CHAPTER 3: The Place Where It Started


[ C H A P T E R 3 ]

A Y E S S A

Kanina pa ako hindi mapakali simula noong lumabas kami nang airport hanggang sa makasakay na kami sa van na naghihintay sa amin sa labas. Nakasakay pa rin kami sa van ngayon na binabaybay ang kalsada patungo sa probinsya nila mama. Honestly speaking, I'm not excited. Mas nanaig ang kaba at takot sa aking sistema ngayon dahil sa iisang rason.

I'm afraid to see familiar faces later. I'm afraid to meet an old friends. Kasi hindi ko alam kung paano ko sila pakikitunguhan. Hindi ko alam kung papaano ko sila pakikisamahan na hindi ako makaramdam ng galit sa aking puso.

I do have a lot of reasons why I don't want to go back here. Halos lahat ng taong naging parte ng buhay ko noon ay ayaw kong makita ngayon, at natatakot akong makita sila ulit.

"Wala moy hapiton, dong Dutsie?"

(Wala ba kayong dadaanan, dong Dutsie?)

Rinig kong tanong nang driver namin na katabi lang ni kuya sa harapan. Kanina nang papalabas kami ay nag mano ako sa kanya, since I remember he's one of lola's nephews, though I didn't remember his name.

"Wala naman po, tito Marcial."

Dahil nasa harapan lang ang tingin ko ay agad kong nakita si Dutsie na sumilip mula sa kinauupuan nito.

"Gutom ka na ba?"

Umiling ako bilang sagot. "Sa bahay nila lola na lang ako kakain," segunda ko.

He nodded his head and he talked to tito Marcial. Hindi na ako nakinig pa at sinuot ang headphone ko. Nakikinig lang ako ng music habang hinihintay ang oras na huminto ang van na sinasakyan namin. Nakatanaw lang din ako sa labas trying to familiarize the way going to our destination.

It feels nostalgic watching the scenes outside. Noon kapag pumupunta kami sa City at dumaan sa TCH ay palagi kong binubuksan ang bintana ng kotse just to touch the clouds and feel the cold breeze.

I do have a lot of memories in this zigzag way. One of those are the last memory I had. Sa tingin ko iyon ang ayaw kong maalala kasi it was a bittersweet one. I heaved a deep sigh and decided to close my eyes and kick those uncomfortable memories that has been banging in my head ever since I got inside the van.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil nakatulog ako sa biyahe. Ginising na lang ako ni Dutsie nang huminto na ang van. The moment I realized that we are already in our destination, fear and anxiety kicked in. Nanginginig ang aking mga kamay habang nakahawak sa backpack kong nakasabit sa magkabilang balikat ko.

Pagkalabas ko sa van diretso lang ang aking tingin. Hindi ako lumingon sa paligid dahil sa kaba. Dahan-dahan lang din ang ginawa kong paglalakad habang nakatuon ang mga mata sa gate na kulay pula.

"Tara na," mahinang tugon sa akin ni Dutsie. Tinignan ko lang siya na ngayon ay malawak ang ngiti. "Wala namang bisita sa loob aside from our aunts and lola Grace."

What Dutsie said made my heart beat became normal. Unti-unti na rin nawawala ang kaba at takot na kanina ko pa naramdaman. So I smiled and nod my head. Sumunod na rin ako sa kanya papasok sa gate. Alam ko na mahilig si lola sa mga halaman dahil minsan ko na siyang tinulungan sa pagtatanim at pag-aalaga sa mga ito. Kaya hindi na ako nagtaka pa nang pagpasok namin sa gate ay mga naglalakihang mga dahon ang unang sumalubong sa aking mga mata.

There are square shaped stones on the ground lining up na nagsisilbing pathway patungo sa bahay. The ground is filled with bermuda grass that is so green that it looks like it's glowing because of the rays of the sun. There's a huge area on the left side and the half of it is full of different kinds of flowering plants. On the other side, it is also filled with different kinds of non-flowering plants. Sa gitnang bahagi nakatayo ang dalawang palapag na bahay ni Lola.

I was busy looking around, and I realized that Dutsie had already gone inside. Dali-dali akong pumasok dahil ayaw kong maiwan mag-isa sa labas.

The moment I stepped inside the house, melodious classic music filled my ears. Si lola kaagad ang nakita ko dahil sinalubong nya ako ng yakap.

"Ayessa!" Masayang tawag nya sa akin. Mahigpit na yakap ang ginawad nya habang marahan na hinahaplos ang aking likod. "Kumusta ka na, apo?" Her eyes are glittering right now. Tila ba sobrang excited niyang makita ako ulit after three years. "Ang ganda-ganda mo na!"

Natawa ako sa sinabi ni lola. Marunong pa rin pala itong mambola. "Ayos lang naman ako, la."

"Oh siya, halika sa kusina at kumain ka. Alam kong pagod kayo ni Dutsie sa biyahe."

Naka angkla ang kamay ni lola sa aking bisig kaya sumunod na ako sa kanya nang mag simula na siyang mag lakas. Lola Grace is already in her eighties, pero masigla pa rin ito sa edad nya.

Pagdating namin sa kusina ay nandoon na si Dutsie kumukuha ng pagkain kasama ang dalawang may edad na babae. Sila ang tiyahin ko, cousins sila ni mama na rito rin nanirahan sa Asturias. Kaagad akong nag mano sa kanilang dalawa. Kasi I still remember how they went furious noong bata pa ako at nakalimutan kong mag mano sa kanilang dalawa. A plastic smile immediately plastered on their lips.

Gano'n pa rin pala sila. Seems like they're like mom, bulletproof.

"Sus! Ka dako na ba aning Ayessa oy! Kumusta naman ka inday?" Bungad sa akin ni aunty Rosa pagkatapos kong mag mano.

(Sus! Ang laki na ba nitong si Ayessa! Kumusta ka na, ijha?)

Noon pa man ay ayaw ko na talaga sa presensya nilang dalawa. The way na tignan nila ako ay parang pinapatay na nila ako sa utak nila.

"Ayos lang naman po, aunty Rosa." Magalang na sagot ko pero sa totoo lang ay gusto ko na silang umalis sa kusina.

The next aunt remains silent after akong nag mano pero nakikita ko naman ang palihim nitong tingin sa akin. The moment she saw me walking inside the kitchen at kaagad na nya akong tinignan mula ulo hanggang paa. Mabuti na lang ay nakasuot ako ngayon ng skinny jeans at itim na t-shirt.

Iyon lang naman ang naging tanong ni aunty Rosa at saka umalis na silang dalawa nit aunty Maribel na pinagpapasalamat ko. Malaya akong kumuha ng kanin mula sa rice cooker at pumwesto na sa lamesa na kung saan may maraming ulam na nakahain.

There's adobo with boiled egg, metchado, afritada, grilled meat, and chicken inasal. Did lola prepare these?

"Who cooked, la?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay kumukuha ng pitsel, na may lamang orange juice, sa ref.

"Ahy hindi. May inutusan akong mag luto. Masarap ba?"

Saka lang ako sumagot kay lola nang matikman ko na lahat ng putahi na nasa harapan ko. "M-masarap po," I said while chewing the pork in my mouth. Hinayaan na ako ni lola kumain at lumabas at. She's probably going to the living area where the rest of my aunts were.

Si Dutsie naman ay hindi ko na mahagilap, baka nandoon din. So I am alone here in the dining room, eating silently. I was having a lone time when someone came in holding a long flat Tupperware. Unang nakita ko ay ang laman ng dala nito, cassava cake. Kaagad nag ning-ning ang mga mata ko pero pigilan ko lang ang sarili kong ma excite.

"Ouch, mas excited ka pang makita ang dala ko kaysa sa akin."

That's when I looked up the person holding the Tupperware. Magulo ang buhok nito, gusot din ang suot nitong blue na t-shirt, naka taslan short ito na kulay green at saka naka crocs na slipper. Hindi ko siya kaagad nakilala, but when his thick brows met my gaze, doon lang nag sink in sa utak ko kung sino itong kaharap ko.

"Niel!" May tumalsik pang kanin mula sa bibig ko nang isigaw ko ang pangalan nya.

He smiled the moment I utter his name. Lumapit na ito sa akin at inilagay sa ibabaw ng mesa ang dala nitong dessert. Natakam naman ako kaagad nang ma-amoy ko ang aroma ng cassava cake.

Nakarinig ako ng mahinang pag tawa kaya tinignan ko taong nasa harapan ko. He's looking at me, pansin ko ang pagkamangha sa mga mata nito.

"Ikaw pa rin ang nakilala kong Ayessa na adik sa cassava cake," natatawa nitong wika. "Tatlong taon ka ring nawala, kaya nag expect ako na malaki ang pinagbago mo ngayon. Pero sa totoo lang ay hindi rin ako makapaniwala na bumalik ka ng Cebu."

I bit my lower lip, trying to suppress a smile. Basta pagkain ay wala naman akong pili, it's just sobrang sarap talaga ng cassava cake. I still remember na kinukulit ko si tita Sylvia na gumawa ng cassava cake halos araw-araw noon.

"Kagulat-gulat ba na bumalik ako sa Cebu?" Natatawa ko pang tanong dito. Pero naging seryos ang mukha ni Niel at tila nahulog sa malamin na pag-iisip.

"Hmmm..oo. Nang sinabi ni lola na uuwi ka ay napa-isip ako sa magiging rason mo. By any chance, bumabalik ka ba sa lugar kung saan nagsimula lahat?"

- BM -

Thank you for reading!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day !

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top