29 // Whirlwind Melody

"That deep silence has a melody of its own, a sweetness unknown amid the harsh discords of the world's sounds."
— Paul Brunton

 

~ ~ ~

MYUSICK REVEALED THEIR FEMALE VOCALIST, CES!

Kaliwa't kanan ang labas ng mga balita—internationally—patungkol sa bandang MyuSick revealing their very own female vocalist. Hindi magkanda-ugaga ang mga paparazzi upang makakuha ng magandang shot kay Ces para ibenta sa mga newspapers.

Pagdilat ng mga mata ng dalaga, napatitig siya sa puting kisame na isang linggo na niyang nakakatitigan sa tuwing gumigising siya sa napaka lambot na kama niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala. . . lahat ng mga nangyari, parang panaginip.

Pumikit siya at pinakiramdaman ang buong katahimikan ng paligid. Hindi na niya naririnig ang maiingay na kotse sa ibaba—wala nang kumakatok sa kanya para pagbayarin ng renta. Wala na ang lahat ng sakit at pasakit, napalitan pa ito ng sobrang lambot at napaka kumportableng higaan.

May isa lang siyang hindi makalimutan kahit isang linggo na ang nakaraan. . . ang pagngiti sa kanya ni Lyric.

Hindi na ito naulit muli—tila naging mas malayo ang binata sa kanya pagkatapos. Walang imikan at kaunting tinginan na lang ang nangyayari. Magulo pero hindi na lang ito pinapansin ni Ces. Iniisip na baka ngayon lang iyon, nahihiya lang siguro sila sa isa't isa.

Tumunog ang kanyang cellphone na bagong bili ni Manager Lily, touch screen. Hindi man sanay, binuksan ng dalaga ang text ng isang unknown number.

HOY CES ANG LAKAS MO ATANG MAGBAKASYON? NAG FILE KA BA NG LEAVE? PESTE, BUMALIK KA RITO SA CAKE SHOP!

Napangiti siya at kamuntikan nang matawa sa nabasa. Agad niyang sinave ang number na ito at pingalanan na Keng. Kung paano nalaman ni Keng ang number niya, hindi rin niya alam.

Isang linggo na rin ang nakakaraan simula nang ipakilala siya sa mundo bilang vocalist ng banda—ang pinagtataka lang niya ay hindi mga Pilipino ang sobrang nagwelcome sa kanya kung hindi mga taga ibang bansa.

Itinanong ni Ces kay Manager Lily ang dahilan kung bakit puro taga ibang bansa ang fanbase ng MyuSick—kakaunti lang ang mga Pilipino, more on English people at American.

Mapait na ngiti ang ibinigay sa kanya ng Manager at sinabi ang pangungusap na tumagos sa kanyang puso.

"Most of Filipinos idolize other countries which is kind of weird that the other countries idolize us, Filipinos," malungkot na sabi ng manager. "Hindi tayo marunong tumangkilik ng sariling atin kaya minsan, minamaliit tayo ng iba."

* * *

Tuwing umaga, at six, hindi pupwedeng hindi magbreakfast ng sabay sabay ang buong banda. Hindi pwedeng hindi sumabay unless there is an emergency pero kung wala, THEY MUST EAT BREAKFAST TOGETHER.

Ito rin ang tinatawag ni Manager Lily na "sit back, relax and talk" na sobrang ironic dahil laging wala si Manager Lily tuwing breakfast. She's very busy talking to people—siguro nga ay ganoon kabusy ang mga manager ng isang banda.

Just like now, pagkarating ni Ces sa dining area, ang nakita lang niya ay si Melo at Pitch na kumakain. Si Note ay nasa living area, nakahiga at humihilik sa sofa.

Napangiti si Melo nang makita si Ces, "Good Morning Ces!"

Binati niya pabalik ang binata at naupo sa tabi nito. Pwesto na niya ito simula nang makarating siya rito sa bahay. Kumuha siya ng toasted bread at napatingin kay Pitch na nakatingin sa kanya with bored look.

Naiilang pa rin talaga siya kay Pitch—lalo na kay Lyric na naging mailap sa kanya lalo. There's something sa dalawang ito na nakakapagtaka dahil kinakausap naman ng dalawa sila Melo at Note ngunit mailap sa kanya.

Si Melo lang ang nag iingay sa loob ng dining area, kwento rito at kwento roon—nakikinig lang si Ces ngunit obvious na hindi interesado si Pitch. Ilang minuto ang nakaraan, nakarinig sila ng ingay mula sa living room.

"Aahh ano ba, 'wag mo ako gisingin!" boses ni Note. "Ano ba, oy!"

May kalabog silang narinig at ilang segundo lang, pumasok sa loob si Note nang hawak hawak ang ulo kasunod si Lyric na ngiting ngiti. Nag asaran pa sila bago maupo sa kanilang pwesto—si Note sa tapat ni Ces at si Lyric sa tabi ni Pitch na katabi ni Note.

"Uy Ces, ganda mo ngayon ah!" nakangiting bati ni Note sa dalaga.

Naramdaman ni Ces ang pag init ng kanyang pisngi sa sinabi ng lalaki—kahit ilang beses na ito sinasabi ni Note, hindi pa rin niya maiwasan mahiya.

"Note, hinay hinay sa pambobola," umiiling na sabi ni Melo at tumingin kay Ces, "baka maniwala 'to!" sabay tawa nang malakas.

Napanganga ng kaunti si Ces—trip na trip talaga siya ni Melo, inaasar siya pero natutuwa rin sa pinagsasasabi ni Melo.

Nag patuloy lang sila sa pagkain, nagkukwentuhan sila Note at Melo hanggang sa nagsalita si Lyric, out-of-nowhere mula sa pagkatahimik.

"Maganda naman siya eh," mahinang sabi ni Lyric.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces nang marinig ang sinabi ng binata. Mula sa pagkakayuko, iniangat niya ang kanyang paningin at nagtama ang mga mata nila ni Lyric. Kitang kita ang gulat sa mga mukha nila Melo at Note na unti-unti ay naging pilyong mga ngiti. Kahit si Pitch ay napatingin kay Lyric na biglang nagsalita.

"Nice Lyric," mapanuksong ngiti ni Melo sa bokalista.

Iniiwas ni Lyric ang tingin kay Ces at tinignan si Melo ng nakangisi, "kung hindi siya maganda, hindi siya papatulan ni Lyle."

Napatigil si Ces sa narinig. . . nabitawan niya ang kanyang kubyertos na naging dahilan upang tingnan siya ng apat na lalaki na may pagtataka. Halos magwala na ang puso ni Ces—ang pangalang 'yon. Ang pangalan na naman na 'yon.

Humigpit ang hawak ni Ces sa kubyertos. Yumuko siya at tinignan ang kanyang pagkain. Hindi niya alam kung anong point ni Lyric para sabihin iyon. . . ang ayaw lang niya ay ang epekto ng pangalan na iyon sa kanya.

Hindi pa rin nagbabago.

Mahal pa rin niya.

* * *

"Are you ready?" nakangiting tanong sa kanya ng Manager habang nakahawak sa doorknob ng recording studio ng kanilang bahay. Rinig mula sa kinatatayuan nila ang musikang ginagawa ng banda sa loob—kinakabahan naman si Ces dahil ito ang unang pagkakataon na sasali siya sa band practice ng banda.

Nagkatinginan sila Ces at Lily. Huminga nang malalim si Ces at tumango. Binuksan ni Manager Lily ang pintuan ng studio, "let's start—"

Napatigil ang lahat sa pagdating nila Ces at Manager sa loob ng studio—nagkatinginan silang lahat hanggang sa unang sumigaw si Melo!

"Aaahh! My body~" agad tinakpan ni Melo ang sarili gamit ang kurtina na malapit sa kanya. Napansin naman ni Ces ang pagsapo ng noo ni Manager Lily nang makita ang anyo ng mga lalaki.

Nakatopless lang si Melo at nakaboxers short habang nakasuot ang beanie niya sa ulo. Si Pitch naman ay nakatali ang bangs pataas habang hawak ang drum stick. Si Lyric ay nakahairband na pink ang buhok na humahaba na. Si Note ay nakatopless din pero wala pa rin siyang pakielam kahit makita pa ni Ces ang katawan niya.

Kung tutuusin, lahat sila ay mukhang mga dugyot—malayong malayo sa image nilang rockstars sa stage.

"Walangya, sabi ko sa inyo ayusin niyo itsura niyo sa practice, di ba?" malapit na mag histerical na sabi ni Lily habang papalapit sa banda. Nakatayo lang si Ces sa may pintuan—nanonood sa mga mangyayari pa.

Lumapit si Manager Lily kay Melo at piningot ang tenga nito, "aw! Aray, manager!" at lumapit din kay Note para pingutin rin ang tenga nito, "Aaahh! Manager, masakit!"

Pinipilit alisin ng dalawa ang pingot sa kanila ng Manager ngunit mukhang mas malakas pa sa mga ito ang Manager lalo na kapag nababadtrip.

"Kayong dalawa, kailan ba kayo matututo mag t-shirt kapag nasa bahay, ha?" naglakad lang si Manager Lily, kinakaladkad palabas ng studio. "Paano kung biglang may magpicture sa inyo ng nakatopless? Mahiya nga kayo sa mga taba niyo!"

"Ouch Manager, yung abs ko!" rinig ni Ces na sigaw ni Melo. Natawa naman si Note.

Sa studio, tahimik ang tatlong naiwan—Ces, Pitch at Lyric. Nagpapalo lang si Pitch sa kanyang drums habang si Lyric ay nakayuko lang habang hawak ang mic. Nakatingin si Ces sa dalawa at napaisip.

Siguro kung silang dalawa lang sa banda, sobrang tahimik ng mundo.

Ilang minuto lang ang nakaraan, dumating na sila Melo at Note—maayos na kahit papaano ang mga itsura. Dumating din si Manager Lily at pinagsama sama sila sa sofa sa loob ng studio.

"Within three weeks, we need ten songs para makapasok sa Battle of the Bands sa New Zealand. Okay?"

That was the last thing Manager Lily said. Nakapwesto na ang lahat, si Pitch sa drums, si Melo sa lead at si Note sa basist. May hawak si Lyric na isa pang gitara, rhythm guitar ngunit may mic din na nasa tapat—katabi si Ces na hawak ang isa pang mic.

When they started singing, napaka ganda ng pagkakablend ng boses nila—the thing is, awkward looking ang dalawa. It's as if they're strangers. Walang pansinan at walang tinginan.

"I hate it, masyado kayong malayo sa isa't isa! Walang chemistry!" pagrereklamo ni Lily, kunot ang noo na kaupo at nakatitig sa banda.

"Pero Manager, record la—"

Manager Lily cut Lyric off.

"No. Sa pag kanta, it's important—lalo na kung duet—dapat may chemistry ang dalawang singer. Hindi kasi ako makaconnect! Ano ba?!"

Tumayo si Manager Lily at hinawakan si Ces at Lyric sa braso at pinagharap. Nagkatinginan ang dalawa at lalong nakaramdam ng awkwardness. Rinig naman ni Ces ang mahinang pagtawa nila Note at Melo habang nakatingin sa kanila.

"What's up with you two? Galit ba kayo?" pagtataka ni Lily.


Walang sumagot sa dalawa. Iniiwas ni Lyric ang kanyang tingin habang si Ces ay nakakaramdam ng kaba sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Napabuntong hininga si Lily at minasahe ang noo, stressed na stressed.

"Ayusin niyo 'yang awkwardness niyo ah, walang ganyan sa banda."

Pinatigil na muna ng manager ang session at lumabas ng studio. Huminga siya ng malalim—siguro nga ay dapat maalis na ang awkwardness sa kanilang dalawa.

She was about to say something when Lyric went out of the studio, leaving her behind. Napatulala siya sa paglabas ni Lyric, nakatingin sa may pintuan. Naramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat at nakitang nakatingin din sa may pintuan si Melo.

"Galit ba siya sa akin?" takang tanong ni Ces.

Ngumiti si Melo, "hindi—baka nahihiya lang sa'yo. Awkward eh."

Napatingin muli si Ces sa may pintuan. Nakaramdam siya ng lungkot. . . ano ba talaga? Hindi na niya alam ang gagawin—kahit siya ay nahihiya na. Tama bang nasa MyuSick siya?

"Pero bakit Ces nickname mo?"

Mula sa  likuran, hinarap ni Pitch si Ces—inaantay ang sagot sa tanong. Natawa naman si Melo, "nako si Pitch, chismoso!"

Mula sa lungkot na naramdaman, napangiti si Ces—hindi niya alam pero napangiti talaga siya lalo na at si Pitch ang nagtatanong. Ang cute ng itsura nito na nakatali pa ang bangs. Kahit pa seryoso ang mukha ng binata ay mapapatawa na lang dahil sa nakataling bangs.

"Bakit Ces? Kasi—"

"UY MELO—ARAY!" napalingon sila Ces.

"Manahimik ka Note, may sinasabi si Ces!" napanganga ng kaunti si Ces nang paluin ni Melo si Note sa braso. Hinimas naman ng binata ang brasong pinalo ng kasamahan.

Nang mag sink in sa utak ni Ces ang nangyari—nagulat na lang ang tatlong binata na kasama ng dalaga sa loob ng studio nang matawa siya. Napahawak si Ces sa kanyang bibig habang tumatawa ng mahina.

Natulala naman ang tatlo sa biglang pagtawa ng dalaga—it was the first time they've seen and heard Ces laugh. Ang mga mata ng dalaga ay nawawala sa pagtawa nito, ang mahinhin na boses na rocker-ish ay sobrang sarap pakinggan kapag tumatawa.

"Hala! Tumatawa siya!" nanlalaki ang mga mata ni Note habang tinitignan nang mabuti si Ces.

"Note, milagro ba 'to?! Nakakita ako ng milagro!" pinagsisigawan ni Melo.

Lalong natawa si Ces sa sinabi ng dalawa—hindi na niya mapigilan dahil sobrang adik lang ng dalawa. Natatawa siya dahil sobrang curious ng mga ito sa kung anong dahilan ng kanyang nickname.

Nang tumigil na siya sa pagtawa, napansin niyang tulala pa rin ang mga lalaki sa kanya.

"Ces nickname ko kasi. . ." nakangiting sabi ni Ces.

"Kasi?" kunot noong tanong ni Pitch.

Napangiti lalo si Ces, hindi talaga siya makapaniwala na ganoon na lamang kainteresado ang mga lalaking iyon sa nickname niya.

"Kasi prinsesa ako ng mama ko."

Tumigil ang pag ihip ng hangin at nawala ang lahat ng tunog sa buong paligid. Nakatitig lang ang tatlong lalaki sa dalagang nasa gitna nila. Ilang beses napapikit sila Melo at Note kung tama ba ang pagkakarinig nila o nabibingi lang sila.

"Sabi ko na nga ba," patango-tangong sabi ni Pitch. Tumango na lang siya kay Ces at lumabas na rin ng studio samantalang ang dalawang nakatulala pa rin, nakatingin lang kay Ces. Hindi makapaniwala.

Ilang segundo pa ang nagdaan. . .

"ANO!? YUN LANG?!" sabay na sigaw ng dalawa.

Napangiti lalo si Ces at natawa ng kaunti, "bakit? Kailangan ba lahat ng bagay may malalim na meaning?"

Hindi pa rin makaget over sila Melo at Note—pinaglalaban nilang may iba pang meaning ang nickname ng dalaga ngunit wala talaga. Wala talaga silang mapiga kay Ces. Tumigil lang sila kakakulit nang pagbawalan sila ng manager, huwag daw makulit kung hindi—babawasan ang allowance nila.

Natatawa na lang si Ces sa reaksyon ng dalawa. Pagkatapos niyang ibigay ang dahilan ng kanyang nickname, lalo siyang naging close sa dalawang makulit na gitarista at ikinagulat din niya ang isang bagay.

"Morning Ces," si Pitch—pinapansin na rin siya.

Everything's going smoothly except for one. . . Lyric. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila speaking terms—parang walang improvement at lalo pang nawala ang connection nila.

And that made Manager Lily furious.

"Kung hindi niyo maaayos yan this week, papalitan ko na kayong mga vocalist!"

Saturday afternoon, walang halos tao sa loob ng bahay—nagkanya-kanya raw ng lakad ang buong banda. Ces decided to go to the cemetery. Hindi pa sana siya papayagan ni Lily ngunit wala nang nagawa ang manager nang sabihin ni Ces na bibisitahin niya ang kanyang nanay kaya pinagtaxi na lang siya dahil wala rin si Melo nung araw na 'yon.

Bago pa makapunta si Ces sa pwesto ng kanyang nanay, may napansin siyang likuran na pamilyar. Agad siyang kinabahan nang tumingin ang lalaki sa may kanan at namukhaan niya ito—S-Si Lyric?

 

Huminga siya ng malalim at naglakad para lagpasan na lamang si Lyric. Hindi niya sigurado pero mukhang ayaw sa kanya ni Lyric kaya hindi na lang niya masyadong pipilitin ang sarili sa binata. Nang makalampas na siya at papunta na sa kanyang nanay—bumilis ang tibok ng puso niya nang tawagin siya nito.

"C-Ces."

Lumingon si Ces at nakita si Lyric na nakatingin sakanya. Hindi mapakali ang puso ni Ces sa pagwawala. Siguro dahil hindi sila close ng binata at parang ito na ang pagkakataon para makapag usap sila? Hindi niya talaga alam.

"Sinong. . .?"

"Mama ko," mahinang sabi ni Ces. "Ikaw, sino. . .?" tumingin si Ces sa lapida na nasa harapan ni Lyric. Mukhang ito ang dinadalaw ng binata.

Ngumiti si Lyric at tinignan ang lapidang nasa tapat. Natahimik ito ng kaunti at tiningnan si Ces, "best friend ko."

Umihip ang hangin na siyang dahilan para hanginin ang kanilang mga buhok. Natahimik ang dalawa, walang nagsasalita. Tiningnan siya ni Lyric ng nanliliit ang mga mata, parang may iniisip o hinihintay. 

"B-Bakit?" Nakakaramdam na siya ng ilang sa tingin ng binata sa kanya.

"A-ah, wala," sabay ngiti ng binata sa kanya.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ni Ces ngunit nakakaramdam siya ng kapayapaan—para bang naramdaman niyang hindi galit sa kanya si Lyric. Siguro nga ay it takes time. . . nagkataon lang na hindi pa ito ang right time para magconnect ang dalawa.

Ma, sana maging maayos na lahat.

 

* * *

 

 

Malapit na araw ko, please be with me!

 

 

Napangiti si Ces sa nabasang text mula sa kaibigang si Marky. Nakaramdaman siya ng giddiness—excitement sa balita ng kaibigan. Agad siyang nagpaalam sa Manager at mukhang good mood ito kaya pinayagan siya agad.

"Ces! Namiss kita!"

Napangiti si Ces nang makita si Marky. Nakadress itong malaki, kitang kita na rin ang napaka laki nitong t'yan at mukhang malapit na nga talaga ang paglabas nito sa mundo.

Gusto man magyakapan ng dalawa, hindi na nila ginawa dahil maiipit si baby.

"You look different," napasimangot si Marky habang ineexamine ang kaibigan. "Mas naging matino ka sa itsura mo. Rocker ang peg?"

Napangiti na lamang si Ces. Hindi alam ng kaibigan na kasali na siya sa banda? Siguro nga ay hindi talaga sikat ang MyuSick sa sarili nitong bansa.

Nagkwentuhan at kumain lang ng ice cream ang dalawa. Nagplano rin sila ng sleepover kaya nang gumabi na ay dumiretso sila sa bahay ni Marky. Same apartment—it feels nostalgic dahil bumalik sila sa dati nilang tambayan noong buo at wala pang sumisirang pangyayari.

Pagkabukas ni Marky sa pintuan ng bahay, nanliit ang mga mata niya nang makarinig siya ng mahinang ingay. Nagkatinginan sila Ces at Marky.

"Ano 'yun?" tanong ni Marky. Nagkibit balikat si Ces.

Sabay silang naglakad at palakas ito nang palakas hang papalpit sila nang papalapit sa banyo. Nagkatinginan muli ang magkaibigan nang marealize nila na hindi ito isang kakaibang ingay—isang ungol.

Sabay na pag ungol.

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Ces at nanlalamig din ang kanyang mga kamay. Nagtaasan ang kanyang mga palahibo nang hawakan ni Marky ang doorknob at agad na binuksan ang pintuan ng CR.

Right there and then, nanlaki ang mga mata ng magkaibigan sa nakita.

It was Fitz standing and Erich sitting on the counter doing it. Napatigil ang dalawa sa ginagawa nang marealize nilang nakabukas ang pintuan ng banyo at kitang kita sila ni Marky na nakatakip ang bibig gamit ang isang kamay. Naghanap sila ng pwedeng takpan ang mga hubad nilang katawan ngunit wala silang makuhang pantakip.

"M-Marky—" pagtawag ni Fitz.

Isinara ni Marky ang pintuan ng banyo. Napatitig lang si Ces sa kaibigan na bigla na lang tumulo ang mga luha galing sa mga mata. Napansin niya ang bigat ng paghinga ng kaibigan, sa pag galaw ng mga mata na parang hindi mapakali at pagkunot ng noo.

"Marky. . ." hahawakan niya sana si Marky nang buksan ni Marky ang pintuan ng banyo at agad sumigaw. Tulo pa rin nang tulo ang mga luha.

"PUTANGINA NIYO, LUMAYAS KAYO SA PAMAMAHAY KO!"

Tinext ni Ces si Matt, ang best friend ni Marky, para papuntahin sa apartment ni Marky.

Agad naman sinugod ni Marky si Erich at hinawakan ng sobrang higpit sa buhok pati na rin si Fitz saka ito pinag untog. "Mga walangya kayo, binaboy niyo pa 'tong apartment ko!" pinag untog niyang muli ang ulo ng dalawa.

"Ouch! Marky, masakit!"

"Malandi ka, wala akong pakielam sa'yo!" Itinulak ni Marky si Erich palabas ng CR kahit na hubo't hubad ang dalaga.

"Isa ka pa!" Kahit na hirap, isinipa ni Marky si Fitz there where it hurts the most. "Hayop ka ngayon ka pa nang gago!" 

"Aw! Awww!"

"Fuck you! Fuck you both! Mamatay na kayo! Layas!" Tinulak tulak ni Marky ang dalawa kahit na wala pang saplot ang mga ito. Binuksan niya ang pintuan at marahas na tinulak muli ang dalawa habang hawak ang mga damit palabas. "Huwag kayong magpapakita sa akin kung ayaw niyong kamutin ko ng chainsaw 'yang mga kati niyo!"

Binagsak ni Marky ang pintuan at dadausdos na sana sa pintuan habang umiiyak nang tulungan siya ni Ces para makaupo sa sofa. Iyak pa rin nang iyak si Marky, halos magwala na—hindi na makahinga.

"Tangina nila! Buntis ak—ah. . ." napatigil si Ces nang mapansin niyang napahawak si Marky sa t'yan nito. "Aw. . ." Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marealize niyang nasasaktan si Marky. "Aaaahhh—ang, ang sakit!"

Napatayo si Ces at tinignan ang tumutulong tubig mula kay Marky, "manganganak ka na?!"

"Aahhh, shit talaga 'yung dalawang 'yun! Shit talaga! Aaahh~"

Hindi mapakali si Ces. Hindi niya kakayanin mag isa si Marky, she tried calling Matt pero hindi ito matawagan. Hindi na niya alam ang gagawin, sobrang lakas na nang pagsigaw ni Marky.

"Teka, Marky! Teka lang!"

Binuksan ni Ces ang pintuan para manghingi ng tulong nang dumating si Matt na hingal na hingal at pawisan. Nakapambahay nga lang ito at mukhang kumaripas talaga papunta rito. Nakaramdam ng kaunting pag asa si Ces.

"Matt, si Marky! Manganganak na!"

* * *

"Aaaahhh!!"

Everything's blur—sobrang daming tumatakbo na doctors at nurses papunta sa emergency room. The pain is killing Marky, sobrang sakit ng paghilod ng kanyang sinapupunan. Malapit na. . . malapit na.

"Ces~!"

Hindi mapakali si Ces. Sa bawat paghakbang nila, parang palayo nang palayo ang emergency room. Nakikita niya ang pagtulo ng luha ni Marky. Kahit hindi siya ang manganganak, nararamdaman pa rin niya ang sakit para sa kaibigan.

"Ang sakit! Matt, ang sakit!"

Wala siyang ibang magawa kung hindi ang hawakan ang kaibigan sa kamay. Sumuporta. Ramdam niya ang higpit ng hawak nito sa kanya, halos masugatan na sa sobrang higpit ng kapit sa kanyang braso.

Sobrang nag aalala si Ces hanggang sa makita niyang tahimik lang si Matt na tumatakbo. Nakatingin ang binata kay Marky, sobrang lapit nito sa mukha ng kaibigan. She heard him whisper,

"Nandito lang ako," mahinang bulong nito. "Hindi kita iiwan, kahit kailan."

Marky looked at Matt. . . kitang kita ni Ces ang tinginan ng dalawa. For that second, nakaramdam siya ng kapayapaan sa tinginan ng mga ito.

All the while, habang kumakabog ang dibdib niya, isa lang pala ang makakapanatag ng kanyang loob. Ang mag best friends, magkahawak ang mga kamay.

Intertwined. A perfect fit.

  

A love made in heaven.

~ ~ ~ 

Author's Note:
I know, sobrang jumpy ng mga scenes pero kasi, kailangan ko icover itong mga pangyayari para cool. Hahahaha! (Joke. Nahihirapan lang ako ilagay lahat ng characters <///3) Can't think properly, gusto ko lang mag update dahil may nagrequest. Hi Eri :) Salamat po sa pagbabasa ng That Twisted Love Story! Yaaay! (Me still offline po)

Dedicated to i_Shairaly. Dapat talaga matagal na akong nagdedic sa kanya pero ngayon lang nagka"chapter" na para sa kanya so yeaah, hi! Sobrang natutuwa ako kasi affected ka sa story <3 every chapter, sobrang senseful ng mga comments mo. Thank yoou talagaaa :">

Like the plsptsya page, yay! (External link) or go here: https://www.facebook.com/plsptsya thanks :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top