19 // Three words, four syllables
"Like a compass needle that points north, a man's accusing finger always finds a woman. Always."
— Khaled Hosseini
~ ~ ~
Napatitig ang lahat sa kamay ng itinuturing nilang prinsipe ng kanilang school na si The Lyle Yuzon. . . na hawak ang kamay ng isang babae na hanggang ngayon ay ipinagtataka nila kung bakit hawak pa rin niya. Ano na naman ba ang nangyari?
Nabasa na ng lahat ng stalker ng website ni Lyle na single and available ang prinsipe, pero ano itong lokohang ito? Maraming nagtaka, nagulantang at na-badtrip. . . Akala ng karamihan ng babae ay brineyk na ni Lyle si Ces dahil sa mga nakaraang linggo na hindi nila pagsasama. Hindi sila nagpapansinan noong nakaraan pero, bakit halos one week na silang hindi mapaghiwalay?
Ito ang dahilan kaya humupa ang mga haters ni Ces noon. . . pero nagliyab na muli ang pagkatao ng mga kababaihan sa school nang makita na naman nila si Ces na kasama ang Lyle nila. Ang sasama ng tingin, matatalas na parang kaunti na lang ay hihiwa na ito sa katawan ng dalaga. Ngunit hindi naman iyon pinansin ni Ces. All she knew was she’s happy—so happy. . .kahit pakiramdam niya ay may mali.
“Princess, kita na lang tayo mamayang lunch?” Hinalikan ni Lyle si Ces sa mga labi at nagsimula nang maglakad. Napansin naman ni Ces ang mga tingin ng mga babae sa boyfriend niyang naglalakad nang diretso sa hallway.
Nakaramdam siya ng pagkaasar. Kung puwede lang bulagin ang mga babaeng iyon ay ginawa na niya.
It’s been a week since the train station incident and fortunately. . . or unfortunately, they got back together—teka, nag-break ba sila? All Ces knew was nagpahinga lang ang relasyon nila pero hindi sila nag-break. No, they didn’t break up—never. Sino naman kasing nagsabi na naghiwalay sila?
Lahat ng nakita at narinig ni Ces noong nakaraan—nawala na parang bula sa kanyang isip. Para saan pa kung iisipin niya na may ibang kahalikan ang boyfriend niya e nakaraan na 'yun. Ang importante ay hawak niya kani-kanina lang ang kamay ng boyfriend niya.
Boyfriend niya. . . ang Lyle niya.
Isa ito sa dahilan kung bakit bumalik si Ces sa kanilang school—oo nga't sinabi ni Miss Caras na puwede siyang pumasok this semester pero nawalan na siya ng gana noong nakaraang linggo. Kung hindi lang niya nakita muli si Lyle, kung hindi lang siya sinundan ni Lyle sa istasyon pauwi, kung hindi lang sila nakapag-usap, kung hindi lang nag-sorry si Lyle sa kanya at in-explain kung bakit lumalayo ang binata, ay hindi na talaga siya papasok sa school na ito.
Naniwala naman si Ces sa paliwanag ni Lyle na nais lamang protektahan ng binata ang image ng nobya. . . . which was really weird that she fell for his words that easily. Para bang kahit anong sabihin ng binata ay paniniwalaan agad ni Ces. Nakakaloko. Pero masisisi pa ba si Lyle kung ang binata na rin ang naging dahilan para ganahan ulit mag-aral si Ces?
“O, Miss Flores, hindi ka ba papasok?” Nakangiting bati ni Mr. Quiano, ang computer class professor, sa dalaga na nakatayo lang sa tabi ng pintuan.
“A, hi, sir,” ngiting bati ng dalaga sa kanyang propesor. Hahawakan na sana niya ang doorknob para makapasok nang hawakan siya ng kanyang professor sa braso.
“Ako na.” Napatingin si Ces sa kanyang propesor na nakangiti at binuksan ang pintuan. Pinauna siya ni Mr. Quiano sa pagpasok. Hindi niya alam ang gagawin. Parang nahiya siya sa simpleng gesture ng professor pero nagpasalamat na rin siya at pumasok.
“Okay, class, please open your units. . . ” Napatigil sa pag-iingay ang buong klase nang pumasok si Ces ng classroom at ang professor nila na nasa likruran ng dalaga. Hindi man tumingin si Ces sa mga kaklase niya ay nakaramdam siya ng kakaiba—para bang, para bang hinuhusgahan na naman siya.
Buong klase niya sa computer class ay nakatingin lang siya sa professor. Hindi niya iniaalis ang tingin sa harap dahil alam niyang kaunting sulyap lang niya sa gilid ay siguradong masasamang titig ang madadatnan niya.
Napapansin naman niya na tumititig din paminsan-minsan si Mr. Quiano sa kanya at ngumingiti. Siguro dahil siya lang ang nakikita ng propesor na nakikinig dahil nga ang mga kaklase niya ay walang ibang pakialam kung hindi ang sarili nila, pumapasok para irampa ang mga damit at magmayabang ng mga gamit.
Pagdating ng saktong alas dose, hindi pa tapos ang klase ni Ces pero kating-kati na siyang umalis. Gustong-gusto na niyang makita ang kanyang prinsipe kaya naman nag-cut na siya ng klase. Hindi naman siya napansin ng professor dahil maliit lang ang bag niya at nagpaalam para magpunta sa CR.
Ngiting-ngiti siya habang naglalakad papunta sa cafeteria dahil sigurado siyang hinihintay na siya ng kanyang prinsipe. Nawala ang ngiti ni Ces at napatigil sa paglalakad nang makakita siya ng mahabang pila ng kababaihan na para bang may pinagkakaguluhan sa cafe.
“Wow, ano 'yan? Pila ng NFA rice?” Napatingin agad si Ces sa kanyang kanan nang bigla niyang narinig ang boses nito. Nakita niyang unti-unting lumilitaw ang imahe ni Ash na nakatingin sa pila ng mga kinikilig na babae sa cafeteria. “Naghihirap na pala ang mga tao sa school ninyo.”
“Ang korni mo.”
Sumimangot si Ash sa sinabi sa kanya ni Ces at iniangat ang sarili upang makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa cafeteria. Tumingin naman siya kay Ces nang seryoso ngunit ipinalit rin ang para bang nang-aasar na mukha. “Boyfriend mo pala ang nagbibigay ng NFA rice du’n, o.”
“Si Lyle?” Sinundan ni Ces ang tingin kay Ash na pababa na nang makarinig siya ng bulungan ng dalawang babae sa hindi kalayuan.
“Sino’ng kausap ng babaeng 'yun?”
“Baka nababaliw.”
“Nako, sana i-break na siya ni Lyle. Lagpas quota na siya sa buwan!”
“Baka ginayuma. Mukhang mangkukulam, e.”
Napatingin si Ces sa dalawang babae na nag-uusap. Natigilan naman ang mga dalaga nang makita nilang nakatingin sa kanila si Ces ngunit napalitan ito ng mga ngiti sa labi. Nangaasar ang kanilang mga mukha na putingputi dahil sa powder. Namumutok na rin ang mga labi ng mga ito dahil sa sobrang pulang lipstick.
Kumpara sa make-up ni Ces, mukhang clown 'yung dalawang babae na nagbubulungan.
“Oops. Sorry, narinig mo pala.”
“Hindi namin sinasadya,” sabay tawa at naglakad na palayo.
Napakuyom ang kamay ni Ces sa pagkainis. Hindi niya alam ang nangyari pero nagkaroon siya ng lakas ng loob para sumugod sa cafeteria at sumigaw sa loob.
“Boyfriend ko 'yan!”
“Uy! Ano’ng ginagawa mo?!” narinig niyang sigaw ni Ash ngunit hindi niya pinansin.
Natigilan ang mga tao. Nawala ang ingay sa loob ng cafe at napatingin lahat kay Ces. Sobrang tahimik ng buong paligid. Sinundan lang ng tingin ng mga tao ang paglalakad ni Ces hanggang sa makarating ang dalaga sa puwesto ng kanyang prinsipe.
“Tara na!” Pasigaw na sabi ni Ces. Hinatak niya si Lyle para makaalis na at mawala na sa paningin niya ang mga babaeng pinapalibutan si Lyle ngunit nagulat siya sa biglang paghatak ni Lyle ng braso palayo sa hawak niya.
“Ano ba’ng nangyayari sa'yo?” Halata ang pagkainis sa boses ng binata sa pagtatanong nito. Tumingin si Ces kay Lyle matapos ay binaling ang atensyon sa mga babaeng kanina ay nakalapit sa boyfriend niya.
“Ayokong may ibang babae na lumalapit sa'yo,” mahinang sabi ng dalaga.
“Wala ka bang tiwala sa akin?!” Nagulat si Ces sa pagsigaw ng kanyang boyfriend sa kanya—kahit ang mga tao sa paligid ay nagulat dito. It was the first time for them to see Lyle shouting.
“M-mayro’n—pero sa kanila—!” Tinuro ni Ces ang mga babaeng nakataas ang kilay, na kung hindi pina-tattoo para mukhang perpektong tingnan ay mga one hour inayusan para gumanda, at nakatingin sa kanya. “Wala akong tiwala sa kanila!”
“Just—Just stop.”
Nanlaki ang mga mata ni Ces nang biglang naglakad palabas ng cafeteria ang kanyang prinsipe, leaving her behind. Napatingin siya sa paligid. Nakatingin pa rin sa kanya ang lahat—kahit si Mang Pola na matagal na niyang hindi nakakausap dahil nga busy siya kay Lyle ay nakita ang buong senaryo. Kita ang lungkot sa mukha ng itinuring na kaibigan ni Ces na si Manag Pola, mukhang nalulungkot dahil sa inasal ng dalaga.
“T-teka, Lyle!” Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Ces at nawala ang init ng kanyang ulo nang habulin ang boyfriend niya. Nakalabas na siya ng cafeteria ngunit ang mga tao sa loob ay parang nagkaroon ng aftershock sa mga nangyari hanggang sa may isang sumigaw na babae.
“‘Yung MyuSick, bumalik na!” saka lang nagbalik ang ingay sa loob.
Hindi man napansin ni Ces ngunit nawala na ang nag-iisang kamatayan sa senaryo, hindi nagpaalam, umalis na lang bigla. Nawala na sa kanyang isip na kasama nga pala niya si Ash. . . siguro dahil mas importante sa kanya ang prinsipe niya.
“Lyle, wait lang!” Gusto nang maiyak ni Ces. Hindi niya akalain na magba-backfire sa kanya ang pagkainis niya. Nagseselos lang naman siya, e. Natural naman 'yun, hindi ba?
“Lyle!” Hinawakan ni Ces ang laylayan ng polo ni Lyle na siyang dahilan para tumigil sa paglalakad ang binata at humarap siya.
“Pinahiya mo ako sa half of the school body! What were you thinking?!” Napaalis ang paghawak ni Ces sa polo ni Lyle nang biglang sumigaw ito. Kahit ang mga tao sa paligid na malapit sa kinatatayuan nila ay natigil din sa gulat sa pagsigaw ng The Lyle Yuzon.
“S-sorry. . .”
“Sorry for what?! Nagawa na, e!”
“S-sorry. . .” Tuluyan nang umiyak si Ces. Hindi niya alam ang gagawin. Tinakpan niya ang kanyang mukha sa sobrang pagkahiya at sa sakit na nararamdaman.
Mali ba na makaramdam siya ng pagkainis sa tuwing may lumalapit na babae sa kanyang boyfriend? Mali ba na magalit siya sa mga babae sa tuwing nakikita niyang nilalandi ng mga ito ang boyfriend niya? Mali ba na maging ganito siyang girlfriend?
Nagulat siya nang bigla siyang nakaramdam ng pagbalot ng mga kamay sa kanyang katawan. Bumilis ang tibok ng puso ni Ces at lalong naiyak nang ma-realize niyang yakap-yakap na siya ng prinsipe niya. Akala nga niya ay sisigawan pa siya nito sa pag-iyak niya ngunit nakangiti ngayon ang kanyang puso sa pagyakap ng binata.
“Sshhh....Huwag ka na umiyak.” Hinalikan ni Lyle ang bunbunan ni Ces na ngayo’y umiiyak. Niyakap naman pabalik ng dalaga ang kanyang prinsipe. . . natutuwa, dahil kahit nag-away sila nang ganito ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagmamahal ng binata sa kanya.
But that didn't last long.
* * *
“Hi!” Agad na hinalikan ni Ces ang mga labi ng binata pagkakitang-pagkakita pa lang niya rito—ngunit nawala ang ngiti sa mga labi niya nang makaamoy siya ng kakaiba na hindi usual na amoy ng binata.
Kakaibang pabango. . . parang pang-babae?
Hindi na sana papansinin ni Ces ang pabango ni Lyle kung hindi lang sa pagkalas nilang dalawa ay kitang-kita niya ang isang stain ng parang sobrang red na kulay sa polo ng binata. Agad na pumasok sa utak niya ang isang bagay—lipstick.
“Lipstick?” nakakunot-noong tanong ni Ces.
Nakita ni Ces ang panlalaki ng mga mata ni Lyle at napahawak sa leeg niya—na lalong nagpakunot ng noo ng dalaga dahil parang naalarma ang binata sa tanong, na para bang dapat ay tago ito.
“A—A, ano kasi. . . nag-truth-or-dare kasi ‘yung mga kaklase ko, nasama pa ako.” That was Lyle’s excuse. . . na pinaniwalaan naman agad-agad ng dalaga.
Napapadalas na sa isip ni Ces ang mga posibilidad na maaaring may ibang babae na si Lyle—hindi siya tanga para hindi niya maisip 'yun pero sobrang tanga naman siya para hindi paniwalaan ang mga naiisip niyang 'yun. Pinipilit niya sa kanyang sarili na si Lyle ang para sa kanya dahil kaluluwa niya ang naging kapalit ng buhay ng binata. Iniisip niya na test lang ito ng Lumikha para mapatunyan ang pag-iibigan nila.
Iniisip niya na kung hindi man nagkatotoo rati ang baby na ang ama ay si Lyle ay sigurado siyang makakabuo sila ng panibago at gagawa ng masayang pamilya.
But what she thought was wrong . . . dead wrong.
* * *
“May kukunin lang ako sa classroom,” pagpapaalam ni Ces sa kanyang boyfriend. Pauwi na sana sila sa condo ng binata para gumawa ng mga bagay-bagay nang makalimutan ni Ces ang folder na kakailanganin niyang ipasa sa isa niyang subject.
Pagdating ni Ces sa classroom ay agad siyang napangiti dahil hindi na niya kakailanganing maghanap dahil nasa teacher’s table na ang folder. Agad niyang kinuha ang kailangan, excited nang lumabas nang magulat siya sa biglang pagharang ng isang binata gamit ang braso nito sa pintuan.
“Hi, Ces.”
“K-Kervin.” Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ng kaba si Ces ngunit ngumiti na lang rin, iniiwas ang tingin.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” pagtatanong ng binata.
“May kinuha lang ako.” Nakita ni Ces ang pagtango ni Kervin. Gustuhin man niyang umalis ay hindi niya magawa dahil nakaharang ang braso ng binata sa pintuan—wala namang ibang paraan para makalabas puwera rito. “A-ano, hinihintay kasi ako ni Lyle. . .”
“Lyle na naman.”
“H-ha?” Tumingin sa kanya si Kervin. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil against ito sa ilaw ng hallway at dahil nakapatay ang ilaw sa loob ng room nila. Pasado alas syete na rin kasi.
“I like you, Ces.” Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig—bakit biglaan? Nararamdaman niyang lumalapit sa kanya si Kervin, closing the gap between them. “I really like you.”
“T-teka, Kervin—” Nabitawan na ni Ces ang folder na hawak nang itulak niya si Kervin dahil hinalikan siya nito sa leeg. Tatakbo na sana siya papasok ng classroom nang bigla siyang hawakan ni Kervin sa kanyang braso at marahas na hinatak palabas ng silid.
“Akin ka na lang!” Nagulat siya nang bigla siyang halikan ni Kervin sa mga labi—isang marahas na halik na nakakaramdam na siya ng sakit.
“Kervin, ano ba!” Pilit niyang itinutulak ang binata ngunit sobrang lakas nito. Itinulak siya ng binata sa pader ng tahimik na hallway. Ang kaliwang kamay ng binata ay mahigpit na hawak ang dalawang kamay ng dalaga na nakataas. Hindi makaalis si Ces. Hindi siya makawala.
“Niloloko ka lang ni Lyle! Sa akin ka na lang!” Muli ay hinalikan ni Kervin si Ces sa mga labi, pinagpipilitang ipasok ang kanyang dila sa bibig ng dalaga. Sa sobrang pagkaasar ay hinawakan ni Kervin ang ulo ni Ces at inuntog nang kaunti sa pader upang mapasinghap ang dalaga—there, he gained access to her mouth.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Ces lalo na nang hawakan ni Kervin ang kanyang dibdib at unti-unting sinisira ang kanyang damit. Wala na siyang magawa. Nanghihina na ang kanyang katawan, at para siyang isang preso na nakakulong sa mga kamay ng binatang ito. Kahit ang mga binti ni Kervin ay pinapagitnaan ang kanyang buong katawan. Wala siyang takas.
“T-tama na. . . “ mahinang bulong ni Ces ngunit hindi siya pinapakinggan ng binata. She closed her eyes and asked for help. . . Lyle, tulungan mo ako! Lyle. . .
Soon enough, hindi siya binigo ng kanyang prinsipe dahil pati siya ay nagulat sa biglang pagkaupo ni Kervin at pagkauntog ng ulo sa pader sa sobrang lakas ng impact ng suntok.
“Hayop ka, Kervin! Bastusan lang, p’re?!”
Lalong naiyak si Ces nang makita si Lyle. Kitang-kita ang galit na mukha ng binata, nakakuyom ang mga kamao at parang uulit pa ng isang suntok. Naiiyak siya dahil sa sobrang saya niya na hindi siya pinapabayaan ng kanyang prinsipe.
Totoo nga. Totoo nga na si Lyle ang knight in shining unifor—
Pak!
“Ikaw naman!” Napahawak si Ces sa kanyang kanang pisngi nang maramdaman niya ang sobrang sakit na paglapat ng kamay ng prinsipe niya rito. “Akala ko ba may kukunin ka?! Ano’ng kukunin mo, ari ng kaibigan ko?!”
Nanginginig ang mga labi ni Ces, sa gulat. . . sa takot, sa sakit na nararamdaman. Gusto niyang isigaw na hindi niya alam ang nangyayari, hindi niya ginusto ito—hindi ito totoo ngunit walang lumalabas sa kanyang bibig.
Hindi siya makakilos. Sobrang nag-iinit ang kanyang pisngi na sinampal ng binata. Hindi niya namalayan na tumutulo na ang kanyang luha. . . pero hindi pa tapos ang lahat. Hindi lang sampal sa pisngi ang aabutin niya ngayong gabi dahil isa pang malutong na sampal sa kaluluwa niya ang pinakawalan ng tinuturing niyang prinsipe.
“Ang landi mo!”
Tatlong salita lamang. . . ngunit sobrang tagos sa puso.
~ ~ ~
Author's Note:
Hindi ko sigurado kung good thing ba 'yung "nakakakasabog ng ulo!!" o hindi. . . sinong makakapagsabi sa akin kung positive o negative 'yun? Anyway, gusto ko humingi ng kapatawaran, baka hindi ko na po ito ituloy dahil nasisiraan na po kayo ng bait. (Hahahaha joke lang itutuloy ko to para masiraan talaga kayo ng bait >:D)
Salamat sa mga nagbabasa at patuloy na nagbabasa kahit ang gulo? Magulo ba in a good way o hindi?!?!? Naguguluhan na rin ako!!! :))
Dedicated kay IBelieveInFrvr_ dahil she got me at Whoa there, whoa here, whoa everywhere! Hahahaha! Tuwang tuwa ako sa comment niya last chapter, sobrang nag enjoy ako (mas nakakaenjoy pa comment niya kesa dito sa buong update haha) tapos opo, ako gumawa ng cover. . . at salamat dahil nagustuhan mo siya, hindi ko alam na sa Kimi ni Todoke pala yung sa upper right, cute kasi nila eh. Anyway, salamat sa pagbabasa at sa pagkakaroon ng "gana" sa pagbabasa! Thank you rin for considering TTLS as one of your favorite story :) External link to read her comment.
PS: Tatapusin ko na ang paghihirap ni Ces next chapter. ^_______^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top