CHAPTER 4: Fear & Anxiety


[ C H A P T E R 4 ]

A Y E S S A

I didn't expect what Niel said. Halos limang minuto kaming nag titigan dalawa. The moment he said those words to me, memories of the past instantly flooded my head, making me lose the ability to speak. I've been trying to bury it in the depths of my memory, but it only takes a few simple words to make it emerge. How silly of me to try to escape from those memories I had when I'm in the place where it all happens.

I heave a deep sigh and look away from his gaze. Niel is one of those people I don't want to meet because he's also part of my bittersweet past.

"Nandito lang ako para mag-aral. Masyado ka namang dramatic diyan!" I fake a laugh trying to comfort my inner self who has been shaking off.

Sa totoo lang nagulat ako sa sinabi nya dahil sobrang lalim nya kung mag assume ng mga bagay-bagay. I mean, hindi kasi ganyan ang natatandaan kong Niel. He's more like walang pakialam sa mga tao sa paligid nya.

"Eh kasi naman," he's starting to scratch his left brow. "May napanood kasi akong romantic movie na bumalik ang babaeng bida sa hometown nila to find peace kasi punong-puno siya ng uncertainties sa city dahil sa best friend nya. Kaya akala ko ganon ka rin, finding peace in Cebu."

Tatlong beses akong napakurap sa sinabi niya. Yeah, he's still the person I know. Walang pagbabago, the same Niel Vincent who kept on watching telenovelas. Dahil sa movie na pinanood nya ay bumalik lahat sa akin. Galing din nito mang trip!

"Ang drama mo," I said at muling sumubo ng pagkain. Hindi ko na siya inayang kumain dahil kumuha na ito ng plato at nagsimulang kumuha ng mga pagkain. "Uhmm, sinabi ba ni lola na darating ako?"

Pumasok kasi sa isip ko kanina na baka alam na nila. Knowing lola, ibabalita talaga nya ang pagdating ko sa mga kaibigan ko rito noon.

"Oo, kami kaya ang nagluto ng mga ito!" Itinuro nito ang mga pagkain na nasa harapan namin. "Masarap no?" Nakangiti nitong tanong.

Tumango na lang ako bilang sagot. Nang matapos akong kumain ay nagpaalam ako kay Niel na papasok na ako sa kwarto ko. Mabuti at hindi na ako nito kinulit, it will be the last time I'll talk to him. Pumasok na ako sa lumang kwarto ko rito, ang kwarto ko noong dito pa kami nanirahan.

The moment I stepped inside the room, a nostalgic feeling filled my whole being. Walang binago si lola sa structure ng buong silid. Nandirito pa rin ang lumang aparador na gawa sa kahoy, where I used to hide kapag ayaw kong matulog sa hapon noon, pero they will find me here eventually, sleeping soundly. Aside from the old huge cabinet, nandito rin ang lumang salamin na nakadikit sa ding ding. Hindi rin kinuha ang mga stickers ni barbie at ni stitch na nasa bawat gilid nito. I was a huge fan of Barbie and Lilo and Stitch. I even forced lola to buy me a life size Stitch stuffed toy, and guess what, nandito rin ang stuffed toy ko.

Hindi ko 'to dinala noon sa maynila dahil hindi ako pinayagan ni mommy.

Everything I left before is still here, in its original position. Nothing changed, not even the bed. Lola really kept the things I valued, as well as the people I used to value.

Marahan akong bumuga ng hangin at tinungo ang aparador para buksan ito. Pagkatapos ko itong mabuksan ay kinuha ko na isa-isa ang laman ng luggage bag ko. It took me an hour to transfer my clothes in the closet, kailangan ko pa kasi iyong tupiin ulit para magkasya sa kabinet ko, ang iilan ay nilagay ko sa hanger.

Nang matapos na ako sa dapat kong gawin ay pinili kong humiga sa kama. Hindi naman ako pagod, maybe because I am used to overexerting my body, which is why it's hard for me to feel tired. So the moment I laid on the bed, my eyes were still open, looking at the ceiling and thinking about the things that I needed to do.

I've been thinking if am I going to continue my course here. Kung papasok ako ulit sa isang university, siguro mas mabuti na pag-isipan kong mabuti kung ano ang kukunin ko. Wala naman si mommy dito na magdidikta sa akin. Dutsie will definitely support my decision, and lola will guide me for sure.

So, all I have to do is choose the course that is in line with my passion. After gradually thinking about the things I love to do, I came up with one thing that I know I am good at. Isang tawa ang lumabas sa bibig ko, mom will surely scold Dutsie for bringing me here. I'll pursue something that is beyond mom's expectation.

••••••••••

Hindi ko na naman namalayan ang oras at nakatulog sa gitna ng aking pag-iisip kanina. Ngayon ay nagising ako dahil kay Dutsie na paulit-ulit na niyugyog ang balikat ko.

"Bumangon ka na!" Pamimilit nito. "Gabi na oy!"

Nakamulat na ang mga mata ko pero nanatili pa rin ako sa kama, nakahiga at nakatingin ulit sa kisame. Naka-upo naman si Dutsie sa tabi ko, nanalamin, nasa gilid kasi ng kama ang salamin.

"Kailan tayo pupunta sa CTU?" Panimula ko. Tumingin sa akin si Dutsie pero hindi ko sinalubong ang mga mata nya.

"So nakapili ka na ng school? Akala ko pa naman sa isang mamahaling university ka papasok."

Bumangon na ako, pero hindi muna ako pumanaog. Kanina while thinking a course to pursue I also think an institution. All my student life palagi akong nasa private school, at noon pa man ay gusto kong mag-aral sa public dahil halos lahat ng mga kaibigan ko ay nasa public school. Sa circle of friends ko rito sa Cebu ay ako lang ang na iba ng school.

"Malapit lang naman ang Tuburan, 'diba?"

"Well, may van naman si lola na minamaneho ni uncle Marcial at ito usually ang sinasakyan ng mga estudyante sa CTU, kaya hindi ka mahihirapan sa sasakyan mo."

Mabuti kung gano'n. "So, kailan tayo pupunta ro'n?" Ulit ko sa tanong ko kanina.

"Wala pang enrollment for second semester, wala ring date pang sinabi. Sasabihan kita kapag pupunta na tayo."

Tumango ako at tuluyan nang pumanaog. Inayos ko ang higaan pati sarili ko. Nakalimutan kong mag bihis kanina, kaya maliligo na lang ako ngayon.

"Anyway, pag andam na diha kay mo adto ta sa Looc Sur."

( Anyway, mag handa ka na riyan dahil pupunta tayo sa Looc Sur. )

Before I could ask, Dutsie already gone outside. Naiwan naman akong natutup sa aking kinatatayuan. Again, fear and anxiety overpowered me. The thought of meeting those people I never wished to see came to my mind. The fear is deliberately eating me up, and I can't move a foot. I held on to something to support my shaking knees.

Hindi na lang siguro ako lalabas. Hindi na lang ako sasama sa kanila. I'll just pretend I'm sick, or tired para hindi ako makasama.

Tama.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto at ni-lock ito para walang makapasok at mangulit na isama ako sa lakad nila. Then minutes later I hear a horn coming from outside, nakabukas pala ang sliding window sa room ko kaya malaya ko itong narinig. Dahil nasa ikalawang palapag ang kwarto ko ay hindi ako natatakot na sumilip at tignan kung sino ang dumating. I'm sure busina iyon ng motor ang narinig ko kanina.

Dahil pa gabi na at hindi naman naka on ang ilaw sa kwarto ko, tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa paligid, hindi ako mapapansin ng mga tao buhat sa labas kapag sumilip ako. So I didn't bother to hide my face, and I try to witness who the people were from outside.

I saw two people, mga lalaki na hindi ko masyadong ma aninag ang kanilang mukha, pero naririnig ko ang usapan nila. Hindi ko na inintindi pa ang mga salitang binibitiwan nila but I'm sure kasama sila sa magiging lakad ngayon. Babalik na sana ako sa kama nang biglang may isang lalaki na lumapit sa dalawang unang nakita ko. Naging mahigpit ang pagkahawak ko sa kurtinang nakatabig sa bintana.

I realized that these guys are the ones I'm afraid to meet again, especially the third guy. Kaagad kong binalik ang kurtina nang makitang lumingon sila sa gawi ko. I immediately closed the window while my chest kept moving up and down. I was overwhelmed by my fear, and it made a lone tear escape from my eyes.

The more I'm trying to hide from the them, the more destiny teases me. I know Dutsie didn't know my situation, lola too, kasi kung alam nila hindi sana nandito ang tatlong lalaki na iyon.

I remember his face earlier, he looks so fresh and peaceful. He looks so fine that it hurts me. Kahit si Niel, masyado siyang okay kanina kausap ako not knowing na sinasaktan nya ako. Sobrang sakit ng ginawa nilang pag limot sa akin at sobrang laki ng pagtatampo ko sa kanila.

Am I the only one here hurting? Iyong mga kaibigan ko noon na sobrang mahal na mahal ko ay hindi man lang nag reach out sa akin ng tatlong taon? Hindi man lang nila na isip na naghihintay ako sa mga kumusta nila. Now that I came back, pupunta sila rito? Para ano? Para kumustahin ako?

Well, sorry for them, their kumusta's are too late.

- BM -


Thank you for reading!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top