CHAPTER- 34
«KEN's POV»
Tahimik ko lang na pinagmamasdan si Mimi habang tulog. Kanina lang ay ayaw pang matulog. She keep asking kung bakit kami nag away ng mayabang niyang asawa.
*FLASHBACK.
Pagkapasok ni Mimi sa loob ng CR ay bumalik ako sa lamesa para linisin ang kalat at magligpit. Inayos ko rin ang kama ni Mimi para makapagpahinga na siya at makatulog pagkalabas niya ng CR, Nang may biglang pumasok bahagya pang nanlaki ang mata nito at naka awang pa ang labi.
“G-good A-afternoon, Sir. Kayo po ba ang husband ni Mrs. Cazzaro?” tanong niya at nahihiyang nakatitig saakin.
Binalingan ko muna ng tingin ang lalaking nakapikit at nakadekwartong panlalaki sa gilid ng kama. Tulog ata.
Bumuntong hininga ako bago ulit harapin ang nurse. Wala naman ako sa sariling tumango.
Diko alam kung anong nangyare saakin na napatango ako.
“S-sir, iiwan ko po sana sa inyo yung gamot ni Ma'am, inumin niya po yan pagkatapos kumain.” I nodded.
May diniscuss pa siyang iba nakinig lang ako hanggang sa nagpaalam na siya.
Nang lumabas ang nurse pinagpatuloy ko ang pag aayos nang biglang may nagsalita.
“Husband huh?” sarkastikong ani niya “What a caring husband, are you?” nang iinis niyang tanong habang nakapikit.
Huh? Akala ko ba tulog siya?
W-wag mo sabihing gising siya kanina?
“Bakit? Kailangan paba na maging asawa ko siya para maalagaan lang siya? I'm gonna take care of her asawa man ako o hindi.” kalmadong kong sagot at umupo sa sofa.
“I didn't say anythi'n as if i'll let that happen, we both know i'm the husband here, so stop pretending that you are.”
“I thought you're slee—”
“I'M NOT, and if i'm you can wake me up.” madiin niyang sabi at nagmulat na ng mata.
Magsasalita pa sana ako nang nagsalita siya ulit.
“I can't believe that my WIFE” diin niya sa huling salita“ has a liar B.E.S.T. F.R.I.E.N.D.”
Naiinis ko siyang nilingon.
“Hindi ko nga alam na gising k—”
“YOUR ASS! pretending bullshit!” putol niya.
“Pretending? sabi ko ngang akala ko tulog ka kaya ako—”
“ But i'm her husband! And it's my job to take of her! You don't have to do it!” tumayo siya at maangas akong tiningnan “ How would i take care of my wife anyway if your here trying to steal my job from me!”
“ALAM MO! KANINA KAPA HA!” naasar kong sigaw, tumayo ako at hinarap siya.
Kanina pa to e! nagpapaliwanag naman ako puta!
“ASAWA KA SA PAPEL! WE BOTH KNOW IT! CONCERN KA LANG SA KANYA DAHIL DOON!” sa sobrang inis ko hindi kona alam ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.
Tumaas ang sulok ng labi niya “As long as i'm her husband in f-cking paper don't act that your the caring husband here, remember your place, Ahh what are you? let me think huh?” at umaktong nag-iisip “ A f-cking caring brother either....... BEST FRIEND?”
That's cross my line..
***
Sa sobrang inis at pikon ko sinuntok ko na napaka-yabang.
Natigilan ako nang mag ring ang Phone ko.
Aquellis Calling....
“Hello.” sagot ko habang nakatitig parin sa mukha ni Mimi.
[ Hello! pre! may gig tayo mamaya 8:00 pm! punta ka na daw sabi ni Lawa!]
“Okay, I'm coming. ”
[Bastos mo pre! anong coming ha! nagja—]
“Sabi ko papunta na ako, ge!” sabi ko sabay baba ng telepono.
Napailing na lang ako kadumihan ng utak ni Aquel.
Akma kong papatayin ang phone ko nang may tumawag ulit. Unregistered number yun nagdadalawang isip pa akong sagutin pero sinagot ko na lang baka si Lake.
“Hello.”
[Hello, Ken iho! ako ito si Aling Menda niyo yung pinagbentahan niyo ng lote dito sa Batangas.]
“Hello po, Aling Menda ba't napatawag ho kayo?”
[Ken, nako! pasensya na kung nakaistorbo. Pumunta kasi naman ang mga lalaki dito at kinukulit ako kung nasaan na daw ang unang tumira dito.]
Napatiimbagang ako bago nakasagot ulit.
“Ano ho bang sabi sa inyo?”
[Kung ano daw pangalan ng unang tumira dito at pinakita yung picture ng iyong Mama, e wala akong tiwala kaya diko sinabi ang pangalan mo at sinabi ko ding di ko kilala ang iyong nanay.]
Nakahinga naman ako ng maluwag.
“Salamat ho, Aling Menda wag po sana nilang malaman. Kamusta na ho kayo jan?”
[Makakaasa ka, Maayos lang din naman. Kailan ba kayo papasyal dito? ]
“Mabuti naman ho, pasukan pa ho dito sa amin baka matagalan pa ulit bago kami makadalaw dyan.”
[Sayang naman, Ay, Ken may naghahanap pa pala dito.]
“Sino naman ho, Katulad ba nung mga nauna?”
[Hindi e mag isa lang daw kasi yun, lalaki daw e, mukha daw titser nagtatanong tanong may pinapakita din na litrato, sayang lang at diko nakita ang litrato kasi di ko na abutan si Tanny lang nasa bahay noong pumunta e.]
Sino naman kaya yun?
“Baka iba ho yung hinahanap.”
[Baka nga, ah sige ibaba ko na to. Mag ingat kayo ni Mimi, Keira jan ha!]
“Oho kayo din.” sagot ko sabay baba ng linya.
Kahit mahanap pa nila ako, di ako sasama sa kanila. Nabuhay kami dati Nanay na kami lang at wala ng tulong nila ngayun pa kaya. Kung gusto niya talaga akong mahanap sana dati pa, dati pa noong bata pa ako, na gusto ko pang makita ang totoo kong tatay. But now i'm not that kid anymore. I want don't want to be part of their family. Hinding hindi.
Binalingan ko ng tingin si Mimi na tulog na tulog pa din. Hinalikan ko siya noo bago lumabas.
Maybe i'm not your husband but i will always here for you. I will take care and love you na hindi kayang ibigay at gawin asawa mo.
«NOEMI's POV»
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nilibot ang paningin at wala sa sariling napasimangot. Kanina lang dami kong kasama dito tapos ngayun mag-isa na lang ako.
Dahan dahan akong tumayo at nag inat napaigik pa ako nang maramdaman ko pa ang sakit sa ulo ko.
Tinungo ko ang mesa at uminom ng tubig. Habang umiinom ako sumagi sa isip ko ang nangyare kanina. Ano kaya ang pinag awayan nila?
Naiwaksi ko ang iniisip ko nang mapansin ang isang supot na nasa dulo ng mesa. Dala yun ni Akiro kanina.
Binaba ko ang hawak kong baso at kinuha yun. Isa iyong maliit na Tupperware. Teka? Tupperware to sa bahay e.
Binuksan ko yun at tumambad saakin ang ..T-teka Carbonara? Siya ba nagluto nito? Kanina lang to e siguro di naman to panis.
Kumuha ako ng kutsara at tinikman yun. Infairness masarap. Tahimik lang ako na kumakain nang bumukas ang pinto ng banyo.
Umawang ang aking labi kasunod ng pag lunok ko nang makita si Akiro na walang suot pang itaas basa pa ang magulo niyang buhok at may nakasukbit na tuwalya sa leeg niya. At isa pa shit! nakaboxer lang siya dahilan para mabulunan ako.
Sunod sunod ang ubo ko nang bigyan niya ako ng tubig.
“Be careful while eating, no one will take your food.” naiinis niyang singhal sakin habang hinaplos haplos ang likod ko. Kung alam mo lang na ikaw ang dahilan nito.
Diko siya sinagot at ininom na lang ang tubig bago sa balingan ng masamang tingin.
“M-magbihis k-ka n-nga!” naiinis kong singhal at umiwas ng tingin.
“Why? You've seen it already.” inosente niyang saad.
“You want me to remind you, how many times you've seen it baby, hmm?” narinig kong bulong niya sa tenga ko habang nakatalikod ako na siyang nagpatindig ng balahibo ko. Aba't ang kapal.
Naiinis ko siyang nilingon pero natigilan ako nang may maramdaman na malambot na bagay na dumampi sa labi ko. At labi yun ni Akiro.
Tinitigan ko si Akiro nakita ko ang paglaki ng maliliit at singkit niyang mata bahagya din namumula ang tenga niya.
Dahil sa gulat wala ko siya sa sariling naitulak, doon naman siya natauhan tumayo siya at umiwas ng tingin, kita ko parin mula dito ang bahagyang pagpula ng tenga niya.
Dumeretso siya sa Cr bitbit ang nakatuping damit. Nang maisara niya ang pinto wala ko sa sariling hinawakan ang labi ko. Nagkiss kami. Pambihira pati ba naman yung second kiss ko!
Wala ako sa sariling subo subo lang ng subo ng carbonara. Habang iniisip ang nangyare kanina. Ang malambot at mainit niyang labi na nakadampi saakin.
Pakiramdam ko nang iinit ang pisngi ko habang naiisip yun. Umiwas ako ng tingin at pilit na tinatago ang pamumula ng pisngi ng lumabas si Akiro sa Cr. Nakasuot lang siya ngayun ng itim na shirt at khaki short kaya kita ang mapuputi at mahahaba niyang binti.
Bigla tuloy ako nainggit, wala ko sa sariling inunat ang binti ko at tiningnan yun bago tingnan ulit ang kanya. Sana ganyan din kaganda ang binti ko. Napanguso ako at bumuntong hininga.
“W-what happened earlier ... I'm sorry ... I didn't mean to...”sabi niya at umiwas ng tingin.
“O-okay lang, Aksidente lang yun.” mahinang ani ko.
“I know..but I'm still sorry.” habang may nilalabas sa bag niya “BTW, how's the carbonara?” pag iiba niya sa usapan.
“Okay naman, masarap.”
May binulong bulong pa siya bago bumuntong hininga.
“Eat, so that you can take your medicine.”
Sabay lapag niya ng kanin, pinakbet, chapsoy at iba't ibang prutas. Wala yung paborito ko. Napasimangot ako sa naiisip. Naramdaman niya ata ang panlulumo kaya nag angat siya ng tingin.
“There is no meat today, and eat those vegetables.” ani niya sa matigas na English “Eat that so you can recover quickly.” sabay lagay ng gulay sa plato ko.
Susubo na sana ako nang maramdaman kong nakatitig siya.
“I-ikaw? kumain kana ba?” mahinang tanong ko.
Umiling naman siya.
“Sabay na tayo.” aya ko.
Aayaw pa sana siya kaso nagsandok na ako ng kanin at ulam sa plato bago nilapag sa harap niya.
Wala naman siyang nagawa kundi kainin yun. Tahimik kaming kumakain paminsan minsan nag uusap tungkol sa klase yung mga na missed kong lesson.
Sabi niya naman ay bibigyan niya ako ng reviewer para sa subject niya. At sa ibang subject pwede naman ako humiram kina Sy ng notes. Kaya sobrang laki ng ngisi ko pagkatapos kumain. Pinainom niya ako ng gamot at binantayan hanggang sa makatulog.
Ang saya ng Araw na to.
A/N: No. 20 Falling!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top