CHAPTER 5: People & Past

[C H A P T E R 5 ]

A Y E S S A

I told myself to act like I'm ill and pretend that I can't even move a muscle. I was ready to refuse their offer to come with them. Pero nasayang lang lahat ng effort ko. I'm currently inside lola's van, nasa pinakalikod ako at wala akong katabi a side from the foods na dito nila nilagay. Sinadya ko naman talaga na rito ako pu-pwesto para walang tumabi sa akin.

Iwas ako sa mga taong kasama namin ngayon. We're a total of ten; lola, Dutsie, me and the rest are barkada ni kuya. Kilala ko ang iba pero meron ding bago sa paningin ko. Wala akong kinausap kahit isa sa kanila at nakatuon lang ang atensyon ko sa cellphone. Ka chat ko ngayon ang mga kaibigan ko na sobrang supportive sa mga decision ko sa buhay.

From: Dany

Gurl, wag naman masyadong iwas sa kanila. Ngayon ka nga lang umuwi sa Cebu.

From: Dary

Throat! Baka sabihin nila ang kj mo!

I once told them about my friends na sobrang laki ng sama ng loob ko. I told them everything, even about the person that I once loved. He's actually here, and he's sitting beside Niel, na walang tigil ang bibig sa kakasalita.

From: Dany

Wag masydong obyos bi! 😂😂

From: Dary

Sus! Di alam ng friend natin ang word na 'hindi obyos' bii.

Marahan akong natawa sa last chat ni Darius. Hindi ako nag re-reply sa kanila, I only reacted. Mabuti na nga at silang dalawa lang ang active sa group chat namin dahil hindi masyadong maingay.

Nang huminto na ang van ay isa-isa na silang nag babaan. Hinintay kong makalabas sila lahat bago ako lumabas at nang makalabas na ako ay tumulong ako kina Dutsie sa pagdadala ng mga gamit namin. I am holding a tray of food at may nakasabit ding bag sa aking likod. Hindi naman ako nabibigatan pero ang dala-dala kong tray ay mainit.

Nasa pinakahulihan ako kaya walang nakakita sa reaksyon ko, konti na lang ay mapapaso na ako sa hawak-hawak kong tray. May rag pero manipis ito kaya 'yung init ay ramdam na ramdam ko. Gustohin ko mang mag madali ay hindi ko magawa dahil nga nasa hulihan ako. Kailangan pa namin mag lakad ng ilang minuto bago kami makarating sa cottage na ni-rent ni lola. Nang hindi ko na talaga makayanan ang init ay ilalapag ko na dapat sana sa buhangin, but then someone held it for me.

Unang bumungad sa aking mga mata ang dalawang kamay na maagap na sinalo ang tray bago ito lumapag sa buhangin.

"Ako na," ani nang may ari ng kamay na tumulong sa akin. I don't have to check who this person is.

Kahit tatlong taon ko siyang hindi narinig ay kilalang-kilala ko pa rin ang mag-ari ng pamilyar na boses na ito. Tila na paso ako nang magkadikit ang kamay naming dalawa.

"Salamat," mahinang sabi ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Nauna rin ako ng lakad sa kanya para hindi siya magkaroon ng rason na kausapin ako.

Nang makarating na kami sa cottage na ni-rent ni lola ay inabala ko ang sarili ko sa pag tulong sa pag-aayos sa mga pagkain. Ang iba sa amin ay dumiretso na sa dagat.

"Niel, palihug kog tuhog sa i-barbecue!" Rinig kog utos ni lola sa lalaking tatakbo na sana patungo sa dagat pero hindi natuloy dahil kay lola.

(Niel, pakituhog iyong i-ba-barbecue!)

Wala siyang nagawa dahil si lola ang nag utos sa kanya. Marami ang nagtataka noon kung bakit sobrang close nila sa pamilya ko. Marami rin ang nagtatanong noon kung bakit lahat ng mga kaibigan ko ay puro lalaki. Tinatawanan lang namin iyong mga nagtatanong. Wala kaming pakialam sa anong sasabihin nila sa amin kasi alam namin lahat ang rason.

I still remember noong highschool pa kami, dahil hindi ako same school nila, ay wala akong kasamang umuwi. Na sanay din ako na mag commute dahil ayaw ni daddy noon na maging dependent kami sa service. Back then, si Niel ang unang nagkaroon ng motor sa kanila at nang nalaman nya na mag-isa lang ako umuuwi ay sinasadya niyang hindi dalhin ang motor nya. They told me na sa baranggay Nangka, which is address ng school nila, ako papanaog tapos sabay-sabay na kami maglalakad papauwi. Tatawa-tawa pa kami noong una dahil ang lakas ng trip namin.

Nang nalaman ng pamilya ko ito, of course nagalit ang mga magulang ko dahil sobra-sobra na nga ang allowance ko pero naglalakad lang ako. That night when mom scolded me, nandoon silang lahat, handang tulongan ako at sabihin ang rason kung bakit ko iyon nagawa. Hindi ko raw ito kasalanan dahil sila ang nag-aya. Kaya ayon hatid-sundo na ulit ako, but this time kapag nauuna ang dismissal ko ay hinihintay namin sila.

"Ayessa!"

Naputol ang pagbabalik-tanaw ko nang may tatlong lalaki na sabay-sabay sinigaw ang pangalan ko. Dahil kaharap ko ang dagat ay doon ako unang tumingin. Sumalubong sa akin ang tatlong lalaki na winawagayway ang kanilang kamay para kunin ang atensyon ko. They were smiling from ear to ear nang tumingin ako sa gawi nila.

"Puntahan mo na sila, kanina pa sila excited na maka-usap ka," biglang singit ni lola na nasa tabi ko lang pala at nakatingin din sa tatlo.

Tipid akong ngumiti kay lola at sinunod ang sinabi nya. Ayokong mahalata ni lola na iniiwasan ko sila. Kanina habang nasa loob ako ng van ay nag pasya akong hayaan ko na lang ang mga mangyayari. Kasi kung iwas ako nang iwas sa kanila ay parang mas lalo lang kaming pinaglalapit. Bago ako makalapit sa kanila ay bumuga muna ako ng malalim na hininga. Kaso hindi pa nga lumalabas ang hangin sa bibig ko ay naramdaman ko na lang ang pagtaas ko sa ere at sa dalawang kamay na bumuhat sa akin, sumalubong din sa pandinig ko ang malakas nitong tawa.

Wala na akong nagawa nang itinakbo nya ako patungo sa dagat at walang pagdadalawang-isip na hinagis ako. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang tumili nang tumili at makinig sa kanilang tawanan. Naka inom pa ako ng tubig dagat kaya nang maka ahon na ang ulo ko ay ubo ako nang ubo.

"Tang ina, Niel!" Tili ko sabay bato sa kanya ng isang maliit na bato na kinuha ko kanina. Sinamaan ko rin siya ng tingin pero hindi natuloy dahil sabay-sabay na silang lumapit sa akin, habang ako ay umaatras. "Hooy!" Awat ko sa kanila pero madali lang nila akong nahila at sabay-sabay nila akong niyakap, to the point na lumulubog na ako sa tubig. "LOLA, TABANG!!!!" Impit na sigaw ko.

(LOLA, TULONG!)

Tawanan na naman nila ang naririnig ko. Nang kumawala na sila ay isa-isa ko silang sinabuyan ng tubig. Muntik na akong malunod sa kabaliwan nilang lahat.

"Mga buang jud mo oy!" Sigaw ko ulit.

( Mga baliw talaga kayo!)

"Welcome back, baby Ayessa!" Sigaw ni Elmer, ang pinakamatangkad sa grupo namin noon, and still now. Nang tignan ko siya ay napansin ko ang sinseridad sa mga mata nito kaya hindi ko maiwasang ma touch. Isa siya sa mga kaibigan ko na kapatid na ang tingin ko dahil sa tangkad nito. Siya rin palaging umaaway sa mga nambu-bully sa akin noong elementary. Baby Ayessa ang tawag nya sa akin dahil wala siyang kapatid.

"S-salamat," I give him a genuine smile. Now that I'm facing them nalusaw kaagad ang harang na ginawa ko. Madali lang nilang natibag ang pader na ginawa ko para sa kanila. I was determined to never talk to them, pero sabi nga nila mahirap iwasan ang mga taong minsan ng naging parte ng buhay mo.

"Ayessaaaa!" Biglang ngawa ni Nedel at akmang yayakap sa akin pero kaagad din siyang pinigilan ni Niel sa leeg. Inipit pa naman ni Niel ang leeg nito gamit ang dalawang kamay habang nilalayo sa akin. "Ack! Yawa! Yawa! Yawaaa!" Paulit-ulit nitong mura habang pinipilit makawala kay Niel.

I can't help but burst into laughter. I remember that Nedel has been the funny one. Siya ang clown ng barkada noon. There was a time where he decided to get in to my school wearing an SFA uniform, kahit na hindi naman siya taga SFA. Tapos pumasok siya sa room ko para pagaanin ang loob ko dahil pinagalitan ako that time. Hindi lang one time nangyari iyon, the second time was when I told them na natagusan ako at wala akong pamalit at nahihiya akong mag utos sa classmates ko. Iyong time na iyon ay hindi lang si Nedel ang pumasok, pati na sila Elmer, Gary, Niel, ang Iason. Hinanap nila ang banyo kung nasaan ako para bigyan lang ako ng sanitary pads.

Nadala kami sa principal's office that time. Sila ang nakipag-usap sa principal at naghanap ng dahilan para hindi na lumaki ang nangyari.

"Hindi na baby ang baby natin!" Umakto pang umiiyak si Gary. "Malaki na ang baby natin!" Ngumawa pa ito na parang baliw.

Gary is the guy who makes sure na ayos lang ako palagi. Sobrang caring nya bilang kaibigan. Kapag kasama ako sa mga lakwatsa noon ay palagi nya talagang tinitignan kung ayos lang ba ang suot ko, akma ba ito sa pupuntahan namin, maiksi ba masyado, or sexy ba masyado. Kung si Elmer ay parang kuya ko, si Gary naman ay parang tatay ko.

Si Gary din 'yung willing makipagbasag-ulo sa mga taong bumabastos sa akin noon. Hindi naman siya malaking tao, chubby nga ito at cute. Palagi rin itong present kapag may handaan kasi tumutulong ito sa pagluluto, marunong kasi siya at masarap din ang luto nya. Palagi siyang hinahanap noon kapag may handaan.

Then si Niel naman, siya ang mahilig sa movies, kahit barbie ay pinapatulan nya noong mga bata pa kami dahil paborito ko ito. Napagkamalan pa nga siyang bakla dahil sa akin. Siya kasi ang paborito kong make-upan noong binilhan ako ni daddy ng make-up set.

At ako? Ako ang prinsesa, baby, at gitna ng barkada.

Kaya sobrang laki ng pagtatampo ko kasi parang sa pag-alis ko ay nakalimutan na rin nila ako. Habang isa-isa ko silang tinignan, may dalawang pares ng mata ang kanina pa ako pinagmamasdan. Nasa gilid lang siya, hindi naliligo at hindi nakisali.

Napansin ko naman nang lumapit siya ay natahimik ang iba. Tapos sunod-sunod silang nag 'ahem' habang may sinusupil na ngiti sa mga labi.

"Wew!" Ako ang unang nag salita para kunin ang atensyon nila at para hindi maging awkward ang tensyon sa aming lahat. "Kumusta na kayo?" Pinilit kong umabot sa mga mata ko ang ngiting ginawa ko.

"Maayos lang naman kaming lahat. May mga problema, hindi naman maiiwasan iyan, pero nalalagpasan naman namin. Eh ikaw? Tatlong taon ka ring walang balita. Kumusta ka na?" Marahan na sabi ni Elmer. Sobrang kalmado nitong mag salita kaya, kagaya pa rin noon. Sasagot na sana ako pero sumingit bigla si Nedel.

"May mga chicks ka ba'ng kaibigan, Yessa? Ireto mo naman ako oh! Sabihan mo lang future educator ako! I can teach her how to doggy!" Agad akong kinilabutan sa sinabi ni Nedel na ngayon ay ginagalaw pataas-baba ang dalawang kilay. Umasim talaga ang mukha ko sa sinabi nya. Pero ang iba ay tumawa lang na parang sanay na sa kabaliwan at kabastusan nito.

"Pwede rin sabihan mo na future mathematician ako, kaya kong gawing position ang sixty-nine!"

Lalong lumakas ang tawanan habang lukot na lukot na ang mukha ko sa mga naririnig. Ano'ng nangyari sa lalaki'ng ito?

Hindi ko inaasahan ang mga naririnig ko sa kanya kaya kumuha ako ng maliit na bato at ibinato ko sa kanya. Hindi ito natamaan dahil umilag ang gago habang tumatawa.

"Joke lang oy!" Tapos bumulakhak ito ng tawa. Naluluha na nga ito dahil hindi na tumigil sa kakatawa. Nag-usap pa sila, something that could make everyone laugh out loud. Hindi na ako nakinig dahil puro kabulastugan lang naman.

Malalaki na nga talaga sila dahil marunong na. Hays! Naka facepalm na lang saka niloblub ang ibabang parte ng aking mukha. Tahimik ko silang pinagmamasdan hanggang sa lumapit si Gary sa akin.

"Kanina pa siya nakatingin sa'yo, hindi mo man lang ba siya kakausapin?"

Patay malisya kong tinignan si Gary habang nakataas ang dalawa kilay. Nakalubog pa rin ang bibig ko sa dagat at nakuha kaagad nito na wala akong balak mag salita.

"Ngayon na bumalik ka na, hindi ko alam kung gano'n pa rin lahat dahil marami ang nag iba. Lalo na siya, Yessa."

"Bakit?" Walang emosyon na tanong ko. "Hindi ako naririto para sa kanya."

Nakita ko siyang tumango-tango. "Huwag kang mag-alala nandito pa rin kami para sa'yo kahit ano ang mangyari."

Nasa malayo na ang tingin nito kaya malaya ko siyang natitigan. Is it a good thing na sinabi niya iyon? May laman ba ang huling sinabi nito? Willing ba talaga silang sagipin ulit ako?

Pero bakit ngayon lang? Dahil narito ulit ako? Bakit noong wala ako sa tabi nila, hindi man lang nila pinaramdam sa akin na nandiyan lang sila para sa akin? Baka kapag bumalik ulit ako sa Maynila, mawala ulit sila. It's better for me to not hold and depend to them again, para hindi ulit ako masaktan katulad nang dati.

- BM -

Thank you for reading!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top