CHAPTER- 23 HUSBAND-PROFESSOR?

«NOEMI's POV»

Maaga akong nagising ngayung araw kasi humingi ng Leave si Lory samin tatlong araw lang naman daw, manganganak daw kasi yung kapatid niya. Si Jessa naman nagpaalam din bibisitahin ang Lolo niya sa Hospital, kaya si Manong Tesyong na lang ang naiwan dito.

Maaga akong nagising ngayun dahil lunes at naalala ko ang mga inihabilin ni Lory sakin.

“Ma'am si Sir alas singko  gising na kaya dapat mas maaga ikaw gumising kaysa sa kanya, mga alas kwatro gising na ako Ma'am, nag iinit ng tubig para gyud sa iyang Kape, tapos magluluto man ng agahan, tapos mag paplansta ng susuotin niya ma'am, wag ka mag alala ma'am ilalagay ko na agad sa sofa yung damit ni Sir na ipaplansta niyo, tapos pupunasan din yung sapatos niya Ma'am, ayaw niyang may dutay man na alikabok, Pagkatapos niyo iyon gawin katokin niyo lang sya kwarto niya tapos ibigay niyo.”

Grabe ang haba ng in-explain niya. Di ko inaasahan mas maaga akong nagising 3:30 AM gising na ako. Gaya ng sinabi ni Lory saakin, nasa Sofa na yung damit ni Akiro. Naligo muna ako nagsuot lang ng white sando at pants bago bumaba. Grabeee! anlamig, Malameg sa Malameggg!!

Pagkababa ko tinungo ko agad ang kusina, nag init muna ako ng tubig at nagluto ng umagahan: omelette, hotdog, ham at fried rice lang ang niluto ko. Pinagtimpla ko din siya ng Coffe takenote Black Coffe iniinom niya at wala pang asukal yan, malamang mapait yun. Tsaka kunti lang naman si Akiro kung kumain.

Humihikab pa ako habang nag pa-plansta, ingat na ingat ako habang nag pa-plansta, aba baka maging Toasted Finger ang daliri ko nito. Successful naman ang kinalabasan ng pamamalansta ko wala namang injured na daliri.

Pagkatapos kong mamalansta pinunasan ko din ang sapatos niyang itsura palang mamahalin na sabagay mayaman yung nagsusuot eh, wala namang alikabok to bakit kailangan pang punasan.

Nang matapos kong mamalansta at punasan ang sapatos niya, umakyat ako at tinungo ang kwarto niya.

Grabe.. feeling ko tuloy parang totoong asawa niya ako. What i mean is yung turingan.

Bago pa ako makakatok ay binuksan niya na, nagulat pa ako kasi mukhang kakatapos niya lang maligo, naka black na boxer lang siya at mejo magulo pa ang basa niyang buhok.

“Can i have it?” napakurap naman ako ng magsalita siya.

Wala ko sa sariling inabot sa kanya yung sapatos at damit niya, kinuha niya naman yun at isinara ang pintuan niya.

Tatalikod na sana ako ng buksan niya ulit ang pintuan.

“Thanks.” sabi niya sabay sara ulit ng pintuan.

Woahh! nag thank you siya, mukhang maganda gising niya.

Tiningnan ko ang Orasan at mag 6:00 na pala kaya agad akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis na ng uniform ko.

Sabay kaming lumabas ni Akiro sa kwarto at sabay din na bumaba, syempre sabay din na kumain.

Pagkatapos naming kumain, nauna na si Akiro sa labas at sumunod din ako.

“Sir, na assign ka pala sa bagong unibersidad? tanong ni Manong Tesyong.

“Yeah, and can't wait to teach my new students, BTW I'm going.”_ sagot ni Akiro sabay sulyap sakin at sumakay na sa Duccati niya.

Na assign pala siya sa ibang university, saan kaya yun?

Magtatanong sana ako kay Manong kong saang University kaso pinagliban ko na, wala na naman akong pake doon kanya na yun.

Agad akong pumasok sa kotse, mejo nagtaka pa ako kasi mukhang nagmamadali si Akiro, bigay na bigay sa pagpapaharorot ng duccati niya.

Nang makarating kami sa school, agad akong bumaba at nagpaalam na kay Manong.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ko ay dinig na dinig ko na naman ang mga chismisan ng mga chismosa dito. Ang aga pa pero may mga mainit na chismis na.

"Girls nakita niyo ba yung bagong Professor. Gosh! ang gwapo!"

"Oo mga mare, grabe ang pogii at ang hot! "

"Oo mga mars, nakita ko. Haysshh! parang malalaglag na nga yung panty ko eh!"

Napangiwi ako sa narinig ko grabi laglag panty talaga. Sino naman kaya yun? Nakaka curious naman.

I continue walking diko na pinagpatuloy ang pakikinig sa kanila at tinungo na ang classroom ko.

Tamang tama pagkapasok ko di pa nagsisimula yung klase namin, two weeks narin ako of being college student mejo kilala ko narin yung mga professor dito at lahat naman sila ay approachable maliban sa professor namin na panot.

Dahil wala pa naman yung prof. namin i decided to get my sketchbook and draw some things that comes on my mind.

After 10 minutes dumating si Miss. Valeria. Si Miss Valeria ay isa aming mga subject teacher. Palaging nakabun ang buhok niya, she wears thick eye glasses. You will always recognize her by her ridiculous laugh. Alam niyo yung  tawa ng isang mangkukulam, ganoon yung tawa niya. But she's the best teacher even though minsan pinapaboran niya lang yung mga pogi at magaganda sa klase.

"Good Morning!" bati nya samin sabay ayos sa malaki at makapal nyang salamin.

"Good Morning Ma'am! " we all answered. Nakisabay rin ako habang nasa sketch book parin ang mata.

" I want to say sorry student's but Mr. Alvarez is not here so it means di sya makakapagturo sa subject nya ngayon. Tumaas kasi ang dugo niya kaya on leave muna sya ngayon.

Siya yung tinutukoy kung di approachable na Professor dito. Well pabor na pabor samin yun. Sa two weeks ko dito. Sir Alvarez is such a grumpy old man napakasungit. Kaya no wonder na walang tumutol ni isa sa kaklase ko sure ako masaya pa yang mga yan.

Pero student's may bagong teacher naman kayo sya muna ang papalit kay Mr. Alvarez for the mean time dito. Actually nag tuturo sya sa ibang school but he choose muna to be here para mag volunteer. Kaya be thankful and treat him good. Importanti itong subject na to.” mahabang paliwanag ni ma'am.

Now i get it, hindi kasi kami makakapasa this semester kapag mababa ang exams namin sa subject na to.

Sa gitna nang pag d-drawing ko, my pen accidentally slip off my hands. Akmang kukunin ko ito ng sipain ng isa sa classmate ko ang upuan ko at tiningnan ako na para bang. "HUMARAP KA SA HARAP MO."

Walang gana akong umiling at tuluyang yumuko para kunin.

Excuse." naiinis kong sambit sa may apak ngayon ng pen ko. Hahawiin ko sana yung sapatos ng may nang realize ako.

This shoes is familiar, i'm the one who clean it this morning? Oh baka nagkakamali lang ako? Impossibleng nandito siya. Diba nasa ibang school yun? Pero parang ito talaga yung sapatos na yun e.

I gently look up to the man who wear this familiar shoes. I met his blue cold eyes at ang walang emosyon niyang mukha. Wala ako sa sariling napunta ang paningin ko sa matangos niyang ilong at napalunok ng umabot yun sa mapula niyang labi.

He wear his usual uniform na ako nagplansta. Although he wear that uniform kitang kita mo parin ang built ng katawan niya. Ang dibdib niya ang braso nya. His masculine scent lingers on my nose strills as i stood up.

Ito ba yung school na sabi niya kanina, bat di nya sinabi na school ko pala yun.

Yumuko sya kaya pantay na kami ng paningin ngayon. Nagmumukha akong bata dahil sa sobrang tangkad niya kahit na may heels naman itong suot kung school shoes e hanggang balikat nya parin ako.

Pinulot niya ang pen ko at inabot yun sakin.

Clumsy as always huh?" he lazily whispered at me with his rusty voice.

Dahil doon ay agad akong napaayos tayo. Hinablot ko ang pen sa kamay niya at bumalik sa upuan ko na para bang walang nangyari.

I continue doing the sketch. Not minding the deep stare. I know nakatingin siya.

Ba't kasi dito pa yan nagturo? Ba't di niya sinabi sakin? Paano pag may nakaalam? Nakakainis naman, ayokong magkaroon ng issue dito.

Napabalik lang ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang baritono niyang boses.

“I'm Akiro Seveiros you can call me Professor Akiro. For now on i'll be your Marketing  Professor. I will not tolerate students that won't respect and listen to me. Whatever or who you are." sabi niya sabay baling ng paningin sakin na tila bang yung huli nyang salita ay para sakin. I lower my gaze at pinagpatuloy ang pag d-drawing ko.

E ano naman ngayon, pshhh. Deponggal ka Akiro pag ako na issue dito mag f-file ako ng annulment. Gusto ko lang naman mag aral ba't ganito.

"Grabe! ang gwapo naman nya!"

"Mukhang gaganahan ako mag aral nito! "

"Ayshh!! grabe ang hot !"

"Ang swerte natin dito sya magtuturo satin, can't wait!"

I secretly rolled my eyes to them. Pag nasahan niyo yan, tingnan natin kung papatulan kayo niyan. Baka pinaglihi yan sa bato.

Napaigtad ako nang sumulpot siya sa harap ko.

"Hey." he pointed me. "Are you listening? ” he asked habang nakataas ang isang kilay.

“Of course, Akir—Sir. I'm listening.” tarantang sagot ko at pinandilatan sya.

His lips form in a thin line. Na tila ba alam niyang di ako nakikinig. He rolled his eyes in a hot way and continue giving us his rules. Can't you believe it! He just rolled his eyes at me! Suplado!

“Okay student's, Good bye and mag cooperate kayo kay Prof. Akiro don't be pasaway to him. binalingan nya si Akiro ng tingin animo'y kinikilig pa. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Ma'am maharot din pala ang isang to.

"Bye Professor Akiro. Just tell me.." sabay tucked-in ng buhok niya sa tenga. " If may magpasaway sa mga students dito." sabi ni Ma'am sabay flip ng buhok.

"Yes Ma'am." ikling sagot naman ni Akiro.

"Okay, bye students behave!" sabi ni Ma'am sabay labas pero sumulyap pa kay Akiro.

No wonder why anyone who sees him reacts like that, because he is really handsome - very hands. His Mom and Dad are both foreign nationals, so it's no wonder he's that handsome.

With a paper colored skin, tall, with a sharp narrowed nose, blue eyes. A perfectly shaped jawline that seems to have been molded by a sculpture that only suits him. And when he's angry his face look bad and scary but its making him 3times hotter than usual.

His muscles was place in the right places. His chest, his broad shoulders, his abs and his arms everytime that his doing something the veins was protruding in it. And most of all is his soft and red lips. Almost of his features was perfect.

Ang problema lang talaga jan e ang ugali. He's so cold as ice, emotionless and bossy. I don't know kung paano ako nakatagal sa kasama siya.

Sobrang problemado ako na andito siya kasi pag nalaman ng lahat kung ano kami alam kong magiging isang malaking problema to. Because...

THAT PROFESSOR IS MY HUSBAND


Shaaneep


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top