27 // For a Real Change

"None of us really changes over time. We only become more fully what we are."
— Anne Rice

~ ~ ~

Tatlong araw na ang nakakaraan simula nang makilala ni Ces si Manager Lily, ang manager ng bandang MyuSick. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang unang beses na nagkita sila—ang sampal na ibinigay sa kanya ng Manager at ang pangyayari matapos nun.

Thinking and while looking at Keng na ngayon ay natutulog sa usual spot nito sa shop, napagtanto ni Ces na Manager Lily is like Keng in personality. Parehas sila, sobrang familiar—rough at the same time mysterious, medyo mas mysterious nga lang si Keng.


They’re like twins. . . mas bata lang si Keng ng ilang taon.

At hanggang ngayon. . .kahit tatlong araw na ang nakakalipas, hindi pa rin makapaniwala si Ces.

Kasali na siya sa MyuSick. Sapilitan.

* * * 

 

“Siguro naman pamilyar na sa'yo ang surname ko,” taas kilay na tanong ni Manager Lily kay Ces habang hinihintay na huminahon ang dalaga sa pag iyak. “Kasi kung hindi mo tatanungin, asawa ako ni Lyle.”

 

Agad na napatingin si Ces sa sinabi ng babaeng nasa harapan niya. Hindi naman sa matanda na ito para kay Lyle, sigurado rin namang ito ang tipo ni Lyle na mga hot girls pero. . . the fact na asawa siya ni Lyle at manager siya ng MyuSick? Na kinaiinisan ni Lyle?

 

So that explains everything?

 

At kaya rin nakipagbreak sa kanya si Lyle ay dahil may asawa pala talaga ito? All along, niloko lang siya ng akala niyang prinsipe niya? Or all along, nakipagbreak si Lyle sa kanya dahil may asawa pala ito? So ano ito? Ang drama na mahal kita pero hindi pwede kaya makiki—

 

“I'm just kidding,” nakangising sabi ni Manager Lily. “I couldn’t marry him, he’s my brother.” Lumungkot ang mukha ng Manager. “Kahit na mahal ko siya. . .”

 

Nanlaki ang mga mata ni Ces, nakatitig sa mukha ng babaeng nasa harapan niya. Hindi makapaniwala sa mga naririnig.

 

After ilang seconds, lumapad ang ngiti sa labi ni Manager Lily. “ Look at your face! I can't believe naniwala ka sa sinabi ko,” at tumawa na lang ito. “Me? Will fall for that stupid guy? Mga tanga lang ang naiinlove kay Lyle. . .”

 

Medyo nasaktan si Ces.

 

“No offense ha,” nag peace sign si Manager Lily. “Pero totoo, ang tanga mo para mainlove sa kapatid ko. Papansin lang 'yun, dapat hindi mo na pinansin.”

 

Tumigil na pag iyak ni Ces—hindi niya kasi alam kung matatawa ba siya o maooffend sa sinasabi ng babaeng nasa harap niya. Although totoo ang sinabi nito.

 

Tanga siya. Tanga siya para mahalin ng lubos si Lyle.

 

“Anyway, I'm not here to give you a lecture, let’s go somewhere else.”

 

Hinatak siya ni Lily at kasunod na naglalakad sa likuran nila ang banda ng MyuSick. On their way out sa bar, marami ang nagpapapicture at lumalapit na mga babae sa banda kaya kinailangan pa na harangan ng mga bouncer sila Note para makapasok sa kotse—a black, heavy tinted Chevrolet Travers.

 

Pumasok si Melo sa driver’s seat and started the engine habang sa tabi naman niya ay ang Manager. Sa gitna  kung saan siya nakaupo malapit sa bintana, katabi niya si Note, then si Pitch. . . si Lyric ay nasa pinaka likuran, agad na humiga at ready na matulog.

 

Hindi ganito ang itsura ng isang regular na Chevrolet Travers, mukhang pinasadya pa talaga ito para sa banda.

 

Tahimik lang silang bumabyahe at tanging naririnig lang ay ang soundtrip ng kotse. Knock out sila Note at Pitch, medyo humihilik pa ang dalawa. Paminsan-minsan ay tumatawag si Lily sa cellphone nito at may kung sinu-sinong kinakausap. Paglingon niya sa likuran, nakahiga si Lyric pero nakadilat ang mata—not sure kung dilat talaga ito matulog or gising talaga at nakatingin ito sa taas. . . na may malalim na iniisip. Kasama ni Lyric sa likuran ang ilang gitara at ilang equipment.

 

Dumating sila sa isang malaking bahay ng mag aalas dose na ng hating gabi, sabog sila Note at Pitch lalo na si Melo dahil nagdrive ito. Pagpasok nila sa bahay, agad siyang hinatak ni Manager Lily sa isang kwarto not minding the band na kanya-kanya ang pag higa sa kung saan saan. Ni hindi pa niya naappreciate ang laki ng buong sala ng bahay.

 

Pagpasok sa dulong kwarto ng first floor ay napamangha si Ces sa dami ng mga CDs sa loob. Instead of books, library ito ng mga CDs. Nakita din ni Ces ang ilang guitars both acoustic and electric, piano, drum set and a violin. Walang pang recording system sa loob pero mukha siyang studio na parang lobby dahil may dalawang black na mini sofa.

 

“This is my secret haven, maswerte ka at nakapasok ka rito,” binuksan ni Manager Lily ang ilaw dahil medyo dim lights lang ang nakabukas. Lalong namangha si Ces dahil mas maganda tignan ang mga instrument sa maliwanag na ilaw.

 

Mas nakita niya ang kabuuan ng kwarto. May ilang music sheets na nakakalat, may mic, at maraming posters na nakapaskil. Napangiti si Ces nang makita niya ang isang poster ng MyuSick. . . parang recent pictures lang dahil sa mga buhok nito. Sa tabi ng malaking poster ng MyuSick ay mayroong cabinet na puno ng certicates and trophies, may ilang medals din at parang contracts na naka frame. Sa ibaba ng poster ay namangha si Ces sa napaka laking screen na computer, hindi lang isa kundi dalawang malaking desktop at may isang maliit.

 

May kung ano pa siyang nakitang mga equipments na hindi siya pamilyar pero pakiramdam niya ay pang music recording iyon. Nakapaikot ang mahabang lamesa kaya may ilang papel din ito at napansin niya ang ilang music magazine na MyuSick ang nasa cover—iba't ibang language. May puting laptop din doon sa may tabi ng desktop at isang itim na squivel chair sa gitna ng paikot na table. Sa bandang likuran part ng table ay puno ng equipments ngunit sa may harapan ay puro papel lamang.

 

This room is like a music room. . .ang astig lalo na sa black and white color combination ng buong kwarto. Ang linis tignan, ang sarap pagmasdan.

 

“Like what you see?” napalingon si Ces at nakita ang Manager sa likuran niyang nakangisi. Hindi niya napansin na naglalakad na pala siya at inililibot na ang sarili sa loob ng kwarto. Naglakad si Manager Lily papunta sa squivel chair sa gitna ng paikot na lamesa at umupo roon.

 

“Upo,” utos ni Manager Lily kay Ces. Agad naman napaupo si Ces sa tapat na upuan ng front part ng lamesa kung saan nakalagay ang mga ilang papel. Hindi sana niya papansinin ang mga ito kung hindi lang niya nakita niya pangalan niya.

 

 

I, Pauline Flores, will accept the terms and conditions on becoming a part of Myusick. . .

 

 

Napakunot ang noo ni Ces at napatingin kay Manager Lily. Nakangiti itong nakatingin sa kanya.

 

“You sign this contract and we’ll take you home,” marahan na sabi ng babae.

 

“Ano po ito? Bakit po—”

 

“Look,” iniayos ni Manager Lily ang mga papeles na dapat pirmahan ni Ces. Kinuha niya ang ballpen na nasa tabi at inilagay sa taas ng mga papel. “I need your voice para payagan kami magrecord ng bagong kanta sa Europe. MyuSick needs you.”

 

“Pero—”

 

Nakita ni Ces ang pag irap ni Lily bago ito may kinuha sa maliit na compartment ng table. Tablet pala ito, may kung ano itong pinindot at pinakita kay Ces ang isang video. . . of her singing.

 

Bleeding love.

 

“Paano niyo po—”

 

“Hindi mo ba napapansin na laging nasa bar kung saan ka kumakanta sila Note at Lyric? They were the one who captured this video,” tuloy lang ang pagplay ng video. It’s very uneasy for Ces to watch herself singing. . .lalo na't para ito kay Lyle. “Dapat kakausapin ka na raw nila noon pero may nangyari ata sa'yo, Lyric didn't want to tell me. Sikreto mo raw 'yun. . .”

 

Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Ces when that memory flashed back again. Ito 'yung time na. . . gusto na niya tapusin ang lahat. When Lyric showed and. . .helped her.

 

“Lyric told me not to bother you that time so. . . ngayon, this is the right time.”

 

“B-Bakit po ako?”

 

Bumuntong hininga si Manager Lily, “kung sa ibang babae lang ito baka pumirma na sila at nakaalis na. Bakit ang dami mong tanong?”

 

Natahimik si Ces.

 

“Hindi ako ang pumili sa'yo. Ang pumili sa'yo ay ang mga ugok kong alaga na nasa likuran ng pintuan,” napatingin silang dalawa sa may pintuan at doon lang narinig ni Ces ang ilang bulungan na hindi niya maintindihan. “Pumasok na kayo,” utos ng babae.

 

May ilang kalabog pang narinig si Ces at nabigla sa pagbukas ng pintuan at pagbagsak nila Note at Melody sa lapag. Presko namang pumasok si Pitch sa loob, hands on his pocket at umupo sa sofa.

 

“Putek Note, ang bigat mo!”

 

“Ikaw kasi binuksan mo agad!”

 

Nag away pa sila Melo at Note habang nakadagan si Note kay Melo. Nagbabangayan lang sila.

 

“Si Lyric?” Tanong ni Manager Lily—si Pitch naman ang sumagot dahil siya lang naman ata ang matino roon.

 

“Nasa kwarto niya sa taas, huwag daw istorbohin.”

 

Agad na tumayo si Lily, hindi mawari ni Ces kung badtrip ba to or what. “Hoy tumayo kayo d'yan, harang sa daanan.” Pagpuna ni Manager Lily sa dalawang nag aaway pa rin sa carpeted na sahig ng kwarto saka ito lumabas.

 

Tumayo naman na si Melo at Note at lumapit kay Ces.

 

“Pinirmahan mo na?” Eager na tanong ni Note.

 

Tumingin naman si Melo sa kontrata, “bakit hindi mo pa pinipirmahan?”may lungkot sa mukha nito, nakasimangot pa.

 

Nakaramdam ng pressure si Ces sa tanong ng dalawa at bago pa siya makasagot, nagulat siya nang biglang hablutin ni Pitch ang kwelyo ng dalawang makulit na nasa harapan niya. It’s kind of weird dahil mas matangkad ng kaunti si Note kay Pitch and yet mas mature si Pitch sa dalawa.

 

“Uy ano ba 'yung damit ko!”

 

“Pitch! Get your filthy hands off me!”

 

Natigilan sila Pitch at si Note sa sinabi ni Melo.

 

“Wow, lakas naman nun,” pang aasar ni Note sa kaibigan.

 

Nagtawanan naman ang tatlo habang naglalakad pabalik sa sofa na kinauupuan nila kanina. Napangiti rin si Ces dahil ang cute tignan ng mga lalaking iyon. Malayo sa sobrang astig na aura nila sa stage.

 

“Aray, aray, aray!” sabay sabay na napatingin ang lahat ng tao sa loob ng kwarto sa may pintuan kung saan nanggaling ang pagsigaw ng boses ng lalaki. “Aray, Manager, ang sakit!”

 

“Okay nga 'to para magising ka!” pumasok naman sa loob ng kwarto si Manager na hawak hawak ang tenga ni Lyric. Agad naman nagtawanan sila Note at Melo, si Pitch, tahimik pa rin. Nakaupo na ang tatlo sa may sofa.

 

“Oh ito na si Lyric,” itinulak ni Manager Lily si Lyric papunta kay Ces. Muntikan na sumubsob si Lyric kung hindi lang ito humawak agad sa table at lumayo kay Ces.

 

“O-Okay ka lang?”

 

Nagkatinginan sila Lyric at Ces pero umiwas agad ng tingin si Lyric at agad na tumayo. “Okay lang,” mahinang sabi ng binata. Naglakad naman ito palapit sa banda ngunit hinatak ulit ito ni Manager Lily at pinaupo sa tapat ng inuupuan ni Ces.

 

“Kanta,” utos nito sa dalawa.

 

Napatingin si Ces dito at bago pa siya makapagsalita, nagreklamo agad si Lyric. “Pinababa mo ako rito para lang kumanta? Manager naman!”

 

“Kailangan ko marinig kung maganda pagbeblend ng boses niyo kung hindi. . .” kumunot ang noo n i Lily, looking at them both hanggang sa. . . “tatanggalin na kita sa MyuSick, Lyric.”

 

“Manager?!” narinig naman ni Ces ang pagtawa nila Melo at Note kaya nilingon ni Lyric ang kabanda. “Kutos kayo sa akin mamaya,” marahan na sabi ni Lyric sa dalawa.

 

“I’m serious. . . so sing,” kinabahan si Ces lalo na nang magkatinginan ulit sila ni Lyric. Nagpapakiramdaman.

 

“Uh, ano gusto mong kantahin?” marahan na sabi ni Lyric habang nagkakamot ng kanang pisngi.

 

“H-Hindi ko alam. . . kasi hindi nama—”

 

“Nagkahiyaan pa, sing Way Back into Love,” naiiritang utos ni Manager Lily.

 

“Hindi ko po kabisad—”

 

Umirap naman si Manager Lily at ibinigay ang tablet kay Ces. “Oh ito Lyrics, wala ka ng excuse.” Tumingin naman ito sa mga lalaking nasa may sofa. “Melo, gitara.”

 

Tumango naman si Melo at kinuha ang isang acoustic guitar malapit sa kinauupuan niya tska ito tumugtog.

 

Aalma pa sana si Lyric kung hindi lang sinamaan ng tingin ng Manager ang binata. “Ako rin, pabasa ng lyrics,” ipinakita naman ni Ces kay Lyric ang screen ng tablet then. . . she started singing.

 

I've been watching but the stars refuse to shine, 
I've been searching but I just don't see the signs, 
I know that it's out there, 
There's gotta be something for my soul somewhere!

 

“Go Ces,” rinig ni Ces ang ilang side comment ni Note. Hindi siya tumintingin kung saan, nakatingin lang siya sa tablet, binabasa ang lyrics habang kumakanta. Nakikita niya ang pagtingin sa kanya ng kaduet niya. . . naiilang siya.

 

I've been looking for someone to she'd some light, 
Not somebody just to get me through the night, 
I could use some direction, 
And I'm open to your suggestions. 

 

“Huwag ka na Lyric!” pang aasar na sigaw ni Melo habang nag gigitara.

 

All I wanna do is find a way back into love. 
I can't make it through without a way back into love. 
And if I open my heart again, 
I guess I'm hoping you'll be there for me in the
end! 

 

“Ang ganda ng blending ng boses nila,” rinig ni Ces na sabi ni Pitch.

 

“Oo nga, woaahh,” pagrereact na naman ni Note.

 

Pagtingin ni Ces kay Lyric, nabigla siya sa pag iwas nito ng tingin at tumingin sa tablet. Nanliit ang mga mata niya at kinabahan siya sa muling nakita niya. . . sa tenga nito, ang cross na hikaw.

 

Katulad ng cross na hikaw nung lalaking nakahood sa may locker niya noon.

 

Tumikhim si Manager Lily at natigil ang pagkanta nilang dalawa, “narinig niyo boses ninyo?”nagkatinginan muli si Lyric at Ces. . . ngunit umiwas ulit si Lyric. “They’re like match made in heaven.”

 

“Manager, pagod ako. Matutulog muna ako,” agad na tumayo si Lyric. Tinignan lang ni Ces ang paglakad nito, ni hindi nga tumingin ang binata sa kanya.

 

“Nice Lyric, ganda boses!” pangangantyaw nila Melo at Note sa bokalista.

 

“Humanda talaga kayo sa akin,” sinabi ni Lyric bago ito lumabas ng kwarto.

 

Natahimik panandalian ang buong kwarto. . . waiting for Ces’ answer.

 

“Alam kong nawala ka sa scholarship and I can pay for your tuition until you graduate,” diretsong sabi ni Manager Lily.  “Every month may allowance ka and every gig, may pera ka rin. Alam kong nagrerenta ka lang sa maliit na attic at—“

 

“Paano niyo po nalaman 'yun?”

 

“I do my research lalo na sa mga taong gusto ko. . .” inilapit nito ang mukha sa mukha ni Ces at mahinang sinabi ang kasunod, “. . .maging akin.”

* * *

Manage rLily? She was a possessive bitch—yes, inamin din ni Lily na isa siyang bitch. She gets what she wants at kahit ano pang hindi mo, mapapa-oo ka na lang sa kanya. Hindi rin alam ni Ces kung paano siya napapirma sa kontrata, malabo na rin sa memorya niya kung paano siya nakauwi nung madaling araw na 'yun.

Para bang everything happened that night is just. . .a dream kung hindi lang sa. . .

Sabay na napatingin sila Ces at Keng sa may labas. Hindi masyadong maaninag ni Ces kung ano 'yun pero kita niya ang itim na kotse na sobrang lakas magbusina. Agad na napatayo si Keng at kunot noong lumabas ng shop.

“Oy ano ba! Nakakaistorbo ka ah, kita mon—“ nagtaka sa pagtigil ni Keng sa pagsigaw at pumasok sa store saka ito tumingin sa kanya. “Para sa'yo pala 'to.”

Napataas kilay si Ces sa sinabi ni Keng at biglang paghinahon nito hanggang sa narinig niya ang pamilyar na ingay ng ginagawa ng boots ng isang taong kakakilala lang niya.

“Thank you, Keng.” Ang boses na 'yon.

Pumasok sa loob ng store si Manager Lily at agad kinabahan si Ces. Hindi na niya tatanungin kung paano nalaman ni Lily kung paano nito nalaman ang shop dahil siguradong research nga raw ito.

“A-Ano pong ginagaw—”

“We’re going to shop,” hinatak ni Manager Lily si Ces, halos kaladkarin palabas ng shop. “Hey, Keng,” ibinaling nito ang tingin kay Keng. “Mind if I keep Ces for the night?”

“Sure ate Lily, sa'yong sa'yo na 'yan. Tulala naman lagi,” nanlaki ang mga mata ni Ces sa sinabi ni Keng. Tulala lagi?! Mas okay nga ang tulala kaysa tulog lagi!

Pero ano nga bang panama niya sa anak ng may ari ng shop?

Pagpasok niya sa kotse, agad niyang nakita si Melo sa driver’s seat at si Note sa gitnang part. Pumwesto naman ang Manager sa harap katabi ni Melo at si Ces sa tabi ni Note.

“Hi, Ces!” bati ni Note.

Ngumiti lang si Ces, nagtataka—nasaan 'yung dalawa?

“S-Saan po ba tayo pupunta?” pagtatanong ni Ces nang umandar na ang kotse.

“I told you, we’re going to shop.”

Tinignan ni Ces ang orasan sa loo ng kotse, “sa 10pm? Hindi po ba—”

“Akala ko ba tahimik ka? Bakit ang dami mong tanong?”

Natahimik muli si Ces sa sinabi ng Manager. Tinapik naman siya ni Note sa balikat, “yaan mo na—lagi lang 'yang meron,” natatawang sabi ni Note.

“Note, gusto mong mapalayas sa kotse?” nakangising tanong ni Lily. Nakatingin kay Note gamit ang rear-view mirror.

Nanlaki ang mata ni Note at agad na napangiti ng awkward, “sorry po!”

Natawa naman si Melo na kanina ay tahimik na nagdadrive.

Ilang minuto lang ay dumating na sila sa isang mall~ nakapatay ang ilang ilaw pero nakabukas ang karamihan. Pagpasok nila ay agad silang sinalubong ng isang lalaking matangkad, balingkinitan ang katawan at bagay na bagay ang kulay pulang buhok nito sa kutis na maputi. Western white.

“Ah, Lily~” napangiwi si Ces sa narinig na boses. . .hindi pala ito lalaki, medyo lang pala. Nag beso si Lily at ang lalaking medyo lalaki sabay tumingin ito kay Ces. “So, this is the girl?”

“Yes, make her a. . .” tumingin si Manager Lily kay Ces mula ulo hanggang paa. Nailang si Ces sa tingin sa kanya ni Lily at ng kasama nito, pati sila Note at Melo ay ineexamine ang buong pisikal na anyo. “. . .person.”

 

Sabay na natawa si Melo at Note, napatingin naman si Ces sa dalawa kaya biglang tumigil sa pagtawa ang mga ito at sumipol na lang.

Everything went fast. . . nagpunta sila sa isang boutique na puno ng mga damit. Hindi ito mga sophisticated clothes tulad ng sa mga kaibigan ni Lyle pero ito ay mga combination ng ragged, fitted, loose at rocker outfits. Mga sinusuot ng mga nagbabanda at tulad ng mga sinusuot ni Manager Lily.

“By the way, Ces—si Kis, ang stylist ng MyuSick,” ngumiti si Kis kay Ces pero kasabay nito ang pagtapat ng isang damit na nakahanger sa katawan ni Ces.

“She will look good in every clothes here, maganda pagpili mo sa kanya, Lily,” komento ni Kis saka ito kumuha ng napara kaming damit sa mga nakadisplay.

Nakasunod lang sila Ces at sa likuran niya ay sila Note at Melo nag nag uusap, “kaya ayaw kong nag gigirlfriend eh, nagshashopping ng ganito.” Bumuntong hininga si Note.

“Buti pa sila Pitch, natutulog lang sa bahay. . .” si Melo naman ang bumuntong hininga.

Ilang minuto rin silang nagstay sa loob ng store, kung anu-ano ang pinasuot at pinasukat na pants at shirts kay Ces. May ilan ring skirts pero mas madami ang pants na fitted. May ilan ding pinasuot sa kanyang boots, shoes at kung anu-ano pa, may rubber shoes at ilang sandals na may takong at wala. But all in all, she felt comfortable sa lahat ng pinapasukat sa kanya.

Habang nagtitingin ng mga damit sila Lily at Kis na para bang nakakalimutan na nilang kasama si Ces doon ay naupo ang tatlo sa isang upuan sa boutique.

“Ces . . .” napalingon si Ces kay Note na nakaupo tabi niya sa kanan. “Hindi ba Pauline ang pangalan mo?”

Tumango si Ces.

“Kating kati na kasi ako tanungin 'to eh,” nagkamot si Note ng batok.

“Dali na, tanungin mo na,” pagbibigay ng lakas ng loob ni Melo kay Note. Nakaupo naman ang binata sa tapat na upuan kay Ces.

Nagtataka naman ang dalaga sa dalawa. Obviously, alam nitong dalawa ang pinag uusapan—siya lang ang naoOP.

“Ano kasi, huwag mo sana masamain a—aray!” nagulat si Ces sa biglang pagtulak ni Melo kay Note kaya muntikan na itong malaglag sa kinauupuan.

“Bagal mo naman!” natatawang sabi ni Melo. “Bakit Ces nickname mo?”

Napangiti naman si Ces sa tanong nito. Nakakatawa ang dalawang ito, ang free-spirited, malayo sa dalawang kasama pa nila sa banda. “Kasi—”

“Let's go!” Agad na hinatak ni Manager Lily si Ces sa kinauupuan nito at napanganga naman sila Melo at Note. Nagreklamo pa ang dalawa na ang epal ng Manager nila ngunit hindi sila pinansin nito at dumating sila sa isang salon.

“Hi Kis,” malambing na bati ng isang babae kay Kis. Nagbeso naman ang dalawa at parang nag usap habang tinitignan si Ces.

“C'mon, ako na bahala sa buhok mo,” nakangiting sabi ng babae kay Ces. “Anong favorite color mo?”

Nagtaka naman si Ces sa tinanong ng babae, para saan ang favorite color?

“R-red po?”

Ngumiti lang ang babae at sinimulan na ayusin ang buhok niya habang nag iinstruct si Manager Lily, “ayaw kong iklian ang buhok niya dahil marami kaming pwedeng gawin sa buhok kapag mahaba. Just style it, para magmukhang maayos tignan.”

Ilang oras din ang tinagal nila sa salon at nanlaki ang mga mata ni Ces nang patuyuin na ang buhok niyang hanggang bewang ang haba—“bagay sa'yo ang ombre hair,” nakangiti lang 'yung babae. Hindi pa rin siya makapaniwala—naayos na ang buhok niya, may pagkawavy pero hindi curly, hanggang tyan ang buhok niya. Lalong nag itim ang buhok niya ngunit kitang kita ang sumisigaw na pulang buhok nito sa may dulo. May streaks of gold pa sa ibang parte ng buhok niya na parang highlights!

“Wow Ces, mukha ka nang rocker!” pagbati nila Note at Melo kay Ces. Hahawakan pa sana ni Melo ang buhok ni Ces ngunit tinapik ni Lily ang kamay nito.

“Don't touch, baka masira,” natawa naman si Note sa sinabi ng Manager habang sumimangot naman si Melo. Nagkantyawan lang sila hanggang sa makarating sila sa isang store ng mga eye glasses.

“Ayaw kong mawala 'yung glasses niya para maging trademark niya,” tumango tango lang si Kis kay Lily habang nagtitingin tingin ng salamin. Nagtaka nga si Ces dahil hindi niya nakita ang mga binili nilang damit—walang may hawak. Bumili ba talaga sila ng damit o nagtingin tingin lang?

Pinacheck up ang mata niya then nagpagawa si Lily ng hindi lang ng isa kung hindi sampung eye glasses!

“T-Teka, ate—Manager Lily,” hanggang ngayon, naiilang pa rin siyang tawagin si Lily bilang Manager. Hindi pa kasi nagsisink in sa utak niya na nasa MyuSick na siya. “Libre po ba 'yan?”

Tumawa naman si Manager Lily sa tanong ni Ces, “libre? Wala nang libre sa mundo, dear.”

Nanlaki ang mga mata ni Ces habang nakatingin kay Manager Lily. Hindi makapaniwala sa naririnig, akala nga ni Ces ay tulad sa mga nababasa niyang libro, sasabihin nito ang ‘don't worry, akong bahala’ pero hindi niya akalain na. . .siya pala ang magbabayad ng mga ito.

“S-Seryoso po?”

“Do I look like I'm kidding?” nanindig ang mga balahibo ni Ces sa tono ng pananalita ni Lily. Halos gusto na lumabas ng puso niya sa katawan niya nang lumapit sa kanya si Manager Lily, magkatitigan sa mga mata.

Napatingala siya ng kaunti dahil sa tangkad ng Manager, halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.

“You'll pay for me. . . with your voice.”

~ ~ ~

Author's Note:
Dedicated to msfebrything o si Jafs kasi gustong gusto ko 'yung realization niya sa last chapter na, "thats life, masyadong nating pinatutuunan ng pansin yung mga pangit ng pangyayari sa buhay natin pero, yung mga happenings na kagaya ng kay Ces na, may secret admirer pa rin sya, ay isang malaking bagay na para, wag syang sumuko." Thank you sa realization na ito, salamat din sa pagbabasa. Yaaay! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top