CHAPTER- 9 KEN'S FEELINGS
That Professor Is My Husband
KEIRA
Kanina pa kami naka-alis kina Ate Noemi, pero si Kuya, tahimik lang, hindi kumikibo. Tinutukso ko na nga, parang mas broken-hearted pa siya kesa sa mga karakter sa K-Drama. Parang may mabigat syang dal-dala, at hindi ko alam kung anong nangyari.
"Kuya, okay ka lang ba?" tanong ko, hindi ko kayang hindi mag-alala.
"Bakit, mukha ba akong hindi okay?" sagot niya, na may halong pagkairita, pero ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses niya.
"Kuya, grabe no, pagkatapos ng debut ni Ate, ikakasal na siya..." patuloy ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang magtago ng kahit anong nararamdaman.
"Kei, pwede bang huwag na lang nating pag-usapan 'yan ngayon?" sagot niya sabay hampas ng manibela, na para bang may pinipilit na pigilan.
"Eh, ano ba? Nagkukwento lang naman ako," sagot ko, namumula na ang mukha ko sa inis. "Ano bang meron, Kuya?!"
"Kei!" sigaw niya. "Pwede bang tumahimik ka muna? Puno na ako! Ang daldal mo."
Pilit nalang akong nanahimik siguro may pinagdadaanan siya kaya ganyan siya. Tungkol parin ba yun sa paghihiwalay nila ng Exniya? Hindi ko na siya kinulit pa. Pero sa totoo lang, kung hindi ko lang siya kuya, baka nasabunutan ko na siya. Hindi ko kayang makita siya na ganito.
Pag-uwi namin sa bahay, wala pa ring imik si Kuya. Nagtungo ako sa kwarto ko, ngunit nagulat na lang ako nang makita ko siya sa sala, nakaupo at umiinom ng beer.
"Kuya! Bakit ka umiinom?" tanong ko, naniningkit ang mata. "Broken-hearted ka ba?"
"Bakit, broken-hearted lang ba ang pwedeng uminom?" pabalik niyang tanong, sabay taas ng bote at tinungga ito.
Iba talaga si Kuya, namimilosopo kapag lasing.
Hindi ko na siya pinansin. Tumayo ako at umalis. Sumulyap ako sa wall clock 12:42 na. Tanghaling tapat, at siya, umiinom ng beer. Kung andito pa lang si Nanay, aba, lagot siya. Pero wala na si Nanay, at si Kuya... hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan.
Iniwan ko na siya doon at nagpunta na lang sa kwarto ko para matulog. Minsan, nakakapagod din
Pagkagising ko
Pagdilat ko ng mata, 3:23 PM na. Medyo mahaba-haba ang tulog ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko pa rin si Kuya, umiinom pa rin.
"Kuya! Tama na yan! Lasing ka na!" sabay agaw ko ng bote mula sa kamay niya.
"B-baatt... ganun Kei... huli na... ako, Kei..."
"Ano ba pinagsasabi mo, Kuya?!" tanong ko, naiinis. Hindi ko siya maintindihan. Habang tinutulungan ko siyang tumayo. Parang wala na siyang lakas.
Dahan-dahan ko siyang inaalalayan papuntang kwarto niya at nilapag siya sa kama. Pumunta ako sa banyo, kumuha ng basang bimpo, at pinunasan ang mukha niya. Tinutok ko ang bimpo sa kanyang noo habang siya pinipilit niyang magsalita.
"Plano ko sana—magtapat kay Noemi... sa debut niya, gusto ko siya... tapos... tapos..."
Nagulat ako sa narinig ko. "H-huh?" Hindi ko alam kung paano sasabihin, pero para bang bigla ko siyang naintindihan. Gusto niya pala si Ate Noemi. Hindi ko akalain. Kung yun pala ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya, baka ngayon ko lang siya nakita ng ganito tuluyang nadurog.
"Iikakasal na pala siya..." Patuloy na pag-iyak ni Kuya, habang hinahampas ang sarili sa dibdib. "Gusto ko siya... matagal na... hindi ko na ata kaya. Hindi ko alam kung paano sasabihin, kasi... kasi ayokong mawala siya... ayokong magbago ang turing niya sa akin."
Nagulat ako sa narinig ko, at sa pagkabigla ko, hindi ko kayang makita siya ng ganito. Hindi ko na kayang maging malakas pa. Tumulo na rin ang mga luha ko.
"Kuya, tama na... Shhh. Di mo kasalanan, Kuya." sabay niyakap ko siya.
Sobrang sakit na makita si Kuya na ganito. Siya na matapang, siya na may lakas, siya na walang takot sa lahat ng bagay ngayon, umiiyak sya sa harap ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Pero hindi ko kayang makita siya nang ganito.
Paulit-ulit kong inaalo si Kuya, tinutulungan siyang huminga at kalmahin. Sinisisi niya pa rin ang sarili niya, ngunit patuloy ko siyang inaalalayan. Matapos ang ilang minuto, nakatulog din siya.
Paglabas ko ng kwarto ni Kuya, tinanong ko ang mga bote ng beer na nagkalat sa paligid. Habang pinupulot ko ang mga ito, may napansin akong isang maliit na kahon sa ilalim ng sofa. Kinuha ko ito at tiningnan.
Isang bracelet ang nakalagay doon, at may note ito na nakadikit sa box.
Noemi, I have feelings for you. I'm not exactly sure when it started, but I can't hide it anymore. I understand if you don't feel the same way, and that's okay. Just... please don't distance yourself from me.
-Ken
Hindi ko kayang hindi maiya, hindi ko akalain na ganito pala ang nararamdaman niya. Hindi ko naisip na kaya pala siya ganun yung laging tahimik, laging malungkot. Ako, bilang kapatid, hindi ko man lang naisip na gusto pala niya si Ate Noemi.
Tinuyo ko ang mga luha ko at inayos ko ang box. Pinasok ko ang bracelet at dahan-dahang nilagay sa kabinet ni Kuya. Tahimik lang ako.
Wala pa ring imik si Kuya sa mga nagdaang araw. Pati kumain, tahimik lang siya. Minsan, aalis siya, at kapag umuuwi, lasing na naman siya. Ang paulit-ulit na cycle palagi. Lagi niyang sinisisi ang sarili niya. Lagi niyang iniisip na may mali sa kanya.
"Kuya..." tanong ko habang kumakain kami ng almusal. "A-attend ka ba sa debut ni Ate? Four days na lang."
"Oo naman, debut niya yun, hindi ko palalampasin." sagot niya, sabay lagok ng kape. Walang kagalakan, walang emosyon sa boses.
"O-Okay, may pinadala silang damit para sa occasion. Sabi nila, para di na tayo mahirapan." Sinulyapan ko siya. "May regalo ka na ba kay Ate?"
Bahagyang natigilan si Kuya. "Oo, meron na. Bumili ako kahapon." sagot niya, ngunit may kabuntot na sakit sa boses.
"E, yung bracelet?" seryosong tanong ko. Alam kong mahirap sa kanya. Pero kailangan niyang pag-usapan ito. Alam niyang nakita ko yun.
"Di ko naibibigay yun... para sana yun sa pagtatapat ko... kaso... wala naman." sagot niya na may kasamang hirap sa bawat salita. "Kaya... iba na lang binili ko."
"Kuya!" sigaw ko, medyo naiinis na, pero puno ng malasakit. "Sasabihin ko ulit ha! Di mo kasalanan yun! Huwag mong sisihin ang sarili mo! Hindi mo naman alam na i-arrange marriage siya, di ba? Kaya tama na, Kuya! Maawa ka sa sarili mo! Pwede ka namang magtapat kay Ate kahit anong oras!"
Tahimik lang siya. Hindi na siya nagbigay ng sagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Wala na kaming nag-usap pa. Minsan, umaalis si Ate Noemi at hindi na dumadalaw sa bahay. Abala sila sa mga preparations para sa debut niya. Minsan, pumupunta kami roon para magbigay ng ideas, para tumulong.
Sobrang bongga ng mga plano nila, especially since si Tita Nefelie ay mahilig sa magarbong mga bagay. Si Kuya, paminsan-minsan sumasama, pero tahimik lang siya sa gilid. Minsan inaasar siya ni Ate Noemi, at mag-iiwas siya ng tingin, ngumiti ng tipid.
"Ken, dapat ikaw ang pinaka-poging lalaki sa debut ko ha!" sabi ni Ate Noemi.
"Naman, ako paba," sagot ni Kuya na may halong biro.
Pagkatapos ng araw na yun, Nagpaalam kami at umuwi na rin. Wala pa ring imik si Kuya.
Sana, maging okay na siya. Kasi hindi ko kayang makita siyang ganito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top