15 // Talked Back to Death
"Sometimes it isn't fighting that's brave, its facing the death you know is coming."
— Veronica Roth
~ ~ ~
“N-nababaliw na ba ako?”
Actually, unti-unti nang natatanggap ni Ces ang isang teoryang nabuo sa kanyang isipan—na nababaliw na siya ngayon mismo. Sino ba naman kasing hindi mababaliw kung nakakakita siya ng mga bagay na dapat ay hindi niya makita—lalo na't dalawa na tao—o kamatayan na nagpapahiwatig na wala na siya sa tamang katinuan.
“Ako yata ang nababaliw dito,” sambit ng isang batang lalaki na siguro ay nasa edad na pito na kasusulpot lang ilang minuto ang nakararaan. Hinihimas nito ang kanyang noo gamit ang kanyang kanang kamay na parang stressed ito habang ang kabilang kamay naman ay yakap-yakap ang isang teddy bear. “Paano niya tayo nakikita, Ash?” pagtatanong ng bata kay Ash.
“Aba, ewan ko! Sabi ko naman sa'yo nakikita niya ako, e,” pagpapaliwanag ni Ash. Sabay na tumingin sina Ash at ng batang tinatawag niyang boss kay Ces. Hindi nila ma-gets kung paano nangyaring nakikita sila ng isang tao.
Mas lalong hindi nage-gets ni Ces ang lahat ng pangyayari.
Iniayos ni Boss ang kanyang suot na pajamas na kulay pale green at may print na teddy bears. Tumingin siya kay Ces nang matalim ang mga mata na siyang nagpakilabot sa buong katawan ng dalaga. This boss had this cute face lalo na't mukha siyang seven years old lang pero kung makatingin ito—mas nakakatakot kay Ash. Parang mas. . .mas mukhang kamatayan.
Kaya siguro “boss” ang tawag sa batang ito.
Umikot si Boss sa kinatatayuan ni Ces, looking at her from head to toe na para bang ine-examine nito ang buong pagkatao ni Ces. Tumigil ito sa harap ng dalaga, hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa kanya. Hindi naman malaman ni Ces ang dapat i-react dahil hanggang ngayon, pakiramdam niya ay niloloko pa siya ng kanyang mga mata.
Basta ang alam niya, kinikilabutan siya. . .for this scene right in front of her was beyond reality.
“Ash, kunin mo na kaluluwa ng lalaking 'yan para makaalis na tayo,” utos ni Boss nang hindi inaalis ang tingin kay Ces. Mula sa peripheral vision ng dalaga, nakita niya ang biglang pagliwanag ng kamay ni Ash at out of thin air, lumabas ang isang malaking scythe.
Nang itutusok na ni Ash ang talim ng kanyang scythe sa may bandang puso ni Lyle para kunin ang kaluluwa nito, nagulat siya nang hindi niya ito maipasok sa katawan ng binata na para bang may force field na pumipigil sa kanyang ginagawa. Ilang ulit niyang binalak ipasok ang talim sa katawan ng binata pero hindi talaga, ayaw talaga. Tumingin siya kay Boss na nakatingin lang sa ginagawa niya. “Hindi ko makuha 'yung kaluluwa niya!”
“Bitiwan mo na siya.” Mahinang bulong pero tila pumasok sa sistema ni Ces ang salitang binitawan ni Boss. Nakakaramdam pa rin siya ng takot pero nakikita ni Boss na hindi nagpapatinag ang dalaga. Nagtataka naman si Ash dahil ang nakikita lang niya ay isang Ces na umiiyak nang tahimik, pero bakit. . . bakit parang may kakaibang aura ang nababalot sa dalaga? “Kailangan naming makuha ang kaluluwa niya.”
“A-ayaw ko.”
Nagtama ang paningin nina Ces at Boss, Ces looking downwards dahil nga mas maliit si Boss at si Boss naman ay nakatingala kay Ces. Nakakunot naman ang noo ni Ash habang nanonood sa titigan battle ng dalaga at ng kanyang boss. Nobody moved. Nobody blinked.
Ilang segundo lang ay hindi na nakatapak sa sahig si Boss at umakyat ito para magkatinginan sila ni Ces nang diretso sa mga mata. Hindi alam nina Ces at Ash, ine-examine niya ang mga mata ni Ces. . .dahil nagsusumigaw ang tingin ng dalaga.
Boss sighed hanggang sa tumapak na ulit siya sa sahig.
“Hay, nako.” Nag-make face pa si Boss na para bang napapagod na siya sa ginagawa niya. Tumingin si Boss kay Ces na ngayon ay nawala ang tensyon sa mukha nito, at tumingin naman kay Ash na nagtataka pa rin sa mga pangyayari. “Pag-ibig nga naman.”
Iniiwas ni Ash ang tingin sa kanya ni Boss pero hindi rin naglaon, nabalik kay Ces ang tingin ng batang kamatayan.
“Masyado mo siyang mahal, tama ba ako?” Agad-agad napatingin si Ash kay Ces. Hindi niya mawari kung ano’ng nararamdaman ng dalaga. Tahimik lang siya habang patuloy ang pag-iyak pero kitang-kita ang sakit na nararamdaman niya.
Napakuyom ng kamao si Ash.
“Ibigay mo sa kanya ang kontrata.”
Natigilan si Ash sa narinig. Nabingi ba siya sandali? Nagkamali ba ng sinabi si Boss? Lumapit siya kay Boss at tiningnan ito nang mataman. “B-bakit? B-Boss. . . A-ano?”
Nagkatinginan ang dalawang kamatayan na nasa loob ng kuwarto, titigan na tila ba silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Para bang may pinag-uusapan sila na sila lang ang puwedeng makaalam.
Sumubsob naman si Ash sa sahig nang ikumpas ni Boss ang maliit nitong kamay. Nagtama ang mga mata nina Ash at Boss once again pero ngayon ay halos magkasingtaas na sila sa pagkadapa ni Ash pero lumulutang pa rin.
“Narinig mo ba ang sinabi ko?” Nagdilim ang buong kuwarto kung saan nakahiga ang katawan ni Lyle. Halos nawawala na nga sa eksena ang totoong nangyari na patay na si Lyle dahil sa dalawang kamatayan na nandito. Nag-iba ang boses ni Boss mula sa batang boses papunta sa napakalalim na tono na walang makakaakalang sa isang batang lalaki ito nanggaling.
Imposible man pero nakaramdam ng takot si Ash sa nakitang pagpula ng mga mata ni Boss. Ngayon na lang kasi niya ulit nakita ang pagpula ng mga mata nito—na para bang nagpapahiwatig na seryoso na siya. “Sumunod ka sa utos ko, Ash.”
“P-pero—” Si Ash naman ngayon ang nakaramdam ng takot. Gusto pa sana niyang humindi pero nagulat siya sa sunod na aksyong ginawa ni Boss.
“Ngayon din!”
Boom!
There was no logical explanation sa mga nangyayari. Sa totoo lang, kulang na lang ay makakita ng wizard o fairy si Ces at maniniwala na siyang nasa fantasy world siya at wala sa totoong buhay. Kasabay ng pagsalita ni Boss ay para bang may isang malakas na puwersa ang nagpunta sa kuwarto para magbuga ng napakalakas na hangin para gumalaw ang mga makina sa loob nito.
Napatigil si Ash and sighed. Alam naman niya, kahit ano pang kontra niya ay talo siya kay Boss. After all, si Boss naman talaga ang may huling salita sa bawat desisyon ng Death Angels dahil si Boss lang naman ang Death God.
Kinumpas ulit ni Boss ang kanyang kamay at napatayo si Ash agad-agad. Tiningnan naman ni Ash si Ces—nagkatitigan silang dalawa pero siya ang unang umiwas ng tingin. Labag sa loob niyang inilabas ang D-Get o Death Gadget niya at hinanap ang application para mag-print ng kontrata. Ilang segundo lang ay iniluwa na ng kanyang D-Get ang kontrata na hinihingi ni Boss.
Lumipad ang papel papunta sa harap ni Ces at ang una niyang napansin ay ang nagliliwanag na mga letra sa bandang itaas na may nakalagay na “Soul Contract”. Nang tingnan niya sa kabuuan ang kontrata na isang lumang papel, ito lang talaga ang nakasulat dito—wala nang iba.
“Kung pipirmahan mo ang kontrata, mabubuhay ang lalaking ito,” simpleng pagpapahayag ni Boss.
Without ang single blink, Ces answered, “Sige.”
Nababaliw—oo, sobrang baliw na talaga si Ces. Lahat ay gagawin niya para lang mabuhay ang kanyang Lyle. . . Lahat ay papaniwalaan niya kahit sa tingin niya ay nawawala na talaga siya sa katinuan.
“Kahit kaluluwa mo ang kapalit?” nakataas-kilay na tanong ni Boss samantalang si Ash naman ay tahimik lang sa isang tabi.
Nagkatitigan sina Ces at Boss. Kita pa rin ang mga luha sa mga mata ng dalaga. Sa tinginan na 'yun, kahit walang sinasabi si Ces—alam na agad ni Boss ang sagot ng dalaga. Inutusan ni Boss si Ash na ibigay kay Ces ang pangpirma. Napilitan namang ibigay ni Ash ang scythe niyang pocket size. Isa itong scythe tulad ng ginamit ni Ash kanina para kunin sana ang kaluluwa ni Lyle pero mas maliit ito, puwedeng malagay sa bulsa, parang pang-pendant ng necklace.
Wala nang isip-isip na hinawakan ni Ces ang scythe na parang ballpen at itinusok ang matalim na bahagi ng scythe sa papel para pumirma pero nagulat siya dahil pagpirma niya, nahati ang papel sa dalawa. “Ay, napunit!”
Mula sa napakadilim na aura ng buong kuwarto, halos lumagakpak sa tawa si Boss sa nangyaring pagkapunit ng papel habang si Ash naman ay parang nanlulumo habang hinahawakan ang papel na napunit sa dalawa. “Hala, ‘yung kontrata. . .ang mahal nito!”
It was an epic scene. Ang bilis ng shifting ng emotion sa loob ng kuwarto dahil kung kanina ay nakakatakot si Boss, now he's like a child laughing his ass off. Kung kanina ay kengkoy si Ash, tumahimik, nagseryoso na siya ngayon. He's in despair. Ang hindi lang nagbago the whole time ay si Lyle. Mapayapa pa rin itong nahihimlay but Ces? Ces’ face was the most epic face ever. Hindi malaman kung magi-guilty ba o malulungkot o matatakot sa nangyaring pagkapunit niya sa papel.
“S-sorry,” ang tanging nasambit na lamang ni Ces. Kitang-kita naman sa hitsura ni Ash ang parang binagsakan ng langit—ang kaninang pagkatahimik niya ay nabasag dahil sa pagkapunit ng papel. Sa pangalawang pagkakataon, nag-print siya ulit ng papel at ibinigay kay Ces ito na may masamang tingin, nagbabanta.
“Isa pang punit nito, ikaw pupunitin ko, ha. Umayos ka!” Kinuha ulit ni Ces ang papel at sa hindi niya malamang kadahilanan, nagulat siya sa sarili niya nang itusok niya ang scythe sa kanyang braso. Nagdugo ito pero wala siyang nararamdamang sakit habang pinagmamasdan lang siya ng dalawang kamatayang gawin ang pagpirma. Binaliktad niya ang scythe at isinawsaw ang kabilang dulo nito na hindi matalas sa kanyang dugo at siyang pinangpirma niya sa may dulong parte ng papel.
She did it perfectly na para bang alam na alam niya ang ginagawa niya.
Napapikit si Ces nang biglang nagliwanag ang dugong nakapirma sa papel pero ilang segundo lang, pagkadilat niya, nawala na ang kabuuhan ng kontrata. Natahimik ang buong paligid, nawala ang tawa ni Boss at nagkatitigan sina Ces at Ash. Hindi mawari ni Ces ang tingin sa kanya ng binatang kamatayan. Parang may gusto itong sabihin pero hindi naman nagsasalita.
Ash just looked at her. Without a single word, lumapit sa kinatatayuan niya ang kamatayan. Bumulong ito gamit ang malamig nitong boses, “Akin na ang kaluluwa mo.”
Mula sa kinatatayuan ni Ces, nakita niya ang paggalaw ng hinliliit ni Lyle. She was about to call her prince's name pero nakaramdam siya ng sobrang bigat sa kanyang katawan. Bago pa siya makapagsalita, nakita niya ang mga mata ni Ash na may pulang liwanag. Narinig niya ang pagsambit nito ng isang salitang hindi niya maintindihan: “Auie.”
She felt something from the inside was taken from her body and with a snap, everything went black.
* * *
The Lyle Yuzon, almost dead but—still alive?!
Nakakaloka lang ang bilis ng mga pangyayari, mga Lycitizen. It was exactly a week ago when we were so shocked na malaman na ang ating prinsipe ay naaksidente dahil sa pagligtas niya sa babaeng hindi ko malaman kung bakit girlfriend pa rin niya e mukhang kamalasan na lang ang dala nitong babaeng ito sa kanya. Nagulantang din kaming lahat ng malaman naming MUNTIKAN nang mawala sa piling natin si Lyle pero kahit ang mga doktor, nagulat sa biglang paggalaw ng binata from his supposed-to-be death bed.
Paano nangyari itech? E, sabi ng doctor, it's very confirmed na tumigil na ang sistema ni papa Lyle noong mga panahong nasa ICU siya? Nakakalerqui!
Pero we should celebrate, right?! Right? Ang ating papa Lyle, buhay! Alive and kicking—well, not kicking dahil na-sprain ang kanyang legs but, OMG lang. Kahit ang mga doctors, napamangha—Lyle is a miracle sent from above!
Mabuhay! More fun in the Philippines!
Ang chaka chikadora ng Lycitizen ng Pilipinas,
LyLabsQitah
“The news were everywhere, Lyle! Thank God, you're still alive!”
“Are you okay, papa Lyle?!”
“Waaah, anghel ka po yata!”
Pagkalabas ni Lyle sa ospital, hindi na nawala ang mga taong nakapalibot sa binata para alamin kung totoo nga ang balitang naaksidente siya at muntikan nang mamatay. It's been a week and yet, ang dami pa ring nakapalibot. Kung dati-rati ay pinagkakaguluhan si Lyle dahil sa angking kaguwapuhan nito, ngayon ay mas lalo siyang pinagkakaguluhan dahil isa raw siyang anghel na nagmimilagro.
Sa hindi kalayuan, nakaupo si Ces mag-isa sa isa sa mga benches habang nakatanaw kay Lyle at sa mga taong pinagkakaguluhan ang binata. Nakangiti siya but. . .she felt empty. Ang gusto sana niya ay makasama si Lyle pero hindi sila binibigyan ng pagkakataon dahil sa mga nakapalibot dito.
One week na niyang hindi nakakausap si Lyle. . . dahil kahit sa klase nila sa Research, hindi sila nakakapag-usap dahil kung hindi absent ang binata ay pinagkakaguluhan ng mga kaklase.
At hanggang ngayon, ramdam na ramdam pa rin niya ang matatalim na tingin ng populars sa kanya. Hindi na rin niya alam kung gaano na karami ang hate mails na nakukuha niya sa locker. Hindi na nga rin siya gumagamit ng cellphone dahil panay rin ang text sa kanya ng mga taong galit sa kanya—dahil sabi nila, isa raw siyang malas.
“Look, 'yan ‘yung girl na iniligtas ni Lyle kaya siya naaksidente.”
“Hindi man lang naging grateful.”
“Ang kapal ng mukha.”
Huminga siya nang malalim at pinipilit na hindi pakinggan ang mga sinasabi ng mga babae sa likod niya. Tumayo siya, without looking at the girls, at naglakad na lang palayo. Siguro ay kakausapin na lang niya si Lyle next time. Tutal, siya pa rin naman ang girlfriend.
Siya 'yung girlfriend—yet siya ang nasa most hated list ng lahat.
Walang nakakaalam ng buong kuwento—ang alam lang ng lahat ay ang side ni Lyle, which was iniligtas nga raw niya si Ces from the two rapists pero ang hindi alam ng karamihan ay tumakbo palayo si Lyle dahil he's fucking scared to be beaten up.
He's not trying to ask for help; he's trying to get away—leaving Ces behind dahil hindi niya hahayaang masira ang kanyang mukha para lang makipagsuntukan. No, not his precious face. His face was too gorgeous para masuntok para lang sa pagsagip kay Ces.
Nope. Sorry, he wouldn't risk his face for her.
Pero ang nangyari, sa pagtakbo niya para makalayo. . . sa pagtakbo niya para makaiwas sa mga suntok na sisira sa kanyang mukha ay natamo niya ang isang aksidenteng kamuntikan nang kumuha sa buhay niya.
No one knew anything about the truth dahil kinimkim lang 'yun ni Lyle and exaggerated the story na sobrang benta naman sa lahat. Saying he's a savior, a miracle in disguise at kung anu-ano pa. Siyempre, he's enjoying the attention.
Guwapo na, talented na nga. . . sobrang matulungin pa.
The fact na ikinuwento niyang he tried to save her at nasagasaan siya ng truck dahil he was pushed by one of the rapists? Iniidolo siya dati pero ngayon, he's like a god. Sinasamba na siya. Kung pupuwede nga lang halikan na ng mga tao ang tinatapakan ni Lyle ay ginawa na nila.
But what he or everyone didn't know was that Lyle, The Lyle Yuzon, owed his life to someone—someone named Pauline Flores, his girlfriend, whom he tried to run away from kaya siya naaksidente.
Because this girl, also known as Ces—who loved him so much. . . talked back to Death and bargained her soul just to save his life.
All for him.
Para lang sa kanya.
~ ~ ~
Author's Note:
Not sure if this chapter is good or not. Nakakawindang kasi hahaha so guys, sige na, sagarin niyo na pag kainis kay Lyle dahil gustong gusto niyong naiinis sa kanya eh, ayan na ang "truth" about dun sa pagtakbo niya. Anyway, thank you sa comments and likes. Huwag po kayo magugulat dahil guys, simula sa umpisa, Fantasy na ang isang genre nito. :)
Dedicated to Maria dahil isa siya sa mga sophisticated writer dito sa wattpad na talaga namang iniidolo ko. Naaalala ko lang tuloy si S, grabe 'yung pasakit na ginawa niya sa character niyang 'yun, all the sacrifices and stuff, grabe lang! Pero ayun, ewan ko pero sophisticated kaya yung sulat ko? Nagmumukha kaya akong mature? Kung oo, sana maging kasophisticated ko si Maria pero okay lang kahit hindi kasi idol ko naman yang babaeng 'yan eh! :D
PS: Take note of some of the words dahil nagbibigay ako ng mga clue para sa mga susunod pang mangyari. Huwag niyo basahin ang TTLS ng bara bara :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top