Chapter 8: CTU -TC


[ C H A P T E R  8]

A Y E S S A

Today is my first day in CTU-TC at sobrang kinakabahan ako dahil wala akong kakilala kahit isa sa section ko. Dahil second semester ngayon ay ako lang din ang bago which made me even feel pressured dahil magkakilala na silang lahat.

Kanina nang pumasok ako ay nakita ko talaga ang question mark sa mga mata nilang lahat and no one dared to ask me. Sanay naman na akong mag-isa pero nasa ibang environment kasi ako kaya ramdam na ramdam ko talaga ang pressure.

Dumating na ang subject teacher namin sa umaga na kaagad namang nagpakilala sa aming lahat. Bagong teacher pala ito rito at ngayong araw din ang unang araw niya sa campus.

"So since hindi ko pa kayo kilala I would like to use today's meeting as an introduction for all of you."

Sumangayon naman ang lahat at ang nauna na pumunta sa harapan ay ang nasa harapan. Dahil nakaupo ako sa pinakahulihang bahagi ay ako ang huling magpapakilala ngayong umaga. Super attentive ko nang magsimula na silang magsalita, I want to remember everyone's name dahil ayokong ma left out.

I decided kasi na hindi maging loner this sem. Ang sabi ng subject teacher namin ay ipakilala namin ang aming sarili, saan kami nakatira, ilang taon na kami, bakit namin kinuha ang kursong Civil Engineering, at ano ang unique trait na meron kami. Tapos kailangan daw in english. Ayos lang naman sa akin pero pansin ko na halos buong klase ay parang kabado.

Some of them even wrote their speech at binabasa nila ito sa harapan at may ilan din na hindi ko marinig dahil sobrang hina ng boses nila.

"Hellow everyone! Good morning!" Said by a guy na may manipis at magulong buhok. As in sobrang nipis ng buhok niya to the point na pinagtatawanan siya nang lahat. "Hilom sa hilom," he said with a smile na halatang hindi seryoso. "By the way I am Aljie Sacayan. I am 21 years old. I live in Buanoy. I choose Civil Engineering because I want to be an engineer and I have this unique but innate trait that no one in this room has," he intentionally cut his words that made everyone asking what trait is it.

"Unsa?"  (Ano?)

"Ha? Naa diay?"  (Ha? Meron pala?)

He then smiled from ear to ear.

"Cuteness overload," he grinned looking so proud to himself.

Ako naman ay natawa sa kanya. Sobrang confident kasi nito. Tumawa naman ang buong klase na parang immune na sa kahanginan niya.

Nang bumalik na ito sa seat niya ay doon ko lang napansin na siya pala ang nakaupo sa harap na seat kung saan ako nakaupo. Tatawa-tawa pa siya habang ang mga kaibigan naman niya ay napapa-iling na lang sa kanya. He even did that pogi sign tapos nag lip bite at nag half closed eyes. Mahangin nga.

"Okay next!"

Kaagad naman may sumunod at nagpakilala. Nakikinig lang ako buong introduction nila hanggang sa ako na ang susunod. Ang kaninang kaba na naramdaman ko ay mas domoble pa lalo dahil sa mga matang nakatuon sa akin.

I went in front, stand straight, and smile. "Good morning everyone! I am Ayessa Keith Armas, 21 years of age and residing in Asturias. I am a transferee from Manila and I used to study in De la Salle University with the same program. Both of my parents graduated with a bachelor's degree in Civil Engineering and for that reason, I choose this program. I always back my words with action and that alone made me unique to everyone else." I ended my speech with a warm smile and when I went back on my seat, the guy earlier suddenly faced me with.

"So golden spoon ka pala?" Bungad nito.

"Ha?" Ako na hindi naintindihan ang ibig nitong iparating.

"So itatawag ko na lang sa'yo is Yessa! You can call me Je, pwede rin pogi."

Kiming ngumiti ako. Hindi ko alam kung talagang friendly siya o over lang talaga confident niya sa katawan. But seeing how close he is to everyone, I think he's a good guy.

Hindi ko na magawang makapagsalita dahil bumalik na sa harapan ang atensyon nito.

After the first subject this morning is vacant at ang susunod na klase ay mamaya pang alas diyes. Maagang nag dismissed ngayon at rinig ko na sa canteen sila mag ta-tambay para sa susunod na klase. Ako naman ay hindi alam kung saan pupunta.

Pagkalabas ko sa room ay mag-isa akong naglalakad sa hallway thinking kung saan ako tatambay. While walking I saw a huge sampaloc tree and underneath the tree there was a bench. Walang naka tambay dito kaya nagmamadali akong pumunta ro'n. Una kong nilapag ang bag ko at saka umupo. Saktong humangin ng malakas kaya napapikit ako at inayos ang buhok ko dahilan para hindi ko makita ang taong papalapit sa akin. Huli na nang mapansin ko ang presensya niya nang tumabi na ito nang upo.

"Hindi mo sinabi na Civil Engineering ang kinuha mong program," wika nito habang nakatingin sa oval.

Wala akong rason para mag explain kaya nanatili akong tahimik.

"Akala ko pangarap mo ang maging doktor? Ano'ng dahilan bakit nag-iba ang pangarap mo ngayon?"

He still remember it. That was the time were magkasama kaming buong barkada naliligo sa dagat at nag-uusap tungkol sa plano namin sa future. I told them I want to become a doctor to help people. Siya naman ay sinabi niyang gusto niya maging engineer. Now he's making his way to become one while I buried that dream long ago.

"That was so long ago, naalala mo pa!" Biro ko na tunog sarkastiko.

"Hmm. Tapos sabi mo pa gusto mong mag tayo ng clinic sa atin at bibigyan mo kami ng discount."

He really remember those time eh ang tagal na no'n. Nakalimutan ko na nga ang iba pa no'n.

"Yeah!" Isang ngiti ang sumilay sa aking labi habang unti-unting bumabalik sa aking utak ang araw na iyon. Pero hindi ko itinuloy ang pagbabalik-tanaw dahil isang ala-ala ang biglang sumingit at ito ang naging dahilan kung bakit nawala ang ngiti sa labi ko.

Why am I here talking to this man? I should've avoided him in the first place! Ayos lang sa akin sila Niel, pero ibang usapan na kung si Iason. Gosh, Ayessa! You forgot the reason why you hate this man! You forgot what you've been through because of this man! Dahil lang sa nakita mo siya ulit after a long time ay nakaligtaan mo na ang lahat lahat!

"I..I have to go!" Nagmamadali akong umalis sa tabi niya at hindi na muling lumingon pa.

Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na nasa may canteen na pala ako. Ni hindi ko naramdaman ang init ng araw dahil sa nagliliwaliw kong isipan.

Hay!

Pumasok na lang ako sa canteen at bumili ng biskwit at tubig at saka muling lumabas para magpahangin, sakto namang nakita ko sina Niel na kasama ang iba pa. They were sitting on the concrete chair while chitchatting. Rinig ko pa ang mga malalakas nilang tawa kahit na may kalayuan ang pagitan namin. Wala akong plano na lumapit sa kanila at was about to change direction kaso bigla nila akong tinawag. Huli na nang mapansin ko na kasama pala nila si Iason na nakikitawa rin.

Nang makalapit na ako sa kanila ay nagtagpo ang aming mga mata at tila parehas kaming nagulat at sabay na umiwas.

"Vacant mo?" Tanong sa akin ni Gary pero nakalahad na ang kamay nito at kinuha ang hawak kong biskwit at siya na mismo ang nagbukas nito. 'Lang'ya!

"Ano'ng sub mo sa lunes?"

"NCE 3103 and ZGE 1103." Simpleng sagot ko at saka binawi ang biskwit kay Gary. "Vacant niyo rin?"

Sabay silang lahat na tumango at muli na namang kinuha ni Gary ang biskwit ko. "Penge," sabi pa nito.

"Gago, ikaw na nga nagbukas. Sayo?" Sarkastikang wika ko. "Bumili ka ro'n oh!" Turo ko pa sa canteen.

"Damot mo naman!" Asik ni Niel at nakisali kay Gary sa pagkuha ng biskit. "Sarap! Bili ka ulit, Yessa!"

"Hoy! Ako rin!" At kumuha na rin si Elmer na binigyan pa nito si Nedel.

"Thanks, Cap!"

"Ikaw, Iason? Gusto mo rin?" Alok ni Nedel pero umiling lang ang huli at saka bumaling sa akin.

"Wala ng laman," bulyaw ko at sinimangutan sila pero tinawanan lang nila ako. Ang sasama talaga ng mga ugali!

"Tara!"

Bigla akong hinila ni Iason sa isang kamay at akmang maglalakad na ito patungong canteen pero may biglang tumawag sa pangalan niya mula sa hindi kalayuan.

"Iason!"

Dahil sa malakas na boses ng babae ay halos lahat ng tao sa paligid ay nakatingin sa kanya.

"Woow! Chika babes mo, dol!" Rinig kong tudyo ni Nedel kay Iason.

"Vacant ninyo?" Sobrang lawak ng ngiti nito habang naglalakad patungo sa pwesto namin.

Naramdaman ko ang pag bitaw ni Iason sa aking kamay at nang tignan ko siya ay nakita ko ang ngiti nito, ngiti na hindi ko alam na kaya niya pa lang ipakita sa iba. Well, ilang taon na rin ba mula nang makita ko ang ngiting iyan? At imposibleng wala siyang nagugustohang babae after sa akin.

Seeing his reaction, I decided to leave. Hahanapin ko pa kasi ang room ko for the next subject kaya nagpaalam na ako sa iba na mauuna na ako. Diretso ang naging lakad ko while trying no to listen to what they were talking. That girl's voice was too loud kaya minadali ko talaga ang paglalakad para hindi ko sila marinig.

Nang nasa gym na ako ay biglang may tumawag sa akin, it was the guy named Aljie. May hawak itong bola at sa likod niya naroon ang apat na lalaki na nakatingin na rin sa akin. Kita sa mga mata nila ang pagtataka tapos kinakalabit nila si Aljie at tinanong kung sino ako. Some of them was giving him a teasing smile pero sinaway sila ng binata.

Lalagpasan ko na sana sila pero nakita kong papalapit siya sa akin kaya hinintay ko, baka sabihin pa nito na snob ako.

"May twenty minutes na lang tayo, tara!"

Kaagad ko naman nakuha ang ibig nitong sabihin.

"Mabuti't nakita kita, muntik ko na makalimutan ang oras. Siya nga pala, alam mo na ba ang susunod na room natin?"

He was busy wiping his sweat. Na bother pa ako nang biglang hubarin nito ang suot na jersey at saka kinuha ang bimpo sa bag niya at nagpunas ulit ng pawis. Pagkatapos niyang magpunas ay may kinuha pa siyang puting t-shirt at sinuot ito.

"Hindi."

Nang makita ko siyang papalingon sa akin ay kaagad akong tumingin sa ibang direksyon.

"Mabuti naman pala't nakita kita. Tara na!"

Sumunod ako sa kanya at dahil mahahaba ang binti nito ay malalaki rin ang mga hakbang niya. Naging mabilis ang paglalakad ko pero unti-unti namang bumabagal ang paglalakad niya.

Oo matangkad ako, but Aljie's height is actually around six feet or more kaya nagmimistula akong pandak sa tabi niya.

When we arrive in our next room, people inside were wondering why Aljie and I are together, especially his friends na kaagad siyang hinila. Ako naman ay dumiretso kaagad sa likurang bahagi.

"Sis, dito ka!" Tawag sa akin ng isa sa mga classmates ko. Tinuro pa nito ang katabing silya at dahil nga ayokong maging loner, sumunod ako sa gusto nito.

"Hi!" Nakangiti kong bati rito.

"Hellow! By the way I'm Finn and you're Ayessa, right?"

"Yeah!"

Kaagad kong nahulaan na bakla si Finn, hindi man nito sabihin pero halata naman talaga sa perpektong kurba ng kilay niya and he's wearing contacts.

"Kanina ka pa namin pinag-uusapan, sis! Hinanap ka pa namin dahil bigla kang nag vanish kanina, we thought you're going to the canteen. Saan ka ba tumambay?"

"Ahh, sa may oval."

"Eh? Pero why naman kasama mo ang hottie ng section natin?"

Dahil sa sinabi ni Finn ay napalingon ako sa gawi ng lalaking binanggit niya.

"Nagkita lang kami sa may gym."

"Sus! Pero chika tayo mamaya, nandito na kasi si ma'am."

Nandito na nga ang susunod na subject teacher namin. Unang tingin ko sa kanya agad kong nasabi sa isipan ko na strikta siya. Mataray ang awra ng mukha ni ma'am at idagdag pa natin ang mapula nito labi. Pero sabi nga nila, don't judge the book by its cover kaya hindi muna ako magbibigay ng ilang komento.

She introduced herself first and then the subject and the next thing is she made us prepare a one fourth paper. Ilagay daw namin ang pangalan namin and our reasons why we choose this program and we also need to put our expectations for her. After namin gawin ang pinagawa niya ay ipinasa namin ito sa kanya and then dismissed na kami.

Nagulat pa ako, pero sabi niya next meeting na magsisimula ang discussion namin. Sobrang saya naman ng lahat, pati ako, dahil early lunch kami.

"Tara sa labas tayo kakain. May alam akong affordable na karinderya."

Hinatak kaagad ako ni Finn.

"How about sa canteen na lang tayo kakain, Finn?"

"Dollar do'n, sis! Don't worry safe naman ang karinderya na kakainan natin."

"Hoy! Finn! Sama ako! Doon kayo kina auntie?" Singit ni Aljie na hawak ang backpack nito sa isang kamay.

"Yizz. Gorabells na tayo at baka maunahan tayo sa favorite spot ko."

Wala na akong magawa pa kung hindi ang sumunod na lang sa kanila. Lakad lang ang ginawa namin lahat patungo sa kainan na sinabi niya. Nang nasa may gate na kami ay agad akong nagsisi, sobrang init ng panahon at feeling ko matutunaw kaagad ako kapag nainitan ako.

"Dito ka."

Boses pa lang ay alam ko na kung sino ito. Pagtingala ko agad kong nakita ang itim na payong na nakabukas na. Marahan niya pa akong hinila para hindi ako mainitan. Kita naman sa gilid ng mata ko si Finn na inilabas din ang kanyang payong.

"Usog ka rito maiinitan ka."

I don't know if he's just being considerate or he's really like this. Hindi ko kasi maintindihan but whatever is it, I just hope na walang kahit na anong meaning ito.

-B M-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top