CHAPTER- 3
That Professor Is My Husband
Nasa labas ako ng mansyon namin ngayon, inaayos ang shoelace ko upang mag-jogging kasama ang aso kong si Tasha. Almost three years na rin akong nakatira dito kina Lolo. Si Lolo, ayun, may sakit pa rin siya, pero hindi naman namin siya pinapabayaan—alagang-alaga siya namin, at madalas ako ang nag-aalaga sa kanya. 17 years old na ako at isang linggo na lang ay debut ko na, at simula rin ng aking first year sa college.
Habang nag-aayos ako, lumabas ang kotse ni Mommy sa harap ko. Sigurado akong papunta siya sa office.
"Hey, Pretty! Take care ah! Uwi ka ng maaga!" sabi niya.
"Yes, Mom. Ikaw din." Sagot ko, sabay kaway.
Pagkatapos noon, tuluyan nang umalis si Mommy. Nakasanayan ko na siyang tawaging Mommy, at minsan, napagkakamalan nga kaming mag-ina kasi magkamukha kami. Hindi niya ako tinuring na pamangkin lamang, kundi tinuring niya akong parang tunay niyang anak.
Matapos kong ayusin ang sapatos ko, nagsimula na akong tumakbo. I was wearing a simple hoodie, fitted leggings, and white rubber shoes. Sa isang kamay ko ay hawak ko ang tali ni Tasha. Si Tasha ay isang Catalan Sheepdog, isang breed ng aso na galing din sa Spain.
Habang tumatakbo ako, nakaramdam ako ng uhaw, kaya naisipan kong dumaan sa isang department store para bumili ng tubig at makakain na rin.
"Magandang umaga po, Ma'am Noemi, pero bawal po ang aso sa loob kaya pasensya na po," sabi ng isang guwardiya.
"Saan ko po pwedeng iwan ang aso ko? Wala bang lugar dito?" tanong ko.
"Dito na lang po siguro sa amin, Ma'am. Iitatali ko na lang po siya," sagot niya at nilingon ang paligid para maghanap ng pagtatalian.
"Saan po itatali?" tanong ko.
"Wala po akong makitang pagtatalian, Ma'am. Babantayan ko na lang po muna siya," sagot niya.
"Oh, sige po. Manong, pabantay na lang po," sabi ko.
"Sige po, Ma'am. Pasok na kayo, ako na ang bahala sa aso niyo," sagot ng guwardiya.
Binigay ko si Tasha sa kanya at tuluyan nang pumasok sa store. Pagkapasok ko, bumili agad ako ng tubig, energy drink, at iba pa nang may nakabangga ako.
"Sorry, miss," paumanhin niya sabay pulot ng mga nahulog kong pinamili.
Habang pinupulot niya, yumuko din ako para tulungan siya. Pagkatapos noon, sabay kaming tumayo at nagkasalubong ang tingin namin.
Makakapal na kilay, makinis na mukha, matangos na ilong, chocolate brown na mga mata, at mapupulang labi. Saglit din kaming nagtitigan.
"C'mon Hiro, we're going to be late!" sigaw ng isang baritonong boses mula sa labas.
"Again, sorry miss! See you next time. By the way, I'm Hiro and you are?" tanong niya sabay lahad ng kamay.
"I'm Noemi," alanganing sagot ko, at tinanggap ko ang kamay niya.
"Nice name! Bye, Noemi! Take care!" sabi niya sabay takbo sa labas.
Sumunod naman ako para magbayad sa counter. Nasa entrance pa sila kaya sumilip-silip pa ako.
"What took you so long, Hiro?" tanong ng isang lalaki, na sa pagkakaalam ko ay siya ang tumawag sa kanya.
"Sorry, Kuya! I just helped a girl I accidentally bumped into," sagot ni Hiro.
"Is that so? Then let's go," sagot ng kuya niya.
Hindi ko na pinansin pa dahil natapos nang i-count ang pinamili ko. Pagkatapos kong magbayad, lumabas na ako at naabutan ko ang guwardiya na humahangos.
"Bakit po? Nasaan na po ang aso ko?" nag-aalalang tanong ko.
Hinarap niya ako at medyo kinakabahan.
"Ma'am, k-kasi nagpatulong yung isang customer tapos iniwan ko muna siya diyan," turo niya sa isang gilid. "Nakahiga lang po siya diyan, tapos pagbalik ko, wala na po, Ma'am. Pasensya na po, hahanapin ko po siya," paliwanag ng guwardiya.
Nag-alala ako ng sobra. Baka ano mangyari kay Tasha.
Taranta akong lumabas at chineck ang bawat sulok, pati parking lot, pero wala pa rin.
"Ma'am, pasensya na talaga," sabi na naman ng guwardiya.
"Hanapin na lang po natin siya," malamig kong sagot. Tumakbo siya sa kung saan-saan para hanapin ito.
Aligaga na rin ako kakahanap sa kanya, sobrang nag-aalala na.
Naglalakad ako pabalik ng parking lot nang may nakita akong lalaki na may hawak na aso at mukhang may tatawagan. Tasha!
Agad-agad ko itong tinakbo.
"Tasha! Hello! Aso ko po 'yan!" sabi ko, hingal na hingal.
"What do you want, miss?" tanong ng lalaki.
Hindi ko pa rin siya tinitingnan dahil naka-focus ako kay Tasha na hawak niya.
"Yung aso ko po sana. Nakawala lang siya kanina, iniwan ko lang siya sa guard," sabi ko, nagmamadali.
"Then, give me proof, miss," sabi niya.
Kinuha ko ang necklace ko na may pangalan at ipinakita iyon.
"Oh, that?" sabi niya, sabay iling na parang hindi naniniwala.
"Aso ko po 'yan! Tasha ang pangalan niya, i-check niyo po ang dog tag niya!" sabi ko, medyo naiinis na.
Bakit ayaw maniwala ng lalaking ito?
"Please, aso ko po 'yan!"
"No, and I'm not convinced yet," sabi niya.
Hinahanap ko ang phone ko sa bulsa. Shit! Naiwan ko pala sa bahay, doon sana yung picture ni Tasha. Nakakainis.
"Wala akong phone, pero ako ang amo niya. Aso ko 'yan, ibalik mo!" sigaw ko, pigil ang galit.
"Then that's not my problem. I will call the Security Office if you don't have any strong proof that this dog belongs to you, miss," sagot niya nang kalmado habang nagti-type sa phone niya.
"Nooo..." sigaw ko.
"Kuya?! What's wrong?" tanong ng isang lalaki na pamilyar ang boses.
Tumingin ako at napagtanto kung sino—si Hiro.
"Hey! Noemi, right?" tanong niya. Tumango ako. "What's the matter?" tanong niya.
"Kuya mo 'yan?" tanong ko, sabay turo sa lalaking iyon.
Tumango siya kaya pinagmasdan ko ang lalaki. Matangkad din ito, maputi, makinis din ang balat, matangos din ang ilong, mapupulang labi. Sinulyapan ko siya at di ko mapigilan na titigan ang singkit niyang mga mata. Bahagya pa akong nagulat nang salubungin niya ang titig ko. Meron siyang asul na mata, unlike kay Hiro na chocolate brown ang mata.
Napairap ako sa hangin. Mukhang mabait naman si Hiro, pero mukhang masama ugali ng kuya niya.
Maya-maya, dumating ang guwardiya. Senyasan ko siyang lumapit at lumapit naman siya.
"Manong, paki-inform nga sa kanya kung kaninong aso 'yang hawak niya?"
Lumapit naman ang guwardiya sa lalaki.
"Sir, kay Ma'am Noemi 'yang aso. Ako po nagbabantay kanina, nakawala po. Pasensya na po," sabi ng guwardiya sabay kamot sa batok.
Tiningnan ako ng lalaki. Tinaasan ko siya ng kilay at binigay niya ang aso sa akin.
"Strong proof pala, ah," sabi ko sa sarili ko.
Kinuha ko si Tasha at hinimas-himas ang balahibo nito.
"Come on, Kuya! Lolo might be at the airport na!" sabi ni Hiro.
"Yeah, let's go," sagot ng kuya niyang tinatawag na Akiro. Parang walang nangyaring aberya, sumakay na lang sila sa kotse nila.
Napagpasyahan ko na din maglakad palayo, bitbit ang mga pinamili ko at si Tasha. Nang biglang huminto ang kotse nila sa gilid ko.
"See you next time, Noemi," pahabol ni Hiro sabay kindat, at tuluyan nang umalis ang kotse.
Pagkatapos ng lahat ng nangyari, umuwi ako at agad na pinahinga si Tasha. Grabe, kinabahan ako kanina, akala ko pa naman mawawala na siya. Pero buti na lang, nahanap ko siya agad.
Nagpahinga saglit, tapos nagligo na ako. Papunta ako sa dining nang makasalubong ko si Nurse Joy, ang caregiver ni Lolo, na may tray ng pagkain.
"Ah, Nurse Joy, ako na po muna magpapakain kay Lolo. Pwede ka nang magpahinga," sabi ko, sabay kuha ng tray mula sa kanya.
"Okay po, Ma'am," sagot niya, tumango at naglakad papalabas.
Pumasok ako sa kwarto ni Lolo, na mukhang bagong gising. Nasa kama siya, nakasuot ng puting pajama, at halatang maayos na ang kalagayan niya dahil araw-araw siyang nilalabas para magpahinga sa araw.
"Time to eat, Lolo," sabi ko, sabay hinalikan ang noo niya.
"Nasan si Nurse Joy?" tanong niya.
"Oo nga, ako muna magpapakain sa'yo," sabi ko sabay ngiti.
Habang pinapakain ko siya, nagkwentuhan kami tungkol sa debut ko at sa plano ko sa kolehiyo. Sinabi ni Lolo na magiging maayos lahat.
Tinanong niya rin kung miss ko ba si Mama. Sobrang miss na miss ko siya.
Pagkatapos kumain, sinabi ni Lolo na darating si Lolo Ayoshi, ang business partner nila, bukas. May dinner daw sila at gusto niyang makilala ko ang pamilya ni Ayoshi.
"Okay po, Lolo," sagot ko, sabay halik sa pisngi niya.
Lumabas ako ng kwarto at tawagan si Mom. "Hello, Mom? May dinner ba kayo bukas?"
"Oo, baby. Dinner with Tito Ayoshi. 7:30 PM pa naman. Ipapasundo na lang kita," sagot niya.
"Okay po, I'll be ready. Ingat!"
Binaba ko ang tawag at nagsimula nang maghanda para sa bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top