2 // Fairy Tales Exist

"Every man's life is a fairy tale, written by God's fingers." 
— Hans Christian Andersen

~ ~ ~

"Lyle Yuzon?" tanong ni Marky. "The Lyle Yuzon?"

Nagtaka naman si Ces sa ni-react ng kaibigan niya. Bakit, ano'ng mayro'n? Kinabahan siya dahil pakiramdam niya, ex yata ni Marky si Lyle kaya ganito ang naging reaksyon nito.

Aaminin niyang nagka-crush siya instantly kay Lyle noong Friday, kahit pa two days ago lang ito. Sino ba naman kasi'ng hindi magkaka-crush kay Lyle? Ang perpekto na kasi niya!

"Bakit, ano'ng mayro'n kay Lyle?" Ces was hoping na sana ay hindi 'yun ex ni Marky.

May respeto kasi si Ces sa kaibigan niya. Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya magkakagusto sa mga naging karelasyon ng mga kaibigan niya dahil importante sa kanya ang friendship.And now she's wishing na sana talaga, hindi ex ni Marky si Lyle.

"Hindi mo siya kilala?"

"Ha?"

Nagtataka na ngayon si Ces. Ano ba talaga'ng mayro'n kay Lyle? Bakit kailangang lagyan ng 'the' bago ang pangalan niya? May something special ba rito sa lalaking 'to (puwera sa perkpekto na ito)?

"Seriously, Ces, kailangan mo nang mag-Internet."

Hinila ni Marky si Ces palabas ng ice cream parlor. Sumakay sila ng jeep at wala pang isang oras, nakarating na sila sa apartment nina Marky. Agad silang pumasok doon. Si Ces naman ay nagtataka sa inaasta ng kaibigan.

"Maupo ka d'yan. Papakilala ko sa'yo si Lyle."

Kinabahan si Ces nang umalis si Marky at naiwan siya sa sala. Ipapakilala niya si Lyle sa kanya? Paanong—magkakilala sina Marky at Lyle? 'Yung totoo, magkaanu-ano ba kasi sila?

Gulong-gulo si Ces nang bumalik ulit si Marky na hawak-hawak ang laptop nito.

"Ces, meet Lyle." Umupo si Marky sa tabi ni Ces at iniharap ang laptop sa kanilang dalawa. "The Lyle Yuzon, the Casanova Prince."

"Casanova? As in, playboy?" nagtatakang tanong ni Ces.

"Yes."

Mula sa laptop, nakita ni Ces ang isang website na may URL na "http://THELyleYuzon.com" na obviously ay isang website na nakalaan para sa binata. Marami ang followers ng website na halos halos umabot na sa milyon. Isang personal website na pinapakita ang mga nangyari sa buhay ni Lyle na pupwedeng si Lyle mismo ang naghahandle o iba pang tao.

"Artista ba siya?" nagtatakang tanong ni Ces. Nadismaya ang dalaga sandali. Kung artista man si Lyle, mahirap na abutin ang binata. Not that she's dreaming pero. . . naabot niya ito last Friday. Kahit ang panyo nito ay nasa kanya rin. Thinking that she felt Lyle's hand last time made her silently giggle.

"Tinatanggihan niya. Private person daw kasi siya." Natawa si Marky sa sinabi niya. "Pfft! Private person pero may website siyang parang paparazzi niya. Ewan ko lang."

Tiningnan lang ni Ces si Marky—sIyempre, sanay na si Marky kay Ces na hindi gets ang sense of humor niya. Naisip tuloy niya na next time, hindi na talaga siya magdyo-joke kapag kasama si Ces dahil nawawalan ng epekto ang pagiging katawa-tawa niya.

"A, buti naman. Patingin?" Kinuha ni Ces ang laptop at tiningnan ang website ni Lyle. Iniwan siya ni Marky at kinausap na lang ng kaibigan ang boyfriend nito sa phone.

Nagbasa lang si Ces doon at nagtingin-tingin ng pictures. Nagugulat nga siya dahil sa bawat refresh niya, nadadagdagan ang followers ng website o 'yung parang mga nagsu-subscribe. May facts at questionaires tungkol kay Lyle. May mga videos din ng binata doon na kumakanta, sumasayaw, umaarte, naglalaro ng basketball at kahit simpleng pagngiti lang nito.

Napangiti naman si Ces nang makita niya ang isang picture ni Lyle na nakangiti at nakatingin straight sa screen na para bang nakatingin ito sa kanya. Pagka-refresh niya ng site, nagulat na lang siya nang may bagong post sa website na may title na:

Lyle's New Girl, model of Victoria's Secret

 

May picture pa ito ni Lyle na nakaakbay sa isang babae na naka-underwear at may mga pakpak habang ito'y nakahalik sa pisngi ng binata."

Nakaramdam naman ng kaunting sakit si Ces sa nakita. Napansin naman niya na wala pang ilang minuto, marami na ang nag-comment sa post na 'yun na parang sinasabi na bagay daw sila, parehas na maganda at guwapo.

Nanliit naman si Ces at napatitig sa picture ni Lyle na kasama 'yung model.

"Oo nga, ang ganda niya." Napabuntong-hininga siya. "Bagay nga sila."

Pagka-refresh naman ni Ces sa page ng post, may isang comment siya na nakita na nagpangiti rito.

Sana ako na lang girl mo, Lyle!  <3

Ako rin, Lyle. Sana ako na lang.

Ano ba 'tong naiisip niya. Hindi ito tama. Pinatay na niya ang laptop ni Marky at napansin na pagabi na pala.

"Wow, kamusta naman ang pag-stalk? Inabot ka na ng gabi."

 

Mula sa kitchen ay lumabas ang kaibigan niya na nakapambahay na. Hindi na napansin ni Ces ang kaibigan dahil sa pagtutok sa website. Hindi rin niya napansin na napatagal na siya sa pag iistalk sa lalaking nagngangalang Lyle.

Adik na ba siya sa lalaking ito? Ganito ba ang pakiramdam ng magka-crush?

* * *

Hindi na niya namalayan, para na siyang adik na inii-stalk si Lyle sa website nito. Dalawang buwan na ang nakakaraan simula noong insidenteng nahawakan niya ang kamay ng binata. Kahit matagal na ang nakalipas, holding on pa rin si Ces na sana makikilala siya ni Lyle. Naging lucky charm niya ang panyong pinahiram sa kanya ng binata. Gabi-gabi niya itong yakap na iniisip niyang si Lyle mismo ang kayakap niya.

Naaadik siya kay Lyle—ito ang tamang term. Lagi na siyang nagpupunta ng computer shop para hindi siya mahuli sa balita patungkol sa lalaking kinababaliwan niya. Isa siyang fan girl without the screaming ang yelling part, more on the stalking part lang siya.

Nalaman din kasi niya na may fans club si Lyle dahil nga sikat ito sa labas at loob ng school nila. Totoo naman kasi, hindi lang siya ang mahuhumaling kay Lyle; mabait na nga, sobrang guwapo pa ang binata.

Choosy pa ba siya?

Hinihintay ni Ces palagi si Lyle sa cafeteria tuwing lunch. Ito na lang siguro ang way niya para makita si Lyle in person—nakaupo si Lyle sa may pinakadulong part kasama ang iba pang sikat na tao pero unknown kay Ces. Tanging si Lyle lang ang nakikita nito, si Lyle lang ang naririnig, si Lyle lang ang hinahanap.

Lyle, Lyle. . . Lyle.

* * *

"Yung totoo, Ces: obsessed ka na ba d'yan sa lalaking 'yan?" Napakunot ang noo ni Ces sa sinabi ni Marky. Ngiting ngiti si Ces ngayon dahil nakita niyang break na si Lyle at 'yung model ng underwear.

"Bakit, ano'ng mayro'n kay Ces?" nagtatakang tanong ni Erich na isa sa kaibigan niya. Well, hindi niya kaibigan si Erich; si Marky ang kaibigan nito pero nakakasama na rin niya ito kaya puwede na ring masabi na magkaibigan sila. Friendly din kasi si Erich kaya nagkakausap sila palagi.

"Adik sa isang lalaki," sagot ni Marky.

"Really? Si Ces, naadik sa isang lalaki?" namamanghang tanong ni Erich na para bang hindi kapani-paniwala ang narinig. "Wait, hindi ba 'yan fictional character?"

"Nope. Totoo siya, ka-schoolmate niya."

"Really?!" Nanlaki ang mga mata ni Erich at hinawakan ang kamay ni Ces sa sobrang saya. "I'm so proud of you, Ces! Yehey!"

Napangiti si Ces. Siguro kasi ang healthy ng pagkaka-crush niya kay Lyle—naging inspired siya. Inspirasyon niya si Lyle para pumasok araw-araw sa school kahit na buryong-buryo na siya sa mga kaklase niya. Sobrang inspired at natutuwa siya kasi dahil doon, parang nagkakaroon siya ng dahilan para mabuhay pa nang matagal.

Tuwing gabi, nagdadasal siya na sana mapansin siya ulit ni Lyle. Hindi siya pumapalya: every night, bago matulog, lagi siyang nagdadasal hanggang sa isang araw, sa may locker area, kahit hindi maganda ang nakita niya—napansin siya ng Lyle niya.

* * *

Mga seven o' clock na ng gabi nang bumalik si Ces sa locker area para kunin ang librong kailangan niyang aralin para bukas. Wala nang masyadong tao sa building dahil kanina pang five-thirty ang last class kaya nagsialisan na ang mga estudyanteng hindi naman nag-aaral talaga.

Paglapit niya sa may area, nakarinig siya ng parang isang. . . ungol?

"Ah, Lyle. . . Ah. . . " Kinabahan si Ces sa hindi niya malamang kadahilanan. Imagination ba niya 'yun? Siya ba 'yung umuungol sa imagination niya? "Aahh. . . Ah. . . "

Hindi, hindi siya 'yun!

Pagtingin niya sa may mga lockers, nagulat siya kanyang nakita. Nadikit ang kanyang mga paa. Hindi siya makakilos. Doon, sa sulok na walang masyadong ilaw, ay mga anino ng isang babae at isang lalaki na naghahalikan—at naghahawakan sa kung saan mang parte ng mga katawan nila. 

A live show.

Hindi siya makaalis; natigilan siya sa nakikita niya. Tama ba? Tama ba ang nakikita niya? Si Lyle niya ba 'yun at isang babaeng unknown na naghahalikan?

Gusto niyang tumakbo papunta roon at paglayuin silang dalawa pero hindi talaga siya makagalaw. Nanigas siya sa kinatatayuan niya habang nanonood siya sa ginagawa ng dalawa—front seat, VIP, at free.

"Teka," narinig niyang bulong ni Lyle sa babaeng kahalikan nito na naging dahilan para kilabutan si Ces dahil ang guwapo ng pagkakabulong ni Lyle. Tumigil ang dalawa. Gusto na sanang tumakbo ni Ces pero lalo siyang natigilan nang napansin niyang lumingon si Lyle sa kinatatayuan niya.

Nagsimula na siyang kabahan.

Papalapit sa kanya nang papalapit si Lyle hanggang sa magkaharap na silang dalawa. Mula sa ilaw na nanggagaling sa labas, pansin niya ang kaguwapuhang taglay ng binata kahit pa gulo-gulo ang buhok nito. Ngumiti ito sa kanya na siyang nagpalaglag sa puso niya.

"Nakita mo ba?" Hindi makapagsalita si Ces. Nagpipigil siya ng hininga kaya napatango na lang siya. Kita rin ang faint lipstick marks na nakuha ni Lyle sa pakikipaghalikan sa babae kanina. "Okay lang ba na secret lang natin 'to? Don't tell anyone?"

Tumango ulit si Ces.

Tahimik na nga siya, napipipi pa siya lalo.

"Thank you, Princess." Nagulat siya dahil ngumiti ulit si Lyle sa kanya at nilagpasan na siya. Princess daw ako? Hindi makapaniwala si Ces sa narinig.

Tinawag siyang princess ng Lyle niya, so ang ibig sabihin, si Lyle ang prince niya? Ganu'n ba 'yun? Teka, nasa fairytale na ba siya?

Hindi niya mapigilan. Napangiti na naman siya—at kinilig.

~ ~ ~ 

Author's Note:
Salamat sa mga nagbasa lalo na sa mga nagcomment. Binibigyan niyo ako ng inspirasyon :">

Dedicated to ate Lily. . . sabi ko nga, ito ang edited version ng Love's Limit. Ewan ko ba, napapangiti kasi talaga ako na hanggang ngayon sa puntong 'to, nasa "reading list" pa rin ni ate Lily ang Love's Limit. Wala lang, nakakatuwa lang na napasama ang LL doon so kung mababasa mo man ito ate Lily, ito na 'yung edited. Not sure kung magustuhan mo pa to tulad ng sa dati pero ayun nga.

Multimedia part: Print screen ng "Library" ni ate Lily sa puntong 'to. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top