11 // Between the Lines
"I say I don't believe in love, but that's not really true - love is just the name of an emotion. It's like on steroids. It's lust with ethics."
— Tammara Webber
~ ~ ~
Bago pa siya sumigaw at mag-eskandalo para paalisin ang mga lintang nakakabit sa boyfriend niya. . .ang Lyle niya, ay nagulat na lamang ang lahat dahil imbis na si Ces ang sumigaw—si Lyle ang gumawa nito.
“Teka lang!” Napatigil ang mga babaeng nakapalibot sa kanya—halos hindi na nga matanaw ni Ces ang boyfriend dahil natutulak siya palayo rito. “I'm here with my girlfriend. Nagde-date kami so. . .”
Unti-unting nabuo ang ngiti sa labi ni Ces. Hindi niya kayang pigilan ang saya at kilig na naramdaman nang nag-make way ang mga babae na pumapagitan sa kanila ng binata at siya’y naglakad papunta sa kanya. Inakbayan naman siya nito habang kitang-kita ang inggit, dismaya at hiwaga sa mga mukha ng babaeng nandoon.
“Please excuse us.” Naramdaman ni Ces ang mahigpit na pagkakahawak ni Lyle sa balikat niya at nagsimula na silang maglakad. Paglingon ni Ces sa kumpol ng mga babae, nakatingin lang sila sa kanila—para bang natulala.
Kahit siya mismo. . . natulala sa inakto at sinabi ni Lyle. Bakit ba ang suwerte ko kay Lyle?
“Sorry doon, ha?” Tumingin si Ces kay Lyle. Magkalapit sila dahil nakaakbay pa rin ang binata sa kanya at wala pang kung anu-ano, hinalikan ni Ces si Lyle sa mga labi—a quick yet very sweet kiss na nagbigay ng ngiti sa mga labi ng binata. “Para saan 'yun?”
“Ewan ko rin.” Lalong lumaki ang ngiti ni Ces.
“I lo—” Nag-panic ang buong sistema ni Ces at bigla na lang siyang sumigaw na ikinagulat ng mga taong malapit sa kanila lalo na ng kasama—he was about to say something when she cut him off. Maraming mata ang nakatingin sa kanila na nagtataka.
“Ano—ang cute nung ano, ‘yung minion!” Binilisan ni Ces ang paglalakad papunta sa cute na Minion. Ang laki ng Istawa na iyon pero sobrang cute kaya pinagkakaguluhan ito ng mga bata na kalaunan ay sumama na rin doon si Ces.
Nagtaka naman si Lyle sa inakto ng girlfriend. Nawala ang ngiti ni Ces pagkalapit niya sa minion na nakatingin sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso niya na para bang kakagaling lang niya sa isang karera kaya ganito kabilis ang tibok nito.
Huwag, Lyle, huwag mong sabihin ‘yun.
* * *
“Ces?” Napapikit si Ces sa narinig na boses na tumawag sa kanya. Hindi niya man gustong lumingon, hindi niya magawang dedmahin dahil pati si Lyle ay lumingon na rin sa pinanggalingan ng boses. Nakangiting lumapit si Erich, ang kaibigan ni Marky na sapilitang naging kaibigan ni Ces, na para bang galak na galak itong makita ang dalaga. “Oh my God, ikaw nga!”
Niyakap ni Erich si Ces nang mahigpit na halos maubo na ito, thinking na baka malaki ang galit nitong si Erich sa kanya kaya siya niyakap nang sobrang higpit para mawalan ng hininga. Pagkalas nila sa yakapan blues, ngiting-ngiti si Erich hanggang sa napansin ni Ces na nagtama ng tingin ang boyfriend niya at ang babaeng nasa harap niya.
“Uhm, ikaw si. . .?” pagtatakang tanong ni Erich kay Lyle. Napakunot naman ang ni Lyle nang kaunti. Paanong hindi siya kilala nitong babaeng kaibigan ni Ces kung siya—siya si Lyle Yuzon, Imposibleng hindi kilala ni Erich si Lyle dahil sikat ito, at mahilig naman ang dalaga sa lalaki.
“Lyle.”
Napansin ni Ces ang tingin ni Lyle kay Erich. May naramdaman siyang kaunting inis, hindi—hindi kaunti—parang naiinis na kasi talaga siya lalo na't mas maraming kitang balat si Erich kaysa sa kanya. Nakasando lang kasi si Erich na kita ang cleavage ng blessed future niya at bakat pa ang bra, at short shorts na kaunting yuko lang ay puwede nang makita ng kung ano man samantalang sa kanya ay regular shirt at skirt with heels lang ang suot.
Isa pa, obvious ang pagpapa-cute ni Erich sa binata. Nakakainis.
“Oh, so you're the Lyle they're talking about. I'm Erich.” Inilahad ni Erich ang kanyang kamay. tinanggap naman ito ni Lyle at parang nakaramdam ng uneasy feeling si Ces nang makita niyang magkahawak-kamay ang dalawa. “It's nice to finally meet you.”
“Nice to meet you, too.”
One. . . two. . .three.
Teka, bakit parang ang tagal ng shake-hands?
Kunotnoong kinuha ni Ces ang kamay ni Lyle at hinawakan ito, crossed fingers. Nakita naman ni Ces ang mukha ni Erich na para bang may kung anong pagkalukot ang nangyari sa noo nito pero ngumiti rin naman.
“You two look good together. Gaano na kayo katagal?”
“Magtu-two months,” walang-emosyon na sagot ni Ces.
“Really? I'm happy for you—”
“Ako rin, masaya para sa amin.”
Nagkatitigan sina Ces at Erich. Ramdam sa buong paligid ang coldness ni Ces pero mukhang isa't kalahating manhid itong si Erich kaya yinaya pa niyang mag-dinner ang dalawa sa isang mamahaling restaurant—at nakalibre pa dahil si Lyle ang nagbayad.
“Ang sarap talaga ng pagkain nila rito.” Nag-iinit na ang tainga ni Ces kakapakinig sa mga pinagsasasabi ni Erich. The whole time they were eating, madalas na nagsasalita ay si Erich. . . tapos ang masama pa rito, kay Lyle lang ito nakatingin. Para bang any moment, dadakmain na nito ang binata kahit kamasa nito si Ces. “Next time, isasama ko kayo sa isa pang restau—”
“Teka,” sabay na tumingin si Erich at Ces kay Lyle na nagsalita. “May pupuntahan kasi kami ni Ces.”
“Really? Saan naman?”
“Somewhere. Salamat sa time at nice meeting you.” Hinawakan ni Lyle ang kamay ni Ces at sabay na tumayo habang si Erich ay nakaupo pa rin habang nakatingin sa magkasintahang magka-holding hands. “Bye.”
Ngumiti lang si Erich habang mabilis na naglakad ang dalawa paalis ng restaurant.
* * *
“Saan tayo pupunta?” Ito agad ang Itinanong ni Ces pagkapasok nilang dalawa sa loob ng kotse ng boyfriend: magkatabi sa harap, sa driving seat si Lyle sIyempre at si Ces ay sa tabi nitong upuan.
“Ewan ko rin. Gusto ko lang na masolo kita. Masyadong madaldal 'yung kaibigan mo.”
“Masyadong madaldal?” Buo ang atensiyon ni Ces sa mga sinasabi ni Lyle dahil napakainteresante nito. Kanina, akala niya ay may namumuo nang kung ano man kina Lyle at Erich dahil panay sila ang nag-uusap pero ngayon, ano itong sinasabi ni Lyle na masyadong madaldal?
“Oo, ang daming sinasabi. Mas gusto ko pa ngayon, tahimik, nakaka-relax, ang sarap sa pakiramdam tapos. . .” Nakita ni Ces na ngumiti ang binata at inialis ang distansya nilang dalawa sa pagbulong sa tainga niya. “. . .kasama pa kita. Perfect.”
Pero may isa pa siyang napansin. . . her boyfriend’s hand, on top of her left thigh.
* * *
“Sorry!”
Sa lahat ba naman ng puwedeng matamaan, si Keng na natutulog pa ang mabubunggo ni Ces for the night. Nang magtama ang mga mata nina Ces at Keng, nangilabot ang katawan ni Ces sa takot na nararamdaman. Nag-sorry na siya ulit at lumabas na muna ng cake shop sa takot sa kung ano mang puwedeng gawin ni Keng sa kanya.
Si Keng ang bagong ka-shift ni Ces dahil sa hindi malamang kadahilanan. Nag-quit daw si Marky sa trabaho. Hindi niya matanong ang kaibigan dahil hindi nito sinasagot ang tawag sa cellphone at noong pumunta siya sa apartment ni Marky noong isang araw, umalis na raw ang kaibigan doon.
Dismayado si Ces.
Hindi niya kasi gamay ang pagkatao ng bago niyang kasama—hindi naman sa pagiging judgmental pero sobrang tahimik kasi nito na para bang nakakatakot na ang katahimikan. Isa pa, kakaiba rin ito manamit: ang buhok nito ay pinaghalong kulay blue sa taas at pink sa ibaba. . . napakalayo sa normal na kulay. Nakita rin ni Ces ang tattoo ni Keng sa may leeg noong isang araw. Kung hindi siya nagkakamali ay dalawang bungo ang nandoon at ang dami ring piercing nito sa dalawang tainga.
Nakakapagtaka dahil nagtatrabaho ito sa cake shop. . .Hindi naman sa pagiging masama pero hindi ba't ang tulad niya ay hindi naman nagtatrabaho o kumakayod para mabuhay? Hindi ba mayayaman sila dahil na-a-afford nila ang lifestyle na madalas pinapanatili ang hair color or pagpapa-tattoo?
Nakangiting binati ni Ces si Keng noong una silang nagkita isang linggo lang ang nakakaraan. She was being friendly pero nanlamig ang buong pagkatao ni Ces nang hindi siya pansinin nito na para bang hindi siya nakikita o isang hangin lang siya na natripang dumaan sa cake shop.
Isa pa, madalas tulog si Keng. . . kaya minsan ay si Ces na ang halos gumagawa ng mga gawain sa cake shop.
Pilit iniiwasan ni Ces ang tingin o puwesto ni Keng dahil natatakot siyang any moment ay baka suntukin siya nito. Magkaiba kasi sina Keng at Marky: kung si Marky ay ubod ng daldal, sobrang girly at napaka-hyper, si Keng naman ay tahimik, antukin at boyish. . . which was hard for Ces to make friends with dahil hindi naman din siya palakaibigan. Hindi sila nag-uusap at kahit tinginan man lang hanggang sa isang gabi, sinundo ni Lyle si Ces sa cake shop at kinabukasan noon, nagulat si Ces nang kausapin siya ni Keng.
“Ikaw pala 'yun,” panimula ng kasamahan. “Ikaw pala 'yung girlfriend ni Lyle.”
Paglingon ni Ces kay Keng, nakatingin lang ito sa kanya habang nakaupo sa upuan na nakalaan para sa kanilang customers. Nakapatong ang ulo nito sa lamesa na para bang tamad na tamad.
“B-bakit?” Kinakabahan si Ces at hindi niya alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya. Siguro’y dahil first time lang siya kausapin ni Keng at siguro feeling niya any moment dadakmain siya nito or something?
“Kaya pala pamilyar ka. Pinipilit ko kasing isipin kung saan kita nakita, e.” Tumayo si Keng at lumapit kay Ces na siyang ikinabigla ng dalaga kaya napaatras siya. “Hindi ka ba natatakot?”
“Natatakot?”
“Oo.”
“S-saan?”
“Kay Lyle.”
“Bakit ako matatakot sa kanya?”
“Kasi sasaktan ka niya,” Keng said, as if she's very sure sa mga sinasabi niya, na para bang kilalang-kilala nito ang boyfriend niya.
Nagkatitigan lang silang dalawa, not too close but not too far—tamang-tama para sa dalawang taong nag-uusap ng kaswal. Kitang-kita sa distansya nila na hindi sila close dahil may kung ano pang awkward air sa pagitan nila.
“Hindi niya ako sasaktan,” nakangiting sabi ni Ces although this conversation with Keng wass making her heart beat abnormally. Nakakaramdam siya ng awkwardness dahil hindi siya sanay na kinakausap siya ni Keng at ito pa ang topic nila sa first-ever conversation nila.
“Noong first time ko siyang makita sa personal, may napansin agad ako.” Hinintay lang ng dalaga ang susunod na sasabihin ng kasamahan. “Parang may nakapaskil sa noo niya na ‘I may be in a relationship but if you wanna fuck, call me’, mga ganu’ng datingan ba.”
Tumunog ang chimes at sabay na napatingin sina Ces at Keng sa may pintuan. Ngunit imbis na ngumiti dahil nakita ni Ces si Lyle, kaagad siyang napatingin kay Keng. Kinakabahan siya dahil may kakaibang ngiti si Keng kay Lyle. Ganoon din naman si Lyle kay Keng.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Napatitig si Ces kina Keng at Lyle. They were talking as if they knew each other.
“Nagtatrabaho ako rito. Pagtrabahuhan ko raw 'yung kotse ko, e. Siya pala ang bago mo?” Nagtataka na ngayon si Ces sa naririnig at nakikita. . . Magkakilala sina Lyle at Keng?
“A, oo, si—”
“Oo, alam ko. Katrabaho ko siya.” Natawa naman si Lyle sa pag-cut off sa kanya ni Keng. Kahit kailan talaga, moody itong si Keng: hindi malaman kung kailan seryoso o hindi. Minsan galit tapos mamaya masaya na.
“Oo nga pala, Princess.” Inakbayan ni Lyle si Ces. Hanggang ngayon, nanlalaki pa rin ang mga mata ni Ces sa natutunghayan. All this time. . . magkakilala pala sila pero bakit ganoon ang sinabi ni Keng patungkol kay Lyle? “Si Keng nga pala 'to, bestfriend ko.”
“Bestfriend?”
“Bakit, Ces, hindi ka naniniwala? Dahil ba mukha akong adik na babae at mukhang prince charming ‘yang boyfriend mo, hindi na kami puwedeng maging mag-bestfriend?”
“Don't scare her!” Niyakap naman ni Lyle si Ces gamit ang kamay na nakaakbay sa dalaga.
“Putek ka. Pa-English-English ka pa d'yan. Letse, sige na, lumayas na kayo sa paningin ko. Naiirita ako.” Natatawa lang si Lyle sa sinasabi ni Keng. Siguro kung ide-describe si Keng in one word, puwede siyang tawaging AstigNaBabaeNaMoodyNaAngWeirdPeroMagandaAngBuhok. “Ces, 'yung sinabi ko sa'yo, ha?”
Nagkatitigan sina Keng at Ces. Hindi malaman ng dalaga kung ano ang dapat i-react. Mag-bestfriend si Lyle niya at si Keng. At sinasabi ng babaeng ito na sasaktan daw siya ni Lyle.
Imposible.
“Ano’ng sinabi mo sa prinsesa ko?!”
“Sabi ko ang pangit mo. Sige na, layas na!”
Ano’ng gustong ipahiwatig ni Keng tungkol kay Lyle? Hindi mawala sa isip ni Ces ang lahat. . . nawawala siya sa focus dahil nakaramdam ng takot ni Ces—nope, hindi kay Keng. . . okay, kaunting takot kay Keng pero mas maraming takot dahil nabalik na naman ang insecurites niya na baka makahanap si Lyle ng ibang babae.
What if. . . ang daming what if pero ang pinakamalala ay ang what if magkaroon ng babae si Lyle?
Hindi kakayanin ni Ces ang bigat ng problemang ganoon. Naiinis siya dahil hindi siya ganoon kaganda: kinakailangan pa niyang mag-ayos, kailangan pang kulutin ang buhok niyang hanggang bewang ang haba para magmukha siyang sossy, kailangan pang mag-make-up para matago ang imperfection ng mukha niya—ang oily face, ang black heads and white heads at ang pangilan-ngilang nagsusulputang pimples, magsuot ng sapatos o sandals na sobrang taas ang takong para bumagay kay Lyle na sobrang tangkad, kailangan niyang magpa-sexy. . . para maging worth it.
Pero ang ibang babae, kahit hindi sila mag-effort. Bagay sila kay Lyle. . . sobra silang worth it.
Masakit 'yun. Masakit malaman na siya, si Ces na girlfriend ni Lyle, ay pinipilit lamang ang sarili para mag-fit in habang ang iba ay nagpi-fit in nang mabilisan sa buhay ni Lyle.
* * *
Kakatapos lang makuha ni Ces ang ire-revise niyang research papers at pauwi na. Hindi niya kasama si Lyle dahil may practice ang boyfriend sa basketball at hindi na niya mahihintay ito dahil marami-rami pa siyang ita-type para maayos ang research paper nila.
Naglalakad na si Ces papuntang shuttle nang ma-realize niyang. . . wala na palang shuttle sa mga oras na ito at nagulat na lang siyang. . . biglang bumuhos ang napakalakas na ulan na wala man lang pasabi.
Napansin ng dalaga na may tumigil na sasakyan sa gilid niya at nakita niyang si Lyle 'yun kaya pumasok agad siya nang basang-basa ang buong katawan. “Bakit wala kang dalang payong?”
“A, kasi—”
“Princess, alam mo namang maulan ngayon. . . Look at you, you're so wet. . .” Nagkatinginan sina Lyle at Ces na para bang nakaramdam sila ng awkwardness sa hindi malamang kadahilanan. Nakita ni Ces ang paglunok ni Lyle dahil kitang-kita ang paggalaw ng Adam’s apple nito habang nakatingin sa kanya. . . sa ka—katawan niya? “Let's go to my place, para umini—uhm, para matuyo ka.”
Tumango lang siya hanggang sa pinaandar na ni Lyle ang kotse. Tahimik lang silang dalawa at nararamdaman ni Ces ang pagka-tense ng boyfriend. Basang-basa naman siya mula ulo hanggang paa, pati na ang mga panloob niyang damit.
Nagulat na lang si Ces nang mag-park si Lyle sa basement ng isang malaki at mataas na building. Pagkalabas nila, medyo basa pa rin ang papers at hindi naman nilalamig si Ces masyado dahil nakapatay lang ang air-con noong pumunta sila rito.
Naglakad sila papunta sa lobby, sumakay ng elevator at bumaba sa 32nd floor ng condominium na tinatayuan nila ngayon. Sinundan lang ni Ces ang binata hanggang sa tumigil ito sa room 3211 at ang unang pumasok sa isip ni Ces, perfect character dahil tulad ng mga nababasa ni Ces sa libro, all the hot guys in the books ay may condo. Pagbukas ng pintuan, hindi nga nagkamali si Ces.
Malinis at maaliwalas ang loob ng two-story condo ni Lyle tulad na lamang sa mga fictional books. It has a black, white and gray motif na sobrang manly ng dating. “Sorry if my condo's a mess. Hindi kasi ako nakapaglinis ngayong linggo.”
“Magulo 'to?” Lumibot ang mga mata ni Ces sa paligid. Ang lawak ng hitsura at malinis pero bakit magulo ang sabi ni Lyle? Well, compared to where she’s living. . . mas maayos naman itong condo ni Lyle. “Mas magulo yata ‘yung tinutuluyan ko.”
Paano naging sobrang perpekto ni Lyle? Sobrang nagfifit talaga siya as the hot guy who fell in love with the girl protagonist. Physically, mentally, emotionally at kahit financially—sobrang perfect.
Tumawa si Lyle at lumapit kay Ces habang pinatong ang isang tuwalya sa ulo ng dalaga sabay yakap dito. “You're so cute, Princess.” Sa yakap ni Lyle, para bang na-relax ang buong katawan ni Ces. Medyo nawala rin ang kaunting lamig dahil sa tubig-ulan. “Take a bath first. Papatuyuin ko muna 'yung papers.”
She did what he told her and took a bath. Sa katunayan, she took her time literally dahil natuwa siya nang may bath tub sa loob ng CR ni Lyle. Tuwang-tuwa siya rito, nag-bubble bath pa siya at may mainit pang tubig doon. Ang ganda rin ng exterior ng CR dahil halos puti na ang buong paligid at ang sarap lang tingnan; ang linis.
She's like living her life to the fullest while taking a bath.
Nilabhan na rin niya ang kanyang damit dahil basang-basa ito nang ma-realize na lang niya. . . wala siyang pamalit. To the rescue naman si Lyle dahil pinahiram siya nito ng damit. . . although, wala siyang panloob sa pang-itaas at iblinower na lang ang underwear niya.
Pagkalabas niya ng banyo, nagulat siya dahil nakaabang sa kanya ang boyfriend niya na naka-topless. Naka-shorts na pambahay at gulo-gulo ang basang buhok na mukhang kakaligo lang rin. Ang guwapo.
“Wow, you look good in my shirt.” Nag-init ang pisngi ni Ces nang sabihin ni Lyle ang linyang 'yun. Tumayo ang binata at lumapit kay Ces at hinalikan ito sa noo sabay yakap. Naramdaman naman niyang inamoy siya nito kaya nakaramdam siya lalo ng hiya. “Ang bango-bango mo pa.”
Magkayakap lang sila at halos makatulog na si Ces sa relaxation na nararamdaman niya sa yakap ni Lyle. Ito yata ang unang pagkakataon na magkasama silang dalawa na may privacy. Parang ayaw na niyang umuwi at mag-stay na lang na ganito sila buong gabi. "I want to eat before you leave, Princess. Can you cook for me?"
"O-okay lang. Ano ba’ng gusto mo kainin?" She prayed na sana ay madali lang ang gustong kainin ni Lyle dahil kahit marunong siyang magluto, hindi naman siya magaling. Madalas niyang kainin ay instant noodles at oatmeals kaya hindi siya ganoon kasanay at baka maturn-off sa kanya ang binata kung magluluto ng pang mayayaman na dishes.
Pero ikinabigla ni Ces ang paglayo ni Lyle sa katawan niya mula sa kanilang yakap. Tinitigan siya sa mga mata ng binata hanggang sa unti-unting lumapit ang mukha nito at hinalikan siya sa mga labi saka ito nagsabi ng pagkaing hindi yata niya maluluto kahit kailan.
"Ikaw."
~ ~ ~
Author's Note:
Ang bilis ng updates ko, masyado ata akong inspired dito hahaha nakakatuwa kasi panay ang pasok ng scenes sa utak ko kaya nakakagawa ako agad ng chapters. . . pero hindi ito araw araw, may mga times na magiging sobrang tagal ako mag update dahil busy pero ngayon, sakto lang. . .tamang masyadong busy lang. (hahaha fckd up priorities 4evs) Masaya rin siguro ako dahil ang daming nagbabasa ng TTLS kahit bago pa lang siya, yay. :">
Dedicated to my tineh na hindi ko na masyadong nakakausap ngayon ahuhuhu, ang destiny ng aking buhay na si Erin! (Yung ano ni Cloud . . . kalandian sa AFG hahahaha!) I miss you tineh, wala lang. . . namiss lang kita. Ang tagal na kasi nating hindi nagkakausap, huhuhuhuh so ayun kbye. :))
PS: Special Chapter: Three Big Words. Follow first. External link.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top