18 // A Heart Clash
"Love does not appear with any warning signs. You fall into it as if pushed from a high diving board. No time to think about what's happening. It's inevitable. An event you can't control. A crazy, heart-stopping, roller-coaster ride that just has to take its course."
— Jackie Collins
~ ~ ~
Nagmadaling umalis si Ces ng CR. Hindi na rin niya ininda kung malalaman ba ni Lyle na nandoon din siya. O kung may narinig siya. Gusto na lang niya makaalis. It's fucking hard for her. She couldn't breath. . . tila ba pinapatay ang buong pagkatao niya.
Dumiretso siya sa MRT para makauwi. Hindi siya sigurado kung paano siya nagkaroon ng lakas para makapunta sa istasyon. Lutang ang kanyang pagkatao. Wala na siyang naiintindihan sa mga bagay-bagay. Pakiramdam niya ay naiwan ang kanyang pagkatao sa CR. Naiwan ang kanyang puso dahil sa mga narinig.
Tila isang paligsahan ang pakikipagtitigan ni Ces sa riles ng tren.
Hindi pa rin mawala sa isip niya ang narinig kanina sa school, sa cubicle: ang pag-ungol ng babae, ang tawa at ang malalanding salita, ang school ID ng lalaking 'boyfriend' niya na nahulog sa lapag. Hindi siya makapaniwala. . . para bang nawawala na siya sa ulirat.
Nang dumating ang tren, hindi pa nakakahinto ay nakaramdam na ng pagkakatulak si Ces sa kanyang likod. Ayaw man niyang gumalaw ay kusa siyang nagagalaw dahil sa mga babaeng sabik makapasok sa tren.
Pagbukas ng pintuan ng tren, halos mag-unahan ang mga kababaihan sa pagpasok at natutulak na palayo si Ces sa pintuan.
“May bababa!”
“Ano ba, magpadaan nga kayo!”
“Miss kung hindi ka papasok sa loob, huwag ka sa unahan!”
Rinding-rindi na si Ces sa mga sigawan na naririnig. Hindi na siya nakapasok ng tren para makauwi dahil sa pagtulak sa kanya ng mga babae. Muntikan pa siyang maipit ng tren kung hindi lang nagsisisigaw ang mga babae para magbukas ulit ang pintuan.
Pag-alis ng tren, napabuntong-hininga si Ces.
Ang lupit ng mundo. . . Lahat ng inaakala niyang ikinaganda nito, para bang isang kahibangan.
Nakatayo pa rin siya ngayon at nasa unahan na ng pila. Hindi siya nakapasok kaya kailangan pa niyang maghintay ng panibagong tren na darating. Then again, she stared at the railroad right in front of her. Ang mga bakal na pinagdikit-dikit para maging daanan ng tren ay binabalot ng mga kalawang, maintained ngunit puwedeng masira dahil sa mga kalawang.
Kung tutuusin, parang tao ang isang bakal: maintained, inaayos—pero kung unti-unting babalutin ng kalawang ang isang bakal, masisira ito. Tulad ng tao, kahit ano’ng linis at ayos pa rin ng isang tao, kung babalutin siya ng kalungkutan. . . kasamaan. . . ay maaaring ikasira niya ito.
Nakatitig lang si Ces sa riles. Hindi niya pinapansin ang mga boses ng mga babaeng nagsasalita. Nanlabo sa pandinig niya ang lahat at ang naririnig na lamang niya ang mabagal na pagtibok ng kanyang puso.
Hindi niya inaalis ang tingin sa riles. Ang semento roon, kitang-kita niya ang mga crack; kahit ang mga maliliit na insekto na gumagapang ay kitang-kita niya. . . pati na rin ang ilang bato na nakalagay doon. Ang mga bakal na nangangalawang. . .para bang, para bang inaakit siya nito.
Tumingin siya sa kanan. Nakita niya ang ilang mga tao na katulad niya ay naghihintay ng tren upang makasakay. Wala pa rin ang hinihintay ng karamihan and again, she looked at the railroad.
Sa abong kulay ng tinitingnan niya, hindi niya alam kung bakit natutuwa siya sa pagtitig dito. Wala namang interesante sa riles. . .sa mga bakal, sa semento, kahit sa mga insekto ay walang nakakatuwang tingnan.
Humakbang siya nang isang beses.
Brrrt!
Napalingon ang karamihan sa malakas na pagpito ng guwardiya ng MRT. Masama ang tingin nito sa puwesto ni Ces. May ginawa ito sa kanyang kamay na para bang pinapaurong niya ang dalaga.
“Bawal tumapak sa dilaw na linya!”
Napatitig naman si Ces sa guwardiya ngunit para bang hindi niya naririnig ang malakas na sigaw nito. Sa totoo lang, wala na ngang naririnig si Ces dahil hinahatak siya ng riles sa kanyang harapan.
Humakbang siya ulit.
“Hoy, miss! Hindi ka ba nakakaintindi?!”
Naaasar na ang guwardiya kay Ces pero hindi pa rin siya pinapansin ng dalaga. Lahat ng mga mata ay nakatingin kay Ces. May ilan ding tumatawag sa kanyang pansin ngunit tila nawala ang lahat ng tao sa paningin ng dalaga.
Napatingin siya sa kanan. Nakikita niya ang isang maliit na liwanag na tila ba papalapit nang papalapit sa kinatatayuan niya. Tumingin siya ulit sa riles. Nagdidilim na ang kanyang paningin at unti-unti, ipinikit niya ang kanyang mga mata na pagod nang lumuha.
Malapit na. . . malapit na, malapit na.
Kunin mo na ako, Ash.
“Huwag, Auie,” rinig niyang bulong ng isang malamig na boses ng lalaki sa kanyang tainga, but it was too late. Rinig na rinig ang papalapit na tren and the railings, it’s pulling her down.
Down there.
“Aaaahhh! ‘Yung babae, nahulog!”
* * *
"Imulat mo na ang mga mata mo."
Mabigat ang katawan ni Ces nang magising siya. Iniisip niyang nasa langit na siya kung hindi lang niya nakita si Keng na nakatingin sa kanya. Hindi naman sa iniisip niyang hindi makakatungtong ng langit si Keng pero. . . medyo gan’un na nga.
Napansin niya ang puting pader at kisame. Mga aparato. isang lugar na pamilyar sa kanya. . .
Ospital.
“Mabuti naman at gising ka na. Ang mahal na ng charge mo sa ospital.”
“Ano’ng nangyari?” May kung ano siyang naramdaman sa kanyang katawan, hindi niya maipaliwanag. Parang mainit na pakiramdam na hindi—ang gulo.
“Nahimatay ka sa ICU.” Sinundan ni Ces ang pag-upo ni Keng sa upuan na nakalaan para sa mga bisita.
“Nahimatay? ICU?”
“Namatay si Lyle,” simpleng sagot ni Keng. "Last three days ago. 1:18 am. Internal blood loss."
“A-ano?!” Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig. Napaupo pa siya nang wala sa oras ngunit biglang nagdilim ang kanyang paningin kaya napahiga siya muli. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.
“O.A., ha?” natatawang sabi ni Keng.
“N-namatay. . . si. . .” Wala pang ilang segundo ay nag-unahang tumulo ang mga luha ni Ces. Tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay. . . Hinayaan lang siya ni Keng na umiyak. Walang nagsasalita.
Doon lang bumalik sa kanya ang nangyari kay Lyle. Birthday niya. Magkikita dapat sila ni Lyle. Ibabalita niya sana ang magandang balita. Ang rapist. Ang truck. Ang baby niyang nag-e-exist lang sa kanyang utak. Ang balita sa kanya ng doktor. Ang galit sa kanya nila Marla. Nila Kervin. Siya ang may kasalanan nang lahat. . . Wala na si Lyle.
Natawa si Keng sa reaksyon ni Ces. “Buhay na siya.”
Napatingin si Ces kay Keng na nakangising nakatingin sa kanya. Mukhang pang-asar na tuwang-tuwa pa na umiiyak si Ces. Nagtataka si Ces. Ano’ng pinagsasasabi ni Keng?
“Ano?”
“Kalokohan nga, e. Milagro raw kahit nagka-internal blood loss. Miracle boy, amputa.” Nakita ni Ces ang pag-irap ni Keng. Dumikwatro ito at kinuha ang magazine sa katabing table ng inuupuan niya.
“Miracle. . .?” Hindi pa rin naiintindihan ni Ces ang lahat ngunit alam niya ang nangyari: namatay si Lyle. . . at ngayon ay sinasabi ni Keng na buhay si Lyle. Isang milagro. Nabuhay. . .Hindi ba ito isang gawa ng kamatayan?
“Masaya ka na?” Agad na napalingon si Ces sa kaliwa niya at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang lalaking kamukhang-kamukha ng kamatayang nagpakilala sa kanya sa ICU noong nakaraan.
“Aaahh!”
“Tangina! Ano’ng nangyari?!” Nagulantang si Keng sa pagsigaw ni Ces. Tinuturo naman ni Ces ang lalaking nasa kaliwang bahagi ng kuwarto. . .takot na takot. “Bakit?! Ano’ng mayro’n? Ha?”
Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Ces lalo na nang ngumiti ang binata at. . . lumutang sa ere. Mas mataas na ang paglutang nito kaysa sa kinahihigaan ni Ces.
“L—a—no. . .”
“Ha? Ano, Ces? Ano’ng nangyayari?! Takte, umayos ka!” Nagpa-panic na si Keng habang niyuyugyog nang kaunti si Ces. Tinitingnan niya kung saan nakatingin ang dalaga pero hindi niya ma-gets kung ano ba ang nakikita ni Ces.
“Hindi niya ako nakikita at naririnig,” nakangiting sabi ng binata. “Hindi mo ako naaalala? Three days ago lang 'yun ah? Ako pa rin ‘to, si Ash.”
Bumibigat ang paghinga ni Ces ngunit nang magkatitigan sila ni Ash ay para bang nakaramdam siya ng pagiging kalmado. Tumingin siya kay Keng na hanggang ngayon ay naguguluhan sa mga nangyayari sa kanya. “A-ano. . . wala pala.”
“Putek! Sa mental ka yata dapat mag-stay, e!” Nakita ni Ces ang pagkalma ng katawan ni Keng at huminga nang malalim. “Alis muna ako. Babayaran ko ang bills mo rito.”
Agad na naglakad si Keng palabas ng kuwarto habang bumubulong ng, “Ano ba ‘yan. Baliw yata ‘tong babaeng ‘to,” na naririnig naman ni Ces. Hindi alam ni Ces pero napangiti siya sa pagbulong ni Keng na 'yun, pati na rin sa narinig niyang pagbayad ng bills.
“Keng.” Hindi alam ni Ces kung dapat bang tawagin niya si Keng sa pangalan nito. Pagtawag ni Ces sa dalagang nasa may pintuan na, hindi ito lumingon ngunit tumigil ito sa paglalakad. “Salamat.”
Dumiretso na sa paglabas si Keng ng pintuan at ang pumalit naman sa puwesto ng dalaga sa kanang parte ay si Ash, na ngayon ay kaunti na lang ang pagitan ng mga paa sa sahig. Nagkatitigan sina Ces at Ash. . . Unang nagsalita si Ces.
“Buhay pa rin ako?” pagtataka niyang tanong.
“Ayaw mo?”
“H-hindi. . . pero, nabuhay si Lyle—”
“Oo, at dahil 'yun sa kaluluwa mo.”
“B-bakit buhay pa ako? Nasa'yo na ‘yung kaluluwa ko, hindi ba? Dapat namatay ako, hindi ba?”
Nakita ni Ces ang pagbuntong-hininga ng binata. “Ang pagkuha namin ng kaluluwa na ginagamit ang kontrata ay hindi literal na parang sinusundo namin ang mga namatay. Hindi mo pa oras kaya ang pagpirma mo sa kontrata ay ang pagkadena lang ng parsoul mo sa kamay namin.”
“Ha? Parsoul?”
Napasapo sa ulo si Ash sa narinig. “Ay, nako. Hindi na ako magsasabi ng iba pang kamatayan terms!” pagrereklamo sa sarili. “Ang parsoul ay parang "navigator" ng isang barko. Ito ang tumutukoy kung saan pupunta ang isang kaluluwa—sa langit ba o sa impiyerno.”
“P-pero—”
“Oop! Bawal na’ng mag-pero. ‘Yan lang pwede mo malaman. Basta 'yung parsoul mo ang kinadena namin kaya buhay ka pa. Nahimatay ka lang, mga tatlong araw."
“T-tatlong araw?” Nanlalaki ang mga mata ni Ces sa gulat. Ramdam pa rin niya ang bigat ng kanyang katawan, para bang pagod siya kahit na nakahiga lang siya.
“Hindi kasi basta-basta ang pagkadena ng parsoul. Hindi kakayanin ng katawan ng isang mortal iyon. Tatlong araw ang process kaya tatlong araw kang tulog,” pag-e-explain ni Ash. Napatingin naman silang dalawa nang nagbukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang doktor na kausap si Keng. Lumapit naman si Ash kay Ces at bumulong ng, "Tatlong araw ka na ring binabantayan ng kaibigan mo."
Agad na napatingin si Ces kay Ash. “Si Keng?”
Lumayo si Ash kay Ces at ngumiti lamang hanggang sa. . . naglaho ang ito pati na ang paligid. Ilang sandali lang ay binalot na ng kadiliman ang kanyang paligid. Kinilabutan siya nang makita ang pulang matang nakatingin sa kanya. Bumulong si Ash sa kanya. "Akin na ang kaluluwa mo, Auie."
Nawala ulit ang lahat ngunit nanunumbalik na ang kanyang pandinig. Lumilinaw ang ingay na nanggaling sa tren. Ilang sandali lang, nakarinig na siya ng mga boses na nag-uusap.
* * *
"Okay na ba siya? Nacontact niyo na 'yung lalaki?"
"Yes, sir."
Nang malaman ni Ces na mayroon na siyang ulirat, nakaramdam siya ng sakit. Physically hurt. . .pero walang-wala ito sa sakit na nararamdaman niya emotionally. Weeks ago, sobrang saya ng dalaga nang magising siya to find out Lyle is alive because of her. But those happy moments vanished when the later weeks gave her so much pain. Hearing "those" in the CR gave her death. Pakiramdam niya ay hindi na dapat siya nabuhay pa.
Patayin niyo na lang ako, pakiusap.
Dumilat si Ces nang makaramdam siya ng sakit sa kanyang noo. Agad na dinatnan niya ang mga titig ni Ash sa kanya. Wala itong emosyon, hindi galit ngunit hindi rin masaya. . . nakatingin lang sa kanya. Kasama ng kamatayan ang ilang guard at ilang babae na naghihintay ng kanyang paggising.
“Miss, okay ka lang ba?”
“A-ano. . . opo.” Pinilit ni Ces na umupo kaya inalalayan siya ng guwardiya Napansin niya na para siyang nasa isang maliit na kuwarto na parang clinic. “N-Nasaan po ako?”
“Nandito ka sa office. Nahimatay ka kasi kanina sa station. Kamuntikan ka nang masagasaan, aba!”
Naalala niya ang pagkakataon kanina. Kung paano siya inakit ng riles. Kung paano siya nasaktan at namatay sa mga narinig sa CR ng school.
“P-pasensiya na ho.”
Sana natuloy na lang.
“Okay lang. Andiyan naman na boyfriend mo para sunduin ka.” Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig. Boyfriend? Sa isang salita ay para bang hindi mapakali ang kanyang puso sa pagtibok nang napakalakas. Isa lang ang pumasok sa kanyang isipan—isang mukha na nakangiti sa kanya ngunit. . . niwawasak ang kanyang pagkatao.
Ang prinsipe niya. . .
“Kakayanin mo na bang tumayo?” Tumango si Ces. Nakaramdam na naman siya ng sakit sa ulo at napahawak siya sa kanang parte ng kanyang noo. Doon lang niya napansin na may nakalagay na tela rito.
“A, sir—okay na ‘yung girlfriend niyo.” Napatingin si Ces sa guwardiya na tumawag sa sinasabing “boyfriend” daw niya. Una niyang napansin ang sapatos nito na humakbang papasok ng kuwarto at nagulat na lang siya sa nakita niyang lalaki na pumasok sa office. . . na may pag-aalala sa kanyang mukha.
Her heart started to abnormally beat again, nagwawala, nagagalit . . . umaangal, at the same time ay tumitibok na naman sa sobrang saya.
There she saw her prince looking straight at her with those eyes she fell for.
“Princess!”
~ ~ ~
Author's Note:
Sana nasagot na ang tanong niyo tungkol sa "eh bakit buhay pa rin si Ces kung kinuha na kaluluwa niya?" at sana rin eh huwag niyo akong pasabugan ng dinamita sa bahay dahil binabalik ko si Lyle. . . hahahaha! Ang mga iba niyong tanong ay masasagot din, chillax lang. :D
Salamat sa pagbabasa! \(^___^)/
Bakit pinalitan ko yung book cover? Kasi andaming nagtatanong kung sino daw 'yung mga taong nilagay ko sa cover, tinatanong kung sino 'yung "characters" pero hindi ko kasi sila kilala at naghanap lang ako sa net tapos nilayout. Hindi po talaga ako madalas naglalagay ng "mukha" para sa story ko at wala pong "mukha" ang characters ko dito sa TTLS tulad na lang ng sa AFG. :)
Dedicated kay bruhannah, bakit? Kasi kinikilig kilig ako sa comment niya doon sa please enlighten me na part nito. Basta, nung nabasa ko comment niya, hindi na mawala 'yung ngiti ko kasi hahahaha angkyot kyot lang binobola ako hahahaha! Thank you! External link para mabasa comment niya :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top