CHAPTER- 22

«NOEMI's POV»

1 week na rin ang nakalipas noong hinalikan ako ni Akiro. At i swear di ako pinatulog nun gabi² sa kaka over think ko!

Kaya ayun di ko siya pinansin ng isang buong linggo, ewan nahihiya ako at feeling ko napaka -awkward pag kaming dalawa lang yung magkasamang dalawa. Kaya minsan lumalayo ako at umiiwas.

Kasalukuyan akong nasa isang bar na nag ngangalang "BROKEN BAR" sounds wierd, Sunday ngayun kaya inaya ako ni Ken na pumunta sa Gig niya. Karamihan naman ng nandito mga teenager katulad ko kasama ko rin si Keira dito.

Kahit na nasa bar kami di kami pinayagan na uminom ni Ken kaya ito tiis-tiis sa Orange Juice habang si Keira naman enjoy na enjoy kakasipsip ng Chuckie niya.

Baket ba 18 na ako ah! dapat pwede na ako uminom eh.

Napabalik ako sa katotohanan ng may nagsalita.

"Lets round of applause to "HADES!"

Hades yung pangalan ng Band nila ni Ken. Kakanta na sila!

Nagsipalakpakan ang mga tao at nagsisigawan.

"Ken! Tangina ang pogi mo akin ka na lang!"

"Go ken! Ilabyoooo!"

"Ken Mahal kita!"

Woah! peymus na siya ahh!!

Lalong lumakas ang palakpakan ng magsimula si Ken kumanta.

"Kinukulayan ang isipan"
"Pabalik sa nakaraan"
"'Wag mo ng balikan"
"Patuloy ka lang masasaktan "

"Hindi nagkulang kakaisip"
"Sa isang magandang larawan"
"Paulit-ulit na binabanggit"
"Ang pangalang nakasanayan"

"Tayo ay pinagtagpo"
"Ngunit hindi tinadhana"
"Sadyang mapaglaro itong mundo"

Ang ganda ng boses ni Ken, bawat nota nanggagaling sa puso niya, Kaya no wonder nabihag niya yung mga puso ng mga taong nandito.

"Kinalimutan kahit nahihirapan"
"Para sa sariling kapakanan"
"Kinalimutan kahit nahihirapan "
"Mga oras na hindi na mababalikan "

Marami rin ang nakikisabay sa kanta kaya di ko rin mapigilan na sumabay rin lalo na tong si Keira bigay na bigay.

"Pinagtagpo "
"Ngunit hindi tinadhana"
"Puso natin ay hindi"
"Sa isa't-isa..."

Nagulat na lang ako ng umiyak ang katabi kong babae mukhang lasing na siya.

"Potangina! Mahal ko parin siya marsss!" sabi niya sabay tuga ng Beer.

"Ah-eh HAHA, halata nga marss" nakangiwing sagot ko.

Sinasakyan ko lang trip niya baka mapalo ako ng bote sa ulo eh.

"A-lam -mo kahit bweset at malandi ang lalakeng yun, mahal ko —parin siya..” sabi niya sakin at bahagyang napiyok pa.

Grabe talaga ang epekto ng alak lahat ng hinanaket mo nilalabas.

"Hindi na maibabalik ang dati nating pagsasama"
" Ang tamis ng iyong halik ay di na madarama "
"Pangako sa isa't-isa ay 'di na mabubuhay pa"
"Paaalam sa 'ting pagibig na minsa'y pinag-isa "

"K-kyle b-baket moko niloko! " sigaw din ng katabi ni Keira.

Masama na to nagsisilabasan na ang mga sadboi at sadgirl.

"Ate, kinakabahan na ako pinagkakamalan niya akong si Kyle. Umiinom lang naman ako ng chuckie dito eh." natatakot na sabi ni Keira.

Kaya napagpasyahan namin ni Keira na maghanap ng ibang upuan.

"KYLE! BUMALIK KA DITO! AYUSIN NATIN TO! MAHAL NA MAHAL KITA!" sigaw ng lasing na babaeng katabi ni Keira.

Kaya lakad takbo kaming umalis doon, may nakita kaming bakantengan upuan sa harap kaya umupo kami at nakinig sa kanta. Di lang naman namin napansin na patapos na ang kanta.

"Kinalimutan kahit nahihirapan (oh)"
"Para sa sariling kapakanan (oh) "
"Kinalimutan kahit nahihirapan (oh) "
"Mga oras na hindi na mababalikan"

"Pinagtagpo"
"Ngunit hindi tinadhana "
"Puso natin ay hindi "
"Sa isa't-isa..."

Nang matapos ang kanta nagsipalakpakan ang mga tao pero may naririnig din akong sumisinghot, umuubo, humahagulgol at hinahanap ang ex nila. Ang weird ng bar nato, pag na broken din kaya ako dito din ako pupunta para umiyak, sumigaw?

Yuck! never!

"Ken woahh! Galing!"

"Galing mo Zed !"

"Aquel! pakipokpok ako ng drumstick!"

"Ethan lahian moko please!"

"Ken ligawan moko!"

"Lake! galing mo tangena! "

"We love you Hadesss!"

Rinig kong sigaw sigawan ng mga nanonood, kumanta pa sila ng isang kanta at nagpaalam na.

Inaya kami ni Ken sa Back Stage para ipakilala sa mga kasama niya.

"Mga Bandmates ko, Si Zed Guitarist namin yan." turo niya sa lalakeng may katangkaran, moreno, mahaba ang buhok niya na nakapusod ang pagkakatali may kalakihan din ang katawan. At mukhang himuhiyaw sa kapogian kaso nakaka intimidate siya. Mukhang suplado.

May nakasukbit na itim na gitara sa likod niya, seryoso lang siyang nakatingin saamin. Nakasuot siya ng black polo na tinupi hanggang siko. Walang expression ang mukha ang habang nakamasid saamin.

Tumikhim muna ako. "H-hi Zed, I'm Noemi." pagpapakilala ko.

"Hi Kuya pogi, Keira pala you can call me baby." sabi ni Keira sabay hagikhik.

"Kei, umayos ka." saway ni Ken kay Keira kaya umismid na lang si Keira.

"Zedrick" ikling pagpapakilala niya saamin, nagulat pa ako dahil sa lalim ng boses niya.

"Ito naman si Aquel, drummer naman namin yan" turo ni Ken sa mejo may kaliitan na lalaki—i mean he's not that short mas matangkad lang sila ni Ken ng kunti sa kanya. Ang advantage niya lang ay napakaputi niya. Ano kayang sabon nito? Maputi naman sila ni Ken except kay Zed kasi moreno siya. Maputi sila pero wierd mas maputi siya.

Kapansin pansin yung braces niya kapag ngumingiti siya, di naman yun nakakabawas sa kapogian niya—gwapo siya. Ano pa kaya kung tanggalin niya yung braces niya. Nakasuot lang siya ng black oversized shirt kaya tumitingkad ang kaputian niya. May drum stick siyang hawak sa kanang kamay pinapaikot-ikot niya iyon.

"I'm Aquelles, but i preferred you to call me Aquel." pakilala niya samin sabay ngiti.

"Ito si Lake, siya yung Leader namin nag pi-piano siya." turo niya sa singkit, matangkad na lalaki. Kita yung pantay niyang ngipin dahil  parati siyang nakangiti. Nakasuot siya ng Hoodie na may print ng group nila. Siya pala yung leader!

Feeling ko siya yung mas madaling ma-approach napakagaan ng aura niya. At palangiti siya kanina ko pa yun napapansin nong nag pe-perform sila. He keep smiling while playing piano, marami tuloy ang napapatili.

"Lake Hanze, Nice to meet you, Noemi and Keira." masiglang bati niya samin at ngumiti.
Ang kyut ng mata niya nawawala pag ngumingiti sya.

"Ethan, Visual namin minsan bass." pakilala ni Ken sa matangkad at cute na lalaki. Pogi din naman siya but same time cute din kasi kapansin pansin yung cheeks niya at dimples. Tuwing ngumingiti siya tumataba yung cheeks niya at kita yung dimples niya.

Ang gwapo niya din, nakasuot lang siya ng jersey printed doon ang name ng group nila at may panloob na white shirt yun. May bandana din siya sa ulol. Grabe parang kpop idol siya ang pogii!

"Treyton Hance, But just call me Ethan. Nice to meet you." sabi niya sabay ngiti, kita ko tuloy ang dimples niya.

Grabe! ang p-pogi ng bandmates ni Ken! also si Ken ang pogi niya din! He looks cool while singing kanina parang relax na relax siya at alam niya ang ginagawa niya, walang kakaba-kaba. Indeed deserve niya ang position niya.

Sinama kami nila sa table nila sa Back Stage di sila nagtable sa labas kasi baka dumugin sila, marami pa namang lasing.

Umiinom sila ng beer habang kami ni Keira pa juice² lang at nakikinig sa usapan nila.

Napansin kong nakakatawa pala si Aquel at madaldal rin, minsan natatawa ako sa mga banat niya.

Si Lake naman masayahin siya pero seryoso naman kong napupunta sa banda nila ang uusapan, not surprised na siya yung Leader he looks mature while talking some topics about their group.

Si Ethan naman ang bungisngis sa kanila at pikon paborito siyang asarin ni Aquel. Ngingisi-ngisi lang siya sa banat ni Aquel sa kanya pero halata sa mukha niya ang pagkaasar at pag titimpi. He's jaw clenched kapag nagpipigil siya, gone with cute Ethan.

At si Zed naman ay kabaliktaran ni Aquel, kung si Aquel madaldal. Si Zed naman ay tahimik lang di siya umiimik at sasagot lang kapag may itatanong sa kanya. Nasa pinakagilid siya at halukipkip na nakikinig magsasalubong ang makakapal na kilay kapag di siya sang ayon sa pinag uusapan.

Naka ubos sila ng tig aapat na bote ng beer. Pero si Aquel mukhang higit sa apat ang nainom, napapangiwi ako tuwing iisang tugaan niya lang ang isang bote ng beer. Kaya ayan lasing na ata mas naging madaldal na siya e.

Binubulgar niya si Ethan matagal na sigurong magkaibigan tong si Ethan at Aquel, aquel telling us, how Ethan flirt during their college days

Sina Ken, Ethan, Lake, at Zid mukhang normal pa naman di pa sila lasing. Owah tataas ng alcohol tolerance ah!

"Bye Noemi, uwi na kami ihahatid ko pa tong bungangerong to." paalam ni Ethan habang hinahatak si Aquel na dada parin ng dada.

"Babye Noe—mi, wag ka kay- Ethan ah! man-loloko tong gong-gong nato kasi alam -mo noong College— F-CK!-" di niya natuloy ang sinasabi niya dahil tinakpan na ni Ethan ang bibig niya.

"Manahimik ka jan, kung ayaw mong ipokpok ko tong bote sayo" singhal kay Aquel sabay kaladkad.

Nagsi-paalam narin sina ni Lake at Zed. Isang simpleng kaway lang ang paalam ni Zed para siyang nagmamadali and i saw a smirk plastered on his face but still ang cold niya may naalala tuloy akong tao sa kanya. Akiro.

Nag CR pa si Ken kaya hinintay namin siya sa Parking Lot. Tinawagan ko din si Lory na mejo malalate ako sa pag uwi. Pagkatapos ay ibinulsa ko na ang cellphone ko. Sa di kalayuan nahagip ng paningin ko si Zed na may kausap.

Matangkad na lalake pero di ko kita ang mukha dahil naka hoodie siyang itim. Sino kaya yun, i feel na familiar siya. Parang nakita ko na siya, i'm not sure pero parang sa tindig p-parang kilala ko. Akmang babalingan ng tingin yung lalaki kaso may humigit sa braso ko. Sinulyapan ko ang lalaki, nahigit ko ang hininga nong mahuli siyang nakatitig saakin. Nasa dilim siya pero parang pamilyar talaga.

"Ate, tara na." sabi ni Keira at hinigit ako kaya natanggal ang tingin ko roon.

Sinulyapan ko ulit kung saan ko nakita si Zed at ang kausap niya, nagulat na lang ako ng wala na sila doon.

Namalikmata ba ako? Di naman ako uminom ah! T-teka ang bilis naman nila.

Pinikit ko saglit ang mata ko at iminulat, mukhang namalikmata lang ata talaga ako. Kaya agad akong sumunod na kay Keira.

Habang nasa biyahe si Keira kwento ng kwento sa impression niya sa apat na bandmates ni Ken.

"Ang pogi ni Kuyang Zid, kaso snobber." sabi niya.

"Ganun lang talaga siya pero mabait naman yun." sagot ni Ken habang nasa daan parin ang tingin.

"Ano masasabi mo sa kanya ate?" tanong ni Keira sakin.

"Mejo may pagka cold nga siya pero parang tama naman si Ken mabait siya kahit tahimik lang. " sabi ko.

"Musta sa bagong school mo, Mi?" pag iiba ni Ken sa usapan.

"Okay naman, mejo nakaka adapt na din namiss ko kayo kasama." inaantok na sagot ko at napahikab na, rinig ko pa ang marahang pagtawa ni Ken. Ang lalim ng boses niya.

"Ako din miss na kita!... wala bang umaaway doon sayo te?" tanong ni Keira.

"Wala naman, mababait naman sila sakin, pwera lang sa masungit naming prof." sabi ko sabay hikab.

Bago ako tuluyang makatulog narinig ko pa ang ilang sinabi Ken pero di na malinaw dahil tuluyan na akong nilamon ng antok.

KINABUKASAN .....

Pagkagising ko nasa loob na ako ng kwarto ko at iba na ang suot ko.

Baka binihisan ako ni Lory kagabi.

Di na sakin big deal yun, dahil tuwing nakakatulog ako sa sofa, binubuhat ako ni Manong Tesyong at pinapasok sa kwarto ko at sinabi sakin ni Lory na binihisan niya ako ng pantulog.

Kaya wala lang yun sakin, kung anong meron akong nakikita ni Lory meron din siya ano naman ang nakakahiya doon, e pareho naman kaming babae.

Dali dali akong bumangon naligo at nagbihis na, pagkalabas ko as usual kaharap ko si Akiro na naka uniform narin. He look so manly and handsome sa ayos niya, mejo nawala nadin ang hiya ko kaya back to normal.

Naconfirmed ko din kay Lory na sya nga ang nagbihis saakin at si Manong Tesyong ang naghatid sakin sa kwarto ko.

Di tulad noong isang linggo, parating si Manong Tesyong na ang naghahatid sakin sa school.

Pagkadating ko sa school, agad akong umupo sa upuan ko at hinihintay na dumating ang apat kong kaibigan.

A/N: KEEP SUPPORTING NO. 20 PRETEND!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top