CHAPTER- 35
«NOEMI's POV»
Nakalipas na ang dalawang araw, at yes! makakauwi na ako. Kasalukuyan akong tinutulongan ni Akiro sa pagliligpit ng gamit ko nasa labas kasi sila ni Ken at Keira naghihintay.
“Let's go.” aya niya saakin sabay bitbit ng bag habang hawak ang bewang ko. Bahagya naman akong nahiya sa inasta niya.
Mabigat yung dala niya aalalayan pa ako, ayos na naman ako e.
“O-okay na ako, kaya ko na.” mahina kong sabi sa kanya habang binabaklas ang braso niya sa bewang ko. Pero parang wala siyang naririnig, nilalayan niya ako at binuksan ang pinto.
Nang makarating kami sa parking lot agad na kumaway si Keira. Binilisan ko ang paglalakad at tumungo sa kanya.
“ Careful.” mahinang saway ni Akiro saakin.
Na excite talaga akong lumabas ng hospital, para kasing ang lungkot na nasa isang silid lang ako doon at walang kasama naalala ko tuloy yung nangyari saakin sa kamay ng dalawang lalaking yun.
Buti nalang at sinasamahan ako ni Akiro, dumederetso kasi siya dito pagkatapos ng klase niya at dini-discuss ang mga na missed kong lesson.
Naalala ko pa yung isang gabi na sinabi niya saakin na ipapasa niya na lang daw ako. Asawa naman daw niya ako. Like wtf? anong nakain niya?
*Flashback....
“Ang dami ko namang aaralalin, lahat ba talaga to!?” frustrated kong reklamo habang nakatingin sa mga reviewer na nilatag ni Akiro sa mesa. Tiningnan ko siya.
Tumaas ang sulok ng labi niya “ Yes, of course, ALL OF THAT.” may pang iinis na tono niya.
“Di pa kasama yung notes ni Sy dito ah?” sabi ko at tinuro ang mga reviewer na yun.
“ I told you, i'll let you pass to my sub—”
“ Wag nga, ano yun? absent ako ng tatlong araw tapos pasado pa ako?”
“I'm suggesting, it's for your own good.” kibit balikat niyang sagot habang naka pokus parin sa binabasang notes.
Diko na siya pinansin at inisa-isa na lang tiningnan ang reviewers. Grabe andami nito.
****
“Ate! mabuti at nakalabas kana! grabe na miss kita!” napabalik ako sa pag- iisip nang magsalita si Keira.
“Okay naman na, pwede na ako pumasok sa school.” sabi ko naman.
“Sure ka jan te? ayos kana talaga?” tumango naman ako. “Di ako naka bisita sayo kasi naging busy yung cheering squad namin e, may laban kasi yung Basketball Team namin.”
Kasama kasi si Keira sa cheering squad sa school namin noon. Inaya niya nga ako dating sumali doon kaso umayaw ako, di ko kasi hilig.
“ Doon ba gaganapin sa school niyo yung game?” curious kong tanong.
“Oo te, tatlong school yung pupunta sa school maglalaban laban then bawat isang mananalo sa isang game papasok sa finals, kaya magiging busy kami this days.” sabi niya at sumimsim ng milktea.
“Kailan yun gaganapin? Baka makapanood ako.”
“Sa monday pa naman, te.”
“Si Ken sasali ba? nagbabasketball din yun diba?” sabi ko sabay turo kay Ken na nasa isang tabi habang may kausap sa telepono.
“Pass daw siya ngayun may practice sila nang kanta ni Kuya Ethan vocalist siya e, Kaya yung tatlo lang ata yung sasali si Kuya Zid, Kuya Aquel. Si Kuya Haze yung pumalit kay kuya, gusto mo te?” sabay alok niya ng milktea. Umiling lang ako, kakainom ko lang din naman ng gatas e.
“Mi!”
Napalingon kami ni Keira nang tinawag ako si Ken.
Nakangiti niya akong sinalubong ng yakap.
“Ken, di ako makahinga.” ungot ko.
Agad niya naman akong pinakawalan at pinagmasdan ang mukha ko.
“Buti naman at ayos kana, pasensya na at di ako nakabisita. Busy ako sa practice namin.”
“Okay lang, andito naman kayo e.”
“Saamin kana sumabay.” aya niya.
“Si—”
“No, she will come with me.” madiin na ani ni Akiro. “Now get in, WIFE. Remember you have a lot of papers to review at home.” baling niya saakin.
Nakita kong kinuyom ni Ken ang kamao niya at huminga ng malalim. Habang si Akiro ay matatalim ang pagkakatitig niya kay Ken. Ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa.
“Ay! sayang naman te, sige bisita na lang kami sa inyo!” basag ni Keira sa katahimikan.
Bumaling ng tingin si Ken saakin.“S-sige mi, bibisitahin na lang kita sa bahay niyo. Ingat text ka pag nakauwi kana.” malumanay na ani niya.
Nilapitan niya ako at akmang hahalikan sa noo nang..
“Kissing her in front of me huh?” madiin na ani Akiro habang matalim na tinititigan si Ken.
“If you don't want to see then close your eyes.” marahas na ani ni Ken.
“F-CK YOU!” sigaw ni Akiro sabay tulak kay Ken at kinuwelyuhan.
“KUYA!” tarantang sigaw ni Keira.
“Tama na, Akiro!” sigaw ko nong akma niyang susuntukin si Ken.
“Kiss her again, and i will not hesitate to punch you twice than you expect. I don't care if who you are!” sabi niya at padarag na binitawan si Ken, bumaling sya saakin. “Get in, now.”
Inalalayan ko si Ken na makatayo.
“K-ken, sorry talaga diko alam na —” malungkot na ani ko.
“Okay lang mi, wag ka mag alala. Sige na pumasok kana i-text mo ako.” mahinahong ani niya.
“Ate, text na lang kita kapag may ticket na, ako na bahala. Pumasok kana sa kotse mo baka magalit naman yung asawa mo. Nakakatakot.” sabi ni Keira at palihim na sinulyapan si Akiro na nasa kotse halukipkip na pinapanood ang galaw namin.
Nagpaalam ako sa dalawa at pumasok na sa kotse. Dala niya yung sports car niyang itim, akala ko dadalhin niya naman yung duccati niya.
Buong biyahe kaming tahimik diko na siya inabala pang kausapin dahil alam kong galit siya.
Ilang oras lang ay nakarating na kami sa bahay, walang imik niyang kinuha ang mga gamit ko at inalalayan ako na bumaba sa kotse. Agad na sumalubong saamin si Lory.
“ Ma'am! buti at nakauwi na kayo!” anas na niya sabay kuha ng gamit kay Akiro, pero umiling lang si Akiro at nauna ng pumasok sa bahay.
“Ma'am, nabalitaan ko ang nangyari sa iyo, ayos kana ba? Ma'am?”
“Okay na ako Lory, ikaw kamusta?”
“Ayos man Ma'am, mejo malungkot lang noong nabalitaan namin iyong nangyari sa iyo, sobrang nag alala kami, Ma'am. malungkot na ani niya “buti at nakauwi kana at maayos na ikaw! namiss kita, Ma'am!” sabi niya at niyakap ako.
Niyakap ko din siya pabalik, masaya ako dahil may mga taong nasa paligid ko na nag-alala saakin. Tulad ni Lory parang nanay ko na siya.
“Namiss din kita, Lory, pasensya na at pinag alala ko kayo. ”
“Okay na, Ma'am basta andito kana.”
Sabay kaming pumasok sa loob, ganoon parin ang bahay tahimik, malinis, walang pinagbago.
Nakita ko si Akiro na nakasalampak sa sofa, bahagya pa akong nagulat nang mahuli siyang nakatitig saakin. Pero parang wala naman siyang paki kahit alam niyang nakikita ko siyang nakatitig saakin.
Yung titig niya nakakalambot ng tuhod. His Blue piercing eyes is looking intently at me while clenching his jaw. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin para bang sinasabi niyang may ginawa akong kasalanan.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at sumimangot. Galit ba siya dahil sa nangyari kaniba? Wala ba siyang ideya kung ano ang epekto ng walang hiya niyang pagtitig saakin. Pwede niya naman akong prankahin at sabihin ang kasalanan na ginawa ko, hindi yang tinitigan niya ako ng masama. Kinakabahan tuloy ako sa review namin mamaya.
“Ma'am? Sir?” basag ni Lory sa matahimikan. “Gutom na po ba kayo? maghahanda na ako ng pagkain.” panghihingi niya ng permiso.
Tumikhim ako. “O-oo Lory, gutom na ako. Samahan kita maghanda.” pina normal ko ang boses para hindi mahalata ang kaba ko.
“Okay lang Ma'am, kami na ni Jessa. Magpahinga ka na lang muna kakarating niyo lang.” binigyan ako ng magiliw na ngiti bago binalingan si Akiro mula sa gilid ng mata ko, kita ko ang walang hiyang pagtitig niya. “Ikaw? sir?”
Heavily sighed and nooded, para bang problemadong- problemado.
Nagpaalam na saamin si Lory para makapaghain na. Kaya naiwan na lang kaming dalawa dito. Awkward..
“S-sge, sa kwarto lang ako.” nag aalanganin kong paalam at tumalikod na.
“Don't do it again.” mautoridad niyang sabi.
Nagtataka ko siyang binalingan ng tingin.
“W-what?” tanong ko.
Nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko at hatakin yun. Kaya diritso akong napaupo sa kandungan niya.
“Don't let any man kiss or touch you. If you don't respect me as your professor, i will understand it.” nahihirapan niyang ani. “_B-but atleast respect me as your husband.” at pinatong ang baba sa balikat ko na siyang kinagulat ko.
Normal ba na ganito ang maramdaman ko. Kinapa ko kung nasaan ang puso, ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok nito.
“I'm sorry.” mahinang bulong niya.
“P-para s-saan?” utal na tanong ko.
“That day, almost something happened to you because of the two bastards. If I hadn't just fought you, you wouldn't be in that situation.” sinsirong ani niya.
Ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa balat ko. Dahil sa naka sleeveless ramper lang ako.
Yumuko ako na mapagtanto ang sinabi ko sa araw na yun. S-sana kung sumama ako sa kanya non, di naman mangyayari yun saakin. May kasalanan din ako.
“ I'm sorry din, kung sana sumama lang ako sayo—”
“Shh, it's not your fault, it's mine.” putol niya. “I will never let that happened again.” parang may humaplos naman sa puso ko ng marinig yun.
Nagugulat ko siyang tinitigan. Anong nangyari sa walang modo na Akiro, walang paki at walang emosyon. Naninibago ako sa inaasta niya.
Sa ganitong posisyon amoy na amoy ko ang pabango at hininga niya. Mint. Kitang kita ko din ang mga features ng mukha niya. Ang makakapal niyang kilay, at mahabang pilik mata. Ang singkit at asul mata niyang na mapungay na nakatitig saakin. Maraming emosyon akong nakikita roon na ngayun ko lang nakita. Dati kung titigan mo ang mata niya, wala kang makikitang emosyon ni saya, galit, pag aalala. P-pero ngayun kitang kita kona.
Gustong- gusto kong haplosin ang mukha niya, gustong- gusto ko damhin ang mukha niya. Asawa ko ba talaga ang lalaking to?
“Ma'am, Sir handa na ay!” gulat na ani ni Lory.
Napaalis naman ako sa kandungan ni Akiro at umupo sa tabi niya. Binalingan ko ng si Lory at kita ko ang malisyosyang pagtingin niya.
Kinakabahan akong tumayo at lumapit kay Lory bago si Akiro binalingan.
“K-kain na tayo.” aya ko.
Tumango lang siya at suminyas na susunod siya.
*****
Tahimik lang kami sa hapag kainan pansin ko ang paminsan- minsan niyang pagsulyap.
Patapos na kami kumain ng magsalita siya.
“Let's go to the pool to review later, bring all the reviewers we haven't finished yet.” sabi niya at pinunasan ang gilid ng labi niya.
Pansin ko din na ayos ang plato niya, ubos na ubos yun. Walang bahid ng mga natapon na pagkain sa puwesto niya. At maingat na binalik ang kutsara.
Isa sa mga napansin ko kay Akiro ang pagiging malinis at organisado niya. Ayaw na ayaw niyang may natatapon na pagkain kahit maliit lang na butil ng kanin yun.
Ayaw niya sa marumi at di organisadong lugar. Parang nag iiba ang modo niya.
“Sige, susunod ako.” sabi ko.
Tumango lang siya at suminyas na aakyat sa kwarto niya.
Tiningnan ko ang plato ko bago napasimangot ako. Marumi ako kumain maraming tapon sa gilid at maraming tambak na ulam. E ano naman gutom ako e.
Na ng matapos akong kumain umakyat na ako sa kwarto na suot lang ako ng Oversized Shirt at Cotton Short bago kinuha lahat ng ire-review kong notes. At tinungo ang pool.
Agad ko naman nakita si Akiro na kumportabling nakaupo sa isang upuan na nasa gilid ng pool. Naka white v-neck shirt siya at sweat pants, may suot din siyang specs. Seryoso ang mukha niya habang nagbabasa.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya. Napatigil siya sa pagbabasa at pinasadahan ako ng tingin. Tumigil ang titig niya sa dala kong notes.
“Is that all we need review?” tanong niya sabay baba ng hawak niyang papel.
Tumango naman ako pinakita sa kanya.
Tinulungan niya akong mag review yung mga di ko alam na topic tinatanong ko sa kanya. Pagkatapos kong magbasa ng notes ay magtatanong niya saakin tungkol sa topic.
Parang kakaiba tong araw na to, ito yung araw na magkasama kami buong gabi. Nag uusap ng normal at hindi nagbabangayan.
Diko alam kong ano ginagawa ni Akiro saakin. Pero ramdam ko nahuhulog na ako sa kanya...
A/N: No. 29 Falling!
Happy Bestfriends Day sa inyo and sa Characters natin Kenzo and Noemi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top