CHAPTER- 4

That Professor Is My Husband

Kinabukasan, papunta ako sa rest house namin sa Bulacan. Naka-jumper shorts, oversized white shirt, at white sneakers ako. Naisipan kong dumaan sa mall para bumili ng pasalubong kina Ken at Keira.

Alam ko na magtatampo si Keira kapag walang pasalubong, kaya naghanap ako ng magandang dress para sa kanya. Si Keira, 15 years old, mahilig sa mga dresses at accessories. Si Ken naman, hindi mahilig masyado sa damit, pero bibilhan ko pa rin siya ng shirt.

Pumunta ako sa isang boutique at bumili ng simple off-shoulder floral dress para kay Keira. Pagkatapos, dumaan ako sa men's section at bumili ng t-shirt para kay Ken.

Dumaan din ako sa fast food para mag-takeout ng pagkain. Matakaw kasi si Keira.

Habang palabas ako ng fast food, may nakabangga akong isang lalaki. Buti na lang, hindi nahulog yung mga pagkain ko.

"Sorry, miss—Noemi?" tanong niya.

Napatingin ako at agad ko siyang nakilala. Siya yung nakabangga ko sa department store, si Hiro.

"Oh, Hiro! Ikaw pala!" nahihiya kong sagot.

"We always seem to crash into each other," sabi niya, bahagyang tumawa.

"Oo nga," sagot ko, nahihiya pa rin.

"I think we're meant to be," pabiro niyang sinabi.

"Nagkataon lang ata," sagot ko, sabay yuko.

Magsasalita na sana siya nang nag-ring ang phone niya.

"Excuse, Noemi. Hello, yes, I got it. Okay, I'm on my way, Kuya," sabi niya sa phone, at binaba ito. "Bye, Noemi! They're looking for me! Can I have your number? We should hang out sometime, my treat," dagdag pa niya.

Nabigla ako, ngunit kinuha ko ang phone niya at tinype ang number ko.

"Thanks, Noemi! See you next time," sabi niya, sabay takbo palayo.

Habang pinapanood ko siya, napangiti na lang ako at nahawakan ko ang pisngi ko, ramdam kong nag-iinit.

Dahil naisipan kong mamili, nagdala ako ng kotse. Minsan kasi ayaw ni Mom na mag-commute ako, kaya mas gusto ko na lang mag-drive.

Isang oras din ang ginugol ko sa pagbiyahe bago nakarating sa rest house. Pagdating ko, agad akong bumaba ng kotse at kinuha ang mga pinamili ko. Pagpasok ko, tumambad sa akin si Keira, nanonood ng TV.

"Ate Noemi! Napadalaw ka! At wow, may pasalubong!" sigaw niya, sabay yakap sa akin.

"Oo naman, baka sabihin mong kinalimutan kita," sagot ko, sabay tawa.

"Ikaw talaga, ate! Kilalang-kilala mo ako!" sabi niya, pinalo ang braso ko.

"Nasaan si Manang Lucia at si Ken?" tanong ko.

"Si Manang, namalengke. Si Kuya naman, naliligo ata," sagot ni Keira.

"Ah, may dala akong pagkain. Tara, kain tayo," sabi ko, sabay labas ng mga pagkain mula sa supot.

Kinuha ni Keira ang dress at sinukat ito. "Wow, ate! Ang ganda nito, perfect pang-IG post!"

"Puro ka na lang IG post," biro ko, tinanong ko siya kung okay lang yung mga t-shirts para kay Ken.

"Okay lang yan! Si Kuya naman, hindi na yan nagre-reklamo," sabi ni Keira.

Biglang sumulpot si Ken mula sa kwarto, bagong ligo, naka-jogger at topless, kaya kita ang abs niya. Mukhang galit siya, pero hindi ko na pinansin.

Pagkatapos, iniabot ko kay Ken ang mga t-shirts na binili ko para sa kanya.

"Hindi ko talaga mahilig sa mga ganyan, pero salamat," sabi ni Ken, medyo nakasimangot habang tinatanggap ang mga t-shirts.

"Pwede bang mag-thank you ka na lang, Ken-ken?" tanong ko, may pang-aasar.

"Sabi ko, wag mo akong tawaging ganyan, hindi na tayo bata," sabi ni Ken habang nagbihis.

Nagkatinginan kami ni Keira nang lumabas siya sa kwarto. Nilapitan ko siya at nagtanong, "Anong nangyari? Bakit ang sungit ni Ken?"

"Nag-break sila ng girlfriend niya tatlong araw ago, tapos pumunta yung girl dito kahapon, nagmamakaawa na balikan siya," kwento ni Keira. "Pero ayun, hinalikan siya!"

"Hinalikan siya sa harap mo?" gulat na tanong ko.

"Oo! Yung girl na yun, patay na patay kay kuya. Eh, siya pa nga ang may kasalanan," sagot ni Keira.

Habang kami ay kumakain, nagtanong si Keira, "Ate, debut mo na diba, seven days na lang?"

"Oo, syempre, imbitado kayo," sagot ko.

"Kuya, di ka ba magsasalita?" tanong ko kay Ken.

"Wala ako sa mood," sagot niya, habang subo ng pagkain.

"Teka, anong purpose ng bibig mo?" tanong ko, may pang-aasar.

"Panghalik," sagot ni Ken, sabay ngiti.

"Panghalik, mukha mo!" biro ko.

Nagtawanan kami, tapos nagtanong si Keira, "Kuya, bakit namumula ang tenga mo?"

"Hindi, ah," sagot ni Ken, medyo iniiwasan ang usapan.

"Okay, Sa debut ko ipapasundo na lang kayo ni Mom kay Arnaldo," sabi ko.

"Sige, ate! Salamat sa pasalubong," sabi ni Keira.

"Salamat, Mi! Ingat ka," sabi ni Ken, sabay yakap sa akin.

Nagpaalam ako at sumakay na sa kotse para umuwi at maghanda para sa dinner.

Pagka-uwi ko sa bahay, sinulyapan ko ang relo ko. 5:50 PM na. Grabe, napasarap ang kwentuhan ko kanina at hindi ko namalayan na ganun na pala kalate.

Agad akong umakyat sa kwarto para maghanda. Kailangan ko pang magtulungan sa preparations mamaya. Nag-shower ako at nagbihis, pinili kong magsuot ng simpleng red dress na above the knee at 2-inch na sandal. Para hindi masyadong mabigat, naglagay lang ako ng konting pulbo at liptint para fresh tingnan.

Nang matapos akong mag-ayos, tumingin ako sa relo at nakita ko, 6:49 PM na. Kailangan ko pang magmadali. Hindi lang ako dapat magmukhang presentable para sa dinner, kundi para na rin sa business partner ng Lolo ko, kaya kailangan ko ng konting effort.

Pagkalabas ko ng kwarto, bumungad agad si Arnaldo, naghintay siya sa may hagdan.

"Sige po, maghintay lang kayo dito. Magpapaalam lang ako kay Lolo," sabi ko kay Arnaldo.

Pumasok ako sa kwarto ni Lolo at nakita ko na mahimbing siyang natutulog. Hindi ko na siya ginising. Hinalikan ko na lang siya sa noo at nag-iwan ng mahinhing "I love you" bago ako lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng mabilis at inayos ko ang mga gamit ko, sinamahan ako ni Arnaldo patungo sa kotse.

Pagkapasok ko sa kotse, nagsuot ako ng seatbelt at tumingin kay Arnaldo.

"Arnaldo, saan nga po pala tayo magdidinner?" tanong ko, sabay tignan sa kanya habang nagsisimula ang biyahe.

"Sa hotel po na pag-aari ng mga Moshizuki, Señorita," sagot niya nang magalang, pero hindi ko na masyado pinansin ang tono niya, nakatutok ako sa sasakyan.

"Moshizuki po pala ang apelyido ni Lolo Ayoshi," sagot ko, medyo nag-iisip.

"Opo, pero ang asawa po ng anak ni Don Ayoshi, may lahing Italyano. Siya po ang may-ari ng mga hotel na tinutulungan natin," paliwanag ni Arnaldo.

"Ohh, kaya pala... Pero paano po nangyari na siya ang nagmay-ari? Nag-merge ba sila?" tanong ko, may halong pagka-gulat.

"Oo, nang ikasal ang anak ni Don Ayoshi sa panganay ng pamilya Cazzaro, nag-merge na ang negosyo ng dalawang pamilya. Yung hotel, pati ang iba nilang negosyo, pati na rin yung supplies, sa kanila na po pumunta," sagot ni Arnaldo.

Na-shock ako. I've heard a lot about the Cazzaro family, one of the wealthiest and most influential families in Italy. Their name is practically synonymous with luxury and success, especially when it comes to business.

"Bakit ko po hindi alam na ang business partner namin ay Cazzaro family?" tanong ko, medyo di pa rin makapaniwala.

"Malakas ang influence nila sa mga business dealings ng Lolo mo. Hindi lang nila pinapalakas ang network, kundi pati na rin ang mga negosyo," sagot ni Arnaldo.

"Wow, I can't believe it... so, yung anak pala ni Lolo Ayoshi na kinasal sa Cazzaro, asawa ni Mr. Sirius Sent Cazzaro?" excited kong tanong, kasi nga, matagal ko nang hinahangaan si Mr. Cazzaro bilang CEO ng Cazzaro Enterprises.

"Opo, siya nga, Señorita. Mr. Sirius Sent Cazzaro," sagot ni Arnaldo, bahagyang ngumiti, parang alam na niya kung anong ibig kong sabihin.

"Wow, hindi ko talaga alam. I mean, I've been following him for years! He's the role model of every business person. How come I never knew?" sambit ko habang iniisip ko kung ano ang magiging epekto nito sa business partnership namin.

"Malamang hindi ka lang aware, Señorita. I'm sure magugustuhan mong makilala siya mamaya," sabi ni Arnaldo, na medyo seryoso.

"Wait, do you think he'll be at the dinner tonight?" tanong ko, sabay halakhak sa excitement.

"Sa pagkakaalam ko, he will be there," sagot ni Arnaldo.

"Can't wait!" sigaw ko, na parang hindi ko na kayang maghintay pang makita siya.

"Idolizing him that much, Señorita?" tanong ni Arnaldo, medyo may konting pangungutya, pero hindi ko naman ito pinansin.

"Yup! He's just amazing, his business sense, his leadership!" sagot ko, sabay hinawakan ang cellphone ko at sinubukang mag-search ng mga latest news tungkol kay Mr. Cazzaro.

Arnaldo tumahimik saglit at medyo tumingin sa akin mula sa salamin, may halong misteryo sa mata niya. "Someday, Señorita, he will not just be your idol... he might be your..."

Hinanap ko siya ng tingin. "My what?" tanong ko, nahulog ang cellphone ko sa lap ko sa kaguluhan ng isip.

Arnaldo nag-ayos ng tingin sa kalsada at hindi ko na siya napansin.

"Nevermind, Señorita. We're here," sabi niya, at nag-preno sa harap ng hotel.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top