PROLOGUE
That Professor Is My Husband
Prologue
"Girls, nakita niyo ba yung bagong professor?
"Ang gwapo!"
"Oo nga e, Grabe, ang pogi!"
"Nakita ko kanina! Sana maging professor natin yun kahit sa isang subject lang."
Sino naman kaya 'yun?
Nakaka-curious naman.Pinagpatuloy ko ang paglalakad at hindi ko na pinansin ang usapan habang tinutungo ang classroom ko.
Habang papalapit ako sa pinto ng classroom, naririnig ko pa rin ang mga kwentuhan ng mga kaklase ko.Tamang-tama, pagkapasok ko, di pa nagsisimula ang klase namin.
Two weeks na rin akong college student, at medyo kilala ko na rin ang mga professor dito. Lahat naman sila ay approachable maliban na lang sa professor naming si Sir Alvarez. Dahil wala pa ang prof namin, I decided to get my sketchbook and draw things that came to mind. Ang sketchbook ko ay isa sa mga bagay na hindi ko kayang kalimutan dalhin sa school. Gustong gusto ko talaga mag drawing tuwing wala akong ginagawa kahit di naman ako ganon kagaling.
After 10 minutes, dumating si Miss Valeria, isa sa mga subject teachers namin. Palaging nakabun ang buhok niya, she wears thick eyeglasses, and you will always recognize her by her ridiculous laugh. Alam niyo yung tawa ng isang mangkukulam? Gano'n yung tawa niya. But despite that, she's the best teacher kahit minsan pinapaboran lang niya yung mga pogi at magaganda sa klase.
"Good morning!" bati niya sa amin, sabay ayos ng makapal niyang salamin.
"Good morning, Ma'am!" we all answered. Nakisabay rin ako, kahit nasa sketchbook pa rin ang mata ko.
"I want to say sorry, students, but Mr. Alvarez is not here, so it means di siya makakapagturo sa subject niya ngayon. Tumaas kasi ang dugo niya, kaya on leave muna siya ngayon."Siya 'yung tinutukoy kong di approachable na professor dito.
Well, pabor na pabor sa amin 'yun. Sa two weeks ko dito, Sir Alvarez is such a grumpy old man napakasungit, kaya no wonder walang tumutol ni isa sa kaklase ko. Sigurado akong masaya pa yang mga 'yan.
"Pero students, may bagong teacher naman kayo. Siya muna ang papalit kay Mr. Alvarez for the meantime. Actually, nagtuturo siya sa ibang school, but he chose to volunteer here for now. Kaya be thankful and treat him well. Importante itong subject na 'to." Mahabang paliwanag ni Ma'am.
Now I get it. Hindi kasi kami makakapasa this semester kapag mababa ang exams namin sa subject na 'to.
Habang nag-drawing ako, biglang nahulog ang pen ko. Aakmang kukunin ko ito nang sipain ng isa kong classmate ang upuan ko, at tiningnan ako na para bang sinasabing, "Humarap ka sa harap mo."
Walang gana akong umiling at yumuko para kunin ang pen."Excuse me," naiinis kong sambit sa may nakaapak ngayon sa pen ko.
Hahawiin ko na sana ang sapatos niya nang may marealize ako. This shoe looks familiar.
Ako ang naglinis nito kanina umaga?Imposibleng nandito siya, diba? Nasa ibang school 'yun. Pero parang ito talaga 'yung sapatos na 'yun.
I gently looked up to the man wearing the familiar shoes. I met his cold blue eyes and emotionless face.
He was wearing the usual uniform na ako mismo ang nagplantsa. Kahit nakasuot siya ng uniform, kitang-kita mo pa rin ang built ng katawan niya, ang dibdib at braso niya. Amoy na amoy ko din ang pabango niya mula rito.
Ito ba yung school na sabi niyang pupuntahan niya? Bakit di niya sinabi na dito pala siya magtuturo? Yumuko siya kaya pantay na kami ng tingin.
Nagmumukha akong bata dahil sa tangkad niya kahit naka-heels ako, hanggang balikat niya lang ako.
Pinulot niya ang pen ko at inabot iyon sa akin.
"Clumsy as always, huh?" bulong niya.
Dahil doon, agad akong napaayos ng tayo at hinablot ang pen mula sa kamay niya.
Bumalik ako sa upuan na para bang walang nangyari. Alam kong nakatingin siya.
Ba't kasi dito pa siya nagturo? Bakit di niya sinabi sa akin? Paano pag may nakaalam? Nakakainis naman.
Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang malalim niyang boses.
"I'm Akiro Seveiros. You can call me Professor Akiro. From now on, I'll be your Marketing professor. I will not tolerate students who won't respect and listen to me—whatever or whoever you are."
Sabay baling niya ng tingin sa akin na parang sinasabi niyang para sa akin ang huling salita niya. I lowered my gaze at pinagpatuloy ang pag-drawing.
Tingin tingin pa! Akala mo ba masisindak mo ko?
"Grabe, ang gwapo niya!"
"Mukhang gaganahan ako mag-aral nito ah!"
"Ang swerte natin, dito siya magtuturo!"
I secretly rolled my eyes. Asan banda jan? Nagulat ako nang bigla siyang sumulpot sa harap ko.
"Hey." He pointed at me. "Are you listening?" he asked, nakataas pa ang kilay!
"Of course, Akir—Sir! I'm listening!" Taranta kong sagot at pinandilatan siya.
His lips formed a thin line, as if he knew I wasn't listening. Inirapan pa ako bago magbigay ng rules niya! Can you believe it? Umirap pa! Suplado!
"Okay, students. Goodbye, and cooperate with Prof. Akiro. Don't be pasaway," sabi ni Ma'am, sabay bigay ng malanding tingin kay Akiro.
Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Ma'am, maharot din pala siya.
"Bye, Professor Akiro. Just tell me..." sabay tucked-in ng buhok niya sa tenga, "if may magpasaway sa mga students dito."
"Yes, Ma'am," maikli niyang sagot."Okay, bye students! Behave!" Ma'am said before leaving, but not without glancing back at Akiro.
Inis akong yumuko sa mesa at napatingin nalang sa sapatos ko. Maling mali na andito siya!
Pag nalaman ng iba kung ano kami, siguradong malaking problema 'to.
I let out a heavy sigh. This is going to be a disaster. Mabilis na tumakbo sa isip ko ang mga posibleng mangyari.
Magiging malaking usap-usapan sigurado. Kung malaman nila kung anong meron sa amin ni Akiro, malamang hindi na lang ako makapasok ng normal sa klase.
Nag-umpisa na siya sa pagtuturo, pero ang isip ko ay malayo pa rin. Hindi ko mapigilang mag-isip. Bakit nga ba siya nandito? Hindi ba't sinabi niyang pupunta siya sa ibang school? At kung hindi kami magkakilala, baka hindi ko pa siya mapansin. Pero ngayon, siya na pala ang magiging professor ko.
I looked up again and met his gaze. His sharp, calculating blue eyes bore into mine for a split second before he moved his attention back to the rest of the class. Ang tindi pa rin ng impact niya, kahit na hindi kami nag-uusap ng maayos. This is a nightmare.
Because.. THAT PROFESSOR IS MY HUSBAND.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top