CHAPTER- 25
«NOEMI's POV»
*KINABUKASAN
Maaga akong nagising kahit wala naman akong tulog kagabi. Bumangon ako at ginawa ang mga Morning Routines ko at ginawa ang mga iniwang gawain ni Lory nagplantsa, nagpunas at nagluto.
Tinakpan ko lang ang pagkain at inihatid ang uniform kay Akiro nakailang katok pa nga ako bago ako buksan ng Pinto kunot na kunot ang noo niya bago tinanggap ang uniform niya. Bumalik ako sa kwarto ko para magbihis ng uniform.
Pagkatapos magbihis bumaba ako bitbit ang bag ko,di ko nakita si Akiro na bumaba malamang ay nagbibihis pa yun o naliligo. Pagka abot ko kasi ng uniform sa kanya papungas pungas pa siya.
Di na ako kumain at dumeretso na ako sa kotse at sumakay, nagtaka pa si Manong Tesyong bat ang aga ko pero sinagot ko lang siya nang naninigoradong ngiti.
Pagkarating namin sa School ,agad-agad akong bumaba at napansin kong wala pa masyadong estudyante. Mukhang mas napaaga ako.
Agad kong tinungo ang classroom ko at umupo sa upuan ko dinukdok ko ang ulo sa mesa. Maya maya pa ay narinig ko na ang mga classmate kong papasok sa classroom namin.
Maya maya'y naramdaman ko na lang na may kumalabit saakin.
“Are you okay Noemi?” bahagya kong itinaas ang ulo at napagtanto kong ano bakas ang pag aalala sa mukha niya.
“Okay lang ako Vio” sabi ko at umayos ng upo.
“Sure kaba? namumutla ka kasi” tanong niya.
“I'm really fine” sabi ko at kunot noong sinilip ang likuran niya. “Sina Sy? wala pa?” tanong ko.
“Kasunod ko lang, may kinakausap pa silang boylet eh” sabi niya pasalampak na umupo sa tabi ko at pinatong ang paa sa upuan na nasa harap.
Kunot noo ko siyang pinagmamasdan, siguro naramdaman niyang tinitingnan ko siya kaya sumulyap sya saakin na may pagtatanong sa mata.
“W-what? ba't ganyan ka makatingin?” natatakang tanong niya.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinaningkitan siya ng mata, pinagmamasdan ang buong mukha niya at bawat galaw.
Nililihis niya ang tingin na siya namang hinuhuli ko. Hinuli ko ang tingin niya sa pamamagitan ng paghawak ng pisngi para maipermi ang mukha niya.
“Sabihin mo saakin Vio—”
“S-sabihin ang ano? pwede pakilayo yung mukha mo” utal utal na sabi niya at bahagya pang namumula ang tenga.
Di ako nakinig at nilapit parin ang mukha ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang tensyon niya pero pinipigilan niya lang.
“Sabihin mo saakin? Bakla ka ba talaga?” tanong ko na deretsong nakatingin sa mata niya.
Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mata niya at pag awang ng mapupula niyang labi.
“P-pwedeng lumayo ka muna, di ako makahinga” sabi niya.
“Baket di ka makahinga may ilong ka diba? At kung bakla ka talaga di ka maapektohan kapag may ganto ka lapit na babae sayo” sabi ko.
Natigilan siya ng bahagya at umiwas ng tingin.
I think, i hit a spot.
Tinanggal ko ang dalawang kamay ko sa pisngi siya, at naramdaman ko ang mahabang paghigop niya ng hangin.
“Wag ka mag alala diko sasabihin” sabi ko at dumukdok ulit sa mesa ko.
“Noemi—”
“Hey gurls! morning” putol ni Cj sa sasabihin niya.
Tinaas ko ang ulo ko at nakita ko si Euri at Sy na nasa harap ko, si Cj naman ay kausap si Vio tungkol sa boylet daw na nakilala nila.
“Dia, you look pale, What happened to you?” tanong ni Euri.
“O-okay lang ako” mahinang sagot ko.
“Tell us, Magkakaibigan tayo diba?” sabi naman ni Sy.
Kaibigan ko sila and which is true, kahit na di ako masyado nakikisali sa usapan nila inshort op ako. Palagi silang gumagawa ng paraan para maiba ang usapan at masali ako.
My college days is nothing without them, they make me feel that i have some friends na malalapitan ko at makakausap ko. Kahit di ko pa sila masyadong nakikilala. I don't want to lie to them, lahat sasabihin ko sa kanila maliban sa relasyon na meron kami ni Akiro ang professor namin.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot “D-di kasi ako nag almusal” mahinang sagot ko.
“Dia, why you didn't eat breakfast huh? What if mahimatay ka here! Gosh!” panenermon ni Euri.
I soft sorry came to my mouth, hinila ako ni Sy patayo bago magsalita.
“Let's go to the canteen and eat your breakfast ” sabi niya sabay hila saakin.
Pagkalabas namin ng Pinto agad naman na sumalubong saakin ang pamilyar na anino. His blue eyes is now darker than usual, His perfect jaw clenched with anger. I noticed that he's pressing his tongue in the side of this mouth. Alam ko ang mukhang yan, galit siya.
“Can i borrow her for a while” tanong niya bahagya pa kaming nagulat na tatlo dahil sa paos niyang boses na para bang pinipigilan niya lang ang sarili niyang sumigaw.
“She didn't eat breakfast prof, We need to take her to the canteen” sabi ni Euri.
Nakita ko ang bahagya niyang pagpikit bago magsalita.
“I can manage, i will make sure that she will eat her breakfast” madiin na sabi niya sabay hila sa kamay ko.
May sasabihin pa sana si Sy kaso nahila na ako palayo ni Akiro. I see how some students here stared us maliciously kaya yumuko na lang ako.
Nang makapasok kami sa office niya agad niya akong binitiwan at nagpakawala siya ng buntong hininga.
“Why you skip your breakfast huh? You didn't even waited me!” sabi niya na parang nagtitimpi.
Di ako sumagot at yumuko lang.
“Answer me!” dumagongdong ang boses niya na siya namang nagpa-igtad sakin.
“K-kasi w-wala a-akong gana—”
“THAT'S BULLSHIT!” sigaw niya.
Kinuha niya ang isang hand bag na may lamang tatlong tupperware's binuksan niya yung isa at nakita ko yung mga niluto ko kanina. Sinangag, ham, hotdog, Egg at may toasted bread pa.
Kumuha siya ng pinggan at nilagay niya yun doon bago ako binalingan ng masamang tingin.
“Sit here and eat, don't use that non sense excuse to me, because i won't accept that”
“Pero—”
“Eat!” sigaw niya kaya napapikit ako bago umupo sa harap niya nagsimula kumain.
Bawat subo ko ramdam ko ang titig niya na para bang pag diko sinubo patay ako sa kanya. Tinitigan ko ang plato. Ang dami naman nito pano ko to mauubos.
Binalingan ko siya ng may nagmamakaawang tingin pero tiningnan niya lang ako na para bang sinasabi niyang ubusin ko lahat to.
Wala kong choice kaya sumubo ako ng sumubo hanggang sa mapuno ang bibig ko. Maya maya'y naglapag siya sa tabi ko ng may kalakihang silver na bottle.
“Drink your milk” sabi niya.
Binuksan ko naman ito at ininom di siya, nang tingnan ko ang plato ko may isa pang hotdog at may dalawang ham pa. Kakainin ko pa ba to? Busog na busog na ako.
Tiningnan ko siya bago magsalita.
“B-busog na ako di ko na mauubos to” nakangusong sabi ko.
“Eat that if you're not going to finish that i will not allow you to leave this room” tumayo siya at naglapag ng tubig “ Now eat”
Maluha luha kong binalingan ang ham at hotdog. Di ko na kaya parang puputok na yung tyan ko.
Sinulyapan ko siya ng may maluha luhang tingin. Bahagya siyang napapikit bago magsalita.
“Fine..Wipe your tears you clumsy woman, Finish drinking your milk and leave that fvcking ham and hotdog, i will eat that later” sabi niya.
Agad -agad kong pinunasan ang patulo ko ng luha at inubos ang gatas ko. Nang maubos ko akma akong magliligpit nang....
“Leave that to me, If your going to skip your breakfast again, I will make sure that you will eat 2 Tupperwares of ham and hotdog” pananakot niya.
D-dalawang tupperware ng ham at hotdog? Jusko! Half pa lang ng Tupperware di ko na maubos e yun pa.
I nooded and i was about to step out from his office nang magsalita siya.
“Come here on my Office in Lunch Time” sabi niya.
Sabay na naman kami kumain mamaya.
“Don't think any malicious things for what i'ved been doing to you, I'm just doing it because i promise to your grandfather and your mom that i will take care of you. But it doesn't mean that i'm treating you as my wife. You're just nothing but a little girl who i took care, a childish girl that will never be my wife” madiin na sabi niya.
May naramdaman akong saket na bumalatay sa puso ko pagkatapos marinig yun. Lumabas ako sa office niya not minding all the eyes roaming me. I feel my eyes heated, and my tears flow down.
Agad kong tinungo ang restroom at pumasok sa cubicle. I found my self crying silently, sobbing and trying to dry my tears ,but my tears keep falling.
Ba't ako nasasaktan ng ganito? Ba't ko kailangan na makaramdam nito? Ni hindi ko nga ginusto na maging parte ng kasalang yun! Lahat ng pinapakita niyang pag aalaga at kabutihan dahil pala sa pangako niya kay Lolo at Mom, p-para bang napilitan lang siyang gawin lahat to! Y-yun ang nagpapasaket sa damdamin ko. Akala ko kasi okay kami, akala ko lang pala. Ako lang pala sa aming dalawa ang natuturing na mag asawa kami..Ako lang..
H-hindi niya ako kayang ituring na asawa kasi isip bata ako? kasi? bata lang ako?
Mapait akong napangiti bago pinahid ang luha ko, lalabas na sana ako ng cubicle nang....
“Alam mo yang Noemi, napakalandi!”
“Nakita ko na naman galing na naman sa office ni Prof. Akiro!”
“Oo nga eh! grabe ke bago bago may kati na”
“Akala mo naman magugustohan siya ni Prof. dzuhh? feeling niya lang”
Lumabas ako sa cubicle at hinarap sila, bahagya pa silang nagulat paglabas ko. Sila yung mga kaibigan ni Saydee.
“OO! DI AKO MAGUGUSTOHAN NI SIR AKIRO KAHIT KAILAN, DAHIL PARA SA KANYA BATA LANG AKO! AT KAYO? ” sabi ko at dinuro sila isa-isa “AKALA NIYO BA MAGUGUSTOHAN NIYA KAYONG MGA CHISMOSANG WALA PA NGANG ALAM DADA NA NG DADA! NI HINDI NIYO NGA MAPANTAY YANG NGUSO NIYO!”sabi ko sabay duro sa mga labi nilang may lipstick at tumalikod na.
Binalingan ko ulit sila bago buksan ang pinto ng CR.“ At excuse me, di ako malandi at wala akong nilalandi, Wag kayong mangbintang ng wala kayong alam, Look your Selve's in the mirror and tell me, who's the slut between us” kalmadong sabi ko at lumabas na ng Banyo.
TO BE CONTINUED........
A/N; NO. 18 PRETEND!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top