21 // Aftermath of Pain

"That's the thing about pain. It demands to be felt."
— John Green

~ ~ ~

“Gusto mo bang mamatay?!”

Napatingin si Ces sa taas kung saan nakita niya ang kanyang kamay na hawak ng isa pang kamay—no, Ash couldn’t be that savior. Hndi siya puwedeng mahawakan ni Ash. She was almost there. . .malapit na, kaunting segundo na lang ay okay na ang lahat pero natigil ito.

Someone saved her.

Her body was hanging in the air. Tanging ang hawak na lang ng taong iyon ang dahilan upang hindi siya kuhanin ng kailaliman. With tears in her eyes, tinignan niya ang taong hawak-kamay niya sa bingit ng katapusan. Kitang-kita sa mukha ng tumulong sa kanya ang hirap sa paghawak sa kanya.

“Bitawan mo na ako,” mahina niyang pakiusap.

“Hindi kita bibitawan!”

Napapikit na lamang si Ces dahil sigurado siyang bibitaw rin ang lalaking iyon. No one cared—bakit kailangan makialam ng binata? Ngunit ilang sandali lang, imbis na mahulog ay naramdaman niyang umaangat ang kanyang katawan. . . at nakatapak na siya sa sahig.

“Ano bang naisip mo at nagpahulog ka d'yan?!” Napaupo ang dalaga sa inapakan niya at napasandal sa railing. Una niyang tiningnan nang mabuti ay si Ash na nakalutang sa likuran ng binatang nagligtas sa kanya.

Mula sa mga pulang mata kanina ng kamatayan ay bumalik ito sa itim. Nawala ang nakakatakot na aura nito. Nawala ang galit sa mga mata at tila ba nagbalik sa dating Ash ngunit seryoso ang mukha. Isang ekspresyon na kahit ano pa’ng gawin ni Ces ay hindi niya maintindihan.

“Sorry. . . “ ang nasambit ng dalaga at tuluyan nang naiyak habang nakatingin kay Ash.

Hindi niya alam kung bakit siya nagso-sorry. Basta ‘yun lamang ang tanging salita na sa tingin niya ay dapat niyang sabihin. Kanino? Kay Ash? Sa lalaking nagligtas sa kanya? O sa sarili niya?

“Sorry. . . sorry. . .” paulit ulit niyang pagbanggit. Nakatingin lang sa kanya ang binatang nagligtas sa kanya na para bang nagulat sa biglang pag-iyak ng dalaga. Napalunok ang binata dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin. He’s not good with girls. . . lalo na kapag umiiyak sa harap niya.

But what he didn't know ay magkatitigan lamang sina Ash at Ces. . . Ces saying sorry habang tahimik lang ang kamatayang papalapit sa dalaga.

“Alam kong masakit.” Pilit pinipigilan ni Ces ang pag-iyak ngunit hindi pa rin nagpapaawat ang mga luha niya. Nagkatinginan sila ni Ash, mata sa mata, at para bang may pinapahiwatig ang kamatayan na hindi niya maintindihan.

Hinawakan siya ni Ash. Akala niya ay tatagos ito ngunit nagulat siya nang maramdaman niya ang mga kamay nito sa kanyang pisngi. Sobrang lamig. Sa pagtitig niya sa mga mata ng kamatayan, nanlabo ang kanyang mga mata at ilang sandali lang, “Pero gusto kong sumaya ka.”

“Uy, Ces!” Nagulat na lamang ang binatang nagligtas kay Ces nang bigla itong nawalan ng malay. “Ces!”

Unti-unti, lumayo si Ash sa dalagang Ibinuhat ng binata palabas ng rooftop. Nakatingin lang ito, nanonood sa nangyayari at bumulong,

“Alagaan mo siya, Lyric.”

Saka ito naglaho sa dilim.

* * *

Nang magising na siya, agad siyang nakaramdaman ng sakit.

Napakapamilyar ng kirot sa bandang kaliwa ng kanyang dibdib. Ramdam niya pa rin ang pagtibok nito, isang mabagal at mukhang mapayapa ngunit bawat pagtibok nito ay may halong sakit at paghihinagpis ng dalaga.

With eyes still closed, she asked, “Ash, bakit ang sakit?”

Hindi niya sigurado kung nasa tabi niya si Ash ngunit alam niyang naririnig siya nito.

“Bakit ang sakit magmahal?” Agad-agad, nagsimula na namang tumulo ang mga mata niyang hindi na nagpahinga sa pag-iyak. Sa totoo lang, pagod na pagod na talaga siya. Gusto na niyang mamahinga ngunit pinipigilan siya ng kamatayan mismo.

Ang ironic.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita si Ash na nakatingin sa kanya with a serious face. Hindi ito nagsasalita; nakatingin lang sa kanya ito.

“Patawad. . .” That was the last thing he said bago siya naglaho, leaving Ces alone, kahit ang nagligtas sa kanya ay wala rin. . . Naiwan lang siya sa loob ng isang hotel room kung saan siya nanatili for the night, crying her eyes out.

Crying until the pain goes away. . . but it wouldn't stop anytime soon.

* * * 

Ces was a living dead. She gave up in giving up her life. . . Kahit ano pang gawin niya ay tutol pa rin si Ash dito. Hindi talaga niya maintindihan kung ano’ng gustong mangyari ni Ash sa buhay niya. Kahit siya ay hindi na rin niya alam ang nangyayari sa buhay niya.

She went back to school. May something kasi sa kanya na gusto niyang mag-aral ulit, bumalik—gusto niyang magpakasubsob ulit sa pag-aaral para makalimutan ang lahat tulad ng dati. Tutal, nabuhay siya nang ilang taon nang wala si Lyle. How hard would it get na mabuhay ulit nang walang Lyle?

Well, for Ces, it’s very hard.

Para bang pinamumukha sa kanya ng mundo na sa kanya lang nababagay ang sobrang masaktan. Lagi niyang nakikita ang binata kasama ang mga kaibigan nito na nagkakasiyahan—including Kervin. That Kervin. . . nakakatawa lang na naging dahilan din ang lalaking iyon sa sakit na nararanasan niya ngayon and yet, para bang walang nangyari at magkaibigan pa rin ang dalawa.

Siya lang yata ang nasaktan.

It's like a typical story, actually: a simple girl fell in love with a playboy, medyo nagtagal. . . at inaakala ni simple girl na ito na 'yun, na nabago na niya si playboy. A nice story of how a bad boy fell in love with a simple girl. Sobrang nakakakilig, sobrang magical. . . pero ang totoo? Para lang din siyang 'yung mga naunang girlfriend ng playboy: extra. Na tulad ng mga naunang babaeng dumaan sa playboy, kinakalimutan na once na brineyk. . . ang iba pa, kinaiinisan pa ng mga tao.

And that pained her more.

She would always cry. Hindi papalya ang mga luha na bubamati sa kanya pagkagising niya. Kahit simpleng pag-upo lang habang walang ginagawa ay naiiyak na siya. Sa tuwing natutulog, lagi siyang nangangarap na sana. . . sana hindi na siya magising pa.

But no. . . she wouldn't die. She couldn't die. Ash wouldn't let her.

* * *

“Try mo kayang mag-move on.” Tumingin si Ces kay Keng na nakatingin sa kanya habang nakataas ang kilay. “Mas masaya 'yun.”

Tiningnan lang ni Ces si Keng sa mga mata, at nakaramdam ng kirot si Keng sa mga tingin ng kasamahan. Those pained eyes na sobrang namamaga kakaiyak. Napatahimik si Keng and somewhat felt sorry for Ces.

Hindi niya deserved ang ganitong pasakit.

But Keng didn't know what Ces had gone through. Walang nakakaalam sa mga sakripisyong ginawa ni Ces para lang sa itinuring niyang prinsipe ng buhay niya. Walang nakakaalam na ang buhay ni Lyle ay kabayaran ng kaluluwa ng dalaga. No one knew she almost killed herself. . .Walang nakakaalam na ginusto nang tapusin ng dalaga ang ibinigay na biyaya sa kanya when she found out her supposed-to-be "friend", Erich, having or had sex with her supposed-to-be "prince", The Lyle Yuzon.

Walang nakakaalam ng buong kuwento. Walang nakakaintindi sa lahat ng sakit na nararanasan niya. Napaka-unfair dahil wala namang ginawang masama si Ces ngunit nararanasan niya ang lahat ng ito. She's trying. . .she's trying to get up pero sa bawat pag-akyat niya, itinutulak siya pababa.

Nagbuntong-hininga si Keng at ipinatong ang braso sa counter kung saan nakaupo lang si Ces sa tapat.

“Plano nilang lahat 'yun.”

Napatingin si Ces kay Keng na may pagtataka sa mukha nito. “Ha?”

“Alam mo, ang sarap mong batukan hanggang sa matauhan.” May kinuha si Keng sa kanyang bulsa at nakita ni Ces na cellphone pala ito ng dalaga. May kung anong pinindot si Keng dito at agad ipinakita kay Ces ang screen nito.

Nakakunot lang ang noo ni Ces, ready to ask question kung ano nga ba 'yun pero napatigil siya nang makita niya si Lyle sa screen na nagsalita—“O, bakit? Pinipiktyuran mo ako?”

Narinig niya ang pagtawa ng isang babae at paggalaw ng video. Napatingin siya kay Keng with her curious look. Hindi niya kasi ma-gets kung ano ang gustong ipakita sa kanya ni Keng.

“Just watch,” mariin na sabi nito. Ibinalik naman ni Ces ang tingin sa video at may nagsalita na naman na wala sa screen. Boses ni Keng. “Sira, video—documentary 'to. Tuloy niyo na ang pag-uusap ninyo.”

“Ano 'yan? Lalagay mo sa Instagram?” Ngumisi si Lyle.

Narinig ni Ces ang pagtawa ng boses ni Keng sa video. “Paano mo nalaman? Medyo famewhore ako, e, para magka-followers ako hashtag ‘The Lyle Yuzon’!” Nakita niya ang pag-irap ni Lyle habang natatawa sa screen at tumingin kay Kervin na nakita na rin sa video. Kumaway naman ang binata habang umiinom ng beer.

“Yaan mo na nga 'yang si Keng. Saan na nga ulit tayo?"

"Kay Ces." Napakunot ang noo ni Ces nang marinig niyang binanggit ni Keng ang pangalan niya. Nakita naman niya sa screen si Lyle na humithit ng sigarilyo.

"A, oo! ‘Yun! Ano na? Dali na, p’re. Pumayag ka na kasi,” nakangiting sabi ni Lyle habang tinitingnan si Kervin. Kumunot naman ang noo ni Kervin at humithit din ng sigarilyo.

“Puta, ang babaho ng sigarilyo,” mahinang kumento ng boses ni Keng sa video.

“Ano bang makukuha ko sa babaeng 'yan kung sakali? E, nakuha mo na ang virginity niyon, e.” Nagkamot ng pisngi si Kervin. Nanlaki naman ang mga mata ni Ces sa narinig. Bumilis din ang tibok ng puso niya at parang nag-init ang buong paligid.

Tumawa si Lyle pati na rin si Keng sa video. “Well, I don't know. Fun? Masaya siyang paglarua—“

“Keng, tama na,” mariin ngunit mahinang sabi ni Ces. Agad naman ini-stop ni Keng ang video. Kinuyom rin niya ang mga kamay niya. Sa sandaling video na napanood, para bang umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang ulo at may nararamdaman siyang. . . kakaiba. “Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ‘to?”

“Wow, ha?” Napaatras si Keng at tiningnan si Ces nang nakataas ng kilay. “Ako pa ang hindi nagsabi? E, ikaw 'tong hindi nakikinig sa umpisa pa lang.”

Naging mabigat ang bawat paghinga ni Ces sa bawat segundong dumadaan. Tinakpan niya ang kanyang bibig at tuluyan nang umiyak. Hinayaan naman siya ni Keng at umalis ng café. Ipinaskil din ng dalaga ang “CLOSED” sign para walang makikiepal sa moment ni Ces.

She couldn't believe it. Ang prinsipe niya, ang itinuring niyang buhay niya—ang ipinalit niya sa kaluluwa niya, ay basura lang pala ang turing sa kanya. All along, habang nagmamahal siya nang totoo ay laruan lang pala talaga siya ng binata. Iyak lang siya nang iyak habang paulit-ulit nagre-replay sa utak niya ang napanood na video: kung paano tumawa sina Lyle at Kervin habang pinag-uusapan kung paano siya lokohin. . . pati ang Kervin na 'yun.

Ano’ng nagawa niya para makuha ang lahat ng ito?!

Ito ba 'yun? Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Ash na mamatay siya? Dahil kailangan pa niyang malaman ang mga kagaguhan ng itinuring niyang prinsipe? Para masaktan siya lalo? Para ipamukha sa kanya na kinakaya-kaya lang siya ng mga tao sa paligid niya dahil mahina siya? Then, what? What will happen next?

She’d just get hurt. Over and over again.

It was. . .  she thought, the first time she fell in love and yet—bullshit! Isang bullshit ang pag-ibig.

Alam niyang masasaktan siya pero she didn't know that it's too painful. Handa naman na siyang umiyak pero hindi niya inaakala na ganito pala ang iyak na kailanganin niyang pagdaanan. Lahat ng sakit. . . parangi pinipilit na lang niyang mabuhay pero ang totoo ay dapat na siyang mamatay.

Ang sakit lang umibig.

That’s when she decided something. . . isang napakalaking desisyon. No, she wouldn’t kill herself anymore. Para saan pa? All she wanted was to be happy and yet, this happened. Dahil lang sa pag-ibig ay nagkandaletse-letse ang buhay niya.

Ngayon. . . she’s sure of something.

Gusto niyang maging masaya without that godforsaken feeling.

* * *

“Ash, pakausap kay Boss,” marahan na utos ni Ces kay Ash. Tiningnan naman siya ng kamatayan na may pagtataka sa mukha. Tumaas ang kilay nito. Ito kasi ang unang pagkakataon na kinausap siya ni Ces after a week matapos niyang iwanan ang dalaga sa hotel room.

“Bakit?”

“Tawagan mo siya.”

“Para saan?”

“Gusto ko siyang makausap,” matigas na sabi ni Ces na may seryosong mukha. Nagkatitigan sila ni Ash. Buong akala ng kamatayan ay madadaan niya sa tingin ang dalaga ngunit mukhang may iniisip si Ces na hindi niya nalalaman. He’s not a mind reader, after all. Ang alam lang niya ay ang mga puwedeng mangyari sa buhay ng mga tao, kung paano sila mamamatay at kung kailan.

He, himself as a Death Angel, couldn't read Ces at all.

With a sigh of defeat, kinuha niya ang D-Get and dialled Boss’ contact at wala pang ilang sandali, “—usto ko ng lolli. . . pop.” Mula sa masayang hitsura at aura ni Boss ay nawala ang ngiti nito nang makita nitong nasa harapan na niya sina Ash na nagpadala sa kanya sa mundo at Ces na nakatingin sa kanya nang seryoso.

Kumunot ang noo ni Boss. Ayaw na ayaw talaga niya ang mga ganitong emergency call dahil busy siya sa pagkain niya and yet, ganito ang nangyayari. Gusto niyang sirain ang D-Get ni Ash sa pagtawag sa kanya dahil alam na alam naman ng mga Death Angel ito ngunit nagtimpi siya. Nalungkot lang siya dahil hindi man lang niya nadala rito ang lollipop na binili niya sa Death World.

“O, bakit? Ano’ng kailangan niyo?” Badtrip si Boss at walang makakapagpagaan ng loob niya kundi ang lollipop na gusto niya kanina. Nagkamot ng ulo si Ash, tila natakot na sa puwedeng mangyari.

“Ito kasi, e.” Makikita kay Ash ang kaba. Kahit pa mukha siyang astigin ay sobrang takot siya kay Boss dahil alam niya ang capability ng maliit na batang ito. Mukha lang siyang bata ngunit siya ang pinakamatanda sa lahat ng kamatayan. He's not called the Death God for nothing. “Gusto kang makausap,” sabay turo kay Ces.

Tumingin naman si Boss kay Ces na kanina pa tahimik, at nang magtama ang mga paningin nila, nagkaroon na siya ng hinala sa gustong sabihin nito. Huminga nang malalim si Ces. Buo na ang kanyang desisyon. Ikinuyom niya ang kanyang kamay at sinabing, “may deal ako para sa'yo.”

~ ~ ~

Author's Note:
This story is killing meee~ Nahihirapan na ako sa sobrang emo nitong story ahuhuhuhu, ang hiraaap~ Kailangan ko magtimpi sa mga kakornihan ko kundi maaout of character sila kung sakali. This is so sad. Very very sad TT___TT Mas stressful siya kesa sa mga projects ko, pramis!! Gusto lang din sabihin niyo na gagaanan ko na din yung pagsusulat nito, feeling ko kasi ilang tolenada ang pasan ko sa story na to eh. Anyway, thank you sa pagbabasa ng TTLS!!

Noong nabasa ko 'yung comment ni Gianne (IBelieveInFrvr_), napasabi agad ako ng "syet! Sa kanya ko idededicate tong chapter na to! Ang ganda ng comment! Ramdam na ramdam niya si Ces! Ang ganda pa nung quote! (kaya nilagay ko na rin dito, kudos sa'yo yay!) kaya lang kasi nadedicate-an ko na siya. . . pero sobrang gusto ko na siyang dedicate-an talaga kahit dumoble pa kasi sobrang nagustuhan ko talaga yung comment niya.

Then Nicole came. . . o Isabel? Isabel/Nicole na lang. Nung nabasa ko 'yung comment niya, BOOM! It's decided, imemention ko na lang si Gianne pero kay Isabel/Nicole ko na lang idededicate para mag paid off yung mga comments nila. Sobrang. . . huhuhuh! As in, natutuwa ako kasi alam niya yung "hindi siya naglalagay ng isang bagay ng walang kahulugan" at alam niyang bubuhayin ko si Ces. Masyado akong natouch na natuwa ahihihi thank you sa pagbabasa! Sa pag realize nun! Sa inyong dalawa ni Gianne, kinikilig ako sa inyo. Salamat! :"> (Click external link to read her comment)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top