17 // She Almost Died
"Unbeing dead isn't being alive."
— E.E. Cummings
~ ~ ~
“Let’s partehhhh!”
Nagsasaya ang buong paligid at rinig na rinig ni Ces ang mga sigawan, pagkukuwentuhan at mga tawanan ng mga tao. After all, ito naman talaga ang point sa pagpunta ng bar: ang magsaya. Everyone's happy, everyone's enjoying the night.
Except her.
“Never look at them,” rinig niyang bulong ng lalaking nasa likod niya.
Ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. It was so unhealthy dahil sa sobrang bilis nito, nahihirapan na siyang huminga. She opened her mouth, gasping for air. . . She needed it. She really needed it. Hindi na niya kaya.
Nakatakip pa rin sa mga mata niya ang kamay ng binatang nasa likuran niya. Kahit pakiramdam niya ay inilalayo siya ng lalaki sa senaryong iyon, hindi pa rin siya mapakali. Naglakad sila paatras, para lumayo. Ang daming nagsisigawan sa loob ng bar pero mas rinig ni Ces ang pagsigaw ng kanyang puso.
Ang sakit. . . sobrang sakit.
Nang tumigil sila sa paglalakad, umatras si Ces na ikinabigla ng binatang nasa likuran niya. “T-teka—”
Umtras lang siya nang umatras dahil pakiramdam niya ay makikita pa rin niya 'yun. She needed to go. Gusto niyang lumayo. Lalayo siya. Lalayo siya nang sobra. Sa sobrang pag-atras niya ay na-out of balance ang binatang nasa likuran niya at nawala ang takip sa kanyang mga mata. Dahil sa takot, pumikit siya at tumakbo palabas ng bar.
Hindi. . .hindi ito totoo.
Walang katotohanan ang lahat—ito ang pinipilit niya sa kanyang sarili.
Nanghihina ang buong katawan ng dalaga nang makalabas siya. Humugot siya ng hangin dahil pakiramdam niya ay pinagdadamutan na siya ng paghinga. “Ces!”
Nataranta siya sa pagtawag sa kanya kaya't dumiretso siya sa pagtakbo, hindi lumilingon sa tumawag. Hindi niya iniinda ang panghihina ng kanyang katawan. Tumakbo lang siya. Not minding other people Not minding the curse she gets dahil sa mga nabubunggo niya. Hindi niya pinapansin ang paligid. . . Wala siyang pinapansing iba.
Wala siyang pakialam sa ib—
Beep!
“C-Ces!” Napatigil si Ces sa pagtakbo at bago pa siya makasama sa pagharurot ng sasakyan, may humatak sa kanya pabalik.
Huminto ang kotseng muntikan nang matamaan si Ces. Rinig na rinig ang musika sa loob nito dahil nakabukas ang mga bintana. Ibinaba ng driver ang kanyang shades kahit madaling araw na noon at ipinakita ang naiiritang mukha. Hinithit nito ang sigarilyong hawak at marahas na itinapon sa harapan nina Ces.
“PUTANGINA KANG BABAE KA! Gusto mo bang mamatay?!” Nagulat sila pati na ang ibang taong nakapaligid sa pagsigaw ng driver at biglang nagpaharurot ng kotse.
Napatulala si Ces, nakatingin pa rin sa kalsada na kanina ay pupuwede na niyang ikamatay. Ramdam niya ang hawak sa kanyang braso ng nagligtas sa kanya ngunit hindi niya ito pinapansin hanggang sa magsalita ito.
“A-are you okay?”
Napatingin naman si Ces sa lalaking nagligtas sa kanya. Dapat ay magugulat siya sa pagligtas ng lalaking ito sa kanya pero para bang nawala ang lahat ng lakas niya para mabigla pa. Hindi na siya makapag-isip nang maayos; wala na siyang maisip na matino.
She's lost.
Inialis niya ang hawak sa kanya ng lalaki at naglakad na lang. Lutang siya; para siyang isang zombie na walang patutunguhan. She just walked. No tears, wala. . . walang kahit na ano. Kahit ilang beses siyang tawagin ng binata na nagligtas sa kanya, hindi niya pa rin ito tinutugunan.
Isa lang ang pumasok sa isip niya—she almost died physically, but emotionally? She’s already buried.
* * *
Noong nagsimula ang panibagong semester, kahit enrolled na ay hindi pumasok si Ces sa school. Natatakot siya sa puwedeng mangyari sa loob nito. Natatakot siya sa mga puwede niyang makita. She locked herself away from everyone for a week, then decided to go to the cake shop.
Pinagsabihan siya ng manager nila pero tumatagos lang sa kabilang tainga niya ang pumapasok na sermon sa isa pa. Hindi siya sigurado sa sinasabi ng manager pero ang alam lang niya ay 'yung tanong na, "Bakit hindi ka pumasok nang isang linggo?"
Bakit nga ba hindi siya pumapasok? Because she's lost. Hindi niya makita ang sarili.
Hindi naman talaga dapat pagsasabihan ng manager si Ces pero dahil sa reklamo ni Keng na siya lang ang nagtatrabaho at baka nagpapakasaya si Ces sa iba e unfair para sa kanya. Keng wanted revenge. Well, not literally the bad revenge pero gusto niya, magtrabaho rin si Ces. Gusto niya, hindi siya ‘yung naghihirap.
Mahirap kayang magtrabahong mag-isa! Lalo na kapag tamad ka.
Bumalik sa trabaho si Ces. Ilang beses siyang kinausap ni Keng pero hindi niya ito pinapansin. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa dalagang lutang. "Naka-drugs ka ba?"
She waited for a response pero wala pa rin. Nanliit ang mga mata ni Keng at tumitig kay Ces, pinagmamasdan. "Sabi ko na nga ba."
Agad nabaling ang atensyon ni Ash kay Keng at sinundan ng tingin ang dalaga sa paglalakad papunta sa CR. Tumingin din siya kay Ces na lutang. . . then a customer arrived, but Ces was still in her own world.
"Uy, may customer."
Sa pag-announce ni Ash, doon lang natauhan ang dalaga. But she didn't smile; nawala ang ngiti niyang pangbati sa mga customers. Instead, she just looked at the customer and prepared the cake. Sobrang monotonous ng ginagawa niya; walang kaemo-emosyon.
Then after the customer left, nawala na naman ang dalaga sa mundo, staring at nowhere.
Keng was bored. . .then Ash disappeared dahil sa trabaho. Naiinis si Keng dahil hindi niya makausap si Ces at lutang lang ito: from time to time ay tinitingnan ang cellphone pero madalas ay nakatitig lang sa kawalan. Naiinis siya kasi parang wala lang sa dalaga ang mga sinasabi niya.
E, gusto pa naman niyang nakikitang natatameme si Ces sa mga sinasabi niya, pero ngayon? Wala. . .inii-snob siya ng dalaga. Nakakainis!
Nagbukas ulit ang pintuan ng cake shop. Pagtingin ni Keng, imbis na ngumiti—which was hindi rin naman niya ginagawa kahit mayro’ng customer—ay kumunot ang noo niya.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Keng sa binata.
Ngumiti naman ito kay Keng at tumingin kay Ces. “Bibisitahin ko si Ces.”
“Umayos ka, Kervin.”
“Maayos naman ako, Keng.” And again, he smiled—that innocent smile na para bang nakakapanibago.
Nagkatinginan sina Keng at Kervin, sukatan ng tingin. May ngiti sa mga labi ng binata habang kay Keng naman ay tingin na naaasar.
Magkakilala sina Kervin at Keng dahil parehas silang matagal nang kaibigan ni Lyle. From time to time ay nagkakasama sila sa mga gimik, inuman at pagba-bar. Minsan, magkasama rin sila sa mga trip sa buhay—alam nila ang trip ng bawat isa.
“Hi, Ces. Bakit hindi ka pumapasok?” He looked at Ces again pero hindi pa rin siya pinapansin nito. Tulala pa rin ang dalaga. . .para bang hindi napansin nito ang existence ng binata.
Lumapit si Kervin kay Ces, Keng eyeing him na para bang kaunting maling galaw lang ng binata ay handa na niyang gyerahin ito. Lumapit naman ang binata sa tainga ni Ces at bumulong, “Huwag mo na siyang isipin.”
Tumaas ang balahibo ni Ces nang marinig niya ang bulong nito. She looked at Kervin na lalong ngumiti dahil sa wakas, nakita na nito ang presensya niya. She looked at him with a blank expression pero maraming gumugulo sa kanyang isipan.
Ang lalaking ito—ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi ibulong sa kanya ang mga bagay na tumatagos sa kanyang pagkatao.
Hindi niya makakalimutan ang marahan na pagbulong sa kanya ng binata ng mga salitang humiwa sa puso niya. Those words. . . ‘Ikaw ang may kasalanan ng lahat’. Ipinagsigawan na ni Marla sa lahat ang mga 'yun pero mas masakit ang sinabi ni Kervin—parehas lang ng mga salita pero iba ang bersyon ni Kervin: mahinahon, pabulong pero sobrang sakit na para bang ang mga salitang iyon ay nakalaan lamang para kay Ces.
Pero ang bilis nga naman ng ikot ng mundo. Para bang sa isang iglap, he’s like a savior, a guardian angel. Para siyang hinulog ng langit kung tulungan niya si Ces—una sa bar. Siya ang nagtakip sa mga mata ng dalaga upang hindi mapanood ang senaryong gumuho sa mundo ni Ces. Pangalawa ay sa paghabol nito palabas ng bar at paghigit sa dalaga upang hindi masagasaan.
It was so fast, the change of people. . . at para bang hindi na nakakasabay si Ces sa bilis nito.
That next week, Ces decided to go to school. Kahit labag sa loob niya, napag-isip-isip niyang hindi siya puwedeng maging ganito. Tiningnan siya ng lalaking professor nang pumasok siya sa computer lab. All eyes were looking at her. Late na nga siya, mukha pa siyang sabog.
Rinig din niya ang mga bulungan ng iba niyang kaklase. Hindi pa rin siya ligtas sa mga masasakit na salita ng mga taong nakapalibot sa kanya.
“Buhay pa pala 'yan.”
“Kapal ng mukhang magpakita sa atin, o.”
“Ha? Sino ba 'yan? Ano bang klaseng specie 'yan?”
Hindi alam ni Ces kung ano’ng problema ng mga bumubulong tungkol sa kanya. . . Nakakatawa nga dahil bumubulong sila pero rinig na rinig naman. Ano ba’ng gusto ng mga ito? Ano bang makukuha nila habang nagsasabi ng masasama tungkol kay Ces?
“You must be Miss Flores, yes?” Tumango si Ces at umupo sa pinakamalapit na bakanteng upuan. Ramdam ni Ces ang mga masasamang tingin sa kanya ng ibang kaklase. Kung nakakamatay lang ang tingin, siguro nasa 40 days na ng pagkamatay ang dalaga.
Ngumiti muna ang professor na nagpakilalang si Mr. Quiano kay Ces saka itinuloy ang lesson. Hindi pa nag-iinit ang pagkakaupo ni Ces sa kanyang upuan ay may kumatok sa pintuan ng kanilang classroom. Nag-usap sina Mr. Quiano at ang babaeng nasa may pintuan, at sabay na tumingin kay Ces. “Pinapatawag ka ng Dean.”
Pagkarating niya ng Dean’s office, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Miss Caras. Masakit man para sa kanya ay wala siyang magagawa—she tried saving Ces’ reputation sa mga higher ups but the final decision couldn’t be changed.
“I’m sorry, Miss Flores, but your scholarship—”
“I understand.” Hindi na pinatapos ni Ces ang sinabi ni Miss Caras at umalis na ng office. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa letter ng higher ups sa kanya. Nakasaad sa sulat na 'yun ang status ng scholarship niya.
Scholarship Terminated.
Pinagbigyan naman siya ni Miss Caras na pumasok for this semester pero hindi siya makakapasok sa susunod na semester kung hindi niya mababayaran ang tuition fee this sem. Pero magkano ba ang isang semester dito? Hindi lalagpas ng one-hundred thousand pero hindi rin naman liliit sa fifty thousand.
Saan niya makukuha ang ganoong kalaki na halaga?
Ito ang naging dahilan para hindi bumalik si Ces sa kanyang klase at nagpunta sa isang CR na pinaka hindi-gamit sa school. She cried there. . . Hindi na niya kakayanin ang lahat ng sakit. Halos ibato sa kanya ang lahat ng problema and she's not ready with those problems.
Hindi niya kaya.
Ang sabi niya kay Miss Caras ay she understood and yet—she didn’t understand anything anymore.
Hindi na pumasok si Ces for the whole day and stayed inside a cubicle. Nakaupo lang siya roon, nakatulala hanggang sa nakarinig siya ng biglang pagbukas ng pintuan at pagsara.
“A. . .” Nawala sa pagkalutang si Ces nang makarinig siya ng pag-ungol ng isang babae. Nakarinig siya ng ilang paghampas at ilang ingay na nagpapahiwatig na may nangyayaring kakaiba sa loob mismo ng comfort room. “D-dito ta—ahh. . .yo. . .”
Nanlalaki ang mga mata ni Ces nang marinig niyang nagbukas ang katabing cubicle ng kinaroroonan niya. There, she heard a lot of things. . . lalo na ang pagpipigil ng babaeng gustong-gusto nang humiyaw pero nakakapagtaka dahil parang isang babae lang ang umuungol.
“May tao,” narinig ni Ces na bulong ng babae sa kabilang cubicle nang marinig niyang nagbukas ang pintuan ng CR. “T-teka, nakikiliti ako.”
“May tao ba d'yan?” Narinig ni Ces ang isang boses ng babae na siguro ay may edad na dahil sa pagkagaralgal nito.
“Opo. Sorry, I really need to answer the call of nature po, e,” sabi ng boses ng babae sa kabilang cubicle.
“Ay, D’yos ko! Hala, sige, i-flush mo 'yan pagkatapos, ha!” Ilang minuto lang ay narinig naman ni Ces ang pagbukas at sara ng pintuan ng CR.
“Muntik na 'yun, a?" Napatigil si Ces sa narinig na boses. Isang boses ng lalaki na. . . sobrang pamilyar sa kanya.
“Ikaw naman kasi, huwag mo akong haw. . . aahhh, shit!"
Bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ni Ces sa kanyang mga naririnig: mga tawanan, mga pigil na pagsigaw at ilang pag-ungol ng babae sa kabilang cubicle.
“Woah!" Hindi na halos makahinga si Ces sa kanyang puwesto. Masyado siyang nagko-concentrate sa mga sinasabi ng nasa kabilang cubicle para makasigurado. “Can I handle this?!"
“It depends. Kasya ba?" Habang patagal nang patagal, hindi na niya kinakaya ang mga naririnig niya.
“Wait, hindi ba your girlfrie—uhh. . ."
“I don't like girls who talk too much."
Pinipigilan ni Ces ang mga luhang gustong-gusto nang kumawala sa kanyang mga mata. She's too tired to cry and yet, hindi niya mapigilan ang kanyang mga luha. Nag-uunahan ang mga ito habang nakaupo siya sa toilet seat.
Pinipigilan niya ang paggawa ng ingay dahil ayaw na niyang makisabay sa mga ungol at paghinga nang malalim ng dalawang tao na nasa kabit-cubicle niya. It was too much. . . sobra-sobra na ang kanyang mga naririnig. Hindi na talaga. . .hindi na talaga kaya lalo na nang makarinig siya ng isang bagay na nalaglag sa lapag.
The two persons inside the other cubicle was too busy with their deed, not knowing that Ces could hear everything. Nang tiningnan niya ang lapag, halos pira-pirasuhin na ang kanyang puso sa nakita. There, she saw a card that bore the identity of the guy inside the other cubicle.
Their school's name and logo were printed on it na may isang litrato ng mukha ng lalaking sobrang guwapo, sharp eyes with manly features, maputing balat at maitim na buhok na gulo-gulo man ay sobrang guwapo pa ring tingnan, at mga labing hindi man pinkish dahil sa sigarilyo pero masarap halikan. Sa picture rin na ito, kitang-kita ang ngiti ng binata—lalo na ang dalawang nunal nito sa kaliwang parte ng baba na hindi masyadong kita sa ibang pictures. Kita rin dito ang matipunong balikat ng binata. . . isang perpektong lalaki. Naka-print din ang school number, course, pirma. . . at ang pangalan ng binata. . . printed with big, black letters, the identification card screamed at Ces' eyes,
LYLE T. YUZON.
Right at that moment, alam niya sa sarili niya. . . namatay na siya.
~ ~ ~
Author's Note:
Dedicated naman itong chapter na ito kay Brythelei. Bakit sa kanya? Kasi. . . keen observer siya. Natutuwa ako dahil kilala niya kung sino sila Pitch, natutuwa ako sa mga comments niya. Tipong napaka simpleng detalye lang tapos hindi ko pa inemphasis dun sa mga nakaraang chapters eh alam niya, ang galing lang. Thank you sa pagbabasa ng TTLS :">
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top