22 // Their Twisted Deal
"It is painful to see someone suffering what you must be suffering- watching someone you love be so cruelly hurt."
— Jude Morgan (Indiscretion)
~ ~ ~
“Ayoko nang magmahal,” mariin na sabi ng dalaga.
Kumunot ang noo ni Ash sa narinig habang napataas naman ang kilay ni Boss. Seryoso ang mukha ni Ces, clenching her jaw na para bang buo na talaga ang desisyon niya.
Ilang segundo lang ang nakaraan, biglang tumawa si Boss. “Ha-ha-ha-ha!” Isang malutong na tawa. “Ano ‘to, sharing of problems?!” Hinawakan ni Boss ang kanyang tiyan. Pinahid pa nito ang kamay sa mga mata dahil naiiyak na siya sa sobrang tawa.
Pero ilang sandali lang, tumigil siya at tiningnan nang seryoso si Ces. “Ako, gusto ko nang umuwi.”
Ash felt uneasy. Magkatitigan lang ngayon sina Ces at Boss sa harap niya, not knowing what the hell was happening not knowing what the hell was happening. He could feel the tension between the two.
“Gusto mo ng kaluluwa, ‘di ba?” Mataman lang ang tingin ni Boss kay Ces, hinihintay ang susunod na sasabihin ng dalaga. “Kunin mo na 'yung kaluluwa k—”
“Pero hindi mo pa oras!” Agad iniangat ni Boss ang kanyang kamay at tiningnan si Ash. May kung ano sa ekspresyon ni Ash na hindi maintindihan nito ngunit seryoso lang ang hitsura ni Boss.
Muli, ibinalik ni Boss ang paningin kay Ces. “Ituloy mo.”
“K—ku. . . “ Alam niya na buo na ang desisyon niya ngunit nang makita niya ang tila gulat na reakisyon ni Ash ay para bang pumapasok sa isip niyang magdalawang-isip. She closed her eyes, at dire-diretsong sinabi, “Kunin mo na ang buong kaluluwa ko kapag nagmahal ulit ako.”
“Ano?!” Napadilat si Ces sa biglang pagsigaw ni Ash. “Hindi puwede ‘ya—”
Muling iniangat ni Boss ang kanyang kamay at napatigil si Ash sa pagsasalita. Kahit ang buong katawan nito ay tumigil, tanging ang mata lang ng kamatayan ang nakikitang gumagalaw. Ilang sandali lang ay umangat sa era si Boss upang magkatinginan sila ng dalaga—mata sa mata.
“Hindi ko magagawa 'yun,” diretsong sabi ni Boss.
Nanlaki ang mga mata ni Ces at hinawakan ang maliit na mga balikat ng kausap. “Ano’ng hindi mo magagawa? Diyos ka ng kamatayan, ‘di ba? Paanong hindi mo magagawa?!”
“Kung gawin ko man 'yun,” ikinumpas ni Boss ang kamay niya at napansin ni Ces na gumalaw na si Ash sa gilid, “patay ka na ngayon.”
“Mas mabu—”
“Manahimik ka!” Napatigil si Ces sa biglang pagsigaw ni Boss. “Nasasaktan ka ngayon dahil nagmamahal ka. Hindi puwede 'yang gusto mo.”
“Per—”
Bumuntong-hininga si Boss. “Ang pagmamahal ay isa sa pinakanatural na nararamdaman ng isang tao. Hindi ako puwedeng pumatay dahil lang sa nagmahal ka. . . Magagalit sa akin si Inang Mahal.”
“Boss. . .” pagmamakaawa ni Ces.
“Hindi makatarunangan para sa tulad kong Death God ang pumatay dahil sa nararamdaman. Isipin mo, ang isang tao ay nagmamahal unconsciously, hindi pa nila alam—malalaman lang nila kapag tinanggap na nila sa sarili nila 'yun.” Umiling si Boss. “Sabihin mo, bakit gusto mong mangyari ang kasunduang 'to?”
Bumilis ang tibok ng puso ni Ces. Ikinuyom niya ang kanyang kamay. “A-ayoko nang masaktan pa.”
“Bullshit!”
Isang malakas na hangin ang biglang pinakawala ni Boss mula sa sarili. Nagkagulo ang ilang gamit sa loob ng kuwarto ni Ces ngunit hindi natinag ang dalaga.
“Napakamakasarili mo, Ces. Alam mo bang araw-araw, may mga taong nasasaktan dahil sa pag-ibig?” kunot-noong sabi ni Boss. “At ikaw, gusto mong makawala sa paghihirap na 'yun?”
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ng dalaga sa pagpipigil sa nararamdaman. “Makasarili? Ako ba talaga ang kausap mo, Boss?” Pilit ipinapahid ni Ces ang kamay sa pisngi ngunit mas malakas ang pag-agos ng kanyang nararamdaman. “Makasarili pa ba ako kung ibinigay ko ang kaluluwa ko sa lalaking akala ko, prinsipe ko? Makasarili pa ba ako kung ang gusto ko lang naman tumigil ang lahat ng sakit?” Tinakpan ni Ces ang kanyang bibig at naupo na sa sobrang panghihina. “Hindi mo kasi nararamdaman 'yung sakit, Boss. Hindi mo ramdam.”
Unti-unting bumaba si Boss upang pantayan si Ces na napaupo na sa lapag. Nakatingin lang siya sa dalaga, contemplating what she just said.
“Gusto ko lang namang maging masaya,” pabulong na sabi ni Ces.
“At sa tingin mo, sasaya ka kung namatay ka?” Napatingin si Ces kay Boss na hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang mukha ngunit ngunit kumalma ang hitsura. “Masarap magmahal, Ces.”
Napangisi ang dalaga sa narinig. “Bakit? Nararamdaman mo ba? ‘Yung sarap ng pagmamahal?”
Nanlaki ang mga mata ni Boss sa narinig. Ito ang unang pagkakataon na kuwestyunin siya tungkol sa pagmamahal. Kahit ang mga Death Angels niya ay hindi siya tinatanong ng mga ganito. “Hi-hindi.”
“Kaya hindi mo rin alam ang sakit. . .”
Natahimik si Boss sa narinig at lumayo kay Ces na patuloy lang ang pag-iyak. He was dumbfounded. Totoo. . . hindi niya alam kung ano ang pakiramdam ng pagmamahal at sakit na kasama nito. Death God siya. Ang alam lang niya ay kumuha ng kaluluwa—ang alam lang niya ay kung paano pumatay ng mga mortal.
It was a first for him na makausap ang tulad ni Ces. . . at sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng tinatawag na awa.
“Ash,” mahinang pagbanggit ni Boss. “Pagbigyan mo ang kagustuhan niya.”
Sabay na napatingin sina Ces at Ash sa sinabi ni Boss. “Ha? Boss?!” May tono ng pagkagulat at pagtatanong sa boses ni Ash.
“She wants to die because of love?” taas-kilay na sabi ni Boss at ibinaling ang tingin sa dalaga. “Then be it, but I want to twist this deal.”
“Boss. . . “ Halos magmakaawa na si Ash kay Boss pero buo na ang desisyon ng nakataas. Buo na ang desisyon nito.
Ngumiti si Boss. . . isang ngiti na nagpakilabot sa buong katawan ni Ces. Umangat mula sa lapag ang mga paa nito sa era at unti-unti, namuo ang pulang liwanag sa maliliit nitong mga mata. “You want to die? Sige. Pero hindi ka mamamatay dahil lang sa nagmahal ka—pagbibigyan kita, magmahal ka lang, kahit gaano pa karami pero—!” Mula sa kawalan ay lumabas ang isang papel na pamilyar kay Ces.
Ang soul contract.
Lumipad ito sa kanyang harap. Nakita ni Ces na umuukit ang pangalan niya sa papel. “Hindi mo puwedeng sabihin sa kanila na mahal mo sila. Kahit ano pang lengwahe o pamamaraan at kapag sinabi mo,” napaatras si Ces nang bigla niyang makita si Ces sa may kanan niya, “ako mismo ang kukuha ng kaluluwa mo.”
Lumayo na muli si Boss at unti-unting nawala ang pulang liwanag mula sa mga mata nito. Nakatapak na rin ito ngayon sa lapag. . . “Desisyon mo ang lahat.” Saka ito naglaho mula sa loob ng kuwarto kasama ng kontrata. “Huwag mo sana ‘tong pagsisihan. . . Ces,” rinig niyang bulong ng boses ni Boss.
Napasandal si Ces at napatingin sa kawalan habang iniisip pa niya ang lahat ng nangyari hanggang sa—“Aaaahh…” Napahawak siya sa kaliwang parte ng kanyang dibdib sa sobrang pananakit nito na tila ba may pumapaso sa balat niya. Sobrang init. Napakainit. “Aaahhh!”
Naramdaman na lamang ng dalaga na para bang may nakaukit na sa kanyang balat. . . parang isang maliit na sugat, kasing laki ng isang piso. “Tanda ng kasunduan. . .”
Napatingin si Ces kay Ash na lumapit sa kanya at tiningnan ang balat ng dalaga. “Bakit mo ginawa ‘to?”
Nagkatinginan sina Ces at ang kamatayan. Walang nagsalita. . . Napakatahimik ng buong kuwarto. Muling tumulo ang mga luha ng dalaga sa hindi niya malamang dahilan hanggang sa naglaho na rin si Ash sa kanyang paningin.
Tama ‘to. Tama ‘tong desisyon ko.
Nanatili lang ang dalaga sa kinauupuan niya nANg ilang oras, tulala. Sa ilang buwan na lumipas, napakarami na ang nangyari. . . nakakagulo, nakakaloko. Tumayo siya, pumunta sa CR, at tinitigan ang sarili sa salamin, examining herself—tinitigan ang kanyang mukha na halos katulad na ng namatayan, ang katawan niyang niyayakap ng manipis na tela, at ang balat niyang kitang-kita kahit nakadamit siya. She looked at the left side of her shoulder. Sa may bandang ibaba nito ay makikita ang simbolo ng kasunduan nila ni Boss.
Puwedeng magmahal ngunit kapag sinabi ay. . .—
Hindi niya mawari ang hitsura ng simbolo na iyon: pabilog na may nakasulat na hindi rin niya maintindihan—kulay itim ito na parang tulad ng mga tattoo ni Keng sa katawan ngunit nakaumbok itong sa kanya, ramdam na ramdam kapag hinawakan.
“Ano na ba’ng nangyari sa’yo, Ces?” Naghilamos siya ng mukha gamit ang tubig sa faucet at muling tiniNgnan ang sarili. “Bumalik ka na sa dati. . .” pakiusap sa sarili.
“Auie. . .” nanlaki ang mga mata ni Ces nang biglang lumitaw ang imahe ni Ash sa likuran niya sa salamin. Agad siyang napalingon at natigilan siya nang napansin niyang sobrang lapit nila sa isa’t isa. Ilang sandali lang, naramdaman niyang hinawakan siya ni Ash sa bewang—sobrang lamig.
“Nahahawakan mo ulit ako.” Magkatitigan ang dalawa. Mula sa itim na mga mata ng kamatayan ay nagliwanag na naman ito ng kulay pula. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga nang mapansin niya ang paglapit ng kamatayan sa kanya.
Palapit nang palapit ang mukha ni Ash ngunit tumigil ito nang halos magdikit na ang mga labi nila sa isa’t isa sabay bumulong ng, “Patawad. . . patawarin mo ako.”
A-ano? Ash? Naguluhan si Ces sa paghingi ng kapatawaran ng kamatayan ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makaramdam siya ng parang bang binabali ang kanyang mga buto sa katawan.
“Aahhh!”
Napapikit si Ces sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Halos mapaso na siya sa sobrang init ng paligid. Nararamdaman niyang may hangin na lumalabas mula sa kanyang bibig papunta sa bibig ni Ash. May itim na malamig na usok ding pumapasok sa kanya galing sa kamatayan. “A-ano ‘to—Ash. . .”
Ngunit ang huling nakita na lamang ni Ces ay isang malungkot na pagngiti ni Ash sa harap niya bago siya muling nawalan ng malay.
* * *
Kinapa niya ang simbolo ng kasunduan nila ni Boss sa kanyang balat. She could feel it kahit na naka T-shirt siya. It’s as if shouting at her na ito na, totoo na talaga ito. Wala nang bawian.
“Bagay sa’yo ang mga salamin mo.” Napatingin si Ces kay Keng nang banggitin ito ng dalaga. Nakita niya ang pagngisi ni Keng at tumango. “Sige, alis na ako.”
Ngumiti na lamang si Ces. For some odd reason, parang medyo nag-light up ang mood ni Keng. . . tamad pa rin pero hindi na siya tulad ng dati na para bang galit sa mundo. Pagkalabas ni Keng ng cake shop, kinuha na rin ni Ces ang mga gamit, nagpaalam na sa manager, at lumabas na ng cake shop.
Kahit papaano, pakiramdam niya ay nabalik nang kaunti ang buhay niya.
Matapos ng kasunduan nila ni Boss ay napagdesisyunan niyang bumalik sa dating siya. Well, physically, yes—she’s back with a new glasses, shirt, jeans at ang pinakamamahal niyang chucks. Physically. . . parang dati lang, but emotionally? Mentally?
Sobrang damaged. . . but she’s trying.
She’s trying to move on.
* * *
“Hey, Miss Flores!” Napalingon si Ces nang may pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. Nakita niya ang professor sa computer na si Mr. Quiano na papalapit sa kanya, bitbit ang bag nito at ilang mga supot. “Nagtatrabaho ka pala sa cake shop?”
“A…opo, sir,” nahihiya ngunit nakangiting sabi ni Ces. "Ano po’ng ginagawa niyo rito?"
"A, bumili lang," sabay pinakita kay Ces ang mga supot na hawak nito.
Tumango si Ces. "Para sa anak niyo po?"
That was when her professor laughed as if she said a funny joke. "Wala akong anak. . . wala ring asawa. 28 lang ako, Miss Flores," patuloy na pagtawa ng professor. Ngumiti na lamang si Ces. iniisip niya talaga na nasa treinta-anyos na ang professor niya at marami ang anak.
Medyo mukha kasi itong manyak.
Tumingin si Mr. Quiano sa relos nito. “Uuwi ka na ba? Gabi na, a. Delikado na sa daan.”
Ngumiti si Ces. It’s very awkward dahil ilang meetings na rin ang hindi niya napasukan kay Mr. Quiano. It’s surprising dahil kilala pa rin siya ng professor niya, and kind of weird dahil nagkita sila rito sa daan.
“Gusto mo bang ihatid kita?” Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig. Hindi rin niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa tanong ng professor niya.
“A—ano, sir, okay lang ho ako. . . Lagi hong ganito ang uwi ko,” nakangiting sagot ng dalaga.
Halos mahulog ang puso ni Ces sa sobrang kaba nang hawakan ni Mr. Quiano ang braso niya. “No, I insist. I have a car. . .Delikado na ngayon. Baka mamaya may bigl—”
“Huy, Ces!”
Sabay na napalingon sina Ces at Mr. Quiano sa may bandang likuran dahil sa isang boses ng babae na narinig nila. Nanliit pa ang mga mata ni Ces upang malaman kung sino ang tumawag sa kanya dahil sa medyo madilim na talaga sa daan. But when she realized who the girl was, napahawak siya sa kanyang bibig to cover her excitement, shock and questions.
“M-Marky!”
~ ~ ~
Author's Note:
Eksayted na ba kayo sa pagbabalik ni Marky?!?!?! (Baka hindi niyo na siya naaalala omaygahd hahaha)
This story is NOT unique. Gasgas ang plot nito, ano ba kayo. Ako na nagsasabi, don't expect too much kasi madidisappoint lang kayo. CLICHE STORY AT ITS FINEST PO ITO. Ang mga tanong niyo ay masasagot din, don't worreh. (depende pala sa tanong, kasi 'yung iba. . . eheheks) Thank you pala sa mga nagkocomment at sa mga nagbabasa. Feeling ko kahit na ang dami kong mali, paligoy ligoy ako at magulo ako magnarrate (as 3rd pov writer) eh love niyo pa rin ako. Ahihihi! Tenkyu <3
Dedicated kay ate Jaaay kasi nahulaan niya 'yung deal ni Boss at Ces. Mabuhay kaaa~ gusto ko talaga ng mga readers na nag iisip, natutuwa ako masyado pero at the same time, DON'T THINK TOO MUCH. Nakakawindang kasi 'yung mga iniisip niyo hahahaha! Thank you sa pagbabasa ng TTLS ate Jaaayyy :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top