CHAPTER 1: Failure
[ C H A P T E R 1 ]
A Y E S S A
Nakatunganga habang nakatingin sa kawalan. Maraming laman ang isip at hindi mapakali. Is there even worse than this? Muli akong tumingin sa first semester grades ko. Halos lahat tres. Tanging mga minor subjects ko lang ang hindi bagsak, pero dos naman. Mom will be mad seeing these numbers. Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag nalaman mo'ng puro pasang-awa ang grades ng anak mo?
Knowing my mom, who never accept negativity in her life, she will surely yell at me. Sino ba kasi ang nagsabing mag Civil Engineering ako?
"Ge, may bagsak ka?" Rinig kong tanong ni Danica sa isa pa naming kasama rito sa table.
"Wala. Laki ng baon ko monthly tapos ibabagsak ko lang grades ko? Baka sa kangkongan na ako pupulutin non!" Natatawa nitong sagot kay Danica. "Eh ikaw?"
I was waiting for Danica to answer Genevev, but Darius came together with Faith. Darius was holding a bag of chips while on his side was Faith who was stealing chips from him. They were talking, and I know it's about their grades. Lihim akong napabuga ng hangin.
I was excellent back then. I was the valedictorian of our class. I graduated senior high with flying color, but what the hell happened to me?
Is my brain not braining?
"Haii!" Bungad ni Darius nang naka upo na ito sa seat nya. Inilapag nito ang chips sa mesa na kaagad dinumog ng mga kamay. Aangal pa sana ito pero mas pinili na lamang nyang manahimik. Napadako ang tingin nito sa akin. Tinaasan pa ako nito ng kilay, napansin siguro na masyado akong matamlay ngayon.
"Don't even ask why," I cut him off before he could utter a word. Nanatiling nakabuka ang bibig nito. Kumuha ako ng isang pirasong chips at nilagay sa bibig nya. Kaagad naman nya akong inirapan.
"So, to answer your question, I have three uno and the rest is dos," pagtutuloy ni Danica na sobrang proud ibalandara ang grade slip nya sa aming harapan. "Can't believe pa ako at first, but duh! I know I deserve this, sobrang hirap kaya mag study!"
Danica, Genevev, Darius, and Faith are my friends. We're not blood related, pero related ang mga families namin, that's is why we're close to each other. Nakasama ko rin sila sa senior high journey ko at saksi sila sa paghihirap kong abutin ang pagiging valedictorian. Kasi ito ang gusto ni mommy.
Hindi kami pare-pareho ng kursong kinuha pero swerte kami at pareho kami ng vacant. Back then, when we were still deciding which university to study, we first think about what we want to be in the future. Si Danica, gusto maging dentist kaya dentistry ang kinuha nya. Si Genevev, gusto maging lawyer kay kinuha nya ang kursong law. Si Darius naman sa simula pa lang ay palagi na itong curious, that's why he choose to study biology. Si Faith, ever since highschool ma-alam na ito sa politics kaya heto she's taking politics course. Eventually we decided to study in De la Salle University. We don't see each other everyday, tuwing vacant lang talaga namin kami magkasama. Tapos kapag nagkasama na kami sa iisang lugar palagi kaming may dalang balita sa isa't-isa.
"Mabuti naman na okay lang kay tito na may dos ka?" Taas kilay na tanong ni Darius.
"Hindi pa naman end of the world, makakabawi pa rin ako sa susunod na sem."
Kinuha ko ang tinidor ko na kanina ko ba hindi hinahawakan. Nandito kami sa isang karenderya na palagi naming pinupuntahan ever since highschool. In-order ko kanina dumplings at wala pa itong bawas dahil na gu-guilty ako. Hindi ko deserve kumain ng masarap ngayon.
"As for me naman, well what's new? May tres ako, pero hello??? Pasado pa rin 'yan!" Sinamahan pa ni Faith ng tawa ang pagkakasabi nya. Alam ko pinapagaan nya ang loob nya dahil kilala namin siya. Grade conscious din ito, pero kung feeling nya deserve naman nya ang grade na nakuha nya ay hindi ito magrereklamo.
"How about you, Dary?" Maarteng tanong ni Genevev sa kaharap kong sobrang lapad ng ngiti.
"Lahat uno, what's new?"
Nagpalakpakan kaming lahat. Sobrang proud talaga namin kay Darius. Hindi ito grade conscious noong highschool dahil na adik sa mobile games. We encouraged him to take his college life seriously dahil kilala ang parents nya sa media. Ayaw din naman na may behind sa aming magkakabarkada.
We always encourage each other. Kapag may nagkakaproblema sa amin in terms of studies, kaagad namin tinutulungan ito. Proud din naman ako na walang bobo sa aming lahat. But what happen to me? To my brain? The enthusiasm I once have? Bakit biglang nawala?
Am I really a failure, like what mom said?
"Uhmm, I know you are having a hard time these past few months. Nire-respeto rin namin ang pananahimik mo, Ayessa. Pero kasi, kanina ka pa walang imik diyan. Are you okay?"
Ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Danica. Isa-isa ko silang tinignan. They all looked worried about me. I am always honest to them. I never lied, even once, to them. Pero hindi ko sinabi sa kanila ang dahilan kung bakit nahihirapan akong mag focus sa study ko ngayon.
Marahas akong bumuga ng hangin saka umayos ng upo. I plastered a weak smile.
"Okay lang naman ako."
Lahat sila umirap sa akin.
"Asus! Naglilihim ka na naman sa'min!"
"Come on! Sabihin mo na kasi 'yan."
"True! Mahirap kapag sinasarili ang problema!"
"Spill it, girl!"
For a minute gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanila. Marahan akong tumawa at muli silang tinignan isa-isa. Sobrang swerte ko at may naging kaibigan ako katulad nila. Kahit sobrang competitive ko noon, they never leave me. They always makes sure na okay ako palagi, kasi alam din nila kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito.
"Si tita na naman ba?" Marahan na tanong ni Faith. "Kailan ba magbabago ang mommy mo, girl?"
"Sabi nga nila ang constant lang sa mundong ito ay change, pero bulletproof ang mommy ng kaibigan natin kaya consistent sa pagiging istrikta!" Singit ni Darius. Tumawa kami lahat sa sinabi nito.
Naging hobby na rin namin na e-backstab ang mga magulang naming lahat, especially my mother.
"Gagi ka talaga, Darius. But thanks for the concern guys. It's just I am having a hard time focusing. Ewan ko ba, feeling ko talaga hindi para sa akin ang Engineering."
Naramdaman ko ang isang kamay na marahang hinahagod ang likod ko. It was Danica na katabi ko lang. Nakapikit ito habang pinapagaan ang kalooban ko. May kasama bang tango.
"Don't worry, gurl. Maghahanap na lang tayo ng isang Engineer after graduation." Ani nito habang patuloy na hinahagod ang likod ko.
"Sasama ako! Gusto ko 'yung Engineer na umiigting ang panga! Ugh!" Segunda ni Faith na tinaas pa ang kamay.
"Taga cheer lang ako, mas bet ko ang isang Pediatrician." Sabi ni Genevev habang nanatiling naka cross arm.
Tumingin ako kay Darius. Siya lang kasi ang hindi nagsasalita. Nagkasalubong naman ang mga tingin namin, kaso tinaasan lang ako ng kilay.
"Ano?" Supladang tanong nito na ikinatawa ko. "Tsk! Maghahanap na lang ako ng species at pag-aralan. I don't need someone to feel love! Eew! I'm an independent individual okay?"
"Ang bitter!"
Tumawa kaming lahat bukod kay Darius na sobrang sama ng tingin na ipinukol sa amin. Sila talaga ang breather ko. Sobra pa nga sa breather eh. Kapag kasama ko sila ay sandaling nawawala ang problema ko dahil puro tawanan lang kami. Pero dahil nga super busy na sa college, malimit na talaga kaming nagkakasama.
Around one o'clock in the afternoon kami pumasok sa karenderya at bandang alas dos na kami lumabas, na nagtatawanan pa rin. Wala na kaming pasok lahat mamaya, dahil Saturday today. Lahat kami may dala-dalang sarili naming service. I think our parents decided to gift us a car when we graduated in senior high. Ito ang dala namin ngayon.
"Bye!" Sabay-sabay naming paalam sa isa't-isa bago pumasok sa sarili naming kotse.
Pagdating ko sa bahay ay doon na ako nagsimulang mamroblema. I know alam na ni mommy ang grades ko, dahil kaibigan nya ang dean ng department namin. Sa kanya rin siya parating nagtatanong tungkol sa akin.
Pagpasok ko sa bahay, katahimikan ang sumalubong sa akin. Inaasahan ko na ito dahil office hours pa naman ngayon. Hindi ako dumiretso sa kwarto ko, instead pumasok ako sa nursery room namin. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si ate Ann na sinasayaw si Caleb. Hindi pa naman ito tulog, nagpapalambing lang, hindi ko na tinuloy ang pagpasok dahil nakita ko si Dutsie na nasa gilid.
Malamig itong nakatingin sa akin, mukhang alam na nito ang hindi magandang balita na dala ko. Maingat kong sinara ang pinto at tinungo si Dutsie na nag-aabang sa akin. Nakatayo ito malapit sa bintana habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng suot nitong pantalon. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay doon lang siya tumingin sa akin. Seryoso ang kanyang mga mata na nakatuon sa gawi ko.
"Alam na ni mom," mahinang wika nito. "What is happening to you, sis?"
Iyan din ang tanong ko sa sarili ko. Bakit ako humantong sa ganito?
"Maybe mom was right," marahas akong napabuga ng hangin, iniisip ang isang scene where I was standing in front of mom, remembering the words she said that time.
"What's your plan?"
Plano? I don't even know. I mean have I ever did something for myself? Even deciding a plan for myself? Kasi as far as I remember mom was the only one who did everything for me. Kasi nga, mother knows best.
"Ewan." Kibit-balikat na sabi ko. "I can't force her to accept it and I don't know how to, you know, ang sabihin sa kanya kung bakit ako isang failure." Mapakla akong tumawa.
Ginaya ko ang ginagawa ni Dutsie kanina. Watching the empty street outside and roaming my sight around the corner of the street, na naaabot lang ng mga mata ko. We're living in a quiet subdivision and mostly ang mga kapit-bahay namin ay mga mayayaman.
I'm not boasting or what, but I came from a wealthy family. Both of my parents are professionals. My mom is a CEO and my dad was a journalist. He died last year due to heart attack. Isa rin ito sa naging dahilan kung bakit bigla na lang nawala ang sigla sa buhay ko. Dad was the only person who believed me. Palagi nya akong pinapakinggan at alam ko nasa panig ko siya.
Not like mom.
"Look who's here!" Nakuha pareho ang atensyon namin ng katabi ko sa babaeng sopistikadang naglalakad patungo sa aming kinatatayuan. She's wearing an office suit, mukhang kararating nya lang. She's wearing a serious look, animo'y kakainin nya ako ng buhay ano mang oras.
Nagsimula nang manginig ang kamay ko. Damang-dama at rinig na rinig ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko sa kaba. Sumasabay din dito ang tunog ng takong ng sapatos na suot nya, na tila dumagdag sa takot na nararamdaman ko.
Aminado akong takot ako sa sarili kong nanay. Dragon 'to eh! Hindi lang simpleng dragon, kundi dragon na bumubuga ng apoy.
"Mom!" Sabay na tawag namin ni Dutsie.
Pa simple ko siyang tinignan. He's also in his serious face. Now that I remember, nasa Cebu siya ngayon dapat. Opening ngayon ng bagong business nya eh.
"What are you doing here, son?" Malamig na boses ang gamit nito dahilan upang magsitaasan ang mga balahibo ko sa batok. "Pero hindi iyan ang importante ngayon," dumako ang tingin nito sa akin. "Someone's trying to ruin her life here."
Tang'na! Lalabas na talaga ang puso ko mula sa ribcage ko.
Lihim kong kinalabit si Dutsie. Trying to seek help from him. Pero hindi nya ako pinansin at katulad ni mommy ay tumingin din ito sa akin seryoso.
Wala ba akong karamay dito?
"Ano ba'ng gusto mong mangyari sa buhay mo, Ayessa? Okay naman ang grades nang mga kaibigan mo ha?"
Pasado naman ang tres ah?
"Don't you dare tarnish my reputation, Ayessa! Ayos-ayusin mo iyang pag-aaral mo! If you want a life on your own, then my door is widely open."
Mariin akong pumikit. I don't want to see her angry face. I don't want to hear her hurtful words. I don't want to feel her rage. Kasi paulit-ulit na lang. Palagi na lang. Walang nag bago.
Nagagalit siya kasi hindi ko nakuha ang dapat na makamit ko. Back then, I was so happy when the news came na valedictorian ako. I was so excited telling her the good news, but guess what? She was never glad knowing her daughter did her best. Na nakuha ko ang pinakamataas na honor.
"It's not even enough."
That was her line nang malaman nya na mas mataas pa ang nakuha niyang grade kaysa sa akin. Palagi nyang kinokumpara ang sarili nya sa akin.
"I'll try my best next time." Sabi ko sa mababang boses.
"Iyan din ang sinabi mo sa akin noon. Kailan ba ang next time na iyan? Wala akong anak na bobo."
She was about to turn around but stopped halfway, mukhang may nakaligtaan pa siyang sabihin.
"You do know that I hate failure. But sadly, I'm looking at one right now."
A look of distaste was visible in her eyes. Ngayon ko lang siya nakitang gano'n. She never looked at me like that before. Sobrang disappointed nya ba ngayon sa akin? Sobrang big deal ba para sa kanya ang gradong mayroon ako? Hindi ba nya kayang tanggapin na may anak siyang katulad ko?
Habang parang tangang natigilan sa aking kinatatayuan ay naramdaman ko ang maliit na butil na dumaan sa aking pisngi. I absentmindedly touched my cheeks and looked at my palm. Lihim akong napakagat ng labi upang pigilan ang sarili na muling maluha.
If nandito si daddy, magiging ganito ba ang sitwasyon?
Napalingon ako kay Dutsie nang maramdaman ko ang marahan na pag himas nya sa aking likod, trying to comfort me.
"Need help? I can lend you a hand but you have to leave manila."
Kaagad nangunot ang aking noo. Hindi ko naiintindihan ang sinabi nya.
"Sumama ka sa akin sa Cebu, Ayessa."
- BM -
Thank you for reading!
Don't forget to vote and comment!
Have a great day!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top