Chapter 6

Chapter 6 : Drunk

Hope Ramos' Point of View


Kumalabog ang puso ko ng higitin niya ako papunta sa kotse niya.

"Yung kotse ko!" I shouted. Napatakip ako sa bibig ko at nahihiyang tumingin kay Xiumin na ngayon ay natigilan din.

Walanghiyaaaa! Nasan na ngayon ang kapal ng mukha mo Hope?!

"Ipapakuha ko na lang yan." He said at muli akong hinigit. Binuksan niya ang kotse niya at agad akong pinaupo sa front seat.

Umikot siya at pumasok sa driver seat. "Seatbelt." Maikli niyang saad at agad kong naintindihan iyon.

Nanginginig akong nagseat belt habang sinimulan niya ng paandarin ang sasakyan.

Bye bye baby! Huhu. I'm sorry iiwan ka muna ngayon ni Mommy. Napanguso ko ng mawala na sa paningin ko ang aking kotse.

Lumipas ang ilang minuto at ngayon ko lang napagtanto ku g gaano ka-awkward ang sitwasyon!

Hindi siya nagsasalita at tanging sa daan lang nakatingin. Malamang Hope anong gusto mo? Sayo tumingin habang nagd-drive? Gusto mo bang mamatay na maharot ka?!

I mentally scolded myself at tumingin na lang sa labas. Hindi pamilyar sa akin ang dinadaanan namin dahil hindi naman ako ganoon kagala.

"W-Where are we going?" Lakas loob kong tanong. Lumipas ang ilang minuto at hiyang iniwas ko na lang ang tingin. Napakasungit!

Paano na yung mga klase ko? Nakuuuu patay na talaga sira na ang record na iningat-ingatan ko!

Mahigit kalahating oras ang tinagal namin sa biyahe at itinigil niya ang kotse sa isang resto bar.

Lumabas siya kaya sumunod ako. Pumasok siya doon at agad na umorder. Ako naman ay parang tutang nakasunod lang sa kaniya. Wala kaya akong pera dahil naiwan ko ang wallet sa kotse!

Matapos niyang umorder ay dumaan siya sa isang pinto papunta sa likod ng reato bar at namangha ako sa view! Kitang-kita mo ang berdeng paligid sa ibaba. Ang mga bundok! Naupo si Xoumin doon sa malapit sa may bakod na nagsisilbing harang para hindi ka malaglag.

Naupo na din ako doon. Nakatitig lang si Xiumin sa tanawin tila may malalim na iniisip.

Sa palagay ko ay matagal na siyang pumupunta dito dahil parang halos kilala na siya ng mga staff at saulado na rin niya ang paligid.

"Sorry." Saad ko. Gusto ko lang talagang magsorry sa kaniya. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao.

"It's okay." Saad niya at tumingin sa akin. Nagtagpo ang aming mata at pakiramdam ko ay namula ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Narinig ko ang halakhak niya kaya napatingin ako sa kaniya at natulala. Tangina shet!

Ang gwapo lalo pag nakatawa.

Maya-maya ay dumating na ng order niya. Tig-dalwang order ng steak, italian pasta, juice at beer.

Nang makaalis ang waiter ay saka lamang nagsalita si Xiumin.

"Are you really sure about the news?" Kumunot ang noo ko. "I'm now willing to speak."

Tumalon sa saya ang puso ko at agad na tumango.

"Samahan mo ako and i will spill every little details you need." He said.

"Thank you." Saad ko at masayang pinagpatuloy ang pagkain. Natapos namin ang steak at spaghetti at ngayon ay umiinom na lamang kami ng beer.

"Her name's Ylona." He said after sipping half of his beer. Napatango ako. Buti na lamang at matalas ang memorya ko! Hindi ko na kailangan ng notebook.

"And i met her at Boss Bar. She was so drunk that night that she continuously rants about some boy. I pity her that night dahil baka mapahamak siya kaya iniuwi ko siya sa bahay." Napataklob ako sa bibig ko.

"May nangyare?!" Sigaw ko. Umiling siya at nagpatuloy sa pagkekwento habang iniinom ang beer. Kahit di ako pala-inom ay uminom na din ako nito. Ngayon lang naman eh'.

"No. I can't do such things. Nang magising siya ay nagpasalamat siya at humingi ng pasensya. After that day naging madalas ang pagsama ko sa kaniya. She's so broken hearted by this boy named Park Jimin." Ibinaba niya ang baso ng beer at nagpakuha pa ng isa. Ako naman ay nanlalaki ang mata. S-Si Park Jimin?!

"You mean naging b-boyfriend niya si Jimin?!" I questioned him. Umiling muli siya. Phew!

"No. She's broken dahil nabalitaan niyang may girlfriend na si Jimin at naipagkasundo na din itong ipakasal sa babaeng iyon." I gasped. Huhu bye bye Jimin. Tatanggalin na kita sa napakahabang crush lists ko. Huhu.

"Then?"

"Who wouldn't fall for her. Lagi ko siyang kasama and then one day i confessed to her. Without any doubt ay nagtapat din siya sa akin." He said while smiling. Kumirot ang dibdib ko at sinenyasan siyang magpatuloy.

"Our relationship were stable on our first two months. Not until she found out that the girl whose supposed to marry Jimin cancelled their wedding. Funny right?" Ngayon ay tumulo na ang luha niya. Nataranta ako at ibinigay ang panyo ko sa kaniya.

Ang sakit tingnang umiiyak ang isang lalaki. Feeling ko tuloy iiyak na din ako.

"She just used me. Rebound kumbaga." Tumawa siya. Isang malungkot na tawa. Napalunok ako at sinubukan siyang pakalmahin.

Buti na lamang at wala masyadong tao dito. At isa pa ay nag-aagaw na din ang liwanag at dilim.

"Tingnan mo." I said as i pointed at the sun whose setting at the two mountains. Napatingin siya dito at natigilan. "Ang buhay parang araw. Lumulubog ito, hindi mapipigulan pero muli ding lilitaw na may dalang panibagong liwanag."

Natigilan siya sa sinabi ko at natulala sa paglunog ng araw bago tumingin sa akin. Kumislap ang mata niya at tiningnan ako ng nakangiti.

"You're right." He said at took his beer and drink again.

Nagkwentuhan lang kami doon habang umiinom. Hindi ko alam pero sa sandaling iyon ay tila my bumigay na bahagi sa loob ko. Naging komportable ako sa kaniya at hindi ko alam pero natatakot ako sa maaaring mangyare kapag mas lalo itong nagtagal.

"Alam mo bang naiinggit sa akin ang mga fans niyo dahil nakakausap ko kayo?" I said. Hindi ako lasing i'm just a bit tipsy pero si Xiumin?

"Yeah. Cause I'm very super handsome like fuck. I would just marry myself." He said. His head not able to steady itself.

"Past 10 na pala. Baka hinahanap na ako ni Mama." Nag-aalala kong saad. He looked at me before calling the waiter and paying the bills.

Tumayo siya at sinensyasan akong aalis na kami. Sumunod ako sa kaniya.

Napaalalay agad ako ng makita ang pagewang-gewang niyang lakad.

"Oh...naalon ang daanan." Bulong niya. Bapailing ako at inakay na lamang siya sa kotse. "I will drive!"

"No! You're drunk. Baka mapahamak pa tayo." Iniupo ko siya sa front seat at kinuha ang susi na nakasabit sa bulsa niya.

Nagreklamo siya na parang bata at ni hindi niya makabit ang seat belt sa sobrang kalasingan. Ilan nga na ang basong naitumba niya? Mahigit bente. Triple nang nainom ko.

Bumuntong hininga ako at pumasok sa drivers seat. Napailing ako ng makitang hindi pa nga niya talaga nakakabit ang seatbelt niya.

Gumalaw ako at lumaoit sa kaniya. Ikinabit ko at seatbelt niya pero nagtagal ang titig ko sa maamo niyang mukha.

My heart raced fast. At sa sobrang takot ko na malaman ang nararamdaman ay pinaandar ko na ang kotse at idineretso ito sa...

"Wait. Hindi ko alam ang bahay mo!" Sinubukan ko siyang gisingin pero mahimbing na ang tulog niya.

Patay na ako nito! Hindi ko na alam ang bahay ng ibang Exo. Ang huling ideya na pumasok sa isip ko ay ang bahay namin. Malalagot talaga ako kay Mama at Papa pero bahala na!

Gwapo naman kasama ko hihihi.

***

Thanks for reading. Vote and comment!

eloi11

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top