CHAPTER- 38

«NOEMI's POV»

Kabadong kabado ako na nakasunod sa kanya. At nang makarating kami sa office ay mas nadagdagan pa ang kabang nararamdaman ko.

“Now, explain.”

Sinabi ko na kuya kita kasi.... ” yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. “Kasi ano tinanong nila ako kung ano kita... k-kaya yun s-sinabi ko.”

“ I'm your brother?” naiinis niyang sabi sakin. “Look at me, Noemi.” utos niya pero di ko siya sinunod.

Nagulat na lang ako ng tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa direksyon ko. Nang nasa harap ko na siya at maingat niyang inangat ang baba ko na tila isa yung babasagin na bagay at direkta akong tinitigan sa mata.

Ayan na naman ang asul niyang mata na kung makatitig parang nanghihigop ng kaluluwa.

Look at me when I'm talking to you, Noemi.”

Seryosong sabi niya habang diretsong nakatitig samta ko kaya wala ako sa sariling napatango. Ang kamay niya ay nasa baba ko parin.

Mas nagulat ako ng dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko hanggang sa maramdaman ko na ang init niya. Kinakabahan tuloy ako sa nangyayari.
Yumuko siya hanggang sa ka level na  nito ang labi ko na bahagyang nakaawang dahil sa gulat  sa mga ginagawa niya ngayon.

Naramdaman ko na lang ang malambot na bagay na dumampi sa labi ko kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko nong maramdaman ko ito. Matamis, mainit at malambot hindi ko alam at maipaliwanag ang nararamdaman ko oras na to. Sa isip isip ko ay gusto ko siyang itulak pero may isa din sa sarili ko na pumipigil.

Bago ang pakiramdam na to.

Alam kong hindi ito ang unang beses na hinalikan niya ako pero yung first kiss ko sa kanya ay dampi lamang iyon. Itong ginagawa niya ngayon ay iba!

Naramdaman kong unti-unting gumagalaw ang labi niya sa labi ko tila inanamnam ang bawat sulok nito at halos mapakapit na ako sa ginagawa niya. Sa bawat galaw ng labi niya parang nanabik ako gusto ko ang pakiramdaman na to.

Gusto ko siyang itulak pero... Bakit hindi ko magawa.

Diko mapigilan na mapakapit sa damit niya dahil sa panghihina. Nanghihina ako sa mga halik niya. Hindi yun mapusok at banayad lang yun. Di ko namalayan ang sarili ko na sumasabay narin ako sa ritmo ng labi niya.

Hindi ko na rin alam kung ano ang nangyayari akin bat ako sumasabay sa halik niya.

Bahagya kong minulat ang mata ko at nakita kong nakapikit ang mata niya habang ang labi ay expertong gumagalaw sa labi ko. Akmang tutugon ulit ako sa halik niya ng tumigil siya. Nahihiya akong yumuko nang hinabol ko pa ang labi niya.

Nakita kong nakangisi niyang dinilaan ang pang ibabang labi niya at naramdaman ko nalang ang hininga niya sa tenga ko.

“Sweet.. ” bulong niya habang nasa labi ko ang mga mata. Does a brother kiss his sister like that? bulong niya pa sa tenga ko.

Natikom ang bibig ko gusto magsalita pero walang salitang lumabas sa labi ko. Nakakahiya ka, Noemi. Parang gusto ko na lang na lamunin ako ng ngayon.

Habang siya naman ay bahagyang inayos ang polo niya at parang walang nangyari bumalik sa kinauupuan niya ng may ngisi sa labi. Apaka kapal ng mukha.

Habang ako inaalala parin ang nangyari kanina. Kung paano dumampi ang labi niya sa labi ko, gaano ito kalambot at ang bawat galaw nito. Nagkaganito lang ako sa isang halik? It's not just a kiss. Gusto ko pero meron din na part sakin na nahihiya diko na talaga alam pa...

Umiling ako sa sarili kong iniisip at wala sa sariling umupo sa sofa mejo malayo sa mesa niya. Mula doon ay nakita ko na may dinampot siyang mga paper bag sa ilalim ng mesa at nilagay yun sa harapan niya. Nilabas niya isa isa yun ang mga pagkain doon. Pagkain—maraming pagkain. Madami naman ata yun? Dalawa lang kaming kakain ah.

Nagulat ako ng may tumikhim sa harapan ko.

“Let's eat.”

Yumuko naman ako at tumingin sa baba kaya napabuntong hininga siya
Ni hindi ko man lang naramdaman na nakalapit siya.

Naglakad ulit siya sa mesa niya kaya sumunod na ako sa kanya. Baka kasi ubusan niya ako ng pagkain kanina pa naman ako nagugutom.

Isa isa niyang inayos ang plato at kutsara sa harap ko. Parang normal niya lang na gawain pag kumakain kami ng sabay. Na para bang hindi niya ako nilaplap kanina. Tarantado.

“Stop looking at me like that.”

Napamaang naman ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito?

“L-looking l-like what?”  nauutal kong tanong pilit na tinatago ang inis.

“Like, you want me..Tsk... Tsk.” nang aasar na sabi niya habang ako naman ay naiinis na tiningnan siya.

A-anong pinagsasabi mo ha! Anong eat! Anong eat!”

“Nah-ah.. Nevermind finish your food.” seryoso niyang sabi at tinupi ang manggas ng polo niya bago maupo sa harap ko.

Bahagya kong inusog ang upuan ko, bago maupo ng maayos. Tahimik akong nagsandok ng pagkain at sinimulan ng kainin ito. Binabalewala ang matang nakatuon sakin.
Kakain na nga lang bat titingin pa sakin.

“So..now... ” basag niya sa katahimikan binaba niya ang tinidor at kutsara habang pinupunasan ang labi niya. Bahagya naman akong napalunok ng matitigan yun. Do you want me to kiss you again?”

A-anong kiss jan! Wala akong sinasabi nanahimik ako dito.” taranta kong singhal. Napatingin lang e apaka yabang din ng isang to.

Sarkastiko siyang tumawa. “You're the one who's staring my lips like you're craving for it.” nilapit nya ang mukha niya sa mukha ko. Di ako agad ako nakapagreact. “Just tell me if you want me to kiss you. I'm your Husband after all.seryosong bigkas niya.

Nang makapagreact ako ay inilayo ko ang mukha ko sa kanya at parang walang nangyaring sumubo ulit ng pagkain.

Babaliwin ata ako ng lalaking to..

Inis kong binitawan ang tinidor at padabog na uminom ng tubig.

“Are you okay?” tanong niya habang diretsong nakatitig saakin.

“Mukha ba akong okay ha!” singhal ko sa mukha niya pero mukhang wala lang naman sa kanya. “ I-i mean, I'm okay.” pagsuko ko at nagpabuntong hininga.

“Okay, finish your food. 15 minutes before your next subject.”

Bahagya naman akong tumango at pinagpatuloy ang pagkain ko. Nang matapos ay nagpresenta akong ako na na ang mag aayos ng pinagkainan namin at pumayag naman siya.

“Fix the trouble you spread, Noemi.” seryosong sabi niya sakin.

Napabaling ako sa kanya.“So? Ano gusto mo sabihin ko Akiro? Na asawa kita?” mariin kong tanong. Wala na akong pwedeng maisip na palusot maliban doon e, ano na ba ang gagawin ko!
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nasabi ko na e alangang bawiin ko pa. Ano gusto niya sabihin ko, tito ko siya? Sugar Daddy?

I don't know youre the one who informed that to them. Then, fix it with you and yourself.” huli niyang bilin bago ako iwan sa office niya.

Napasabunot naman ako sa sarili ko ng wala sa oras. Ako pa talaga! Ako pa!

Dali dali ko naman na tinapos ang pagliligpit at lumabas na rin doon.
Inayos ko muna ng sarili ko nang mapatingin ako sa salamin na kita ko kung gaano ka pula ng labi at pisnge ko. Ako pa talaga ang gusto ng halik e s'ya nga tong gigil na gigil. Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas narin ako doon.

Napangiti ako nang matanaw ko pa silang tatlo na nag uusap sa di kalayuan.

Dia is here na!” bulalas ni Euri ng makalapit ako.

“Wag mo nga siyang tawaging Dia. Narinig mo naman sabi ni Sir kanina diba!” saway ni Cj sa kanya.

“Why would i? E ikaw lang naman ang sinabihan na don't call her, Dia e.” maarteng sagot ni Euri sa kanya

A-ako lang ba?” umasta siyang nasasaktan. “My bad,”

“So, Dia. Okay lang ba kayo ng kuya mo? Ni sir? mukhang galit na galit siya kanina e.”  nag aalang tanong ni Sy. Na bahagyang kingulat ko naman. Ng Kuya mo. Paano ko pa mababawi e yun na nga pinaniniwalaan nila.

“O-o.. O-okay lang kami.” sabi ko at pilit na ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kinakabahan ako.

“Grabe parang nadagdagan kabaklaan ko kanina sa mukha ni Sir, jusko. Natakot aketch!” histerikal na sabi ni Cj at hinawakan ang dalawa niyang pisngi.

“Even me..he so scary kanina. I thought  nga masusuntok na si Cjnatatawang ani ni Euri.
Yun ang wag na wag n'yang gagawin.

Ganun ba talaga si Sir, Noemi magalit? Iba kasi yung dating niya pag nagagalit.” dagdag ni Sy.

Ganoon naman palagi yun e. Palaging galit.

G-ganoon lang talaga yun, masasanay ka nalang.” pigil kaba kong sagot.

Akmang magsasalita pa si Cj ng tumunog ang bell. Kaya dali dali kaming nag ayos ng gamit para makapasok na rin sa room. Buti at di na sila ulit nagtanong nang tungkol sa kanya.

Nakasunod ako sa tatlo nang may matanaw ako sa gate. Itong pwesto kasi namin sa canteen ay tanaw ang gate kaya kitang kita ko kung sino yun.

Si Akiro.

May kausap na tatlong lalaki pare-parehong naka itim na hood. At naka sunglasses.

Sino kaya ang mga yun?

Naningkit ang mga mata ko habang sinisipat kung sino ang mga yun. Yung dalawa mukhang pamilyar sakin pero? Sino kaya yun! Parang kilala ko e yung built ng katawan.

Akma akong hahakbang papunta roon nang...

“Dia! Tara na! Nasa room na daw si Ma'am.”  sigaw ni Euri sabay hatak sakin wala naman akong nagawa kundi magpatianod dito.

Sino kaya yung mga yun?

Hanggang sa makapasok ako sa room ay nag iisip parin ako kung sino ang mga yun.

NO. 54 Falling. Thanks for waiting. Kinda busy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top