3 // Cliché-st of Clichés
"It is a cliche that most cliches are true, but then like most cliches, that cliche is untrue."
— Stephen Fry
~ ~ ~
Ang cliché.
Ito ang naiisip ni Ces sa tuwing naaalala niyang nagkagusto siya kay Lyle niya. Ang cliché, masyadong gasgas—gamit na gamit na. Ang isang simpleng babae, magkakagusto sa isang lalaki na hindi mo masasabihan ng “simple” at masakit sa part ni Ces 'yun dahil “langit ka, lupa ako” ang peg ng kuwento niya.
For the nth time, bumuntong-hininga siya.
“Pang-fourty eight mo nang buntong-hininga 'yan,” nakangising sabi ni Marky kay Ces habang inaayos ang mga display nilang cake sa stand.
It's been four months since then. Matagal? Sobra.
Natapos na ang preliminary at midterm exams nila at nakuha na rin ni Ces ang result. Hindi na siya nagulat na siya lang ang nakakuha ng maganda at mataas na grade sa klase nila. Hindi naman kasi talaga nag-aaral ang mga kaklase niya.
Malapit na rin silang magbakasyon. Magpa-finals na next week pero hindi na ulit siya napansin ni Lyle. Kilala pa rin kaya siya nito? Alam pa rin ba ng binata ang existence ng isang Ces?
“Bakit ka ba nagbubuntong-hininga d'yan?” Tumigil sa pag-aayos si Marky at hinarap si Ces na nakatayo lang sa harap ng cash register.
Wala silang customers ngayon. Hindi sila masyadong dinadayo dahil wala namang special events na nangyayari. Ganito katumal ang cake shop. Kapag Valentines at Christmas lang madalas busy pero kung ordinary day, paisa-isa lang. Minsan nga, tumitingin lang 'yung mga tao, hindi naman bumibili.
“May bago na naman kasi ulit si Lyle ko. . .”
Natawa si Marky sa sinabi ni Ces. “So ano, inaangkin mo na si Lyle ngayon?”
Sumimangot si Ces na siyang nagpa-amuse rito kay Marky. Hindi naman kasi palasimangot itong si Ces. Kung hindi poker face ay faint smile lang ang makikita sa mukha ng dalaga at nakakatuwang malaman na napapasimangot si Ces dahil lang sa may bago na naman ang Lyle niya.
“Sabi ko naman kasi sa'yo, Casanova Prince 'yun, e,” pagpapaalala ni Marky kay Ces.
“Pero kasi, sa four months na nakaraan, apat na babae rin 'yung naging girlfriend niya.”
“One month rule. Akala ko ba, stalker ka ni Lyle mo?” tanong ni Marky na ine-emphasize pa ang word na “mo”. Nagtaka naman si Ces dito. “Naka-post ang one month rule niya sa ibang blogs na nagki-'critic' sa kanya. One girl, one month,” patuloy nito.
“One month, one girl?”
“Paulit-ulit lang? Motto 'yan ng The Lyle Yuzon mo, Ces,” pagpapaliwanag ni Marky. Magre-react pa sana ulit si Ces pero biglang dumating ang manager nila kaya naman napilitan silang magtrabaho sa cake shop.
Hindi nawala sa isip ni Ces ang sinabi ni Marky na “one month, one girl” ang motto ng Lyle niya. Alam naman niyang malayo na magkausap ulit sila ni Lyle pero kasi, parang na-disappoint siya? Na sana, sana—hindi na lang naging playboy si Lyle.
Gusto niyang alamin kung ano’ng dahilan ni Lyle para maging isang playboy. Alam niyang wala siyang karapatan. Sino ba siya kay Lyle? Isa siyang nobody—hindi, para nga siyang hangin e: hindi na nakikita—wait, hindi rin pala siya nararamdaman ni Lyle so, ano siya?
Non-existent specie sa mundo ni Lyle.
And again, napabuntong-hininga ulit siya.
* * *
“Let's give a round of applause to Ms. Pauline Flores for having the highest mark in our final examination!” pag-a-announce ni Miss A na master of ceremony ngayon sa semestral ender program nila. Nagpalakpakan ang lahat ng estudyante kahit na bored na bored silang lahat sa nangyayari.
Kinakabahang umakyat ng stage si Ces at tinanggap ang certificate, to her surprise—not. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na grade sa buong college nila. Hindi naman matalino si Ces; nagkataon lang na hindi nag-aaral ang iba kaya nagmumukha siyang matalino.
Pagkababa niya ng stage, biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makita niya si Lyle kasama ang grupo nito. Nakatingin ito sa kanya at pumapalakpak pa rin, nakangiti pa.
Hindi siya makatingin nang maayos kaya yumuko na lang siya at dumiretso sa upuan niya. Bakit nga ba siya kinakabahan? Siguro kasi nakita niyang nakangiti si Lyle—at nakatingin sa kanya? Hindi man para sa kanya 'yun ay ayos lang. At least nakangiti ito at pumapalakpak.
Pagkaupo niya sa kanyang upuan ay unti-unti siyang napangiti. . . At least ngayon, alam na niya: nakikita siya ni Lyle. Masaya nga siguro maging matalino, kasi umaakyat sa stage at nakikita ng lahat—pero para sa kanya, kay Ces, masaya na siya dahil nakita siya ni Lyle, na alam niya na alam ni Lyle na kahit papaano, may Ces palang nabubuhay sa mundo.
“And to end our semester, let's all welcome our favorite band—MyuSick!”
Nagulat si Ces sa biglang reaksyon ng mga tao. Napatingin siya sa paligid dahil ang daming tumitiling mga babae at mga binabae. Pagtingin niya sa parte kung saan nakaupo si Lyle, straight face lang ito.
♫ ♪ I got your picture
I'm coming with you
Dear Maria, count me in
There's a story at the bottom of this bottle
And I'm the pen
Lalong lumakas ang sigawan ng mga babae sa loob; dumami rin ang nagpalakpakan. Pagtingin ni Ces sa stage, wala naman ang vocalist doon pero nakatambay lang ang drummer.
From the backstage, dumating ang iba pang nasa banda. Ang lead guitarist ay nagsimulang gumawa ng mahika gamit ang instrumento niya kasama ang drummer na may sariling mundo sa pagpalo ng stick.
Ang astig nila, ‘yun ang naisip agad ni Ces.
It was the first time for her to see a live band playing. Dumating na rin ang vocalist at lalong nagsigawan ang mga tao. Naging wild ang lahat, nakikisabay sa ingay na ginagawa ng mga musical instruments na pinapatugtog ng banda.
♫ ♪ When the lights go off
I wanna watch the way you
Take the stage by storm
The way you wrap those boys around your finger
Ngayon lang niya napagtantong hindi lang pala sports ang nakakabighani sa mga “fan girls”. Mayro’n din nga pa lang mahihilig sa mga banda. Napansin ni Ces na tahimik lang si Lyle at mukhang nakakaramdam siya ng discomfort.
Magaling sa magaling ang banda. Kinabibilangan ng apat na lalaki na hindi kilala ni Ces. Ni hindi nga niya alam kung bakit maraming sumisigaw para sa mga ito. Okay, sige. . . guwapo ang apat na ito pero kung tatanungin si Ces, walang makakatalo sa kanyang Lyle.
♫ ♪ Go on and play the leader
'Cause you know it's what you're good at
The low road for the fast track
Make every second last
“OMAYGAHD, MARRY ME, LYRIC!”
“Kya, Melo! Ang guwapo-guwapo mong mag-guitar!”
“Pitch, ako na lang paluin mo, huwag na 'yung drums!”
“Buntis ako, Note, ikaw ama!”
Everyone’s shouting—masayang masaya sila. Ito yata ang first time na nakita ni Ces na halos nagkakaisa ang mga ka-schoolmate niya. Maging ang mga lalaki nga ay nag-e-enjoy rin puwera na lamang sa isa—si Lyle
♫ ♪ ‘Cause I got your picture
I'm coming with you
Dear Maria, count me in
There's a story at the bottom of this bottle
Napatitig siya nang tumayo ito at naglakad palabas ng activity area. Napansin din niya na ang mga kaibigan ni Lyle ay nagtataka. Sa hindi malamang kadahilanan, napatayo rin siya at unti-unting. . . sinundan si Lyle.
Napansin niyang tumigil ang binata pagkalabas ng school at nagsindi ng sigarilyo. Napasimangot siya sa nakita. Ayaw niya kasi ang amoy nito pati na ang epekto nito sa katawan. Ayaw niya ng sigarilyo as is pero bakit ngayon na nakikita niya si Lyle na naninigarilyo, ang sarap tingnan?
Hindi siya malapit kay Lyle pero hindi rin naman siya ganoon kalayo. Tinititigan lang niya si Lyle—kung paano ito nagsindi, hinithit ang stick ng sigarilyo at kung paano nito ibinuga ang usok. It was so. . . hot.
Ang sarap tingnan, ang sarap pagmasdan at ang sarap. . . lumapit.
It was almost a minute nang ma-realize niya, bakit nga ba niya sinundan si Lyle? Agad-agad siyang naglakad pabalik sa activity area nang bigla na lang. . .
“Huy.”
Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig niya ang boses ng lalaking 'yun. It was so manly, ang sarap pakinggan na para bang kinikiliti ang pandinig niya—pero hindi naman para sa kanya 'yun, e.
“Huy, pansinin mo ako.”
Napapikit si Ces. . . Bakit parang palapit nang palapit ang boses ni Lyle? Nananaginip ba siya nang gising? Hindi niya tuloy alam kung panaginip ba ‘to o hindi pero halos mahimatay na siya nang makaamoy siya ng amoy ng sigarilyo at bigla na lang, may humawak sa balikat niya.
“Teka.” Napatigil na si Ces sa paglalakad at paglingon niya, pakiramdam niya ay nananaginip siya. Right in front of her ay ang lalaking inii-stalk niya for the past six months. Nakangiti ito sa kanya, ang perpekto ng mukha—parang aparisyon. “Puwede mo ba akong samahan dito?”
Sobrang gasgas na pero kung ganito naman ang mangyayari sa isang cliché story?
Masaya na si Ces dito.
~ ~ ~
Author's Note:
When you expect, you'll get disappointed so. . . don't expect! Maraming thank you sa mga nagbabasa at lalo na sa mga nagkocomment. Masaya akong kahit papaano ay may nagbabasa ng TTLS :">
Dedicated to Roma. . . nakakatuwa na nakasama ang Love's Limit sa reading list niya na kinoconsist ng mga sikat na story--anong panama ng LL d'yan o TTLS?! Hahahaha thank you sa paghihintay, sana ay hindi kita madisappoint. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top