13 // Of Reality Overdose

"Reality continues to ruin my life."
— Bill Watterson 

~ ~ ~

“Hi, miss. Puwede po ba kitang maabala? Kahit mga one minute lang?”

Napatigil sa paglalakad si Ces sa pagpipigil sa kanya ng isang babae na halos kasing edad niya. Napatitig siya rito. Hindi rin niya maintindihan ang lahat. . .lutang siya, walang nararamdaman at walang iniisip.

Hanggang ngayon, nandoon pa rin siya sa pangyayari isang araw na ang nakararaan.

“Uhm, miss, kasi may binebenta po kami para po sa charity.” May pinakita ang babae na isang pocket calendar na may picture ng sinasabi nilang mukha ni Hesus. “Medyo may kamahalan po ito pero sa charity naman mapupunta ang pera niyo. One hundred pes—”

“Hindi ako naniniwala sa Kanya!” Itinulak ni Ces ang babae kaya natapon ang mga pocket calendar na hawak nito. Agad tinulungan ito ng mga kasamahan para makatayo. “Kung totoo Siya, ano’ng ginawa ko sa Kanya para ganituhin ako?!”

Tuluyang nawala sa tamang wisyo si Ces. Hindi na rin niya malaman ang tama at mali sa mga nangyayari, hindi na siya makapag-isip nang tama. Guston- gusto niyang punitin ang pocket calendar sa sobrang pagkainis at pagkaasar.

“Uy, ‘andito ka pala.” Nagulat si Ces sa biglang paghawak ng isang lalaki sa kanyang braso at pagpigil sa pagwawala nito. Napatingin siya sa mukha ng lalaki at hindi niya mawari pero pamilyar ito—hindi lang niya malaman kung sino at saan niya nakita ang binata. “Tara, alis na tayo—sorry nga pala sa ginawa niya, ha? Stressed lang.”

Pinipilit ng lalaki si Ces para maglakad palayo. Nagpupumiglas man si Ces ay hindi rin niya masyadong magawa dahil nanghihina na rin ang buong katawan niya.

“Si Melo  ba 'yun?”

“Sino 'yung babae?”

“May girlfriend na si Melo?!”

Ito ang mga bulong na maririnig sa mga taong nakakasalubong nina Ces at ng lalaking hawak-hawak siya sa braso. Naka-shades ang lalaki, may suot na cap, simpleng polo shirt at pants. Matangkad rin ang binata.

“Ano sa tingin mo ang ginawa mong eksena du’n?” nakataas-kilay na tanong ng lalaking nasa harap ni Ces. Tumigil sila sa paglalakad nang makalayo sila sa lugar kung saan halos magwala na si Ces—which was so not her dahil tahimik lang naman siya kung tutuusin.

Pero hindi niya kakayanin ang lahat ng nangyayari—hindi niya kinakaya.

“Sino ka sa tingin mo para pakialaman ako?” matigas na sabi ni Ces but with a hint of depression, stress and darkness.

“Ako si Melo, ikaw si Ces—at hindi ka naman ganyan, ‘di ba?”

“Hindi kita kilala at hindi mo ako kilala.” Matalim ang boses ng dalaga. Something went bad kaya siya naging ganito. Something so bad. . . that she couldn’t take. Nilagpasan naman ni Ces ang binata na nagpakilala bilang Melo. May halong pagkagulat, pagtataka at paghiwaga ang nakapinta sa mukha ni Melo habang sinusundan ang paglalakad palayo ni Ces.

Diretso lang ang tingin ng dalaga, hindi pinapansin na ilang tao na ang nababangga niya. Hindi naman siya nakaramdam ng sakit sa mga bunggo na 'yun dahil mas masakit ang nangyari sa kanya nang malaman niya na ang prinsipe niya ay nag-aagaw-buhay sa ospital.

Hindi rin maalis sa isip ni Ces ang katotohanang nalaman niya when she woke up after the incident two nights ago: ang insidenteng nangyari sa kanya, kay Lyle at ang inaakalang niyang kasama niya sa tiyan niya noong araw ng kaarawan niya mismo.

Ang lahat ng pangyayari ay tila ba nang-aasar na paulit-ulit sa utak niya, na para bang pinagdidiinan sa kanya ang lahat. At habang naglalakad sa hindi malaman ang patutunguhan, bumalik na naman sa kanya ang mga pangyayaring halos magpatigil sa sistema ng kanyang buhay.

* * *

Nakaramdam ng paghaplos si Ces sa kanyang pisngi. Mahirap man dahil sa bigat ng kanyang mga talukap ay binuksan niya ito para lang masaksihan ang napakaliwanag na paligid—pure white pero ang ikinabigla niya ay ang nakita niya.

 

“M-Mama?!”

 

Ngumiti ang babaeng humaplos sa pisngi ni Ces. Nagtataglay ito ng isang maamong mukha. Tumayo agad ang dalaga at niyakap ang kanyang nanay. Pagkayakap niya rito ay mula sa lamig ng pakiramdam, nakaramdam ulit ng init si Ces—naramdaman niya ang isang yakap ng pagkalinga.

 

“M-Ma. . .” Isinubsob ni Ces ang kanyang ulo sa kanyang ina para mas mapahigpit ang kanyang yakap. Hinahaplos naman ng kanyang ina ang kanyang buhok na nagpapakalma kay Ces. Tumigil ang oras nang mga panahon na ito—siguro ito rin ang kailangan ni Ces para makabangon sa mga nangyari sa kanya.

Hindi rin naman nagtagal, bumitiw ang kanyang ina sa kanya at tumayo. Tatayo na sana si Ces nang makita niyang may dugo ang kanyang binti na kitang-kita dahil sa kaputian ng paligid. “A-ano ‘to?!”

Napatingin si Ces sa kanyang ina. Nanlaki ang mga mata niya dahil may dugo rin ang kamay ng kanyang ina—may hawak itong parang isang. . .isang fetus?

“Ma! Baby ko 'yan!” Pinilit tumayo ni Ces para habulin ang inang palayo habang hawak ang fetus na hawak nito. “Huwag mong dalhin ang baby ko d'yan!”

Ngumiti lang ang kanyang ina sa kanya—duguan ang mga kamay at ang ilang parte ng damit nitong kulay puti. Pero kahit na duguan, maamo pa rin ang hitsura nito. Papunta ito sa liwanag kung saan matagal na nitong pinamamalagian.

“Aaahhh!”

Napapikit si Ces dahil sobrang sakit sa mga mata ng liwanag na biglang lumitaw.

***

“’Yung baby ko!”

 

Agad dumilat at umupo si Ces and realized she's lying on a hospital bed. Nakaramdam siya ng sobrang sakit sa katawan. Nagulat rin ang nurse na nasa kuwarto at pinahiga siya agad pero ang ikinagulat ni Ces ay nandoon si Keng, nakaupo sa hindi kalayuan na upuan at nakataas ang kilay.

 

“Baby?” pagtataka nito sa sinabi ni Ces.

 

“Miss, ano hong baby?” Lumapit ang nurse at inaayos ang mga aparatong nagulo sa biglang pag-upo ni Ces.

 

“’’Y-yung baby ko. . .'yung. . .” Hinawakan ni Ces ang kanyang tiyan para pakiramdaman ito pero wala siyang maramdaman. Binigyan lang siya ng pagtatakang tingin ng nurse saka ito nagpaalaam para tawagin ang doktor.

 

Pagkaalis ng nurse ay agad tumayo si Keng at inilapag ang magazine na hawak niya kanina. Lumapit siya kay Ces. Nagkatitigan sila ng dalaga at pagtatakang tinanong, “Anong hong baby?”

 

“N-nasa. . .nasa tiyan ko,” kinakabahang sagot ni Ces.

 

Nakita naman niya ang pagkunot ng noo ni Keng. “Sabi ko na nga ba, buntis ka.”

 

“Nope, she's not.” Sabay na napatingin sina Ces at Keng sa biglang pagpasok ng isang babaeng matangkad na nakasuot na white coat. She looked sophisticated with her red dress sa loob ng coat niya na bumabagay sa sandals nitong may mataas na takong.

 

“Ano pong—” Hindi natuloy ni Ces ang sasabihin ni Ces nang lumapit ang doktora sa kanya at hinawakan ang tiyan niya.

 

“Walang laman na kahit anong buhay ang tiyan mo,” simpleng pagbabanggit ng doctor. Para namang may tumusok na maliit na aspile sa puso ni Ces sa narinig.

 

“H-hindi pupuwede 'yun—hindi puwede. Ibalik niyo ang baby ko!” Pilit na kumakawala si Ces sa higaan pero nakaramdam siya ng masakit na pagturok sa kanya ng injection at may inilagay ang doktor sa kanya—which made her calm.

 

“Hindi namin mababalik ang baby dahil we can't do that at wala namang baby in the first place,” simpleng sabi ng doktor pagkatapos niyang turukan ng pampakalma si Ces. Napatingin naman si Keng nang salitan kay Ces at sa doktor—hindi na rin niya naiintindihan ang nangyayari.

“Ano’ng pinagsasabi mo?” Gustong sumigaw ni Ces pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. “Dinugo ako noong nakaraan!”

 

“It's called menstruation.”

 

“Takte, naguguluhan na ako rito, a,” pagkukumento ni Keng sa nangyayari at naupo sa upuan niya kanina habang nakakunot-noong pinapanood ang mga susunod na pangyayari.

 

“H-ha?”

“It's normal. That's the reason for the blood. You didn't put any napkin or tampons kaya nagka

 

“P-pero, buntis ako—!” Pinagpipilitan pa ni Ces ang sinasabi niyang buntis siya. She even explained everything: the symptoms pati na rin ang pregnancy test na nakakuha siya ng positive.

 

“Puwede mong sabihing you're manifesting the symptoms of being pregnant ‘cause you tend to let your mind believe it,” pagpapaliwanag ng doktor. “Ganu’n ka-powerful ang utak natin. Kayang-kaya nitong manipulahin ang sarili just by believing something. It's called pseudocyesis o ang tinatawag na false pregnancy.”

 

“False pregnancy?” Kahit si Keng ay hindi malaman kung ma-a-amaze ba siya o magugulat sa mga naririnig at nalalaman niya.

 

“Yes, and about the pregnancy test kit, 70% to 80% lang ang assurance na totoo ang nandoon. Kung gusto niyong makasigurado, dapat nsa OB Gyne kayo dahil may 97% - 99% ang chance na totoo ang sa doctor.”

“P-pero—”

 

“Everything is just all in your mind, Ms. Flores.”

* * *

Eveything is just all in her mind—ang lahat ng 'yun, hindi totoo. Ang lahat ng pinaniwalaan niya, walang katotohanan. That made everything senseless. Then she discovered she's anemic. She's too exhausted that's why she passed out.

So sino’ng makakasisi kay Ces kung ganito na lang ang inaakto niya? Tulala, lutang at wala nang pakialam sa paligid. She even started questioning the existence of God. Walang ibang nakakaintindi sa kanya kundi ang sarili niya—siya lang ang nakakaramdam ng lahat ng sakit na parang mga aspili kung tusukin ang puso niya sa katotohanang. . .wala siyang baby.

Ang baby nila ni Lyle—nonexistent.

At ang sakit nitong malaman.

* * *

“How dare you let us see your face?!” Rinig na rinig ang boses ni Marla nang isigaw niya ito nang dumating si Ces. Nakatingin ang lahat ng tao na nasa cafeteria sa kanila, Ces standing alone while Marla—with the populars on the other side.

“M-Marla. . .” Hindi niya akalain na ganito ang magiging reaksiyon ni Marla. Hindi naman siya lalapit sa mga ito pero sila na mismo ang lumapit sa kanya. Nabalitaan na kasi nila ang mga nangyari the other night; at hindi natutuwa ang mga populars sa balitang ito.

“Oh, my God! Ang kapal ng mukha mo!” Susugurin sana ni Marla si Ces pero pinigilan siya ng mga lalaking kaibigan. “Don't ever speak my name with your filty mouth! How dare you! Nang dahil sa'yo, nasagasaan si Lyle!”

Hindi makagalaw si Ces sa kanyang kinatatayuan. Naririnig na niya ang iba't ibang bulong mula sa mga estudyante sa paligid. All eyes were on her, mga mapanghusgang mga mata, mapanlait. . . na hindi man lang inaalam ang tunay na nangyari.

“I hate you! No, I abhor you! Ginamit mo lang ang pagkasikat namin para sa sarili mo then this happened!” huling pagsigaw ni Marla bago siya hinatak palabas ng cafeteria. Lumabas na rin ang ibang popular sa cafeteria pero lumapit kay Ces si Kervin at bumulong:

“Kasalanan mo ang lahat.”

* * *

Napatitig si Ces sa lalaking nakahiga sa ospital bed na nasa harap niya. Rinig na rinig niya ang mabagal na paghinga ng binata kasabay ng tunog ng mga machines sa loob ng kuwarto. Ang totoo n'yan, hindi puwede si Ces sa hospital room ni Lyle pero dahil kay Keng—which was so against this idea—ay pinayagan siyang bumisita for the night. It's Lyle's first week sa ospital ngunit hindi pa rin nagigising at nakakapagtaka rin dahil walang bisitang pumupunta, even his friends from school—or parents. Siblings. Wala.

“S-sorry.” Pumatak ang luha ni Ces sa mukha ni Lyle na panay galos at sugat. Nakabenda rin ang ulo nito dahil ito raw ang napuruhan ng truck na bumangga sa binata pati na ang left leg nito. Kung tutuusin, gUwapo pa rin naman si Lyle kahit na ang dami niyang sugat sa katawan.

“Tama sila, kasalanan ko ang lahat.” Napahawak sa mukha si Ces at tuluyang hinayaan ang sarili na umiyak. Naupo siya sa tabi at humagulgol sa gilid ng kama ng kanyang prinsipe. Hindi rin niya alam kung bakit tumakbo ang binata palayo noong muntikan na siyang ma-rape pero kasalanan niya pa rin 'yun.

Kung hindi dahil sa kanya, walang mangyayaring ganito kay Lyle.

Siguro kasalanan nga niya talaga—sa mga nakukuha niyang galit mula sa mga kaibigan ni Lyle for a week, sa mga hate messages na patuloy niyang nakukuha—lahat ng ‘yun, dahil sa kanya. Siya lang ang kailangang sisihin. Siya dapat ang sisihin.

Pero, ano’ng gagawin niya? Ang lumayo kay Lyle? No! She can't do that. . .never. Masyado niyang mahal si Lyle kahit pa wala naman talaga silang nabuo. Mahal niya si Lyle kahit pa naninigarilyo ito at may bisyo sa pag-inom. Mahal niya si Lyle—sobra, sobra pa. . . maski pa sa sarili niyang buhay.

“Ugh—” Napaangat agad ng ulo si Ces sa narinig niyang mahinang pag-ungol ng prinsipe niya.

“L-Lyle?” Nakaramdam ng panic si Ces nang makita niyang nagwawala na ang machine na nakaugnay sa heartbeat ni Lyle. “Ano’ng nangyayari?!”

Nagsidatingan ang ilang mga nurse. They were doing things: checking every vital signs, ang pulse, ang heartbeat—they were shouting as if they were on a panic. Nagbukas ulit ang pintuan at inuluwa ang isang doktor—hindi na maintindihan ni Ces ang nangyayari pero ang alam lang niya, sinusugod na ang prinsipe niya sa ICU.

“Teka, ano’ng nangyayari?!”

“Ma'am, hindi po kayo puwede rito!” Nagpupumilit pa rin si Ces na pumasok pero ilang nurse na ang pumipigil sa kanya. Another fresh set of tears fell. Sobrang sakit na ng nararamdaman niya at pakiramdam niya any moment ay mapupunta na siya sa emergency room sa sobrang sakit ng mga nangyayari.

She’s feeling numb—teka, hindi. . . dahil may nararamdaman pa rin siya—sakit. Sobrang sakit not physically but mentally and emotionally. Hindi niya alam kung ano’ng nangyayari sa loob. nakikita lang niya ang mga nurse na labas-pasok dito.

She felt helpless. . . and guilty.

Wala siyang ibang magawa kung hindi ang umupo at umiyak. Nawawala na rin ang mga bagay sa paningin niya sa sobrang pagod. May ilang mga pasyente na ang dumaan sa harap niya papunta sa ICU pero kalaunan ay aalis din. May mga nag-iiyakang mga lalaki at babae kasabay niya pero at the end, siya lang ang natira.

***

Dumaan ang ilang minuto—ang minuto ay naging oras pero wala pa ring lumalabas na kahit na sino para balitaan siya kung ano na ang nangyayari. Pakiramdam ni Ces, mababaliw na siya—she couldn't think straight hanggang sa may lumabas na lalaki mula sa kuwarto habang tinatanggal ang takip nito sa bibig at hand gloves.

“For Mr. Yuzon?”

Nagkatitigan sila ng doctor. Hindi maipinta ang mukha nito na siyang nagpakaba nang sobra kay Ces. Nanginginig ang buo niyang katawan papunta sa lalaking magbibigay sa kanya ng balitang kanina pa niya hinihintay. Pero mali yata ang pag-anticipate niya para sa balitang ito dahil narinig niya mula sa bibig ng doktor ang mga salitang nagpatigil sa pagtibok ng kanyang puso.

“I'm sorry, but he didn't make it.”

~ ~ ~

Author's Note:
Thank you sa pagbabasa at sa mga critics, yaaaay. Pasensya na rin kung ang bibilis ng mga pangyayari at ang daming nangyayari per chapter, hindi na ata ako magaling magpaligoy ligoy hahahaha itatry ko pabagalin ng kaunti, mga 1 sec na bagal hahahaha so anyway, thank you sa comments :)

Lilinawin ko lang, wala akong problema kay God--THIS IS JUST A STORY, huwag masyadong seryosohin. I love God. I'm just being open minded and I hope ang readers ko ay open minded din. Thank you.

Dedicated to lilcutebunny, bakit sa kanya? Kasi nakikita kong observant talaga siya at gustong gusto ko siya dahil siya 'yung reader na nag iisip (tungkol to dun sa "critic" niya last chapter), nakakatuwa na gusto niya 'yung hindi ko sinusubo sa kanya lahat ng information kasi napapaisip siya, yay! Masyado lang akong natuwa dahil napansin niyang wala ang parents ni Ces--sana nasagot nito ang tanong mo tungkol dito? Hehehehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top