1 // Sight at First

"We sometimes encounter people, even perfect strangers, who begin to interest us at first sight, somehow suddenly, all at once, before a word has been spoken." 
— Fyodor Dostoyevsky

 

~ ~ ~

“Ano ba’ng pakiramdam na ma-in love?”

Ito ang pambungad na tanong ni Ces.

Madalas siyang kiligin sa mga binabasa niyang love story dahil ramdam niya ang pagmamahal sa mga librong nabasa na niya pero lagi siyang nagtatanong: ano ba talaga ang pakiramdam kapag ikaw mismo ang na-in love, ‘yung totoong love na talaga? Masaya? Nakakatuwa ba? Masarap ba sa pakiramdam? Ano’ng pakiramdam? ‘Yan ang mga tanong ni Ces.

She's a romantic. Naniniwala siya sa tinatawag na "pagmamahal." Naniniwala siya na may taong nakalaan para sa kanya. Isang lalaki na handa siyang ibigin ng tunay. Isang lalaki na mas hihigit pa sa mga lalaking nababasa niya sa kwento. Ganito nga siguro ang epekto sa kanya ng mga binabasang love stories: napupuno siya ng mga paniniwalang madaling abutin pero sobrang hirap hanapin. She's a romantic. . . a hopeless one.

“Wala, nakakaumay, huwag mo nang i-try,” sagot sa kanya ng katrabaho sa cake shop at isa sa mga kakaunting kaibigan niya na nagngangalang Marciella. Which is prohibited itawag kaya naman mas prefer ng kaibigan na tawaging Marky. Astigin.

“Nakakaumay pero lagi kang may boyfriend?”

 

Umirap si Marciella o Marky nang natatawa pagkatapos makuha ang bag nito sa kanyang locker. “Masarap lang mag-boyfriend kasi libre ang lahat, pero nakakaumay na kapag nagtatagal—babae na nanlilibre.”

No boyfriend since birth—hindi inaakala ng iba na si Ces ay isang babae na virgin sa lahat: virgin sa holding hands, sa akbay, sa hawak sa bewang at kiss sa cheeks. Tulad ng mga cliché protagonist, si Ces ay magandang babae kapag inayusan pero dahil sa tamad ito at walang time, lagi lang naka-ponytail ang buhok niyang kapag inilugay ay hanggang bewang na ang haba. Hindi na rin kasi siya nagulat dahil hindi siya palaayos. . . ngayon pa naman, mas titingnan ng mga lalaki ang nag-aayos kaysa sa hindi.

Maswerte na nga rin siya dahil kahit papaano, napapansin siya ng mga tricycle driver, mga katabi ng truck driver o kung sino pang obvious na walang magawa sa buhay. Well, it's a small step. Atlease hindi siya 'non-existent' talaga.

“Ganu’n?”

“Oo at kung gusto mong i-try, simulan mo nang ayusin ang sarili mo, aba naman, Ces.” Lumapit sa kanya ang kaibigang si Marky at hinawakan ang eye glasses niya. “Pati glasses mo, halos ilang months nang may tape. Palitan mo na. Ayusin mo kasi ang sarili mo.”

Kung si Ces ay simple lang, kabaligtaran naman nito si Marky. Si Marky ay isang babae na hindi lumalabas ng bahay nang walang make-up sa mukha. Hindi siya madalas mag-jeans dahil kung hindi ito naka-skirt, naka-short shorts ito—flaunt your assets daw kasi dahil kahit morena si Marky at maganda ang katawan nito. Siya rin ang tipo ng babae na hindi nawawalan ng boyfriend—ever.

“Wala akong time,” sabi ni Ces.

“O, e di huwag kang mag-love life. Wala ka palang time, e,” pang-aasar ni Marky sabay tawa.

Ngumiti lang si Ces; wala rin kasi siyang sense of humor. Hindi niya nage-gets ang sarcasm sa sinasabi ni Marky. Pero kahit ganito si Ces—isang seryosong tao na walang sense of humor---natutuwa pa rin si Marky sa kanya.

Masarap kasing utuin.

Lumabas na silang dalawa sa locker habang dala-dala ang kani-kanilang bag. Nagpaalam na rin sila sa kanilang manager dahil tapos na ang kanilang shift sa cake shop para sa araw na ‘yon. Pero habang naglalakad papuntang sakayan, naisipan ni Marky na tumambay muna sa ice cream parlor.

Magkaiba man ang ugali nilang dalawa, nagkakasundo pa rin sila sa ice cream.

“Ano po’ng flavor?” tanong ng nagbabantay.

“Bubble gum!” sabay nilang sigaw na ikinagulantang naman ng nagbabantay. May usapan kasi sina Ces at Marky na kung sino ang unang magsasabi ng flavor ay ililibre ng nahuling magsabi pero ngayon, tie sila kaya kanya-kanyang bayad ang nangyari.

Naupo sila sa nakalaan na upuan para sa customers doon sa ice cream parlor matapos nilang bayaran ang ice cream.

 

“Kamusta naman sa new school mo? Mukhang naging busy ka, a?” pagtatanong ni Marky. “In fairness, na-miss ko ang pagiging seryoso mo.”

“Aminin mo na lang na nami-miss mo ako,” nakangiting sabi ni Ces. “Pero busy, sobra—at ibang-iba siya sa school ko dati.”

“Pang-mayayaman kasi du’n, ‘di ba?”

 

“At pang mga maaarte,” dugtong ni Ces.

* * *

Naaalala niya ang unang pagkakataon na tumapak siya sa napaka lawak na ground ng bago niyang paaralan. Isang paaralan na pinagsama-sama ang apat na nagsisilakihang building para sa mga mag-aaral nito. Transfer student siya in the middle of July, napakapapansin lang. Sobrang late na niya for late enrollees pero tinanggap pa rin siya ng school dahil maganda ang grades niya at scholar siya.

Nakatingin ang halos lahat ng tao na nasa ground sa kanya noon. May napansin pa siyang isang babae na naka-micro-mini skirt at tinitigan siya mula ulo hanggang paa sabay tawa. Napatingin naman siya sa hitsura niya. Sa pagkakaalam niya, maayos naman ang shirt, jeans at chucks na bili niya sa Divisoria pero bakit siya pinagtawanan?

Pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa na-realize na lang niya, mukhang katawa-tawa nga ang hitsura niya ngayon. Nalula siya sa mga babaeng nagsisitangkaran pero naka-heels pa rin na hindi bababa ng three inches ang height ng mga takong. Napansin din niyang nagpapanipisan at nagpapakulangan ng tela ang mga babaeng nandoon.

Teka, estudyante pa ba ang mga 'yun? 

* * *

“Pagpasok ko sa classroom, disaster,” patuloy na pagkukuwento ni Ces.

* * *

Pagpasok ni Ces sa classroom gamit ang nag-iisang pinto na nasa unahan, napatigil ang mga kaklase niya at napatingin sa kanya. Pero hindi pa umabot sa one second ang pagtigil na ‘yun dahil mukhang hindi yata papatinag ang mga iyon sa mga pinag-uusapan nila.

“Have you tried pink gloss on your lips?”

“Ang hot nu’ng nakatabi ko sa pila kanina—bakat ang abs sa fitted shirt niya!”

“Dude, gandang chicks. Ang laki.”

“A, ‘yung auto ko? Wala, pinamigay ko na. ‘Di ba nagasgasan ‘yun? Bumili na lang daw kami ng bago, sabi ni dad.”

Umupo si Ces sa pinakaunahan malapit sa pintuan. Nagtataka siya dahil walang nakaupo sa unahan. Lahat ng kaklase niya ay nasa may likuran at nagdadaldalan. Pagpasok ng Prof. na siguro ay nasa mid 30’s, walang pumansin dito.

Siyempre, lalong nagtaka si Ces.

Nagkatitigan sila ng Propesor at nagkangitian. Kitang kita sa ekspresyon ng Propesor na natutuwa itong makita si Ces. . . sa kadahilanan ay hindi rin alam ng dalaga.

  

“Bago ka?” tanong ng Prof. “Tawagin mo na lang akong Miss A. Ikaw?”

 

“Ces na lang po.”

Tumango ang Prof. sa sinabi niya pero hindi pa rin tumitigil sa pagdadaldalan ang mga kaklase niya. Ang akala niya ay ganito lang talaga sa first day pero the next day, and the next day hanggang sa one week na ang nakaraan, wala pa rin, hindi pa rin pinapansin ng mga kaklase niya ang Prof.

“Miss.” Tinaas ni Ces ang kanyang kamay habang nagle-lecture si Miss A nang wala namang nakikinig kundi siya. Tinawag siya ni Miss A. “Bakit po, hindi niyo sila pinapatahimik?”

Ngumiti naman si Miss A sa tanong niya. “Wala akong karapatang magreklamo; pinapasweldo lang nila ako.”

* * *

“Huwat? Grabe naman 'yang school mo, puno ng mga matapobre!” Napatigil sandali si Marky sa sinabi. “Wow, matapobre. Big word!” natatawa niyang sabi.

 

Sumimangot si Ces habang naaalala niya ang mukha ni Miss A sa tuwing nagsasalita ito sa harap na wala namang nakikinig. Nakikita niya na ang ngiti nito ay pilit, na para bang nahihirapan na.

Gusto man niyang tanungin si Miss A tungkol dito, hindi niya magawa. Actually, wala talaga siyang magawa dahil wala naman siyang karapatan. She's not your type of heroine na maglalakas-loob para tumayo at sumigaw sa klase na huwag nilang bastusin ang professor sa harap. Hindi siya 'yung tipo ng babae na kayang magmatapang na kahit laking-hirap lang siya ay ipapamukha niya sa mga mayayaman niyang mga kaklase na wala silang kuwenta.

She can't do that. Mahirap na—ayaw niya ng spotlight.

“Sobra, Marky. Kung hindi lang ako scholar doon. . .”

“Masaya ka naman ba sa school mo?”

 

Sa pagtatanong ni Marky, napangiti na lamang si Ces sa naalala. Kaya nga pala niya tinanong kay Marky kung ano’ng feeling na ma-in love dahil may isang bagay na nangyari sa kanya noong Friday, lunch time sa canteen.

“May nakilala ako,” pangunang kuwento ni Ces. Napangiti naman si Marky sa narinig dahil ito ang unang pagkakataon na magkuwento si Ces tungkol sa isang tao na ‘nakilala’ nito. Medyo. . .medyo anti-social kasi itong si Ces. “Lalaki,” dagdag pa nito.

“Ohmaygahd, lalaki!” Lalong natuwa si Marky dahil hindi pala simpleng tao lang ang nakilala ni Ces, kundi isang lalaki! “Kuwento!”

* * *

Ikinuwento ni Ces ang paglalakad niya sa cafeteria noong lunch time para kainin ang lunch na inihanda niya kaninang umaga. Hindi man friendly si Ces sa mga kaklase at kasing age niya, may kung ano yata siyang kapangyarihan para maging close ang mga mas nakakatanda sa kanya.

Kahit ilang weeks pa lang siya sa school niya ngayon, naging close na niya si Manang Pola, ang head chef ng cafeteria na nagbabantay paminsan-minsan sa cafe. Pinayagan kasi siya ni Manang Pola na ipainit ang lunch niya dahil kakaiba raw ito sa ibang estudyante; hindi raw kasi nahihiya si Ces na magbaon.

Laging ganito ang pangyayari hanggang sa nangyari ang isang bungguan na nagpabago ng buhay niya.

“Tabi, tabi!” sigaw ng isang boses ng lalaki pero bago pa makalingon si Ces sa pinanggalingan ng boses ay agad siyang nakaramdam na parang may tumulak sa kanya nang sobrang lakas. Tumalsik rin ang lalaking bumunggo sa kanya dahil apparently, nakasakay sa skateboard ang lalaking 'yun. Nakakapagtaka lang na pupwedeng pumasok ang estudyanteng nag iiskateboard sa school premises.

“Ah!” Sa sobrang lakas ng pagkakatulak sa kanya ay nasubsob siya't natamaan ang isang babae. Hindi lang ito basta babae dahil nakaheels ang babaeng ito na may four-and-a-half inches. May hawak din na tray ng pagkain—na natapon sa katawan ni Ces. Which is apparently ay nakasubsob sa sahig.

Hindi pa ito natapos. Dahil nga natulak niya ang babae ay natapakan pa siya ng babae sa kamay niya—heels first.

“A-aray.” Napapikit siya sa sobrang sakit.

Gusto niyang sumigaw nang sobrang lakas dahil sa sobrang sakit ng pagkakatapak sa kanya, idagdag pa na mainit ang pagkaing bumuhos sa halos buo nitong katawan. Pero hindi niya ito magawa-gawa. Ayaw niyang makakuha ng atensiyon ng ibang tao—na hindi rin naman niya naiwasan dahil ngayon pa lang ay center of attention na siya.

“Hala, Ces! Okay ka lang ba?” pasigaw na sabi ni Manang Pola pero hindi siya matulungan dahil maraming estudyante ang nakapila at kailangan nitong i-serve ang mga 'yun.

Ayaw na niyang iangat ang kanyang ulo sa sobrang kahihiyan. Good work, Ces. Wala ka pang one month dito, kahihiyan na agad? Lamunin mo na ako ngayon, sahig, please!

Halos makatulog na siya dahil sa face-flat niyang posisyon pero nagulat na lang siya nang maramdaman niyang may nagpupunas ng kanyang ulo. Napadilat siya at napatingin sa nagpupunas sa kanya.

Nakarinig siya ng mga set of gasps sa paligid pero ang pinakanarinig niya ay ang boses ng lalaking tumutulong sa kanya.

“You all right?”

Inalalayan siya ng lalaki habang siya, tulala—tulala dahil ang nasa harap niya ay hindi isang tao kundi isang diyos: diyos ng kaguwapuhan! Sobrang guwapo ng nilalang na ito na hindi na yata nararapat na tawagin pa siyang tao!

Nakatayo na siya pero pinupunasan pa rin siya ng lalaki. A-ang guwapo niya, sobra.

 

Hindi maiwasan ni Ces na mapatulala sa nakikita niya. Akala nga niya ay nananaginip siya at nakatulog kanina sa sahig pero hindi, totoo ito, totoo talaga!

“Be careful next time, okay?” Iniabot ng lalaki ang panyo niya sa kanya. “Use this, para mapunasan mo ang sarili mo.”

Hindi makapagsalita si Ces. It was the first time na may kumausap sa kanya nang hindi siya ginagago, first time na may lalaking kumausap at tumulong sa kanya at first time na guwapo ang kumakausap sa kanya.

“S-salamat, nauutal na sabi ni Ces.

“What's your name? Bago ka rito?” 

Tumango si Ces. “C-Ces.”

 

“Nice name. Parang princess.” Nag-init ang mga pisngi ni Ces nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Lalo siyang nag-init nang makita niyang ngumiti ito—lalong gumuwapo. Parang isang prinsipe!

“Ako nga pala si Lyle. Lyle Yuzon."

 

Akala niya ay tapos na ang lahat pero nagulat na lang siya nang makita niya ang kamay ng binata na parang naghihintay na makipag-shake hands sa kanya. Natatakot man, nanginginig ang mga kamay na iniabot niya ang kamay nito at nakaramdam siya ng parang kuryente.

Ang lambot ng kamay niya.

Noong mga panahong 'yun, hindi man niya alam ang pakiramdam ng magmahal sa totoong buhay pero nababasa niya sa mga love stories na nagkalat sa Internet, alam niya sa sarili niya. . .

Na-love at first sight siya.

~ ~ ~

Author's Note:
Sabi ko sa sarili ko, pipigilan ko na ang sarili ko mag author's note. . . hindi ko kaya. Please kill me now.

Maninibago kayo dito, 3rd pov kasi at seryoso, medyo marami ding binago sa original story. Sana mapanindigan ko ang seryosong atmosphere na 'to na hindi ako nabobored! Hahahaha yay :D

Dedicated to jpuripuri kasi kahit nung first post ko ng Love's Limit nung 2011, nandun na siya hanggang sa pinost ko ulit ng 2012 at ngayong 2013 na, hinihintay pa rin niya ito. Sana hindi kita madisappoint sa mga susunod na chapters, salamat sa suporta :">

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top