CHAPTER- 37

«NOEMI's POV»

“Sabihin mo na, Dia.” atat na ani ni Cj.

Paano ko ba sasabihin to? Sasabihin ko nga ba ang totoo?

“Wag mo lang talaga sabihin na asawa mo siya ha! Nakoo! talaga, Dia!” bulong ni Cj na nakapagpagulat sakin.

Napansin niya naman yun kaya napatakip siya ng bibig. At nanlalaking mata akong tinitigan.

“Soooo?! totoo nga a-asawa mo siya?”

Mahinang bulalas niya kaya nadinig nila ni Sy at Eurika.

“Omemji, Dia?! Are you freaking kidding me?! H-he's your what?”_mahina din na bulalas ni Eurika.

“Dia? t-totoo?” nagugulat na tanong ni Sy.

Lumunok muna ako ng sunod-sunod at tumikhim. “H-Hindi ko siya a-asawa no!” pag d-deny ko. “A-ano ko s-siya....”

“Dia, c'mon tell us. Mapagkakatiwalaan mo kami.” sinsirong ani ni Sy.

Sunod-sunod naman na tumango ang dalawa at mas dinikit ang ulo sa noo ko. Na para bang excited na excited sila sa maririnig.

Pumikit ako ng mariin. “Si sir ano...” tumingin sila sakin. “K-kuya k-ko s-siya!” di sila makapaniwala na nakatingin saakin. “Oo, ganun nga! kuya ko s-sir.” pag uulit ko.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Sa salitang kusang lumabas sa bibig ko. Nagsinungaling ako.

“K-kuya mo si S-sir? Weee?! di nga?” di makapaniwalang ani ni Cj kaya kinabahan naman ako doon pero tumango parin ako.

“Kaya pala!” nagsususpitsa niyang tingin sakin. Maganda at gwapo kayo! Pwede mo ba ako ilakad kay sir? Siguro okay lang naman sayo na ako sister in law mo.” malanding ani ni Cj sabay hagikhik.

“I can't believe this, kaya pala he always want you on his office!” tulala na ani ni Euri.

“Ako din, di parin ako makapaniwala, Dia.” ani ni Sy.

“S-sorry kung di ko nasabi inyo n-natatakot talaga lang ako.”

“It's okay, Dia. We understand pero just promise this one to us.” sabi ni Euri.

“Just promise to us that no secret please.” dagdag niya.

“Di naman kami namimilit na sabihin mo agad  ang sekreto mo samin pero we will wait maghihintay kami ng oras kung saan ready kana sabihin samin. Pero kung something personal na yan, we will understand.” seryoso na ani ni Cj.

Nakita ko ang bahagyang pagyuko ni Sy. May naalala tuloy ako! Sila ni Zid! Sa parking lot nung nakita ko sila. Boyfriend niya si Zid.

“Kaya, Sy, bes! Baka gusto mo sabihin kung sino yung hot papi na naka sports car na sumusundo sayo.” nanunukso na sabi ni Cj.

“We caught you sneaking! And nakita ka namin! With that guy kissing on that car! And he's so handsome, smoking hot!” kinikilig na sabi ni Euri.

Nakita din nila naghahalikan ang dalawa? Inosente ng mukha ni Sy tas makikita namin na may kahalikang lalaki.

Tiningnan ko si Sy at kitang kita ang pagpula ng mukha  niya. Bakas din dito ang gulat at hiya.

“S-sorry ammmm.. Nakita niyo t-talaga?” nahihiya niyang tanong.

Tumango kaming tatlo at nagugulat akong tinitigan ng tatlo.

Nakita mo rin, Dia?” tanong  ni Sy.

“A-ah e-ehh, Oo. Sa parking lot ng bar d-diko naman sinasadya na makita kayong nag—alam mo na,” paliwanag ko. “May gig kasi kaibigan ko doon, pauwi na sana kaso ayun. paliwanag ko.

Nahihiya niya akong tinitigan. “Amm, actually may gig din siya doon that time siguro bandmate siya nung kaibigan mo.”

“Oo, actually kilala ko na siya Sy. Pinakilala siya sakin.” alanganin kong saad.

Pumikit siya ng mariin at nahihiyang nagmulat. “He's my boyfriend since i was 12.” pag amin niya na siyang kinagulat ko—namin nina Cj at Euri.

“He's your what? Boyfriend? 12 year's old?” nagugulohan na tanong ni Euri.

“Shunga! Boypren nga niya since 12 pa siya!” saway niya kay Euri.

“Pero sekreto lang yun. Hindi maganda ang relationship ng both parents namin.” bumuntong hininga siya. “Pag nalaman nila na may namamagitan samin, ilalayo nila kami sa kami sa isa't isa.”

Kinuwento niya saamin kung bakit ilalayo silang dalawa ni Zid kapag nalaman na may relasyon sila.

Hindi sila pwede ni Sy at Zid dahil sa magkalaban ang pamilya nila sa politika. Ang Mom at Dad nilang dalawa parati ang magkalaban sa pagka-mayor. Sa bawat halalan ay nangunguna ang dad ni Zid minsan naman ay mom ni Sy. Walang nagpapatalo sa kanila.

Kasalukuyan na dad ni Zid ang mayor ngayun. At malapit na ang susunod na halalan tatakbo ulit ang dad niya at ang mom ni Sy. Inshort magkalaban na naman sila. Ayaw daw nila na magkaroon ng connection sa isa't isa ang mga pamilya nila. Dahil nga sa magkalaban sila.

Hindi ko alam kung bakit dinadamay nila sina Sy at Zid sa ganun na usapin. Dapat kasi kung ano man ang public issue nila sana wag nila idamay ang anak nila. Yung mga anak nila na gusto lang naman magmahalan.

Naawa ko naman na tiningnan si Sy. Sobrang hirap siguro sa kanila na itago ang relationship nila. Yung tipo na gusto mong ipagsigawan sa mundo na siya yung mahal mo, yung tipo na gusto mong ipakita sa iba kung gaano mo siya kamahal pero hindi pwede kasi alam mo yung pwedeng mangyari.

“Sy, bilib ako sa inyo ng boyfie mo. Natiis niyo yang secret relationship niyo for all this years. Sobrang tagal niyo na pala.” di makapaniwalang sabi ni Cj.

“I don't imagine my self having a secret relationship, gosh.” sabi naman ni Euri na tila iniimagine ang sarili sa position ni Sy.

“Tama kayo sobrang hirap kasi...” malungkot siyang yumuko. Sa harap ng mga tao kailangan namin na magkunwaring di magkakilala kahit na miss na miss na namin ang isa't isa.” sabi niya ramdam namin na papaiyak na siya. “ Yung gustong gusto mo siyang yakapin pero hindi pwede. Yung gusto ko ipagsigawan kung gaano ko siya kamahal pero hindi din pwede.” sekreto niyang pinahid ang luha niya. S-sobrang hirap..” ani niya at mahinang humagulgol.

Dahil sa labis na emosyon wala ko siya sa sariling niyakap. Pakiramdam ko nasasaktan ako para sa kanila. Wala silang kalayaan na mahalin ang isa't isa.

“S-sy, alam ko kahit na patago lang yang namamagitan sa inyo pero kitang kita ko kung gaano niyo ka mahal ang isa't isa, Sy.” sabi ko sabay himas sa likod niya.

“Dont worry, Sy. Time will come na if everything is okay. You're going to tell to the world na that boy is the one you love. No one will judge, no one will stop you loving him.” seryosong sabi ni Sy.

“Kaya, Sy. Be strong i hope na sana dumating na yung araw na yun. We're excited to meet him!” nakangiting sabi ni Cj.

Kumalas siya sa yakap ko at tiningnan kaming tatlo.

“Sy, time will come na malalaman din nila. There's nothing wrong for choosing who make's you happy. Wala silang karapatan nadiktahan ka.” paalala ko.

Para sa isang tulad ko na diniktahan sa buhay, magpakasal sa murang edad. Alam kung pumayag ako sa ganitong set up pero hindi sila ni Sy. She deserves to be happy kasama ang taong mahal niya.

“S-salamat kasi naiintindihan niyo ko—yung sitwasyon ko.” sinsirong sabi ni Sy sabay pahid ng natitira niyang luha.

“What's friends for? Basta ipakita mo yang boypren mong pogi!” pabirong ani ni Cj.

“I will, sasabihan ko siya.” nakangiti na ani ni Sy.

Napalitan ng saya ang kaninang malungkot emosyon na bumalot saamin. Pero di ko parin maiwasan na makonsensiya. Ang unfair ko ba?

Sinabi ni Sy yung sekreto niya samantalang ako nagsinungaling sa kanila. Siguro pag dumating ang panahon na malaman nila ang totoo sana maintindihan nila kung bakit ko pinili na magsinungaling sa kanila at hindi sabihin ang totoo.

Naging matiwasay ang una naming klase, di parin nagsitigil ang mga estudyante sa pagbubulong bulong tuwing dadaan ako. Tama nga si Cj ako ang talk of the school.

Kasalukuyan kami na nasa canteen tapos na ang second period namin nagtaka ako kasi ibang professor ang nagturo samin. Si Sir Alexious kasi dapat yung prof. namin doon.

“4 day's rin si Sir Alexious na wala dito, Dia. I hear na nag file daw siya ng temporary leave dahil sa may importanti siyang aasikasuhin.” paliwanag ni Sy nang makaupo na kami sa pwesto namin.

“Alam niyo ba kung bakit mga bes?” usisa ni Cj may kaalaman na naman na ibabahagi samin.

“I don't know, i don't have any alam in that. We're not like you, you're so chismoso.” singit ni Euri.

“Hoy! Conyong hilaw nakikinabang karin sa chismis na nasasagap ko no!” bulalas ni Cj sa kanya.

“Whatever.” sagot ni Euri at umirap. “C'mon spill your chismis.” dagdag niya sabay ihip sa may kahabaang kuko niya.

“Aangal ka pa e, gusto mo rin malaman. ” ani rin ni Cj umirap din bago umupo ng maayos at bumaling ng tingin samin. “Ito na nga, nag leave daw si Sir kasi hinahanap niya yung anak niya.”

Bigla na lang pumasok sa isip ko yung araw na may nakita akong pt sa isang kahon na bitbit ko ng tinulungan ko si Sir. Yung pag iyak niya ng oras na yun. Kung gaano siya nasaktan ng nawala ang asawa at anak niya.

“Matagal na daw kasi si Sir na nagpapa imbestiga about sa pagkawala ng asawa at anak niya mga bes.” nagpalinga linga pa siya. “At boom! mga bes! alam na ni Sir kung saan nakatira yung anak niya. ” dagdag pa ni Cj.

Nakaramdam naman ako ng saya sa narinig. Maiibsan narin ang pananabik at lungkot ni Sir. Sana nga at mahanap niya na ang anak niya.

“Kaya pala he's not here.” malungkot na ani ni Euri. “He's my favorite teacher pa naman. In his age, in his appearance? I can't believe he already have a child. He's too handsome and looking young it's not obvious. ”

“Wala e pogi lang talaga si Sir. Pero kung sino man yang anak niya i know pogi o maganda din yun. And i hope mahanap din talaga ni Sir yun. ” ani naman ni Sy.

Magsasalita na sana ako nang may naramdaman akong bulto sa likod ko.

“Let's eat together.” rinig kong sambit niya mula sa likod ko.

“Uyy, Dia. Sabay daw kayo kumain ng kuya mo! ” bulalas ni Cj dinig na dinig sa buong canteen. Natigilan din ang mga kumakain at tumitig sa pwesto namin habang si Cj naman ay napatakim ng bibig.

“What did you just say, Gelleir?” tanong ni Akiro kay Cj. Gelleir kasi ang apelyido nito pareho sila ni Euri dahil magpinsan sila.

“S-sabay kayo kumain ni Dia sir? ” nag aalanganing sagot ni Cj.

“No, the last one. What's that again? I want to hear it. ”

“K-kuya? sir? ”

“Who told you that? ”

“Si Dia sir, ” sagot ni Cj sabay tingin sakin. “Diba? Dia? sabi mo kuya mo si sir? ”

“Kuya? ” slang na ani ni Akiro sabay pilit na tumawa. Diko maiwasan na mamangha tuwing magsasalita sita ng tagalog kahit isang word lang yun pero iba ang dating pag siya ang nagsabi. Naramdaman ko din na natigilan din ang mga estudyante sa canteen at sila din ni Cj.

Sasagot na sana ako nang magsalita si Akiro.

“In my office, Noemi. And explain this.” bulong niya sa tenga ko. Sinalubong ko ang matalim niyang tingin. Bakas ang inis doon. Namulsa siyang tumalikod at nagsimula ng maglakad.

Nahiya akong tumayo at tumango kina Sy bilang paalam bago sumunod kaya Akiro. Pero nagulat ako ng tumigil siya at tiningnan ang pwesto nina ni Cj.

“Don't call her, Dia. It's irritating. ” mariin na ani niya at diritsong nakatitig kay Cj. Wala naman sa sariling napatango si Cj kahit na naguguluhan.

Pagkatapos nun ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa office niya habang ako nasa likod niya lang nakayukong nakasunod.

Nang marating namin ang office doon na ako tinubuan ng kaba.

“Now, explain. ” seryosong utos niya parang isang hari nakaupo sa swivel chair niya, nakatukod ang dalawang kamay sa mesa at diritso, matalim na nakatitig sa direksyon ko.

Paano ko nga ba sisimulan to?

A/N: No. 607 Student


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top