Chapter 2
Chapter 2 : Failed?
Hope Ramos' Point of View
"Class Dismiss." Hindi na ako nag-atubli pa at pumunta sa harapan ni Xiumin.
Kailangan ko siyang ma-interview!
"Hi Hope!" Tinanguan ko lang si Chanyeol na bumati sa akin.
Ngumiti ako kay Xiumin na nagtatago ng mga gamit sa bag niya.
"Ahh...ehh...Xiumin." I called. Tumigil siya sa paggawa at tumingin sa akin gamit ang kaniyang maliit na mata.
"Ano?" Hindi malakas iyon pero sapat na para marinig ko.
"Hoy! Hoy! Hoy! Ano yaaaan?" Biglang singit ni Chen. Inis akong pumikit at kinalma ang sarili.
Talaga naman! Napaka-istorbo ng mga lalakeng ito.
"Ah. Wala may itatanong lang." I explained. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ganun?" Tumango ulit ako. "Wookaay! Ako din magtanong ka sa akin!"
Wooooo! Kalma hope. Makakausap mo din yang si Xiumin. Masyado lang talagang madaldal ang mga kasama niya.
"Ano yun?" Napabalik ang tingin ko kay Xiumin. Thank God! At nagsalita din.
"Ah can i talk to you...in private?" Napalunok ako dahil sobrang tagal sumagot ni Xiumin.
Please pumayag ka! Itinago ko ang kamay ko sa likod at patagong nagdasal.
"Sige." Gusto kong tumalon matapos niyang pumayag pero baka umurong siya kaya naman pinanatili ko ang aking kalma at nagsalita.
"Saan?" Tanong niya.
Sa CR!
"Sa field sana..." I said. Tumango siya at binitbit ang bag niya.
"May pupuntahan lang." Paalam niya sa EXO. Tumango naman ang mga ito at nagdaldalan muli.
Sumunod lang ako sa kaniya sa paglalakad.
Ang daming nakatingin sa amin! Hoho. Lagot ka sa akin ngayon Lyra! Who u ka kapag napaimik ko ang tahimik na ito.
Eh kaso...ang awkward letse! Bakit kasi ayaw magsalita ng lalaking to? Ang tahitahimik. Kung di ko lang talaga siya kilala mapagkakamalan ko siyang pipi. Pero gwapo....maharot!
Nakarating kami sa field at nauna siyang umupo doon sa bench. Umupo din ako sa hita niya—de jk! Umupo katabi niya pero may pagitan pa din.
"What is it?" I breathed and compose myself.
"Ah. Kilala mo naman ako diba?" Panimula ko nakatingin ako sa kaniya habang nakatingin siya sa malawak na field. Letse ang gwapo talaga!
"Hmmm." Tumango siya, nakatingin pa din sa field.
"Alam mo kung ano ang ginagawa ko?" I asked. Kumunot ang noo niya pansamantala at sumagot.
"Nag-aaral." Napanganga ako sa sagot niya. Compose yourself, Hope.
"Ahh Oo...pero ano kase. Isa akong journalist tapos gusto ko sanang ikaw ang gawan ko ng article."
Namayani ang katahimikan bago siya sumagot.
"Then go."
Yeeeees! Wuhooooooo. Ano ka ngayon Lyra?
"Yung—Ano yung tungkol sana sa rumored break-up niyo nang g-girlfriend m-mo." Yumuko ako sa hiya matapos sabihin iyon.
Ilang minuto akong naghintay ng pagsagot niya habang nakatungo.
Sana oo...i heave a deep sigh. Kailangan kong makuha ang article na ito.
"Ah...Xiumin. Xiumin?" Tanong ko pero walang sumagot. Haaaaaay! Ang tahimik talaga ng lalaking to'.
Iniangat ko ang tingin ko at nalaglag ang panga ng wala na pala doon si Xiumin! Putsa. Kinakausap ko pa man din siya...pinagmukha niya lang akong tanga!
Parang yung ex ko. Joke lang! Hellooooo? NBSB kaya to'! HAHAHAHA putsa naipagmalaki ko pa yon?
"Hayst! Kainis kang lalaking mataba ang pisngi...pero gwapo." Bulong ko. Nakakainis lumalandi na naman ako!
Bumalik na ako sa may room kase naman walang patutunguhan ang pagtunganga ko sa bench. Tama! Kailangan kong mapilit ng isang Kim Minseok. Hindi ko dapat maiwala ang chance na ito. Sabi nga nila 'Grab the chance while it last' ano daw?
Pagkapasok ko pa lang sa room ay nadatnan ko na agad doon ang mga kaklase kong nagkakagulo...syempre sa pangunguna ni Chen. Tumigil ang mata ko kay Xiumin. Arghhhh! That man talagang iniwan niya ako doon ng mag-isa? I mean...nevermind.
Umirap ako at pasalampak na umupo sa upuan ko. Tsk. I need to think of a better plan.
"Ano ba?! Tch." Napatingin ako sa gilid ko. Umirap si Tazanna sa kaibigan niyang si Lina.
"Please...please Zanna do this favor for me. Just this one, please?" Nagpuppy eyes si Lina sa kaibigan niya habang magkadikit ang kamay.
Iniwas ko ang paningin ko at bumuntong hininga. Haaaay~ Ang hirap naman mag-isip. Tama! Kailangan kong magmakaawa kay Xiumin. Pero....aaaaaaah! Magmumukha akong tanga.
Napatayo ako sa inis. Ng ilibot ko ang mata ko ay lahat sila ay nakatingin na sa akin.
"Uy! Hope nakakagulat ka ah!" Sigaw ni Baekhyun habang nakahawak sa dibdib niya. Ngumiwi ako bago lumabas doon.
Dumiretso ako sa may Journalism Room at padabog na binuksan ang pinto nito.
"Ay ano ba!" Inis na tanong ni Lyra matapos akong makita. Umirap ako ng patago at lumapit sa kaniya.
"May naiwan ako dito." Masungit kong saad at pumunta sa may table ko.
Umupo ako doon at naghalungkat ng gamit. Nasaan na ba kasi yon? Napapikit ako sa inis.
Pakshet talaga! Nasaan na ba kasi yung pesteng article na iyon?!
"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Lyra na ngayon ay nakangisi sa akin. Plastik akong ngumiti sa kaniya.
"Ofcourse i am." I confidently said. Muli akong bumalik sa paghahanap.
Napakaepal talaga. Iniistorbo pa ako eh, isubsob ko siya sa makapal na libro sa harapan niya tch!
Napabuga ako ng hangin ng makita ang article na hinahanap ko. Nice one!
The campus heartthrob revealed their weaknesses and strength!
It was its title. Isinulat ko ito years ago. Noong time na baguhan pa lamang ako sa Journalism. Aaaah~ Memories nga naman.
Nakangiti ko itong binitbit palabas ng J. Room. Pero bago iyon ay sinulyapan ko muna si Lyra at patagong inirapan.
Bumalik ako sa may room at saktong pumasok doon ang teacher namin. The class went on and on hanggang sa mag-uwian na.
Dali-dali akong sumabay kay Xiumin palabas ng room.
"Hi!" I greeted. He just looked at me then nod. I frowned at him. Nagpatuloy siya sa paglalakad kasabay ang EXO.
Now what to do? Ang sabi dito sa article mahilig sa siopao si Xiumin. Then is it his weakness too? Ngumuso ako at umuwi na.
"Ate! Umalis si Mama. Ikaw na daw ang magluto." Umirap ako at tumabi kay Rage.
"Bakit hindi na lang ikaw ang magluto?" Tanong ko habang nakasimangot.
"Ateeeeee~ Sino ba sa atin ang panganay?" Malambing na tanong niya sa akin.
"Duh! Hindi naman porket ako ang panganay eh ako na lang lagi." Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya.
"Anong oras uuwi si Mama?" Tanong ko. Kumunot ang kilay niya bago sumagot.
"Bukas. She was told to stay with Papa. You know feeling teenagers." He cringes after saying the last words.
"Then let's make a deal. I'll let you use my car and buy our food." Pang-uuto ko sa kaniya.
"Eh tinatamad ako. Magpadeliver na lang tayo." Ngumuso siya sa akin kaya pinitik ko ito.
"Bilis na. Ibili mo din ako ng siopao and i'll let you use my car for two days." His eyes shined after i said that.
"Really?" Tumango ako at ngumisi sa kaniya bago siya hagisan ng pera at susi.
"Damihan mo ang bili ng siopao ha?" I said then went upstairs.
This should work.
Kinaumagahan ay si Rage nga ang gumamit ng kotse ko. Inihatid niya ako sa school at kumindat bago dumiretso sa school niya.
I sighed and held the paper bag tightly.
Pumasok ako sa may room at dumiretso sa harapan ni Xiumin.
"Here." I handed him the paper bag full of his favorite food, siopao.
"Ano yan?" Tanong ni Lay. Hindi ko siya pinansin at itinuon ang atensyon kay Xiumin.
"Ano to?" Tanong niya. Kinuha niya sa kamay ko ang paper bags at binuksan ito. Pagkakita pa lamang niya dito ay agad lumukot ang mukha niya at ibinalik sa akin ang paper bag.
"Alam mo ba talaga ang ginagawa mo?" Inis niyang tanong. Ibinagsak niya ang kamay niya at umalis sa may room.
Natahimik ang lahat dahil sa pag-alis niya.
"Anong nangyare kay hyung?" Tanong ni Tao sabay tingin sa akin. Tumingin din sa akin ang lahat kaya nagkibit balikat ako at inihagis kay Chen ang paper bag.
Sinalo niya ito at binuksan, nanlaki ang mata niya at agad na ngumiti sa akin.
"Thank you, Hope!" He said and winked at me. I frowned and sit on my chair.
Pinaghati-hatian nila yung siopao na ibinigay ko at kinain kahit hindi pa recess. Ganoon sila ka pasaway!
Dumating si Ma'am Resma at nagsimulang magtawag ng attendance.
"Kim Junmyeon!" Nagtaas ng kamay si Suho sabay sabing 'present' inayos ni Ma'am Resma ang salamin niya at tumingin muli sa attendance. "Kim Minseok!"
Nagtinginan ang mga kaklase namin at nagbulungan. "Kim Minseok." Muling ulit ni Ma'am sa pangalan ni Xiumin.
"Absent." Saad ni Suho. Napaangat ang tingin ni Ma'am kay Suho.
"Come again?" Nakakunot na noong tanong nito.
"Pasok po kayo." Sagot ni Chen. Nagtawanan ang mga kaklase ko sa joke niya.
"Mr. Jongdae!" Saway nito at natahimik muli ang buong klase. "Is he sick?"
"No, Ma'am." Tumabinge ang ulo ni Ma'am at bumuntong hininga.
Napayuko ako at bumuntong hininga. First time niyang umabsent. But, he isn't absent right? Nandyan ang bag niya but still wala siya dito.
I sighed. Damn! Bakit ba ako nagu-guilty? Shoul i feel guilty? Teka eh ano naman ang ginawa kong mali, eh binigyan ko lang siya ng favorite niyang siopao? Dapat nga matuwa siya no' favorite niya kaya yun!
I sighed as i recalled the day i interviewed them.
"So, Mr. Xiumin. What's your so called weakness?" I asked while smiling. Ngumiti siya at sasagot na sana ng biglang dumating si Chanyeol.
"Umin hyung! Andito na yung siopao mo." Saad ni Chanyeol at iniabot ang isang supot kay Xiumin.
"Heard that?" Tumango ako at ngumiti. Isinulat ko ang sinabi niya bago lumipat ng upuan sa tabi ni Sehun.
Nang matapos ang interview ay nagpasalamat ako sa kanila at lumabas ng EXO room. But before that ay dumako ang tingin ko sa isang taong tahimik na nakaupo sa isang couch at nakangiting kumakain ng siopao.
He really loves siopao.
That's what i thought. Pero anong nangyari kay Xiumin? Nabaliktad na ba ang mundo? O naumay na siya sa kakakain ng siopao?
Napatingin ako sa bakanteng upuan ni Xiumin. Second plan, failed!
Haaaaay! Nakakastress.
To be continued...
•••
Thanks for reading. Vote and comment.
eloi11
05/28/18
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top