CHAPTER 7: Simala Shrine

[ C H A P T E R  6 ]

A Y E S S A

Grade six ako noong huling punta namin ni lola sa Simala Shrine o mas kilala sa tawag na The Monastery of the Holy Eucharist. Hindi pa ito gaano ka laki tulad ngayon. There are some part na hindi pwedeng daanan or pasukin dahil under renovation. But for me, it's not the outside of the building that fascinates me, it's the inside. Gustong-gusto ko talaga ang aura sa loob. Paborito kong pasukin noon ay ang simbahan talaga, dahil sa mga rebolto na nakasuot ng makukulay na damit. Ewan ko pero I have this side na na-e-excite kapag nakakakita ng mga rebolto, especially si Mother Mary.

"Dahan-dahan," rinig kong bulong ng kasabay ko sa pag-akyat sa mataas na hagdan. Ahh katabi ko pa rin pala siya.

Hindi ako sumagot, bagkus ay binalik ko lang ang atensyon ko sa harapan. Nasa sagradong lugar ako ngayon at mas makabubuti na lumayo ako sa kaniya kasi nakakaramdam kaagad ako ng galit kapag nasa paligid siya. Kaya nang matapos ako sa pag-akyat ay awtomatikong humiwalay ako sa kanila. I texted Dutsie and inform him.

I was planning to get inside the church pero sa kasamaang palad sarado ito. Wala raw misa ngayon. But it didn't ruined my day though, bukod sa simbahan ay may isa pa akong paborito. The keychains and the candles.

Kaagad kong tinungo ang bilihan ng mga kwintas, pulseras, at mga rosaries. Unang binili ko ay isang kulay purple na rosary, then next is a little Snto. Niño. Hindi ako bumili ng mga kwintas at pulseras dahil buhay pa naman ang mga binili ko noon. I still have it, pero nasa maynila ang mga ito.

Sunod na binili ko ay ang mga kandila. I still remember back then na pinipilit ko pa si lola na lahat ng kulay ang bibilhin ko at sisindihan ko. Nagtataka pa ako noon bakit hindi niya ako pinapayagan. Bago kasi siya bibili ay magtatanong pa siya sa akin kung ano ang magiging prayer ko. Ang palagi niyang binibili para sa akin ay ang kulay red, yellow, at gold na kandila. I was still unaware that time na may kahulugan pala ang bawat kulay ng mga kandila.

Gold candle is for healing. When you pray for good health for you and for your family, and for a fast recovery, if you have someone who's in a recovery state. Yellow is for peace, like if you're asking courage, strength, and hope. Red is for love.

Hindi pa rin naman nag-iba ang mga panalangin ko. Pero may nadagdag. I bought the yellow, gold, black, pink, and orange candles. Habang hawak ko sila ay mas natuon ang pansin ko sa itim na kandila. I just want to pray for forgiveness. I hope he'll forgive me.

Dumako na ako sa area kung saan sisindihan ang kandila at ialay ang dasal ko. I was in the middle of lighting the candles when someone spoke.

"Wala ka yatang pula?" Usisa niya at tinuro ang mga kandila na hawak ko. Hindi ko na siya tinignan pa dahil alam ko na ang reaksyon mayroon ang mukha niya.

Pero bakit ba siya narito? Umiwas nga ako 'di ba? Ayokong magkasala nang paulit-ulit sa isang sagradong lugar.

"Naubusan sila," pagsisinungaling ko. Kitams? I am committing a mortal sin inside a sacred place.

Humarap ako kay Iason at pinilit kalmahin ang sarili ko kahit na gusto ko na siyang sigawan. "Pwede ba'ng doon ka sa likod?"

Hindi nito itinago ang pagtataka sa kanyang mukha. Nag-isang linya ang kilay nito habang nakaturo sa direksyon na sinabi ko. "Doon? Bakit?"

Tsk!

"Nevermind. Ako na lang," I said, pero nakita ko si Iason sa gilid ko na sumunod sa akin. "Hah! Gahig ulo!" I mumbled. I decided not to think about him ang focus with my prayers.

Ang dami kong gustong ipagdasal. Ang dami kong gustong sabihin at sinabi ko ito isa-isa sa Kanya. My worries, anger, feelings and even those uncertainties I have ay sinabi ko. I asked guidance and sign from Him. Alam ko naman na maririnig Niya ako. He always listens and will always answers my prayer.

Sa palagay ko ay naging mahaba ang dasal ko dahil namamanhid na ang paa ko sa pagkakatayo. Hindi ko naman pinansin ito. What's important is I surrendered to Him. Ayokong magdala ng magbibigat na alalahanin ngayon.

"Wow, ang haba no'n ha?!" Bulalas ni Iason na ikinagulat ko dahil nasa tabi ko pa rin siya. Mainit na  sa area namin, pero hindi siya sumilong at nanatili sa kinatatayuan niya kanina. "Gano'n ba ka rami ang mga naging kasalanan mo?"

Hindi ako na-inis o nagalit man lang sa pang-aasar niya. I was just staring at his face na bahagyang kumislap dahil sa kanyang pag tawa.

Hah! That face..

Umiwas ako ng tingin at umaktong hinahanap ang ibang kasama namin. Palihim ko rin sinapo ang dibdib ko at dinama ang mabilis na tibok ng puso ko.

Heart, huwag padalos-dalos..

"Nasaan sila?" Tanong ko rito habang pilit na kinakalimutan ang nakita ko kani-kanina lang. Naging seryoso ulit ang mukha niya at luminga-linga.

"Mukhang pababa na yata," sagot niya pa. "Ang haba kasi nang dasal mo."

Hindi ko naman sinabi sa kanya na hintayin niya ako rito. Nag text din naman ako kay Dutsie na sa parking lot kami magkikita. Imposibleng inutusan din siya ni Dutsie or ni lola dahil may tiwala naman ang dalawang iyon sa akin.

Kusa ba siyang lumapit sa akin at hintayin ako? Nag-aalala ba siya sa akin?

Opss, brain kalma. Huwag masyadong over thinker.

I heave a deep sigh and decided to just leave him alone. Pero kagaya kanina ay sumabay ito sa akin ng lakad. Hinayaan ko na lang din, kahit na hindi ko gusto ang presensya niya. Habang naglalakad kami ay nakita namin si Niel na nakatayo sa gilid habang may kausap sa cellphone nito. Kung ako lang mag-isa ay dadaanan ko lang dapat siya, just giving him some privacy, pero dahil kasama ko si Iason ay kusa na rin akong tumigil dahil tumigil din ito. Sinadya pa nga yata nito na harangan ako eh.

"Niel!" Tawag niya pa kahit na may kausap pa ito sa cellphone. "Sabay ka sa'min!"

Tumango naman ang huli at sumabay sa amin ng lakad. Sa kaliwa ko ay si Niel habang sa kanan naman ay si Iason at ako ang nasa gitna. Parehong matangkad silang dalawa, matangkad din naman ako, pero mas matangkad sila sa akin. Hanggang tenga lang ako ni Niel habang hanggang balikat lang ako ni Iason.

Nang tapos na sa pakikipag-usap si Niel ay bigla itong umakbay sa akin. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang gagawin niya ito. But remembering back then, siya naman talaga 'yung mahilig umakbay sa akin.

"Open na for enrollment ang CTU Tuburan, Yessa." Sabi nito. "Kompleto naman ang mga kakailanganin mo 'no?"

Tumango ako bilang sagot.

"Ayos!" Marahang sigaw nito at kumalas na sa pagkaka-akbay sa akin. "Samahan kita bukas."

Ngumiti ako sa narinig. Excited talaga siyang pumasok ako sa school kung saan sila nag-aaral. Hindi lang din naman siya, pati na rin ang iba pa.

"Dito ka na talaga?" I heard Iason talked kaya nilingon ko siya. Because he's taller than me nakatingala ako sa kanya. "Seryoso?"

"Ahmm..yes."

Wala pala siyang alam dahil hindi pa naman kami nakapag-usap dalawa. Wala rin sigurong sinabi sila Gary sa kanya. Hindi rin madaldal si Dutsie at hindi rin naman palatanong si Iason so it's understandable why wala pa siyang alam.

As for the others, I told them my plan, hindi naman lahat ang sinabi ko. I only shared the things na kailangan nilang malaman.

"Ipagpapalit mo ang magandang university sa CTU?" Hindi makapaniwala nitong tanong. "I mean, not in a bad way, alam kong maganda rin ang offers ng school namin. Pero ibang level ang school kung saan ka galing."

Tumingin ako sa harapan. Naglalakad pa rin kaming tatlo habang nag-uusap. Medyo ma init na pero may hangin naman. Sinasayaw din ng hangin ang malaya kong buhok.

Iason has a point, pero hindi naman ang school ang reason kung bakit gusto kong mag transfer.

"Hindi ka ba nasasayangan? I mean, La Salle na 'yan eh!"

I get it. He probably think na big catch ang school kung nasaan ako nag-aaral noon. Totoo rin naman. Hindi basta-basta ito. Pero ayos din naman ang CTU ah? Marami silang program na in-offer. Malaki rin ang campus at okay naman ang facilities. Wala naman akong problema sa CTU.

"It's not about the school, Iason." Seryosong wika ko.

"Eh ano? It's about the people?" Singit bigla ni Niel na ngayon ay naka ngisi. "Miss mo na siguro kami kaya nag decide ka na rito ka mag-aral. Asuss!!"

"No. Hindi iyan ang rason ko," supla ko pero hindi naman nawala ang ngiti niya. "It's a new beginning for me. A refreshment. Yes, it's also about the people kaya ako nandito. But my main goal is to find myself and be happy again."

Seryoso ko itong sinabi habang hindi sila tinitignan. I don't want to over share kaya inunahan ko na silang maglakad para hindi na sila magtanong pa ulit.

Nang nasa labas na kami ay naghanap ako ng makakain dahil nagutom ako sa paglalakad. Alam ko rin naman na gano'n din sina lola. Nang makahanap ako ng tindahan ay kaagad akong namili ng ibat-ibang klase ng mga pagkain. Piyaya, Banana Chips, Chicharon, Ampao, at iba pa. Pagkatapos ay tinungo ko na kung saan kami nag park kanina.

While going to the parking lot ay may kamay na biglang humila sa akin. Mahigpit itong humawak sa aking braso at hinigit ako. Dahil sa gulat at hindi ko rin inaasahan na mangyayari ito ay kaagad akong napayakap sa taong humila sa akin.

"Tsk! Pag tan.aw lagi sa dalan."

( Tsk! Tumingin ka kasi sa daan.)

Hindi kaagad nag sink-in sa utak ko kung ano ang nangyari. Ni hindi rin ako makagalaw dahil sa kaba at gulat.

"W-what happened?" Pabulong na tanong ko. Nanginginig din ang tuhod ko dahil sa pagkabigla at nakaramdam na rin ako ng takot.

"Muntik kang masagasaan ng motor, mabuti't nahila kita kaagad. Sus! Kung hindi pa ako nakasunod sa'yo ay baka duguan ka na ngayon!"

Huh? Duguan?

Hindi nga ako tumitingin sa daan, akala ko kasi magiging maingat ang mga driver dahil maliit lang ang kalsada. Pero hindi naman ako sa gitna naglakad at nanatili lang ako sa gilid.

"Dili man guro to taga diri, dong kay nagpakusog man ug dagan bisag daghan ug tao," I heard a woman's voice behind Iason.

( Hindi siguro taga rito iyon, ijho dahil pinaharurot ang motor kahit na maraming tao.)

"Bogo man siguro to!"

I flinched when I heard his voice. Lumayo na rin ako sa kanya dahil naging maayos na rin ang pakiramdam ko. Pero kinakabahan pa rin ako. Kung wala si Iason ay baka tuluyan na akong binanggaan no'ng taong iyon.

"S-salamat." Mahinang sabi ko pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Nahihiya ako, nakayakap kasi ako sa kanya. Nanunot pa nga sa ilong ko ang pamilyar nitong pabango at ramdam ko pa rin ang kamay nitong mahigpit akong niyakap.

"Tara na," he suddenly grabbed my hand. Oo, kamay at ito na mismo ang humawak sa akin. "Huwag bibitaw at dito ka lang sa gilid ko para safe ka."

"Dito ka kasi sa gilid ko alam mo namang wala kang pakialam sa paligid mo."

Ahh. He's still the Iason I know.

Pagdating namin sa parking lot ay siya na mismo ang bumitaw sa kamay ko. Wala namang nakakita. Pero habang papalapit sa sasakyan ay doon ko lang napansin si Dutsie na lukot na lukot ang mukha. Nakatingin ito sa akin ng diretso.

"Pasok." Malamig nitong tugon. Nakalimutan yata nito mag bago. Kaka-pray pa lang niya kanina, gumagawa na naman ng panibagong kasalanan. Nag pray nga ba kaya ito o sumasama lang sa trip ni lola?

Pumasok na nga kami ni Iason at gano'n pa rin ang seat namin, nasa likod. Akala ko pa naman may mag gi-give way.

"Yessa, bumili ka ba ng kandila?" Iyan ang naging tanong ni Nedel habang pinapakita niya sa akin ang mga kandilang binili niya.

"Hindi."

"Bilhin mo'tong binili ko, pero may limang pisong patong na," ani nito sabay tawa.

"Mukhang pera ka talaga, Nedel!"

"Ikaw na lang bumili nito, Gar! Libre lang!"

"Ge ba!"

"Pero kiss muna sa lips!"

Tawa lang ni Nedel ang maririnig mo sa loob ng van. Si Gary naman ay tumatawa rin pero hindi naman gaanong malakas.

"Kung kiss-an tika, kinsa man ka?" Ganti ni Gary.

(Sino ka naman para halikan kita?)

"Imong konsensiya!"

(Iyong konsensya)

Muli na naman silang nagtawanan.

"Mo sugot ko kissan ko nimo, basta akoa nana imong gipamalit!?"

(Papayag akong halikan mo'ko basta akin na lahat ng pinamili mo.)

"Ah! Kinsa man ka? Hayahay kaayo ka ka-kiss ka sa akoang virgin na lips!" Umakto pa si Gary na nandidiri kay Nedel.

(Ah! Sino ko ba? Swerte mo makakahalik ka sa aking virgin lips!)

"Virgin ba oy! Ni kiss man gali ka atong baye sa ICT na walay panipilyo!"

(Ano'ng virgin? Hinalikan ko nga 'yung babae sa ICT na hindi naninipilyo!)

"Hoy! Saba oy!"

(Hoy! Tumahimik ka!)

Nagtakip bigla ng bibig si Nedel habang si Gary naman ay pinipigilan ang sarili na matawa. Pero huli na, narinig na namin lahat ang sinabi ni Nedel. Dahil doon ay nagsimula na rin magsi-imikan ang iba pa na nakikinig lang kanina.

"Ewww! Yuck! Gary!" Alma ni Elmer habang naka ngiwi.

Nagsimula na ang asaran sa loob ng van. Pero hindi naman napikon si Gary.

"Paghilom mo oy, mga kriminal!" Saway pan nito pero nakangisi naman.

(Manahimik kayo, mga kriminal!)

"Gar! Okay ra na! Bawi ra man sad sa nawng. Ayaw lang jud panga-ngaha kay manimaho!"

(Gar! Okay lang 'yan! Binawi rin naman sa mukha. 'Wag mo lang panga-ngahin kasi mangangamoy!)

Because I understand them so well, hindi ko magawang hindi tumawa. Baliw din itong si Nedel kasi eh! Pagtripan pa naman ang babaeng iyon?! Hindi ko man siya kilala ay na-aawa na ako sa kanya. They are literally backstabbing ang making fun of her at the same time.

"Paghilom na mo bi!" Suddenly Elmer interrupted pero alam ko rin na hindi seryoso dahil ipit ang boses nito na sinasadya rin niya. "Gikan baya ta nangadye ay unya ga himo na sad mo ug sala. Ngano man diay kung walay panipilyo ang katong bayhana? Ang importante, si Gary ray nakatimaho wala tay labot."

(Mangahimik na kayo! Kaka-pray lang natin pero gumagawa na naman ako ng kasalanan. Ano naman kung hindi naninipilyo ang babae'ng iyon? Ang importante, si Gary lang ang naka-amoy 'di tayo kasali.)

Hah! They became worst. Akala ko pa naman nag matured na ang naging barkada ko. Hays. Iling na lamang ang ginawa ko at tinuon ang pansin sa pagkain.

Binigyan ko rin ang iba ng pagkain dahil matagal pa ang biyahe.

Habang kumakain ay nakatingin lang ako sa labas. Unang napansin ko ay ang makulimlim na ulap. Uulan yata.

"Keith."

Nilingon ko si Iason na siyang tumawag sa akin.

"Bakit?"

May kinuha siyang kandila sa plastic na dala niya. "Para sa'yo. Alam ko mahilig ka mangolekta nito."

Akala ko kung ano, kandila lang pala. Hindi ko sana tatanggapin, pero siya ma mismo ang humawak sa kamay ko para hindi na ako maka hindi. Seryoso rin ang mukha na nito habang nakatingin sa kamay ko. Marahan nitong binuka ang bibig na parang may sasabihin pa sana, pero wala akong narinig na salita mula rito. Bumuga lang ito ng hangin saka muling bumalik sa pwesto nito kanina.

Alam ko may sasabihin pa siya but he stopped. Ano kaya 'yun? Nabaling ang paningin ko sa plastic na nasa kamay ko. Sinilip ko ang laman kahit alam ko naman na kandila. Pero nagulat pa rin ako sa nakita.

Limang kandila ang laman ng plastic, pero ang mas ikinagulat ko ay dahil puro kulay pula ang limang kandilang ito. Nahihibang ba siya? Why would he give me this?

"Kailangan mong magdasal gamit ang pulang kandila na 'yan. Sabi kasi nila effective."

Nahulog ang panga ko sa narinig. Seryoso ba siya? Marahas kong iniling ang ulo ko at umayos ng upo.

"I'm not that desperate —," I said. "— but thanks for this."

Nakita ko siya na tumango habang nakamasid sa labas. "Gamitin mo 'yan sa buwan ng February kasi malakas ang energy ng pag-ibig. Pero dahil malayo pa naman 'yun, gamitin mo 'yan sa October sa mismong birthday ko."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Understandable ang sinabi niya noong una pero ano'ng meron sa October? Anong koneksyon sa buwan doon sa kandila, pati na sa birthday niya?

"Meaning?" Kunot-noo kong tanong.

Nagkibit-balikat ito sabay lingon sa akin. "Meaning ipagdasal mo ako para sa'yo dahil tapos na ako kanina. Kailangan mong i-balance ang dasal para magkatotoo."

Huh?

He even winked after he said that. Madali ko lang naintindihan ang sinabi niya dahil maingat niya itong binigkas na parang gusto niyang gawin ko talaga ang sinabi niya.

Pero bakit?

- BM -

Thank you for reading this part!
Don't forget to vote and comment for suggestions or your thoughts!
Have a nice day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top