuSick naman?” nakangiting sabi ni Cheka.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces. Nakayuko lang siya, parang dati lang . . parang dating pag uusap lang ng mga 'yon. Parang dati na kinakayan-kayanan siya, parang dati. . . na nagpapatunay na hindi pa siya malakas ngayon.

Tumawa ang mga babaeng nakapalibot. “Have you seen the vocalist’s face? Mukhang may nabiktima na ang ating prinsesa,” mapang asar na sabi ni Elisse.

Marla, Cheka and Elisse smirked as Marla held Ces’ face to meet their accusing eyes.

“You look like an angel outside pero impyerno na 'yang loob mo sa sobrang pagtatago ng kulo. Ilabas na 'yan, Ces. . .” Marla whispered habang palabas ng CR, still looking straight at Ces’ eyes. Tumawa naman sila Cheka at Elisse palabas—leaving Ces alone.

Bumigat muli ang puso ni Ces, para bang may kung anong dalahin siyang mas bumigat pa kaysa rati. Akala ba niya, okay na siya? Bakit ang appearance ng mga iyon makes her knees weak. Make her heart beats fast—para siyang pinapatay.

Nang lumabas siya, narinig niya ang isang kanta na nagpeplay—no bands, just music but then, habang papalapit siya sa backstage, napansin niya sa ibaba ng stage si Manager Lily and Lyle, facing each other.

♪♫ Surrounded by friends.
They're just feeding arrogance.

“--you’re acting like a douche!” Lily shouted. Lumapit si Note kay Manager Lily para hawakan sa braso at patigilin pero mukhang nakakaroon ng heated conversation ang magkapatid.

♪♫ You're losing sight.
Didn't even notice that you've been alone all night.

Lyle faked a laugh. Sobrang lakas na tila ba mas narinig na ito kaysa sa kanta ng buong bar. Everyone stopped and looked at Lyle and Lily, talking—or arguing.

♪♫ Like they really care.
But you know they won't be there

“Ako ba talaga, ate?” Lyle asked, emphasising the last word. “Tandaan mo ginawa mo sa akin.” Lumapit si Lyle kay Lily, halos isang dangkal na lang ang layo sa isa't isa. Tumingala si Lily, tinitigan sa mga mata ang kapatid.

♪♫ To see you through.
They just take advantage of the better part of you.

“Wow,” Lily mocked her brother’s laugh, mas mahina lang. “I can't believe it, the Lyle Yuzon, hindi makamove on kahit two years ago na nakaraan?” Lily smirked.

♪♫ You don't know, you don't know,
What you're saying half the time.

Lyle’s face stiffened and then narrowed his eyes. Kumukulo ang dugo niya. His sister really annoys him, he hated her. He loathed her.

♪♫ You're in love, you're in love
With the sound of your own voice.

“Hindi ako nakakalimot, lalo na kung sarili kong ate ang gumawa sa akin nun,” matigas na sabi ni Lyle, looking straight at Lily’s eyes. Full of hate. Anger . . . and grief?

♪♫ Take it all, take it all
I don't need this anymore.

Nanlaki ang mga mata ni Lily. Beads of sweats started running to her body. Hindi niya inaakalang hanggang ngayon, ganito pa rin ang kapatid niya. Napaatras ito ng kaunti at iniwas ang tingin sa kapatid. “This conversation is useless,” pag-irap ng Manager. “MyuSick, tara na.”

♪ ♫ Go away, go away
You're not as special as you think you are.

Sumunod naman ang MyuSick sa sinabi ng Manager. Nilagpasan ni Manager Lily si Lyle, not looking at her brother. Sumunod sila Melo at Note na parang hindi na alam kung anong nangyayari. Nagulat naman si Ces nang hawakan siya ni Lyric sa braso at sinabayan sa paglalakad.

♪♫ Motivated by greed.
What a shallow life to lead.

Bago pa makalagpas sila Ces at Lyric, hinarangan ni Lyle ang dalawa and plastered his smirk. Mapang asar, mapang akusa, nang gagago. Tiningnan ng binata si Ces at Lyric, from head, to toe then back to their faces.

♪♫ It must be nice
getting what you want every time you roll the dice.

“Nakakatawa naman,” tumawa ng kaunti si Lyle pero imbis na tawa na masaya, tawa ito na parang nang gagago. “Ang dalawa kong pinagsawaan, nagsama.”

♪♫ I'm losing respect
'cause I know you're second best

Napansin ni Ces na magkatitigan sila Lyric at Lyle. Napayuko siya nang tiningnan siya ni Lyle na may ngisi pa rin sa labi.

♪♫ at being you.
In the middle of it all like you've got a lot to prove.

“Tara na,” mahinang bulong ni Lyric sa dalaga. Nilagpasan nila si Lyle pero napatigil si Ces sa paglalakad nang marinig niya ang pamilyar na boses na tinawag siya.

♪♫ You don't know, you don't know,
What you're saying half the time.

“Princess. . .”

♪♫ You're in love, you're in love
With the sound of your own voice. 

Halos manghina si Ces nang marinig niya ang boses ni Lyle na tinawag siyang Princess. Lahat lahat ng nangyari sa kanila, went straight back to Ces' mind—to her heart. There’s a little pang inside her chest. Bumalik ang sakit at kirot sa kanyang puso. Sa bawat bilis na pagtibok nito, para bang imbis na dugo ang pinapakawalan ng kanyang puso, puro sakit at hinagpis—running through her vains.

♪♫ Take it all, take it all
I don't need this anymore.

Napahawak si Ces sa kanyang dibdib at naramdaman na naman niya ang simbolo ng kalungkutan niya. Ang pilat kung saan nakalagay ang lahat ng sakit ng nararamdaman niya.

♪♫ Go away, go away
You're not as special as you think you are. 

It’s funny. . . dahil lahat ng sakit, hinagpis at kirot ng kanyang nakaraan, pinapapaalala ng isang simbolong malapit sa kanyang puso. Walang kawala. Para siyang pinapatay.

Paglingon niya kay Lyle, her knees weakened. Nakatingin sa kanya ang mga mata ni Lyle at nakangisi ang binata. Isang ngisi na nagsasabing. . . gago talaga si Lyle.

Maling-mali ang paglingon ni Ces. When she responded to Lyle's call. . . alam na kaagad ni Lyle.

Nasa kanya pa rin ang puso ng dalaga.

* * *

“Drummer siya ng banda bago si Pitch,” Lyric started when the MyuSick went home—without Pitch. Mukhang busy pa si Pitch sa sarili nitong issue sa buhay.

“Ng MyuSick?”

Lyric smiled faintly, “mag kaibigan kami. . . noon.”

Napatigil si Ces sa sinabi ni Lyric. Hindi naman na nagulat sila Note at Melo dahil alam na nila ito—sila ang original MyuSick. Lyric, Note, Melo and Lyle—at Manager nila si Lily.

“Pa—An—” Ces wanted to say something, ask everything pero wala ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. She remembered Lyle—ang mga mata ni Lyle sa tuwing makikita ang MyuSick. Ang pangangantyaw ng buong populars kay Lyle sa tuwing nand'yan ang MyuSick.

“I kicked him out, kung ang tanong mo anong nangyari,” Manager Lily went out of her haven and joined the band in the living room.

Tiningnan ni Ces ang mukha ng mga kasama sa living room. Lahat ay seryoso, lahat. . . may tinatago. So this matter is serious to them, para bang. . . napaka sensitive ng usapan nila.

“Ha? Manager, hindi ba—” Note was cut off by Manager Lily.

“Hindi siya nag quit, pinaalis ko siya,” diretsong sabi nito.

Napataas ang kilay nila Melo at Note sa narinig. Hindi nila alam na ang kabanda nila rati na si Lyle ay pinaalis ng Manager. All along, ang alam lang nila ay nagquit si Lyle—hindi na raw niya matiis ang MyuSick.

“Anong sinasabi mo Manager? Akala ko ba ayaw na niya?” Melo asked.

“Ayaw na niya?” natawa ng kaunti si Manager Lily as if she heard a silly joke. “He wanted it. . . he wanted more.”

Gusto pa sana magtanong nila Melo sa Manager kung anong ibig sabihin ng sinabi nito ngunit umalis na si Lily. Umakyat ito papunta sa taas, papunta sa roof top. Ces remembered Lily saying na pumunta si Manager Lily sa rooftop para magrelax.

So Lyle’s case is stressful for her?

* * *

Lyle hunted Lily’s mind—hindi umaalis si Lyle, ang mga sigaw nito when that certain night happened. Bumabagal ang pagtibok ng puso ng Manager, ang kanyang paghinga ay bumibigat na tila ba pasan nito ang buong mundo.

Nakakatawa lang. . . sinabihan niya ang kapatid niya tungkol sa pag mumove on pero siya mismo, hindi makausad.

“Manager?”

Agad pinunas ni Lily ang kanyang palad sa mukha para mawala ang mga luhang tumulo mula sa kanyang mukha. She plastered her look--'yung tingin na nakakatakot, 'yung tingin na walang problema then she looked at Ces who walked towards her with a smile.

“O-Okay lang po kung umiyak kayo,” sabi ng dalaga without looking at the Manager. Lily smirked.

“Anong pinagsasasabi mo? Matulog ka na, may reco—”

“Minahal ko ng sobra si Lyle,” pagsimula ni Ces.

Napatigil si Lily at tiningnan ang dalagang nasa tabi niya na nakatingin sa mga mumunting kumikinang na mga ilaw na nasa malayo. Tumaas ang kilay ni Lily, nagtataka kung bakit sinasabi ito ni Ces.

“Sobra pa sa sobra." She said, remembering everything. . . "Hindi kasi siya mahirap mahalin,” patuloy ng dalaga.

“What are you trying to imply?”

Ngumiti si Ces at tiningnan si Lily. Nagulat ang Manager nang makita niya ang pangingintab ng mga mata ng dalaga, malapit nang tumulo ang mga luha.

“Na alam kong tulad ko,” mahinang sabi ni Ces. “Nasasaktan ka rin dahil sa kanya.”

Kumunot ang noo ni Lily sa sinabi ng dalaga. Hindi niya inaakala na kay Ces manggagaling ito. Of all people, ang babaeng nasa harapan niya ang magsasabi na nasasaktan siya—of all people, si Ces pa na alam niyang mahina inside and out.

Napapikit si Lily and remembered that night—hindi naman siya nahirapan alalahanin ito dahil pinapatay siya ng senaryong ito tuwing gabi o tuwing mag isa. Lily is not that strong. . . lahat ng tao, mukha lang matibay, mukhang malakas—pero deep inside everybody, laging may sakit.

Laging may kahinaan.

“I hate him,” diretsong sabi ni Manager Lily. “that son of a—magkapatid nga pala kami,” natatawang kumento ni Lily. Tumatawa siya and yet, Ces could see hurt in her eyes.

“Manager. . .”

“He was blinded by greed, power and money. Nung magpapakasal dapat sila ni Keng, hindi siya umayaw dahil natatakot siyang mawalan ng pera at itakwil ng tatay namin. Kailangan ko pang tulungan si Keng para manindigan,” tuloy tuloy na kwento ni Manager. “I knew from the start that Keng and Pitch were together but that Lyle,” she paused. “mag best friend sila simula pagkabata and yet, hindi niya pinagbigyan si Keng.”

Hindi malaman ni Ces kung anong dapat sabihin. She was stunned. Nagugulat siya sa kung gaano kaliit ang mundo para magdugtong dugtong ang lahat ng pangyayari.

“Kailangan ko pang tulungan si Keng, imagine? Me and Keng were not close and yet. . . ako pa ang tumulong sa kanya.” Bumuntong hininga si Manager Lily and continued, “then his issue with Lyric came. He wants attention. Naiinis siya kung bakit si Lyric ang vocalist. He wanted Lyric out.”

Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig. Tumingin siya kay Lily at lalo siyang nagulat nang unti-unti nang tumulo ang mga luha ng Manager. Tahimik lang sila, walang nagsasalita. Hindi pinilit ni Ces ang Manager para magkwento. After all, it’s a secret of Manager Lily. They were silent. Walang ingay. Walang nagsasalita. . .

“Bakit ayaw mo siyang paalisin?!” Lyle shouted. He was so frustrated dahil hindi ito nakasali sa battle of the bands dahil pinagbawalan siya ni Lily. Nagulat na lamang si Lyle nang makita niya sa stage na kumakanta na ang MyuSick, with a new drummer, without him.

He felt betrayed by his sister and his only best friend. Of all people, hindi niya inaakalang ang best friend niya at ang ate niya ang gagawa ng paraan para masaktan siya ng ganito.

 

“You know I can't do that—”

 

“Ako o si Lyric?” mataman ang tingin ni Lyle sa kanyang ate. They were at their haven—it was not Lily’s, it was theirs. Sa kanilang magkapatid.

 

Lily’s eyes narrowed, “don't do this to me Lyle. Masasaktan ka lang sa isasagot ko.”

 

“Putangina!” Halos wasakin na ni Lyle ang buong haven nila ng kanyang ate. Binato niya ang ilang papel at gamit sa loob. Sinuntok niya ang pader na nasa tabi. “Magsama kayo ng Lyric na 'yan! Mas bagay kayong magkapatid, walang kwenta!” Malakas ang pagkakasara ni Lyle sa pintuan ng haven palabas rito, palabas sa bahay ng MyuSick at palabas ng buhay ni Lily.

 

Palabas sa buhay nilang lahat.

 

Nakatingin lang si Lily sa pintuan na kakasara lang ng kapatid. Naupo na lamang siya sa upuan dahil sa panghihina ng kanyang katawan at pakiramdam. Ipinatong niya ang kanyang braso sa lamesa and massaged her forehead. . . then all of a sudden, tears started flowing from her eyes remembering her and her father’s talk about Lyle.

 

 

“I want him out of that band!”

 “But dad, he likes—”

 “Do I look like I care? Aalisin ko ang mana niya kapag nagpatuloy pa siy—”

 “Just like what you’ve done to me?”

 “Don’t use that tone to me, you’re just my daughter!”

 “I'm not your daughter, matagal mo na akong tinakwil.”

 

 

Walang nagawa si Lily. . . ayaw niyang maramdaman ng kapatid ang naramdaman niya dahil sa kanilang tatay. He was too young to experience the wrath of his dad—pero nagulat din siya sa inaakto ng kapatid.

 

Lyle became a spoiled ass.

 

Right there and then, pagkatapos niyang paalisin si Lyle sa banda. . . kahit pa mahal na mahal niya ang musika at pagkanta, she promised herself. Sacrificed her love of music.

 

“I won't sing again. . . just for him. As long as he’s in pain, I won't sing.”

 

 

“Nakakatoxic ang kayaman. . .” mahinang sabi ng Manager out of the blue. Napatingin sa kanya si Ces, tears are still flowing from her eyes. Ces smiled at her. Natigilan si Lily sa mga ngiti ni Ces. It was genuine alright. . . but it was also in pain.

“Nakakatoxic maging malungkot,” bulong ni Ces.

Lily was bewildered by what Ces said. May pinapahiwatig si Ces and yet, hindi niya ito dinidiretso.

“I hate this conversation,” pinunas muli ni Lily ang kanyang kamay sa mukha. Inaalis ang bawat luhang dumaloy sa kanyang pisngi. She looked at Ces, staring at nowhere. “This talk never happened, naintindihan mo?”

Tumango si Ces and started to walk. Papasok na sana siya sa bahay nang tawagin ni Manager Lily ang kanyang pangalan. Paglingon ng dalaga, napanganga siya ng kaunti nang makita niya ang ngiti ng Manager. It was so serene, malayong malayo sa mga ngiti nito na pilit. Ngayon, ang nakikita ni Ces ay ang totoong ngiti ni Lily—with a little pain with it. Hindi man niya alam kung ano talaga ang dahilan nito, alam pa rin niyang may tinatago pa rin ang Manager.

Pero wala siyang magagawa rito. . . kahit naman siya ay may tinatago ring sakit.

“My brother’s a jerk, he won't do any good to you.”

Ces smiled weakly, “mawawala rin po ito," hinawakan ni Ces ang pilat niya. Alam niyang mawawala rin ang sakit. Ang lahat ng sakit na naranasan niya, “sa tulong niyo, ng MyuSick.”

~ ~ ~

Author's Note:
Ugh, too much sadness. Nakakaloko. Baka hindi ko nabigyan ng justice yung sadness ni Manager Lily hahahaha! Aalisin ko na ang masyadong lungkot, jusko. Kailangan natin magsaya!! Salamat sa pagbabasa~ :D

Dedicated to siomailab. . .todo support kasi siya tapos ang haba ng comments niya at talaga namang mapapansin mong affected siya sa hindi pagmumove on ni Ces (Ehem, pinaparinggan din ang sarili? Ahihihi) thank you sa pagbabasa at paghihintay ng updates ng TTLS! Parang hindi ka ata nawala sa comment box ever, wala lang ahihihi thank you ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top