14 // Then There's Ash
"Still, this whole grim reaper thing should have come with a manual. Or a diagram of some kind. A flowchart would have been nice."
— Darynda Jones
~ ~ ~
Lyle Yuzon. Blood lost due to internal bleeding. 1:18 am.
They tried to survive him. After all, ito naman talaga ang trabaho ng mga doktor at nars: ang bumuhay at magpagaling hangga't sa makakaya nila. As long as the patient won't give up, they won't, too. Pero this time, nasaksihan ulit nila ang isa pang kamatayan na araw-araw na senaryo sa kanilang ospital.
"You may see him," ani ng doktor with a sympathetic look on his face.
Nanginginig si Ces nang pumasok siya ng ICU. Binigyan siya ng ilang minuto ng doktor para matanggap ang lahat.
Lumabas ang mga tao sa loob para bigyan ng pagkakataon si Ces na makita ang binata. Pagbukas niya ng pintuan, napahawak siya agad sa kanyang bibig at lalong umagos ang mga luha galing sa mga mata niya.
There, she saw Lyle, lying on his bed na may mapayapang mukha kahit na sugatan as if waiting for her to see him. . . like this.
Wala nang nakakabit na kahit na anong machine, wires at kung anu-ano pang bagay sa katawan ng binata. Wala na ring dextrose na nakatusok sa mga kamay nito. . .Everything's so quiet.
At kahit pa tahimik si Ces, she didn’t want this kind of silence. No. Not ever. Never. Lalo na't involve rito ang mundo niya.
"L-Lyle. . ." Hindi na niya nakikita ang mabibigat na paghinga ng binata. Pinakinggan pa niya ang heartbeat nito pero wala.
Lyle didn't really make it.
"Hindi pupuwede," pagkukumbinsi sa sarili. "Nakuha kong maniwala na buntis ako so makukuha ko ring maniwala na hindi ka patay, ‘di ba, Lyle?"
Hawak lang niya ang kamay ng binata. Hindi niya mawari kung mainit ito o malamig. . . Naghintay siya ng ilang segundo para gumalaw o magsalita si Lyle, para mag-respond sa sinabi niya pero wala, wala itong ginawa kahit kaunting paggalaw man lang.
"Buhay ka, Lyle!" Niyugyog ni Ces ang katawan ng binata. "Buhay ka! Makapangyarihan ang utak. Buhay ka!"
Napaupo sa sahig si Ces. It's hopeless. Totoo na ito. Hindi na ito isang hallucination, malayo sa imagination at ito na ang totoong pangyayari. Ito na ang katotohanan. Ito na ang masakit na katotohanang sasampal nang napakalakas sa kanyang pisngi.
Matapos niyang malaman na wala siyang dinadalang isa pang buhay, nasa harap naman niya ngayon ang mundo niyang binawian na ng buhay.
"Ako na lang. . . Ako na lang ang kunin Mo, huwag na siya," pagmamakaawa ni Ces to Him, that Him she thought didn't exist, sa Kanya na ipinagtataka ni Ces kung ano’ng nagawa Niya para gawin Niya ito sa dalaga. "Buhay ko na lang ang kunin Mo."
Nakatakip lang ang buong mukha ni Ces ng kanyang mga kamay. Hindi alam ang gagawin dahil pakiramdam niya ay parang nawalan na rin siya ng buhay sa pagkawala ng minamahal niyang prinsipe.
Halos mawalan na siya ng hininga sa paghagulgol. Ito na lang ulit ang panahon kung saan ay umiyak siya nang sobra. The last time she cried like she would die tomorrow was when her mom left her side. . . when her dad left them for another. . . man.
And then some crazy idea went to her head. What if. . .what if, sundan niya ang prinsipe niya? They'd live their happy ending, right?
Blag!
"Ay, shhh!"
Napansin ni Ces ang pagbagsak ng isang bote sa sahig. Hindi na sana niya papansin ito pero gumulong ito papunta sa isang bagay na nagpakilabot sa buong katawan ni Ces—lahat ng balahibo niya ay tumaas sa nakita niya.
Mula sa ilalim ng hinihigaan ni Lyle ang isang pares ng paa na nakasuot ng black chucks. . . na hindi tumatapak sa sahig.
"Ahhh!" Napaatras si Ces sa nakita habang patuloy ang pagtaas ng balahibo niya sa katawan. Bakit may taong. . .nakalutang?!
"Anak ng!" Napatingin si Ces sa may higaan ni Lyle pero imbis na ang katawan ni Lyle ang napansin niya, nanlaki ang mga mata niya nang may makita siyang lalaking nasa tabi ng higaan ni Lyle. Hindi niya alam kung paano pero mas kinilabutan siya nang makita ang lalaki sabay tingin sa paanan nito at. . . siguradong-sigurado na siya, halos dalawang dangkal ang layo ng talampakan nito sa sahig.
"S-s-sino ka?"
Mabilis na napatingin ang lalaking nasa tabi ni Lyle kay Ces—nakatingala naman si Ces at napatitig sa lalaking hindi niya kilala kung sino. . . o kung ano, o kung tao man 'yun o hindi.
"Hmm?" Nakita ni Ces ang pagtingin ng lalaki sa kanya na parang nagtataka. Lumingon pa ito sa likod nito sabay balik ang tingin kay Ces. Nagkamot ito ng pisngi na natatakpan ng isang black na hoodie na suot nito sa labas ng plain white shirt na ka-partner ng black skinny pants at black chucks. "Bakit parang nakikita niya ako? Weird."
Napanganga nang kaunti si Ces sa narinig. Ano’ng—ano’ng nangyayari? Nabalot ng takot ang buong katawan ni Ces habang ang kanyang mga luhang tumulo ay bumalik sa kanyang mga mata. Paatras siya nang paatras hanggang sa makaupo na siya sa sofa na katabi ng pintuan.
"S-sino ka. . . B-bakit ka nandito?"
Nakataas-kilay na tumingin ang lalaki kay Ces na kanina ay parang ine-examine ang katawan ni Lyle. Matangkad itong lalaki, parang kasing tangkad ni Note na aabot sa six feet, mukhang normal na tao—papasa bilang kamag-anak ni Lyle pero. . .
Bakit lumulutang?
"Bakit ba parang nakikita niya ako?" Hindi malaman ni Ces kung siya ba ang kinakausap ng binata o hindi. Kinikilabutan fin siya sa boses ng lalaki: malamig, malalim pero may hint ng loko-lokong boses. "A, ano ba ‘yan. Kailangan ko nang gawin 'to."
Inialis na ng lalaki ang tingin niya kay Ces pero ang tingin ni Ces, hindi maalis sa binata. Patayo na ang dalaga dahil kahit papaano ay bumabalik na rin ang enerhiya niya mula sa kakaiyak niya. Sino ba siya? pagtatanong sa sarili.
"A-ano’ng—" Patuloy lang ang pagnood ni Ces sa binata. Out of nowhere, may biglang lumabas na maliit na kutsilyo sa kamay ng binata as if like magic. Her eyes widened. She continued watching hanggang sa na-realize na lang niyang nilalapit ng lalaki ang kutsilyong hawak sa kanyang boyfriend. "Ano ‘yan!"
"Ahhhh!"
Napaatras 'yung lalaki kasabay ng malakas na pag-atras ni Ces sa hindi niya malamang kadahilanan. Mabuti na lang at sofa ang nalandingan niya. Pagtingin niya sa puwesto ni Lyle, wala na ang lalaki pero nang inangat niya nang kaunti ang kanyang paningin. . .
"L-lu-lumu-Ah-hmm!" Nagulat si Ces dahil hindi na niya maibuka ang bibig. Pinipilit niyang buksan ito pero hindi niya magawa. Sumisigaw siya pero wala pa rin. Ano’ng nangyayari? Bakit hindi ko mabukas ang bibig ko?
"Nakikita mo ako!" Tulad ng pagkagulat ni Ces, nagulat din ang lalaking kasalukuyang lumulutang na kaunting tulak na lang ay mauuntog na sa kisame ng kuwarto. Nawala na rin ang hawak nitong kutsilyo. "P-paano nangyaring nakikita mo ako?!"
"Hmmhhhm?!" Halos mapunit na ang bibig ni Ces pero hindi pa rin ito bumubuka. What's happening to her?
"A, teka! ‘Wag kang magulo d'yan, teka!" Napatigil sa pagwawala si Ces at taas-ulo niyang tinitigan ang lalaki dahil nasa may kisame ito. Napansin niyang may kinuha ito sa bulsa at nakita niyang cellphone pa ito—touchscreen.
Nagpindot-pindot ang lalaki saka inilagay ang cellphone sa tabi ng tainga. Habang na hihintay ng maaaring sumagot sa kabilang linya, nakakunot-noo lang ang binatang nakatingin kay Ces na nagwawala. "Kumalma ka nga!" iritableng sabi ng lalaki. Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Ces.
"Hello, boss?" Nawala ang pagkakunot ng noo ng binata. "Nakikita niya ako!" Rinig sa boses nito ang pagpa-panic na para bang nakakita ang binata ng multo—which was really weird coming from him dahil siya itong lumulutang. "Opo, sige po. . .opo, sige, babay, ingats. Chupchup, mwahugz."
Natapos na ang call na ginawa ng binata at unti-unting lumapag ito papunta sa harap ni Ces and started examining her from her head papunta sa mga paa ng dalaga na pinagtaka naman ni Ces kung bakit. Isang metro ang layo nila sa isa't isa. Hindi na rin nagpa-panic si Ces kahit pa sobrang kinakabahan pa rin siya hanggang ngayon.
"Mag-promise ka sa akin. kapag tinanggal ko ang bind sa bibig mo, hindi ka sisigaw," mahinahon na sabi ng lalaki. Nag-aalangan man, tumango si Ces para ipahiwatig na pumapayag siya. Wala pang ilang segundo, naramdaman na niya ang pagbuka ng kanyang bibig at bago pa maka-react ang lalaking nasa harap niya...
"Ahhhhhhh!"
"Hala!" Nagulat naman si Ces dahil pagkasigaw niya, naramdaman niyang hindi na niya naigagalaw ang buo niyang katawan puwera na lang ang kanyang mga mata. "Sabi ko huwag sisigaw tapos sumigaw? Ano ba naman 'yun."
Napatitig lang si Ces sa binata. Nakita naman niyang nakatapak na ito sa sahig. Imagination lang ba niya ang lahat? Puwede pero—teka, teka! Hindi niya maigalaw ang buo niyang katawan. Ano’ng nangyayari?
"Hay, nako," pagbubuntong-hininga ng binata at tumingin sa screen ng cellphone na kakatunog lang kani-kanina. "Ang dami nang naka-line up tuloy."
Tiningnan ng lalaki si Ces sa mga mata which was not a good idea for him dahil nakita niyang tumutulo na ang luha ng dalaga sa takot. Napabuntong-hininga naman ulit ang lalaki na para bang naramdaman na niya ang pagkatalo at wala pang ilang sandali, nagalaw na ni Ces ang katawan niya.
"A—"
"Teka nga sandali!" Napatigil si Ces sa pagsigaw niya. Nakakunot ang noo ng lalaki na para bang naiinis na siya sa pagsigaw ng dalaga. "Kanina ka pa sigaw nang sigaw. Hindi ko matatapos 'tong trabaho ko, e!"
"S-sino. . . A—"
"Kailangan pa ba ng introduction?! Hi! Ako si Ash, secret years old. Nagtatrabaho ako bilang si Kamatayan at mahilig ako sa mga patay na tao. Mabait ako, hardworking, matangkad, maganda ang pangangatawan at maputi ang balat. Sabi nila, guwapo raw ako pero hindi ako naniniwala—okay na ba?"
Napatigil silang dalawa, nakatayo at magkaharap, walang nagsalita. Kahit si Ces ay para bang naging istatwang nakatitig sa binatang nasa harap niya na tinawag ang sarili na Ash. Was this guy joking around?
"A-ano?"
"Ang haba ng sinabi ko, hindi mo narinig?!"
"A-anong. . ."
"Kamatayan! Alam mo 'yun? ‘Yung mga sumusundo sa mga patay na tao?" pagpapaliwanag ni Ash—na hindi naman alam ni Ces kung dapat ba siyang maniwala sa pinagsasasabi ng kaharap niya.
"K-kamatayan?" Hindi malaman ni Ces kung bakit hindi siya tumatakabo ngayon o kaya naman sumisigaw. Hindi niya alam kung bakit parang nawala ang kaba sa dibdib niya at nakalma ang buo niyang katawan.
"Paulit-ulit lang?"
"P-pero, sigurado ka?"
"Sa tingin ko sigurado naman ako," sarkastikong sabi ng binata.
Kamatayan? Hindi talaga naniniwala si Ces. Actually, walang kapani-paniwala sa lahat ng nangyayari. Kung kamatayan man ang lalaking ito—napakalayo, dahil ang lalaking nasa harap niya ay mukhang normal na tao, well, except lang sa lutang part. Hindi ba't ang mga kamatayan ay skeleton na naka-black hood na may scythe? Pero. . .malayung-malayo ang lalaking ito sa isang 'kamatayan' na sinasabi ng iba.
"Kung iniisip mong hindi ako mukhang kamatayan, e di ‘wag. Hindi kita pinipilit. Nandito lang ako para sa trabaho. Okay lang bang gawin ko na ang gagawin ko? Marami pa akong kukuning kaluluwa, e." Naglakad si Ash papunta kay Lyle at pinagmasdan ito.
Ces found herself asking, as if naniniwala siya sa mga nangyayari, "A-anong trabaho?"
"Hmm?" Lumingon si Ash kay Ces at ngumiti na nagpakilabot ulit sa katawan ni Ces dahil nakita rin niyang nagliwanag ng kulay pula ang mga mata ng binata. "Ano pa ba?"
"H-ha?"
"E di kukunin ko ang kaluluwa nitong si Lyle. Patay na siya. Hindi mo narinig ang sinabi ng doktor?" simpleng sagot ni Ash kay Ces as if answering a one-plus-one equation. Natigilan naman si Ces. Sumasakit na ang ulo niya at hindi na niya alam. . . isa lang ang pumapasok sa utak niya sa kasalukuyan.
This was crazy.
~ ~ ~
Author's Note:
Maraming thank you sa 900+ reads, 80+ votes at 50+ comments sa chapter 13 kahit 4 days lang ang nakakaraan. Ahihihihi thanks.
Dedicated to AegyoDayDreamer. Bakit sa kanya eh hindi naman niya 'to binabasa?! Kasi, idolko siya. . . idol ko siya forever, kung pwede ko lang mabasa lahat ng stories niya sa website, ginawa ko na. Kung pwede lang ako makiFC sa kanya ng bongga para may appearance ako ng kahit kaunti sa Wizard's Tale, ginawa ko na. Idol ko siya sa fantasy stories at kahit sa mga simpleng stories lang, sobrang galing kasi niya! Pramis. So ayun, dahil nagsisimula na ang fantasy sa TTLS, sa kanya nakadedicate ang first chapter na may fantasy chuchu. :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top