CHAPTER- 26
«NOEMI's POV»
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa Classroom buti di pa nagsisimula ang klase. Agad kong tinungo ang upuan ko at pasalampak na naupo hanggang sa may kumalabit saakin.
"Dia? baket ka hiniram ni Sir?" tanong ni Cj.
Dapat ko bang sabihin? Bahala na.
"May pinaayos lang" walang modong sagot ko.
"Napapadalas ang pag papaayos ni Sir sayo ah! Ahemm" sarkastikong sabi ni Cj.
"Pinakain ka ba ni Sir ng Breakfast Dia?" tanong naman ni Sy.
"Oo" sagot ko.
"Are you okay Dia? Your eye is so red, did you cry?" nagtatakang tanong ni Euri.
Halata ba talagang galing ako sa iyak?
"A-amm..Napuwing lang ako" sabi ko sabay yuko.
"Are you sure?" nag aalalang tanong ni Euri.
Tumango lang ako at ngumiti ng pilit, napansin kong tahimik si Vio.
Maya maya'y dumating si Akiro bitbit ang mga libro niya. Umupo siya at nagsimula ng magcheck ng Attendance.
Nang matapos siyang mag check ng Attendance nagsimula na siyang mag discuss ng lesson. Tuwing magtatama ang paningin namin agad akong iiwas.
Natapos ang klase namin sa kanya ng matiwasay at hindi niya ako natatanong, pabor yun saakin pagkatapos ng sinabi niya sakin kanina, ayoko siyang makausap.
Nang mag lunch di ako pumunta sa office niya may inutusan pa siyang student para papuntahin ako doon ,pero di ako pumunta ayoko siyang kasabay at ayoko siyang makausap.
Ayoko ng mahusgahan, Oo, lumalaban ako sa mga humuhusga saakin pero masakit pa din.
"Dia, kumain ka gurl! Ni hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo" sabi ni Cj di tulad dati na tunog biro ngayun parang nag aalala na siya.
"Dia, sabihin mo saamin, What happened?" tanong ni Sy.
"Dia, We're friends here, mind telling us please, We're so worried almost 1 hour ka ng di nagsasalita please" nagmamakaawang sabi ni Euri.
Ramdam ko ang sakit ng mga pinagsasabi nila kasama na yung mga sinabi saakin ni Akiro.
"W-wala lang t-talaga to, mejo masama lang ang pakiramdam ko, don't worry" pagsisinungaling ko.
Mukhang di pa sila kumbinsido kaya nginitian ko sila. Nang matapos kaming kumain agad kaming pumasok para sa Next Period namin.
Kasalukuyan akong nasa labas ng gate para hintayin si Manong Tesyong nang makita ko ang Kotse ni Ken na huminto sa harap ko.
"Mi! tawag niya nang maibaba niya ang bintana ng Kotse.
Naka-uniform pa siya at may suot pa na specs, napansin ko din si Keira sa likod mukhang tulog.
"Ken!" tawag ko.
Agad siyang bumaba sa kotse niya at niyakap ko siya.
"Namiss kita Ken! Kayo ni Keira!" sabi ko habang nakayakap parin sa kanya.
Naramdaman kong bahagya siyang natigilan pero niyakap din ako pabalik.
"Namiss din kita" sabi niya pagka-kalas ng yakap niya sakin at hinalikan ako sa noo.
Bahagya ko pang narinig ang impit na tili nina Cj at Euri, at may mga mata din na nakatitig samin-kay Ken.
Ken is effortless handsome, kahit na white shirt lang at jogger ipasuot mo sa kanya pogi na siya. He's tall at maputi kaya mapagkakamalan mo talaga siyang model.
Hinatak ko si Ken papasok sa kotse dahil naiilang na ako sa mga nakatingin.
"May sundo ka?" tanong niya.
"Meron pero gusto ko sumama sa inyo namiss ko kayo e, ite-text ko na lang si Manong" sabi ko. "May gig kayo mamaya?" pag iiba ko ng usapan.
"Oo mi, doon pa din sa bar na yun" sabi niya.
Tumango lang ako sinulyapan ko si Keira na nasa likod at himbing na himbing ang tulog may earphones pa sa Tenga.
Kukunin ko sana sa bag ko ang earphones ko ng mag vibrate ang phone ko.
10 NEW MESSAGES
12 MISSED CALLES
From: AKIRO
Where are you?
From: AKIRO
I will pick you up, The car got a problem.
From: AKIRO
I'm waiting here right now!
From: AKIRO
Damn it! answer my call!
Answerin mo mukha mo!
Pinatay ko na ang Phone ko at sumandal sa upuan.
"Sino yun mi?" tanong ni Ken.
"Classmates?" pagsisinungaling ko.
Tumango lang siya at pinagpatuloy ang pag di-drive sinabi niya saakin na kailangan nilang umuwi muna para makapagbihis.
Pagkarating namin sa bahay ginising kona si Keira, nagulat pa nang makita ako.
"Ate! di mo naman sinabi na sasama ka pala sa amin" sabi niya habang nagkakalkal ng damit na hihiramin ko.
"Paano ko sasabihin e tulog ka?" inosenteng sagot ko.
Sumimangot niya at pinakita saakin ang isang Croptop Sweater at isang High Waist na maong pants. At isang brown na cognac booties.
"Okay na ba to ate? di ko pa yan nasusuot eh, masyadong mahaba saakin" sabi niya.
"Okay lang" sabi ko sabay dampot ng damit at pumasok na sa CR.
Nang makapagbihis ako tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, it looks good to me, mas tumangkad pa ako at nagmature narin ang ibang bahagi ng mukha ko. Pero sabi niya bata lang ako.
Naglagay lang ako ng kunting lip tint, pulbo at nag spray ng pabango.
Nang makalabas ako hawak ni Keira ang phone ko.
"A-ate tumatawag yung Asawa mo" sabi niya.
Di ako uuwi bahala siya.
"Hayaan mo siya" sabi ko at kinuha ang phone sa kamay niya sabay patay nito. " Keira pwede pakisabi kay Manang Lucia pa laundry ng damit ko."
"Oo naman te, ipapasabay ko na rin akin at kay Kuya." sabi niya.
Sabay kami ni Keira lumabas sa kwarto niya, tiningnan ko ang Relo ko. 6:30 PM na pala.
Iniwan muna ako saglit ni Keira dahil dinala niya kay Manang yung ipapa-laundry.
Natinag ako nang may kumalabit saakin.
"Mi, kain ka muna" sabi ni Ken sabay lapag ng Chicken Wings.
Nakasuot lang siya ng Maong Jacket na may pang loob na white shirt at pinaresan ng Jeans at white snickers-simple but he looked good and handsome. I barely admire him like this before ewan ko napansin kong pumogi talaga siya. Matagal ko din siyang di nakita.
"Mi" pampupukaw ni Ken.
"Oh?"
"Kanina kapa nakatitig sakin, Why? you found me handsome huh?" nanunuyang tanong niya.
Kumuha muna ako ng chicken wings at kinagat ito bago magsalita.
"Actually, Oum, Pogi mo, may bago kang pinupormahan no?" pang aasar ko na tanong.
Bahagyang siyang nagtigilan pero napansin kong sumeryoso siya.
"Wala doon parin ako sa una, i'm hoping to have a chance with her kahit malabo" sabi niya sabay tawa.
Yun ba yung babae na liligawan niya sana pero may nakauna?
"Diba sabi mo may nauna na? baka sila na Ken, wag kana umasa masasaktan ka lang, ayokong nasasaktan ka Ken" sabi ko.
"Still hoping lang naman, malay mo diba- and still mi, I'm still hurting "sabi at mapaklang tumawa.
"I really adore and love her ever since, i'm just afraid to confess at her i don't want to ruin our friendship" sabi niya.
"Baket ka naman matatakot na mag confess Ken! Malay mo gusto ka din!" sabi ko at sumubo.
"Ayokong mailang siya saakin dahil alam niya ang nararamdaman ko sa kanya, It will be awkward for us, And then one day, at her special day i want to confess at her, p-pero nalaman ko na lang na-"
"May nakauna na sa kanya?" putol ko sasabihin niya.
I'ved cut him kasi alam ko magiging emosyonal lang siya, Ramdam na ramdam ko kasi ang saket na nararamdaman niya sa mga binibitiwan niyang salita.
"But still....i'm hoping that i can get her, pero kung wala na akong pagasa titigil na ako" sabi niya at pilit na ngumiti.
"Ken, you love her right?" sabi ko.
"Yeah, v-very much" sabi niya at deretsong nakatingin saakin.
"If you love her, let her go kung masaya siya sa taong yun, Then let her, pero kung alam mong she doesn't deserve him then go for it " sabi ko.
"I will" sabi niya sabay ngiti may binubulong bulong pa siya pwero di ko na nadinig dahil busy ako ngumatngat ng Chicken Wings.
Kumuha siya ng tissue at marahang pinahid ang gilid ng labi ko. Well i'm not surprised he used to that simula noong mga bata pa kami.
"You're such a messy eater mi"
Bahagya akong natigilan ng may naalala ako bigla. AKIRO.
Naramdaman ko na lang na nang iinit ang mata ko habang hawak ang pakpak ng manok.
"Mi? Okay ka lang bat ka naiiyak? may nagawa ba ako? Oh shit sorry " sabi niya sabay punas ng luha ko at niyakap ako.
"W-wala" yun lang ang lumabas sa bibig ko.
Bumuntong hininga lang siya bago ako inalalayan papunta sa lababo at hinugasan ang kamay ko at pinunasan.
Pinaupo niya ako sa sofa at hinawi ang maliit na buhok na tumatabing sa mukha ko.
"May nangyare ba? May ginawa ba siyang masama sayo?" nag aalalang tanong niya.
Kung alam ko lang kung paano nila ako ininsulto. Lalo kana Akiro
Gusto ko man sabihin kay Ken pero ayoko baka suntukin niya nanaman si Akiro at mag away sila.
"Wala namiss ko lang talaga kayo. pagpapalusot ko.
" You're lying" sabi niya na deretsong nakatingin saakin.
"Fine N-nasasaktan lang talaga ako para sayo" sabi ko at totoo yun. Kung sino mang girl yun she doesn't deserve ken-ken doesn't deserve to be hurt like this.
"Mi, kahit ako na lang ang masaktan basta hindi ikaw" makahulugang sabi niya sabay pisil ng kamay ko.
Maya maya pa ay bumalik na si Keira bitbit ang dalawang shoulder bag niya yung isa ay saakin pinahiram niya.
Agad niyang kinawit ang kamay sa braso ko at hinatak palabas, nakasunod lang si Ken at inalalayan ako na sumakay sa Kotse si Keira naman ay nagtampo dahil ako lang ang inalalayan at siya ay hindi kaya natawa nalang ako.
Napansin ko din sa shoulder bag ko ang pag vibrate ng Phone ko.
30 missed call from Akiro.
40 messages.
From: Manong.
Ma'am nasaan na po kayo?
From: Manong.
Galit na po si Sir, kanina pa kayo hinahanap uwi na kayo.
I didn't bothered to reply, i was about to off my phone when Akiro's voice message popped up.
Dahil curious ako pinakinggan ko ito.
"You will regret this Noemi for making me damn worried" he said with he's deep husky voice.
Na siya namang nagpakaba saakin.
Patay galit siya!
TO BE CONTINUED ...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top