12 // Love, Lust and Life
"Love is a dangerous thing. It comes in disguise to change our life... Lust is the deceiver. Lust wrenches our lives until nothing matters except the one we think we love, and under that deceptive spell we kill for them, give all for them, and then, when we have what we have wanted, we discover that it is all an illusion and nothing is there. Lust is a voyage to nowhere, to an empty land, but some men just love such voyages and never care about the destination. Love is a voyage too, a voyage with no destination except death, but a voyage of bliss."
— Bernard Cornwell
~ ~ ~
“Buntis ka ba?”
Umalingangaw sa buong shop ang malakas na pagbagsak ng mga babasaging baso sa tray na hawak-hawak kanina ni Ces. Unfortunately, nabitawan ito ni Ces nang itanong sa kanya ito ni Keng—which was weird dahil hindi naman sila nag-uusap. . . biglaan lang.
Nagmadaling nilinis naman ni Ces ang kalat—sa sobrang pagmamadali ay nasugatan pa siya ng bugbog in the process. Nanginginig ang buo niyang katawan . . . kung sa tanong ba 'yun ni Keng o dahil sa pagod, hindi rin niya alam.
Pinagpatuloy naman ni Ces ang trabaho habang medyo sitting-pretty naman si Keng sa isang tabi. May pahikab-hikab pa itong nalalaman pati nagiging distraction—o attraction siya ng mga customers dahil sa buhok nitong blue at pink.
“Hindi mo sinasagot ang tanong ko,” pagpipigil ni Keng sa paglalakad ni Ces.
“Per hour ang suweldo natin dito, Keng.” Napakunot ang noo ni Keng sa sinabi ni Ces. Hindi niya kasi ito na-gets. Ano’ng connect nito sa tanong niya kanina? Inialis ni Ces ang kamay ni Keng sa braso niya para makapagtrabaho na siya.
Nang pumunta si Ces sa cashier para kunin ang bayad ng isang customer, nagulat siya sa biglang paglapag ng ilang libo sa pinapatungan ng cash register. Pagtingin niya kung sino 'yun, si Keng.
“A-ano 'to?”
“Babayaran ko ang oras mo. Puwede na ba 'yan sa 10 minutes?”
“H-ha?”
“Tinatanong kasi kita. Buntis ka ba?”
And again, nakaramdam na naman ng sobrang kaba si Ces sa inulit na tanong ni Keng sa kanya. Tinitigan siya sa mga mata ng kasamahan kahit na pilit niyang iniiwas ang tingin niya sa pagkailang at pagkahiya.
“B-bakit ba?”
“Umabot kayo ng one month. Siguradong may laman na 'yan,” pagtuturo ni Keng sa tiyan ni Ces. Napahawak naman si Ces sa tiyan niya para takpan ito. “Hindi ba?”
Nakita ni Ces ang ngisi ni Keng. . . Gusto sana niyang takasan ang babaeng nasa harap niya kung may tatakasan lang siya. Nakakagulat din dahil naubos yata ang customers nila at silang dalawa na lang ang nasa shop.
“G-ganyan ka ba talaga sa bestfriend mo? ‘Di ba close kayo? Bakit parang sinisiraan mo siya sa akin?”
Nangilabot naman si Ces sa pagngiti ng dalagang nasa harap niya. “Hindi ko siya sinisiraan. Nasa sa’yo naman ‘yan kung maniniwala ka o hindi. Ang sa akin lang,” tumalim ang tingin ni Keng sa mga mata ni Ces at tumingin ito sa tiyan ng dalaga, “baka hindi niya akuin ‘yan.”
* * *
Nakatitig lang si Ces sa kisame habang hinahalik-halikan siya ni Lyle sa leeg. . . napapaisip. Hindi niya talaga ma-gets ang sinasabi ni Keng. Ang misteryoso rin ng babaeng 'yun. Sinasabi niyang mag-bestfriends sila ni Lyle and yet, she’s so against him.
Ano ba talaga?
“What's with the long face, Princess?” pagtatakang tanong ni Lyle. Hinalikan naman niya ulit ang dalaga sa mga labi. Ibinigay naman ni Ces ang ngiti niya pero hindi ito umabot ng ilang segundo—nawala rin ito agad. Gulong-gulo kasi siya.
“Lyle, may tanong ako. . .”
“Hmm?” Busy si Lyle sa kanyang business in exploring Ces’ body pero mukhang nakikinig naman ang binata kaya hinayaan na lang ni Ces ang boyfriend sa kung ano ang gustong gawin nito.
“Paano kung mabuntis ako?”
Naramdaman ni Ces ang biglang pagtigil ni Lyle sa paghalik sa dibdib niya. Tumingin ang binata sa mukha niya. Nagkatitigan sila sa mga mata. Pinaupo naman ni Lyle si Ces sa kama, magkaharap.
“Hindi ka naman mabubuntis, e. We're doing the natural metho—”
“Pero ‘di ba kahit ganu’n, may chance pa rin?”
“Bakit mo ba natanong 'yan? Do you want to have a baby. . . with me?” Kitang-kita ni Ces ang mukha ng binata—wala itong bahid na kahit anong masamang hangarin at mukhang walang balak na masama.
“W-wala. . .”
“Silly.” Hinalikan naman ulit ni Lyle si Ces sa balikat at bumulong sa may tenga nito ng, “Let's just enjoy our night together. Happy monthsary. . .”
Nakangiti lang si Ces, and yes: they've reached their second month together and they've been doing it for quite some time. Hindi na rin minsan mapakali si Ces kapag nawawala sa katawan niya ang hawak ni Lyle—sanay na siya sa masusing paghaplos ng boyfriend sa kaluluwa niya. Hindi na siya makatulog nang maayos hangga’t hindi niya nararamdaman ang matamis na halik ng binata. She’s getting addicted—to him, in love, and lust.
Is it a good thing. . . or not?
* * *
Sabay na nagpunta si Ces at Lyle sa cafeteria one Friday lunch time. Magka-holding hands ang dalawa na ikinagulat naman ng mga populars hindi dahil sa magka-holding hands sila o magkasama dahil lagi naman silang magkasama pero dahil ngayon na lang sila ulit sumabay sa lunch. . .Busy kasi ang dalawang ito with other things.
“Ces, are you getting fat?” Napatigil sa pagkain si Ces at napatingin kay Cheka na pinagmamasdan siya nang mabuti.
“H-ha?”
“I don't know. Maybe imagination ko lang 'yun. Ang tagal kasi kitang hindi nakita.”
Pero, imagination rin ba ni Ces ang lahat kung bigla na lang bumaliktad ang sikmura niya nang maamoy niya ang pagkain ni Elisse na lasagna? Imagination ba niya ang pagduwal sa hindi malamang kadahilanan? Imagination din ba niya ang pagsusuka every morning as if she’s. . . she's what?
Wala siyang masabihan. Natatakot siya sa puwedeng maging resulta kung gagamit siya ng kit o magpapadoktor. Hindi rin niya masabihan si Lyle dahil pumapasok sa utak niya ang sinabi ni Keng noon. . . pati hindi rin siya sure. What if imagination ko lang ang lahat? she asked herself, doubting.
Kung kailan kailangan niya si Marky. . . doon naman nawala ang kaibigan.
She was so upset. Parang naging mas emosyonal siya nitong mga nakaraang araw hanggang sa na-realize na lang niya. . . lagpas na siya sa usual period niya, almost two weeks delayed. What does this mean?
It kept bugging her. Tuwing gabi, lagi niyang pinapakiramdaman kung may gumagalaw ba sa tiyan niya o kung ano. Lagi rin siyang nagkakaroon ng headache. . . halos lahat na yata ng symptoms ay mayroon siya. And then she tried it, nahihiya man: pumunta siya sa drugstore to buy a pregnancy kit. . . Kakaiba pa ang tingin sa kanya ng mga tao na para bang mali ang pagbili niya nito.
Pagkalipas ng ilang minuto ng paghihintay. . . nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
Dalawang pulang linya.
* * *
♪♫ You can leave me
Take away all that I have
You can want me
Love me for who I am
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang kumakanta sa bar. Nakatingin sa kanya ang halos lahat ng audience habang ang iba ay nag-uusap-usap. Nanginginig ang mga kamay niya—hindi siya mapakali at para bang sa bawat tingin sa kanya ng mga tao, hinuhusgahan na siya agad.
♪♫ Choices, romance
Takin' me high in the air
Flyin', so scared
Afraid not to see you again
She couldn't tell it to Lyle. . . What if he got mad? Paano kung sinabi ng binata na hindi siya ang ama? What If hindi siya paniwalaan? Ano’ng mangyayari? Ano’ng mangyayari sa kanya at sa dinadala niya?
♪♫'Cause I'm scared to death
Now that I'm losin' you
I'm scared to death
Knowin' I can't get through
Natatakot siya na baka kapag sinabi niya kay Lyle, iwan siya nito. Hindi niya kakayanin. Paano na sila ng nasa loob ng tiyan niya?
♪♫I'm scared to death
Living this so lonely life without you
Oh, baby, I'm scared to death
Napangiti naman si Ces nang ma-realize niyang sinasabayan na siya ng audience. Well, at least ngayon nakikita niya ang ngiti ng mga tao sa paligid niya, pero hanggang kailan ang mga ngiting 'yun?
♪♫ Somethings changin'
Giving me fears run through my head
Only find me
Give me the eyes I will understand
Words left unsaid
But then, paano kung tanggapin ni Lyle? Paano kung magiging masaya sila pagkatapos nito?
♪♫ Leaving me weak in the edge
Getting over
I'm running scared
I can't comprehend
Kung tatanggapin man ni Lyle ang balita ngayon mismo, ito na ang magiging pinakamasayang kaarawan ni Ces—na wala namang nakakaalala. Kung hindi nga lang pinaalala ng cellphone niya, hindi niya maaalala na birthday niya pala ngayon.
But. . . who cares, right?
Pagkatapos niyang kumanta, nagpalakpakan ang mga audience, cheering for more, pero dahil mas importante sa kanya ang pagsabi kay Lyle, nangako na lang siya na sa susunod na lang.
She was about to text her prince nang mag-vibrate ang cellphone niya, indicating someone texted her. Napangiti siya nang makita niyang si Lyle ang nag-text telling her to meet her halfway ng 10 pm dahil may sasabihin ito sa kanya.
Eight o’clock pa lang sa orasan kaya naisipan ni Ces na tumambay muna sa bar nang tawagin siya ng manager ng bar sa dressing room.
“A, Ces, may nagpapatawag sa'yong customer—gusto ka raw makausap?”
Nagtataka man dahil ito ang pinakaunang beses na may gustong kumausap sa kanyang customer ay sumunod naman siya sa manager. Tinuro ng manager kung saan ‘yung customer at pagkalapit niya sa taong tumawag sa kanya, napakunot ang noo niya.
Pamilyar kasi ito.
“Sabi ko na nga ba ikaw 'yan, e!” Lalong nagtaka si Ces dahil mukhang pamilyar siya sa lalaking ito na hindi naman niya masyadong maalala.
“Uhm. . . pasensiya na pero, sino po kayo?” Nagkamot ng batok ang binatang nasa harap ni Ces—maybe kasing age niya o mas matanda nang kaunti. Matangkad ito, siguro ay mas matangkad kay Lyle which was lalagpas na siguro ang lalaking ito sa six feet, balingkinitan ang katawan, not too mascular pero not too thin, mas maputi sa kayumanggi ang balat at nakasuot ito ng beanie sa ulo.
“Ay, sorry. Note nga pala.” Nakipag-shake hands si Note kay Ces at kahit nagtataka, tinanggap pa rin niya ang pagpapakilala ng binata. “’Di ba ikaw si Ces? ‘Yung girlfriend ni Lyle Yuzon?”
Kilala niya ako. . . pero sino siya?
“Ang ganda ng boses mo! At kung hindi mo mamasamain, break na ba kayo?” Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig. “Ang lungkot kasi ng kanta mo.”
“A-ano, hin—”
“Nag-CR lang ako, nang-chicks ka na aga—” Napatigil sa pagsasalita si Ces nang may dumating na lalaki sa tabi ni Note. Nakatingin ang binata sa kanya na tila ba nagulat sa kanyang presensya.
Hinalungkat ni Ces ang kaibuturan ng memory storage niya sa utak ang lalaking ito dahil sobrang pamilyar ang lalaking kararating lang. Matangkad din ito ngunit mas matangkad si Note. Maganda rin ang pangangatawan ng binata, hindi rin masyadong ma-muscle pero tama lang para masabing guwapo. Nagko-complement rin ang buhok nitong gulo-gulo pero maayos tingnan sa binata.
“O, Lyric, bilis mo namang mag-CR?”
“Lyric?” Napatingin sina Note at Lyric kay Ces na tinawag ang pangalan ng binata. May ngiti sa mga labi ni Note habang gulat naman ang nakapinta sa mukha ni Lyric.
“Kilala mo siya?” pagtuturo ni Note sa kaibigan. “Wow, Lyric, ikaw na!”
Lyric. Note. MyuSick. The band called MyuSick—at nasa harap ngayon ni Ces ang isa sa mga naggigitara sa banda, at ang bokalista na sinasabi nilang kaaway ni Lyle.
“Hindi kasi. . . sa MyuSick?”
“Naks! Kilala mo kami!” tuwang-tuwa na sabi ni Note habang tahimik lang ang lalaking nasa tabi nito. Si Ces naman, sa hindi malamang kadahilanan, ay kinakabahan.
So this was what they looked like kapag wala sa school at hindi masyadong pinagkakaguluhan. Ang simple pala ng hitsura nila—naka-shirt at maong shorts plus hoodie at chucks lang ang mga suot nila na para bang hindi sila mga sikat na tao. Ang simple pero. . . ang lalakas ng dating.
“A, Lyric, si Ces nga pala.” Nagkatinginan sina Ces at Lyric at nakaramdam naman ng awkwardness si Ces sa tinginang 'yun. “Ces, si Lyric.” Pero bago pa siya makaiwas ng tingin, ang binata na ang unang gumawa nito—ni hindi man siya nginitian o tinanguan.
“Tara na, Note. May rehearsal pa tayo.” Malamig na boses ang ibinigay ni Lyric sa kaibigan. Hinila niya si Note para umalis na pero kumakawala naman si Note.
“Teka! Kinakausap ko pa si Ces, e!”
“Nickname basis na kayo?”
“Oo. Bakit, inggit ka?”
“Takte, tara na!”
“KJ! Bye, Ces!”
Nagtama ang paningin nina Lyric at Ces for the last time, and it felt really weird hanggang sa tuluyan nang makaalis si Note habang hila-hila ni Lyric sa kamay kahit nagpupumiglas ito.
Napangiti naman si Ces sa natunghayan. Ang cute nilang magkaibigan.
“Teka, sina Lyric at Note ba 'yun?” Napatingin si Ces sa dalawang babaeng nag-uusap sa kabilang table. “OMYG! Sila nga 'yun! Pa-picture tayo, girl!”
At pati ang dalawang babae ay lumabas na ng bar, hinahabol siguro ang dalawang lalaki. Nagtaka naman nang kaunti si Ces. Mukha namang mababait ang MyuSick. Well, si Note. . . medyo awkward kasi kay Lyric but then, nakikita naman niyang mabait ang bokalista.
Kaya bakit galit ang prinsipe niya sa lalaking ‘yun?
* * *
Halos kinse minuto na ang nakalipas matapos ang alas diyes. Nakatayo lang si Ces ngayon sa ilalim ng waiting shed. Ang sabi ng binata, he'd be a little late dahil traffic sa EDSA. Excited na kinakabahan si Ces. Ito na kasi ang oras para sabihin niya ang balita kay Lyle at hinihiling niya na sana ay tulad ng test, positive rin ang reaksiyon ng binata.
“Hi, miss.” Napalingon si Ces sa kaliwa niya nang may nagsalitang lalaki na papalapit sa kanya. Nakangiti ito—which was a bad thing dahil hindi rin kaaya-aya ang ngiti nito. Hindi rin ito mukhang teenager: parang nasa early 30's na mukhang hindi naligo nang mga tatlong araw.
Hindi pinansin ni Ces ang lalaking lumapit sa kanya kahit ang totoo ay kinakabahan na siya. May isa namang lalaki na pumunta rin sa waiting shed, and this time, sa kanan naman niya tumayo. Nakakaramdam na siya ng uneasy feeling kaya napagdesisyunan na niyang umalis pero. . .
“Saan ka pupunta, miss?” Nanlaki ang mga mata ni Ces nang hawakan ng lalaking nasa kanan niya ang kanyang kamay.
“Pakibitawan po ako, please?”
“Bakit naman namin gagawin 'yun?” Hinarap siya ng lalaking nasa kaliwa niya kanina. Hindi na mapakali si Ces lalo na't hinawi ng lalaki ang kanyang buhok. “Ang ganda mo naman, miss.”
“S-sisigaw ako!”
Napangiti naman ang lalaking nasa harap niya nang sabihin ito ni Ces habang nadadagdagan ng kaba ang loob niya sa bawat segundong lumilipas na hawak siya ng mga lalaking ito.
“Okay nga 'yun, e. Mas masarap pakinggan kapag sumisigaw. . .”
“T-teka!” Nagpupumiglas si Ces pero wala siyang pangtapat sa lakas ng hawak sa kanya ng isa pang lalaki. Ang unang lalaking tumabi sa kanya na nasa harap niya ngayon ay hinalikan siya sa mga labi nang marahas—then he started kissing her on her neck.
Tumingin sa paligid si Ces pero wala siyang makitang tao—maski anino. Pati wala ring kotseng dumaraan as if this was a deserted place. “’Wag, please. . . ‘wag po!”
Hindi na alam ni Ces ang nangyayari. Basta nararamdaman na lang niya ang pagdampi ng mga labi ng dalawang lalaking sumisira sa damit niya. Nararamdaman na rin niya ang pagpunit ng tela na nagsasaplot sa kanyang balikat.
“T-tama na. . .” Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Ces, pero hindi pa rin siya pinapakinggan ng dalawa. Hinila rin siya sa lugar na hindi naman kalayuan pero sobrang dilim at mas liblib na tipong walang magliligtas sa kanya.
Lyle, dumating ka, please. Lyle!
Iyak na lang nang iyak si Ces. Pilit man siyang lumalaban, nababaliwala rin ito dahil ang lalakas ng mga lalaking sumunggab sa kanya.
“L-Lyle. . . Tulong.” Hindi na masyadong makahinga si Ces sa bawat pagbulong niya ng pangalan ng prinsipe niya. Alam niyang hindi naman darating si Lyle dahil tago ang lugar na ito.
“Sino ba 'yang Lyle na 'yan, ha?! ‘Andito na—”
“Bullshit!” Nagulat na lang si Ces nang biglang tumalsik ang lalaking nakapatong sa kanya. “How dare you touch her with your filthy hands!”
“L-Lyle. . .” Nais tumayo ni Ces pero naramdaman niya na ang sakit ng katawan niya dahil sa mga suntok at sipang kanyang natamo mula sa dalawang lalaki.
“Are you okay?” Iyak lang nang iyak si Ces habang nakatingin kay Lyle. Pero nagulat na lang silang parehas nang bigla na lang may sumuntok kay Lyle sa pisngi nang sobrang lakas na napatalsik ang binata. “Aghh!”
“Gago ka, ha! Feeling mo ang talino mo na sa Ingles?!”
“Lyle!” Tutulungan sana ni Ces ang boyfriend pero bigla siyang hinawakan ng isa pang lalaki sa braso.
“At saan ka pupunta?!”
“’W-wag, pakiusap.” The guy holding her started nibbling on her neck forcefully habang nakikita niyang pinagtatadyakan si Lyle ng isa pang lalaki na kasama nito. “A-ako na lang. . . hayaan niyo na siya.”
“Huwag mo nga silang pinapakialaman! Pasayahin mo ako!”
Crack!
Nanlaki ang mga mata ni Ces nang maramdaman niyang nasira na nang tuluyan ang kanyang damit. May nararamdaman siyang tumutulo sa kanyang binti. Pagtingin sa binti ay nanlaki ang kanyang mga mata.
“Tanginang babae ka. Bakit ka dinudugo?!” Nagkatitigan sina Ces at ang lalaking nasa harap niya at sabay na napatingin sa binti niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Nagpupumiglas naman siya sa hawak ng lalaki para makapunta sa kung nasaan man si Lyle at tulungan ito pero nang napatingin siya sa direksiyon ni Lyle—he was running.
He was running away. . . from her? Saan pupunta ang prinsipe niya?!
Beep! Beep! Beeeeep!
“Puta 'yung lalaki! Umalis na tayo rito!”
Nanghina ang buong katawan ni Ces nang masaksihan niya ang isang pangyayaring hindi niya kailanman ninais na makita. sumasabay pa ang kanyang puson na sumasakit, tila ba iniikot ang kanyang sikmura. Natulala siya for a moment. Everything went haywire when she realized everything: ang dugo, ang malaking truck at. . .
“L-Lyle!”
~ ~ ~
Author's Note:
Dedicated to seeyara. Bakit sa kanya eh hindi naman niya binabasa 'to?! Bakit ba. . . hahahaha, de dapat kasi sa kanya nakadedicate ang private special chapter: Three Big Words (External Link) pero naisip ko, huwag na lang kasi nakakahiya sa master eh (hahahahahaha) Isa siya sa mga author na magaling gumawa ng BS. Opo, BS, galing galing hahahaha so ayun. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top